The Things I Hate About You

By ceresvenus

169K 4.7K 963

Tosca is a famous influencer who pretty much spend all of her time on her night life. Bakit naman hindi eh it... More

Prologue
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48

Chapter 1

5.8K 135 14
By ceresvenus

Tosca

"Ano nanaman ito! You were caught kissing a man last night, Tosca!" Halos hysterical na sabi ni Rita, my publicist.

"I know, okay! So? May info ba sila about the guy? I asked.

Hindi ko man lang kasi nakuha ang pangalan ng gwapong stranger kagabi. Pero perfect talaga ang mukha niyang parang hindi matae dahil sa gulat!

"None! Nakatalikod ang guy from the camera. Kaya nga kitang kitang ikaw 'yon eh! Lago ka nanaman sa parents mo niyan." Humalukipkip si Rita at umiling.

I don't really care much about my image. I just want to live my life! Hindi ako dapat magpaka plastic dahil lang maraming nakasubaybay sa akin.

"What's my schedule tonight?" Tanong ko.

"May guesting ka sa Revel." Tipid niyang sagot at patuloy na nag scroll sa kanyang phone.

Party namaman! Excited na akong mag sayaw at maka meet ng mga yunmy foreigners. Natawa kaagad ako sa pinag iisip ko.

"Sige na, Rita. You can go. Pupuntahan ko pa si Clinton sa unit niya." I said.

"Oh, anong gagawin mo sa bahay ng pinsan mo?" Kinunutan niya ako ng noo.

"I don't know. Mukhang may plano siya eh." I shrugged.

My cousin is the owner of the top rating clubs in Manila. Siguro talagang it runs in the family, wala kasi akong day job. Nag-start akong sumikat sa instagram noong nag 18 ako at nakakalabas labas na ako. Some people say that I am the Kylie Jenner of the Philippines. Although hindi ko naman nakikita ang resemblance.

"Clinton!" Kinatok ko ng malakas ang pinto ng kanyang unit.

Mga limang minuto na rin siguro akong naka tayo rito sa tapat ng pinto niya. Ang sabi niya sa akin, 2 pm ako magpunta. Sinadya ko na ngang magpa late eh, 2:30 na! Siguro tulog pa ang mokong.

Inis kong binunot ang cellphone ko mula sa bag ko at dinial ang number niya. Ring lang ng ring ang pero hindi niya naman sinasagot.

"Ugh!" Sinipa ko ang pinto at naglakad pabalik ng elevator.

Pinindot ko ang down button at hinintay na bumukas ang elevator. Saktong may tao namang bababa pagkabukas niyon.

Halos malaglag lahat ng pwedeng malaglag sa akin nang makita ko kung sino ang taong bababa. It was the hot guy! Natulala ako sa kanya dahil shit, kung gaano siya kagwalo kagabi ay ganon din siya kagwapo ngayon!

"Hey!" Hindi ako nagdalawang isip na tawagin siya.

Hindi man lang kasi ako tinapunan ng tingin at dire diretso lang siya sa paglalakad sa hallway.

"Excuse me! Hey!" Tawag kong muli sa kanya.

This time ay tamad na niya akong sinulyapan.

"H-hi! Don't you remember me? From last night?" Pinaling ko ang ulo ko, waiting for his answer.

Sa halip na sagutin niya ako ay huminto siya sa tapat ng unit ni Clinton. Sumunod ako at tumabi sa kanya.

"Kilala mo si Clinton?" Sabi ko.

Mukhang doon ko nakuha ang pansin niya. Nilingon niya ako at kunot noong tiningnan.

"Ka ano ano mo si Clint? One of your boys?" Tila dismayadong sabi niya.

Sa wakas nagsalita na rin siya! Ang laki laki talaga ng boses niya. Napaka manly ng dating.

"Hindi ah! Wala akong boys! He's my cousin." Hala bat parang naging tunog defensive ang sagot ko.

"I see." Kumatok siyang muli sa pinto at hindi na ako pinansin ulit.

"Teka! Ikaw? Kaano ano mo siya?" Pinilit kong humarang sa pinto para ako naman ang tingnan niya.

"None of your business." Masungit niya nanamang sagot.

What is it with this guy? Parang hindi siya tinatalaban ng charms ko? And hello? Hindi niya ba ako kilala? May facebook, twitter at instagram ba siya?

"So, di mo talaga ako natatandaan? From last night?" Tanong ko ulit.

Mas busy siya sa pag katok sa pinto ni Clint kesa kausapin ako.

"I do. You're that flirt that made out with me last night." Walang emosyong sagot nito.

Grabe ah! Flirt talaga?

"You liked it naman diba?" Kindat ko sa kanya.

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagong gising na si Clinton. Gulo gulo ang buhok niya at naka sando at boxers lang.

"Yeah right, akala ko ba 2pm? Eh di mo pa nahihilamusan 'yang panis na laway mo oh!" Turo ko sa gilid ng labi niya kahit wala naman talaga siyang panis na laway.

Hinawakan niya ang gilid ng labi niya. Eh wala naman talaga kaya tiningnan niya nalang ako ng masama. Bumaling siya kay hot stranger at nag apir sila.

"Pasok ka, pre." Nilakihan ni Clint ang bukas na pinto.

Tingnan mo 'tong walang hiyang pinsan ko. Ako ni hindi man lang inalok? Eh kanina pa ako nandito ah. Inis akong pumadyak at wala nang nagawa. Huli na akong pumasok sa unit ni Clint.

Dumiretso sila sa office ni Clint kaya sumunod nalang din ako. Nakaka wala kasi ng mood. Parang kahit anong gawin ko ay hindi ako ma tipuhan ng gwapong stranger na ito and I still don't know his name until now!

Umupo si Clint sa office chair niya at umupo ako sa issng couch katapat ng uupuang couch ni stranger! Aha! Wala siyang choice ngayon kundi makita ang maganda kong mukha. Inayos ko ang naligaw na buhok sa mukha ko at inipit sa tenga ko. Duh! The art of seduction.

Seryoso lang naman niya akong tiningnan. Iyong tipong tingin na nakakapaso? Alam ko hiniling kong tingnan niya ako pero gosh! Ako pala ang hindi makakatagal sa mga titig niya. Naputol ang pag titinginan namin nang tumikhim si Clint.

"I assume, magkakilala na kayo?" Nagtaas siya ng kilay.

Ako na ang sumagot.

"I introduced myself to him pero mukhang ayaw niyang magpakilala sa akin. You do it." Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Humalakhak si Clint at umiling.

"Really, dude? First time mo atang tumanggi sa babae." Pilyong nginisihan ni Clint ang stranger.

Umismid lamang siya at hindi sumagot.

Seriously? Hindi naman siya pipe! Pero bakit ang tipid tipid niyang magsalita? Bumaling sa akin si Clint.

"Anyways, Tosca this is Scorpion. Scor for short." Pakilala niya.

"Wait? Scorpion? As in 'yung hayop?" Confused na tanong ko.

"Yep. As in hayop." Muling humalakhak si Clint at sumandal sa kanyang office chair.

What a weird name! Pero bagay naman sa kanya ang pangalang Scorpion. Ang behavior niya kasi ay parang behavior ng totoong alakdan. 'Yun bang iisting ka kaagad kapag ininis mo siya? Basta napaka sungit ng aura niya!

"Why is she here, Clint? I thought we're talking about business here?" Masungit niya nanamang sabi.

Nag relax siya sa couch at sinandal ang ulo niya. Ang haba din ng legs niya sobra! Ang tangkad niya kasi eh. 5'5 ako pero hanggang balikat niya lang ata ako.

"Yes! Siya ang sinasabi kong potential partner natin." Natatawa pa din si Clinton.

What? Potential partner? Wait, don't tell me ito ang sinasabi niya na plano niyang mag tayo ng bars sa La Union at Puerto Galera?

"'Yun ay kung tatanggapin mo, Tosca ang proposal namin. 'Cause the last time I checked, wala kang planong mag invest." Kinindatan ako ni Clint.

Ha? Di nga? Sinabi ko ba 'yon? Parang hindi naman! Gustong gusto ko ngang mag invest! Kung ang ibig sabihin ba naman non ay marami pang meetings with Mr. Scorpion eh!

"How can she help with our business, Clinton? This woman doesn't seem to know anything about handling business." Kada banat talaga ng lalaking 'to may kasamang panlalait sakin eh.

"How can you say so? Marami akong business Mr. Scorpion." I tried my best too look and sound professional.

Totoo naman kasi. I own a few branches of Just Nails- a Nail spa.

"Well, you don't look like a businesswoman to me. You look like a crazy cat that doesn't do anything except partying and drinking." Umawang ang bibig ko at kumunot ang noo ko.

This guy is so unbelievable! Marahas nalang akong napasinghap at di nalang siya sinagot. Grabe ang bunganga ng isang ito. Talagang alakdan siya eh?

"Oh, teka! Tama na iyan! We're here to talk about business. Mamaya na kayo mag asaran kasi ganyan nagkatuluyan ang lolo at lola ko." Isa pa itong mokong na 'to.

"So, cous... Are you willing to invest?" Baling niya sa akin.

"Yes! Magkano ba ang kailangan niyo nang mapag usapan na natin ito?" I said.

"Scor and I will each release five million pesos. Can you invest that much too?" He asked.

Teka, 5 million? May pera ako pero hindi ba masyado naman atang malaki?

"I bet she doesn't have that amount of money." Sagot naman ni Scor.

Okay! Now he's really getting into my nerves! Akala niya ha! Tingnan natin kung sino ang mas maiirita.

"Okay, call! Five Million plus free advertisement to all my followers on social media." Tinaasan ko ng kilay si Scor at nanunuya siyang nginitian.

"Here's the contract. Everything you need to know about the business is in there. Basahin mong mabuti bago mo pirmahan. We can discuss this further some other time." Inabot ni Clinton sa akin ang isang blue folder.

Pag buklat ko noon ay nakita ko kaagad ang pangalan nilang dalawa sa lower right corner ng papel at sa ibaba noon ang pangalan kong wala pang pirma.

Hmm, so his full name is Scorpion Ceb Santillan. Ayos i su search ko mamaya ito sa facebook at instagram!

"Sigurado ka ba talaga diyan, Clint?" Oh God! What is wrong with him?

Why does he keep on doubting me!

"Alam mo, malaki ang maitutulong ko dito. Kaya nga ako ang pinili ni Clint eh, diba?" Hamon ko.

"Bakit? Anong gagawin mo? Lalandiin mo ang mga customers para bumalik balik sila sa negosyo?" Parang wala lang na sabi niya.

Konti nalang talaga bibingo na sakin ito!

"Shut your mouth, Scor. Pinsan ko pa din iyan. And besides, ngayon lang ata kita nakitang ganyan ka sungit sa babae?" Bahagyang natawa si Clint.

So hindi naman pala talaga siya masungit? Eh bakit sa akin parang masungit siya!

Matapos ang kaunting discussion tungkol sa negosyo ay pinaalis na kami ni Clinton. Alas singko na ng hapon, kailangan ko pang umuwi at mag prepare para sa guesting ko sa Revel.

"May lakad ka today?" Ang tahimik kasi namin sa loob ng elevator.

"Ang ingay mo. Can you shut up?" Kinagat ko ang labi ko. Sabi ko na nga eh tatahimik na nga eh.

Bumukas ang elevator sa parking lot ng condo ni Clinton. Naglakad siya patungo sa kanan at sakto rin namang dun naka park ang sasakyan ko.

"Will you stop following me? Are you a dog or something?" Iritang utas niya.

"Hindi ah! Doon naka park ang sasakyan ko." Turo ko sa isang puting vios sa dulo.

Hindi makapaniwalang bumuntong hininga siya.

"Why are so mad at me ba?" Sinabayan ko siyang maglakad.

"Huy!" Tawag ko sa kanya.

"Stop talking to me! Hindi ba obvious na ayokong makipag usap sayo?" Inis na inis ang hitsura niya.

Hindi ko maintindihan ang kinaiinis niya dahil wala naman akong ginagawa sa kanya! Masama bang makipag usap?

"Bakit ba galit na galit ka sakin? Is it about last night? The kiss? Hindi mo nagustuhan?" Okay I have to keep my poise!

Huminto siya ata hindi makapaniwalang tiningnan ako. Mayroong nanunuyang itsura sa kanyang mukha.

"It's not about it. That kiss was nothing to me. I just don't like girls like you. That's all." Tinalikuran niya ako at naglakad patungo sa sasakyan niya. Pinatunog niya iyon.

"Why? What is it about me that you don't like?" I asked.

"Everything. I hate flirts." Malamig niya akong tinapunan ng tingin at dire diretsong sumakay sa sasakyan niya.

Naestatwa lang ako sa daan at nilagpasan lang ako ng sasakyan niya.

Hindi ko talaga maintindihan! Anong problema sa akin? Kaka kita palang namin kagabi tapos kung makapang husga siya sakin parang ang tagal na niya akong kilala ah!

Nakakainis pa dahil kahit anong gawin kong pagpapa cute ay tila hindi umeepekto sa kanya!

Ngayon lang ako napahiya ng ganito ah! Pero di bale nalang dahil kailangan niyang pag tiisan ang presence ko sa loob ng mahabang panahon. From now on, he'll start working with me and I'll make sure that he will like me.

Wala atang nakakatanggi sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

46.8M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...
152K 4.9K 94
My wedding day came. I wore an expensive dress, inside a beautiful venue with a lot of guests among them are my family and his wives. On that day, my...
13M 551K 57
(Game Series # 6) Assia dela Serna's dream was to become a lawyer. Ever since she was little, she had dreamt of becoming one... But from a young age...
147K 3.1K 56
Eanah Devon Inieno was contented with her peaceful life, she is independent and fearless. Not until the person she least expected entered her life. B...