30 Days [COMPLETE]

By piscesworks

4K 64 4

Rebecca De Guzman.. an inspiring writer who's stupidly inlove with his bestfriend-- Ian. But what will happen... More

AUTHOR's NOTE
30 DAYS
29 DAYS
28 DAYS
27 DAYS
26 DAYS
25 DAYS
24 DAYS
23 DAYS
22 DAYS
21 DAYS
20 DAYS
19 DAYS
18 DAYS
17 DAYS
16 DAYS
15 DAYS
14 DAYS
13 DAYS
12 DAYS
11 DAYS
10 DAYS
9 DAYS
8 DAYS
7 DAYS
6 DAYS
5 DAYS
4 DAYS
3 DAYS
2 DAYS
LAST DAY
THE ENDING

COUNTDOWN

418 8 1
By piscesworks

A/N: Hallo! Feel free to ask or correct my mistakes here on 30 days. I want to know your reactions, and if you like this chapter, just click the vote button, thank you!

REBECCA's POV

Noong bata pa ako, laging sinasabi sa akin ni mama na lagi daw akong magpapasalamat kay papa God dahil binigyan niya ako ng buhay...

At ngayong malaki na ako, naisip ko din, bakit niya tayo binigyan ng buhay kung babawiin niya lang din?

Im Rebecca De Guzman, Becca for short, I am suffering from leukemia and I only have 30 days in Earth before I die.

I only have one question in life...

Ano ang rason para mabuhay ako sa mundong ito?

---

Kinuha ko ang notebook sa tabi ko at pinunit ang mga nakasulat doong wala namang kwenta. At ngayong malinis na ulit ito ay nagsimula na ulit akong magsulat.

Gagawin ko itong diary...

At dito ko isusulat ang lahat ng mga importanteng mangyayari sa buhay ko, at sisimulan ko na ngayon...

Dear diary...

June 01, 2017

My name is Rebecca De Guzman, 21 years old, and I worked at Publishing Company, one of their beloved writer.

"B-becca, ano sa tingin mo? Panget ba ako ha? Masama ba ugali ko? Hindi ba ko sweet or kahit manlang boyfriend material? Ano bang kulang sa akin Becca para iwan niya 'ko?"

Napairap na lang ako sa mga tanong ng kababata/katrabaho kong si Ian.

"Isip" walang ganang sagot ko sa kaniya tsaka pinagpatuloy ang ginagawa.

"I-isip? B-bakit naman isip? May isip naman ako 'no!" biglang sigaw niya sa akin kaya hinarap ko siya.

Binigay ko sa kaniya yung nasa tabi kong tissue at kinuha naman niya yun sabay punas ng luha niya. Psh bading,

"Alam mo kung bakit isip? Kase kaya ka nga niya iniwan dahil hindi ka na niya mahal. Hindi mo ba naisip 'yon ha? Stupid." inis na sagot ko sa kaniya tsaka siya inirapan, tinigil ko na ang ginagawa ko dahil nawalan na ako ng gana.

Ikaw ba naman magkaroon ng kausap na tanga, hindi ka mawawalan ng gana?

"W-woi! Ang sakit mong magsalita Becca, akala ko ba kaibigan kita? Bakit ganiyan ka na magsalita sa akin ngayon?" inis na sigaw nito at mas lalo naman akong napairap.

Bading na nga, isip bata pa...

"Pumunta ka dito para lang tanungin kung bakit ka niya iniwan at ngayong sinagot ko na 'yong tanong mo, aawayin mo ako?"

I can't take this anymore!

"Dapat kino-comfort mo ko, ganoon kase ang kaibigan becca, hindi yung down ka na nga, lalo ka pang dinodown!" sigaw niya tsaka ako binato nung hawak niyang tissue.

"E 'di maghanap ka ng bago mong kaibigan na iko-comfort ka! Kasalanan ko bang hindi ako gano'n?!" inis kong sigaw tsaka tumayo at iniwan siya dun sa sofa, pumasok sa kwarto ko at padabog na sinara yung pinto.

Nakakainis siya! Kaibigan ko na siya simula pa lang bata kami at alam niya ng ganto ang ugali ko. Hindi ako sweet, hindi ako mahilig magpayo, at higit sa lahat, masakit ako magsalita. Alam niya naman 'yon eh, tapos ngayon sisigaw-sigawan niya ako at ako pa ang aawayin, siya na nga itong inabala ko eh.

Nananahimik akong natutulog dito ngayon sa tinitirhan kong apartment tapos bigla na lang syang susulpot at papasukin 'yong kwarto ko, at gigisingin ako para lang sabihin na nakipagbreak sa kaniya yung shota nya?! Ang galing! Napakagaling!

"Oy Becca sorry na! Mag-usap tayo please?" mahinang anito sa labas ng kwarto ko habang sunod-sunod na kinakatok ang pinto.

Kalalaking tao ang ingay!

Sa inis ko ay hindi ko siya pinansin at nagtakip na lang ng unan sa tenga. Pero sa sobrang lakas ng pagkakakalabog niya sa pinto ng kwarto ko ay hindi ko na napigilang pagbuksan ito dahil baka magising pa namin 'yong mga tulog na kapit- bahay, madaling araw pa naman ngayon.

"Ano ba?! Ang aga-aga ang ingay mo!" sigaw ko dito tsaka bahagyang itinulak, kailangan na niyang umalis sa pamamahay ko, masyado na siyang nakakaistorbo.

Aba naman, kahit kaibigan ko 'to simula pa noong bata kami ay wala pa rin siyang karapatan para sirain ang kakaunting oras na pahinga ko!

"Sorry na kase, hiniwalayan na nga ako ng girlfriend ko tapos pati ba naman ikaw galit na sa akin? Sorry na becca, please? Bati na tayo, hindi na kita aawayin promise." pag papaawa pa niya kaya pinaningkitan ko siya ng mata tsaka tumalikod

"Fine. Oo na, umuwi ka na dahil madaling araw pa lang at ang aga mong nambulabog!" muling sigaw ko sa kaniya. Kahit bati na kami ay hindi pa rin mawawala 'yong inis ko na dahil sa kaniya, nasira agad ang araw ko.

"Teka ano?! Papauwiin mo 'ko eh ikaw na nga ang nagsabi, madaling araw pa lang ngayon! Paano kung maaksidente o kaya mapahamak ako habang papauwi ako ha? E 'di kargo-de-konsensya mo pa 'yon"

'yong init ng dugo ko ngayon, kumukulo na. Hindi ko na kaya ang lalakeng 'to, masyado ng maingay, kailangan ng patahimikin.

"Nakapunta ka nga dito ng maayos at walang kagalos-galos, nakapangbulabog ka pa nga, tapos ngayong pauwi ka na tsaka ka lang kakabahan?" nakakunot noo kong tanong. Napahawak ako sa aking ulo tsaka ito hinilot, sasabog na ako.

"Hays dito na lang muna ako Becca, please?" pakiusap niya at nagpuppy eyes pa ang loko! Jusko kadiri!

"Yuck! Lumayo ka nga sa 'kin! Itigil mo nga 'yan at hindi naman bagay sayo! Wala namang mangr-rape sa 'yo sa daan kaya wala kang dapat ikatakot!" sigaw ko sa kaniya tsaka siya muling tinulak, malapit na siya sa pintuan ng apartment kaya mas nilakasan ko pa ang tulak.

"Ang sama-sama mo talagang kaibigan becca!" sigaw niya sa 'kin, inirapan ko lang siya.

Alam ko na ang dahilan kung bakit iniwan 'to ng girlfriend niya.

"Oo na masama na akong kaibigan, alam ko na 'yon dahil hindi lang isang beses mo 'yang ipinamukha at sinabi sa akin" saad ko at isasara na sana 'yong pinto nang pigilan niya 'yon gamit ang kamay niya.

Wtf bakit ang lakas ng mokong na 'to?

"Hindi mo na talaga ko pipigilan?parang nangongonsensya pang tanong nito kaya ako napairap.

Inalis niya ang kamay na nakaharang sa pintuan tsaka yumuko at bumuntong hininga.

Alam ko na ang pag-arteng 'yan Ian...

"Fine!" sigaw nito tsaka tumalikod at humakbang na paalis, napangisi naman ako.

I won.

"Bye! Ingat ka na lang!" pang-aasar ko pa tsaka tatawa-tawang isinara ang pinto at nagkulong na ulit sa kwarto ko para ipagpatuloy ang naudlot kong pagtulog dahil sa kaartehan ni Ian.

After 10 minutes...

"Beccaaa!!! Hoy Becca gumising ka dali!"

Naalimpungatan ako kaya agad akong napabangon at sinipa kung sino mang nasa harapan ko. I thought there was a criminal at my house!

"Aray! Ano ba Becca bakit mo 'ko sinipa?!"

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Ian na nasa sahig habang hawak-hawak 'yong mukha niyang nasipa ko ata.

"A-ano na namang ginagawa mo dito?!" magkahalong gulat at inis kong tanong sa kaniya.

"Psh basta! Tara sumama ka sa 'kin!" nagmamadali niyang sabi tsaka ako hinila papalabas ng apartment ko!

"H-hoy Ian saan mo ba 'ko dadalhin?! hindi pa 'ko nakakapag hilamos, o kahit suklay manlang! Tapos tignan mo 'tong suot ko oh, nakapangtulog pa 'ko! Ano baaaaaaaaa!!!" sigaw ko sa ngunit tinawanan niya lang ako!

"Huwag ka ngang maingay Becca, baka makabulabog tayo ng mga natutulog oh." sabi niya habang patuloy akong hinihila papunta sa kung saan.

"P-pero tignan mo kase 'tong itsura ko oh!" mapapaos na ata ako sa kakasigaw, buti at tumigil naman siya sa paghila sa akin, pero hindi pa rin niya binibitawan yung braso ko.

Humarap siya sa 'kin at tinitigan 'yong kabuuan ko, napaiwas naman ako ng tingin dahil sa ginawa niyang pagtitig.

Naiilang ako...

"You know what Becca? Kahit buhaghag ba 'yang buhok mo, kahit may muta pa 'yang mga mata mo, at kahit may panis na laway pa 'yang bibig mo," nakangiti niyang saad habang nakatitig pa rin sa 'kin, tinuturo ang bawat parte ng mukha ko na binabanggit niya, "cute ka pa rin para sa 'kin kaya huwag ka ng mag-inarte diyan at sumunod ka na lang." nakangiting sabi niya bago ako muling hinila, pero this time mahinahon na at hindi na siya tumatakbo.

Parang naestatwa ang katawan ko at sumunod na lang kung saan niya ako dadalhin.

Para akong ginayuma ng mga titig niya...

Wait what?!

Napailing ako sa naisip ko, inalog-alog ko pa ang ulo ko para matauhan

Bakit ba kase big deal sa 'kin kung sinabihan niya akong cute? Teka, big deal ba? No no nooo, hindi naman big deal eh.

"Nandito na tayo," biglang sambit ni Ian kaya bumalik ako sa katinuan.

Napatingin ako kung nasaan kami ngayon...

Nasa tabing dagat kami at nandito kami sa dulo ng tulay kung saan kitang kita mo ang magandang tanawin.

"A-anong ginagawa natin dito sa tabing dagat ng ganto kaaga ha? Madaling araw pa lang Ian! T-tsaka teka, umuwi ka ba?" gulat kong tanong ngunit nginitian niya lamang ako.

What a good answer!

"Dito tayo pumupunta noong mga bata pa tayo, naaalala mo pa ba?" biglang tanong niya at nung napatingin ako sa kaniya ay nakatingin siya sa malawak na ulap habang nakangiti .

Hindi ko mapigilang mapatitig...

Sa maamo niyang mukha, parang anghel na hinulog mula sa langit. Sinasabing ito ang magbabantay sa akin sa bawat paglalakabay ko.

"I'm asking you Becca, nakalimutan mo na siguro." saad nito tsaka tumingin sa akin, napaiwas agad ako ng tingin.

Shocks nakakahiya!

"H-ha? Oo n-aaalala ko pa, eh ano naman ngayon?" pagtataray ko, para hindi halatang kinakabahan ako ngayon.

Ano bang mayroon Becca? Si Ian lang 'yan! 'yong kababata mong lampa, 'yong bestfriend mong isip-bata, at 'yong katrabaho mong walang ginawa kundi guluhin ang buhay mo!

"Wala lang, ngayon ko lang kase naalala kaya dinala ulit kita dito" sagot niya tsaka muling tumingin sa itaas, kung nasaan ang papasikat na si haring araw.

"Namiss kase kitang kasama manood ng sunrise Becca..." mahina nitong sabi kaya napayuko ako. What the hell is wrong with you today Becca?

Kulang lang siguro sa tulog...

"O-okay" tanging nasagot ko at narinig ko naman ang bahagya niyang pagtawa.

Noong tumingin ulit ako sa kaniya ay nakatingala pa rin siya, "Sabay tayong magbibilang, sampu hanggang isa. Ready ka na?" tanong nito at tanging tango na lang ang nasagot ko.

"10..." sabay naming sabi at nagkatinginan pa kami sabay tawa.

"9..." patuloy naming pagcount down

"8..."

"7..."

"6..."

"5..."

"4..."

"3..."

"2..."

"Anong wish mo Becca?" biglang tanong niya sa 'kin kaya naman bahagya pa kong nagulat. Bakit naman niya tinatanong?

"Sa isip ko nalang sasabihin, baka hindi pa magkatotoo." sagot ko, pero ang totoo ay hindi ko lang talaga alam ang isasagot.

Ngumiti siya tsaka sinabi ang numerong, "1..." kasabay nito ang pagsikat ng araw.

"ang makasama ka pa ng matagal, bilang kaibigan ko..."

Napatingin ako sa kaniya noong sabihin niya 'yon at nakangiti na siya ngayon sa akin.

"Ano 'yon?" tanong ko.

"Iyon ang wish ko," sagot niya kaya napaiwas ako ng tingin.

Bakit gano'n? May parte sa akin na masaya pero may parte ring parang nasasaktan dahil doon sa huli niyang sinabi...

"Hindi ko naman tinatanong kung anong hiling mo," pambabara ko, natawa naman siya tsaka ginulo ang buhok ko, senyales na sanay na siya sa ganoong ugali ko.

Muli akong umiwas ng tingin sa maamo niyang mukha, hinarap ang malawak na kalangitan habang dinadama ang malamig na simoy ng hangin.

Maybe it's hard to admit it, pero...

I think I am falling inlove with my bestfriend.

---

"gawin kaya ulit natin yun bukas becca?"-tanong sakin ni ian nang makarating kami sa apartment ko

"alin?"-takang tanong ko at kumunot naman ang noo nya

"yung panonood ng sunrise!"-parang inis nya pang sagot

"a-ah yun ba? p-pero may pasok na ulit tayo bukas sa trabaho at tapos na ang bakasyon natin"-sagot ko at napaisip naman sya

"oo nga pala noh? last na araw na ngayon ng bakasyon natin,tapos isang beses lang natin nagawa yung panonood ng sunrise"-parang malungkot pa na sabi nya

"lagi mo kaseng kasama sa buong bakasyon natin yung girlfriend mong iniwan ka naman kaya ngayon nalang ulit tayo nagkita"-mahinang bulong ko pero mukhang narinig nya ata

"may sinasabi ka becca?"-parang nagtataka pang tanong nya

"h-ha? wala ah"-depensa ko

"weh?"-pangungulit nya pa

"wala nga!"-inis na sigaw ko at pumasok sa kwarto ko para magsuklay ng buhok

"wahahaha init talaga palagi ng ulo mo eh noh?"-natatawa nyang tanong at inirapan ko naman sya

*kring~kring~kring~*

"ay teka lang becca tinatawagan ako ni mama"-paalam nya sakin at tumango naman ako tsaka sya bahagyang lumayo para sagutin yung tawag ni tita yanah (mama nya)

maya maya lang ay lumapit na ito sakin...

"ano daw?"-tanong ko dito

"hindi ko alam eh,sabi nya may kailangan daw syang sabihin sakin kaya pumunta muna ko don"-parang nagtataka ding sabi nya

"oh ano pang ginagawa mo dito?"-nagtataka ko ring tanong

"wala magpapaalam lang sayo na aalis muna ko,babalik nalang ulit ako mamaya,kung okay lang sayo?"-nag aalinlangan pang sabi nya at tumango naman ako

"sige sige,mamayang alas kwatro ng hapon kita nalang tayo sa may plaza ha?"-sabi nya at kumunot naman ang noo ko

"dumeretso ka nalang dito kung babalik ka pa"-sabi ko at umiling naman sya

"ayoko dahil baka hindi mo lang ako pagbuksan,kaya magkita nalang tayo sa plaza,okay?"-tanong nya at wala naman akong nagawa kundi tumango

"magbobonding tayo mamaya dahil ang tagal na din nating di nakakapagbonding,byebye!"-nakangiting sabi nya tsaka tuluyan ng umalis

napahinga ako ng malalim at tumingin sa salamin na nasa harapan ko at pinagpatuloy ang pagsusuklay sa mahaba kong buhok

bat ang hirap ata suklayin ng buhok ko ngayon?

nagtataka ko kung bakit nahihirapan akong suklayin yung buhok ko,nakailang suklay na ko dito pero parang buhol buhol pa din

napatingin ako dun sa pinangsusuklay ko at nakita ang ilang hibla ng buhok ko na nagbuhol buhol dito

teka ngayon lang ata nangyari toh? hindi naman ganto yung buhok ko dati? dati ay konting suklay lang ay malambot at madulas na ulit ang buhok ko,pero bat ngayon?

tumingin ako sa sahig ng kwarto ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang ang dami kong hibla ng buhok na naglagas dun

anong nangyayari?

napailing nalang ako at kinuha nalang yung walis at dustpan tsaka winalis yung ilang hibla ng buhok ko na naglagas

dahil wala naman akong masyadong gagawin ngayon araw ay nagbasa nalang ako ng libro at hindi ko nalang namalayan ang oras ay tanghali na pala

tumayo na ko at itinabi yung binabasa kong libro tsaka pumunta sa kusina,kumuha lang ako ng hotdog at itlog sa ref tsaka ito prinito

habang nagluluto ay nagulat ako dahil parang biglang namanhid yung kamay ko kaya nabitawan ko yung hawak kong spatula

a-anong nangyayari sa kamay ko?!

namamanhid ang mga kamay ko at kita kong nanginginig ito

bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba kaya binuksan ko yung ref at kinuha yung pitsel doon ngunit dahil nga namamanhid at nanginginig ang kamay ko ay nabitawan ko ito at nabasag

dahil sa pagkataranta ay pinulot ko yung nabasag na bahagi ng pitsel at nagulat nalang ako nung makitang dumudugo na yung kamay ko pero hindi ko maramdaman yung sakit dahil sa pamamanhid nito

nanginginig akong napasandal sa ref at naramdaman ko nalang ang unti unting pagtulo ng mga luha sa pisngi ko mula sa mga mata ko

napapikit nalang ako dahil sa kaba at hindi ko alam kung anong nangyayari sakin

maya maya lang ay nararamdaman ko na yung kirot mula sa kamay ko at hindi na rin ito nanginginig

hindi na namamanhid ang kamay ko...

tumayo ako at agad na hinugasan ang dumudugo kong kamay,pumasok ako sa cr at kinuha yung first aid ko dun tsaka tinapalan ng benda yung kamay ko

matapos nun ay kumain na ko...

matapos kong kumain ay dumeretso ko sa sala at nanood muna ng tv para pampalipas oras lang

dumating ang alas tres ng hapon kaya naligo na ko at nag ayos

habang naliligo ako ay napansin ko naman ang malaking pasa sa balikat ko,ganon din sa hita at banda sa dibdib ko

ano toh? bakit may ganto ko? sa pagkakaalam ko ay wala naman akong nasasanggang bagay at wala namang nananakit sakin,kaya paanong nagkaron ako ng ganito karami at kalalaking pasa?

hindi ko na ito pinansin at mabilis na tinapos ang pagligo ko

3:45 ng hapon na nang matapos akong maligo at mag ayos, dumeretso na ko sa plaza,bumili muna ko ng ice cream dahil sobrang init,umupo ako sa isa sa mga bench dun at inantay na dumating si ian

10 minutes later...

"asan na ba yun?!"-inis na tanong ko sa sarili ko at tinignan ang oras

4:10pm na ah?! bat wala pa rin yun?! late na sya!

20 minutes later...

ano ba yan!

napatayo ako sa kinatatayuan ko dahil 4:30pm na at wala pa rin sya! 30 minutes na syang late! ano bang nangyari don?!

maghihintay pa ko...

umupo ulit ako sa bench at hindi ininda ang sobrang init na tutok sakin ng araw

30 minutes later...

okay that's it!

isang oras na syang late at hindi na ko mag aabala pang intayin sya dahil baka hindi na sya dumating!

inis akong tumayo pero hindi ko inaasahang bigla akong mahihilo kaya napaupo ulit ako at hinawakan ang ulo ko pati na rin ang bench na inuupuan ko

nahihilo talaga ko...

parang iniikot ko ang buong plaza sa sobrang pagkahilo ko at bawat makikita ko ay nagiging malabo

"miss okay ka lang?"

"oy miss ayos ka lang ba?"

"miss anong nangyayari sayo?"

naririnig ko ang mga taong nasa paligid ko at inaalalayan ako

hindi ko na kaya...

unti unti ng pumipikit ang mga mata ko at pabigat ng pabigat ang katawan ko kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong mapahiga at mawalan ng malay...

***

Continue Reading

You'll Also Like

1.1M 28.2K 80
The girl who is respected by people, the Woman who wants a justice for her parents death, A lady who fall inlove with the dorky, funny, and sometimes...
28.7M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...
11.5K 262 7
Ang mga stories na nandito ay saakin. Ako mismo ang nag-isip at gumawa. Sana po wag niyo iyon gamitin ng walang permiso. At wag po kayo magulat kung...
256K 6.5K 46
He is a GANGSTER. He is an ANNOYING PERSON YOU'LL EVER MEET. He is a... NERD??? She is THE PRESIDENT. She is a SILLY LADY. She is an... ORDINARY GIR...