BOOK1: Accidentally In love W...

By marielicious

107M 2.3M 628K

Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that star... More

AUTHOR'S NOTE
[1] Runaway
[2] Finding The Exact Destination
[3] Missions To Be Accomplished
[4] Welcome To Sitio Maligaya
[5] Meeting New Friends
[6] I'm Crushing You
[7] Selos ako?
[8] Really? I Can't Bilibid
[9] Talagang talaga?! Ows? Weh?
[10] Ang Sakit Sa Tenga
[11] How To Do The Laundry?
[12] Kapatid?
[13] Unregistered Number
[14] Drag Race
[14.2] Drag Race
[15] Birthday Celebration
[15.2] Birthday Celebration
[16] Paano Na Yan?
[17] Revelations
[18] When Jealousy Strikes
[19] Crowded Party
[20] One-Second Kiss
[21] B*tchy Charm
[22] To The Rescue
[23] Mistakes
[24] Leaving Sitio Maligaya
[25] Independence Day
[26] College Life
[27] Awkward
[28] Long Time No See
[29] Meet Misty
Special Update : Meet The X10
[30] The Deal
[31] Disaster Lunch
[32] The Other Scene
[33] At The Soccer Grounds
[34] X10's Private Room
[35] A Night With Him
[36] His Name Is What?!
[37] Childhood Friend
[38] Gangsters?!
[39] Avoid Him
[40] Busted
[41] The Confession
[42] Room 071
[43] You're Officially Mine
[44] Chatting With Him Again
[45] Slam note
[46.1] Weekend With Him
[46.2] Weekend With Him
[47] Sudden Break-up?!
[48] Meet Her Parents
[50.1] Camping
[50.2] Camping
[50.3] Camping
[51] Regalo
[52.1] Kurt's Birthday Party
[52.2] Kurt's Birthday Party
[53] Baby Lovers
[54] Second Semester
[55] Bwisit
[56] Holy Geez!
[57] Whatta Day >O<
[58-59]
[60-61]
[62] Our Date
[63-64]
[65-67]
[68-70]
[71-72]
[73-74]
[75] Kurt's Side
[76] Baby Axel
[77-78]
[79] Living Next To Her
[80] A Trip With Him Alone
[81-82]
[83] Imagination
[84] The Past
[85] Annoying Night
[86] Strangers
[87.1] Exchange Dates
[87.2] Exchange Dates
[88-89]
[90] Intruder
[91] Brownout
[92] Hurt
[93] Girl's Talk
[94] Girls' Night Out
[95]
[96] LOST CHAPTER
[97]
[98]
[99]
[100]
[100.2]
[EPILOGUE]
*LOST CHAPTERS AND AUTHOR'S NOTE*

[49] Uniform

1M 21.8K 4.8K
By marielicious

CHAPTER 49: UNIFORM

 

KAYE ANNE’S POV

Nakakainis si Gail, alam niyo ba yun? Ipasa ba daw ang boyfriend sa akin. Alam ko, si Kurt na-badtrip kay Gail kahapon. Kahit naman siguro sinong lalaki eh. Sabi ko kay Gail, I will help her out. But not definitely this way. Mas lalong naging complicated. Maghiwalay na kaya silang dalawa para wala na siyang problema ~__~

Pero syempre joke lang yun noh! Wag naman ganun >.>

“Kaye Anne, ang aga mo yata ah?” Napaangat ang ulo ko para makita kung sino ang nagsalita. Si Nathan as usual. I put my earphones on while shuffling my Iphone. Soundtrip lang!

“Malamang maaga kasi umaga. Tss,” pamimilosopo ko.

Umupo siya sa tabi ko, sa bench. Ako naman nagfocus sa pag-sosoundtrip.

“Uy kulet, bakit hindi ko ata nakikita si Gail?”

“Ewan ko. Malay ko. Di ko alam. I don’t know. Ambot. =_=”

“Ang dami lang sinabi ah.”

Kumunot ang noo ko sa kanya. “Eh ano naman? Eh sa ganun eh. Teka nga, bakit mo ba siya hinahanap? Namimiss mo ba ang pinsan ko?” Makaliskisan nga ito nang malaman kung love pa rin niya si Gail.

“Syempre naman, I miss  her. Kayo lang namang tatlo nina Cha-Cha ang kaibigang babae ko dito eh. Wag ka na magselos,” nakangising sabi niya tapos nilagay niya sa tenga ko yung nakaharang sa mukha ko na bangs.

I rolled my eyes on him, “Kapal mo ah. Selos your face.” Napaiwas ako ng tingin sa kanya.

Natawa siya ng mahina, “Ang cute mong mag-blush, kulet.”

“Tse! Blooming lang talaga ako everyday. Natural beauty kasi.”

“Hahaha! Sabi mo eh. Teka, si Gail oh.” Napatingin ako sa tinuturo ni Nathan. Tama, si Gail nga. Mamaya nalang kami magtutuos dalawa. Nagugutom ako. Kapag walang laman ang tyan, walang laman ang utak. Makapunta nga muna sa cafeteria.

Tumayo na ako at inayos ang mga gamit ko.

“Nathan, punta muna ako sa cafeteria. Hindi kasi ako nag-almusal. Pakisabi kay Gail, get herself ready.” Pagkatapos nun ay umalis na ako dun. Kumukulo na tyan ko eh.

 

 

GAIL’S POV

Natutuwa talaga ako kay CG. CG nalang itatawag ko sa kanya,ang haba eh. Anyway, ang sarap niyang kausap. Yeah, nakausap ko siya. Nag-voice call kami sa YM yesterday eh. Ang gwapo ng boses niya. Don’t get me wrong, walang malisya. Natatawa ako sa kanya kasi ang dami niyang pick-up lines.

I almost forgot my problem. Kakausapin ko nga pala si Kurt. Kanina ko pa yun tinext, ‘di man lang nag-reply. Galit talaga sa akin. :(

“Hi, Gail!”

Nilingon ko ang direksyon ng tumawag sa akin. Nakita ko si Nathan na palapit na sa akin kaya nginitian ko siya. “Hi, good morning. Bakit nag-iisa ka ata? Loner ang peg, Nathan? ^__^” Nakisabay na siya sa akin sa paglalakad. Parang namamasyal lang sa buwan. -__-

“Ah, kanina kasama ko yung makulit mong pinsan. Pinapasabi nga pala niya, get yourself ready daw. Ano bang ibig sabihin niya dun?”

Hala! Galit talaga sila sa akin. >.<

“Ewan ko dun. Alam mo na yun, makulit diba? Baka nalipasan lang ng gutom kaya ganun,” dahilan ko nalang.

“Ahh, oo nga noh. Hahaha! Kaya pala dumiretso ng cafeteria eh, nagugutom daw.” We chuckled. Gumagwapo si Nathan ah :>

“Nathan, blooming ka. May bagong victim?” I mischeviously smiled.

“Huh? Gwapo lang talaga ako. De biro lang. Hahaha! Wala akong victim, ano ako suspect?”

Napangiwi ako sa sinabi niya. BARAG si Gail X(

“I mean, walang nililigawang bago? Ang daming chicks dito oh.” I looked around as though I’m looking for a pretty girl for him. “Look at that girl oh. Ang ganda.”

“Tsk. Maganda nga, kirengkeng naman. Ayoko sa babaeng dumadamoves sa mga lalaki. Turn off yun.” =___=

Kung sa bagay, ‘di nga disente yung ganun.

“Marami dyan, promise.” I tapped his shoulder. Friends kami neto eh :>

“Kasi naman ang hirap makahanap ng katulad mo. You’re extraordinary.”

I looked at him. He smiled. Ang gwapo talaga nito. Crush ko siya pero love ko si Kurt eh. :”>

“Naman! Wala akong katulad. Kung meron man, mahirap hanapin yun. Endangered species kami eh hahahaha!”

“Hahaha! Eh nasaan ang boyfriend mo?” He changed the topic.

And as if on cue, may pamilyar na boses na tumawag sa akin sa likuran namin.

“Crystal..”

Sabay kaming napalingon ni Nathan at halos magsalubong na ang kilay ko nang makita si Kurt na nakasuot ng uniform for the first time. Woah. :O

“Nakauniform si Kurt, Nathan oh? Bagay na bagay sayo!” I was about to hug him nang maalala ko na may kasalanan pala ako sa kanya kaya umatras na ako. I just bit my lower lip anyway. Si Nathan naman, napatingin sa akin. Napansin niya siguro.

“Uhmm, sige. Alis na ako. Mukhang may pag-uusapan kayo.” I nodded at what Nathan said. Tinignan ko pa siya habang naglalakad siya palayo tapos ay napayuko ako. What to do?

“Crystal…”

Nagulat ako sa pagyakap ni Kurt. It means na hindi siya galit sa akin. Waaahhh! Thank you, oh Lord! I love you po.

Niyakap ko na rin siya pabalik. Nako! Sinisinghot ko na naman ang perfume niya. “Kurt?”

“Hmmm?”

“Aren’t you angry?” I looked to up to him, still hugging him.

Napangiti nalang ako nang iniling niya ang ulo niya. Ang bait ng boyfriend ko.

Instinctively, tumingin ako sa paligid namin. Shocks! PDA kami nito. Ang daming nakatingin. Kunwari pa sila na hindi nanunuod, halata naman =__=

“Kurt, wag tayo dito. Nakatingin sila oh.”

He pulled away from the hug and turned to face our fellow students. “Is this your first time watching a couple hugging each other?!”

Nagulat yung mga estudyante at natatarantang bumalik sa mga ginagawa nila. May boyfriend nga kasi akong siga diba? Siya ay gangster. -___-

Hinila nalang ako basta ni Kurt sa part ng E.H.U na maraming puno pagkatapos niyang sitahin yung mga estudyante. Wow! Bagong tambayan oh. Ang sarap dito. Uupo sana ako sa damuhan na katabi ng paanan ng puno nang biglang pitikin ni Kurt ang noo ko.

“OUCH!”

“Don’t sit there. Ang dumi dyan.”

Tignan mo ‘to, eh saan kami uupo dito?

“Eh, tatayo lang tayo dito?”

“Tss. Stupid,” binuksan niya yung backpack na dala niya. Wow! Ano bang meron? Naka-backpack si Kurt oh :> Eh hindi nga nagdadala ng bag yan eh. Nakita kong may nilabas siya na blanket at inilatag sa damuhan. Wow! Picnic. Mag-pipicnic, walang pagkain? Ang gara naman =__=

“Wow! Ang sarap dito.” Umupo na ako dun sa blanket. Nagtataka pa rin ako. Why isn’t he mad at me?

Tumabi na rin siya sa akin. “Crystal, kunin mo yung pagkain sa bag ko. Hindi pa ako nag-brebreakfast eh.”

Kinuha ko naman yung bag niya na nasa side ko gaya ng sabi niya tapos hinalungkat ko yung laman nun. May nakita akong styro kaya nilabas ko yun at tinignan ang laman. Oohh, pancakes. :”>

“Kurt, ang sarap nito. Penge ah?”

“Hati tayo dyan.”

Lord, ang bait ni Kurt oh! Nahipan ata ang ang ulo nito eh. ‘Di ako inaway. Nakakapagtaka.

Napansin ko na iisa lang yung fork kaya tinignan ko si Kurt. “Huy, didn’t you bring extra fork? Iisa lang dala mo eh. Akala ko hati tayo?”

Hindi siya kumibo. Nagulat ako sa pagsubo niya ng fork sa akin. In fairness, delicious. Tapos sumubo naman siya gamit yung fork na isinubo niya sa akin. Ano ba yan. Hati kami sa fork??

 “Kurt, isinubo na yan sa akin oh. May ano ko na yan!”

Sumimangot naman siya agad. “Aissh. Naghalikan na rin naman tayo ah. Wala na yang diri-diri na yan. Oh, kaen.” Isinubo na naman niya sa akin yung pancake.  

Hindi na ako kumibo. Kakainis kasi eh. Ang hilig niyang bumanat ng ganyan. Pati yung mineral water, hati din kami. Well, sabi niya he doesn’t mind at all. Edi wag ng i-mind. But honestly, I find it sweet. :)

Kumain na kami ng kumain. Ang sarap ng pancakes dahil may chocolate syrup.

Naalala ko naman ulit yung nangyari sa bahay. Kailangan ko nga pala magsorry kay Kurt. Ang bad ko kasi eh. :3

“Kurt, about dun sa----“

“Yeah, I understand. Don’t worry about that. Iintindihin ko nalang kesa makipagbreak ka sa akin dahil dun,” kalmadong sagot niya sa akin.

Nakatingin lang kami sa isa’t-isa. I cant help myself but to smile. Ang swerte-swerte ko sa lalaking ito oh. Ang sweet eh. Understanding pa. San ka pa?

Without anysecond thought, I pulled him into a warm hug. Ang sarap kasi nitong yakapin eh. “Kurt, thanks for being understanding. I promise, itatama ko talaga yung sinabi ko. Yun nga lang, ‘pag nagkita na kami ulit. Wala na kasi sila eh.”

“Ayokong masira yung impression ng mom mo sayo. I can wait ‘till you reach 18. Tutal, wala naman ang mga parents natin sa Manila. They wouldn’t know about us. Yung parents ko, wala namang pakialam yun sa nangyayari dito sa E.H.U at sa akin eh. Hindi nila malalaman.” He’s stroking my hair. Ang sarap sa feeling, parang minamassage lang :)

“Thank you.”

“Wala man lang kiss? Ang hirap kayang magsinungaling tungkol sa love story namin ni Kaye Anne. Dapat may re-------“

Hindi ko na siya pinatapos. I kissed him on his lips lightly. Halata naman sa kanya ang pagkabigla. Dahil sa maputi si Kurt, halatang-halata yung pamumula ng mga pisngi niya. Geez! How cute!

“Kurt! Nag-blublush ka! Ang cute,” I pinched his cheek.

Hindi naman mapakali ang tingin niya. Pabaling-baling siya. “Hindi ah. Mainit kasi. Isa pa, pwede? Kulang pa yun eh. Ginawa ko na yung gusto mo oh, naka-uniform na ako.” Inayos ayos niya pa yung uniform niya. Napahagikhik tuloy ako. Kinikilig ako kay Kurt. Nakauniform eh. Estudyante na siya, confirmed! Mukha siyang outsider dati eh.

“Ayaw! One kiss per day policy lang. Abusive ka eh.”

“Tss. Non-sense policy.” Tumayo na siya at naglakad papalayo. Iniwan ako!

“Kurt! San ka pupunta? Joke lang!” Hinabol ko siya. Matampuhin naman ito. “Oh, dali kiss na kita.” He smirked on what I’ve said. Nilapit niya yung mukha niya sa akin. Nakakailang naman ito. Kailangan bang nakatitig? Paano ko siya ikikiss niyan? >_<

“Kurt, close your eyes.” Mabuti sumunod ^o^

Ang pogi nito kahit nakapikit! Ang init na tuloy ng pisngi ko.

“Hey,ang tagal!” Nagmulat na siya.

Agad ko namang tinakpan ng kamay ko yung mata niya. Makita niya pa akong nag-blublush, asarin pa ako. Hinawakan ko siya sa balikat at idinampi ang mga labi ko sa labi niya. Pero nagulat ako sa ginawa niya. Hindi niya hinayaan na lumayo yung lips ko sa lips niya. He immediately wrapped his hands around my waist and deepened the kiss.

We stared at each other as we pulled away.

I flashed him my sweet smile, “I love you, Kurt…”

“I love you more..” He smiled. A genuine one. Ang gwapo talaga! Ang sarap ibulsa.

***

Naka-attend na kami ng classes. Maagang nagdismiss ang mga prof dahil opening ng mga orgs and clubs ngayon sa E.H.U. Anyway, si Kaye Anne hindi ko pa nakikita. Sana hindi rin siya galit.

“What are you thinking?”

“Si Kaye Anne, baka galit sa akin yun.”

Nandito kami ngayon sa labas ng building namin. Behind us is the garden. Wala pa namang klase kaya nagpapalipas kami ng oras ngayon dito.

“No, she’s not. We already talked. Actually, siya yung nagsabi sa akin na intindihin ko yung sitwasyon mo.”

Tinignan ko si Kurt ng nagtataka. “Saan kayo nag-usap? Kailan?”

“Yesterday. You were absent.” Nilalaro-laro ni Kurt yung kamay ko. Mahilig siyang mang-laro ng daliri. “Bakit ka pala absent?”

“Eh kasi masama…” Umiwas ako ng tingin at lumunok. “Ahmm masama nga..p-pakiramdam ko.”

Ang daming estudyanteng nakakalat. Ngayon kasi ang araw ng clubs. We have to choose one club pero wala pa akong choice. Pwede namang hindi sumali eh. Kaso sayang yung units. Sayang!

“Crystal, you’re not good at lying.” Narinig kong sabi ni Kurt kaya tinignan ko siya. Tinaasan niya lang ako ng kilay. Halata ba akong nagsisinungaling?

“Aissh. Wala ako sa mood pumasok. Natatakot ako sa inyong dalawa ni Kaye Anne.”

“Tss. Ewan ko sayo.” Kiniss niya ako sa cheek ko. Kanina pa yan! Nakaka-eight na kiss na yan eh! Binilang ko yun, promise!

“Uy,Kurt. Nga pala, ang behave mo nung kausap mo sina Mom ah.”

He smiled a little, “I’m in my best behavior when I’m with you.”

Oo na, kinilig ako sa sinabi niya. Nagpapaka-gentle siya pagkasama ako. :”>

“Kurt, ang gwapo mo sa uniform. Tara, picture tayo.” Nilabas ko yung phone ko. Tutal, wala pa kaming picture together. Meron naman kaso HELLO?! That was 10 years ago.

“Ayoko.” Naka-poker face lang si Kurt. Nahawa ata ito dun sa friend niyang cold. Yun si Dustin? By the way, hallway, I still don’t know what’s the real score between him and Chloe. Secretive ang loka eh +__+

“Edi wag! Ang arte nito.” Binalik ko na agad sa bulsa ko yung phone ko. Parang picture lang, ayaw pa akong pagbigyan.

“Tss. I want you to use my f*cking phone, not yours. Baka blur pa eh, mukhang cheap. Here’s my Iphone,” sabay abot niya sa akin ng iPhone niya.

Cheap ba ang Samsung Galaxy? Kapal niya huh. Kinuha ko yung phone niya.

“I want you to pose like this. Peace sige.” Ngumiti ako at nagpeace sign sa kanya kaso sinimangutan niya lang ako. “Edi wag. Ang panget mo!”

“Tss. Fine. Wag mo lang akong sasabihang panget. Sa gwapo kong ito, tignan mo pati ikaw na na-capture ko.” He then smirked. TRISTANAS talaga. Wag nalang kumibo, Gail.

Nagpicture na nga kami. Ang cute ng photo namin. Naka-peace sign kaming dalawa. Lalagay ko ito sa FB ko. Ok lang yan, gagawa ako ng bagong FB tapos i-in a relationship ko sa kanya. That way, my parents wouldn’t know. Of course, I will not add them. I’m such a genius creature (*^0^*)

“Kurt, tara pili na tayo ng club?” Yaya ko sa kanya.

May mga booths na nakakalat sa campus. Yung iba, sa ibang pavilions nakapwesto.

“Wag na. Tapos na,” sagot niya.

Tapos? Eh hindi pa nga ako nakakapili eh.

“Wala pa kaya…”

Hindi na ako nagulat sa paghila ni Kurt sa akin. Sanay na ako! Malakas ang immune system ko sa ganito. Pasalamat siya ang gwapo siya ngayon.

“Derrick, where’s the list?” He asked like a boss.

Andito kami ngayon sa pavilion 16. Kumpleto ang X10 ah at naka-uniform din! They look really better now.

“Here, master,” may inabot na papel si Derrick sa kanya. “Kayo nalang ang hinihintay. Nakapirma na ang lahat eh.” Tapos tinignan naman ako ni Derrick nang nakangiti. “Hi, princess. Bati na kayo?”

“Hindi kami nag-away,” sabat ni Kurt tapos pinakita niya sa akin yung papel. “Gail, you sign here.” Tinignan ko muna si Kurt bago ko kunin yung papel. I’m giving him a ‘WHAT-IS-THIS?’ look. Ano ito? Baka mamaya, ‘pag pinirmahan ko ito, mawawalan kami ng bahay at lupa. =.=

“Go on, just sign it.”

Ayan! Napasign na ako without reading it.

Applause…

Nagtaka ako nang magpalakpakan ang X10 minues Kurt. Can somebody explain to me what’s going on?

“Welcome to the Xtreme club Gail!!”

“EXTREME CLUB?” I asked surprisingly. “Ano ito? I-orientate niyo ko oh. Napa-sign ako ng walang idea.” Binigyan ako ng monoblock chair ni Wayne kaya naupo ako dito. “Waahh! Wayne! You look so good in that uniform. X10, will you please wear that always? Mas gumwapo kayo lahat.” Nagpalipat-lipat ako ng tingin. Ang gwapo talaga nilang lahat.

“Thanks, Gail. Sinabihan kami ni Master eh. Gusto mo daw kasi kaming makitang naka-ganito,”masayang sabi ni Wayne.

“Shet! Magpapa-tea party daw ang nanay namin dahil nag-uniform daw kami ni kambal,” sabi naman ni Brent.

Tinulak naman siya ng kambal niyang si Kent. “Sira! Ang cute nga daw natin eh.”

“Ano tayo aso? Cute? Tss.” >.> Brent

“Don’t worry, you look better when you’re on your uniform. I swear!” Lahat naman sila napangiti sa sinabi ko. No wonder why girls are chasing them. “Bakit wala atang nagpapalista sa club natin?”

“We already reached our maximum number of members. We must only accept 30. Ten from the X10, you, Chloe and Kaye Anne plus Nathan and his two friends. May iba pang nakapasok sa criteria natin. In short, we’re complete,” seryosong sagot ni Arthur.

Nagreact naman si Kurt. “Why did you let Nathan join our club?”

“Mabuti na rin yun, pasok sila sa criteria and we need guys like them,” sabi naman ni Alex. Nagkatinginan kami ni Kurt. I rolled my eyes. May galit lang kay Nathan?

“Ahh, so when will be our orientation?” Tanong ko pa.

“It’s already done. Ang tagal niyo ni Master eh. Si Master Kurt nalang ang mag-oorientate sayo para special,” sabay kindat ni Derrick sa akin.

“Special your face, Monteverde,” pangbabara sa kanya ni Kurt kaya nagtawanan na kami.

 Ayun nga, in-orientate ako ni Kurt. XTREME org is a school org which helps the school authority to maintain peace and order inside the campus. Si Kurt daw ang Org’s President. We’re gonna help implementing additional campus’ rules. Kinausap sila ng kung sinumang kinauukulan ng E.H.U na ang X10 nalang daw ang gumawa ng ganitong klaseng org kasi naman daw sila ang kinakatakutan ng mga students dito.

“We’re going to have our 2-day org’s camping this weekend for acquaintance and meeting purposes as well. Para magkakilala-kilala na tayong lahat. Dun din natin pag-uusapan yung rules na iimplement natin. We’re also going to have some adventure challenges there,” Kurt explained while his one hand is inside his trousers’s pocket.

“Wow, cool! I’ve never experienced camping. Maganda yun! I’m so excited,” I exclaimed happily.

 

Sana Sabado na para camping weekend na!

Continue Reading

You'll Also Like

19M 1K 1
Synopsis Lia Imperial, Bratinela kung ituring at wala raw gagawing magaling. Pasaway at masakit siya sa ulo. Kaya naman ng nasagad ang mga magulang n...
47.9K 3.1K 79
Si Hanamichi Sakuragi ay isa nang 2nd-year College Player sa Tokyo International University at kasalukuyang MVP ng College Matches. Ngayon, bilang pa...
453K 1.7K 85
Review reviewhan lang.. ang mga storyang kasama dito ay yung mga maituturing 'kong may kwenta basahin. Yung mga storyang nagpakilig, nagpaiyak, nagpa...
10.2K 786 40
PHS Series #1 Para kay Freya, napakahirap nga naman iwan ang kaniyang mga kaibigan para sa ikabubuti at kapayapaan na gusto niya. Lumipat siya ng paa...