Pedicab

By amenomy

1.9K 83 20

In this perpetually busy world, Celestina treats commuting as a small pocket of relief in her jam-packed life... More

foreword
i. encounters
one: exhaust
two: handkerchief
three: surrender
four: keychain
five: perihelion
six: surprise
seven: familiarity
ii. acquaintance
eight: gravity
nine: perilune
ten: sun-kissed
eleven: camaraderie
twelve: rivalry
thirteen: moonlight
fourteen: elusion
iii. friends

fifteen: contacts

73 3 1
By amenomy

🌆

Takipsilim na at wala pa ring dumarating na pedicab. Mahaba-haba na rin ang pila rito at, as usual, nagugutom na ako kakahintay. Kaso malapit na ako sa unahan kaya ayaw ko nang umalis sa pwesto ko. Maingay na ang kalye, uwian na rin ng mga panghapon. Dapat maaga rin akong nakauwi eh, kung 'di lang dahil sa extracurriculars ko.

Sa sulok ng paningin ko, may naaninagan akong pamilyar na pigura. At nang makita ko na siyang kumakaway sa 'kin, sinimangutan ko siya. Siya na naman ulit. I mean, naiintindihan kong sa iisang street lang kami nakatira at magkaibigan kami, pero hindi ba't masyadong madalas na kaming magkasama pauwi?

Magkaibigan. Napahawak ako sa pisngi ko. Sinabi ko rin sa kanya dati. Ang assuming ko naman, hindi ko pa nga nakukuha 'yong opinyon niya tungkol dyan.

"Kumusta?" bati niya ng makalapit siya sa 'kin, nakasuot ng face mask ngunit ngumingiti ang mga mata.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Singit ka ah."

"Really, Ces. Akala ko tapos na tayo sa stage na 'yan," aniya at nagkunwaring umiiyak.

"Loko," ang tangi kong sinabi at umusog sa gilid para makapasok siya sa pila. "Ba't ginabi ka na? Journ?"

"Medyo. Tsaka malapit na 'yong Brainmasters na competition kaya in-orient kami ng coach namin at nag-ayos na rin ng reviewers."

Tumango ako. "I see. So sa mga ganitong buwan pala 'yon."

"Yeah, which means bihira na lang kita makakasama pauwi," sabi niya na para bang may bata siyang kausap at mahinang pinisil ang pisngi ko. Nagdikit ang mga kilay ko at pinakitaan ko siya ng kamao. Nginitian niya lang ako. "Ikaw? Anong ganap mo at ginabi ka?"

"Well, I did an errand or something..." Naalala ko na hindi niya pala dapat malaman kaya napatigil ako sa pagsalita. Panigurado hindi siya sasang-ayon 'pag nalaman niya.

"An errand?" napatingin siya sa 'kin.

"...Yup, tinulungan ko lang kaibigan ko do'n sa problema niya," sabi ko. It wasn't a complete lie, nor was the complete truth either.

"Ano daw problema niya? Family-related?" tanong niya na parang curious talaga siya. I can only sheepishly smile internally. Makikipagsapakan na ako.

"Oo, family-related. Pero syempre 'di ko na pwede sabihin kasi private na 'yon," pagsisinungaling ko. Okay, so ito na talaga, nagsinungaling na talaga ako.

"Oooh," he held his chin, "sabihin mo sa kanya, kaya niya 'yan. Minsan, may ganyan talagang nangyayari at ang pwede lang natin gawin ay kumapit. They'll be okay."

That caught me off-guard. He speaks as if he's been experiencing it. Doon pa lang sa tinanong niya kung family-related ba ay parang may pinahihiwatig na. Well, hindi nga naman kasi bihira ang mga ganitong senaryo - ako nga rin e, may problema rin sa pamilya.

"Bakit?" tanong ko ng wala sa ulirat.

Tumingin siya sa 'kin at medyo natatawa. "Anong bakit? Bakit ko nasabi 'yon? Syempre 'di ko na pwede sabihin kasi private 'yon."

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Masaya akong kaya niya makipagbiruan kahit na meron nga siyang nararansang gano'n, pero minsan ang sarap makipagsapakan.

"Anyway, there's that," sabi niya. "May iba pa talaga akong sasabihin sa 'yo."

"Ano?"

He softly bumped his knuckles into my head. Napangiwi naman ako kasi tumunog talaga. "Ano na naman?" ani ko.

"Mag-ingat ka nga. Minsan 'di ka aware sa paligid mo. Nakita kita kanina na pumunta ng convenience store mag-isa, hindi mo napansin 'yong lalaking sumusunod sa 'yo. Paano kung 'di kita nakita no'n?"

I stared at him, processing his words. All I managed was "Talaga?"

"Anong 'talaga'? You're supposed to say thank you and sorry and 'I'll be more careful next time,'" sabi niya na para bang nanay na pinapagalitan ang anak.

"Wait, anong ginawa mo? 'Wag mo sabihing binugbog mo 'yong lalaki?"

"Well, I'm not strong enough to do that, so no. I did use my wits though and distracted him while you did your shopping and leave," pagpapaliwanag niya.

"Oh..." I nodded mindlessly. Hindi pa rin nagsi-sink in sa 'kin. Hindi ko naman inakalang pwede akong masundan. I mean, hindi naman ako maganda o mayaman; wala silang makukuha sa 'kin.

"Well?"

"Well... Thanks and sorry. I'll be more careful next time," ani ko, na medyo hindi pa rin makapaniwala. Bakit ba hindi ko napansin 'yon?

"That's good, but I need something more," sabi niya.

"More?"

Inilahad niya ang palad niya sa harap ko. Inapiran ko ito. Hindi ko naman alam kung anong gagawin? He pursed his lips. "Your phone."

Nilabas ko ito at binigay sa kanya.

"You unlock it, of course," he said and I did what I was told.

"Ano bang gagawin mo dyan?" tanong ko habang binubutingting niya ang gadget.

"In case of emergency," iyon lang ang sinabi niya. Pumunta siya ng contacts at nilagay ang number niya, ganoon din ang ginawa niya sa phone niya at nilagay ang akin doon. "Pwede ka mag-loan sa Globe ng SOS texts. Just be sure to alert me. I'll do the same."

Tingnan ko ang phone ko. His number is easy to remember. Tiningala ko siya. "Bakit ano...?"

"Bakit ko ginawa 'yon lahat? Syempre kasi friends tayo," sabi niya. "Now you have to do your part as well and be a good friend. Make sure to alert me, okay?"

I just stared at him. "Alam mo minsan, pwede ka pala maging astig, 'no. 'Yong hindi lang puro kalokohan."

"What?!" and he acts shocked. Typical Nox. "How dare you tell me that after all I've done!"

I smiled at him, and maybe chuckled a little. "Yeah, how dare me."

Continue Reading

You'll Also Like

16K 459 24
Have you ever met someone for the first time and wondered if they'd become an important part of your life or they'd just passed by like a fleeting br...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
52.8M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
28.4M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...