Her Eyes #Wattys2018 Winner

By deitoy

285K 9.3K 3K

Wattys 2018 'The Heroes' Winner She sees what a normal person can't see. She can predict what is unexpected... More

Her Eyes
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 44
Chapter 45
Epilogue
After Story
Amari Reign Ramos
Janice Fuego
Aether Irish Allyson
Dieve Salazar

Chapter 43

2.9K 107 123
By deitoy

[Ryoichi]

Bigla kong naihinto ang motor ko nang may rumehistro sa isip ko ang imahe ni Reed na nakatayo sa harap ng sakahan kasunod noon ay may baseball bat na humampas sa kanya.

Agad na nanlaki ang mata ko at hinubad ko ang helmet ko. Inilabas ko ang helmet ko at tinawagan si Dieve. "Dieve, puntahan mo sa bahay nila si Reed. 'Wag siyang hahayaan na umalis ng bahay," hinihingal na wika ko. Narinig ko naman ang pagtataka ni Dieve ngunit agad itong nabahiran ng pag-aalala.

"Susunod ako sa iyo sa bahay nila Reed, tawagan mo rin ang iba," agad kong ibinaba ang tawag at isinuot ang helmet ko tsaka ito pinasibad.

Nanginginig man ang kamay ko at natatakot sa maaaring mangyari ay pinilit ko pa ring pakalmahin ang isip ko.

Lumulusot na ako sa pagitan ng mga sasakyan sa pagmamadali. Nararamdaman ko ang paghampas ng hangin sa katawan ko.

Nang makarating ako sa harap ng bahay nila Reed ay andoon na rin si Dieve. Tumango ako patungo sa kanya at siya namang pagpindot ng doorbell. Wala pang ilang minuto ay bumukas ang gate nila at bumungad sa amin ang nanay ni Reed.

"Dieve, Ryoichi, ano ginagawa niyo rito? Kakaalis lang ni Reed," wika ng nanay niya. "May alam ho ba kayo kung saan siya pumunta?" Tanong ni Dieve.

"Ah! May kakikitain daw siya-" naputol ang balak sabihin ng nanay ni Reed nang may tumawag kay Dieve.

"Sino 'yan?" Tanong ko. "Si Reed," wika niya habang nakatingin sa cellphone niya. "Hello?" Mahinang wika niya.

"Janice, teka, kumalma ka." Nabakas ko ang pag-aalala sa boses ni Dieve nang marinig kong si Janice ang kausap niya.

Nasaan si Reed? Ano nangyari bakit na kay Janice ang telepono niya?

"Shit!" Narinig kong pagmumura ni Dieve. "Hijo, ano ang nangyari?" Tanong ng mommy ni Reed. Humarap si Dieve sa nanay ni Reed kapansin-pansin din ang pagtagis ng panga niya. "Tita, nawawala si Reed, tanging cellphone lang niya ang nakita ng kasamahan namin," napadako ang mga kamay ng nanay ni Reed sa kanyang bibig.

Maging ako ay para bang pinagbagsakan ng langit at lupa nang marinig na nawawala si Reed. Wala akong magawa kundi ang makuyom ang kamay ko. Kasalanan ko ito.

"Tatawag ako ng mga pulis," may bikig sa boses na wika ng nanay ni Reed. "No use, Tita. Hindi naman natin alam sino ang dumukot kay Reed, may kilala ba kayong kagalit ng pamilya niyo?" Tanong ko ngunit umiling lamang si Tita. "Tita pupuntahan namin ang kaibigan namin, subukan niyo nang magreport sa police," nagmamadaling wika ni Dieve na patungo na sa sasakyan niya. "Ryoichi sumabay ka na sa akin." Wika niya nang buksan ang pinto. "No need, mas mabilis ang motor." Agad kong tinext si Kuya para itrack ang cellphone ni Reed. Di naman nagtagal nang makaalis si Dieve ay nasend na sa akin ni Kuya ang location.

"Malapit lang 'yon dito," bulong ko nang makita ko kung saan ang subdivision na huling nakita si Reed. Agad kong pinaandar ang motor ko at dumaan sa pinaka malapit na ruta.

Nang makarating ako roon ay walang bakas ni Reed ngunit nakita ko lamang si Janice na nakayakap kay Dieve at umiiyak. "Ano nangyari?" Bungad ko nang matanggal ko ang helmet ko. Agad na nabaling ang atensyon sa akin ni Janice.

"Tinext ko si Reed kaninang umaga na pumunta rito, pero nang makarating ako rito wala siya, nakita ko lang 'yong cellphone niya sa pinitak," wika ni Janice na lalo pang naiyak at yumakap kay Dieve.

"Saan mo nakita ang cellphone ni Reed?" Tanong ko. Tinuro niya ang lugar ng pinitak na maputik at may bato-bato pa. Bumaba ako roon at tinignan ang paligid. Tumalungko ako sa lupa nang makita ko na may parang bakas ng dugo roon.

Hinawakan ko 'yon at agad na may rumehistrong imahe sa akin. Gayon na lang ang paglakas at pagbilis ng tibok ng puso ko. Sa sobrang lakas at bilis noon ay nasapo ko na lamang ang dibdib ko sa sobrang sakit.

"Hey, Ryoichi, ano nangyari?" Bumaba na rin si Dieve sa pinitak at lumapit sa akin, gayon na rin si Janice.

Wala akong magawa kundi ang tignan ang mga paa nila. "Ano ginagawa niyo riyan?" Narinig kong sigaw ni Amari na kararating lang. "Tulungan mo ko, kailangan natin maangat si Ichi," wika ni Dieve.

Doon ko napansin na mas matagal na nakatayo roon sa pinitak na iyon ay lumulubog ang mga paa namin at nagiging dahilan upang kumapit ang putik sa sapatos namin.

Narinig ko ang papalapit na yabag ni Amari at agad namang kinuha ni Dieve ang isang braso ko at iniangkla sa batok niya. "Dieve, bantayan mo si Janice," mahinang wika ko. Tumingin sa akin si Dieve at tinignan si Janice. "Palagay mo ba may koneksyon siya sa pagkawala ni Reed?" Tanong nito. Nagtiim ang bagang ko.

"Ayoko man mambintang pero oo," wika ko. Inalalayan ako ni Dieve na makatayo ngunit biglang nanikip ang dibdib ko. "Argh!"

"Magpahinga ka kayang ungas ka," wika ni Amari na iniangkla na rin ang braso ko sa batok niya. "'Di pwede hangga't di nahahanap si Reed," nahihirapang wika ko.

"Gago ka rin, no? Kita mong hirap ka na di mo pa rin isipin sarili mo," kinuha ni Amari sa bulsa niya ang susi ng kotse. "Aether sanay ka ba mag maneho?" Tanong ni Amari, tumango naman si Aether. Inihagis ni Amari ang susi kay Aether.

"Iuwi mo lang 'tong gunggong na ito," tumingin siya sa akin. "Akin na susi ng motor mo," ma-awtoridad niyang wika. "Nasa motor 'yong susi."

Nang makaakyat kami mula sa pinitak ay tinulungan nila ako makaupo sa backseat. "Magpahinga ka, mahahanap natin si Reed, wag ka lang magpaka stress, gago ka paglumala 'yang sakit mo sa puso ako mismo papatay sa iyo," pagbabanta ni Amari.

Hinitak ko ang manggas ng polo ni Dieve at bumulong. "Bantayan mo si Janice obserbahan mo kung may kakaiba sa inaasta niya," tinignan ko si Janice na ngayo'y paakyat na rin mula sa pinitak, tinulungan naman siya ni Amari na umakyat. Tinignan ko muli ang sapatos ni Janice.

Bakas na bakas ang putik doon lalo pa at kulay puti ito. "Tignan mo rin nang maigi ang sapatos niya," tumango naman si Dieve at tinignan si Janice na ngayon ay tinitignan ang pinitak.

Tumingin naman sa akin si Amari na para bang may nalaman din. Tumango ako at sumakay siya sa motor ko kasabay ng pagsuot sa helmet ko.

"Mag-ingat kayo," bilin ni Dieve kay Aether at tumango naman ito. Inintay namin na makaalis si Amari. "Halika na?" Malumanay na wika ni Aether, tumango naman ako.

Pinaandar niya ang sasakyan at malumanay na pinaandar ito pabalik sa condominium building namin. "You're doubting Janice, aren't you?" Mahinang wika ni Aether. Tumingin lamang ako sa labas ng bintana.

"Masyadong mabilis eh, sariwa pa ang dugo nang nahawakan ko 'yon. At isa pa paano niya nakita agad ang cellphone ni Reed sa mabato at maputik na lugar na iyon? Isa pa 'yong bandang paanan niya," napahawak ako sa baba ko. "Ibang klase nga ang obserbasyon at talino mo," iniliko ni Aether ang sasakyan papasok sa underground parking ng condominium.

"Janice, she's odd. Masyado siyang tahimik, madalas siya ang pinaka tahimik," mahinang wika ko. "Kung ganon ang paningin mo sa kanya bakit mo siya pinagkatiwalaan?" Tanong ni Aether.

Tumingin ako sa labas at tinignan ang iba pang sasakyang nakaparada sa garahe ng condominium building. "Dahil dapat siya pagkatiwalaan?"

"You're naive," may malungkot na ngiti sa mga mata ni Aether. Nanlaki ang mga mata ko nang may narealize ako. "Kilala mo ba si Janice noon pa?" Pagtatanong ko. Lalong lumungkot ang mga mata niya. Umiling siya bilang sagot sa tanong ko.

She tapped her fingers on the steering wheel. "Hindi siya ang Janice na kilala natin, iba siya. Nabulag siya sa isang bagay," wika ni Aether. "Nabulag siya sa pag-ibig. Simula nang umalis ka na kay Reed lahat ng atensyon lalo na ni Dieve."

"She love Dieve?!" Gulat kong tanong. Tango lamang ang naging tugon sa akin ni Aether.

"Nga pala, malaki ang chance na ang dumukot kay Reed ang may gusto kumuha ng mata ko," halos pabulong na wika ni Aether. "Alam ko rin kung saan 'yon," mahinang wika niya. "Tutulungan ko kayo, kahit man lang ito matulungan ko kayo," malungkot ang ngiti na iginawad niya sa akin.

[Reed]

My body is too numb, masyadong maliwanag ang paligid, hindi ko rin maidilat ang mata ko. Masyadong maingay ang paligid at may mga salitang di ko maintindihan.

Nakakarinig din ako ng mga mumunting beep sa paligid ko. Sinubukan kong igalaw ang mga kamay ko ngunit hindi ko ito magalaw. Sinubukan kong tumawag ng tulong ngunit masyadong tuyo na ang lalamunan ko.

Tulong! Tulongan niyo ko!

Pakiramdam ko rin ay maraming nakapulupot mula sa pulso ko hanggang sa braso ko. Sinubukan kong idilat ang isang mata ko ngunit kahit pa sobrang liwanag ay di ko maaninag masyado ang mga bagay sa paligid ko.

Para akong nasa isang laboratoryo. "She's already stable, hindi naman gaano kalala ang mga blow na natanggap niya," dinig kong wika ng isang babae.

Naalala ko na lahat. Naipikit ko ang mata ko at pinigilan ang pagtulo ng luha ko. Janice was there and another person that I know. Bakit ganito? Bakit parang pinaglalaruan ako ng tadhana?

"Nakuha niyo na ang gusto niyo, ngayon ano balak niyo?" Boses ni Penelope ang naririnig ko. "We will find a way to have those godlike eyes," wika ng isa pang pamilyar na boses.

"Sinabi ko na sa inyong hindi niyo makukuha ang kakayahan nila," mataas ang tono ng boses ni Penelope. "Wala kayong mapapala sa ginagawa niyo."

"Magagamit namin sa medical field ang kakayahan na ito." Lalong tumulo ang luha ko sa boses naririnig ko. Hindi ko alam na ganito siya kasakim.

"Hindi ka pa man din nakakapanumpa ng Hippocratic oath pumatay ka na, isang taon na ang nakalilipas. Para saan? Para malaman mong totoo ang hinala mo na may mata si Reed?" Wika ni Penelope. Nais kong ikuyom ang mga palad ko ngunit di ko magawa. "Hindi ako makapaniwala na sa pagnanais mong makuha ang Eyes of Gods ay sinusubukan mong makagawa ng elixir para makuha ang kakayahan na iyon, di ka ba naaawa sa ginawa mo kay Reed at Aether? Pinaglalaruan mo ang buhay ng mga tao pero nagdodoktor ka."

"Manahimik ka, Penelope! Isa ka lang demigod na nawalan ng imortalidad," angil nito. I heard Penelope scoff.

"Go on! Kumuha ka ng dugo ko at sumubok na humanap ng paraan para gumawa ng elixir, sinasabi ko sa iyo wala magagawa ang siyensiya."

"Wala rin nagagawa ang Diyos, dahil kung nakita nga ni Reed na mamamatay si Rin noon bakit di niya ito pinigilan?"

"Dahil death is inevitable lalo kung malapit na ito, Rich."

Continue Reading

You'll Also Like

6.8K 1.1K 35
Maurice had never thought of giving up when it comes to Ross, the man she's into. Unfortunately, Ross sees her as a little troublemaker who pesters h...
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
2.7M 135K 94
SEASON 2: |COMPLETED| When things gone wrong in Pandora.... August was left with no choice.... Heartbreak.... Lies.... Her death was the key to send...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.