Red Moon (Published Book unde...

By Azulan10

153K 2.4K 456

RED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2)... More

Darkness no.01: The Bloody Case
Darkness no.02: No Cuts, No Glory
Darkness no.03: Hospital Panic
Darkness no.04: Princess and I
Darkness no.05: Second Fear
Darkness no.06: Bite and Blood
Darkness no.07: My own New World
Darkness no.08: The New Beginning
Darkness no.09: The Night Job
Darkness no.10: Beyond the Red Light
Darkness no.11: Longing for Blood
Darkness no.12: Blood Crisis
Darkness no.14: The True Liar
Darkness no.15: Man in the Shadow
Darkness no.16: Night on the Bus Stop
Darkness no.17: The Perfect Two
Darkness no.18: A Man with many Secrets
Darkness no.19: Midnight Secret
Darkness no.20: Little House
Darkness no.21: The Lonely Heart
Darkness no.22: The Ex - Vampire
Darkness no.23: The Black Parade
Darkness no.24: The Missing Link
Darkness no.25: Emilio Guilatorre
Darkness no.26: The Code
Darkness no.27: The Flute Master
Darkness no.28: Musicians Final Wish
Darkness no.29: Tears of the Vampire
Darkness no.30: My Decision
Darkness no.31: Dr. Vargas
Darkness no.32: Mice and Kitten
Darkness no.33: The Plan

Darkness no.13: Verity and Envy

3.6K 66 2
By Azulan10

Hindi ako makakilos sa kinauupuan ko. Hindi ko rin alam kung ano ang susunod kong magiging kilos sa pangyayayring yun. Napapikit ako ng sobrang diin habang alam kong hinihintay ni Katrina ang sagot sa kanyang katanungan.

"Saver ano ngang ganagawa mo diyan?" Pag uulit niya.

Rinig ko mula sa bukas na pintuan ang himig ng mga kuliglig sa umagang yon. Parang pati ang mga ingay nila ay nagtatanong sa akin kung bakit nga ba ako nasa lapag ng aking kwarto at tila may ginagawa.

Handa na si Katrina na lumapit sa akin. Malakas kasi ang pakiramdam ko. Rinig ko kaagaad ang unang hakbang niya sa lupa. Kaya inunahan ko na siya.

"Wag!" Sa normal kong boses.

"Huh anong wag?" Sa pagtataka niya.

"Wag kang lumapit dito at patayin mo ang ilaw." Utos ko.

"Huh ano bang nangyayari sayo Saver?" Sa lalong pagtataka niya. 

"Basta wag kang lumapit. Diyan ka lang." Sabi ko ulit.

Pero nagmatigas si Katrina. Hindi niya ako sinunod. 

"Hindi! Hindi ko papatayin ang ilaw hanggat hindi ka humaharap sa akin." Sa mataas nitong wika.

-------√v^√v^√v^ Darkness no.13: Verity and Envy √v^√v^√v^-------

Mahigpit parin ang pagkakahawak ko sa katawan ng kawawang pusa. Ayokong humarap kay Katrina at makita niya ang pinaggagawa ko. At ano ipagtapat ko sa kanya ora mismo na. " katrina bampira ako!" Ganun ba? Ganun ba?

"O sige patayin mo muna nag ilaw. At isarado ang pinto." Sa malumanay ko na boses.

Sinunod naman ito kaagad ni Katrina. At nanahimik lang sa kinatatayuan niya. Mula sa kadiliman ng aking kwarto ay dahan dahan akong tumayo. Sa aking kamay ay hindi ko binitawan ang katawan ng pinaslang kong pusa. Marahan akong naglakad papunta sa kinatatayuan niya habang naglalakad ako ay halo halong eksena ang pumapasok sa aking isipan. 

Ano kaya pag nakita niya akong ganto eh sumigaw siya? O kaya eh bigla niya akong hampasin sa ulo. O kaya eh hindi niya ako matanggap sa kalagayan kong ito. Pero kahit na anong mangyari eh kailngan kong tanggapin ang katotohanan.

Kaya parang biglaan man ang pangyayaring ito eh kailangan ko ng maging handa.

Tumapat ako sa pigura ni Katrina na naaninag ko sa makapal na kadiliman sa aking kwarto. Mula naman sa switch ng ilaw na isang dipa lang ang layo mula sa kinatatayuan niya ay binuksan ko ito.

Agad na tumambad kay Katrina ang puro dugo kong labi at sa harapan ng aking damit. Malamlam ang aking mata at nakatahimik lang. Tila naghihintay. Nanghihintay na kung anong sasabihin at magiging reaksiyon niya.

"Ano? Eto ba ang gusto mong makita?" Tanong ko kaagad sa kanya.

Hindi siya makapag salita. Halos hindi ko makitang kumurap ang kanyang mga mata. Tinitignan lamang ako ni Katrina ngunit kahit tili at pag hingi ng tulong ay wala akong narinig buhat sa kanyang bibig.

Dahan dahang itong lumapit sa akin. Marahan niyang inangat ang kanyang kamay at hinawakan ang aking labi. Tila pinunasan niya ito. Tapos nun ay nilapit niya ang kanyang kamay sa kanyang ilong at itoy kanyang inamoy.

Bigla niya akong niyakap. Mainit ang katawan ni Katrina. Kakaibang init na matagal ko ng hindi naramdaman. Niyapos niya ako ng maigi. Tila pinapadama niya na tanggap niya ako at hindi niya ako iiwan.

Agad kong tinanggal ang pa kakayapos niya sa malamig kong katawan at agad ko siyang tinanong. 

"Hindi ka natatakot sa akin?'' 

"Hindi!" Agad naman niyang sagot.

X~X~X

Nakatingin lang si Katrina sa akin. Habang ko naman ay nagpupunas ng aking bibig. Pinupunasan ko ang mga dugo na namuo dito kanina. 

"Bakit?" Tanging sabi ko. Nang bigla akong napatigil.

"Hindi lang ako makapaniwala." Sagot naman ni Katrina na nakatingin parin sa akin.

"Huh?" Pagtataka ko.

Umayos ito ng upo. Ngunit muling binaling niya ang tingin sa akin. Na kaka conscious.

"Ahmmm I mean eh hindi lang ako makapaniwala na may kaharap akong bampira ngayon." Sa pagpuputol niya. "Kaya pala nung una eh sabi mo eh ayaw mo sa liwanag. Saka hindi ka namatay sa pagkabundol mo!" Pag papatuloy nito.

"Ahhhh ganun na nga?" Sa maikli kong sabi. " Pero bakit hindi ka manlang natakot sa akin?" Tanong ko ulit sa kanya.

"Ahhh yun ba? Alam mo nung una pa lang eh kung masama ka eh matagal mo na kong kinagat sa leeg at pinatay. Pero hindi mo ginawa. So for the conclution eh Mabait ka." Pagsasalaysay niya.

 Napatingin si katrina sa pusa na sa mga tagpong iyon ay nilagay ko na sa isang puting plastic.

"Kawawang pusa. Tsk tsk!" Wika nito habang nakatingin siya rito. Pagkatapos ay tumingin naman ito sa akin. Tingin na parang may sinasabi ito buhat sa kanyang mga mata. "Hayaan mo Saver. Tutulunagan kita." Wika niya bigla sabay ngiti nito.

"Katrina..." Sa mahina kong boses.

"Yes ano yun?" biglaan naman niyang sagot.

"Maraming salamat." Wika ko. Pero nakatungo.

"Walang anuman basta wag mokong kakagatin ahhh?" Pagbibiro nito.

Muli akong tumingin kay Katrina at sa puntong yon ay sabay kaming tumawa.

X~X~X

Pumasok na ako sa aking shift pag dating ng hapon. Masasabak nanaman ako nito sa mahabang labanan ng lakas. Pero at this point eh parang minamane ko nalang ang lahat. Mabilis ko kasing natutunan ang mga technique kung pano ang mabilis na kilos at kung sino ang dapat unahin sa pag seserve. Syempre with the help of katrina. 

Speaking of katrina eh. Binilihan niya ako ng dugo ng baboy. Halos dalawang kilo ang binilli niya nako naman oo! Tiba tiba ako nito. Halos two weeks ko na rin tong imback sa aking mini ref.

Kakaiba talaga itong si katrina. Biruin nyo hindi natakot sa akin. Eh nung time na magpakita ako sa kanya eh puro dugo ang bibig ko at hawak hawak ko pa buhat sa aking kamay ang patay na pusang yun. Siguro kung ibang tao yun eh nagtitili nayon at ngayon eh hinahunting na ako ng mga taong bayan... Napaka swete ko talaga dito.

Kasalukuyan akong nagpupunas ng counter nun ng bigla akong nilapitan ni Mr. Monde. 

"Ahhmm Saver. Ang sipag natin ahhh." Puri nito sa akin.

"Hooo? Eh palagi ko naman ho itong ginagawa ahh. Saka ito ho ang trabaho ko." Sa aking pagtataka.

"Alam ko. Pero iba ka." Wika niya sabay dantay ng kamay niya sa balikat ko.

Gginitian ko lang si Mr. Monde nang mga tagpong yun. Mukang nasa good mood lang iyan kaya niya nasabi yun. Tapos nun eh agad din siyang umalis.

"Hoii Saver anong sinabi sayo ni Mr. Monde?" Chismis ni Eman sa akin.

"Kaw talaga wala lang yun!" Sagot ko naman.

"Sigurado ka? Eh alam mo ba Saver eh narinig ko na gusto kang gawing cook sa loob eh tataas na ang ranggo mo." Chismis nito.

"Huh? Sino nagsabi?" Sa pagkabigla ko.

"Narinig ko mismo kay Mr. Monde kausap niya si Chef Bernard kahapon." Sa pagpapatuloy niya.

HIndi pa kami tapos mag usap ni Eman ng biglang umentrada si Troy. " Ang daming lilinisan eh nag chichismisan lang kayo!" Sa pagalit na boses. Bigla kaming naghiwalay ni Eman at mula sa aming gitna ay dumaan siya. Kinuha niya ang basahang nasa likod niya at agad na nagpunas ng lamesa.

"Anong problema nun?" Tanong ko kay Eman.

"Aba malay ko. Baka naiinggit sayo." Sa mahina nitong boses. Sabay ngisi.

Ang chismis nitong si Eman sa akin eh. Si Troy daw ang pinaka una rito na naging serbidoro. Pero kahit kaylan eh hindi manlang daw tumaas ang ranggo niya. Ewan ko siguro eh sa ugali niya. 

Dumating na ang peak hour pag dating ng alas dose. Ang dami nanamang customer. Hindi nanaman kami magkanda ugaga na mag serve ng maramihan. Halos lahat nanaman ng cells ko sa katawan ay nagamit ko nanaman. At sa palagay ko eh nabawasan nanaman ako ng timbang dahil sa dami ng pawis na lumabas sa aking katawan. Kahit kasi nasa number three na nag bintilador eh walang kwenta. Parang ihip lang na galing sa bibig ang lumalabas rito. Napupuno nanaman kasi ng carbon dioxide ang buong carinderia.

Sa table number one naman ay isang pamilya ang nag advance ng christmas day yata dahil sa dami ng inorder. Halos kalahati na yata ng nasa menu namin ay inorder nila. Halata naman dahil ang tataba nila. No offence pero yun yung nakikita ko.

Halos enjoy na enjoy sila sa pagkain. Yung isang batang naka pony tail ang talagang favorite ko sa lahat. Dahil hindi pa niya tapos yung kinakain niya eh kumukuha kaagad siya ng bago. Parang akala mo eh palaging mauubusan.

"Minzi! Hinay hinay ka lang." Sabi ng mommy nito.

"Yes mom." agad namang sabi ng matabang bata habang punong puno pa ng pansit ang bibig.

Sa may kabilang table naman ay may isang matandang nakatingin lang sa akin. Halata sa mga tingin niya na parang may gusto siya sa aking sabihin. Hindi naman madungis ang matandang yun at sa palagay ko eh malakas pa ito. Nakakatitig pa ako rito ng bigla akong tapikin ni Eman sa may braso.

"Oyyyy!" Gulat nito.

"Oii anak ng tokwa!!!" Bulalas ko.

"Ano ba kasing tinitignan mo diyan at napapatulala ka?'' Tanong niya sa kain.

"Yunn ohh yung matanda." Wika ko sabay turo sa pwesto ng matanda.

Ngunit pagka tingin namin sa pwesto nito ay bigla itong nawala. Para lang siyang hangin na dumaan sa paningin ko.

"Saan na?" Tanong ni Eman habang todo ang pag tinign sa pwesto.

"Dun lang yun kanina eh." Sa pagtataka kong sabi.

"Nako pare haggard kana. Lika na at marami pa tayong liligpitin." Yaya ni Eman sa akin.

"O sige." Tanging sabi ko.

Halos ang dami naming niligpit ng gabing yun. Isama mo pa ang patong patong na plato na galing sa pamilyang uhaw sa pagkain kanina.

Habang ako ay nagliligpit ay nakita ko si Troy na galing sa may counter. Nagmamadali itong nag punta sa pwesto ko at bigla akong tinulungang magligpit. Tinitignan ko ang muka niya. Halata mula rito ang sobrang. Nerbiyos.

"Troy ayos ka lang?" Tanong ko.

"Anong klaseng sagot yan?" Wika nito na halatang nainis.

"Wala. Pasensya na." Sagot ko naman.

Tahimik lang naming niligpit ang lahat ng kalat sa carinderia ng gabing yun. Halos kawawa ang aming dish washer dahil sa dami niyang liligpitin. Pero kahit na eh tiba tiba naman ang aming carinderia ngayong gabi. CHEERS!!!!

Nagligpit na ako ng aking gamit at nagpalit na ng damit. Para magpunta na ng apartment ng biglang dumating si Mr. Monde.

Halata sa muka nito ang pag kainis. "Walang lalabas!'' Agad nitong sabi.

Hindi kaagad kami nagsalita. Hindi kasi namin alam or ideya kung bakit ganun ang punto niya.

"Bakit po boss?" Tanong ni Eman.

Huminga ng malalim si Mr.Monde at walang kagatol gatol na sinabi na.

"Sino ang kumupit sa kaha kanina?" Sa normal nitong boses.

Lahat kami ay nagulat. Panandalian akong nag isip kung sino ang makakagawa nun. Hanggang biglang bumalik sa akin ang nakita kong eksena kanina.

Wala sa aming nagsasalita. Kung kaya ko lang sabihin na si Troy ang kumuha ay ginawa kona. Pero mukang may magbabaliktad pa yata ang lahat. 

"Kilala ko kung sino ang kumuha diyan kanina." Walang anu anoy biglang wika ni troy sa normal nitong boses.

"Sino???" Tanong naman ni Mr. Monde.

"Si Patrick!''  Wika ni Troy sabay tingin nito sa akin.

Continue Reading

You'll Also Like

626K 14K 45
"Naglalakad ako patungo sa aming classroom nang matanaw ko sa kabilang dulo ng hallway ang isang grupo ng mga kalalakihan. Parang lindol ang tindi ng...
1.1M 22.2K 32
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
35.6K 1.7K 25
Highest Rank Achieved #22 in Teen Fiction Category. This story explores the journey of Celestine, the city girl in the province, where he meets Drav...
317K 13.9K 53
Ano na lang ang gagawin mo kapag ikaw at ang best friend mo ay parehas na may gusto sa iisang lalaki? Aaminin mo ba sa kanya at iri-risk mo yung frie...