Eyziel/ Blood's POV
Nakita ko sya na nalilitong nakatingin sa akin habang ako ay hindi makatingin sa kanya...
Paano pag sinabi kong ...
Sinadya namin ang mga nangyari?
Pag sinabi kong hindi talaga kami dumating ng maaga dahil iyon ang utos sa akin...
Nakakainis nagagalit ako sa sarili ko dapat ako yung nasa tabi nya ako yung bestfriend nya
"Patay na si Tyron---"
"Ang sabi ko anong nangyari?" Nangagatal ang buong sistema ko at lumunok ako kahit wala naman akong kinakain parang tumatambol sa bilis ang puso ko kinakabahan ako sa mga isasagot ko sa kanya...
Lalo na at nakatingin sya sa akin ng matalim habang hinahanap ang sagot mula sa akin
"Tell me Eyz what exactly happen?"
****************
"Why do we just find Brielle?! Mommy!!"
"May tiwala ako sa kanya Eyz hindi naman sya magiging anak ni Jiselle sa wala lang"
"Hahahahaha gaya ng inaasahan" napatingin ako sa dalawang lalakeng dumating nasa likod nito sila Rensy at iba pa...
"George napaka g*go mo pa rin" naiiling na sabi ni mommy ano ba ito reunion?
"Alam ko gwapo pa rin nga ako" Tss para syang si Xyru-- teka bakit nasama ang unggoy na yon? Change topic tayo
"Bakit ba kayo nagkukwentuhan na parang wala lang?! Mamatay ang kaibigan ko dahil sa ginagawa nyo! Wala naman kayo sa reunion! Please tulungan nyo ang kaibigan ko" mahabang paliwanag ko at malalim na mga hininga
"Katulad mo talaga ang anak mo Lilien"
"Zach" sya yung tatay ni Brielle?
"Reunion na ba ito? Hahahaha wala nga lang si Tyron at Claire kung hindi ba naman mga ungas" napatingin ako sa lalaking may samurai sa likod nya
"Former members of Dark Blood Palace" napatingin din ako kay Jin Former what?
"We finish all Tyron's comrades all the Shadow palace" patay na silang lahat? Napatingin ako sa mga taong nakapalibot sa akin...
I feel something that flips my stomach pakiramdam ko ay sobrang tuwa ang naramdaman ko
At hindi ko inaasahan ito...
Why do i feel sudden happiness?
Hindi dapat ako matuwa sa ganitong sitwasyon
"Mr. Rivera... How much more?"
Lumapit si Kurt sa kanya at tiningnan ang relo nito
"30"
"Marami pang oras para mabuhay! Hahahahahah " tinapik ng lalaking may samurai ang tatay ni Brielle
"Pero kailangan na nating puntahan ang anak ko .. baka makalimutan ko ang plano natin at pasabugin ko ang utak ni Tyron at ipakain sa kanya" nakaramdam ako ng takot habang tinitingnan ang ama ng kaibigan ko
Pakiramdam ko ay mas nanaisin kong magpakamatay kung sya mismo ang papatay sa akin
Lakad takbo ang ginagawa ko pero sumasabay pa rin ako sa kanila nasa unahan namin sila mommy yung may samurai at yung tatay ni Brielle hindi ko alam pero para silang mga teenagers sa ginagawa nila...
Si mommy ay pinaglalaruan ang dalawang baril sa kamay nya habang ang buhok nya ay hinahangin
Yung may samurai ay hawak nya ang mga ito sa kamay nya at parang nagmomodel dahil sa paglalakad nito
Habang ang tatay ni Brielle ay naglalakad lamang habang nakapamulsa..
Para silang mga action star sa mga pelikula ngunit mas maganda pa ito d*mn ano ba ang iniisip ko?!
"Bihira lang itong mangyari nakakapanghinayang at walang camera" napalingon ako kay Jin bakit ang dami nyang alam?!
"Sino ka ba talaga Jin?"
"Ako? Jin Cadwell a mafia member at your service" nakuha pa nitong kumindat at auna sa akin...
Mafia member?
*********************
Napatakip ako ng bibig ng makita ko si Brielle fvck him!
Papatayin ko ang Tyron na yan
*Bang*
"Hindi ka na ata patas maglaro Tyron!"
"Tvngina mo Zac ikaw pa ang nagsabi sa akin ng ganyan! G*go ka tanging pagbuntis lang naman kay Jiselle ang ginawa mo kaya na sa iyo sya"
Napahawak ako sa dibdib ko at pinipilit pakalmahin ang sarili ko hindi ko alam ang gagawin ko..
Napahawak ako sa ulo ko at pakiramdam ko ay naghalo halo na ang nga naiisip ko...
Hindi ko pwedeng pabayaan ang kaibigan ko pero --
Napatingin ako sa taong naguusap sa harapan ko...
Dumura si Tyron sa harap ng tatay ni Brielle
Pero tumawa lang ito
"Tvngina Tyron baliw ka na....
Hindi ko inakalang naging kaibigan kita"
*******************
Nakita ko ang malalim na paghugot ng hininga ni Brielle pagkatapos ay tumingin sa akin...
Napangiti ako sa kanya ngunit nawala ito ng bigla ko syang nakitang umiiyak...
Umiiyak ang bestfriend ko...
Lumapit ako sa kanya at tinapik ko ang likod nya
"Tahan na... Tapos na Brielle..
Nandito na ako beshy" yumakap sya sa akin at sinubsob ang sarili nya sa balikat ko...
Ayoko ng ganito...
Unti unting bumagsak ang luhang kanina ko pa pinipigilan
Naramdaman ko ang pagdiin nya ng hawak sa damit ko
"Wala na beshy... Hindi--- hindi ko naprotektahan si mommy ... Si kuya namatay si Kuya sa harap ko.. namatay sila sa harap ko...
Wala na naman paano ko na makikita pa si mommy na tinatawag akong brick? Paano na si Kiya na tinatawag akong prinsesa
Iniwan nila ako iniwan na talaga nila ako"naoaghigpit din ang yakap ko sa kanya
"Hindi ka nila iniwan beshy nandito pa kami.. mahal na mahal ka namin...
Mahal na mahal kita beshy"
"Mommy ... Kuya... Yung Rukawa ko yung magandang mommy ko mahal na mahal ko sila eh.. beshy iniwan na nila ako si mommy mahal nya ako diba? Si kuya! Inaasar nya ako! Dapat hindi na sya nagsorry"
"Dapat hindi na sya nag sorry" hinagod ko lang likod nya
Hindi ko alam ang sasabihin ko...
Hindi ko alam kung may dapat pa ba akong sabihin sa kanya...
Ano pa ba?
Magiging okay lang ang lahat?
Magiging okay lang ang lahat kahit na alam kong hindi naman ganon ang mangyayari
"Si kuya... Eyz si Kuya.. bakit ba sya nagsosorry sa akin?" Napangiti ako kahit na may luhang tumakas sa mata ko...
"Alagaan mo ang kapatid ko Eyz"
"Alagaan napaka sweet mo naman Black"
"Planado na ang lahat eh...
Pakisabi na rin na mahal na mahal ko ang panget na yon"
"Mahal na mahal ka ng Kuya mo Beshy" kumalas naman sya ng yakap sa akin at ngumiti ng mapait
"Hindi ko alam beshy...
Hindi ko na alam"
***********************
To be continued
A//N- oppss!! Hep hep hooray! Guys ending is quiet near wahahahaha nahuhulaan nyo na ba ang nangyayari! Ako hindi pa wala pa akong naiisip wahahahha Hehehe sorry for many late updages lovelots guys muah!