Hope in a Bottle (Completed)

By Dominotrix

16.4K 518 95

Two worlds meet hoping to become one'; one engulfed in darkness and another full of joy and happiness. A sto... More

Prologue:
Chapter 1: Lian
Chapter 2: Shot
Chapter 3: The right to love and be loved
Chapter 4: Si Pagong at si Galunggong
Chapter 5: Ang Buhay! Bow!
Chapter 7: She loves me? Talaga? Totoo? Weh...
Chapter 8: Exclusively Dating lang Pala.
Chapter 9: Happy Birthday Lian!
Chapter 10: Graduation Day
Chapter 11: Pain Killers
Chapter 12: Faith
Chapter 13: Hope
Chapter 14: Love
Chapter 15:...................
Author's note

Chapter 6: Anong Title ba ang maganda?

742 28 1
By Dominotrix

Ramdam ni Lian ang init na tumatama sa mukha niya na nanggaling sa kanyang bintana. Unti-unti niyang minulat ang kanyang mga mata. Yayakapin niya sana ang sarili niya, pero naisip niyang hindi na kailangan yon. Alam niya na sa mga panahon ngayon ay masaya siya, hindi niya kailangang humarap sa salamin at tingnan ang pilit na ngiti sa kanyang mukha, dahil alam niyang nakangiti siya. Umupo si Lian sa kanyang kama at tiningnan ang kanyang kwarto. Maaliwalas ito kumpara noong una na lagi na lamang nakasara ang bintana at nakatakip ang mga kurtina. Parang may kuryente na bumuhay muli sa kanya.

Bumangon siya at inayos ang sarili niya. Naghilamos siya at sinuklay ang kanyang buhok. Mayari iyon ay bumaba siya. Wala ang ama niya at pumasok na sa trabaho. Ang Mama naman niya ay nasa sala at naglilinis.

"Ma! Monthly check-up ko ngayon di ba? Parang nagulat ang kanyang Ina na siya pa ang unang naka-alala noon. Kadalasan kasi ay wala itong ganang marinig ang sinasabi ng doktor, paulit-ulit lang naman ang sinasabi nito.

"Oo nga pala ano. Mga alas-10 tayo pumunta at magpapa-schedule muna tayo. Sige kumain ka muna diyan." Binitawan ng kanyang Ina ang panlinis at tumawag sa ospital, si Lian naman ay kumuha ng isang pirasong sliced bread at pinalamanan niya ng itlog. "Hello! Magpapa-schedule kami kay Dr. Roque. Si Mrs. Centeno kamo."

"Ok po Ma'am. Punta na lang po kayo dito gaya po ng dati." Parang kilala na sila ng sekretarya ng doktor at hindi na sila hiningan ng karagdagang impormasyon. Halatang madalas na doon si Lian.

Tiningnan ni Lian ang orasan. Mahaba pa ang oras niya bago maghapon. Habang wala pa si Shot ay hahanap siya ng mapagkaka-abalahan. Lumabas siya ng kanyang bahay. Pumunta siya sa tindahan sa tapat, kahit wala naman siyang planong bilhin. Hindi niya alam pero may kakaiba sa araw ngayon.

"Aba, Lian, buti naman at nakalabas ka ng bahay mo. Para ka ng bampira sa puti mo, kakukulong mo." Biro ng may-ari ng tindahan sa tapat.

"Hindi naman ho. Talagang ganito na ho ang kutis ko. Bigyan niyo nga ako ng isang soda drink."

Pumunta sa ref ang tindera. Akma niyang bubuksan ang soda ng naalala niya ang kalagayan ni Lian. "Pwede ba sa'yo ang soda? Ang aga-aga ah. Batang to, tanungin mo muna kaya Mama mo." Nag-alala ang tindera na baka siya pa ang mapagsabihan ng Nanay ni Lian.

"Hindi ho pwede ho yan." Pagpupumilit ni Lian kahit na nga alam niya namang maraming ipinagbabawal sa kanya.

"Magaling ka na ba? Parang maaliwalas nga ang itsura mo ah." Bati ng tindera na napangiti kay Lian. Hindi naman sinagot ni Lian ang sabi ng tindera. Pero sa isip isip niya ay humihiling siya na sana nga ay totoo ang sinasabi ng tindera.

Bigla siyang kinilabutan. Muli ba siyang umaasa na sana ay gagaling siya? Bakit ganito muli ang nadarama niya gayong noong mga nakaraang panahon ay ayos na siya kung hindi siya gumaling. Inisip niya na marahil ay dala ito ng binata sa kanya. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa na binabalik ni Shot ang pag-asa niya o dapat siyang magalit na binibigyan lang siya nito ng maling pag-asa.

.....

Lumipas ang ilang oras at pumunta sila sa ospital. Sa ibaba pa lamang ay binati na siya ng ilang nurse na nakakakilala na sa kanya doon. "Welcome back Lian. Parang glowing ka ngayon ha." Nginitian sila ni Lian at kinawayan na rin. Dumiretso sila ng opisina ni Dr. Roque. Nadatnan nila si Dr. Roque na katatapos pa lamang sa isa niyang pasyente.

"Hello Lian. Naalala mo pa ba ang test mo last month?" Magiliw na tanong ng doctor. Kadalasan ay iyon ang unang tinatanong kay Lian. Hindi rin naman alam ni Lian kung bakit.

"Oho, naalala ko ho. Pati yung result sabi niyo, mabagal naman ang paglaki ng tumor. Pati ho yung mga tanong niyo naalala ko pa.

"Very Good. So close your eyes tapos hawakan mo ang ilong mo." Sinunod na lamang ni Lian ang utos ng doktor. "Good. So how's your eyesight? Malinaw ba?" Alam na ni Lian kung bakit tinatanong ng doktor yon. Ayon kasi sa lokasyon ng kanyang brain tumor ay maari nitong maapektuhan ang kanyang paningin at di malaon ay mabulag siya.

"Malinaw pa naman ho."

Kinuhanan siya ng blood sample ni Dr. Roque. Matapos iyon ay ininjectionan siya na, gagamitin daw para sa MRI niya. Mas malinaw daw kasi ang MRI kapag may ganoong injection. Matapos ang kanyang MRI scan ay pinabalik siya sa opisina ni Dr. Roque. "Ok. Lian nakikita mo ba ang straight line sa sahig?" Napansin ni Lian ang kulay red na tape na nakadikit sa sahig. "Pwedeng lumakad ka. Check lang natin ang balance mo." Matiwasay namang nakalakad si Lian sa linyang iyon. Sumunod doon ay ang physical examination.

Isang mahaba at nakakapagod na proseso ang lagi niyang pinagdadaanan sa tuwing magkakaroon ng check-up. Ngunit hindi tulad ng mga nakaraang check-up niya kung saan tamad na tamad siyang gumalaw dahil alam naman niyangwalang patutunguhan ang mga check-up na iyon, ngayon ay parang may kung anong lakas na tumutulak sa kanya na parang sabik na malaman ang resulta ng test. "Ok Mrs. Centeno. Babalik na lang po kayo sa Wednesday para makuha yung full result. Sa ngayon po masasabi ko na hindi naman naapektuhan ng kanyang sakit yung mga senses niya saka yung balance niya. Base rin po sa physical examination, hindi naman kumalat sa ibang parte yung cancer cell." Nangiti si Lian sa narinig mula sa doktor. Nakahinga naman ng maluwag ang kanyang ina. Magandang balita na iyon para sa kanila. Matapos iyon ay umuwi na sila.

.............

Dumating ang hapon ngunit wala pa rin si Shot. Hindi niya alam kung bakit asang asa siya na darating ang binata. Alam naman niyang maraming responsibilidad ang binata sa schol at imposible namang maging priority siya nito gayung bagong kilala lang sila. At isa pa wala naman siyang naidudulot kay Shot.

Naisip niyang pumunta na lamang sa ilog mag-isa. Siguro hindi sa lahat ng panahon ay dapat niyang hintayin ang pagdating ni Shot. Hindi dapat siya mawili na parati na lamang nandoon ang binata para gumaan ang pakiramdam niya. Pero nanghihinayang pa rin siya. Ibabalita pa naman niya dito sana ang initial findings ng doktor.

Pagdating niya sa ilog ay parang dinadalangin niya na naroon na si Shot at nauna na sa kanya, kaya lang ay wala pa rin pala doon ang binata. Gusto sana niyang itext si Shot pero parang hindi naman yata tama na magdemand pa siya na dapat ay nandoon ang binata at isa pa wala pa siyang mobile number ni Shot. Isang malalim na buntong hininga na lamang ang ginawa ni Lian.

*Hindi kaya nagsawa na siya. Hindi rin naman madaling makisama sa isang tulad ko. Bakit pa ba ako nagugulat na may magtitiyagang makasama pa ako* Wika ni Lian sa kanyang sarili. Hindi niya alam pero nasasaktan siyang isipin na ganoon nga ang ginawa ni Shot.

Gaya ng dati ay hinubad niya ang kanyang tsinelas at ginawang upuan. Makalipas ang ilang minuto ay muli siyang nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Akmang tatayo siya at aalis ng marinig niya ang boses ng binata.

"Bakit naman hindi mo ako hinintay. Dinala ko pa naman ang bike." Parang lumilipad ang pakiramdam niya sa tunog pa lang ng boses ni Shot. Lumingon siya at nakita ang binata. Ang mga ngiti ng binatang iyon ang nagpapakalma sa kanya. "May sorpresa ako sa'yo" wika ni Shot. Tipong may sinenyasan si Shot mula sa kalayuan at tinawag palapit sa kanilang lugar.

Malayo pa ay natanaw na ni Lian ang sorpresa ni Shot. Bumagsak ang luha niya ng makitang ito ang kanyang tatlong kaibigan. Kitang kita niyang umiiyak si Mimi habang tumatakbo papunta sa kanyang lugar. Niyakap siya nito ng mahigpit gayundin ang dalawa pa niyang kaibigan.

Halos hinahabol niya ang kanyang paghinga sa bigat na kanyang nararamdaman. "Sorry! Sorry sa lahat! Sorry at kailangan ko pa kayong pagtulakan palayo. Hindi ko gusto yon." Sunod sunod na hingi ng tawad ni Lian sa kanyang mga kaibigan.

"Sorry din at hindi ka namin napuntahan agad, ang akala namin ay kailangan mo ng panahon para makapag-isip isip" paumanhin din ni Trina.

"Tama na nga tong iyakan natin na to. Kuwentuhan niyo naman ako." Sabay pahid ng luha ni Lian. Nagpahid na rin ng luha ang tatlo niyang kaibigan.

"Gaga ka! Ikaw ang magkwento at boyfriend mo pala yang campus crush na yan. Ikaw ha!" tukso naman ni Mimi na hanggang ngayon ay ganoon pa ring kadaldal.

Napatingin si Lian kay Shot, na patay malisya at parang walang narinig. "Doon muna ako sa banda roon. Hayaan ko muna kayong mag-usap. Mukhang na miss niyo ang isa't isa." Sabay alis na ni Shot na prang may iniiwasan.

"Boyfriend? Sino? Si Shot? Kaibigan ko lang yun."sagot ni Lian habang tinapik sa balikat si Mimi.

"Wow, first name basis. Close na close." Sabay tawa ng malakas ni Trina. Natawa rin si Lian hindi dahil sa sinabi niya kundi na miss niya ang malakas na tawa ni Trina.

"Naku kung hindi sa FRIEND mong yan, hindi pa tayo magkikita-kita ulit" sabi naman ni Suzi na binigyang diin pa ang salitang friend na parang may nais ipakahulugan.

"Alam niyo, malaki ang pasasalamat ko sa kanya. Akala ko nung sinabi ko sa kanya na may sakit ako noong isang Linggo, iiwan na niya ako. Somehow thankful ako at nag stay siya." Kwento ni Lian sa tatlo.

"Anong last week? Kung natatandaan ko, nagtransfer yang friend mo na yan bandang August of 2012. Lagi kaya siyang nag-aabang sa ating dumaan noon, napansin ko. Tapos noong biglaan ka na lang tumigil bandang December 2012, Third year tayo. Lumapit siya sa akin noon. Tapos tinanong kung bakit hindi ka na namin kasama, nakwento ko may sakit ka nga." Nagulat si Lian sa sinabing iyon ni Mimi. Naawa siya sa sarili niya. Inisip niyang alam na naman pala ni Shot na may sakit siya bago pa niya aminin iyon. Siguro ay sa sobrang awa sa kanya ni Shot kaya ito lumalapit sa kanya.

Sinubukan ni Lian na h'wag muna niyang isipin ang sinabing iyon ni Mimi. Saka na lamang niya iisipi iyon kapag wal na ang mga kaibigan. Matagal-tagal din niyang hindi hinarap ang mga ito. May mga araw na bibisitahin siya ng kanyang mga kaibigan pero hindi niya haharapin ang mga ito.

Masaya silang nagkwentuhan na para bang walang masamang nangyari o mangyayari sa hinaharap. Sa oras na iyon walang ibang importante sa kanila kundi ang habulin ang oras na nawala sa kanila. Ibinalita na rin ni Lian na may plano siyang bumalik sa susunod na pasukan at kung papalarin ay makatuntong din ng kolehiyo. Nalulungkot lang siya dahil wala na roon ang kanyang mga kaibigan, dahil sa graduating na ang mga ito.

"Nga pala, balak ko uling I-celebrate ang birthday ko. Sana makapunta kayo." Anyaya nito sa mga kaibigan.

"Ay! Naalala ko, di ba Feb 26 ang birthday mo. Balak ka sana naming puntahan kaya lang baka magtago ka na naman. Gustong gusto mo kasing itinatago ang ganda mo." Biro ni Mimi sa kanya, sabay tawa ulit ng malakas ni Trina.

"Infairness, parang wala kang sakit ah! Saan ba ako makakahanap ng ganyang FRIEND?" muling binigyang diin ni Suzi ang salitang friend.

Matapos ang ilang oras ng tawanan ay nagpa-alam na ang tatlo. Napansin iyon ni Shot na nasa kalayuan at minamasdan sila kaya lumapit na rin siya kila Lian. "Bye loverboy!" paalam ng tatlo kay Shot.

"Tumigil na kayo, umuwi na kayo." Sabay nagtawanan silang apat. Magkalayo ang uwian nila kaya nauna nang umalis ang tatlo niyang kaibigan.

"Sakay na. Ihahatid kita." Anyaya ni Shot sa kanya.

"Shot, umuwi ka na. Gabi na. Maglalakad na lang ako." Parang may galit o hinanakit sa tono ng boses ni Lian.

"May problema ba?" tanong ni Shot na tila nagtataka.

"Salamat! Salamat sa lahat! Salamat sa pagdadala sa mga kaibigan ko, salamat sa pagbabago ng isipan ko salamat sa lahat. Pero hindi ko kailangan ang awa mo. May sakit ako, oo. Mamamatay ako, oo. Pero bigyan mo ako ng konting kahihiyan sa sarili ko. H'wag mo akong kaawaan." Gumaralgal ang boses ni Lian at biglang naiyak. Hindi niya kinaya ang emosyon na kanina niya pa kinikipkip. Parang napakahirap pala na ang taong inaasahan mo ay ginagawa lamang ang lahat ng dahil sa awa.

"Awa? Saan mo naman nakuha yan? Ganito lang ba ang tingin mo sa lahat ng ginagawa ko para sa iyo? Dahil sa awa?" seryoso ang boses ni Shot at mabigat. Alam mong totoo ang sinasabi nito.

"Alam mo na noon na may sakit ako. Bakit hindi mo sinabi sa akin?" Napalitan ng pagkagulat ang seryosong mukha ni Shot. Hindi siya nakasagot sa sinabing iyon ni Lian.

"Umuwi ka na. Kaya ko ang sarili ko. Hindi mo ako kailangang kaawaan." Sabay talikod ni Lian at nagsimulang maglakad ng mabagal.

"Mahal kita." Isang simpleng salita na nagpatigil sa paglalakad ni Lian. Ngunit hindi niya nilingon si Shot. Ayaw niyang makita ang mukha nito kung seryoso ba ito o hindi. Parang natatakot siyang alamin iyon. "Mahal kita, noong una pa lang kitang nakita. Mula noong lumipat kami dito, palagi kong inaabangan ang pagdaan mo sa may gate ng school. Maaga akong papasok para umupo sa upuan ng guard at hintayin ang pagdating mo. Sapat na sa akin ang makita kang tumatawa." Nanginginig ang boses ni Shot, pero malakas iyon. "Tapos bigla kang nawala. Sabi ng isa mong kaibigan, may sakit ka raw. Natakot akong lumapit na baka mapamahal ako sa iyo dahil alam kong masasaktan lang ako kapag nawala ka. Pero mas nakakatakot pala na umalis ka na hindi mo man lang alam ang nararandaman ko para sa'yo. Kaya ako narito. Gusto kong makitang muli ang ngiti mo. Hindi mo alam kung gaano ako kasaya ng muli kong makita ang ngiti mo. Mahal na mahal kita." Dirediretso ang salita niya. Gusto niyang marinig ni Lian ang lahat ng tinago niyang damdamin para sa dalaga sa napakahabang panahon.

Lumingon ang dalaga na umiiyak. "Hindi mo ako pwedeng mahalin."

Lumapit si Shot sa kanya at hinawakan ang kamay. "Bakit hindi? Bakit hindi mo ako bigyan ng maliit na espasyo diyan sa puso mo. Kasya pa naman ako di ba?" biro ni Shot at pinunasan ang luha ni Lian pero tuloy pa rin iyon sa pag-agos.

"Hindi mo ako pwedeng mahalin. Para akong ilaw sa loob ng isang kwarto na maaring mapundi anumang oras. Kapag nawala na ang ilaw ko ay iiwanan ko kayo sa madilim na kwarto at hindi ko mapapatawad ang sarili ko sa kabilang buhay kapag nangyari iyon." Paliwanag ni Lian kay Shot.

Niyakap ni Shot si Lian. "Kahit sandali lang, hayaan mo akong mahalin ka. Hayaan mong ipakita ko sa iyo kung gaano kita kamahal, dahil kung hindi, pagsisisihan ko iyon buong buhay ko. Sa oras na mawala na ang ilaw, hayaan mo akong lumuha at masaktan sa kadiliman. Hanggang sa oras na handa na akong iwanan ang kwartong iyon."

Napahagulgol si Lian sa sinabing iyon ni Shot. Hindi niya inakalang sa kalagayan niyang iyon ay magmamahal pa sa kanya. "Ngayon uulitin ko ang tanong ni pagong. Mahal ba ni galunggong si pagong?"

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 13.6K 3
Sabi nila, ang tao ay para sa tao lamang. Pero paano kung ang tao ay para sa bampira din pala? Magagawa mo bang tanggapin ang katotohanan at mahalin...
21.4K 489 12
Kung may "male chauvinist pig" si Kaira Pelaez ang female version niyon, ang sikat na weather girl ng NBB Network. Yun naman ay nag-ugat lamang dahil...
6.9M 123K 27
What is love? Written ©️ 2014
43.8K 3.9K 31
Ika-apat na aklat. Hindi makapaniwala si Jake sa kanyang pinagmulan. Mula nang tulungan niya si Carol na sagipin si Zandro, hindi na niya muling naal...