Ruthless Desire

By Kass-iopeia

1.4M 21.7K 832

WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much... More

Prologue
001: How much is your rate?
002: Never seen a sunflower before?
003: Useless Mouth
004: Manila
005
006
007
008
009
010
012
013
014
015
016
017
018
019
020
021
022
023
024
025
026
027
028
029
030
031
032
033
034
035
036
037
038
039
040
041
042
043
044
045
046
047
048
Epilogue

011

26.4K 434 22
By Kass-iopeia

Kabanata 11

Katharina

Namomroblema ako sa susuotin ko hindi naman kasi ako nakapag dala ng  mga damit dahil hindi ko naman alam na dito pala kami ni Callum pupunta. Hindi ko din alam na mag tatagal kami sa lugar na 'to. Hindi ko alam kung sinadya niya bang wag sabihin sa akin o nakalimutan lang talaga niya. Nag paikot ikot ako sa buong kwarto. Nakabalot lamang ng isang puting tuwalya ang katawan ko dahil katatapos ko lang din maligo nang maalala kong wala nga pala kong dalang mga damit.

Maya maya pa ay bigla na lang bumukas ang pinto. Agad na napayakap ako sa sarili ko ng biglang pumasok si Callum. Napangisi siya ng makita ang kalagayan ko. Napatungo ako sa sobrang kahihiyan. Hindi naman ako nakahubad totally pero kahit na sa ilalim ng manipis na tuwalyang 'to nakahubad pa din ako. Nang mag angat ako ng tingin muli ay nakangisi pa din siya. Umiling iling siya at may ibinatong kung ano sa kama. Mga damit iyon. Naalala niya sigurong wala akong kahit anong dala kaya naisipan niyang dalhan ako ng maisusuot.

"Next time don't forget to lock your door or else..." binitin niya ang sinasabi niya at agad na umalis ng kwarto.

Naghuramentado ang dibdib ko sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung bakit para akong nauupos na kandila sa kinatatayuan ko. Hindi talaga ako sanay na may ibang lalaking nakakakita sa akin ng ganito ang ayos. Huminga ako ng malalim at ipinikit ko sandali ang mga mata ko at kinalimutan ang mga nangyari.

Wala lang yun. Hindi ka naman niya nakitang hubad talaga kaya anong pinag-aalala mo? Mabuti pa makapag ayos na lang baka mamaya magalit nanaman yun dahil ang tagal kong kumilos.

Nag madali akong nag bihis at nag ayos. Hindi naman ako nag lalagay ng mga palamuti sa mukha kaya hindi na din naman ako tumagal sa salamin. Medyo naiilang lang ako sa suot kong dress medyo maiksi kasi siya sa akin. Hindi lang ako sanay may suot ng mga ganitong dress. Mukhang mamahalin pa ito. Saan naman kaya kami pupunta at kailangan ko pang mag suot ng ganitong klaseng kasuotan. Kahit naiilang ay lumabas na lamang ako ng silid.

Naabutan ko si Callum sa sala na bihis na bihis din tulad ko. Tumaas ang kilay niya pagkakita sa hitsura ko. Agad naman akong nailang sa suot suot kong maikling dress kaya pasimple ko itong hinahatak sa laylayan pababa. Hindi siguro bagay sa akin yung dress. Hindi naman kasi talaga ako nag susuot ng mga ganito. Nasa bahay lang din naman kasi ako palagi.

"You look good. Let's go! We need to hurry." aniya at agad nang tumayo mula sa kanyang kinauupuan parang biglang nanlambot ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lang uminit ang pisngi ko sa sinabi niyang yun at tila ako hinabol ng kung ano sa bilis ng tibok ng dibdib ko. Kahit naguguluhan sa nararamdaman, sumunod na lamang ako kay Callum sa sasakyan. Naupo ako sa tabi niya sa passenger seat. Mas lalo pang nahatak pataas yung dress ko dahil nakaupo ako. Mas lalo siyang maiksi tignan tuloy kaya di ko mapigilan ang sarili kong hilahilahin ito pababa. Bago pa man kami makaalis ay napansin na iyon agad ni Callum.

"What's the matter? Don't act like you're a virgin. Tsk." Ngumisi ito at inistart na ang sasakyan. Napayuko ako sa sinabi niyang iyon.

Hindi ko siya masisisi kung ang tingin niya sa akin ay isang mababang klase ng babae. Pumatol lang naman ako sa dad niya na doble ng edad ko. Pero yun ay dahil gusto ko lamang tumanaw ng utang na loob sa kanya. Hindi ko kayang saktan ang ama niya kung sakaling tumanggi ako sa alok nitong kasal. Sa dami ng nagawa niya sa akin, kaibigan na ang turing ko sa kanya kaya kahit anong gustuhin niya ay gagawin ko na lamang.

Kahit na... mag mukha akong isang masamang babae sa mata ng ibang mga tao.

Pinigilan ko ang luhang nag babadyang pumatak mula sa mga mata ko at inilipat na lamang ang tingin sa kalsada. Hanggang ngayon hindi ko pa din pala kayang tanggapin lahat ng sinasabi nila tungkol sa akin. Yun ay dahil alam kong hindi ako yung ganung klase ng babae. Kahit kailan hindi ko magagawang manamantala ng ibang tao at mas lalong hindi ko kayang manira ng isang masayang pamilya.

Kung nandirito lang si nanay, sigurado akong ipagtatanggol niya ako sa mga tao. Sigurado akong maiintindihan niya ako. Maiintindihan niya yung mga bagay na hindi kayang intindihin ng mga taong nasa paligid ko. Kaya lang wala na siya eh. Kahit anong gawin kong pag pipigil kusang bumagsak ang mga luhang pinipigilan ko at agad iyong nakita ni Callum.

"What? You're crying? Seriously you're crying?" tumawa ito na para bang ang pag iyak ko ay isang napakalaking biro.

Agad kong pinunasan ang luha sa mga mata ko at dumiretsyo ng upo. Mas mabuti pang wag ko na lamang pansinin ang mga pang huhusga niya. Mas lalo lang akong masasaktan pag nag paapekto ako sa mga sinasabi niya.

"You're a damn good actress, Katharina."

Hindi ko na siya pinansin. Wala namang mangyayari kung depensahan ko ang sarili ko. Alam ko namang kahit kailan hinding hindi siya maniniwala sa isang kagaya ko. Napaka tanga ko kung iniisip kong kaya ko pang makuha ang loob niya. Dahil mukhang sing tigas ng bato ang puso niya. Hindi siya tulad ng kanyang ama. Napaka tigas ng puso niya.

Maya maya ay tumigil ang sasakyan ni Callum sa tapat ng isang napaka laking hacienda. Kasing laki lang siguro ito ng hacienda ni Chris. Nang lumabas na si Callum ng sasakyan ay lumabas na din ako. Sumunod ako sa kanya papasok ng hacienda.

Agad na may sumalubong sa aming mga kasambahay. Maraming tao sa hacienda kaya sa tingin ko ay may kasiyahang nagaganap. Tulad ko mga nakasuot din ng mga magagarang kasuotan ang mga tao sa loob ng hacienda. Iginaya kami ng isang katulong papunta sa upuan namin.

"Stay here." Wika ni Callum bago ako iwan sa table namin. Inikot ko ang piningin ko. Hindi ko mapigilang manliit. Ang gaganda at ang yayaman ng mga tao dito pakiramdam ko ay hindi ako nababagay sa lugar na 'to.

May mga babaeng ang sama sama ng tingin sa akin. Kaya napatungo na lamang ako. Parang gusto ko na agad umuwi o bumalik na lamang sa sasakyan kaya lang magagalit naman sa akin si Callum pag maabutan niyang wala ako dito. Maya maya ay may lumapit sa aking lalaki.

"Hi!" Bati niya bago naupo sa tabing upuan ko.

"Hello.." mahinang bati ko pabalik. Ngumiti siya at inabot ang kamay niya sa akin.

"Lance Dorothy." Aniya habang nakalahad pa din ang palad sa akin. Ngumiti ako at tinanggap ang pakikipag kamay niya.

"Katharina." Pakilala ko at nang babawiin ko na sana ang kamay ko mula sa kanya ay hinawakan naman niya ito ng mahigpit kaya nagulat ako ng bahagya dahil dun. Ngumiti siya ng malapad at dinala ang kamay ko sa kanyang labi at hinalikan ito ng bahagya. Bigla akong pinag taasan ng balahibo sa ginawa niya.

Babawiin ko na sana ulit ang kamay ko mula sa kanya ng biglang dumating si Callum at agad na pinaghiwalay ang kamay naming dalawa ni Lance. Binigyan niya ng matalim na titig si Lance.

"I see may kasama ka pala, Kath. Sige mauna na ako." Aniya bago lisanin ang aming table. Ibinaling naman ni Callum ang tingin niya sa akin. Sobrang sama ng titig niya sa akin kaya napayuko na lamang ako sa kinauupuan ko. As usual galit nanaman siya sa akin at iba nanaman ang tingin niya sa akin.

"What are you doing?"

"W-wala akong ginagawang masama, Callum." malumanay na sabi ko. Ito nanaman siya. Alam kong sasabihan nanaman niya akong malandi pagkatapos kung ano ano pang masasakit na salita ang lalabas sa bibig niya. Ganyan naman talaga siya eh. Dapat masanay na ako.

"I saw everything, Kath. You're flirting with him."

Nakuyom ko ang mga palad ko sa sinabi niyang yun. Siyempre hindi niya ako pakikinggan. Siyempre huhusgahan nanaman niya ako wala namang bago kaya bakit ako naiiinis. Bakit parang gusto kong magalit sa kanya. Wala naman akong karapatang magalit at ipag tanggol ang sarili ko.

"You know what, kung alam ko lang na ganito edi sana hindi na kita sinama."

"Alam mo tama ka. Kung huhusgahan mo lang naman pala ako edi sana ibang tao na lang yung sinama mo." Pikon na sabi ko bago ko lisanin ang lamesa namin. Agad naman niyang hinigit ang kanang braso ko upang pigilang umalis.

"Where do you think you're going?"

Inalis ko ang kamay niya sa braso ko at binigyan siya ng matatalim na titig bago muling naupo sa pwesto namin pero hindi na muli akong lumingon sa kanya matapos ang eksenang iyon.

Bakit pa ba niya ako sinama sama pa sa lugar na 'to?

Ilang minuto lang ay may lumapit sa table naming mga lalaki. Nakipag kamay ang mga ito kay Callum at nagpakilala naman si Callum sa kanila.

"So Mr. Montemayor, kelan mo naman balak na bilhin ang lupa ng mga Del Valle?"

"Kailangan ko na ang lupa nila. Nandito ako ngayon para lang dun actually. Hindi ko pa din kasi mapilit si Mr. Del valle na ibenta sa akin ang lupa. Mahalaga daw kasi talaga sa kanya ang lupang iyon. Tsk. Hindi niya alam kaya kong bilin ang lupa niya sa kahit ano mang presyong gustuhin niya."

Ilang minuto silang nag usap ng tungkol sa lupa ng mga Del Valle samantalang ako ay kanina pa inip na inip sa pwesto ko. Maya maya ay sa wakas ay natapos na din sila sa pag uusap tungkol sa lupang gusto yatang bilin ni Callum.

"So... who's this beautiful lady with you?" Anang lalaki. Napayuko ako. Siyempre baka kung ano nanamang isipin sa akin ni Callum.

"Oh this is Katharina my father's mistress."

Agad na napabaling ako sa kanya ng sabihin niya yun at binigyan niya lamang ako ng isang ngisi kaya bumalik ako sa pagkakatungo ng aking ulo. Siyempre lalaitin niya ako. Duon naman siya magaling eh. Ang manghusga ng taong mas mababa sa kanya.

"Woah? Really? Then why are you with her?"

"No I was just kidding. This is Katharina a friend." Bawi niya sa sinabi niya kanina. Naikuyom ko ang mga palad ko.

Kahit anong isip ko kung may nagawa ba akong mali sa kanya o naging masamang tao ba ako para ganitohin niya ako. Hindi ako ang sumira ng pamilya nila dahil bago pa man ako makilala ni Chris ay sira na talaga ang kanilang pamilya. Kaya bakit kailangan sa akin niya lahat ibuhos ang galit niya.

"Wtf! Nice joke dude."

"By the way, we're leaving na." paalam ni Callum. Nag paalaman lang sila saglit at hinila na ako patayo ni Callum hanggang sa makarating kami sa sasakyan niya. Tinanggal niya ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

"Believe naman talaga ako sayo oh. Kasi alam mo  kaya mong makipag landian kahit di mo kausapin yung tao. Pano ba yun ha? O mga professional bitch lang ang kayang makagawa nun?"

Pinigilan ko ang sarili kong maiyak sa harap niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko at inilihis na lamang ang tingin ko mula sa kanya. Bakit lahat ng sasabihin niya sa akin tumatagos sa dibdib ko? Bakit ganun lahat ng sabihin niya parang sumasaksak sa buong pagkatao ko?

"Magkano ka ba Kath?"

"Hindi ako isang gamit na ipinag bibili."  wika ko at mabilis na binuksan ang sasakyan niya at pumasok duon. Gusto pa sana niya akong pigilan pero sinara ko na agad ang pinto.

Mabilis na umikot siya sa kabila para pumasok na din ng sasakyan.

"Wag na wag mo kong tatalikuran pag kinakausap kita!" hinawakan niya ako sa baba at itinaas yun gamit ang palad niya. Madiin ang pagkakahawak niya sa akin kaya medyo nasaktan din ako duon.

"Naiintindihan mo ba Katharina?"

Gustong gusto nang tumulo ng mga luha sa mga mata ko pero pinilit kong pigilan pa din ito. Tumango na lamang ako sa sinabi niya at marahas na niyang binitawan ang mukha ko at inistart ang sasakyan.

Ibinaling ko ang mukha ko sa kabilang direksyon habang hinayaang mag landas ang mga luha mula sa aking mga mata.

Continue Reading

You'll Also Like

704K 19.7K 55
UNREQUITED LOVE... need I say more? Nang panain ni Kupido ang puso ni Deireen, hindi niya akalaing kailangan pala nito ng salamin nung mga panahong...
3M 54.3K 30
Warning: This book contains scenes not suitable for young readers. Please be guided. Story 1: Marcus Antonio de Vega x Kristine Emerald Fortman She'...
34.9K 1K 26
Just an ordinary story of an ordinary girl, and her life as a college student but what if that's not all this story is about? What if she's hiding a...
339K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.