Bumalik si Althea and Jade sa table na nagtatawanan at magkahawak ang kamay
You both seemed happy?..
Sabi ni Bryan habang si Lucas nakatingin lang sa dalawa na may ngiti sa gilid ng kanyang mga labi
Ah oo ang kulit kasi ni Jade
San ba kayo nang galing ha?
Althea?
Uhh..
Sabay tingin kay Jade
Sa lady's room nag retouch lang, alam mo naman how girls are right?
Biglang sabi ni Althea
Okay... well can I have this dance?
Sabi ni Bryan na naka inom na ng tatlong bote ng beer
Uhm... dancing isn't really my thing Bryan, alam mo yan
Sige na please?
Sabay tayo ni Bryan
Uhm.. Bryan? Okay ka lang ba?
Yes Ms. Jade gusto ko lang isayaw yung date ko, may problema ba dun?
Wala naman pero if Althea doesn't want it..
Jade okay lang.. tara na Bry
Uh.. bro ingatan mo yang kaibigan namin ah
Seryosong sabi ni Lucas
Don't worry bro matagal ko nang iniingatan to
Mabuti kung ganun
Mukhang maagaw pa nga eh
Mahinang sabi ni Bryan na si Althea lang ang nakarinig at hinampas niya sa braso si Bryan
Anung pinagsasasabi mo dyan?!
Galit na sabi ni Althea pero mahina ang pagkakasabi
Wala !
Samantala sa table nila Jade
Mukhang may malaking balakid sainyo ah?
Sabi ni Lucas
Ha? Anung ibig mong sabihin?
Hay nako Jade ako pa pinaglilihiman mo
Lucas ano bang mga pinag sasabi mo? Hindi kita maintindihan
Look Jade
Sabay hawak ni Lucas sa kamay ni Jade at sabay ngumiti sa gilid ng labi niya
Kaibigan niyo ko kahit na ano pa yan susuportahan ko kayo besides boto ako sainyo hehe
Sira! Hindi ganun yun Lucas magkaibigan lang talaga kami
Ah basta ! Mag deny ka fine pero I promise na ako yung unang unang taong magtatanggol sainyo okay? You have my word for it, I promise
Sabay yakap ni Lucas kay Jade na nakuhanan ng nag vivideo coverage sa event napatingin si Jade kay Althea habang naka yakap kay Lucas at nakita niyang nakatingin din ito sa kanya
Mukhang kailangan na ng hero ng girlfriend mo Jade hehe
Uy hindi ko girlfriend si Althea
Sabay namula ang pisngi ni Jade
Hahaha see? Wala pa nga akong name na sinasabi si Althea na kaagad yung binanggit mo hahaha but anyway okay hindi mo PA girlfriend
Sira !
At tuluyan ng namula ang buong mukha ni Jade
Teka lang Jade
San ka pupunta?
Watch me
At tumayo si Lucas at pumunta kung nasaan sila Althea
"Luh anung planung gawin ni Lucas?"
Sabi ni Jade habang pinag mamasdan si Lucas at sila Althea
Uh.. pre
Sabi ni Lucas habang tinatapik ang balikat ni Bryan napatingin lang si Althea na confused
Pwede ko bang maisayaw si Althea?
Ha? Uh.. okay sige.. babalikan kita baby ah
Sabi ni Bryan, at ibinigay na nga ni Bryan si Althea kay Lucas
May I have this dance?
Anung trip mo Lucas?
Haha wala naman mukhang need mo na ng rescue hehe, mukhang nabadtrip sakin yung kaibigan mo ah
Hayaan mo na ganun talaga yun
Ahh.. mukhang controlling yun pag naging kayo
Luh? Judge agad?
Hindi !! Haha bilang lalaki syempre nababasa ko mga galawan ng isa pang lalaki and sa tingin ko... masasakal ka lang sa kanya kaya kung ako sayo? Dun ka nalang sa taong mahal mo talaga
Ha?? Ano bang sinasabi mo dyan?! Hahaha
Wala naman just stating observation
Hay nako Lucas knowing you alam kong may mga laman yang mga sinasabi mo
Hahahaha okay you got me uhm.. ganito... whatever you choose always remember na nandito lang ako lagi para sumuporta and ipagtanggol ka no matter what bilang kaibigan okay?
Lucas? Hahaha may sakit ka ba?
Sabay hawak ni Althea sa noo ni Lucas
Hahaha wala noh ! Wait tawagin natin si Jade
Ha? Bakit?
Syempre anung gusto mo tayo lang nag eenjoy dito?
Syempre hindi..
Yun naman pala eh
At hinatak ni Lucas si Althea papunta sa table kung nasaan si Jade
Jade !
Sabay abot ni Lucas sa kamay niya
Uh.. tapos na kayo??
Sabay sabi ni Bryan
Hindi pa bro, wait lang tara na Jade
Sabay hatak sa kamay ni Jade
Uhh.. anung nangyayari???
Sabi ni Jade sabay tingin kay Althea
No idea
Senyas ni Althea kay Jade
Let's dance together masaya yung music oh !
At nag agree nalang si Althea at Jade at nakisayaw na din kay Lucas, maya maya pa ay biglang umalis si Lucas
Direk ayos lang ba kung bigyan natin ng regalo ang mga tumangkilik sa TV Series natin?
Sabi ni Lucas
Pwede naman, pero pano?
Sabay turo kung nasaan sila Althea and Jade
Sabihan natin yung nag cocover ng event na focusan sila sa slow dance
Slow dance?
Yes direk syempre magkasama na sila dun sabihan natin yung emcee na bawal umalis and dance with whoever na kasama nila sa dance floor and then poof ! Mag sslow dance sila and then yun panigurado direk matutuwa ang mga fans ng Mika and Claire loveteam
Hmm.. not bad ah.. pwede ka na pala mag orchestrate ng scenes Lucas eh
Eh direk alam mo namang hindi pa ako ready dyan
Hahaha kung sa bagay bata ka pa malayo pang mararating mo sa harap ng camera at sa itsura mong yan hindi ka pa bagay sa likod ng camera
Salamat direk
O sige na sabihan mo lahat ng dapat sabihan gusto kong makita yang pinaplano mo
Cge po direk
At inikot na nga ni Lucas lahat ng kailangan at nasabihan na lahat ng dapat sabihan pagkatapos nito ay bumalik siya kila Althea and Jade
Uy! san ka galing??
Sabi ni Jade
Okay girls meron tayong gagawin okay?
Teka... ano yun?
Basta just go with the flow let's give a present to your fans
Ha??
Nagtatakang sabi ng dalawa
We'll bring back Mika and Claire to their last dance and your first slow dance as Althea and Jade
Hala Lucas ! Alam ba ni direk to??
Sabi ni Althea
Only the Mika and Claire dance just do your thing girls okay?
Sabay umalis si Lucas pagkatapos ay nagkatinginan si Althea and Jade yumuko pareho at unti unting namula ang mga pisngi nila at maya maya pa ay nag salita ang emcee
Okay everybody stop right where you are ! Oops ! No moving.. teka teka bawal na din ang umalis sa kinakatayuan niyo wag na kayo mahiya okay? Exclusive ang party na to kaya ease up and relax anyway sige kung sino man ang kaharap niyo ngayon sila ang magiging partner niyo oops ! No cheating haha sayang ! Hindi si crush yung kaharap hehe okay para maging extra special naman ang gabi natin grab mo yung taong nasa harap mo kakilala mo man yan o hindi basta ! Teka lang wag kayo basta mamili ng partner dapat yung parehong magkaharap lang sa isa't isa
Nagtinginan ulit si Althea at Jade at lalong namula
Uh.. anung meron?
Tumingin si Althea kay Lucas at sobra ang ngiti nito at nag senyas ng okay kay Althea
Mm.. Jade mukhang pakana ni Lucas to
Ha? Nasaan?
Ayun oh ngiting ngiti siya dun
Hala oo nga noh ! Sira talaga yun
Suus kunwari ka pa ! Gusto mo din akong maka sayaw eh
Oy baka ikaw ! Haha kayo tong may pinagusapan dyan eh
Hala? Kami ba? Kayo kaya yung unang nagusap haha
Sabi ni Althea
Uhm.. so pano? Enjoy nalang natin?
Sabi ni Jade
I'm already enjoying
At nagsimula na ang slow dance
Okay wag na magkahiyaan pagkakataon niyo na yan para maka buo ng kahit ano pagkakaibigan o pagmamahalan ayiieee ! Sana naka pares niyo ang mga crush niyo hahahah
Habang ngaasar ang emcee ay siya namang tawanan ng lahat maliban kay Bryan
Dapat ako yung nandun eh !
Tumayo si Bryan at naglakad papunta kung nasaan sila Althea and Jade ng biglang dumating si Lucas na may dalang inumin
Bro !! San ka pupunta? Tara inom pa tayo !
Sabi ni Lucas sabay abot kay Bryan ang isang beer na hawak niya
Teka lang pare pupuntahan ko lang si Althea
Bro wag na inom nalang tayo and isa pa slow dance yan bro
Yun na nga eh slow dance dapat ako yung nandun kasama ni Althea
Oo nga sana nga eh kaso you know the rules hayaan mo na muna sila dun let's enjoy ourselves here pare
Okay sige...
Nakakunot na noong sabi ni Bryan. Samantala sa dance floor
Sige na girls and boys wrap your arms around your partners malay niyo diba? Sila na pala ang soulmate niyo
At ipinatong ni Jade ang mga kamay niya sa balikat ni Althea samantalang nakahawak naman si Althea sa bewang ni Jade
Is this okay?
Sabi ni Althea
Everything is Althea..
Maya maya pa ay sinabi ng emcee
Closerrrrr !! sige na wag na kayo kJ! Just enjoy the moment malay niyo ngayon niyo lang pala magagawa yan
At siya naman itong ginawa ni Althea and Jade at dito na nag simulang magfocus ang emcee
Uy ! May nakikita ang sa dance floor na very promising camera man please focus on our very own Mika and Claire woooh !
Nagulat si Jade and Althea ng mabanggit ang character names nila
Final dance ng Mika and Claire loveteam, Ms. Jade and Ms. Althea revive niyo naman po ang mga nag gagandahan niyong characters regalo niyo na daw sa mga fans niyo hehe isa na ko dun hihi
At tumingin sa paligid si Althea and Jade at lahat ng nag sasayawan ay sakanila na halos naka tingin habang kilig na kilig, hanggang sa nag si gilidan ang ibang pairs at bumuo ng bilog habang sila Althea and Jade ay ipununta sa gitna ng bilog
Act natural po mam utos po ni direk
Nagtinginan si Althea and Jade at nangiti sa gilid ng mga labi nila
Let's just enjoy the moment then lablab
I agree
At naglapit pa lalo ang dalawa habang sumasabay sa tunog ng kanta
And now forever I know.. All that I wanted...
Kanta ni Jade na si Althea lang ang nakakarinig habang nakatitig sa mga mata ni Althea
To hold you... so close..
Kanta naman ni Althea na si Jade din lang ang nakakarinig habang nakatitig lang din sa mga mata ni Jade
So close to reaching that famous happy end
Almost believing this was not pretend
Now you're beside me
And look how far we've come...
So far...
We are...
So close...
Sabay nilang kinanta ang huling linya habang nakadikit ang mga noo nila sa isa't isa at sabay nag sipulan at nag palakpakan ang lahat ng nasa venue
Galing galing !! Woohh !!
Sobrang natural niyong tignan !!
Nakakainlove kayo Mika and Claire woot !!
Congrats!! Mahusay !!
Hiyawan ng mga tao sa party
Grabe !! Kailangan ko ata magpahangin ang intense ! Sobrang grabe kayo Ms. Jade and Ms. Althea, I'm a fan sobrang napahanga niyo ko kayo din ba guys? And girls?
Wooot !!
Nag sipulan at palakpakan ulit ang mga tao
Wheeew ! Partida yan guys ! Hanggang tinginan lang yun pero pakiramdam ko matutunaw ako sa titigan nila ! Kuyang camera man nakuhanan mo ba bawat pangyayaring yun? Sobrang exclusive buti nalang tinanggap ko tong trabahong to hahah
At nag tawanan ang lahat
Pano pa kaya guys kung may actual kiss yun??
At halos mag wala lahat ng nasa venue
Free the kiss ! Free the kiss !!
Sigaw ni Lucas
Pare seryoso ka???!
Sabi ni Bryan
Bro relax it's for the fans
Kahit na parang iba kasi yung kutob ko
Napatingin si Lucas sakanya
Bro over thinking lang yan naging sobrang malapit nalang talaga kasi naming lahat
Hm.. hindi eh pakiramdam ko may nag iba kay Althea
Bro ano ka ba ang dami mo ng nainom kung anu-ano na yang iniisip mo halos mag best friend na yang dalawa syempre lagi silang magkasama sa set kapag magkakaiba ng venue ng shooting
Hm.. okay kung ganun naman pala sige ayos lang
Good ! Free the kiss ! Come on guys ! Free the kiss
At nag sabayan ang lahat sa chant at lumingon si Jade and Althea kay Lucas
Go for it !
Senyas ni Lucas sa dalawa
Ang daming pakulo ni Lucas
Mahinang sabi ni Jade kay Althea
Eto pala yung tinutukoy niya kanina
Mahinang sagot ni Jade kay Althea at napuno ang buong paligid ng free the kiss chant pamula sa lahat ng taong nandoon
Free the kiss ! Sige na Ms. Jade and Ms. Althea hihi
Kinikilig na sabi ng emcee, at nagtinginan si Jade and Althea medyo nahihiya dahil sa dami ng taong nakatingin sa kanila ng biglang nag play ang DJ ng music
At unti unting nadala sila Althea and Jade sa kanta
I want something Just like this...
Kanta ni Althea kay Jade ng mahina
I want you...
Sabi ni Jade kay Althea ng mahina at napatigil si Althea habang nakatingin lang kay Jade
"Yung puso ko.. sobrang bilis..."
Won't you say something?
Nanahimik sa paligid nila Althea na parang nasa sariling mundo lang nila sila na silang dalawa lang ang nagkakarinigan kahit na panay ang hiyaw at sigawan ng nasa paligid nila
Ang bilis ng puso ko Jade..
Sakin din naman parang nakikipag karerahan
At nagkatitigan ang dalawa at unti unting naglapit, hinawakan ni Jade ang pisngi ni Althea ng dalawang kamay habang titig na titig sa mga mata niya si Althea naman ay nakahawak sa mga kamay ni Jade habang nakatingin din sakanya
Althea... alam kong bago lahat ng to satin... but I hope there's more to it than just this...
I know... I feel the same way Jade... but right now isa lang ang sigurado ako... masaya ako sa nararamdaman ko para sayo...
Masaya rin ako lablab
Nagngitian ang dalawa at sabay na pumikit habang naka tilt sa magkabila ang mga ulo nila at unti unti nilang inilalapit ang mga mukha nila sa isa't isa hanggang sa magdikit ang mga ilong nila hanggang sa nag lapat ang mga labi nila sa isa't isa at tuluyan ng na Free the kiss