Elite Beyond World || O N G O...

By PETER_FAN

3.4K 348 39

Chase the limits More

Prologue
Characters • Trailer • Etc...
Chapter 1:
Chapter 2:
Chapter 3:
•••
•••
Chapter 4:
Chapter 5:
Chapter 6:
Chapter 7:
Chapter 8:
•••
Chapter 10:
❇NEW TRAILER❇
Chapter 11: Part 1
Chapter 11: Part 2

Chapter 9:

55 13 0
By PETER_FAN

Chapter 9:

Chad's POV

Di ko maiwasang isipin sila lalong-lalo na si Sabrina habang naglalakad-lakad ako dito. Ang ganda ng lugar na ito sana nandito din sila para nakikita nila 'to. Sigurado akong matutuwa si Grae pag nakita niya 'to tsaka yung ibang mga babae. This can be a perfect place kapag magdedate man kami ni Sabrina.

Habang naglalakad ako, napalingon ako sa gilid ko kase may naririnig akong hampas ng alon ng tubig pero pag lingon ko matataas na mga halaman lang ang nakikita ko. Sinubukan kong lumapit at pinakinggan, tama nga ang naririnig ko at bigla kong nagustuhang maligo. Dahil sa kagustuhan kong maligo hinaawi ko ang halaman at sinubukang silipin kung ano ang nandoon. Isang waterfalls, ang ganda.

Nilakihan ko ang paghawi ng mga halaman at lumusot doon.

"May tao kaya dito?" tanong ko sa sarili ko "Mukha namang wala"

Naghubad ako ng damit mula sa pang itaas hanggang sa pangbaba ko at naligo.

Ang sarap maligo. Ang sarap sa pakiramdam. Pakiramdam ko wala ako ni isang kaproble-problema. I feel free. Then, bigla kong naisip na ang saya-saya ko habang sila doon.

Saglit lang ako at umahon na din.

Napatigil ako sa pagbibihis ng "Sino ka?" ang tanong na nagpabilis ng tibok ng puso ko

"Sino ka?" tanong ulit na itinaas ang tono sa muli niyang pagtatanong

Nilingon ko. Tatlo silang may mga matalim na armas na hawak-hawak sa mga kamay. Nilingon ko sila. Sinubukan kong tumakbo ng mabilis. Hindi nila ako mahabol-habol sa bagal ng pagtakbo nila na kabaliktaran ng pagtakbo ko. Nang lilingon na ako sa dinaraanan ko ay may biglang matigas na bagay ang humampas sa likod ko kaya tumaob ako at nawalan ng malay.

"Saan nanggaling 'yan?"

"Nakita po naming na naliligo doon sa talon"

"Sumubok pa siyang tumakas pero napigilan siya ni brokk ng mahampas niya ito sa likuran nito"

"Hmmm... Dalhin niyo siya sa aking silid"

Napamulat ako ng may humawak sa leeg ko at bahagyang iniangat. Di ko maaninag ng ayos kung sino ang nakikita kong nakahawak sa leeg ko. Hanggang sa tuluyan na akong walang maaninag na kahit na ano.

May sumampal sa mukha ko "Gising!"
"Gumising ka!"
"Ayaw mo gumising ha! Isa, dalawa, tatlo" Nabuhayan ako ng biglang sumakit ang kalahati ng mukha ko.

"O ano gigising ka din naman pala pahihirapan mo pa ako sayo" sabi niya

"Sino ka?" tanong ko sa lalaking gumising sa akin

"Ako si brokk. Humihingi ako ng paumanhin sa lakas ng pagkakahampas ko sa likuran mo. Kailangan ko lang summunod s autos sa'kin para hindi ako maparusahan"

"Okay lang 'yon, Nasan ba ako?" tanong ko kay brokk
"Nasa kaharian ka ng Dyosa Kierra. gusto mo basasabihin ko na mangyayari sayo?"

"Ano 'yun?" tanong ko

"Ikaw ngayon ay kasintahan na ng Reyna Kierra at malapait narin ang itinakda ninyong pagkakasal"

Biglang nawala ang pagod ng katawan na nararamdaman ko sa buong katawan ko.

"HUH? Panong kasintahan ko na ang Dyosa, Dyosa?"

"Dyosa Kierra"
"Malalaman mo rin yan basta ang masasabi ko lang sa'yo ay wag na wag kang magtatangkang makkipaghiwalay sa kanya"

"Brokk! Ang tagal mo naman yata diyan?" sigaw na galing sa labas na nagpamadali kay brokk sa pagkilos

"Sige aalis na ko andiyan na sa iyong tabi ang mga prutas na kakainin mo maya-maya lang ay pupunta na ang dyosa dito" bilin niya habang nagmamadaling umalis

"Ginoo!" pagtawag niya sa akin

"Bakit?" tanong ko sa kanya

"Kwarto ito ng dyosa" at tuluyan na siyang nagmadaling umalis

Kinain ko ang mga prutas na itsura palang ay mukha ng masarap. Hindi ako nagkamali sa inakala ko. Ang mga prutas ay tamang-tama lang

"Masarap ba ng mga prutas?" tanong ng isang napakalambing at ganda na tinig ng isang babae

"Sino yan?" tanong ko nilingon ko ang buong paligid mula sa kaliwa papunta sa aking kanan

Lumabas ang isang magandang babae sa aking harapan "Masarap ba ang prutas na sadyang para sayo lang?" tanong niya

"Ahhh eto ba? Oo masarap." Sagot ko "Sino ka ba?" tanong ko sa babae

"Ako ang Reyna ng kaharian na ito at ikaw ang aking hari" sabi niya

Bigla kong naalala ang mga sinabi ni brokk.
"Ako?" tanong ko

"Oo ikaw. Ikaw ang aking Hari. Tayo ang mamumuno sa ating kaharian. Gusto mo ba yon?" tanong niya

"Mamumuno? Ako?"

"Oo. Tayo ang may kapangyarihang pamunuan ang kaharian hanggang sa tayo'y tumanda at ipagpapatuloy ng ating magiging anak ang pamumuno"

Nakakabighani ang boses niyang napakalambing. Di ko maiwasang pakinggan na para bang napakahalaga ng lahat ng sasabihin niya.
Hindi! Bakit ko iniisip 'yon? Hindi totoo! Mali.

"Bakit mo sinampal ang iyong sarili?" tanong niya sa'kin

"Ako? Sinampal ko sarili ko?" tanong ko

"Oo mahal" Biglang nanlaki ang mga mata ko

Mahal? Ako? Anong nangyayari sa kanya? Parang ang bilis ng mga pangyayari. Nakita niya lang ako ngayon Hari niya na ako?

Tumabi siya sa akin sa higaan at humiga. Kaya lalo akong nagugulat sa mga nangyayari

"Bakit ka pa nakaupo tabihan mo na ako dito at tayo'y magpahinga. Alam kong maasakit ang katawan mo dahil nahampas na ng isa sa ating alagad. Gusto mo ba na parusahan natin yoon?" tanong niya sa'kin

"Parurusahan? Huwag na okay lang ako" Hinila niya ako at itinabi sa kanyang paghiga

"Kung ganon magpahinga na tayo" sabi niya. Niyakap niya ako at idinnikit ang kanyang mukha sa akin

"Gusto mo ba kong hallikan?" tanong niya sa'kin

Siya ang naglapit ng mukha niya sa mukha ko tapos ako pa ang may gusto ng halik galing sa kanya

"HUH?" tanong ko

"Alam ko na gusto mo" bigla niya akong hinalikan.

Bakit niya ako hinahalikan? Iniingatan ko 'to para kay Sabrina tapos kukunin niya nalang bigla

"Bakit mukhang nagulat ka? Ayaw mo ba?" tanong niya

'Nagtanong pa' sabi ko sa sarili ko

"Alam ko na gusto mo. Ramdam ko na ginusto mo." Dagdag niya pa

"Gaano ka kasigurado? Ha!?" tanong ko

"Alam ko. Bakit di mo ko pinigilan? Tsaka bakit mo itinuloy?" tanong niya

"Tinuloy ko?" tanong ko sa kanya

"Oo tinuloy mo nung iaalis ko na sana labi ko"

Ang awkward. Ang awkward niya at ang weird.

"Diba magpapahinga ka na? Magpahinga ka na" sabi ko

Ipinikit niya na ang mga mata niya kaya agad akong bumangon at lumabas. Punong puno ng bantay sa bawat sulok ng paligid. Di ko alam kung paano ako makakaalis dito. Paano ako makakatakas. Nung una pinoproblema ko lang kung pano makakabalik pero ngayon iniisip ko na kung paano makakatas at makakabalik sa kanila. Alalang-alala na ako kay Sabrina. Ano na kayang nangyayari sa kanya ngayon?

To be continue...

Continue Reading

You'll Also Like

549K 6.2K 23
Lost, Lose (Loose Trilogy #1) She's a girl of hope, Lisianthus Yvonne Vezina. A teen-year-old girl who focused on her goal... to strive. But everyth...
The Tiger's Den By SRVILL

Mystery / Thriller

4.5K 67 23
Amarie is a girl, Who is younger, Much younger than her older brother's friend, Whom which was her stalker that always texted her. =================°...
51.1K 1.3K 9
مافيا - حب - قسوه - غيره renad231_5 مرت سنه والقلب ذابحهه الهجر ومرت سنه والهجر عيا يستحي الروايه موجوده في انستا : renad2315
2M 87.3K 92
•UNDER EDITING• Abhimanyu Chowdhary-A mysterious 28 years old man. CEO of Chowdary group of companies. He has looks that every girl craves and go cra...