Mhorfell Academy of Gangsters...

By alerayve

25.8M 641K 136K

[FIL/ENG] The Mhorfell Academy of Gangsters was innovated mainly for the accommodation of the so-called black... More

Prologue
Chapter 1: Meeting the King
Chapter 2: Upcoming Storm
Chapter 3: Welcoming
Chapter 4: Our So-Called Party
Chapter 5: Troublemakers
Chapter 6: Single Arrow
Chapter 7: Show Some Skin
Chapter 8: Competition
Chapter 9: Charlene
Chapter 10: Watched
Chapter 11: Symptoms
Chapter 13: Magic Word
Chapter 14: Promise
Chapter 15: Fire and the Shooting Stars
Chapter 16: Message
Chapter 17: School of Mystery and Danger
Chapter 18: The Prince's Sword Dance
Chapter 19: Hide and Seek
Chapter 20: Coming Back
Chapter 21: Fear
Chapter 22: Ally
Chapter 23: Hypothesis
Chapter 24: The Missing Mafia Pendant
Chapter 25: Alex Syndrome
Chapter 26: Recollection
Chapter 27: Aftermath
Chapter 28 - Peace Inside the Woods
Chapter 29 - Second and Third Examinations
Chapter 30 - Good Luck To Us, Bastards
Chapter 31 - Don't Ever Dare To Mess With Him
Chapter 32 - The Incident
Chapter 33 - Saving The Idiot
Chapter 34 - The Crying Little Girl In The Midnight
Chapter 35 - All Hail For The Princess
Chapter 36 - Celestial Key of the Pacific
Chapter 37 - Regaining and Solving
Chapter 38 - Dinner Meeting
Chapter 39 - The Only One Left
Chapter 40 - She is The Key
Chapter 41 - She's Dead All Along
Chapter 42 - Seal
Chapter 43 - Trip to the Principal's Office
Chapter 44 - Acting is Over
Chapter 45 - Who's Next?
Chapter 46 - Alex is Kirsten Theory
Chapter 47 - Another Meeting With Her
Chapter 48 - Strange Things Did Happen Here
Chapter 49 - Secret Letters
Chapter 50 - Crashing To A Party
Chapter 51 - Values
Chapter 52 - Love Story
Chapter 53 - Overload
Chapter 54 - The Meaning Behind The Arrows
Chapter 55 - You'll Be Fine
Chapter 56 - Happily Ever After
Chapter 57 - Access Granted
Chapter 58 - The Real Demon
Chapter 59 - Her Most Epic Birthday
Epilogue
Author's Note (Important)
GIVEAWAY!
ORDER NOW!

Chapter 12: End of the First Round

524K 14.3K 1.8K
By alerayve


Masasabi kong nagsimula ang lahat ng nangyayaring ito sa akin at sa mga kaibigan ko sa mismong babaeng nagsilang sa akin sa mundong ito. My mother, Alexandra Dela Vega, was a member of a private medical group arranged by the government called Fermarlix.  



The group aims to prevent illegal therapeutic drugs, beverages, and elixirs through examining samples from the intelligence and research agencies who got them from the underground society and black markets.



One that really became a huge topic is about the elixir of prolonging an individual's life. Many syndicate leaders have been interested and worse, been obsessed with the idea. To make their reign longer. To keep their throne for a little more longer. The obsession is not about the life itself but how much time life can give them. It all involves money, power, and fame. An epidemic that is much worse than that of the dark ages.



Therefore, they paid millions of dollars to every scientist in their respected laboratories to formulate one that will grant them ability of evading ageing.Napaka-imposible nga sabi ng marami. Hindi naman nga kasi imortal ang mga tao para mapasakatotohanan ito. Maaaring hindi pinaniniwalaan ng mga tauhan ng siyensya ang mga paranormal na bagay at iba pang hindi nila nakikita. 



However, it is the fire of their blood to find methods of how to make those things possible and visible. 



Sa madaling salita, nakagawa ng isang matagumpay na panimula ang Fermarlix para sa elixir na ito. My mom did the calculations and formulations herself.Ito siguro ang maituturing niyang naging pinakamalaking diskubre at pinakamataas na nakamit ng siyensya sa loob ng ilang dekada. Her and her group's efforts for two years have been definitely worth it.



Unfortunately, this discovery was never mentioned or even appreciated within the medical records and human history. Why you ask?It's because this elixir became the root of another chaos in the society as for the raging greed of people eats them continuously.  



By the official order of the government, the experimentation has been stopped immediately by the group's leader, Dr. Pete Andrewine Devroid but to the fear of my mom about this action resulting to a worse situation, they secretly reformulate the original plan and thus, created ESCAPE. 





ESCAPE is capable of enhancing the human strength, metabolism, adrenaline, and senses in a greater level to the point of almost making someone a superhuman. This is to ensure that they will be able to inject this to individuals who are trustworthy and powerful enough to eliminate everything about the obsession of the syndicates to a longer life.



And so after I woke up from the incident four years ago, Rennei, Dereen, Fiacre, and I were already injected by this elixir. We're not totally sure if Dr. Devroid personally chose us because after taking care of us for two months, he mysteriously died. He only left us with the necessary medicines that we need to take once in a while to assure if our body is still maintaining a good balance with the liquid.



"Alex! Masamang balita!" 



"My goodness!" turan ko nang biglaang pumasok sa kwarto si Riell nang walang pakundangan at wala ni katok-katok man lang. Aatakihin ako sa puso sa babaeng ito eh. Hindi ba siya tinuruang kumatok? 



Napakamot naman siya ng ulo at mabilis na humingi ng paumanhin saka dali-daling isinarado ang pinto bago nagtungo sa akin dito sa couch. Ano bang mayroon at parang hinahabol na kriminal itong si Riell? 



"Edward is badly injured! Ipinasok nila si Marc kahit na ba hindi na rin maganda ang pakiramdam niya. We need a substitute as soon as possible or else, we'll lose for this round." hinihingal niyang balita. Tagaktak ang pawis niya habang ginagawan pa ng aksyon ang bawat pangyayaring nalalaman niya. 



"What? Paanong nangyari iyon?" iyan ang una kong nasabi nang makuha ko ang hirap ng sitwasyon ng koponan namin sa ngayon. 



"Sa hula namin, sinuhulan ng mga kalaban ang mga referee na naka-assign sa game. Ang mas masama, ang Reighzine pa ang kalaban. Sila ang defending champion. Hindi sila nahihiya sa dumi nila maglaro!"



Malaki ang tiyansa na matalo kami kung magkataon o hindi kaya'y ma-default sa kulang ng manlalaro sa panig namin. Mabilis na dumako sa isipan ko ang mga pangyayari sa mga nagdaang mga araw. 



Ang pagtamo ng injury ni Edward buhat ng kakaensayo hanggang gabi at ang araw na pinulong kami ni Spade para sabihin ang importansya ng pagkapanalo ng Mhorfell sa paligsahan na ito. Para may makuha siyang kapaki-pakinabang ukol sa pagkamatay ng kapatid niya. 



Pero hindi ko naman laban ito. Laban nila. Why do I have to be so worked up?





"Alex, sana manalo tayo 'no? Kakaiba kasi ang pakiramdam ko. This time, I want to win. Sa tuwing nakikita ko kung paano nagpapakapagod ang mga ugok, napapaisip ako na, bakit kaya hindi ako nag-eensayo tulad nila?"



"Hay nako, Dereen. Ang sabihin mo, tamad ka lang talaga. Saka hindi naman na natin kailangan magpagod. Sapat na ang kakayahan at lakas na mayroon tayo."



"Aish. Ang nega mo naman, Rennei. May punto rin naman si Dereen eh. We've been an outcast all these years. Pero simula nang makilala natin sila? Para bang bumalik tayo sa dating tayo. Noong wala pang ESCAPE."



Bakit ba hindi ko maalis sa utak ko ang usapan ng tatlong iyon? Sila ang naging kaibigan ko at sa kanila ang mga balikat na naging sandalan ko sa loob ng apat na taon. Although I don't admit it in front of the others, I am already aware that I, myself have enjoyed their company. They're not the type of people I used to imagine on them. 



"Alex?"



At nabalik na lang ako sa wisyo. Nandito pa nga rin pala si Riell. "Ah, yes." 



"Anong gagawin natin?" namomoblemang tanong niya sa akin. Why is she even asking me? It's not like I can bring the group rise again in one flick, you know. 



But ... 



Seriously, I can't just give a closed ear to those ladies. 



Yeah, I know I can do something about it. 



"Do you want for us to win?" I asked her as I look on a different way. Mukhang tapos na ang mahabang panata ko na huwag makisalamuha sa kanila ha. Once again, I'm ought to do something that will help other people who I still don't know that much. 



Pero ano naman ang mali? 



Ni hindi rin naman nila kami lubusang kilala. The feeling is mutual. 



Sa gilid ng paningin ko ay tila ba hindi niya makuha ang ibig kong sabihin kung kaya't mas ginawa ko pa direkta ang nais kong imungkahi sa kanya. Ang slow naman kasi ng babaeng ito. Instead of not being comfortable with saying it, why can't she just at least analyze it? Geez. 



"Go to the storage room of the gymnasium. Tell the personnel to get my jerseys for me. I'll beat the hell out of that Domzelle asshole." I said. 



Iniwasan ko pa rin ang tingnan siya sa mata dahil hindi na ako sanay sa ganitong pagpapakita ng boluntaryong pagtulong. Apat na taon akong naging layo sa mga tao.



Gayunpaman, narinig ko ang ingay ng pagmamadali ni Riell papalabas ng kwarto. Sa malakas na pagsara muli ng pinto ay doon ko lamang inialis ang tingin ko sa iisang direksyon. 



Hindi ko nakalilimutan ang laro natin, Juno. 



Napabuntong hininga na lang ako dahil tiyak na mapapalaban ako mamaya-maya lang. Kaya naman siguro nina Spade panatilihin munang buhay ang grupo habang wala pa ako. After all, this is important to him. He won't stand on the side and give up eventually without doing anything. 



And yeah, I think I have mistaken on something. 



This is not only their fight. It's also mine. It's our fight. Ours. 



****



RENNEI'S POV



"Where the hell is Alex?" iritableng sabi ni Fiacre nang mapansin niyang kanina pa nawawala ang kaibigan namin na alam naman niyang may sariling mundo at kayang-kayang magsususuot sa kung saan-saan kung gustuhin niya. 



Napailing na lang ako sa kung paano na naman magsobra-sobra ng reaksyon itong si Fiacre. Alex is not a kid anymore. Kayang-kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya kahit anong mangyari. She doesn't need to overreact. Nothing will even change with it for Pete's sake. 



Kung siya naiirita sa kawalan ng presensya ni Alex, ako naman ay naiirita sa ingay ng eksaktong isang libo, dalawang daan at walumput anim na estudyanteng nandito. Kasing dami ng presensya nila ang dami ng mga bibig nila. Pagpunta pa lang sa labas ng imprastraktura na ito ay isang malaki ng lihis sa paniniwala at kagawian ko. 



But it's not because I want to be isolated. Then, to be all alone and leave everyone on their own? Nah. That's so not my style. Cowards would but not me. Alex, I know she will come soon. Kilala ko siya. Hindi siya ang tipo ng taong may walang kahiya-hiyang konsensya. I've met the previous her before and I know that person is still in her. 



Sana lang hindi madulas si Riell na ako ang nagsabi sa kanya na pumunta kay Alex at ipaalam sa kanya ang kasalukuyang nangyayari rito. 



"Hay! Ano ka ba, Rennei! Bakit ba nakaupo ka lang diyan at sobrang kalmado na para bang nanonood ka lang ng mga taong dumadaan sa kalsada? Susmeyo! Kinakawawa na ang mga kagrupo natin 'o!" 



Nako. Kung hindi ko lang kaibigan itong napapraning na ito, kanina ko pa binusalan ang bibig nito. Napakaingay. Daig pa ang bibig ng sampung tsismosa. Kulang na lang ay putulin ko ang tenga ko at ibigay ko sa kanya para makuntento siya na naririnig ko ang mga sinasabi niya. 



"Then what do you want me to do? Do you want me to tell them the exact number of probabilities they have to win or even the number of ways they have left to win?" pang-aasar ko sa kanya habang patuloy pa rin akong nakadekwatro at nakahalukipkip sa panonood sa halos patayan na na paglalaro ng mga taas-noong hari.



These kings won't accept the fate of losing or even giving up. Heh, that's quite impressive of them. 



Mas lalo namang nagpapadyak si Fiacre sa tabi ko nang dahil sa sinabi ko. I can't help but to smile with her childishness. This is so her. 



"Nakakainis ka! Nagawa mo pang mang-asar! I mean, why don't you ---" at abang natigilan siya dapat na iwiwika niya sa akin. Nag-iba rin ang timpla ng kanyang mukha na para bang isang batang may nagawang munting kasalanan sa kanyang mga magulang. 



Hinigit ko sandali ang aking hininga bago ko hawakan ang kanya ngayo'y nanginginig na mga kamay. "Alam mo namang may dahilan ako kung bakit kahit kailan ay hindi na ako tumuntong sa court, hindi ba? Iyon din ang dahilan na pumipigil sa akin para tulungan sila." I told her once again. 



It's short and sudden but the number of memories I had with the floor they called court have been reminisced again after four years. 



"Bakit hindi ka lumaban? Siga ka 'di ba? Kung makaasta ka akala mo kung sino." 



"Matalino ka? O baka naman nilalandi mo lang talaga si Mr. Reyes? Kalat na sa buong campus na madalas kayong magkasabay umuwi at pumasok." 



"Hindi totoo 'yan! W-Wala akong g-ginagawang masama! Magkaibigan la-lang kami ni sir. T-Tama na. Pakawalan niyo na a-ako. H-Hinahanap na ako nina mama."



"Oooh. Ano nga ulit laging sinasabi ng mga teachers natin? It's impossible for a Renneisme Martin to do that. Hahaha! Kung hindi ka namin madaan sa paninira, puwes mas maganda gawin naming basahan 'yang mukha mo dito sa court."



"Anong gagawin namin dito sa mga gamit niya, Leana?"



"Mahilig ka sa libro, 'di ba Rennei? Edi dapat maging basahan din ang mga bagay na nasa bag mo. Itapos niyo sa comfort room ng mga boys sa third floor. Balita ko maraming nagpapakita roon. Let's see what will be the reaction of the teachers once they see their favorite honor student picking up her beloved books inside the boys' comfort room!" 



Shit. That old memory of mine is still as terrifying as it has been even when before I woke up with a body with enhanced abilities and a mind with greater intelligence. No such as drug or therapy can cure a traumatic experience that has been engraved within the victim's heart and mind. 



Tsk. Sa tuwing naaalala ko ang pagmumukha ng mga babaeng iyon, gustong-gusto kong ingudngod ang mga mukha nila sa mismong mga inidoro kung saan nila pinagsisisira ang mga libro ko. Pero, matagal na iyon. I will never step down to their level. 



As the students are in uproar for the game of the kings, both Fiacre and I have take the short moment to make ourselves remember that no matter how strong we are, no matter how smarter we are from the others, no matter how different we are to the millions of people around the world, we are still humans. 



Not the animals those scientists and syndicates are chasing for. 



We're not the products of Science but the keepers of it's legacy.



"Ilan na ang total score natin?"



Napawi sa akin ang pagdaramdam sa pagkakaalala ng nakaraan ko at napalitan ito ng ngiti nang marinig ko na ang boses ng hinihintay namin. 



Maaari ngang hindi ko magawang makapaglaro at tulungan sila pero alam kong may kaya ako kumbinsihin para ipapanalo pa ang laban na ito. It's not that bad of a method to help, anyway. 



See? No matter what changes have come to make us transform, the engraved nature of one's self will stay within forever. 



This time, using the accuracy and intelligence blessed to me by ESCAPE, I can say that all odds are with us to win this round. 



****


ALEX'S POV



"Tie ang Mhorfell Academy at ang Reighzine Academy. Sumusunod ang Rusworth at Eletia samantalang nahuhuli naman ang Marywell Austin." sagot sa akin ni Courtney na napatayo sa pagdating ko sa pwesto ng koponan namin. 



Bakas na ang pangamba at kawalan ng pag-asa ng mga kapwa-estudyante namin dahil sa pag-ungos ng lamang ng koponan nina Juno sa laban. At ang walanghiyang magnanakaw ng halik, nakangisi pa kung maglaro ng madumi. 



Mas lalo tuloy akong ginanahan na talunin 'tong ungas na ito. 



"Saan ka ba nanggaling? Kanina ka pa namin hinahanap. And why are you wearing your basketball jerseys? Don't tell me ---" napatakip ng bibig niya si Courtney nang makuha niya ang pinaplano kong gawin. 



Napatahimik naman sila nina Thelina at ng iba pa naming kasamahang nandito sa gilid. Wala na rito si Edward na sa tingin ko ay diniretso na sa infirmary. Nang mapansin kong hindi sila malapagdesisyon at tanging nagtitinginan na lamang ay walang pasabi kong kinuha ang kard at itinaas ito para ipahayag ang substitution na mangyayari. 



Nahalata ko ang hindi pagpansin sa akin ng referee at ng iba pang staff ng laro kaya naman mas lalo lang itong nagpakulo sa dugo ko. Ang mga mandurugas. 



Halos malukot ko na ang buong kard nang mabibigat na mga paa akong lumapit sa mini-buzzer ng grupo namin para kunin ang atensyon ng lahat ukol sa pagpasok ko sa court. Marami ang napatingin at napatahimik sa ginawa ko pero buong kapal at tigas ng mukha kong minata ang referee at mga hurado. 



Nasa teritoryo namin sila. Hindi nila kami pwedeng i-dehado ng ganito. Umayos sila. 



Nagkukumarag namang nagtungo ang referee sa staff para kumpirmahin ang pagpasok ko at habang ginagawa niya iyon ay abang nilapitan ako ni Kia at hinawakan ang kamay ko na para bang pinapahiwatig niya na itigil ko ito at umatras na lang. 



"They are all boys! Gumagamit pa sila ng patalim! Mapapahamak ka lang sa ginagawa mo. Siguradong malalagot kami kay Sky sa oras na malaman niya na hinayaan ka naming lumaban." 



Tiningnan ko naman siya ng mabuti mata sa mata. "When you fought on Archery this morning, which gender dominates the number of the participants?" 



Bahagyang nabigla siya sa tanong ko. Tila nagtataka kung bakit ko iyon nabanggit gayong alam ko naman na naipanalo niya ang larong iyon kanina. 



"Boys." mahinang sagot niya sa akin ng may pag-aalinlangan.



"But you won, didn't you? All alone. As yourself, you won. Don't belittle the one who mentored you for a while." and then I gave her an assuring smile so that she can just sit on the side calmly. Though, she won't be calmed as much as I want her to, I just want her to understand that she can trust me with this. 



Unti-unti kong inabot ang kamay niya na nakapatong sa kamay ko nang makita ko nang papalapit ang referee sa akin at tinanggal ito ng marahan. "'Wag kang mag-alala. Ako pa ang babatok kay Sky kapag pinagsabihan niya kayo. Isa pa, siya ang dapat niyong takutin sa oras na hindi niya ipapanalo ang piano recital niya." at sa sinabi kong iyon ay napangiti sa akin si Kia na tila ba hindi makapaniwala na nagagawa kong sabihin ang mga salitang iyon. 



She then nodded to me as I set my foot inside the court. I heard the cheers from Dereen and Fiacre while I can see smile Rennei is wearing for me. That time, their smiles became my own assurance. 



Well, Rennei's mostly. ESCAPE gave her the ability of accuracy and the capability to calculate the chances and to visualize statistical results of different situations in her mind after all. 



Sa paglapit ko sa kanila ay kasabay din ng pag-alalay ng mga awtoridad ng Mhorfell Academy kay Marc papalabas ng court. Naging mahirap sa kanya ang paglaban dito gayong kagagaling niya lang sa paligsahan ng paglangoy. Sorry, pal. I just took some precautionary measures with me to be ready for this fight. That's why I'm late. 



Ramdam ko ang tingin ng halos lahat ng tao sa loob ng gymnasium. Nakakaalibadbad pero sa tingin ko nawala iyon nang makarinig ako ng napakabuting mensahe galing kay Spade. 



"Just don't be a burden to us and we'll be fine." turan niya at nilagpasan na niya ako upang magtungo sa pwesto niya. Tanging pag-ngiti naman lamang ang tinugon ko sa mga kindat nina Jonathan, Collen, Alexis, at Cedric na siyang tumatayong coach sa koponan namin.



Nice. I'll treat that as a go-signal for me not to restrain my skills. 



Sa pagpito ng referee ay muling bumalik ang sigawan ng mga tao. Panay din ang mga tensyonadong tingin ng iba sa akin at ang mga bulung-bulungan sa magiging resulta ng laro. Nagmasid muna ako at inobserbahan ng mabilisan ang kasalukuyang pwesto ng lahat ng manlalaro. Nang matiyak ko na ang mga pwedeng daanan papunta sa pinakatinutumpok kong kalaban ay mailap na akong kumilos nang hindi napapansin ng nagbabantay sa akin. 



Pawang napatili ang lahat sa gulat nang mapagtanto nila na katapat ko na ang may hawak ng bola. Juno, my friend. "Didn't I tell you to watch your back?" Kahit na ba siya ay nabigla sa mabilis kong pagkilos at pansin ko na agad ang nalilitong mga mata niya. Habang hinihintay ko siyang kumilos o 'di kaya'y magsalita ay pinapakiramdaman ko rin ang bawat direksyon ko kung may sakaling aatake sa akin.



"Do you think you can beat me? You're just a girl, how can -- " 



Hindi ko na siya pinatapos at madali kong inagaw ang bola sa kanya. Lumipat ako sa ibang pwesto at ang mismong pagkakaagaw ko ng bola ang siyang nagpalakas sa hiyawan ng mga kapwa ko ka-eskuwela sa mga manonood. 



Gaya niya ay pinatalbog ko lang nang pinatalbog lang muna ang bola at nang papunta na siya sakin, agad akong naghanda upang tumalon at i-shoot ang bola. Naging mabilis ang pagpunta at pagpasok nito sa ring. Kasing bilis din ng pagdagdag ng tatlong puntos sa score ng team namin. 



Malakas na hiyawan ang bumalot sa buong lugar at animo'y hindi pa rin tumatatak sa mga kokote nina Juno ang pagkakasunud-sunod ng mga naganap. Habang tulala pa rin siya ay ginamit ko ang pagkakataon na iyon para lapitan siya. 



"What did I tell you? You should look out." at nginisian ko siya bago ko siya tuluyang iwan at ipagpatuloy ang laro. 



****


"Alex!" sigaw sa akin ni Jonathan sabay pasa ng bola.



Two more minutes left and we will know who is the winner of this game. Also, the winner of our game's first round. Sounds thrilling. Pabor sa amin sa kasalukuyang score. Halos tuloy-tuloy na ang laro at walang humpay din ang mga nakabibinging pag-iingay ng mga manonood. Hindi hamak na mas dumami ang sumusuporta sa amin. Kahit na ba ang mga taga-Rusworth High School at iba pang eskwelahan ay sa amin na nakikisigaw.



Noong una, si Juno lang ang panay nakabantay sa akin pero nang makapuntos ako ng sunod-sunod, mas dumarami sila na para bang napagdesisyunan nila na magtulung-tulong para pigilan ako. 



Mabuti na lang at nakahalata naman sina Collen at Spade kaya nakaisip agad sila ng taktika para guluhin ang ilang nakabantay na kalaban sa akin kaya sa ngayon ay isa lang itong humaharang sa daanan ko.



Damn. Mauubos ang oras ko rito. Magaling ang natapat sa akin. I think his specialty is defense. Is he giving his fellow players some time to escape from my team mates' tactic? But it will not make any sense at all as long as I have the ball. 



"Alex, ipasa mo na lang kay Spade!" narinig kong sabi ni Collen mula sa hindi kalayuan. Daglian kong nilingon ang kinalulugaran ni Spade at medyo nakahinga ako ng maluwag nang bukas nga sa banda niya. Nilayo ko ang bola sa nakabantay sa akin at sa ako umikot papakaliwa kung saan naroroon ang pagpapasahan ko.



I was about to wait for the dunk considering the king's position is quite close to the ring when my peripheral view caught an eye to one of the Reighzine Academy players pulling out a dagger from the underneath of his shirt. 



I saw that he is going to target the king's leg and so I went to him as fast as I can. Pumwesto ako sa gilid ng mandurugas at animo'y tinakpan ang braso niyang may hawak ng lakas sa pagtapon ng patalim upang pasimple itong sanggain. 



Saktong pagpasok ng bola sa ring at siya ring pagdaplis ng patalim sa may paanan ng lalaking kanina humaharang sa akin. Bago pa man niya mapansin ang presensya ko ay tumakbo na tila ba walang nangyari at nagpatuloy na sa laro.



There's still one more minute. Basketball is the first day's main event. We need to assure that we will be the ones to take the bacon home and not those damn cheaters.



Akmang tataas nang muli ang tensyon sa panibagong agawan ng bola nang tumawag nang time-out ang panig nina Juno. Ang sunod na eksena na lang na nasilayan namin ay inaasikaso na ng mga tauhan ng Reighzine ang lalaking kaninang nagtangkang saktan si Spade papunta sa mga upuan. Napansin ko ang tila ba walang buhay at palyado niyang paa na may mahinang pagdurugo.



Kung ganoon, may pampamanhid na kakambal ang patalim na iyon. 



Nagkatinginan kami nina Cedric ngunit pinabayaan na lang namin ang nakita at nagsilapitan na kami kina Dereen nang makapagpunas ng pawis at makainom na rin ng tubig. 



"Nakarma ang loko." nakangising bungad sa akin ni Rennei nang iabot niya sa akin ang isang bote ng tubig. Sumabay din ng pagpunas ng pawis ko si Dereen na kulang na lang ay suyurin ang buong katawan ko sa matiyak lang na hindi ako matutuyuan ng pawis. 



Napakananay mo talaga, Maria Dereena Santos.



"Serves him right." pagtataray naman ni Thelina sa tabi namin habang inaasikaso sina Alexis at Jonathan. Marami rin pala ang nakapuna sa akmang pananakit ng kalaban namin.



"Never mind that. Alex is doing a great job! I'm sure we're going to celebrate tonight!" masayang ani ni Collen na sa mukha'y kita na ang pagkawala ng tinik sa dibdib habang pinagmamasdan ang scoreboard nang nakasandal sa barrier. 



Sa sobrang ngiti niya ay hindi niya namalayan ang lumilipad na kamay ni Kia sa braso niya. "Eh kung tumulong ka rin sana sa pagdagdag ng puntos? 'Wag mo iasa kay Alex ang lahat at baka ikaw ang ihawin ko mamaya." pananakot sa kanya nito saka hinampas ni Kia ang bote ng tubig sa dibdib ni Collen bago bumalik sa pag-aasikaso sa iba.



Magrereklamo pa sana si Collen nang makita niya kaming nagpipigil ng tawa. Aso't pusa talaga ang dalawang iyon. Kaya naman napuno kami ng tawanan at kantsawan bago tapusin ang laro. 



Pagkabalik namin ay may pumalit na sa pwesto nung kaninang mandurugas. Maagang nakuha ni Jonathan ang bola sa kalaban ngunit sadyang sakit sa ulo ang mga mababatong katawan ng mga katapat namin sa pagpunta niya sa may shooting circle. 



Nagmumurahan na sina Alexis at Jonathan dahil sa nauubos na ang oras at kailangan pa namin palayuin ang agwat ng puntos nang sa ganoon ay masigurado ang pagkapanalo. Pero nakapansin na kami na balak nilang ubusin ang oras nang sa gayo'y mabaliktad nila kahit papaano ang laro. 



Muli akong napatingin sa scoreboard at nakapagtatakang nadagdagan ng tatlong puntos ang panig nina Juno. Kung kanina'y anim na puntos ang lamang namin, ngayon ay tatlo na lang. Dali-dali kong hinanap ang taong humahawak sa scoreboard machine. Napuna ko kaagad na hindi iyon ang tinoka ni Spade na committee member para magbantay. 



Argh. Sa puntong ito, sa pag-ubos nila ng oras ay siya ring pagsasamantala ng kalaban para dayain kami. Kailangan may gawin kami. 



Wala sa plano na kumilos ako papunta kay Alexis. Naalarma naman ang mga kagrupo ko sa ginawa ko ngunit isa lamang itong panlito upang mawala sa konsentrasyon ng mga nagbabantay kay Alexis at mapunta sa akin. 



Nakuha naman nina Jonathan ang balak ko at sinamantala nila ang pagkakataon para makapagpasa si Alexis ng bola sa isa sa kanila. Ako naman ay nagtungo malapit sa may ring kung saan papunta na rin si Spade na siyang may kasalukuyang may hawak ng bola. 



Tulad ng inaasahan ay napunta sa akin ang halos lahat ng tagabantay. However, I don't have any trust on these people. I'm sure they're going to find a way to stop our winning shot. Napatingin naman ako sa mga nakapaligid sa akin at sa isang iglap ay nakaisip ako ng paraan para makatakas sa kanila. 



Let's see if you can consider this as cheating. 



Umakma akong sumusubok sa tumakas sa iba't ibang direksyon. Pawang pakaliwa-pakanan ako. Para ba akong isang lasing na gumegewang-gewang ang galaw ngunit binagalan ko ito ay bahagyang iginiling ko ang bewang ko. I even make my upper body down to add more teasing to these little children around me. 



Ilang sandali pa ay nalingat sila at ito na ang ginamit kong oras upang salubungin ang bolang dumulas sa kamay ni Spade gawa ng marahil na pagkakasangga ng isa sa mga kalaban. Dinakma ko ng aking kamay ito pagkatalon ko at marahas na ibinalibag ito papasok sa ring.



Pumarinig ang tunog ng kalansing ng mga rehas na nakapaligid sa ring at naramdaman ko ang pagbagsak ko sa sahig matapos kong idakdak ang bola. Tumahimik ang buong kapaligiran na para bang may dumaang delubyo. Makapigil hininga ang naging bawat sandali. Bawat sandali na naging mga matatagal na minuto para sa aming lahat na naghihintay ng kakahinatnatan ng laro.



Somehow, I suddenly can't hear anything. I can't even feel anything that much. My eyes seems to only focus at the ball that is now bouncing. 



It has been left like that for a matter of seconds until I find myself up at the back of Collen, being carried around the whole gymnasium while being greet by everyone. Wait. 



Did we just win? 



"Panalo tayo, Alex! Panalo! We won! Long live, the Morphousses!" hiyaw ni Jonathan na siyang nakaalalay sa harapan ko habang winawagayway ang tuwalya sa ere. 



What? We really did win? 



"WOOOOO! ALEX! ALEX! ALEX!"

"ANG GALING MO ALEX! NANALO TAYO!"

"Tayo na ang champion ngayon sa basketball, Mhorfell Academy!"

"Mhorfell Academy won!"



Wait. I ... I did it. I just did it! 



Heck. Why am I getting teary-eyed?! I only came here to beat that Juno. 



Ugh. I so hate being emotional. I so hate this moment. I'm losing all my defenses. I don't even want to admit it but hell these smiles, cheers, and tears are saying it all. 



I am happy I won this game with them. 

Continue Reading

You'll Also Like

285K 9.9K 135
The son of the famous detective in the world. A star player of Cornerstone Academy's basketball team. He's known for being clever. Obsessed sa mga my...
7.3M 372K 89
Ten missing teenagers. One house. One hundred cameras. A strange live broadcast suddenly went viral in all social media websites. What makes it stran...
154K 6.3K 45
Isang babae ang naging dahilan kung bakit kahit kailan ay hindi nagkaroon ng nobya si Alejandro. Nakita niya ang dalaga sa isang litrato at sa replek...
1.2M 18.5K 51
HIGHEST RANK ACHIEVE - #1 in Bloody Category (1 week) #2 in Brutal Category - HELL IS EMPTY. ALL THE DEVIL IS HERE - Humanda ka na Isusunod ka na ni...