She's my Bodyguard 49
A/n: play ALL WITH YOU BY TAEYEON
3rd Person POV
*bang *bang *bang
0___0
"Mrs Ty!"
"Ma!"
"Tita!"
Halos pag bagsakan ng langit at lupa si Psyche sa mga nakita napa luhod si Psyche habang nanlalaki ang mga mata na naka tingin sa nanay niya na ngayun ay dahan dahang lumulohod habang lumalabas ang dugo sa kanyang labi
"Ma..."banggit ni Psyche at dali daling tumakbo papunta sa harap ng nanay niya
Agad nasalo ni Psyche ang katawan ng nanay niya bago pa man ito bumagsak sa lupa
"Ma..."naluluhang wika ni Psyche habang naka tingin sa muka ng ina na may dugo sa labi na naka ngiti sa kanya
"A....nak"bigkas ni Mrs Ty sa kanyang anak
Nag sidatingan na ang mga pulis na kinontak ni Inigo at nag tulungan na palayain si Inigo sa kamay ng kanyang ina na bumaril sa nanay ni Psyche
Lumapit naman si Neon at Matthew kay Psyche
"Ma... Ma ba...bakit bakit may dugo ka?...ma... Ma diba magaling kang pinuno...ma ba...bakit may tama ka...ma...ma"wika ni Psyche at nag simula nang mag sipatakan ang mga luha nito
Nang hihina namang pinunasan ni Mrs Ty ang luha ng anak saka hinawakan ang pisngi ni Psyche
"A...nak a...ng ang swerte ko... Ang swerte ko dahil...dahil ikaw ang naging...naging anak ko....anak...pa..patawarin mo si mama ha.... Patawarin mo si mama kung...kung nilayo kita noon...sa...sa piling ko" nahihirapang banggit ni Mrs Ty
"Ma tama na po...matagal ko na po kayo napatawad ma...wag ka nga mag salita ng ganyan...ma..."napa tingin si Psyche kay Neon
"Neon...tumawag ka ng tulong...dadalhin natin si mama sa hospital"
"Shhh...Psyche anak...sorry kung pinag hiwalay ko kayo ni Matthew.....sorry kong...kong naging hadlang ako sa ...sa pag mamahalan niyo"
"Ma ano ba bakit ka ba nag sosorry?"tanong ni Psyche at niyakap ang ina
"Ma...Matthew... A...alagaan mo si Psyche..wag mo siyang papaiyakin o sasaktan"
"Ma! Ano ba! Wag ka nga mag salita ng ganyan?! Lalaban ka kasi matapang ka! Kapag nawala ka pa ulit! Magagalit ako! Kaya lumaban ka! Neon ano ba?! Nasan na ang tulong?!"sigaw ni Psyche at luminga linga sa paligid
"Tulong!!!! Tulungan niyo mama ko!! Please! Siya muna unahin niyo! Ngayun ko palang makakasama si mama"umiiyak na wika ni Psyche habang naka tingin sa nanay niya
"Tama na...anak"
"Hindi Ma ang daya mo! Kung kailan tapos na ang laban saka ka pa susuko? Ma ngayun palang kita makakasama tapos iiwan mo na agad ako? Ma naman..."
"Patawad anak....patawad" unti unting pinikit ni Mrs Ty ang kanyang mga mata na alerto naman si Psyche at ginalaw ang kamay ng nanay niya
"Ma ma wag kang pipikit"wika ni Psyche pero wala na siyang nagawa ng tuluyan ng ipikit ni Mrs Ty ang kanyang mga mata
"Ma....ma!"mapa yakap si Psyche sa bangkay ng kanyang ina
Pilit pinapakalma ni Neon ang pinsan niya pero nag wawala ito
"BITAWAN NIYO AKO!"Sigaw ni Psyche at niyakap ang bangkay ni Mrs Ty
"Ma...ma alam mo ba... Pinapangarap ko noon na mayakap ka mahalikan ka sa pisngi at masabihang mahal kita at salamat dahil isinilang mo ako ma please ibukas mo ang mga mata mo please ma ibukas mo kasi may sasabihin pa ako sayo"umiiyak na wiki ni Psyche habang nakayakap sa ina
"Ma...ma i love you... Ma....ma salamat sa lahat sa sakrepisyong ginawa mo ma... Ma idilat mo na ang mga mata mo please ma .... Ma please"nag mama kaawang wika ni Psyche
"Ma...ma mama naman eh "hindi napigilan ni Psyche na humagulgul sa katawan ng ina
"MA! MA I LOVE YOU! I LOVE YOU MA! MA IBUKAS MO NA ANG MGA MATA MO MA PLEASE MAAWA KA SAKIN MA GUSTO KO PANG SABIHIN SAYO NG HARAPAN NA MAHAL NA MAHAL KITA!"sigaw ni Psyche
Halos lahat ng tao naka tuon ang attention sa gawi ni Psyche
"MA ANG DAMI KONG GUSTONG SABIHIN SAYO! ANG DAMI KONG GUSTONG IPAG PASALAMAT SAYO KAYA PLEASE IDILAT MO NA MGA MATA MO!"
"Psyche tama na..."wika ni Matthew at hinawakan si Psyche
"Hindi! BITAWAN MO AKO! BUHAY PA SI MAMA BUHAY PA SIYA MATTHEW DIBA BUHAY PA SIYA KASI PUPUNTA PA KAMI SA EUROPE! ANO BA MATTHEW BITAWAN MO AKO!"sigaw ni Psyche pero hindi binitawan ni Matthew si Psyche lalo niya itong niyakap ng mahigpit hanggang sa dalhin na ang katawan ni Mrs Ty sa isang sasakyan pilit nag pupumiglas si Psyche na makawala para habulin ang katawan ng nanay nya
"Matthew please bitawan mo ako"nang hihinang boses ni Psyche
"Hindi kita bibitawan..kapag binitawan kita alam kong susunod ka sa nanay mo"
"Gusto ko siyang makita Matthew sinong bumaril sa kanya?"malamig na wika ni Psyche napa tigil si Matthew dahil sa tanong ni Psyche
"Matthew sumagot ka"
"Psyche..."
"SINO?!"sigaw ni Psyche at kumalas kay Matthew napa tungo si Matthew at napa tingin sa derektion nila Inigo at nanay niya
Napa tingin naman si Psyche sa tinitignan ni Matthew at parang alam niya na ang sagot
Akmang mag lalakad na siya ng higitin ni Matthew ang kamay ni Psyche at niyakap siya
"BITAWAN MO AKO MATTHEW!"
hindi umimik si Matthew alam niya na magagalit sa kanya si Psyche pero mas pinili niya nalang na magalit si Psyche sa kanya kesa sa makapatay si Psyche sa harap ng mga pulis
"Tumatakas siya!"agad na naalerto ang lahat sa narinig nakita ng lahat na tumakbo ang nanay ni Inigo papunta sa isang kotse at pinaandar ito agad namang naalarma si Psyche
Labag man sa loob niya pero pinatulog niya si Matthew saka sumakay sa isang kotse para habulin ang nanay ni Inigo
Biglang nandilim ang paningin ni Psyche wala siyang ibang iniisip kundi ang mapatay ang nanay ni Inigo na bumaril sa nanay niya
Kung titignan parang nag kakarera ang dalawa sakop nila ang daanan lalong binilisan ng nanay ni Inigo ang pag papatakbo ng sasakyan ng makita ang naka sunod na sasakyan sa kanya
Lumiko ang sasakyan ng nanay ni Inigo kaya lumiko din ang sinasakyan ni Psyche nag simula nang mag labas ng baril si Psyche at inilabas ang kalahati nitong katawan saka pinaputukan ang sasakyan kung saan naka sakay ang nanay ni Inigo
Naka ilag naman ang sinasakyan ng nanay ni Inigo halos mapa mura si Psyche ng maubusan na siya ng bala iisang baril lang din ang dala niya.
"Pinatay mo si mama pinatay mo si papa tang*na mo papatayin din kita"wika ni Psyche sa sarili niya at mas binilisan ang pag papatakbo ng sasakyan niya nag dere deretso lang ang sasakyan ng dalawa wala silang pake alam kong naka stoplight ba o hindi
Napa tingin si Psyche sa gilid at nakitang may paparating na sasakyan kaya gumilid ito
Nanlaki ang mga mata ni Psyche ng mapag tantong wala nang preno ang sinasakyan niya at pabilis ito ng pabilis napa tingin si Psyche sa hinahabol niyang sasakyan at ganon nalang ang pag laki ng mga mata niya ng may isang truck ang biglang lumitaw at nabangga doon ang sinasakyan ng nanay ni Inigo
Agad na binuksan ni Psyche ang pinto niya at tumalon mula rito
*booogsh
*peeeeeeeep
*boogsh
Sabay sa pag sabog ng tatlong sasakyan ang pag bagsak ni Psyche sa daanan tumama ang ulo niyo sa gilid ng kalsada dahilan para mawalan siya ng malay
~~~~
Tweet me @redious_in
Facebook: Arline Laure ll
Instagram: rediousinpaper