ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

Af angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... Mere

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 45: QUINTA FOREST

408 21 17
Af angelodc035

Ginising ng mga pagyanig si Odessa at bahagyang nasilaw sa sikat ng araw na malapit na sa kanyang paghimbing sa gawing kanluran. Akala niya ay nananaginip lamang siya sa mga pagyanig pero ng mapansin niyang umuuga ang lupa ay nanatili muna siya sa kalsadang kanyang kinahihigan.

Anong nangyariAng tanong niya sa sarili. Pinilit niyang inaalala ang mga pangyayari bago siya nawalan ng malay. Pero ng mapadako ang kanyang mga mata sa kinaroroonan ni Randy ay kaagad siyang bumangon at ibinaluktot ang kanyang mga paa para kumuha ng puwersa para isubong ang sarili at makalundag ng may kalayuan papunta sa pinakamamahal niyang si Randy. Dalawang mapuwersang pagtalon ang kanyang ginawa at narating niya ang nag-aagaw buhay na si Randy dahil sa sugat na natamo nito sa kanyang balikat.

Pagkakita pa lamang ni Odessa sa sugat sa balikat ni Randy ay alam na niya kung anong klaseng patalim ang gumawa nito sa kanya. Mabilis na sinugatan ni Odessa ang kanyang kaliwang palad gamit ang matalim na kuko sa kanyang hintuturo. Paglabas ng dugo nito sa sugat ay kaagad na inilagay nito sa bibig ng kasintahan para sipsipin. Pero halos wala ng malay ang kasintahan dahil sa pagkalat na ng lason sa kanyang katawan.

"Randy, mahal ko kailangan mong gawin to. Tatagan mo ang sarili mo huwag kang mamamatay tarantado ka! Hindi mo ako pwedeng iwan." ang naiiyak na wika ni Odessa na labis na nag-aalala sa kalagayan ng kasintahan.

Malamig na ang maputlang balat ni Randy dahil kumalat na ang lason mula sa sandatang sumugat sa kanya. Walang bisa ang pulang likido sa kanya dahil sa dugo niya mismo nanggaling katas ng bulaklak ng Myrho.

Marahang sinampal-sampal ni Odessa ang pisngi ni Randy para hindi ito makatulog at kunin ng kamatayan.

"Hindi ka puwedeng mamatay, kailangang kailangan kita." ang pakiusap ni Odessa sa halos wala ng malay na kasintahan. Naupo sa kalsada si Odessa at sinapo ang ulo ni Randy. Hindi nito inalis ang kanyang kamay sa bibig ng kasintahan para makainom siya ng ng kanyang sariwang dugo. Pero tila huli na ang lahat at lumapaypay na ang ulo ng binata.

Parang tumigil sa pagtibok ang puso ni Odessa sa kanyang nakita. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang magwala dahil huli na para sa kanya na mailigtas pa ang kasintahan sa kanyang kamatayan.

"Hindi,  hindi maari,  Randy! Hindi ka puwedeng mamatay.  Magsasama pa tayo, magkakaroon ng anak ng pamilya. Huwag muna, please?!" ang tumatangis na wika ni Odessa.  Pilit niyang niyuyugyog ang kasintahan para gumising,  niyayapos at hinahalikan niya ito kasabay ng pagyakap nito ng mahigpit. Napakatagal na panahon na hindi siya nagmahal. Napakatagal na panahon na naging masaya siya sa buhay niya sa piling ng pinakamamahal niyang si Randy. Pero napakaikli naman na maranasan niya ang umibig at ibigin ng isang lalakeng tunay na umiibig sa kanya. Ngayon sa isang iglap ay tuluyan na itong mawawala sa kanya.
Sa pagkakataon iyon ay hindi siya lumuha ng dugo, hindi luha ng isang Sangre ang lumabas sa kanyang mga mata.

"Randy..." ang pangalang kanyang binabanggit habang nakayakap siya ng mahigpit sa kasintahan.

Pero may narinig si Odessa na nagpatigil sa kanya sa pag-iyak. Iniangat nito ang kanyang ulo at pinagmasdan ang kasintahan.  Muli ay idinikit nito ang kanyang ulo sa kasintahan at narinig niyang muli iyon. Tumigil sa pag-iyak si Odessa at napalitan iyon ng mga ngiti sa kanyang magkabilang pisngi.

Zzzzz.... Ngorkkk....

Zzzz... Zzzz... Zzzzz

Humihilik si Randy. Buhay siya. Mahigpit na niyakap ni Odessa ang kasintahan hindi dahil sa sobrang hinagpis,  kundi dahil sa kasiyahan na nakatulog lamang pala si Randy at hindi ito namatay sa lason sa kanyang sugat sa balikat.

Umiihip ang napakalakas na hangin, kasabay ng pagdilim muli ng mga ulap sa kalangitan na tila nakikidalamhati sa dinulot ng madugong labanan.

----------------------------
Hindi alintana ni Caren ang napakalakas na hangin at maya't-mayang pagyanig sa kanilang paligid. Nababahiran ng dugo ang bagong suot na dilaw na t-shirt na ibinigay sa kanya ni Ceasar pagkatapos nitong ibinalita sa kanya na hindi na niya natagpuan pa si Alex sa kinahulugan niyang ilog. Buhat-buhat nito ang wala ng buhay na si Adrian na nilapa sa leeg ng isa sa mga taong-lobo. Hindi nila alintana ang mga pagyanig at papalakas na hangin kahit na ng unti-unting bumagsak mula sa kalangitan ang malalamig na mga patak ng ulan.

Napapatigil lahat ang mga taong naroroon sa paligid na tila nakikidalamhati rin sa sinapit ng batang lalaki mula sa kamay ng mga anak ng buwan. Kitang-kita nila ang pagtangis ni Caren na namumugto na ang mga mata sa kakaiyak. Hindi niya alam kung paano nito sasabihan kay Margaux ang nangyari sa kapatid pati na rin ang nangyari kay Alex.

Malungkot na lumapit sina Demetria at father Mexo ng makita si Caren na buhat-buhat ang batang si Adrian.  Kumawala naman sa mga kamay ni Aling Luming si Margaux ng makita ang wala ng buhay na kapatid.

"Kuya Adrian! Kuya Adrian! " ang umiiyak na sigaw ni Margaux para salubungin si Caren.

Pigil ang emosyon ni Caren sa harapan ni Margaux hindi alam kung paano sasabihin kay Margaux na wala na rin ang kanyang kuya Adrian. Bigang yumakap si Margaux sa bewang ni Caren at humagulgol para sa kanyang namayapang kapatid. Kinuha naman ni father Mexo si Adrian sa mga kamay ni Caren at dinala ito sa loob ng simbahan kasama ang iba pang mga namatay para ipagdasal ang mga ito at saka ipagmimisa bago susunugin ang kanilang mga bangkay.

Nalulungkot man sa mga nangyari ay patuloy pa rin nakikiramdam si Demetria sa mga nangyayaring pagyanig sa paligid. Hindi pangkaraniwan, tila nagbabaya iyon ng napakasamang pamahiin o pangyayari na dapat nilang malaman. Ang biglaang pagbuhos ng malakas na ulan at hangin ay isa rin palatandaan na may nangyayaring hindi maganda.

Mahigpit ang pagkakayakap ni Caren kay Margaux. Walang tigil ang pag-iyak ng bata lalo na't nag-iisa na lamang siya buhay sa buhay niya ngayon.

"Sshhh...nandito pa naman si ate Caren mo di ba?  Hindi kita iiwan...tahan na." ang umiiyak ring si Caren.

Hati ang atensiyon ni Caren ng mga sandaling iyon. Nais niyang samahan si Margaux sa pagdadalamhati nito sa kapatid pero kailangan din niyang hanapin si Alex sa ilog na kinabagsakan nito. Wala na siyang oras at hindi niya hahayaang pati ang buhay ni Alex ay mawala at masayang. Nasasaktan siya dahil alam niya na nasaktan niya ang kalooban ng lalake at hindi pa niya nakakausap simula ng sumama ang loob nito sa kanya. Ipinapangako niya na matatagpuan lamang niya ng buhay si Alex ay hindi na niya sasaktan pa ang kalooban nito,  hinding-hindi na niya itatago ang nararamdaman nito sa kanya. Nakahanda na siyang mahalin ang lalake at hindi papagselosin pa kahit kailan.

Inalis niya sa pagkakayakap sa kanya si Margaux. Umupo siya sa harapan nito at hinalikan ang noo ng bata. Tumingin siya kay Aling Luming at tumango ito sa matanda.

"Kailangan ko muna kitang iwan.  Hahanapin ko muna si Tito Alex mo ha,  kailangan din niya ang tulong ko." ang malungkot na wika nito sa batang babae.

"Si ku...kuya Adrian.  Si kuya Adrian ko wala na...wala na siya." ang humahagulgol pa ring si Margaux.

Sshh... Tahan na...tahan na andito pa rin naman kami para sa'yo di ba?  Tahan na." ang sabi naman ni aling Luming sabay yakap sa bata.

Tumayo na si Caren para sa kanyang paghayo papunta sa ilog. Parang binibiyak ang kanyang puso dahil nasasaktan siya sa kinahinatnan ng dalawa sa pinakamamahal niyang kapamilya. Nasasaktan siya sa bawat paghikbi ni Margaux dahil sa pagkamatay ni Adrian. Nasasaktan siya na baka hindi na niya muling makita pa si Alex.

"Alex...nasaan ka na?" ang pabulong na wika niya sa sarili at sinimulan na niya ang kanyang mga paghakbang palayo sa lugar para simulang hanapin si Alex.

Akay-akay si Randy ay nanlumo rin sa nakita si Odessa sa kinahinatnan ng mga tao sa paligid ng simbahan ng Barasoain. Kitang-kita niya kung paano buhatin ng mga naghihinagpis na mga mamamayan ang kanilang mga mahal sa buhay na nangamatay dahil sa pag-atake ng mga anak ng buwan sa kanila. Mga nagkalat na bahagi ng katawan ng tao, mga bata,  matanda,  babae at lalake na ang tanging naging kasalanan lamang ay ang pagiging mortal nila at ang pagpapahalaga sa kanila ni Amang Bathala. Mga mortal na naipit sa giyera ng mga anak ng buwan at ng diyos na si Bathala.

Halos walang pagsidlan ng tuwa si Demetria pagkakita niya kina Odessa at Randy. Mabilis niyang sinalubong ang dalawa at tinulungan si Odessa sa pag-akay kay Randy na mahina pa sa mga oras na iyon pero ligtas na sa panganib ng sugat na gawa ng Pabanlag.

"Nagtagumpay tayo..." ang sabi ni Demetria. Pero tagumpay bang maituturing ang dami ng mga namatay sa labanan?

Hindi nila alam baka bukas o makalawa ay muling aatake ang mga anak ng buwan at nakahanda ba sila dito? Palakas ng palakas ang kanilang mga kalaban at hindi na sila nakakasiguro kung kakayanin pa ba nila ito sa mga susunod na paglusob ng mga anak ng buwan.
---------------
Sa kagubatan ng Pulog sa Quinta ay iniluwa ng kawalan si Blake kasama ang nagdarasal pa ring si Mariang Makiling. Makakapal ang mga puno sa kagubatang ito na pinagkukuhanan ng masasarap na prutas ng mga taga Quinta. Hindi kalamigan ang lugar at tamang-tama lamang ito para kay Blake.  Madilim na ang kapaligiran dahil tuluyan ng lumubog ang haring araw sa kanluran. Di tulad ng ibang mga kagubatan sa ikatlong mundo, ligtas sa kanila ang lugar na ito dahil walang mga mababangis na hayop at halimaw ang gumagala rito.

Pagod na napaupo si Blake sa nakausling malaking ugat ng isang puno na di pamilyar sa kanya. Pinailawan niya ang balat sa kanyang palad para makita kung ano ang nasa paligid nila ni Mariang Maikiling. Kapansin-pansin ang mga bunga ng puno kung saan siya nagpapahinga na kumpol-kumpol na bumabalot sa buong katawan ng puno ang mga bunga nito na singlaki ng mga prutas na santol. Mabibilog ang mga bunga na binubuo ng tatlong mga kulay. Ang mga maliliit na maaring mga batang bunga ay kulay berde, ang mga may-gulang na bunga ay kulay pula at ang malalaki at hinog na ay kulay itim na makikinis at kumikinang ang mga balat.

Sa kabilang puno ay halos isang metro ang haba ng mga bunga na may anim na pulgada ang kabilugan nito Kapansin-pansin ang napakatingkad na mga kulay dilaw sa mga ito kasama ang mga kulay berdeng bunga na maaaring hindi pa hinog.

Sari-saring mga prutas ang kaniyang nakita pero nag-aalangan siyang kainin ang mga ito dahil baka may lason. Nararamdaman na niya ang pagkalam ng kanyang sikmura dahil sa sobrang gutom. Halos hindi na niya matandaan kung kailan siya huling nakatikim ng pagkain. Naglalaway ang kanyang bibig sa tuwing naiilawan niya ang mga makikintab na bunga ng mga puno na tila naghihikayat sa kanya para kainin.

Minabuti na muna niyang patayin ang liwanag na nagmumula sa kanyang palad para magpahinga. Dinig na dinig niya ang mga iba't-ibang uri ng mga huni ng mga kulisap at mga kaluskos sa kasukalan na nagbibigay din sa kanya ng kaba at takot.

Ano na ba ang nangyayari kay Mariang Makiling at halos dalawang araw na siyang hindi natatapos sa kanyang pagdarasal? Ano ba ang ipinagdarasal niya? Naawa siya sa kanya kung iiwan niya ito na mag-isa lalo na't baka may mga mababangis na hayop ang puwedeng umatake sa diwata. Kapag natapos na sa pagdarasal si Mariang Makiling ay kailangan na niya itong iwan dahil alalang-alala na talaga siya sa kayang lola at mga kapatid. Siguro naman makakabalik rin siya sa kanila kapag sinubukan niya  ang kapangyarihan niya ng paulit-ulit.

Muli ay naramdaman niya ang pagkalam ng kanyang sikmura. Naalala niya ang napakaraming pagkain sa loob stockroom ng hotel kung saan siya hinigop ng isang lagusan. Yung ice cream na pagsasaluhan sana nila nina Macky at Eli kasama ang kanilang bulag na lola. Pero sa kasamaang palad ay napunta siya sa lugar na ito at hindi na makabalik pa sa kaniyang pamilya.

Humiga siya sa malaking ugat na kanyang kinauupuan at pinagmasdan ang mga anino ng mga naglalakihang mga puno sa paligid. Tila musika sa kanyang pandinig ang mga huni ng mga kulisap na nagpapabigat sa talukap ng kanyang mga mata. Pero nawala ang kanyang pagka-antok ng mula sa di kalayuan ay napansin niya ang dalawang napakaliwanag na mga mata ang tila nagmamasid sa kanya. Napatayo si Blake sa kanyang nakita at lubhang kinabahan.

"Malakat..."

Napalingon si Blake sa pinanggalingan ng boses. Hindi niya napansin ang matangkad na babae sa kanyang tabi na tila may kung anong mahika na nagpapa-ilaw sa katawan nito.

"Ma...Mariang Makiling?!" ang halos hindi makapaniwalang sambit ni Blake pagkakita sa diwata.

Ngumiti si Mariang Makiling sa kanya. "Isang batang Malakat ang nakikita mo Blake. Sila ang mga tagapagbantay sa kagubatan ng Quinta. Huwag kang mag-alala hindi ka nila sasaktan basta't wala kang masamang gagawin sa kanilang nasasakupang kagubatan." ang paliwanag ni Mariang Makiling.

Dahan-dahang lumapit si Blake kay Mariang Makiling at hinawakan nito ang kamay ng napakagandang diwata. Tuwang-tuwa si Blake dahil sa wakas ay natapos na rin sa kanyang mahabang pagdarasal ang magandang diwata. "Bakit ang lalaki at napakaliwanag ng kanyang mata?" ang tanong nito.

"Mga nilalang sila ng gabi Blake. Mas madali silang nakakakita sa dilim kaysa sa liwanag. Maaaring napansin ka niya kaya minabuti niyang pagmasdan ka. Wala pang mortal ang nakapunta sa kagubatang ito Blake. Ikaw pa lang ang nakatapak na mortal sa kagubatang ito." Ang sagot ng diwata sa kanya.

Pinagmasdang muli ni Blake ang Malakat na sumisilip pa rin at nagmamasid sa kanila. Tulad sa isang bata ay hindi rin ito nakuntento sa kakatingin lamang sa dalawang estranghero sa kanyang harapan. Dahan-dahan ay nagsimula itong lumapit kina Blake at Mariang Makiling.

Pinailawan ni Blake ang kanyang palad at halos mamangha siya sa napakagandang nilalang sa kanyang harapan. Sing-laki ng isang aso ang batang Malakat at kapansin-pansin dito ang napakagandang kulay ng mga tumutubong balahibo sa magkabilang pakpak nito. Ang ulo na katulad ng isang kuting na pusa ang lalong nagbigay ngiti kay Blake dahil noon pa man ay mahilig na siyang mag-alaga ng pusa. Mas lalo siyang nabighani sa mabibilog at napakaliwanag na kulay berdeng mga mata nito. Gusto niya itong yakapin at laruin pero pinigilan niya ang sarili at baka kagatin o atakihin siya nito.

Dahan-dahang lumapit si Blake sa batang Malakat at iniabot nito ang kanyang kamay. Tumigil naman sa paglapit ang malakat at tila nakikiramdam sa batang mortal sa kanyang harapan. Marahang isinusubong ng batang Malakat ang kamay ni Blake gamit ang mamula-mulang ilong nito. Magkahalong tuwa at kaba naman ang nararamdaman ni Blake ng mga sandaling iyon lalo na ng ikiniskis ng Malakat ang ulo nito tulad ng ginagawa ng isang pusa sa kanyang amo.

"Gusto ka niya." ang wika ni Mariang Makiling na nakangiti.

Ngumiti lamang si Blake habang tuwang-tuwa sa naglalambing na batang Malakat. Hinimas-himas niya ang ulo ng Malakat habang dinidilaan naman siya nito ng kanyang magaspang na dila na nagbigay ng kiliti sa kanya.

"Ibigay mo ito sa kanya." ang sabi ni Mariang Makiling habang iniaabot nito ang itim na bunga ng puno kung saan sila naroroon.

Agad namang kinuha ni Blake ang prutas at ibinigay iyon sa Malakat. Buong gahaman namang kinain iyon ng batang Malakat na nagbigay ng kakaibang saya sa batang si Blake.

Kain...walang lason...

"Ha? May sinasabi po ba kayo sa akin?" ang tanong ni Blake sa diwata.

"Sinasabi sa'yo? Wala naman akong ano mang sinasabi sayo ha." ang tugon nito kay Blake na tila nagtataka sa tanong sa kanya ng bata.

"Wala po ba?  Naku baka sanhi na po ito ng sobrang gutom." ang sabi nito at muling ibinalik ang kanyang mga mata sa batang Malakat.

"Maari nga siguro dahil sa gutom na yan.  Heto tikman mo." ang wika ni Mariang Makiling at iniabot sa kanya ang dalawang piraso ng itim na prutas.

Pinagmasdan ni Blake ang mga prutas sa mga kamay ni Mariang Makiling. "Nakakain po ba 'yan?" ang tanong nito sa kanya.

"Tikman mo Blake at sisiguraduhin ko sa 'yong yan ang pinakamasarap na pagkain ang matitikman mo sa buong buhay mo." ang nakangiting wika ni Mariang Makiling.

"Weh, di nga?" ang di makapaniwalang si Blake na tugon niya sa sinabi ni Mariang Makiling.

Kain... ligtas yanwalang lason.
Ang muling sabi ng boses sa isipan ni Blake.

"Ha?  Ano po? "

Napangiti ang diwata kay Blake habang kinukuha sa kanya ang dalawang prutas. Batid na niya na kung kaninong boses ang naririnig ni Blake.

"Gusto ka niya Blake at nakikipag-usap siya sa'yo."

"Ha? Sisino pong gustong makipag-usap sa akin?"

"Siya! " ang tugon ni Mariang Makiling sabay-turo sa batang Malakat.

"Siya po?" sabay tingin sa batang malakat na nakatingin sa dalawang prutas sa kanyang kamay. "...papaano?"

"Kinakausap ka niya sa pamamagitan ng isip." ang sagot ni Mariang Makiling.

"Hindi ko po naiintindihan." ang naguguluhang si Blake.

Lumapit ang diwata kay Blake at umupo sa tabi niya habang ipinapakain nito ang isa pa sa mga prutas.  "Ang mga malakat ay may kakayahang makipag-usap gamit ang isip. Katulad ng mga naririnig mong boses kanina. Narinig mo ang boses niya ibig sabihin ay kusa ka niyang pinili para maging gabay mo at ang nangyari sa'yo ngayon ay kusa ang pagpili niya sa'yo. Mapapaamo lamang ang isang Malakat sa pamamagitan ng isang duwelo, na kung saan para mapasailalim ito sa iyong kagustuhan ay kailangang hanapin ang nag-iisang kulay gintong balahibo nito at saka bunutin. Kung sino man ang nakabunot sa kulay gintong balahibo nito ay mapapasailalim siya sa'yo para ikaw ay paglingkuran hanggang kamatayan. Pero kapag hindi mo ito nagawa, kamatayan ang naghihintay sa'yo sa kamay ng isang mabangis na Malakat." Ang paliwanag ng diwata kay Blake.

Naguguluhan pa rin si Blake sa mga sinabi ni Mariang Makiling sa kanya. Marahil dahil sa kanyang edad ay hindi pa madali para sa kanya ang maintindihan iyon.

Kain, gutom wala, ligtas kainin...

"Sige kakain na ako." ang tugon ni Blake at sinubukang kagatin ang isa sa mga prutas. Halos mamilog ang kanyang mga mata ng malasaan ang itim na prutas. Napakasarap nga ng prutas katulad ng sinabi ng diwata sa kanya. Pagkaubos ng isa ay saka ito lumapit sa puno at namitas pa ng mga bunga nito. Nilapitan din siya ng batang Malakat at pumitas din ng mga prutas para kainin.

Tuwang-tuwa si Blake. Sa unang pagkakataon mula ng makarating siya sa ikatlong mundo ay nakalimutan niya ang pag-aalala sa kanyang mga kapatid at bulag na lola. Masaya naman siyang pinagmamasdan ni Mariang Makiling at sinamahan rin niya sa pamimitas ang dalawa.

"Ano po ba ang pangalan ng prutas na'to?" ang usisa ni Blake.

"Yan ang prutas na Taranati. Ang mahahabang bunga ng puno na 'yon ay ang Balingi.  Masarap din yun kaya puwede mo rin tikman." ang wika ni Mariang Makiling.

Muwiiiiihhhh!!! Muwiiiiihhhh!!!

Natigilan ang tatlo dahil sa narinig na palahaw sa gitna ng kagubatan. Nakapangingilabot ang sigaw na kanilang narinig. Iniyugyog ng batang Malakat ang kanyang ulo at saka tumakbo papalayo kina Blake at Mariang Makiling. Sinubukang habulin ni Blake ang batang Malakat pero kaagad siyang pinigilan ni Mariang Makiling.

"Huwag!"

"Kailangan ko po siyang habulin,  baka may mangyaring masama sa kanya." ang paliwanag ni Blake na pilit na nagpupumiglas sa mga kamay ng diwata.

"Walang mangyayaring masama sa kanya."

"Kailangan ko siyang puntahan baka may mananakit sa kanya."

"Blake,  makinig ka.  Walang mangyayaring masama sa batang Malakat." ang paniniguro ni Mariang Makiling sa bata.

"Eh bakit po siya biglang umalis at ano po yung nakakatakot na parang sigaw na narinig natin?"

Iginala ni Mariang Makiling ang kanyang mga mata sa madilim na kapaligiran at saka huminga ng malalim. "Ang mga palahaw na ating narinig ay gawa ng isang babaeng Malakat. Nagpapahiwatig ito ng kamatayan."

"Kamatayan?"

"Oo kamatayan. Kamatayan ng isa sa kanilang uri. At ang sigaw na iyon ay may kaugnayan sa batang Malakat kanina, marahil iyon ang palahaw ng kanyang ina."

"Ang ibig po ninyong sabihin maaaring ang kanyang ama ang namatay? " ang malungkot na tanong ni Blake sa diwata.

Tumango lamang si Mariang Makiling sa tanong ni Blake. Isang napakagandang nilalang na naman ang namatay. Nakababahala na ang kumokonting bilang ng mga Malakat sa ikatlong mundo. At sa kagubatang ito na lamang sila matatagpuan.

kitang-kita sa mga mata ni Blake ang pag-aalala at panghihinayang sa batang Malakat na nakasalamuha niya kani-kanina lamang.

"Magiging ligtas ba siya sa kagubatang ito?  ang tanong ni Blake.

"Ito ang pinakaligtas na lugar para sa kanila Blake. Pangangalagaan sila at poprotektahan sila ng kanilang mga pamilya at kauri. Kabisado nila ang lugar na ito at ang kagubatang ito mismo ang poprotekta sa kanila." ang tugon ni Mariang Makiling para hindi na mag-alala pa ang batang si Blake.

Hindi maintindihan ng magandang diwata kung bakit magaan ang loob nito sa bata. Pakiramdam niya ay matagal na niya itong kakilala.  Pinagmasdan niya ng mabuti ang kaanyuan ni Blake baka sakaling may kung anong magpapaalala sa kanya tungkol sa bata.

Biglang nakaramdam sila ng pagdagundong sa kapaligiran kasabay ng malakas na pagyanig sa lupa. Nagliparan ang mga sari-saring mga ibon na nakadapo na sa mga puno sa paligid at isang napakatalim na kidlat ang gumuhit mula sa langit ang nagpa-ilaw sa buong paligid. Tinamaan nito ang isang matandang puno na nagpaliyab dito.

Napayakap ang takot na takot na si Blake kay Mariang Makiling habang pilit na binabalanse nito ang kanyang katawan para hindi matumba sa kanyang kinatatayuan. Biglang umihip ang napakalakas na hangin kasabay ng paglamon ng lupa sa mga punong hindi kalayuan sa kanila.

Binalutan ng takot at kaba si Mariang Makiling sa mga nangyayari sa kanilang paligid habang nakayakap naman sa kanya si Blake.

"Blake kailangan na nating umalis dito dahil lalamunin tayo ng lupa." ang malakas na wika ng diwata.

Napatingin si Blake sa kanilang paligid at kitang-kita niya sa liwanag ng buwan na nilalamon nga ng lupa ang mga naglalakihang mga puno sa kanilang paligid. Lalong binalutan ng takot si Blake at hinigpitan lalo ang pagkakayakap sa diwata.

"Kailangan na nating umalis dito Blake. Gamitin mo ang kapangyarihan mo dali!  Wala na tayong oras para takasan ito!" ang sigaw ni Mariang Makiling sa bata.

Pumikit ang takot na takot na si Blake habang nakayakap sa diwata at sabay na napasigaw silang diwata.

Pooofff!

Tuluyan ng nilamon ng lupa ang lugar na kinatatayuan nina ni Mariang Makiling at Blake.

------------
Patuloy sa paglala ang mga sugat sa buong katawan ni Claudius. Para na siyang isang buhay na bangkay na patuloy na naglalakbay sa kagubatang hindi na niya alam kung saan. Lumusong siya sa isang napakalinaw na ilog para roon ay lilinisin niya ang kanyang katawan na natatakpan ng pagkasunog na ngayon ay nabubulok at inuuod na. Bakit hindi pa siya namamatay? Gusto na niyang mamatay para hindi na niya mararanasan pa ang kanyang mga paghihirap. Pinagsisisihan na niya ang mga pagkakamaling nagawa niya. Hihingi at hihingi pa rin siya ng tawad sa kanyang anak at sa mga nilalang na nasaktan niya at nagawan ng masama. Dahil hindi sapat ang buhay niya bilang kabayaran sa mga kasamaang kanyang ginawa. Tutulungan niya si Sarah para itama ang mga pagkakamaling ginawa niya. Tutulong siya para ibagsak ang mga anak ng buwan na maghari sa sanlibutan. Tutulong siya kahit buhay pa niya ang kapalit. Tutulong pa rin siya kahit mahirap para sa kanila na pagkatiwalaaan pa siya.

Kumalat sa tubig ang lumalabas na langis sa katawan ni Claudius. Inaalis niya ang mga sunog na balat at laman sa kanyang katawan. Biglang bumula ang tubig mula sa kanyang kinatatayuan at isa-isang nagsilutangan ang mga namamatay na mga isda sa ilog.

Napaurong si Claudius at mabilis na umahon sa ilog kung saan siya naglilinis ng katawan. Halos madurog ang kanyang puso sa kanyang nakitang pagkamatay ng napakaraming isda na ang naging dahilan ay siya. Tuluyan na nga siyang isinumpa at pinarusahan sa lanyang mga nagawa.

Bigla siyang nawalan ng balanse sa kanyang kinatatayuan ng isang napakalakas na pagyanig ang kanyang naramdaman sa paligid kasabay ng mga pagdagundong ng mga malalakas na kulog sa nangingitim na kalangitan.

Napasigaw si Claidius ng malakas ng makita niya ang pagkatibag ng lupa sa mataas na bahagi ng  burol at tumatabon sa kanya.

Fortsæt med at læse

You'll Also Like

249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
Adrasteia Af CG

Overnaturlig

191K 7.4K 30
Book 1 Adrasteia Laxamana o mas kilala sa palayaw niyang Dia, kung sa tingin niyong isa lamang siyang pangkaraniwang babae na napakataray at iwas sa...
39.7K 1.6K 40
Aleyra Esteban, ang anak ng pinakamayaman sa kontinente ng Vamon. Sa kabila ng karangyaan at kagandahan, doon nagtatago ang mala-imburnal niyang budh...
54.9K 2.4K 52
Sabi nila dumadating sa buhay ang mga Mga di inaasahang pangyayari na babago sa buhay mo..pero iilan lang ang nakararanas nito.. Paano kung isa ka sa...