Love Suicide

By wrixleeee

2.5K 86 26

Escaping your problems through death wasn't the best way to forget all things and forget the happiness that y... More

Love Suicide
Author's Note
Prologue
I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
XXI
XXII
XXIII
XXIV
XXV
XXVI
XXVII
XXVIII
XXIX
XXX
XXXI
XXXII
XXXIII
XXXIV
XXXV
XXXVI
XXXVII
XXXVIII
XXXIX
XL
XLII
XLIII
XLIV
XLV
XLVI
XLVII
XLVIII
XLIX
L
LI
LII
LIII
LIV
LV
LVI
LVII
LVIII
LIX
LX
LXI
LXII
LXIII
LXIV
LXV
LXVI
LXVII
LXVIII
LXIX
LXX
LXXI
LXXII
LXXIII
LXXIV
LXXV
LXXVI
LXXVII
LXXVIII
LXXIX
LXXX
LXXXI
LXXXII
LXXXIII
LXXXIV
LXXXV
LXXXVI
LXXXVII
LXXXVIII
LXXXIX
XC
XCI
XCII
XCIII
XCIV
XCV
Epilogue
AUTHOR'S NOTE

XLI

3 0 0
By wrixleeee

DECEMBER 5: Saturday

QUIN

Napangiti ako nang makita ko siya. Itinaas ko ang aking kamay at nakita niya naman ako.

"Hey Ken!" Sigaw niya nang malapit na siya sa'kin. Nginitian ko lang siya at sinenyasan na maupo na siya.

Napalunok ako at hinigpitan ang aking hawak sa cellphone ko. "Sorry, bukas nalang. I gotta go. Bye." Magsasalita na sana siya nang ibaba ko na ang tawag.

I gritted my teeth, controlling myself.

"Oh, sino 'yon?" Pagtatanong ni Kate nang maka-upo na siya sa upuan kaharap ko.

Napangiti ako at umiling. "Wala lang."

Tiningnan niya ako ng nakakaloko. "Si Jacq 'yon 'no?" Pagtatanong niya sa'kin.

Napangiti ako. "Hindi."

"Aba ay, bakit ganiyang ngiti mo nang mabanggit ko siya?" Tiningnan ko lang si Kate at napahinga ng malalim.

"Masaya lang ako," pagdadahilan ko kahit hindi naman talaga totoo.

"Oh, sige. Sabi mo eh." Nagkikibit balikat niyang sabi habang may kung ano'ng kinakalikot mula sa kaniyang bag. Huminga siya nang malalim nang makuha na niya ang hinahanap niya at tumingin sa'kin tsaka niya inabot ang notebook niya. "Thank you." She said in a longer time. I chuckled a bit.

Inabot ko ang kaniyang notebook at binuksan. "Tungkol sa'n ba?" I asked.

She looked up on the ceiling, thinking of some topic. "Tungkol sa kaniya, kaibigan mo naman 'yon eh." Nakangiti nitong pahayag kaya naman napa-isip ako.

Tumingin ako sa phone ko nang umilaw ito at biglang nag-vibrate. Huminga ako ng malalim at tiningnan kung sino ang tumatawag.

Napangiti ako ng nakakaloko at tumingin kay Kate, napatingin siya sa'king cellphone na itinuro ko. "Excuse muna."

Tumayo ako at lumabas ng coffee shop. Huminga ako ng malalim bago ko sagutin ang tawag niya.

"Oh, Justin?"

["Ken!"] Napababa ang aking balikat sa paraan ng pagkakatawag niya sa'kin.

"A-ano bang nangyaring ugok ka?" Pagtatanong ko habang nalalakad pabalik-balik sa may entrance ng coffee shop.

["S-si..."] Hindi ko alam pero parang naiiyak siya mula sa kabilang linya.

"Sino?" I can't help not to worry because he's also my friend.

["Si Justin 'to bro!"] I close my eyes in irritation.

"Bakit ka ba kasi tumawag?"

["Asan ka?"] He asked, changing the topic.

"Sa coffee shop."

["Ahh."] I imagined him nodding. ["Sino kasama mo?"] Ibababa ko na sana ang tawag nang humirit pa siya.

"Alam mo, nakakapersonal ka na Justin ah!" Naiinis ko nang sabi.

["Bro kasi..."] Napahinga ulit ako ng malalim. ["Kita tayo?"] He asked in a more sincere tone.

"Sige, magkita nalang tayo," I heavily sigh in defeat. "Kasama ko kasi si Kate ngayon eh, nagpapatulong sa--" naalala ko na bawal pala niya malaman. "Sa assignment namin."


Napansin kong napatahimik siya ng ilang sandali. ["Ah, sige bro. Basta puntahan mo nalang ako. Hm, text ko nalang sa'yo kung sa'n ako."]

"Sige, bye."

"Tagal ah?" Bungad sa'kin ni Kate nang makadating ako sa table namin.

"Si Justin kausap ko eh." Napahinga siya ng malalim.

"Ang friendly niya 'no? Ang dami niyang friends." Napa-iwas siya ng tingin sa'kin. "Friend din niya si Jacq." Ibinalik niya sa'kin ang kaniyang tingin.

Huminga ako ng malalim. "So, bakit mo siya bibigyan ng tula?" I put my attention on the notebook she gave me, thinking of the topic that she gave me.

Tiningnan ko si Kate. Nakatulala siya. "Ang astig ni Jacq 'no? 'Di ba friend mo siya?" I gulp when I heard her name, once again. I slowly nod. "Do you believe na siya ang pumatay sa Mama at Kuya niya?" She asked.


I cleared my throat. "What do you think?"

Tumingin siya sa'kin at tumingin sa itaas na tila ba nag-iisip. "She looks cool, a bit boyish but... I don't think that she can kill her own family."

I nodded at her opinion. "Have you ever met her?" I asked not looking at her, pretending that I'm writing the task she gave me.

"Oh, yeah." Tila ba nakangiti niyang sabi. "Hinabol mo pa nga siya no'ng isang araw, right?"

I looked at her. Oo nga pala.

"And I shared table with them."

"Them?"

"Yeah, Justin." She said like Justin's nothing to her.

"Ahh." Napatango nalang ako at itinuon ang aking pansin sa pagsusulat.

"Mabait siya, sobra. Cold nga lang."

Sinulyapan ko siya ng tingin at nakita kong nakatingin din siya sa'kin. Tumahimik lang ako at hindi sumagot. Akala ko titigil na siya pero humirit pa.

"Hindi ba?" Huminga ako ng malalim at tuluyang tumingin sa kaniya.

"Oo, sobra." I softly said, remembering how kind she is.

Tumahimik na ang buong paligid. Tumahimik kami ng ilang sandali habang ako'y nagsusulat ng kaniyang pinapasulat.

"Maganda siya 'di ba?" Napatingin ako sakaniya sa tanong niyang 'yon. Napangiti ako.

"Yeah, she is."

"Inlove ka 'no?" Natigilan ako sa kaniyang tanong at kunwari hindi ko narinig. "Hoy, Ken!" Tawag niya sa'kin kahit na mahkalapit lang naman kami.

Napatingin naman ako sa kaniya. "Ano?"

"Kaibigan mo ba siya?"

Nagtaka ako sa tanong niya.

Hindi ko naman kasi siya kaibigan. DeathNer ko siya eh. Tsaka...

"Oo." I said in a matter of factly tone. "Bakit ba si Jacq ang topic?"

"Wala naman. I find just find her interesting." She said smiling.

I heavily sigh and close her notebook. "Okay na."

"Ha?"

I give back her notebook and smiled. "Okay na."

Kinuha niya naman ito at binuklat. "Wow, 'di ko akalain na makakapag-sulat ka sa kabila ng pagdadaldal ko."

"I miss her."

"Ha?" Napatingin ako sa kaniya. Nagtataka ang kaniyang itsura habang hawak ang kaniyang k'waderno.

Napagtanto ko ang sinabi ko. Naalala ko na naman siya sa bawat babaeng nakakasama ko. Bakit nga ba gano'n?

Napapikit ako. "Wala, wala." Napabuntong hiniga ako. "Ihatid na kita sainyo Kate?"

"Ah! H'wag na Ken." Sabi niya habang inaayos ang notebook niya. "Imi-meet ko naman si Joshua." Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi niya but I have a doubt about that Joshua. I don't know why. "Thank you talaga, Ken." Masigla niyang sabi. Nakita kong uulitin niya ang sinulat ko that's why I felt satisfaction that I make someone happy.

Napangiti ako sa kaniya at tumayo. "I better get going, Kate." I sigh. "Kailangan ko pang siputin si Justin."

I didn't wait for her response. I know it's not appropriate to leave a lady there but as what she've said, she'll meet Joshua.

Yeah, the guy that I saw with Jacq this Thursday.

Hindi ko alam kung bakit sila magmi-meet eh, ayaw naman no'ng Joshua na 'yon kay Kate. But then, I heard Jacq and Joshua's conversation so I bet that he had a plan.

When I step out of the coffee shop, biglang nag-vibrate ang aking phone kaya naman agad ko 'tong sinagot.

"Hello, Justin?"

Matagal-tagal bago siya sumagot. "Justin?" Naglakad na ako papunta sa dala kong kotse.

["K-ken kasi..."]

Pumasok ako sa loob ng kotse at handa na sanang paandarin ito nang humahagulgol si Justin sa kabilang linya. "Hoy, Justin! Ano nangyayari?" Natataranta kong tanong.

["S-si Jacq kasi Ken eh..."]

Nagpintig ang aking tainga nang marinig ko ang pangalan ni Jacq. "S-si Jacq?"

["Uhm,"] tila ba napatigil siya ng kaunti sa kabilang linya. ["Oo, k-kasi..."]

"Asan siya? Ano nangyari sa kaniya? Magkasama ba kayo ngayon?" Sunod-sunod kong tanong sa kaniya pero hindi agad siya makasagot. "Justin!"

["Ah-eh, k-kasi..."] He sniffed like he's crying.

Damn it.

"Justin tell me. What happened to Jacq?" I asked in emphasis.

["Hindi ko siya ma-contact. Hindi siya sumasagot sa tawag ko. T-tapos sabi ni Dave... Sabi niya, hindi pa daw si Jacq umuuwi sa kanila."] Nangingiyak na sabi ni Justin.

Teka ba, bakit siya umiiyak?

Argh, magkaibigan na din pala sila.

"Fuck it."

["P-pero Ken..."] Halos mabuhayan ako nang sabihin niya ang mga linyang 'yon. ["Huli ko siyang nakita sa isang apartment building."]

"Sa'n 'yon? Bakit siya nando'n?"

["Hindi ko din alam, Ken."] Tila ba nawawalan niyang pag-asang sabi. ["Nakita ko siyang papasok sa isang transparent sliding door."]

Naguguluhan ako. Hindi ko alam kung sa'n ako pupunta. "Asan siya?!"

×××

"Miss, Room 1130."

"Third floor po Sir." I ran as fast as I could through the elevator. Luckily, it's open.

When Justin told me where the hell Jacq is, I rushed here. I close my eyes and hoping, walang nangyaring masama kay Jacq.

Pagkabukas na pagkabukas ng elevator sa third floor, agad kong hinanap ang Room 1130.

Is it a coincidence? It's 1130, as in November 30th? Napatingin ako sa orasan ko, it's already 7:24 in the evening.

Nang makadating ako sa may tapat ng pinto ng Room 1130, nakita kong wala nang ilaw mula sa labas.

Pa'no kung wala na dito si Jacq?

I immediately open the sliding door and I stiffened when I saw what's inside.

HAPPY 17TH BIRTHDAY QUIN!

Napatingin din ako sa sahig na puno ng balloons, black and white. Hinawi ko din ng kaunti ang mga crepe papers na humarang ng bahagya sa'king mukha at kitang-kita ang mga banderitas na nakasabit sa kisame.

The Christmas lights, giving some lit light to this dark room and it seems like it's giving the full spot near to her face to see her quickly.

Slowly, I close the door and went near to her. She's wearing a white shirt and I can see her black jeans and her white sneakers. She's also wearing a party hat, black filled with white polkadots on it. She's holding her cellphone and her face is almost covered by her hair.

Pawis na pawis na din siya kahit na air-conditioned ang room na 'to.

She's really...

I crouch to level her height while she's sitting on a monoblock chair. I tucked her hair on the back of her ears. She's deeply asleep.

Napatingin ako sa cake na halos katabi lang ng kaniyang mukha.

Happy Birthday Quin!
Love, Jacq <3

I smiled from what's written on the cake and look back to her, still sleeping.

I tucked another strand of her hair that covered her face. Napapikit siya ng mariin kaya nilayo ko ang aking sarili.

Dahan-dahan siyang napamulat at gulat na napa-atras mula sa kaniyang pagkaka-upo sa puting monoblock chair.

Ngumiti ako sa kaniya at kinuha ang party hat na kulay white at may itim na polkadots do'n, nakalagay ito malapit sa may cake at sinuot ko ito sa'king sarili.

"S-surprise?"

I chuckled from what I've heard.

"I think ako ang nag-surprise sa'yo." I said while shaking my head. She cleared her throat and gulp. "What is this?"

"Celebration." Nakayuko niyang pahayag.

Tumayo siya kaya naman napatayo na din ako. May kinuha siya mula sa kaniyang bulsa at sinindihan ang sparkles na nakatusok sa cake pero pinigilan ko siya.

"Q-quin..."

"Thank you."

We stayed hugging each other for a quite time. I tightened the hug when I already felt that she hugged me back.

You don't have any idea how I miss this girl.

Continue Reading

You'll Also Like

85K 2.6K 23
NOT EDITED. π•Šπ•–π•’π•¦π•–π• 𝕠𝕗 𝕙𝕖𝕣 π•“π•π•–π•–π••π•šπ•Ÿπ•˜ 𝕙𝕖𝕒𝕣π•₯ π™π™π™š π™¨π™π™–π™©π™©π™šπ™§π™šπ™™ 𝙨𝙀π™ͺ𝙑𝙨 π™¬π™π™žπ™˜π™ π™–π™§π™š π™œπ™€π™žπ™£π™œ 𝙩𝙀 π™—π™šπ™˜π™€π™’π™š...
197K 7.5K 39
This isn't a cliche story about two friends falling in love and living happily ever after, this story is a pain story sometimes there is no happily e...
2.4K 400 17
A short cut in life has never been an option. Spilling of blood for surviving has never been an option. No matter how rocky your life can get never t...
110 0 10
You never expect your life to turn out how it is , You kinda wanna make it out now but no matter how much planning you do , life has a way of saying...
Wattpad App - Unlock exclusive features