Chapter 74
Halos isang linggo na ang dumaan pero ngayon lang gumising si Louie. Talagang napuruhan ito sa ginawang pagbaril sa kaniya. Iyon ang unang pagkakataon na naitumba siya ng isang bala lang kaya bumangon ang galit sa dibdib niya. But the bullet was not normal either.
Idagdag mo pa ang isyu kina Iverson at Nyx, pati na si Tita Mess. Talagang magulo ang utak ngayon ni Louie.
Walang ekspresyon ang mukha nito habang nahuhulog sa malalim na pag-iisip. Ang mga mata ay nakatingin sa kawalan at mukhang walang pake sa mga taong nasa loob na gusto siyang kamustahin.
Ang gusto niya lang ay makaalis sa silid ng mga toxic na tao sa paningin niya. Sabit na sabit kasi sa mata niya ang landian nina Iverson at Nyx.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa nasasabihan ng tatlo si Louie. Nanatili pa rin sa kanilang tatlo ang plano, hindi pa nabibiyayaan ng oras para sabihin lahat kay Louie.
"Louie, are you fine?" pagsusubok na tanong ni Ivronsen dito. Tumango lamang ang babae at pinagpatuloy ang pag-ubos sa ikadalawa na niyang bote ng 1.5 litters na tubig.
Nandoon ang lahat, kabilang na si dean at ang ama at ina ni Iverson. Ang ginang ay matalim at pailalim kung tumingin kay Louie. Alam niyang si Louie ang sumalo sa bala na para dapat sa anak niya pero sa halip na magpasalamat ay nag-umigting pa ang galit niya sa babae.
"Louige," sa pagtawag pa lang ni Louie sa kapatid ay alam na niya ang itatanong nito kaya napabuntong hininga siya.
Nang mapansin ang tensyon sa pagitan ng magkapatid ay nagkatinginan silang lahat at nag-unahan na sa pag-alis. Nagpa iwan naman si Nyx at Iverson na siyang ipinagtaka ni Louie.
"Pwede muna kayong lumabas, Nyx at Iverson," ani Louige. The three of them stared at each other. Nyx hesitated to go out but Louige urged her to.
Nang ang magkapatid na lamang ang natira ay tumingin si Louie kay Louige. Madilim ang tingin ng dalaga sa kuya niya.
"Utos din ba sa iyo 'yun ng mga Montero?" deretsuhang tanong niya, no plans on beating around the bush.
Alam na agad ni Louige kung ano ang tinutukoy ng kapatid. Hindi naman nagkamali si Louie dahil talagang kahit saang anggulo niya tignan ay nakikita niya ang galaw at mata ng bumaril kay Ivronsen sa kapatid. They are too alike.
And yes, It was Louige who tried to shot Ivronsen.
"No. It was my will. I did it on my own," sagot naman nito, hindi na itanggi pa ang ginawa. Agad namang inatake ng pagtataka at katanungan ang dalaga.
"Bakit? Hindi ba't pinalalayo mo ako dahil alam mong mag-uugnay talaga si Iverson at Nyx? Bakit mo babarilin si Ivronsen na kapamilya nila, kung ganoon? Hindi ba't masisira noon ang katapatan ng mga Montero mula sa mga McGregor?"
Ngayon ay nauunawaan na ni Louie kung bakit na pinapalayo siya ng kapatid niya at si Hades mula kay Iverson. Totoo pala talagang maiipit lang siya.
Napangisi si Louige at sarkastikong tinignan ang kapatid.
"Matagal nang nasira ang katapatan sa pagitan ng mga McGregor mula sa mga Montero, Louie. Loyalty is now out of the line."
"Ano pang silbi ng relasyon ng mga pamilya niyo sa isa't-isa kung ganiyan ang nangyayari?" mas naguguluhan na wika ni Louie.
"Ofcourse, for the merging of the companies only! The bond between the McGregors and the Monteros were destroyed long ago because of the affair between Eros Louige Montero Sr. and Messiah Charlie McGregor," walang pasubaling sagot ni Louige.
He was standing lazily, looking cool at what he just said pero sa kaloob-looban niya ay malaki rin ang epekto nito sa sinabi niya.
Hindi maiwasang manlaki ng mga mata ni Louie sa narinig. Her body shook as she heard the revelation, dawit ang pangalan ng pinakamamahal na ama.
"Hindi lingid sa kaalaman ko na hindi ka gusto ni Messiah bilang kapares ng anak niya. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ganoon nalang ang trato sa iyo ng malanding iyon? Ha! May gana pa siyang pagsalitaan ka ng ganoon kung siya naman ang sumira sa pamilya natin!"
Napaangat ang ulo ni Nyx nang marinig ang pagtaas ng boses ni Louige. Sila ang pinakamalapit sa pinto kaya sila lang ang nakarinig ng sigaw. Nagkatinginan silang dalawa ni Iverson at pumasok sa silid, hindi na pinansin ang kakaibang titig na binibigay ng mga kasamahan nila sa kanila.
"Tangina. Bakit si Iverson at si Nyx na ang magkasama? What the hell is happening?" nakangiwing wika ni Amelynx at sinulyapan si Ivronsen na wala ring kahit na anumang ekspresyon sa mukha.
"Ano iyon? Matapos niya kay Ivronsen, kay Iverson na naman, ganoon?" puno ng pagkadisgustong wika ni Trinity. Nagkausap sila ni Athena at Alieth at nagkasundo sa kanilang pinag uusapan.
Tanging si Marga at Ivronsen lamang ang nanatiling tahimik. Dahil alam nilang may mali. May hindi sila nalalaman. Napakabilis ng pangyayari at hindi kapani-paniwala.
Meanwhile, when the door was flung open, Nyx immediately closed it. Nabaling ang atensyon ng mga nagkakakumprontahan sa bagong pasok.
Dumapo ang mata ni Louie kay Iverson. Hindi niya alam kung may alam ba ang lalaki tungkol sa isyu sa pagitan ng ama niya at ina ni Iverson at pinili itong inilihim sa kaniya o wala lang talaga itong alam.
"Hindi ka pala sinabihan ni Iverson tungkol dito?"
Agad naman na nasagot ang tanong niya nang ibato ni Louige ang litanyang iyon kay Iverson.
"M-may alam ka dito?" may halong hinanakit sa boses nito. Her eyes was full of fire that was directed to Iverson. Mas lalong lumalim ang galit niya.
Nag-iwas ng tingin si Iverson, senyales na tama nga si Louie.
"Her mother and papa has a relationship before. You were so insensitive before sa mga iyak ni mama sa gabi-"
"Dahil hindi naman sinasabi ni mama sa akin ang dahilan, Louige!"
"At hindi ka talaga nagtataka kung bakit umiiyak lang siya kapag wala si papa? It's all because alam niyang kapag wala si papa, nagkikita sila ni Messiah! Mga taksil!"
Hindi makapaniwala si Louie sa narinig. Oo, at nakikita niya na minsan nang umiyak ang ina niya pero hindi niya inaasahan na para ito sa kadahilanang ito. She simply can't accept the fact that the man whom she once looked up to the most was a traitor.
Hindi niya matanggap na isa palang manloloko ang ama niya.
"H-hindi ako naniniwala," her voice broke as she whispered those lines. Iyon ang unang boses na narinig ni Iverson na pumiyok si Louie. Nang tumingin siya sa gawi nito ay nakita niya na namumula na ang mata nito.
"Hindi ka naniniwala? Hala at papasukin mo si Messiah at Ivone dito! Itanong mo sa kanila!" hindi na napigilan ni Louige ang galit na nanghihimutok sa kalooban niya.
Matagal nang naipon ang galit niyang iyon sa puso niya. He's been keeping this secret from her sister for twelve years.
"Louige, maghunos-dili ka! Hindi ito ang nararapat na oras para diyan!" pigil ni Nyx.
"Bakit hindi mo ipaalam sa pinsan mong matigas ang ulo? I've been telling her since before to distance herself from the McGregors! This is simply a disgrace and a disrespect for mama! Ang magkaroon ang pamilya namin ng relasyon mula sa mga McGregor!"
Nang masabi iyon ni Louige ay pabagsak na bumukas ang pinto at iniluwa nito sina Tita Mess, Tito Ivone, Ivronsen, Ivronnezeir and Dean. Hindi na napigilan pang magtaka ng mga nasa labas kung anong nangyayari sa loob kaya lumapit sila sa pinto, eavesdropping.
"What is happening here?!" galit na tanong ni Tita Mess lalo na't narinig niya ang apelyido nila sa usapan. Humahalakhak si Louige.
"Itanong mo kay Messiah kung totoo ba ang sinabi ko sa iyo, Louie. Go on. I think she wouldn't be that selfish to keep you outdated of this issue."
"W-what?" kinakabahang pabalik na tanong ng ginang.
"Why won't you tell her the reason why you're treating her so badly, Messiah?"
Alam na agad ni Tita Mess kung ano ang tinutukoy ng lalaki. Napasinghap siya.
"I simply cannot afford to let a murderer enter my family!"
"Alam nating wala ni isa sa atin dito ang may malinis na kamay at hindi pa kailan natatantiyahan ng dugo ang palad, Messiah. Bakit hindi mo nalang sabihin na naaalala mo kay Louie si mama?"
Natahimik si Messiah. Napabuntong hininga si Dean at Tito Ivone. Ivronsen and Ivronnezeir threw an apologetic look at Louie. Ang nasa labas naman ay napaawang na lamang ang mga labi sa mga naririnig.
"Dahil kasalanan naman talaga ni Cassandra kung bakit humantong sa ganito ang lahat! Hindi sana aabot sa ganito kung hindi dahil sa kaniya!"