Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 7: Will to live
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 8: Bewildered

431 45 9
By jmaginary

EINDREID

"Oy kumain muna tayo. Kumakalam na sikmura ko." Reklamo ni Chord habang kumakamot pa sa kaniyang batok. Nagkatinginan nalang kami ni Janina at parehas na napailing. 

"Kakain pa nga lang natin kanina, gutom ka na naman?" sabat ni Janina. Pinatunog nalang ni Chord ang dila niya at inayos ang pagkakasukbit ng bag sa kaliwang balikat niya. Ang kanang kamay niya naman ay nasa bulsa ng palda niya. 

"Tara NBS muna tayo?" pag-aaya niya bigla. Magkasalubong ang kilay ko siyang nilingon.

"Akala ko ba nagugutom ka?" tanong ko. Ngumisi lang siya.

"Hindi ah. Sinong may sabi?" mapang-asar niyang saad. Napabuntong hininga nalang ako. Kahit kailan talaga. 

Nanguna na siyang pumunta sa National Book Store tapos kami ni Janina magkasunod lang. Aaminin ko, ramdam ko 'yung pagkailang niya sa akin dahil sa pag-uusap namin kanina pagkarating namin dito sa SM.

"Kamusta?" tanong ko nalang pagkaupo namin sa table na inuupuan ni Chord kanina habang umo-order kami ni Janina sa counter. Nasa Starbucks kami para mag-usap tungkol sa sitwasyon ni Janina. 

"Ayos naman." saad niya at kumain ng cheesecake. Napatango-tango nalang ako habang iniinom 'yung tsaa ko. Si Chord naman, tahimik lang at nakamasid sa aming dalawa. Cappucino in-order niya at wala manlang siyang asukal na hiningi. Ang pait kaya no'n.

"Can you do me a favor?" tanong ko ulit. Janina looked at me intently with her charcoal eyes.

"What is it?" she replied. Ibinaba ko muna 'yung tsaa ko sa may mesa at tumikhim. Inabot ko 'yung kamay niya sa may mesa. Tinignan naman ako nang makahulugan ni Chord pero inirapan ko lang siya. Para naman kasing binibigyan niyang malisya 'yung gesture ko.

"Look, you have us. You can open up with us. Stop hurting yourself." mahinang saad ko. Napatigil siya sandali at tinignan ako diretso sa aking mga mata. Napailing-iling lang siya habang nakangiti nang tipid at tsaka binawi ang kamay ko.

"You don't understand, do you?" saad niya. Napalingon ako kay Chord pero umiwas siya ng tingin. Uminom nalang ulit siya ng kape habang napalumbaba at tinitignan kung sinuman 'yung pinagkakaabalahan niya. Huminga ako nang malalim.

"I think Chord already told you what happened to my best friend, right? Ayoko lang magaya ka sa kaniya." mahinahon kong saad. Napakagat siya sa ibabang labi niya at uminom doon sa Coffee Jelly niya. 

"We have our own reasons why we are doing this, Eindreid. I don't know Mina personally but it is really sad to think na humantong siya sa pagpapakamatay. I can't blame her. The world has the habit of crashing you if you let your guard down. Whatever pushed her to do that, it's her decision. She just gave justice for her own self." saad niya at biglang tumawa nang mahina. She frowned.

"Here's the thing. You are already suffering, why give yourself a chance to wake up for another shitty day and experience hell over and over again if you can end it with just a snap?" dagdag niya. Tumikom ang bibig ko sa sinabi niya. Hindi ko maintindihan. Wala talaga akong maintindihan sa paraan ng pag-iisip niya. Tapos ito pang si Chord, hindi manlang sumisingit para manlang mawala 'yung tensyon sa aming dalawa ni Janina. 

"Are you not afraid?" tanong ko ulit. Uminom ulit si Janina habang magkasalubong ang kilay.

"Saan?" tanong din niya.

"On afterlife. You do not know what happens when you die and we all know that taking someone else's life or even ours is violating His orders." I suggested. This time, napatingin na sa amin si Chord at nakaangat na ang dulo ng labi nito.

"You can't use religion in this case, Reid. Ito 'yung pagkakamali palagi ng mga tao. They think Religion is their salvation. They think if they did something good while alive, they'll be going to Heaven or whatever paradise it is. That's ridiculous. Kung 'yon lang ang purpose ng paggawa ng tama dahil lang may hinihingi silang kapalit, the true essence of doing good is already missing."  saad niya at uminom ng kape. Napamaang lang ako sa sinabi niya. Ano bang saltik ng dalawang 'to? Sumasakit na ulo ko sa kanila. 

"Iba naman kasi 'yung punto ko---"

"Can we stop talking about this?" Janina barged in, cutting me off. Uminom nalang ako ng tsaa at hinayaan siyang magsalita. Bumuntong hininga siya at tumingin sa akin. Ngumiti siya.

"Eindreid, thank you for the concern. I really appreciate it. But please understand that ceasing my habit will not happen instantly. It is a process. Chord confronted me yesterday because she was bothered that someone might see my gash, especially you. Napikon lang siya kasi hindi hamak na mas malalim 'yung sugat ko ngayon. At oo, sinasabihan niya ako na itigil na 'tong ginagawa ko. She's fully aware kung bakit ko 'to ginagawa kaya she's sensitive enough to understand me. I hope you can do the same too." mahinahon niyang saad. Napahawak naman ako nang mahigpit sa baso ko.

Am I being too insensitive? Sa pagkagusto ko na itigil niya 'yung ginagawa niya, did I force my beliefs in her? Did I force her to stop, knowing na nakasanayan niya na 'yon and breaking a habit will not happen in just a matter of days? I did not even ask her reasons why she's doing that and here I am, ordering her around. 

Napayuko ako.

"I'm sorry." saad ko. This time, siya na ang humawak sa kamay ko. May nangingilid na siyang luha sa kaniyang mga mata at tsaka umiling-iling. Pinahid niya 'yon agad gamit ang kabila niyang kamay.

"Shit. Tama na nga 'yan. Tara na at maggala." pag-aaya naman ni Chord kaya sumang-ayon naman sa kaniya. Mabilis na naming inubos 'yung mga orders namin at lumabas.

"Ugh. Nakakaadik." 

Nagising namana ko sa reyalidad nang makita ko si Chord na may hawak na libro at nakabuklat 'yon tapos nakatapat sa mukha niya. Nakarinig pa ako ng pagsinghot kaya napatawa nalang ako.

"Ano ba 'yan, nag-aadik ka na naman." komento ko. Sinilip niya lang kami kasi nga may nakaharang pa na libro sa mukha niya tapos ipinakita 'yung labi niyang nakangisi.

"Walang makakapigil sa akin. Ugh." saad niya pa at parang bahagyang umungol. Napailing nalang ako. Lumapit naman sa amin si Janina na may hawak na libro galing sa Wattpad.

"Hindi ba't author ka sa wattpad?" tanong niya. Tumango lang ako pero nagtataka siyang tumingin sa akin.

"Ikaw din?" tanong niya. Napakunot ako ng aking noo dahil sa sinabi niya.

"Huh?" pagtataka ko. Nakarinig ako ng tawa kaya kapwa kaming napalingon kay Chord na ngayo'y wala nang hawak na libro. 

Ay! Oo nga pala. Author din ata 'tong si Chord sa Wattpad. Baka siya 'yung originally na tinatanong ni Janina!

"Bakit mo natanong?" saad ni Chord nang humupa na ang tawa niya.

"Wala lang. Nagtataka lang kasi ako kung bakit ang big deal doon sa Komunikasyon naming teacher 'yung pagkakaalam niya na may author sa klase natin." komento naman ni Janina. Nagkibit-balikat lang si Chord.

"Ewan ko nga rin." saad niya at tumingin ulit ng mga libro. Sumandal si Janina sa isang bookshelf at tumingin kay Chord. Nakatupi pa ang mga braso nito sa kaniyang dibdib.

"Unless.." saad ni Janina. Napatingin naman sa kaniya si Chord.

"Unless what?" tanong nito. Tumingin sa akin sandali si Janina at tsaka kay Chord ulit.

"Unless kilala ka ni Ma'am sa Watty kaya gano'n na lang ang pagkabigla niya. Nilagay mo ba username mo sa Enrollment Form?" tanong ni Janina. Napaisip naman si Chord at may biglang kinuha sa bag niya. Isang doughnut.

"Hoy bawal kumain dito!" pabulong kong sita sa kaniya. Napatingin naman siya sa akin at alanganing ngumiti. Nag-peace sign pa habang ngumunguya. Ibinalik niya ang tingin kay Janina.

"Yes. Nilagay ko. Baka nga si-nearch ni Ma'am kaya gano'n ang reaksyon niya." kaswal na saad ni Chord at kumagat ulit sa doughnut. Sisitahin ko pa ulit siya nang humarap siya sa direksyon ko at kumindat. Pagkatapos ay inilagay niya na 'yung supot na may laman ng doughnut sa itim niyang bag.

"Ano bang username mo?" tanong ulit ni Janina. Hindi sa kaniya lumingon si Chord habang nagba-browse ng mga libro sa bookshelf. Lumapit naman ako sa kanila dahil naiintriga narin ako sa pagiging author nitong si Chord. Aaminin ko, hindi masyadong halata sa kaniya na author siya sa unang tingin sa sobrang outgoing ng personality niya. Pero may mga oras din na may pagka-introvert siya. 'Yung tipong ayaw niyang makipag-usap talaga at may sarili lang mundo. 

 "AnimeAddict04." tugon niya. Napatango nalang ako. Hindi ko pa naririnig username niya siguro dahil hindi naman ako masyadong active sa Wattpad pero sa tingin ko naman, may mga nagbabasa na sa gawa niya. Tinignan ko naman si Janina para sana parehas naming purihin si Chord nang makita ko siyang nakanganga at nanlalaki ang mga itim na mata. Napatakip pa siya sa kaniyang bibig habang tinuturo si Chord. 

"Anong nangyayari sa'yo, Janina?" tanong ko. Napalingon din si Chord kay Janina at katulad ko, napakunot narin ang noo niya sa mga nangyayari. 

"What?" saad ni Chord at biglang ngumisi.

"Ikaw 'yung nagsulat ng Daredevil Gangsters series?!" bulalas ni Janina. Napailing-iling si Chord habang nakapaskil parin ang ngisi nito.

"Unfortunately, oo." mahinang saad niya. Lumapit naman ako kay Chord at tinapik ang balikat niya. Para kasing hindi siya masaya na alam ni Janina ang akda niyang 'yon. 

"Bakit unfortunately?" tanong ko. Ngumiti siya nang mapakla.

"Jeje days pa kasi 'yon at tsaka masyado nang gasgas ang gangster stories. Sa totoo nga lang, may mga nagpu-push sa akin na i-publish 'yon pero tumatanggi ako." tugon niya. Bigla namang hinampas ni Janina 'yung bookshelf nang medyo malakas kaya parehas kaming nagitla ni Chord. Halata sa mukha nito na naiinis siya sa sinabi ni Chord.

"Bakit mo naman tinatanggihan? Hindi naman dadami ang reads ng story mo kung hindi 'yon pumatok sa masa. 3 million reads! Sapat na 'yon para ma-publish 'yung story mo. Marami kaming naghahangad na ma-publish 'yon no." sabat ni Janina. Ibinalik ni Chord ang hawak niyang libro at ibinaba ang kaniyang mga kamay. Humarap siya sa amin at inilagay 'yung isa niyang kamay sa bulsa. Hinawi niya naman ang kulot na buhok niya at inipit 'yon sa may bandang tenga. Ngumiti siya.

"You're not getting my point. Oo, marami 'yong reads. Oo, magiging masaya ako kung mapa-publish man 'yon. Pero ayoko na sanang dumagdag pa sa mga cliche na stories na andiyan lang sa tabi-tabi. I don't like the idea of other people seeing my book along with other stories with the same general plot. Kaya nga ako nagbago ngayon ng genre. Konti man ang reads, proud naman ako na ako lang ang makakaisip ng mga gano'ng plots." paliwanag niya. Hindi agad ako nakaimik. I'm trying to process what she's trying to say. 

"Chord, you have the privilege to publish your work! Ano naman ngayon kung gasgas ang gangster stories? Hindi ba't ang sense naman ng pagbabasa ay makapagbigay saya? 'Yung maka-relate sa binabasa. Iparamdam mo sa readers mo 'yung thrill! 'Yung kilig!" medyo tumaas na ang boses ni Janina kaya napalingon ako sa paligid. Good thing wala masyadong tao ngayon sa NBS para walang makarinig sa pagtatalo nina Chord at Janina.

Tumawa nang mahina si Chord.

"Janina, that's the thing. Oo, nakakapagbigay ako sa inyo ng thrill. Ng kilig. At nakaka-relate kayo. Pero kung tutuusin, wala kayong nahihitang karunungan. Puro kaharutan. Katatawanan. Kalokohan. 'Yung lalim  na dapat nakukuha ng mambabasa, nawawala na. Hindi mo ba napapansin na 'yung mga readers ngayon sa Wattpad? Nagfo-focus sila roon sa ideya na maging sila nung fictional character, either leading lady or leading man. O kaya naman sa itsura ng author. Anong nakukuha nila? Nasaan doon 'yung totoong meaning ng literatura? Wala  na! Basura na!" sunod-sunod na saad ni Chord nang isang hingahan lang. Halatang napatigil si Janina dahil sa mga narinig. Maang lang akong nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung tama ang pagproseso ko sa sinasabi ni Chord pero sa tingin ko, gusto niya lang naman maibalik 'yung pagkameron ng Literatura sa Pilipinas. Tama naman kasi siya. Pansin ko rin na halos lahat nang sumisikat sa Wattpad, puros 'yung mga nakakahakot ng kaharutan ng mga kabataan ngayon. Maybe what Chord wants to happen is that, the fun and knowledge should be balanced. Hindi lang puro drama, kaharutan at kung ano pa, dapat siguro may mahihita manlang na moral lesson sa storya. Para rin kasi sa akin, mas maganda nga naman kung may sense 'yung binabasa, hind 'yung puro nakakaantig damdamin lang. 

"I really hate arguing." Janina hissed. Huminga siya nang malalim at ipinikit pa ang kaniyang mga mata.

"If that's what you want, Chord. You have your own reasons. Deserve naman ng libro mo na ma-publish pero kung ikaw mismo ayaw, naiintindihan ko. Just...continue writing dahil nag-iintay ako sa mga updates mo." mahinahon na saad ni Janina. Napangisi naman agad si Chord at ginulo ang buhok ni Janina. Napatawa nalang ako. Ako kasi maliit na, mas maliit pa sa akin 'tong si Janina. 

Pero at least, okay na sila. Ang intense e.

"Anyways, nabasa mo na ba 'yung....."

Hindi ko na narinig 'yung mga susunod nilang sinabi dahil ngumingiti-ngiti nalang ako habang tumitingin ng mga libro. Naisip ko lang kasi. Parang ako 'yung audience ni Chord sa tuwing pinaglalaban niya 'yung insights niya. Palagi akong present sa tuwing nagsasalita siya at nakikinig lang. 

That's a good thing though because every time I listen, I learn something new. 

Katulad nalang ngayong araw, the clash is between an author and a reader's opinion. I heard both of their sides and I cannot even decide who's right or wrong. Sa tingin ko naman kasi, parehas silang may punto. 

"Hey, CR muna ako. Samahan ninyo ko." saad ni Janina. Tumango naman ako habang si Chord umakbay lang kay Janina. Sabay-sabay na kaming lumabas ng NBS at tumungo sa C.R.

"Hindi ba kayo magsi-CR?" tanong ni Janina bago pumasok sa Women's Comfort Room. Umabante naman ako agad.

"Ako magsi-CR. Naiihi narin ako." saad ko at lumingon kay Chord. 

"Ikaw ba?" tanong ko. Ngumiti lang siya at umiling.

"Nah." saad niya at biglang lumapit sa amin nang kaonti habang nakaangat 'yung dulo ng labi niya.

"Hindi pa kasi ako lalabasan." bulong niya. Agad ko naman siyang binatukan.

"Silly." komento ko at parehas na kaming pumasok ni Janina.

Hindi nagtagal ay parehas na kaming lumabas ni Janina ng C.R. Naabutan ko pa siyang naghuhugas ng kamay. Pumwesto ako sa nasa kanan niyang lababo at naghugas din ng kamay. Inangat ko naman agad ang paningin ko nang nahalata ko siyang nakatitig sa akin.

Ngumiti siya.

"You look good." komento niya at bigla akong tinitigan nang malagkit.

"Sun-kissed skin, shoulder-length black hair, chocolate brown eyes and um, thick lips but cute. Wala ka pa bang syota?" dire-diretsang tanong niya. Umiling naman ako. Loyal ako kay Miracle e na hindi ko alam kung lalaki o babae. Hahaha!

Napatango-tango naman si Janina.

"Kung gano'n, pagniligawan ka namin ni Chord, sagutin mo kami ha. Wala kang excuse para tanggihan kami." pagbibiro niya. Nanlaki naman ang mga mata ko.

"Ano raw? E diba may g-girlfriend ka na?" tanong ko at nag-stammer pa. Tinalikuran ko nalang siya at nagpatuyo ng kamay. Nauna kasi siyang natapos kaya nakatupi na 'yung mga braso niya sa kaniyang dibdib. 

"Hmm. Looks like you're not yet comfortable with our bisexuality." I heard her commented. I shrugged my shoulders.

"Actually, hindi pa. Pero at least, hindi na ako gano'n ka homophobic tulad ng dati." saad ko at tsaka siya hinarap. Napasinghap naman ako nang sobrang lapit niya na. Still, naka-cross arms parin siya. Nakangisi siya.

"B-bakit?" nautal na talaga ako nang tuluyan dahil sa inaakto ni Janina. Napailing-iling lang siya tsaka lumayo, suot ang nakakalokong ngiti sa kaniyang mga labi.

"Natatawa nalang talaga ako sa mga straight na tulad mo." saad niya. Napakunot naman ako nang noo at akmang may itatanong nang bigla niyang itapat ang palad sa mukha ko. Sinilip ko naman siya nang bahagya at hindi siya sa akin nakatingin.

"Mauna ka na. May nakita akong chicks." bulong niya at nawala na sa harapan ko. Bumalik pa sa pila at may ngiti na parang ready makipagharutan anytime. Napailing nalang din ako at sinenyasan siya na lalabas na ako. Tumango nalang siya bilang tugon.

Paglabas ko ng C.R, hindi ko agad nakita si Chord kaya naglakad pa ako nang kaonti. Saktong tatawagin ko dapat siya nang makita ko siya na nakasandal sa pader at may kausap sa phone. Dahan-dahan nalang akong lumapit at pinlanong kausapin siya pagkatapos niya doon sa Cellphone niya pero napatigil ako dahil sa tono ng boses niya.

"I'm not going to take any meds. Hindi ako baliw." 

Ang lamig. Sobrang diin. Parang galit na galit. 

Nakatulala lang ako habang pinapanuod siyang ibaba 'yung tawag at mapahilot sa sentido. Ang talas-talas ng tingin ng mga mata niya at parang kaya niyang makapatay sa paraan ng titig niya. Tila napansin naman niya ako at nanlalaki ang mga mata na napatingin sa akin. Napaayos din siya ng tayo at lumambot ang ekspresyon niya.

"K-kanina ka pa?" nauutal na tanong niya. I forced a smile.

"Hind, kararating ko lang." tugon ko. Napangiti siya nang alanganin at napakamot sa kilay.

"G-ganon ba?" saad niya. 

Dumating narin si Janina kaya napagpatuloy na namin ang pamamasyal. Marami-rami rin kaming pinuntahan, binilhan at kinainan. Aaminin ko, naging masaya talaga ako kasama nila. To think na dahil lang sa pagse-self harm ni Janina kaya kami napagala ngayong araw. 

"Una na ako." pamamaalam ko. 5:30 pm na kasi. Dapat makauwi ako sa bahay nang 6pm. Magagalit si Mama. Ang higpit pa naman. 

"Sige, ingat ka!"

"Ingat, Reid!" 

Sabay na bati ni Janina at Chord. Nakaakbay si Chord kay Janina at parehas silang kumakaway. Kumaway nalang din ako at tsaka tumakbo papuntang sakayan, suot ang ngiti na meron ako buong araw. Pagkasakay ko ng Jeepney pauwi, tsaka lang nawala ang ngiti sa mga labi ko at naalala na naman ang sinabi ni Chord habang may kausap siya sa phone.

"I'm not going to take any meds. Hindi ako baliw."   

Chord is like a jigsaw puzzle. That's true. There's more of her than meets the eye. And I think I need to dig deeper. Baka hindi lang si Janina ang may kailangan ng tulong.

####

Hello hello! Ang bilis ng update no? HAHHAAHA. What can 'ya say about the update? Ano kaya sa tingin niyo ang sitwasyon ni Chord at nasabi niya 'yon? Gusto niyo hint? HAHAHAH Nasa title ng story :p

Anyways, kung mapapansin niyo, may mga statements sa storyang ito na nakabatay lang sa mga opinyon at obserbasyon. Baka kasi 'yung iba mag-react negatively sa mga pinagsasabi ko rito. You are free to say what you want tho. Debate tayo sa comments section kung gusto niyong ipaglaban 'yung opinyon niyo para may thrill. Pero keep everything civil parin. 

Salamat dahil hanggang sa part ng chapter na ito, nagbabasa ka pa. Sana po ay nasisiyahan ako sa pagbabasa at may natutunan. Lol. HAHAHAHA. 

Bye!

- Chris Rolfe (AnimeAddict04)

FB: Chris Rolfe

Twitter & Insta: chrstnmrvc

Continue Reading

You'll Also Like

151K 6.3K 154
wherein jisoo and taehyung are cowards when it comes to commitment, so for the sake of their friendship, they'd rather choose not to love and would b...
76.7K 641 51
[COMPLETEDâś”] Started: May 22,2017 Completed: October 14, 2017 Spread your feelings by words. Highest reached rank: #02 in Spoken Poetry [June 30, 201...
88.5K 2.4K 30
| This story is dedicated to those who have been bullied and have broken confidence. | Juliana Pamintuan is just an ordinary girl who's studying at N...
24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.