IV OF SPADES Imagines

Por astridleys

17.6K 434 575

a collection of imagines made by yours truly para pakiligin kayo hehez // I DO TAKE REQUESTS, message niyo la... Más

intro
+ tahanan
+ para sa'yo
+ takipsilim
+ can't take my eyes off you
+ boy friend
+ fangirl
+ zild's birthday tragedy
+ apoy ng kandila

+ para sa'tin (SEQUEL)

1.4K 55 109
Por astridleys

 




 ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 


0 7

p a r a  s a ' t i n

b l a s t e r  s i l o n g a


▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬  





May mga tao tayo sa ating buhay na inihahalintulad natin sa mga ilaw sa daan. Sila 'yung mga taong tila gumagabay sa atin, sa bawat hakbang natin sa buhay at higit sa lahat ay laging andiyan sa ating tabi lalo na sa pinakamadidilim nating mga araw na parang wala na tayong pag-asa.

And once you found that someone, it's hard to let them go. It's even harder to live without them -- guiding your every way.

Mahirap na rin makahanap ng taong magsisilbi mong ilaw sa daan kapag nahanap mo na siya.

Sobrang hirap.

"Thank you for coming tonight! This had been IV OF SPADES, wishing you a good night!" maligayang sabi ni Zild sa microphone at naghiyawan ang mga tao kasabay ng sabay-sabay nilang pagkaway sa mga taong nanood ng kanilang set.

Kahit mukha lang silang maliit sa paningin mo dahil sa sobrang daming nagsisiksikang tao sa harap mo ay nakipalakpak ka pa rin. Nakita mo silang ngumiti -- pati siya -- at hindi mo maiwasang mapangiwi dahil sa hindi mawala-mawalang pighating namumuo sa pinakalalim-laliman ng puso mo at ng punyeta mong isipan na walang ginawa kundi saktan ka ng paulit-ulit.

Nagtataka ka nga sa sarili mo, e. Sabi nila hindi raw natatandaan ng katawan ang pisikal na sakit -- kung gaano ito kasakit -- pero parang tuwing makikita mo ang kanyang mukha o kahit isang simpleng banggit lang ng kanyang pangalan ay pakiramdam mong paulit-ulit ka nanamang sinasaksak ng sandamakmak na mga kutsilyo at paulit-ulit ring pinapaalala sa iyo ang isang malaking kamalian mong ginawa.

Isang malaking kamalian ang iwan ang taong nagmistulang ilaw mo sa daan.

At simula noon, masasabi mong tuwing nagigising ka para sa panibago nanamang araw, tila ba naninirahan ka nalang sa dilim.

Huminga ka ng malalim at itinulak papalayo ang mga bagay sa isipan mo. Natutuwa ka lang na nakita mo ulit ang Spades dahil matagal-tagal mo na rin silang hindi nakikita -- busy ka kasi sa law school.

From: Badjao
Andito kami sa backstage.

Nakipagsapalaran ka sa dami ng tao at pumunta sa backstage. Naglakad-lakad ka hangga't marating mo ang isang kwarto. Kinatok mo ito at bumungad sa iyo ang isang nakangiti na Unique.

"Hi bobo! Pasok ka!" maligaya niyang bati at pumasok ka sa kwarto. Dressing room ata nila or something.

"Maka-bobo 'to ah. Suntukan nalang, oh."

Nakita mo sina Zild at Badj sa harapan mo. Nakangiti rin sila, at halatang-halata na masayang nakita ka ulit.

"Ang tagal na rin nating hindi nagkita, ah," sabi ni Badj.

Napakamot ka sa batok mo. "Sorry na po tito, busy lang po sa school."

"It's fine, what matters most is the fact na nakita na namin ulit and you look...well," sabi naman ni Zild at lumakad papunta sa iyo.

"...you look well."

Nagpaulit-ulit iyan sa isipan mo. Hindi mo nga alam kung matino pa rin ba ang mental health mo o ano. Are you really well kung gabi-gabi mo pa rin siya iniiyakan even though it's been years na? Are you really well if you feel your heart crush into tiny little pieces every time you hear his name? Are you really well if you can't pass the day without thinking about him? Are you really well kahit alam mong mahal mo pa rin siya?

Despite all of it, ngumiti ka nalang.

"Kumusta ka na pala? Parang wala na kaming balita sa iyo, ah." sabi ni Unique at kumuha ng isang upuan.

Nagkwentuhan kayong apat na para bang tulad lang ng dati kung saan maayos pa ang lahat. Kinumusta mo sila, at kinumusta ka rin naman nila. Sa katunayan nga, talagang namimiss mo na ang makipag-bonding sa kanila. Noong kayo pa kasi ni Blaster, talagang todo pakilala siya sa iyo ng kanyang mga ka-banda kaya naman naging kaibigan mo na rin sila.

Pagkatapos kasi nung hiwalayan niyo ni Blaster at nalaman na ito nila Zild, sila 'yung unang mga taong nag-comfort sa'yo kahit na ayaw mo nang buksan ang social media mo noong mga panahong iyon dahil puro hate tweets lang ang natatanggap mo mula sa mga fans ni Blaster. Puro pambabash. Kaya laking pasasalamat mo sa kanila dahil tinulungan ka nila.

"Ano," panimula ni Unique. "Nagusap na ba kayong dalawa?"

Nanigas ang mukha mo. Nag-iba ang ekspresyon ng mga mata mong kanina lamang ay nakangiti. Kinuyom mo ang iyong kamao at umiling ka. Ayan nanaman, naramdaman mo nanaman ang kirot sa iyong puso na laging bumabalik kapag siya ang napag-uusapan.

Halatang inaantay nila ang sagot mo. Tumahimik ang buong kwarto at ang naririnig mo lang ay ang tunog ng electric fan.

"'Yung huling beses ay nung nakipaghiwalay ako sa kanya."

Nagtinginan silang lahat. Hindi mo maintindihan kung bakit.

"Edi hindi mo pa nasasabi ang rason mo?" tanong naman ni Zild.

Tumango ka lang.

Saka mo natandaan siya.

"Nga pala...." malumanay mong sabi. Nakatuon na ang atensyon nilang lahat sa iyo. Pinilit mong gawing kalmado amg boses mo kahit sabik na sabik ka nang makasagap mg balita tungkol sa kanya. "Kumusta na siya?"

Sa tagal niyo nang hindi nagkikita o nag-uusap, ni isang balita tungkol sa kanya, wala kang nasagap. Pakiramdam mo naman na simula noong iniwan mo siya, nawalan ka na rin ng karapatan na kumustahin siya. Like you wanted to know how he's coping up with his everyday life after you've hurt him? May pagka-walang hiya ka naman pero nakokonsensya ka rin.

Nakakakonsensiya kasi kapag ikaw ang dahilan kung bakit nasasaktan ang minamahal mo sa buhay.

And if you're going to be really honest, masasabi mong hanggang ngayon hinahanap-hanap mo pa rin siya.

Nagtaka ka nung hindi agad sila sumagot. Nagtinginan ulit silang tatlo at nababasa mo sa mga mata nila na parang may tinatago sila. Parang nagdadalawang isip sila sa sasabihin nila. Inantay mo lang. Hindi mo na pinilit. Wala ka na rin namang karapatan, e. Tapos na, at ikaw ang puno't dulo ng lahat.

Unique cleared his throat. "Maayos naman siya ngayon."

Tumango sina Badj at Zild -- almost willingly like they just wanted to convince you.

Kahit hindi gumaan ang loob mo sa maikling sagot ni Unique, tumango ka nalang din at ngumiti. Hindi naman ata sila magsisinungaling sa'yo tungkol diyan. Hindi ka na rin humingi ng pruweba para lang malaman mo na maayos talaga siya. Hindi mo na sinabi na gusto mo siyang makita ngayon -- harap-harapan -- dahil alam mong hindi mo kakayanin at hindi ka naman papansinin ni Blaster.

Pagkatapos kasi nung araw na 'yun, alam mong nagalit sa'yo si Blaster. Paano mo ba naman hindi malalaman, e, kung pinaglabasan niya lahat ng sama ng loob niya ang Twitter at i-block ka sa lahat ng social medias. Talagang pinutol niya ang communication ninyong dalawa.

Hindi mo naman siya masisisi, e. Sino ba ang hindi magtatanim ng galit at mapopoot sa isang taong wala kang ginawa kundi mahalin lang at ibigay ang halos lahat ng oras niya at handa kang masaktan para sa kanya pero ang isinukli lamang ay pangangaliwa?

Ang tanga mo kasi, e.

"Masaya na ako kung maayos siya ngayon."

Huminga ng malalim si Unique. "Kamuntikan ko nang makalimutan, punta ka pala sa Anonas -- kung saan kami unang nag-gig -- sa birthday ni Blaster kasi may magaganap na celebration."

Pakiramdam mo ay bumalik ang sakit ng araw na iyon nang marinig mo ang kanyang pangalan.

Blaster

Blaster

Blaster

"Invited ka," ngumiti si Badj at ginulo ang buhok mo.

"Sigurado akong makakapag-ayos na kayo sa araw na iyon," sabi naman ni Zild.

"Chance mo na 'yun," ani Unique.

Kahit may isang parte sa iyo na nagsasabing wala ka nang karapatan para i-explain ang sarili mo, pinili mo pa ring tumango.

"Sige, I'll try."

Kumunot ang noo ni Unique. "Anong try ka diyan? Gawin mo. Pumunta ka roon."




Nagpaalam ka na kina Zild at Badjao. Sinamahan ka ni Unique palabas ng backstage at ng bar kasi ipinaulit-ulit niya na mas gagaan ang loob niya kung siya na mismo ang maghatid sa iyo. Tulong nalang daw sa kaibigan, baka raw mapano ka pa. Kahit anong pilit mo na sabihing kaya mo na, ayaw niya.

Nang makalabas na kayo sa suffocating na bar na iyon at nakita mo na ang mga kotseng dumadaan sa kalsada ay tumigil muna kayo ni Unique sa tapat ng bar. Tumayo muna kayo roon ng ilang minuto at hinihintay mo lang si Unique na magsalita dahil parang kanina pa siya may gustong sabihin.

"Alam mo," sabi niya sa tabi mo. Napabuntong hininga ka. Alam mo na kasi ang sasabihin niya at alam mo na rin ang isasagot mo. "Hindi ko malaman sa'yo kung bakit mo pa pinalipas ng halos tatlong taon ng hindi kayo nag-uusap, e, kung puwede mo namang sabihin sa kanya ang totoo. Hindi 'yung pinapahirapan mo lang ang sitwasyon niyong dalawa."

"Kung ganoon lang sana kadali ang lahat, edi dapat dati ko pa ginawa," iniyakap mo ang mga braso mo sa katawan mo. Lumalamig na kasi ang simoy ng hangin. "Pero hindi. It's far more complicated than that."

Hinarap ka niya. Nagulat ka sa reaksiyon na dahil kitang-kita mo ang namumuong galit sa mga mata niya na parang kinimkim pa niya simula nung malaman niya siguro na hiniwalayan mo si Blaster. Ang tapang ng mukha niya, halos hindi mo na makilala.

At napaisip ka.

"Galit ba silang lahat sa akin?"

Can they blame you for wanting his happiness for yours?

Siguro ang masusumbat lang naman nila sa iyo ay ang pagkawala mo nang tatlong taon at ang hindi mo pagsagot sa kahit anong tawag nila at sa pagputol ng koneksiyon mo sa kanila.

Hindi nila naiintindihan.

"Matanong nga kita. Gaano ba kahirap ang pagsabi ng totoo, ha?" itinuro ni Unique ang hintuturo niya sa iyo. "Alam mo bang nung araw na iniwan mo siya, hindi siya kumain nun? Ni uminom nga ng tubig hindi niya ata ginawa. Tapos halos hindi namin siya makausap dahil lagi lang siyang lutang? Masakit kasi, e. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ko siya kayang tignan sa mata dahil puro pighati lang ang nakikita ko."

Hindi ka umimik. Pero alam mo ang mga sinabi niya. Nakikita mo 'yun sa mga videos ng fans na tuwing nasa mga gigs siya, parang wala siya sa sarili. Kitang-kita mo sa mga kilos niya, sa mga mata niya na parang walang buhay. Noong mga panahong iyon, napapaisip ka na nga lang kung ikasasaya ba niya talaga ang ginawa mo talagang makasarili ka lang.

Hindi mo na nga mabilang ang mga gabing ginugol mo sa pag-iyak sa kawalan at paghawak sa cellphone mo dahil nagdadalawang isip ka kung tatawagan mo ba siya at sasabihing mahal mo siya o hahayaan mo lang. Hindi ka lang nasaktan emotionally sa hiwalayan niyo, pero pati acads mo naapektuhan. Natatandaan mo pa na halos hindi mo pa matapos ang research paper mo -- at pinasa mo pa ng may mga tuyong luha -- at hindi ka nakapag-defense ng maayos dahil namumugto ang mata mo at masakit ang ulo mo sa kakaiyak.

Hindi naman kasi maiintindihan ni Unique. Pati rin ikaw nasasaktan kahit ikaw ang unang bumitaw.

What's holding you back from telling the truth, anyway?

Madali lang naman, e. Pupuntahan mo si Blaster at sasabihin mo 'yung totoo. Simple lang, pero bakit nga ba hindi mo magawa? Dahil ba may nagsasabi sa iyong 'wag mo nang gawin dahil hindi ka na niya kailangan sa buhay niya? Pati ikaw hindi mo alam. Hindi mo alam kung bakit mo sinayang ang tatlong taon para itago ang katotohanan.

Mahal na mahal mo pa rin si Blaster, e.

"Unique..." sabi mo. "Matanong ka nga kita,"

He stared at you.

" -- May gusto ka ba kay Blaster?"

Hindi mo maipinta ang mukha ni Unique. Hindi mo mabasa ang kanyang mga mata. Pero ito ang alam mo -- nagulat siya.

"Gago ka ba? Kaibigan ko 'yun edi siyempre nag-aalala lang ako, ang bobo naman nito."

Ngumiti ka. "Talaga? Kaibigan nga lang ba o mahal mo na?"

"'Wag mong iniiba ang usapan."

Napawi ang ngiti mo.

"Ano ba ang gusto mong gawin ko?"

"Hindi mo alam kung gaano mo nasaktan si Blaster."

Kumirot ang puso mo nang marinig mo ang pangalan niya.

Blaster

Tatlong taon na ang nakalipas pero ang lakas pa rin ng epekto niya sa iyo.

"Hindi mo naiintindihan, Unique. Wala kang alam. At isa pa, hindi ba't ginusto mo rin naman ito? Sinabi mo ito sa akin, hindi ba?"

Si Unique naman ang nanahimik.

"So ipinapamukha mo sa akin na si Blaster nasasaktan? Na ikaw nasasaktan? E, paano naman ako? Hindi porque ako ang nakipaghiwalay, hindi ako nasaktan," nararamdaman mong namumuo na ang luha sa mga mata mo. "Tatlong taon, Unique. Tatlong taon pero hindi pa rin nawawala 'yung sakit."

"Gusto ko lang naman na malaman mo iyon. Hindi ko naman naisip na makikipag-hiwalay ka sa kanya," sabi niya.

"Love requires sacrifice," mapait mong sabi. "Sabi mo 'yan 'di ba? And I'm more than willing to make the sacrifice if it leads to his happiness. Kaya kong magsakripisyo basta para sa pangarap niya."

"Bakit ba hindi mo nalang sabihin sa kanya?"

"Bakit ba hindi mo maintindihan?" tumataas na ng konti ang boses mo at nakapamewang ka na. "He already achieved his goal. Andiyan na siya sa tuktok. International na kayo. Masaya na siya; gagambalain ko pa ba?"

Pag-uwi mo nang iyong dorm, ang una mong napansin ay ang kawalan nito ng ilaw. Nakalimutan mo pala magbukas ng isa kaya nung pumasok ka, para kang bulag.

At oo, hindi ito nakatulong sa nararamdaman mo ngayon.

Ramdam na ramdam mo ang sakit sa puso mo na pilit kumakawala. Dati, ang pinoproblema mo lamang ay kung paano mo makakausap sina Zild nang hindi mo nakikita si Blaster -- at nakuha mo na iyon -- pero ngayon naman, pati si Unique na isa sa mga matalik na kaibigan mo ay nakakaway mo na rin.

Ganoon ka na ba kawalang-kwenta? Lahat nalang ng tao parang against na sa iyo?

At sino ba ang may dahilan ng lahat ng ito?

Ikaw lang.

Binuksan mo ang ilaw at tumambad sa iyo ang kalat sa buong dorm mo. Dahil tapos ka na sa pre-law mong Political Science, napagdesisyunan mo na rin na lumipat ng dorm para mas mapalapit sa law school na pinapasukan mo. E ang kaso, hindi mo pa naayos ang mga gamit mo.

Kalat-kalat pa ang lahat sa bago mong dorm. Sa katunayan nga, maganda rin na nagbago ka na ng dorm room. Tuwing umuuwi ka kasi roon, ang natatandaan mo lang ang huling gabi na kasama mo si Blaster -- kung saan may dala pa siyang pizza.

Nakuha ng atensiyon mo ang isang box na nasa ilalim ng higaan mo. Hindi lang ito isang normal na box, ito ay isang box na binigay sa iyo ni Blaster noong 2nd anniversary niyo. Tulad ng ibang mga boxes na regalo para sa mga jowa, ang laman din nito ay puro mga kalandian at mga love letters na kinompile niya para sa iyo.

Kahit nanginginig ang mga kamay mo, binuksan mo ito.

Nakita mo agad ang mga lukot-lukot na mga litrato ni Blaster at ninyong dalawa. Natatandaan mo pa kung bakit ito lukot; and it brings you pain just remembering it. Ito 'yung araw na nagwala ka sa lumang dorm room mo nung gabing nakipaghiwalay ka sa kanya.

Kinuha mo iyon at tinitigan. Sentimentality washed over you like an ocean. Inalis mo iyon at nakita mo pa ang ibang mga ka-sweetan ni Blaster. 'Yung mga love letters, mga pictures mo at ninyo, at ang pinakamamahal mong "100 Reasons Why I Love You" na papel sa loob.

Hindi mo na binasa iyon dahil alam mong masasaktan ka lang.

Tumulo ang luha mo sa hawak mong litrato. Pinunasan mo ito ng marahan at ibinalik ang mga kinuha mo at inilagay ulit sa ilalim ng kama. Tapos, humiga ka sa iyong kama at naramdaman mo nanaman ang nanakit mong puso.

Hindi mo malaman.

Mahal na mahal mo pa rin siya kahit ilang taon na ang nakalilipas.

Gustong-gusto mo na siyang balikan, gustong-gusto mo na siyang yakapin at sabihin na bumalik ka na, gustong-gusto mo na siyang pasayahin ulit tulad ng dati.

At higit sa lahat, gustong-gusto mo na rin na mahalin ka niya ulit.

Naisip mo nga, maibabalik pa kaya ang dati?

Sa sitwasyon niyo ni Blaster, aminado ka sa sarili mo na hindi maibabalik iyon. Magkaibang mundo na ang ginagalawan niyo, at hindi na rin iisa ang buhay ninyong dalawa. Alam mong hindi mo na rin siya maibabalik sa simpleng pagsabi ng totoo dahil ikaw rin naman ang unang bumitaw. May galit siya sa iyo at alam mo iyan.

Sabagay, sino bang hindi magagalit kung biglaan kang iwan?

"Ang tanga, tanga ko," mapait mong sabi sa sarili mo saka ngumiti. Sinuntok-suntok mo ang iyong naninikip na dibdib. "Sobrang tanga ko para pakawalan ang pinaka-importanteng tao sa buhay ko."

At naisip mo, "Kung puwede ko lang ibalik ang nakaraan, magiging totoo ako sa iyo."

Ipinikit mo ang mga mata mo at nakita mo ang itsura ni Blaster na nagpeperform kanina. Natatandaan mo ang hiyawan ng madla, kung paano nila tinawag ang pangalan ng gitarista at kung paano ngumiti si Blaster. Kung paano niya nilaro ang kanyang gitara na para bang ipinanganak talaga siya para sa bandang iyon.

Sa huli, ang pangarap pa rin niya ang mananaig.

At masaya ka, masaya ka naging parte ka nun. Ikaw ang naging daan para makamit niya iyon.

Kahit kailangan mo pa siyang iwan. Kahit kailangan mong magpakalayo at magsinungaling.

Sa huli, siya pa rin ang panalo at ikaw pa rin ang talo.

Ngumiti ka ng mapait kahit hindi tumigil sa pagbuhos ang iyong luha.




Humagulgol ka.

Pagkatapos mong iwan ang nag-iisang lalaking minahal mo tanang buhay mo, pumara ka agad ng jeep. Pinagtitinginan ka na ng mga kasama mo sa jeep --na iilan lang naman -- siguro nagtataka kung ano ang ginagawa ng isang umiiyak na babae sa gitna ng gabi. Alam mong mukha kang kawawa dahil pati sipon mo ay nahuhulog na at hinahabol mo na hininga mo at wala ka nang makita dahil sa luha mo pero wala kang pakialam. Hindi ka na nga pinagbayad ng drayber kaya nagpasalamat ka nalang.

Pag-uwing pag-uwi mo sa dorm mo, ang una mong ginawa ay tinuloy ang pag-iyak mo.

Nilabas mo ang lahat ng hinanakit mo na kanina ay pilit mong kinikimkim. Masyadong masakit -- mas masakit kung matagal mo nang tinatago ang hapdi ng mga sugat. Kung sa simula pa lang ay hindi na naagapan, mas lalo itong lumalala.

Umiyak ka ng umiyak hangga't maramdaman mo na ang sobrang pagsisikip ng dibdib mo.

Umiyak ka ng umiyak hangga't wala nang makapasok na hangin sa ilong mo dahil sa sobrang barado nito dahil sa sipon.

Umiyak ka ng umiyak hangga't maramdaman mong nanginginig na ang mga labi mong basang-basa na ng luha mo.

Umiyak ka ng umiyak hangga't halos wala nang lumabas na luha.

Umiyak ka ng umiyak kahit alam mong kahit anong pag-iyak mo ay hindi kayang ibalik ang mga salitang nasabi mo na -- ang mga salitang nabitawan mo na -- at hinding-hindi mo na mababago pa ang iyong desisyon.

Sandali kang natigilan sa pagiyak dahil hindi ka na makahinga kaya naman ay iniangat mo ang iyong ulo habang hinahabol mo ang iyong hininga at ang mga bagay na sumasagi sa isipan mo. Sa sobrang dami nito, parang gusto mo nalang pasabugin ang ulo mo para naman kahit kaunti ay mabawasan ang sakit na nararamdaman mo.

Hindi mo lang kasi maramdaman ang sakit sa puso mo; nararamdaman mo ito sa bawat parte ng katawan mo na para bang dumadaloy na ito sa dugo mo at hindi mo malaman kung paano mo ito patitigilin o aalisin. Siguro mawawala lang ito kung palalabasin mo ang bawat patak ng dugo mo sa iyong katawan o kapag pinigil mo ang pagdaloy nila sa katawan mo.

Sobrang sakit.

Hindi mo masabi kung gaano. Basta masakit. 'Yung tipong parang pinipiga na 'yung puso mo pati buong pagkatao mo.

Ang daming pumapasok sa isip mo. Gulong-gulo ang ulo mo. Wala ka nang maintindihan sa kanilang lahat. Pakiramdam mo lahat ng tao ay nakatalikod sa'yo, at tinuturo nila ang kanilang hintuturo na para bang inaakusa ka nila sa isang kasalanan. Sabagay, kasalanan mo rin naman. Kasalanan mo rin naman kung bakit umiiyak si Blaster ngayon. Kasalanan mo rin naman kung bakit napapagalitan si Blaster. Sabagay, wala namang masisisi kundi ikaw.

Ikaw lang.

At 'yan ang paulit-ulit na sumasagi sa isipan mo.

Pinilit mong patahanin ang sarili mo, kahit mahirap. Sinabi mo ng paulit-ulit na kakayanin mo. Hindi ba't sinabi mo rin na kakayanin mo noong kaharap mo si Blaster kanina? Hindi ba't para sa kanya ang ginagawa mo? Kaya naman, tumayo ka. Kahit nanginginig na ang mga paa mo at gusto nitong mamahinga, tumayo ka pa rin. At nakita mo ang mga litrato ninyong dalawa ni Blaster na nakapaskil sa dingding ng dorm room mo. Bumalik sa iyo na parang isang pelikula ang masasayang alaala ninyong dalawa.

Pero wala na ang lahat.

Tapos na ang lahat.

Tinapos mo na ang lahat.

Pinaalala mo nanaman sa sarili mo na ginawa mo ito para sa kanya. Alam mong sasaya siya sa desisyon mo kahit dapat kinonsulta mo muna siya dahil magkasintahan naman kayong dalawa -- at hindi magkaibang taong walang pinagsamahan. Hindi man niya maiintindihan ngayon, alam mong pagdating ng panahon ay maiintindihan niya. Pero masakit pa rin, e.

Mahal na mahal mo kasi si Blaster.

At dahil mahal mo siya, kaya mong gawin ang lahat para sa kanya.

Kahit alam mong parehas kayong masasaktan sa huli.

Medyo kumalma ka na at ang lumalabas nalang sa bibig mo ay maliliit na mga hikbi. Tuyong-tuyo ang lalamunan mo pero wala ka nang sapat na lakas para kumuha ng isang basong tubig. Lantang-lanta ka na kaso at pagod na pagod. Pinilit mong lapitan ang mga litrato ninyong dalawa. Wala ka nang maramdaman kundi ang sakit ng bawat salita na lumabas sa bibig ni Blaster kanina.

At hindi ka makapaniwala na nakuha mo pang magsinungaling.

Nanginginig ang mga daliri mo habang marahan mong kinuha ang isang litrato. Kuha ito noong Wanderland 2018 ni Unique at magkasama kayong dalawa rito. Nagperform sila rito at talagang naging proud ka sa kanila. Sa mga panahong iyon nga, pakiramdam mo tinatraydor mo ang sarili mo dahil hinayaan mong maging masaya ka sa piling niya kahit may plano ka nang iwan siya. Siguro noong araw na iyon, hinayaan mo nalang ang sarili mong sumaya. Pinilit mong kalimutan ang mga problemang sumasagi sa isipan mo. 'Yun na naman ata ang huling araw na magiging masaya kayong dalawa.

Hindi mo alam kung anong nag-udyok sa iyo na tanggalin lahat ng litrato sa dingding mo. Mahal mo si Blaster -- oo, mahal na mahal mo si Blaster -- pero alam mong tapos na ang lahat dahil pinutol mo na kung ano man ang namamagitan sa inyo. Pinili mong hindi nalang itapon ang mga ito dahil sayang naman. Nilagay mo nalang ito sa isang box na niregalo niya noong anniversary niyo. Sinama mo na dito ang iba pang kagamitan na konektado kay Blaster. Lahat. Gusto mong makalimot. At ang unang hakbang doon ay tanggalin ang lahat ng magpapatanda sa iyo ng sakit. Nilagay mo ito sa ilalim ng higaan mo at tinitigan mo ang puting-puti na pader mong walang bahid ng kahit anong litrato ninyong dalawa ni Blaster.

Naramdaman mo nanaman na tumulo ang luha mo. Pinilit mong ikumbinse ang sarili mo na tama ang ginawa mo. Na para sa ikabubuti niya ang ginawa mo pero hindi mo magawa. Tuwing iniisip mo kasi na pasasalamatan ka pa niya pagdating ng panahon, nakikita mo ang umiiyak niyang anyo. Malungkot. Nasasaktan.

Hindi ba't para iyon sa kanyang pangarap? Para hindi na siya masaktan muli? Para hindi na siya mabulyawan muli?

Pero bakit parang nasasaktan ka imbis na maging masaya ka para sa kanya?




Ilang araw na rin ang nakalilipas. Nakapag-ayos na kayo ni Unique. Bukas ay birthday na ni Blaster pero hindi mo pa rin alam kung pupunta ka ba o hindi. Though, wala namang dahilan para hindi ka pumunta, wala rin namang dahilan para pumunta ka.

Pupunta ka dahil ano? Para makipag-ayos sa kanya?

Mukhang malabo.

At tulad ng nakagawian mo noong kayo pa ni Blaster, kapag may problema ka, pumupunta ka sa mga gig nila. Sa loob ng tatlong taon, ni isang gig ng IV OF SPADES hindi mo pinuntahan. Hindi mo kasi kayang harapin ang hiya na matatanggap mo once na nakita ka nila at nakita mo sila. Nung araw na iyon, kailangan mo pang humugot ng lakas ng loob para makapunta doon.

Pumasok ka sa loob ng bar at naghanap ka ng puwesto sa mga nagsisiksikan na mga tao. Pinili mo nalang doon sa may tabi, malayo sa entablado. Ayaw mo kasing makipag-siksikan at ayaw mo ring makita ka nila. Mas gusto mong manood lang ngayon.

May iba pang banda na tumugtog bago sila. Mga sikat rin iyon, pero hindi katulad ng IV OF SPADES na international na. Halos hindi ka nga makapaniwala na sobrang dami na nilang taga-hanga. 'Yung tipong nagcoconcert na rin sila sa ibang bansa. Parang dati lang kasi noong kayo pa ni Blaster, sumisikat pa lang sila. At nung nililigawan ka palang no Blaster, inaamag pa ang mga gigs nila.

Pero ngayon? Sobrang dami na nilang supporters. Sobrang dami nang mga taong nakakakilala sa kanila at sa husay nila sa paggawa ng musika at alam mo sa puntong iyon na tama ang iyong naging desisyon.

Tamang pinakawalan mo si Blaster para makamit niya ang kanyang pangarap.

Natapos ang mga kanta nilang alam na alam mo rin -- "Hey Barbara!", "Ilaw sa Daan" at ang "Where Have You Been My Disco". Napanood mong sumayaw ang mga fans nila, makikanta, at maki-indak sa tunog ng musika. Nakita mo rin ang overflowing passion na galing sa kanya. Nagulat ka nga, e. Grabe, ibang-iba na siya ngayon.

May mga kanta na hindi mo alam, pero nung narinig mo ang tunog ng kanta nilang "Mundo", parang bumabalik sa iyo ang lahat.

At napag-isipan mo nanaman.

Bakit nga ba hindi mo magawang lapitan si Blaster at sabihin na mahal mo pa siya?

Siguro dahil ikaw ang unang bumitaw kaya papanindigan mo nalang iyon. O dahil wala ka nang parte sa buhay niya. O dahil takot ka lang. O dahil alam mong sikat na sila, at nagawa mo na ang parte mo bilang girlfriend niya rati.

Nagulat ka nang biglang tumunog ang cellphone mo.

Sinagot mo ang tawag.

"Hello?" sabi mo nang makapasok ka sa banyo ng bar. Buti nalang at medyo tahimik dito dahil mukhang soundproof ata ang mga dingding. Kahit medyo mabaho, mas mahirap naman lumabas. Puro amoy sigarilyo.

"Babe!" masayang bati ng lalaki sa kabilang linya.

Napasimangot ka.

Oo nga pala, may boyfriend ka na nga pala.

Umiling ka at humigpit ang hawak mo sa cellphone. Hindi mo malaman kung bakit, pero parang pakiramdam mo nangangaliwa ka sa kanya dahil mahal mo pa si Blaster at nangangaliwa ka naman kay Blaster dahil may iba kang jowa.

Gago ka rin, e. Isa kang malaking gago simula ng matapos kayong dalawa.

"Uy, babe," sabi mo kahit gusto mong putulin ang dila mo. "Napatawag ka ata?"

"Asaan ka? Ba't parang ang ingay diyan?"

"Nasa bar ako, babe."

Na-imagine mo agad ang nag-aalalang mukha niya. "Mag-ingat ka diyan ah? Sabihin mo sa'kin kung kailan ka uuwi para masundo kita. Mahirap nang maglakad sa gabi, maraming manyak."

Ngumiti ka nalang.

"I don't want anything happening to my girlfriend."

Hindi ka umimik.

"Nga pala, anong sasabihin mo?" iniba mo ang usapan. Hindi ka kasi komportable.

"Gusto lang sana kitang tanungin, may mga plano ka ba bukas?"

Napakagat ka sa labi mo. Puwede mo namang sabihin ang totoo. Puwede kang tumanggi.

Huminga ka ng malalim.

"Ma-mayroon..."

Nakita mo si Blaster nung pumikit ka. Nakita mo ang nakangiti niyang anyo.

Rinig na rinig mo ang pagsimangot ng boyfriend mo. Halatang disappointed.

"Ay ganoon ba? Yayain sana kita na kumain sa labas kasi mukhang stressed ka na ata. Okay lang, sa susunod nalang."

At nawala ang ngiti ni Blaster na napalitan ng umiiyak niyang anyo nung iniwan mo siya.

Natauhan ka.

"S-sandali! Icacancel ko nalang 'yung plano ko, hindi naman kasi importante," sabi mo.

"Sigurado ka?"

May narinig kang kumatok sa labas ng pinto. Medyo natagalan ka sa banyo.

"Sandali lang, ah."

Tinakpan mo ang speaker ng phone mo at saka naglakad papunta sa pinto. Binuksan mo ito at tumambad sa iyo ang isang babaeng halatang kanina pa nayayamot sa sobrang tagal mo. Tinignan mo lang siya at umalis ka na. Hindi mo namalayan na tapos na pala ang set ng IV OF SPADES.

"Babe," sabi mo ulit.

"Sigurado ka ba, babe? Okay lang naman kung sa ibang araw nalang."

"Hindi, okay lang. Mas importante ka kaysa 'dun."

Parang sinasaksak mo ang sarili mo sa mga sinasabi mo. Parang mas pinapalalim mo ang hinuhukay mo para sa iyo.

Narinig mo siyang ngumiti. "Awwwe, miss mo nanaman ako. That's my girl. I love you! Mag-iingat ka ha! Text me when you want to come home and I'll pick you up."

Hindi ka na makasagot ng maayos dahil nakikipag-siksikan ka pa sa mga tao dito. Grabe, sobrang dami.

"I-I love you din, AY!" naputol mo 'yung call nang may nakabangga ka sa gitna ng siksikan.

"Sorry, miss!"

Nanlamig ang buong katawan mo nang marinig mo ang boses na iyon.

Hindi ka magkakamali. Hindi mo makalilimutan ang mala-anghel niyang boses.

Unti-unti mong itinaas ang iyong ulo.

Nanlaki mga mata mo.

Si Blaster.

"Okay ka lang?" tanong niya. Halatang hindi ka niya makilala.

Hindi ka makapaniwala sa nangyayari at sobrang daming nasa isipan mo kaya ang ginawa mo ay itinulak siya sa tabi at tumakbo papalayo.

Hindi mo pa kaya, hindi mo pa kaya siyang makita. Sobrang bilis ng pagtibok ng puso mo.




Gabi na.

Hanggang ngayon, paikot-ikot ka pa rin sa dorm mo. Iniisip mo pa rin kung sino ang uunahin mo -- ang jowa mo ba o ang lalaking minahal mo pero hindi ka naman sigurado kung mahal ka pa ngayon. A lot can change in 3 years, at malas ka nga lang, hindi nagbago ang pagmamahal mo sa kanya.

Alam mo sa sarili mo na mali ang ginagawa mo. Alam mo na ito, una palang. Noong mga isang taon pagkatapos ng hiwalayan niyo, sinagot mo ang current boyfriend mo na dati pa nanliligaw sa iyo pero dahil andiyan si Blaster, itinigil niya. Hindi mo kasi makayanan, hinahanap-hanap mo ang pakiramdam na nahanap mo noong kayo pa ni Blaster.

Pero sadly, hindi mo ito nahanap sa kanya.

Puwede mong sabihin na ginagamit mo lang siya bilang distraction. At that time kasi, you were so keen on moving on na pati paggamit ng tao, okay lang sa'yo.

And now, it's taking its toll.

Alam mo sa sarili mong mahal mo pa rin si Blaster, at hindi ka sigurado sa sarili mo kung mahal mo ba talaga ang jowa mo.

"Tanginang buhay 'to!" bulyaw mo at sinipa ang mga kalat sa kwarto mo.

Hindi mo sila puwedeng pagsabayin.

Kailangan may isang magsasakripisyo.

"Love requires sacrifice."

Tumingin ka sa paligid ng dorm mo. Nakakawalang-gana, puro kalat sa kwarto. Kaya naman, para naman mabawas-bawasan ang iniisip mo, naisipan mong linisin ang dorm mo.

Kumuha ka ng walis tambo at dustpan at sinimulang magwalis. Pagkatapos ay iniayos mo na rin ang mga nakakalat nga mga gamit. Nagwalis ka ulit, anything para hindi mo sila maisip.

Kaso, may nakakuha ng atensiyon mo habang tinitignan mo ang isa sa mga kahon na hindi pa naayos.

Isa itong litrato na nasa loob ng isang makapal na libro. Medyo nakausli ang litrato kaya napansin mo.

Kinuha mo ito.

Isang picture mo na nakangiti pero hindi sa kamera, kundi sa sunset na nasa background. Natatandaan mo kung saan ito, ito 'yung napagisipan niyo ni Blaster na panoorin ang sunset sa Manila Bay.

Tinignan mo ang likod.

To the most beautiful woman I know,

Ikaw lang ang mamahalin ko. Kahit anong mangyari, my love remains to you. Kahit pumangit ka. Kahit tumaba ka, kahit lumisan ka, ikaw at ikaw pa rin.

"Aking sinta, ikaw na ang tahanan at mundo." -- linya 'yan sa bago naming kanta, "Mundo". Ipaparinig ko sa'yo minsan.

Love always,
Blaster

P.S. ang galing kong photographer

Napatawa ka habang umiiyak.

Grabe ang pagmamahal sa iyo ni Ter.

Napa-luhod ka sa sakit at niyakap ang litrato. Inilagay mo ito sa dibdib mo, just above your heart para damang-dama mo. Umiiyak ka nanaman at bumabalik nanaman ang sakit ng nakaraan.

At ngayon, napagtanto mo.

Na mahal na mahal mo pa rin si Blaster at kaya mong gawin ang lahat para ibalik siya sa iyo.

Wala ka nang pakialam sa kung ano man ang mangyari. Alam mong nakamit na niya ang pangarap niya, at ngayon ay handa ka nang harapin ito kasama siya. Handa ka nang maging taga-suporta niya ulit. Handa ka nang ipaglaban siya sa mundo kahit noong una ay naging duwag ka at bumitaw nalang. Handa ka nang maging girlfriend niya, at mahalin siya ulit.

Handa ka na.

Para sa lahat.

Para sa kanya.

Kahit medyo alanganin, may nagsasabi diyan sa pinakalalim-laliman ng puso mo na may parte ka pa rin sa buhay niya.

Na mahal ka pa rin niya.

At mahal mo pa rin siya.

Ngumiti ka habang dali-dali kang nagpalit ng damit. Pumili ka ng medyo maganda at presentable. Naglagay ka rin ng kaunting kolorete sa mukha mo. Sumakay ka agad ng jeep papuntang Anonas. Wala kang plano at hindi mo rin alam kung paano mo i-eexplain sa jowa mo kung bakit hindi ka makakapunta sa dinner date niyo.

Basta ang nasa isipan mo lang ngayon ay si Blaster at kung paano mo maiaayos ang relasyon niyong dalawa na nagkaroon ng tatlong taong pagitan.

You were feeling so hopeful.

Alam mo sa sarili mo na mahal ka pa rin niya. Gusto mo na rin kasi na malaman na niya ang katotohanan. Hindi mo na kaya, kinakain ka na ng konsensiya mo tuwing natatandaan mo.

Alam mong may babalikan ka pa.

Nakangiti ka nung pumasok ka sa una nilang pinag-gig-an. Mas maraming tao.

Late ka na sa birthday ni Blaster. Kanina pa nagsimula.

"Happy birthday, Blaster!" Paulit-ulit na kanta ng mga tao. Naghihiyawan sila. Sobrang gaan ng pakiramdam mo na makita ulit si Blaster ng nakangiti.

Sobrang positive mo.

"Para sa inyo ito," sabi ni Blaster at naghiyawan ulit. "Dahil kayo ang aming tahanan at mundo."

Nagsimula na ang intro ng "Mundo". Kinakabahan ka na, namamawis na ang mga palad mo at pilit mong tinatandaan ang mga sasabihin mo sa kanya. Na naghanap ka lang ng dahilan. Na mahal mo pa rin siya. Na ginawa mo lang iyon para makamit niya ang pangarap niya.

Itinulak mo ang mga tao sa tabi para lang makalapit ka kahit papaano sa stage. Nag-uumapaw ang damdamin mo, at ang puso mo ay sa sobrang galak, gusto nang kumawala. Kahit halos masuntok ka na ng mga tinulak mo, okay lang sa iyo.

Para kay Blaster.

Hindi mo pinilit pang lumapit dahil para sa iyo, malapit ka na. Kaharap na kaharap mo na sila. Pero, hindi pa rin nagtatama ang paningin niyo ni Blaster.

Nakita ka na nga ni Unique, e. Nginitian ka pa.

Kaso nga lang, naiinis ka sa katabi mo.

"Wooo! Go Blaster! I love you! Boyfriend ko 'yan!" sigaw ng babae sa tabi mo na medyo nasa harapan. Kanina pa siya tumitili at sumasayaw. Akala mo fangirl lang.

Marami na kasing ganoon.

"Ang galing, galing mo babe!"

Hindi mo alam kung bakit pero nakaramdam ka ng selos. Unti-unting nadudurog ang ngiti mo nang makaramdam ka na parang totoo ang mga sinasabi niya.

"Hindi, hindi puwede... 'wag naman sana..."

Namamawis ang palad mo. Kinakabahan ka na. At hindi dahil sa sasasabihin mo sa kanya, kundi dahil sa...

Naghiyawan ang lahat nang lumapit si Blaster sa solemn part ng "Mundo", 'yung sa dulo, sa isang babae.

"Limutin na ang mundo,"

Sumikip ang lalamunan mo nang makita mong ibinigay ni Blaster ang kamay niya sa harap nito.

Nagulat ka. Nanlamig ang buo mong katawan at nanatili kang nakatayo sa puwesto mo.

Hindi makahinga, hindi makapag-isip ng matino.

Ayaw mong maniwala. Ayaw mong tignan.

Pero parang ayaw matanggal ng tingin mo sa kanila.

"Nang magkasama tayo,"

Hindi mo malaman sa sarili mo kung bakit mo ito patuloy sinasaktan.

Umasa ka.

Umasa ka na may babalikan ka pa.

Pero sa isang yakap niya sa babaeng iyon ay alam mong may nahanap na siyang iba.

Ang tanga-tanga mo dun.

Hindi ka na nakatingin, ramdam na ramdam mo ang pagwasak ng iyong puso kasama na ang pangarap mo na maging kayo ulit. Mahal mo pa siya, pero kung may mahal na siyang iba, may magagawa ka ba?

Wala naman, 'di ba?

Kasalanan mo rin naman, ikaw ang unang bumitaw. Hindi mo siya masisisi kung nahulog na rin siya sa iba.

Kasalanan mo rin dahil nagpaka-tanga ka.

Tatlong taon? Tapos wala siyang nahanap na iba?

"Sunod sa bawat galaw,"

Nararamdaman mong dumidilim na ang paningin mo. Nagiging malabo na dahil sa luha mong namumuo na.

At parang pinaglalaruan ka pa ng tadhana, dahil habang masayang magkayakap ang magkasintahan, napadpad ang tingin ni Blaster sa iyo at halatang-halata mo sa kanya ang gulat sa kanyang mga mata.

Pero ayaw mo na, ayaw mo nang lumaban dahil talo ka na. Wala nang saysay pang lumaban.

Hindi mo mabasa ang kanyang mga mata, parang hindi mo na rin nakilala. Kakaibang-kakaiba.

Hindi mo malaman kung mahal ka pa ba niya.

Pero mukhang halata naman ata ang sagot?

May iba na siyang mahal.

At hindi ikaw 'yon.

"Hindi na maliligaw,"

Ang tagal niyong nagtitigan.

Kahit parang sa pisikal na mundo, mga iilang minuto lamang iyon.

Pero para sa iyo, sobrang tagal.

Inexpect mo siyang kumawala sa bisig ng babae once na nakita ka niya.

Pero hindi ginawa iyon.

At iyon ang hudyat sa iyo na umalis sa lugar na iyon at iwan ang sakit dito.

Pakiramdam mo kasi, parang winawasak niya na ang buong pagkatao mo at pinupunit ang iyong puso.

Hindi mo kayang makita siya na masaya. Habang ikaw...

You looked at him, one last time and shook your head before running out to the exit.

You were disappointed; but you were more disappointed with yourself because even after all of this, you still loved him.

Mahal na mahal mo pa rin si Blaster kahit masakit.




Pinanood ni Blaster kung paano ka nagmamadaling umalis sa bar. Napalunok siya.

Wala siyang magawa dahil tila ba nakapako ang kanyang paanan sa kinatatayuan niya. Siguro dahil may kayakap siyang babae, sabagay, hindi naman niya inaasahan na babalik ka pa.

At bumabalik rin ang lahat kay Blaster.

Tumingin si Blaster sa baba. Hawak-hawak pa niya ang microphone.

Kung ihahalintulad ka ni Blaster sa isang bagay, masasabi niyang ikaw ang mistulang mga ilaw sa daan sa kanyang buhay.

At simula ng mawala ka, pati ang buhay niya naging puno ng kadiliman. Parang isang bahay na walang kuryente at walang kandila.

Tumulo ang isang patak ng luha mula sa kanyang malulungkot na mga mata. Matatapos na ang kanta, at wala ka na rin sa kanyang paningin kahit pilit niyang iaangat ang kanyang ulo.

Wala ka na.

Pati sa piling niya, wala ka na rin. Wala na ang kanyang "ilaw sa daan".

"Mundo'y magiging ikaw...parin."




    ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬    


a/n: HENLO! ITO NA TALAGA! ITO NA ANG PINAKAHIHINTAY NA SEQUEL! at oo, angsty / realistic ako kaya ganoon haha. as usual, hindi ko po sinasadyang saktan kayo.

natatandaan ko pa nung una kong pinost 'yung kay blaster, less than 100 pa reads nun. NGAYON, 2.7K NA!!! SUPER THANKFUL!! THANK YOU FOR SUPPORTING!

so ayun, don't forget to vote if you loved this one / comment kung nasaktan ko uli kayo / share to ur friends / follow / add to ur library para ma-update kayo!

thank you! and request if you want to :--) pm niyo lang ako

bye xx


Seguir leyendo

También te gustarán

968K 24.3K 23
Yn a strong girl but gets nervous in-front of his arranged husband. Jungkook feared and arrogant mafia but is stuck with a girl. Will they make it t...
411K 12.4K 94
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
165K 5.9K 91
Ahsoka Velaryon. Unlike her brothers Jacaerys, Lucaerys, and Joffery. Ahsoka was born with stark white hair that was incredibly thick and coarse, eye...
356K 15.4K 39
જ⁀➴ᡣ𐭩 hidden, various hazbin hotel characters x female reader જ⁀➴ᡣ𐭩 𝑰𝒏 𝒘𝒉𝒊𝒄𝒉 we follow an angel named y/n, who had her bes...