Tortured Genius

By jmaginary

16.1K 1K 765

Eindreid, a misfit who secured a spot at the prestigious University of Tallis, finds her perception of nerds... More

Warning
Trailer
Outlier
Is it alright to have sex with animals?
Real-Self Image VS Social Image
Miracle
In Denial
Rejection
Self-Love
Chapter 8: Bewildered
Chapter 9: Jack Of All Trades
Chapter 10: Secrets
Chapter 11: Self-Discovery
Chapter 12: Say "No"
Special Chapter: A Miracle of Miracle
Chapter 13: DSPC
Chapter 14: Self-harm
Chapter 15: Words Unsaid
Chapter 16: News Writing
Chapter 17: What is Home?
Chapter 18: Touched by Wonder
Chapter 19: Anxious Heart
Chapter 20: The Promise
Chapter 21: History Repeats Itself
Epilogue
Frequently Asked Questions (FAQ)
Chord's Memoire

Chapter 7: Will to live

488 42 43
By jmaginary

EINDREID

Ilang linggo narin ang nakalipas mula nung mag-usap kami nang masinsinan ni Chord sa Rooftop, at ilang linggo niya narin siyang nagfe-feeling close sa akin. Wala namang akong reklamo roon dahil gusto ko rin naman ang presensya niya, at pakiramdam ko rin, mas naging close din ako kay Janina dahil dito kay Chord. 

Ang daldal kasi.

"Jane, musta na kayo ni Gail? Nagkabalikan na ba ulit?" pang-aasar ni Chord habang kumakain ng lunch. Sinamaan naman siya ng tingin nung isa. 

"Manahimik ka nga!" sita ni Janina habang tumatawa-tawa pa at umiiling-iling. Hinawakan naman ni Chord ang kamay niya na nakapatong lang sa desk. 

"Kapag on na kayo ulit, sabihin mo sa akin kung kailangan kayo magbe-break ha. Binibilang ko kasi kung ilang beses ngayong buwan," nakangising sambit ni Chord at itinaas ang kaliwa niyang kamay. "Isa, dalawa, tatlo, apat, lima--"

"Chord naman! Kumain ka nalang nga!" asik ni Janina. Napatawa nalang din ako sa mga nangyayari. May punto nga kasi naman si Chord. Gail and Janina are a couple that is comparable to a switch. On-off, on-off. Parang nagiging laro na nga lang 'yong relasyon nila.

"Pero seryoso, para kayong mga tanga," Chord bluntly said, dahilan para mabulunan si Janina. Inabutan ko naman agad siya ng tubig. Dali-dali niya 'yong kinuha at ininom. That's Chord for you! Napaka-prangka talaga kahit kailan.  Humahalakhak naman si Chord.

"Oh shit! Priceless mukha mo," panunukso pa ni Chord kaya nahampas na siya sa braso ni Janina. Napangiwi nalang ako nang tumunog nang malakas 'yon. Napahimas naman si Chord sa braso niya at nag-peace sign nang akmang hahampasin na naman siya ni Janina.

"Teka, teka lang. Time out na! Kakain na nga ako!" bulalasni Chord. Inirapan naman siya ni Janina habang may mapaglarong mga ngiti sa labi. Napailing-iling nalang ako. 

"Para kayong aso't-pusa. Mamaya magkatuluyan kayo niyan," panga-asar ko. Oo, tanggap ko na ang LGBT ngayon. I can talk about them freely unlike before. Pero syempre, ayoko pa rin ng mga extreme PDA na nagpapakita ng strong affection nila to each other. Tuloy nalang nila 'yon sa kwarto nila. 

"Ito? Si Janina? Hmmm..." Hinimas-himas naman ni Chord 'yong invisible balbas niya at tinitigan si Janina. Napatakip naman agad ng dibdib si Janina nang bumaba ang tingin nitong manyak na 'to.

"A-anong tinitignan mo?" tanong ni Janina. Magkasalubong ang kilay ni Chord na tinignan ang mukha niyang namumula na.

"Ano pa nga ba? Edi 'yung ribbon!" pagdadahilan ni Chord habang nakataas ang sulok ng labi. Hahampasin pa dapat siya ni Janina nang biglang tumunog ang cellphone nito. Walang sabi naman itong sinagot ni Janina at tumayo. Naglakad siya papalayo habang may katawagan. 

Siguro si Gail na naman.

"Reid!" tawag ni Chord sa atensyon ko kaya napatingin ako sa kaniya. Nakangiti siya nang alanganin habang hawak ang kutsara niya. Tinuro niya ang baunan niya."Wala na akong kanin. Pahingi?" 

Inusod ko nang kaunti 'yong baunan ko na ang dami na namang kanin dahil si Mama ang naglagay. Mabilis na kumuha roon si Chord at inilagay sa kaniya. 

"Buti nalang talaga hindi ka malakas kumain tapos ang dami mong pagkain. Jackpot na jackpot ako, e!" komento pa ni Chord at biglang sumubo ng malaki. 

Pinaningkitan ko naman siya ng mata."So, gagawin mo kong source ng food mo, gano'n?" 

Kumunot naman ang noo niya at umiling-iling. Lumunok muna siya bago sumagot. "Hindi naman. Panghihingan lang ng pagkain." s

Napairap ako. Sinadya niya pa atang pabalang ang sagot. Parehas lang naman 'yong meaning nung sinabi ko saka sinabi niya! Tinagalog niya lang!

Maya-maya lang ay bumalik na si Janina at hindi maipinta ang mukha nito. Parang may nalaman siyang kung ano na hindi niya nagustuhan. Umupo siya sa desk niya at humarap sa amin.

Napalunok siya. "G-guys...". 

"Why?" I asked. Para na siyang maiiyak na ewan.

"May quiz daw tayo sa Philosophy! Nagpa-surprise quiz siya sa kabila!" bulalas niya. 

"Ah 'yon lang ba?" saad ko. Hindi ko gawaing mag-aral o mag-review, de bale nalang kapag sinisipag ako o sadyang kailangan na talaga. Tinignan ko naman si Chord nang hindi manlang siya kumibo. Naabutan ko siyang kumakain at parang sila lang ng pagkain niya ang nilalang sa mundo. Hindi na tinitigilan.

"Oy beks, may quiz daw tayo," saad ko. Inangat naman niya ang paningin niya at nakakunot ang noo nito. 

"Oh, anong gagawin ko?" pagtataray nito at sumubo ulit.

"Hindi ka manlang ba magre-review?" tanong naman ni Janina. Napatango ako. Pansin ko rin kasi na hindi talaga nag-aaral itong si Chord o nagre-review manlang tuwing may mga quiz o recitation. Kahit nga mag-notes hindi niya ginagawa. At least, ako, kahit hindi ako mag-review, nare-recall ko naman 'yong mga dinis-cuss kasi nga sinulat ko 'yon.

Retention is the best policy.

"Alam niyo," pagsisimula ni Chord at ibinaba ang kutsara niya. Humigop muna siya ng tubig at tsaka ulit tumingin sa amin.

"Critical thinking naman 'yong iqui-quiz natin kay Sir. Aaminin ko, litong-lito pa ako sa True, False, Doubtful na 'yan at saka sa categorical syllogism, pero hindi naman kailangan 'yun i-review kung saulado mo na 'yong mga rules." dagdag niya at niligpit ang baunan niya. 

"Pero hindi ba't mas mabuti kung feeling mo handa ka para atleast, hindi ka masyadong mangangamba?" tanong ko. 

"Ganito lang 'yan," saad niya nang matapos siyang maligpit. Itinaas niya ang dalawa niyang paa at nag-indian sit sa upuan niya. So unladylike. "Sa buhay ba, alam mo kung anong mga problema ang darating sa'yo?" 

"Malamang hindi--"

"Ayun nga. Hindi natin alam kung ano 'yong mga problema na pwede nating makaharap. Kunwari, 'yong ginagawa ng school na mga earthquake drill, isa 'yong paghahanda para sa The Big One, tama? Pero paano tayo makakasiguro na masusunod lahat ng 'yon pagnariyan na ang delubyo?" pagpapaliwanag niya nang hindi manlang ako pinapatapos magsalita. Tinaasan ko siya ng kilay at pumalumbaba sa direksyon niya.

"So, anong pinapalabas mo? Na wala lang 'yung mga preparations na nilalaan sa atin? Haven't you heard of the saying, failing to prepare is preparing to fail?" pagbara ko. I'm not getting her point at all. At bakit ba kasi napunta sa ganitong usapan ulit?

Huminga nang malalim si Chord at umiling-iling. "Hindi 'yon ang ibigsabihin ko, Reid. Ang sinasabi ko kasi, it's not the preparations we should rely on. Oo, nakakatulong 'yon para maging at ease tayo at makumbinsi ang mga sarili natin na ready tayo. But the thing is, it's our actions during the dilemma that counts. Kasi kung tutuusin, nasa paraan mo pa rin 'yon ng pag-handle sa isang sitwasyon. Kahit pa nag-review ka ng sandamakmak na libro tungkol sa Philosophy, kung hindi mo kayang maisabuhay 'yon, hindi ka makaka-survive sa test lalo na't puro applications 'yon." 

Tumango nalang ako. I get it. Wala nang sense sa pakikipagtalo sa kaniya dahil alam niya kung ano ang sinasabi niya. That's Chord, nothing more, nothing less.

"Um guys, tapos na kayo? Parating na kasi si Sir Vincent?" singit naman ni Janina na kanina pa palang nanonood sa sumbatan namin ni Chord. 

Ngumiti lang ako ng tipid at sinulyapan si Chord. "Oo, tapos na kami." 

Maya-maya lang ay pumasok na nga si Sir Vincent. Huminga ako nang malalim. Pakiramdam ko na-warm up na agad utak ko sa pinagtalunan namin ni Chord kani-kanina lang. Sisiw nalang siguro 'yong test.

****

"Sandali lang, Reid. Puntahan ko lang si Janina," pagpapaalam ni Chord. Tumango naman ako bilang pagtugon kaya tumakbo na siya papalayo. Nagkakasabay na ulit kasi kami sa uwian dahil wala na 'yong sayaw namin para sa P.E. Hindi na raw kasi tuloy dahil nung mismong araw ng performance namin, wala 'yong teacher. Busy sa mga atleta ng school. Coach kasi siya ng Volleyball.

Napakunot ako ng noo nang makita ko si Chord at Janina hindi kalayuan. Normal lang naman sa akin na magkasama sila oras-oras pero ang hindi ko maintindihan ay 'yong mga mukha at galaw nila na parang nagtatalo. 

First time ko silang makita na magkagalitan.

Kahit sinabi ni Chord na mag-antay ako rito, mas pinili ko pa ring maglakad papunta sa kanila. They are arguing, and maybe I can do something to help them. I'm the peacemaker, Eindreid Maine Santillan. 

Habang papalapit ay naririnig ko na 'yong sigawan nilang dalawa. Sabi na nga ba at nag-aaway 'tong mga 'to.

"I told you to stop doing that!"

"Pero Chord, this calms me down. Pakiramdam ko, tuwing ginagawa ko 'to, gumagaan ang pakiramdam ko."

"Damn, Jane! May ibang paraan! You can release your frustrations using different ways, huwag..." Chord inhaled sharply. "Huwag lang 'to!"

Nang makalapit na ako ay saka ako sumilip nang bahagya para mas makita pa sila. May pader pa kasi na nakaharang. 

Pero pakiramdam ko, isang pagkakamali ang pagsilip ko sa kanila.

"Hindi mo maintindihan, Chord. Sa tingin mo kaya kong pigilan ang sarili ko na magself-harm kung sa araw-araw na dumadaan, wala akong ginagawa kundi kamuhian ang sarili ko!" 

Halos manigas ako sa kinatatayuan ko nang marinig ang binaggit ni Janina habang masagana ang mga luhang pumapatak sa mga mata niya. Bumaba ang tingin ko at nanlaki ang mga mata ko sa nakita. 

May mga hati ang pulso ni Janinam

Hindi 'yon dumudugo, pero halata pa rin ang lalim ng pagkakasugat no'n. Napatakip ako sa bibig ko nang maramdaman ko ang panginginig ng katawan ko. 

"Kung sa tingin mo ebidensya 'to ng kagaguhan mo sa sarili mo, bakit mo pa kailangang itago gamit ang concealer? Ipagmalaki mo, Jane! Tangina!" sigaw ni Chord. Mabigat ang paghinga niya. 

Napaatras ako at hindi sinasadyang maapakan 'yong lata ng Coca Cola na nasa paanan ko. Their eyes widened as they moved their glance towards me. Kusang gumalaw ang mga paa ko at pumihit patalikod. Tumakbo ako papalayo nang walang pasabi at narinig ko agad ang pagtawag sa akin ni Chord. 

Pero hindi ko siya nilingon.

I feel so betrayed. Alam ni Chord kung ano ang tingin ko sa mga taong suicidal dahil pinatay ng bestfriend ko ang sarili niya. Gusto kong makatulong. Gusto kong magbigay ng atensyon, oras, at mga tenga sa mga taong akala wala nang makikinig sa kanila. Sa mga taong nawawalan na ng pag-asa.

Tumawa ako nang mahina at saka tumigil sa pagtakbo. Hinabol ko agad ang aking hininga kahit kokonti palang ang tinakbo ko pero sapat na para hindi ako mahabol pa ni Chord.

"Gusto kong makatulong?" bulong ko sa sarili ko at napahawak sa pader. Naninikip na ang dibdib ko pero hindi ko 'yon pinansin at huminga nang malalim. 

Talaga bang gusto kong makatulong sa mga taong baka magaya rin sa nangyari kay Mina? O sarili ko lang ang tinutulungan ko dahil hanggang ngayon sinisisi ko parin ang sarili ko sa mga nangyayari? Dahil hanggang ngayon, natatakot pa rin ako na maiwan. Natatakot akong maulit 'yong nangyari sa bestfriend ko. 

Pumara agad ako ng Jeep at sumakay. Nanlalambot na ang mga tuhod ko at hapong-hapo na talaga ako. Huminga ako nang malalim at pinakalma muna ang sarili ko. 

Bawal 'to sa'yo, Reid. Bawal. You need to keep your emotions at check.

Napakapa ako sa palda ko nang makaramdam ako ng vibration sa may bulsa. Kinuha ko naman ang cellphone ko at tinignan kung anong meron. Nakita ko agad ang message sa akin ni Chord through messenger. Nakabukas pala data ko kanina pa. Buti nalang hindi low-batt.

Binuksan ko 'yung message niya.

Chord:

I'm sorry. 

Sumagot naman ako kaagad.

Me:

For what?

Chord: 

Ah ah naman, Reid. You know what I'm talking about...

Me:

It's fine. Nabigla lang talaga ako kanina. Hahaha!

Inisip ko muna kung magtatanong pa ako tungkol kay Janina pero hayaan na.

Me: 

Kailan pa siya nagse-self harm?

Chord:

Highschool palang siya. I noticed her gash ever since first day but I did not comment anything about it since hindi pa kami close no'n. Pero iba na kasi ngayon. She's now my friend, and you are my friend too. I am fully aware of what happened to Mina and I feel sorry for that kaya tinago ko muna sa'yo hangga't hindi ko parin napapatigil si Jane na gawin 'yon. Kaso ang tigas ng ulo e. 

Napabuntong hininga ako sa nabasa ko. Ever since high school? I don't know what to feel. I don't even know if it's alright to feel pity or sad about it. Hindi ko rin alam kung matutuwa ba ako at least, self-harm lang, at hindi nauuwi sa suicide. 

But still, nakakatakot pa rin. Si Mina nga na hindi kailanman nagself-harm, nauwi siya sa suicide, ito pa kayang si Janina na sanay na saktan ang sarili niya?

Napabuga ako ng hangin. Natatakot talaga ako. 

Chord:

Nahihiya si Jane sa 'yo. Andito siya sa tabi ko ngayon, umiiyak ulit. 

Nakonsensya naman ako bigla nang mabasa ko 'yung sunod niyang si-nend kaya mabilis akong nag-reply.

Me: 

Tell Jane na it's fine. But don't expect me to tolerate her actions. Kakausapin ko siya bukas.

Chord:

Wow, scary. HAHAHA. 

Sinabi ko na sa kaniya. Ayon natigil. Ide-date ko muna 'to ngayon para hindi na mamroblema. Ssaka nasa ibang bansa na naman 'yong girlfriend niya kaya walang makakaistorbo sa amin.  Mauna ka nang umuwi.


Me: 

Sige sige.

Hindi nagtagal ay nakauwi narin ako sa bahay. Nginitian ko lang si Mama at 'yong kapatid ko tapos pumunta na agad ako sa kwarto ko. Agad ko 'yong sinara at napasandal ako sa may pinto. Napahawak ako nang mahigpit sa dibdib ko nang naninikip na naman ito. 

"Akala ko okay na," sambit ko at tinignan ang mga kamay kong nanginginig. Napapikit ako nang mariin at huminga nang malalim. Nanlambot ang mga tuhod ko at napaupo ako sa sahig. 

Ang sakit!

"Anak, ayos ka lang ba diyan? Anong nangyayari?" Nabigla ako nang marinig ko ang boses ng nanay ko sa labas ng pinto. Humawak ako sa doorknob at ginawa itong alalay sa pagtayo. Huminga ulit ako nang malalim at iginuhit ang isang ngiti sa mga labi ko saka ko binuksan ang pinto. 

"W-wala naman, Ma." 

Bakit ako nautal?!

Tinignan naman ako ni Mama na magkasalubong ang kilay. "Gano'n ba? O sige. Magpahinga ka muna." 

Sinara ko naman agad ang pinto at hinugot ang tubig na nasa bag ko. Agad ko 'yong ininom at medyo gumaan ang pakiramdam ko. Tumingin ako kay Miracle at sinubsob ang sarili ko sa kaniya.

"Waaah! Na-miss kita boyfie!" bulalas ko. Niyakap ko siya nang mahigpit at pinisil-pisil. "Ang lambot-lambot mo talaga." 

Humiga naman ako sa kama at itinabi sa akin si Miracle. As usual, nakayakap lang ako sa kaniya habang nakasubsob lang 'yong mukha ko sa malambot niyang katawan.

"Miracle, hindi ko na alam ang gagawin ko..." bulong ko sa kaniya.

"Kung si Mina, hindi ko naligtas dati. Anong pinagkaiba ngayon? Can I help Janina find her will to live?" dagdag ko. Nanatiling nakayakap lang ako kay Miracle dahil hindi naman niya ako kailanman sinagot. Napabuntong hininga nalang ako.

Kinakapa ko ang bulsa ko nang maramdaman ko na naman ang vibration no'n. Message na naman mula kay Chord. Binuksan ko na 'yon.

Chord:

I hope you're not sulking in your room at the moment.

Is she spying on me? I feel so attacked. 

Tinuloy ko lang ang pagbabasa.

Chord:

Don't worry about Jane.  We're lucky that we noticed the way she's dealing with life and we should try to change it. For her sake.

Napangiti nalang ako sa nabasa ko. 

######

HELLO! Remember the song that Chord sang in the last chapter? Nasa itaas 'yung video. Nakapag-record na ako haha altho ukulele gamit ko diyan kasi may serious damage 'yung vid ko sa gitara---noise. Pakinggan niyo nalang. Dismiss my face, lol.

Anyways, how's the update? Nag-post narin ako ng warning sa first part ng Tri-Bi Genius para alteast maging aware kayo sa mga magiging content pa nito.

"If you see someone struggling, don't just watch them..struggle."

Thank you for reading!~

May twitter ka? Ito akin: chrstnmrvc

May Fb ka? Ito akin: Chris Rolfe 

Links are in my profile. Lol. 

- Chris Rolfe (AnimeAddict04)


Continue Reading

You'll Also Like

24.7M 558K 156
This is not a love story. This is a story about LOVE.
628K 39.4K 59
Eight different students with eight different stories. No one told them that entering Royalonda High will be one of the biggest events of their lives...
4.4K 140 5
Group of friends decided to have an outing in an island. Pero hindi nila alam na ito rin ang magdadala sa kanila sa kapahamakan. Will they avoid it...
1.2M 14.8K 90
This story is under editing process. I wrote this when I was 14 or 15 years old so forgive my "kajejehang" type of writing and plot. Thank you. READ...