ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 42: DEAD EVERYWHERE
Chapter 43: LOSS
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 44: BATHALA'S DEATH

364 23 5
By angelodc035

"Alam kong walang kapatawaran ang ginawa ko Arathanias. Pinagsisisihan ko kung bakit nakinig pa ako sa aking kapatid. Nalinlang niya ako. Nalinlang ako ni diyosang Bulan." Ang wika ni diyosang Tala habang nakatayo sa balkonahe sa tore ng tahanan ng matandang pantas.

"Lahat nagkakamali mahal na diyosa. Hindi rin tayo perpekto tulad ng mga tao. Pero sa pagkakamali tayo ay natututong bumangon para itama ang pagkakamaling nagawa natin." ang tugon ni Arathanias.

"Mapapatawad pa ba kaya ako ni Amang Bathala sa nagawa ko sa kanya?" ang muling tanong ni diyosang Tala na mangiligngilid ang kanyang mga luha.

Bumuntung hininga si Arathanias at hinagod ang likod ng itinuturing niyang anak na si diyosang Tala. "Walang ama ang hindi nagpapatawad sa kanyang anak mahal kong diyosa. Kailan man ay hindi matitiis ng ama ang kanyang anak gaano man o makailang ulit itong magkasala sa kanya. Kaya nga naririto ka dahil gusto mong itama ang iyong pagkakamali di ba?"

Tumango si diyosang Tala at humarap naman sa kanya ang matandang pantas. Pinunasan ni Arathanias ang mga luha sa mata ng diyosa.

"Huwag mong sayangin ang iyong luha mahal kong diyosa. May oras pa para gumawa ng paraan para mailigtas ang iyong ama." ang wika ni Arathanias at ngumiti sa kanya.

"Paano? Sa ngayon ay hindi ko na alam kung ano ang aking gagawin para mailigtas ang aking ama..." natigilan si diyosang Tala ng may maalala. "...teteka, yung...yung tungkod ng aking ama. Yung tungkod niya kailangan ko itong makita."

"Huminahon ka mahal na diyosa, nasa mabuting kamay ang tungkod ng iyong ama. Hindi ko hahayaang mapasakamay iyan ng mga Mangcucusing na tumutugis sa'yo." ang mahinahong tugon ni Arathanias sa kanya.

"Mangcucusi?" ang nagtatakang tanong niya sa matanda.

"Mangcucusi, sila ang mga mangkukulam na dalubhasa sa mga dasal at gayumang ginagamit sa pagpatay sa mga tulad po ninyong diyosa. Sila ang sinasabing lahi ni diyosang Cusi na pinalayas ng iyong ama sa kalangitan dahil sa pakikipagrelasyon sa isang kampon ng kadiliman." ang paliwanag ni Arathanias kay diyosang Tala.

"Alam ko ang kuwento tungkol kay diyosang Cusi. Pero wala akong nakitang kakaiba sa mga nakalaban ko. Wala akong nakita sa kanila na may kinalaman kay diyosang Cusi." ang naguguluhang paglalahad ni diyosang tala sa matanda.

"Isa sa mga nakalaban mo ay ang isa sa mga kambal na anak ni diyosang Cusi mahal na diyosa."

"Ha? Si...sino?"

"Ang may marka sa noo, ang tanging nakaligtas sa pagguho." ang tugon ni Arathanias kay diyosang Tala.

Pilit na inalala ni diyosang Tala kung sino sa mga tatlong Manggagaway na nakasagupa niya ang may marka sa noo. May napansin nga siya na isa sa mga ito may tattoo sa kanyang noo at siya marahil ang mangcucusi na tinutukoy ni Arathanias. Daneria...hindi Daneria sigurado siya na hindi iyon ang pangalan ng babae pero halos ganun ang kanyang pangalan.

"Daneria... Daneria." iniling-iling niya ang kanyang ulo dahil hindi siya sigurado na iyon ang tamang pangalan ng Mangcucusi. "Hindi, hindi ganun ang pangalan niya. Dameria... Darelia...Tsk! Daleria? Oo Daleria yun ang pangalan niya." ang wika nito sa sarili.

"Daleria, Daleria ang pangalan niya Arathanias." ang siguradong sabi ni diyosang Tala sa matandang pantas.

"Daleria... Hmmm... kailangan natin makasiguro na siya ay isang Mangcucusi. Maaring isa sa kambal o isa na lamang sa mga lahi ni diyosang Cusi." Ang mahinahong wika ni Arathanias.

"Paano kung isa nga siyang tunay na Mangcucusi at isa sa mga kambal? May dahilan ba para mabahala tayo sa kanila?" Ang tanong ni diyosang Tala.

Huminga ng malalim si Arathanias at tumingin sa mayayabong na mga puno sa paanan ng bundok na malapit sa kanyang tahanan. "Paghihiganti at poot ang namamayani sa kanilang mga puso mahal na diyosa. Paghihiganti sa ginawa ni Bathala kay diyosang Cusi at sa asawa nito. Pakay nilang simsimin ang dugo ng mga diyosang tulad po ninyo para makuha ang inyong kapangyarihan. Lahat ng mga nilalang na may dugo ni Bathala ang gusto nilang biktimahin."

Noon ay napagtanto ni diyosang Tala na napakarami palang galit sa kanyang ama. Mga naging kalaban sa napakahabang panahon ng pinamunuhan niya ang sanlibutan. Mas lalong dumami ang mga naging kalaban niya ng pinaboran niya ang mga tao kaysa sa mga tulad niyang mga makapangyarihang nilalang. Pero alam ni diyosang Tala na may mabigat na dahilan ang kanyang ama kung bakit mas pinili ang mahihinang tao kaysa sa mga tulad niyang matataas na uri ng nilalang.

Kung may kambal na anak si diyosang Cusi at ang isa sa mga ito ay si Daleria, sino naman ang isa sa mga kambal? Saan siya dinala ng kanyang amang Bathala ng kunin siya nito kay diyosang Cusi? Buhay pa ba siya o pinatay din ng kanyang ama ang isa sa mga kambal?

"Arathanias, may alam ka ba kung nasaan ang isa sa mga kambal ni diyosang Cusi?" ang biglang tanong ni diyosang Tala sa matanda.

Tila nag-isip muna si Arathanias ng isasagot kay diyosang Tala dahil siya man ay walang alam sa sinapit ng sanggol kay Bathala. "Ikinalulungkot ko mahal na diyosa. Tanging si Bathala lamang ang nakakaalam kung nasaan na ang isa sa mga kambal ni diyosang Cusi. Nang araw na tumakas ang diyosa ay tatlong araw na nawala si Bathala, dala-dala ang bagong silang na sanggol. Pagbalik niya ay hindi na niya dala ang sanggol at kailan man ay wala na siyang binanggit pa tungkol dito." ang tugon ni Arathanias sa diyosa.

Akmang magtatanong pa sana si diyosang Tala ng maramdaman nila ang napakalakas na pagyanig sa paligid. Napahawak ang diyosa sa tarangkahan ng balkonahe dahil sa sobrang lakas ng pagyanig. Gayon din ang ginawa ni Arathanias habang minamasdan ang mga naglalaglagang mga bahagi ng pader ng kanyang bahay at pagkapunit ng sahig.

Nagliparan ang mga iba't-ibang uri ng mga ibon mula sa mga mayayabong na mga puno sa kagubatan at unti-unting natitibag ang lupa sa gilid ng mataas na bundok. Namuo ang makakapal at napakaitim na kaulapan sa kalangitan at nagsimulang umihip ang napakalamig na hangin.

Sa kagubatan ay nagsimulang nagsitakbuhan ang iba't-ibang uri ng mga hayop na naging balisa dahil sa malalakas na mga pagyanig. Habang ang mga nangangalit na mga alon sa dagat ay mapuwersang humahampas sa mga dalampasigan.

Mga mapupula at matatalim na kidlat ang pinakawalan ng mga maiitim na ulap kasabay ng mga nakabibinging mga kulog. Umaalipuyo ang hangin sa mga sanga ng mga puno na isa-isang nagbabagsakan sa sahig ng kagubatan.

Mula sa kalangitan ay nagsibagsakan ang naglalakihang mga butil ng yelo na kumikitil sa lahat ng nilalang na may buhay sa paligid. Lahat ay nagbabadya at nagbihay ng takot sa lahat ng naroroon.

Binalutan ng takot si Arathanias sa nakita niyang nangyayari sa paligid nila. Alam niyang may dahilan bakit nangyayari ang delubyo sa kinaroroonan nila. Alam din niya na nangyayari rin ito sa bawat sulok ng daigdig. Batid niya ang ibinabadya ng mga nangangalit na hangin at mga matatalim na kidlat. Nangyari na ang kanyang kinatatakutan.

"O mahabaging Bathala..." ang mahinang wika nito sa sarili.

Tila nahiwagaan naman si diyosang Tala sa sinabi ni Arathanias. Bakas sa mukha nito ang matinding takot habang nakatitig sa matanda, naghihintay sa susunod na sasabihin nito.

"Naganap na..." napaluha ang matanda at tumingin sa mata ni diyosang Tala. Tila napaso ang mga mata ng diyosa sa pagkakatitig sa kanya ni Arathanias. Ibinaba ng diyosa ang kanyang tingin at naghihintay ng kung ano ang gustong sabihin ng matanda.

"...pa...patay na si Bathala." ang dugtong ni Arathanias kasabay ng kanyang pagtangis.

Nanlambot ang mga tuhod ni diyosang Tala at napaupo sa kanyang kinatatayuan habang patuloy ang mga pagyanig sa paligid. "Hihindi...hindi puwedeng mamatay ang aking ama. Hindi ito puwedeng mangyari. Isa siyang diyos, isa siyang imortal." ang di makapaniwalang wika ni diyosang Tala kasabay ng kanyang paghagulgol dahil sa nangyari at sa mga nagawa niya kay Bathala.

------------------
Mula sa Labuad ay ginising ng napakalakas na mga pagyanig si Laurea. Ngayon lamang nakaranas ng sobrang lakas na mga pagyanig ang diwata sa buong buhay niya. Dinig na dinig niya ang mga sigawan at halakhakan na tila natutuwa pa sa mga nangyayaring mga malalakas na pagyanig.

Sinubukang tumayo ni Laurea pero ramdam pa rin niya ang panghihina dahil sa paggamit nito sa kanyang kapangyarihan. Nakaragdag pa ang mga pagyanig sa nararamdaman niyang pagkahilo kaya hirap siyang makatayo.

Mula sa pintuan ay iniluwa nito si Anilaokan na napakaaliwalas ng mukha dahil sa mga ngiti sa mga labi nito lalo na ng makita niya si Laurea.

"Mahal ko, ito na ang simula ng ating pagdiriwang para sa tagumpay ng lahat ng mga anak ng buwan!" Ang tuwang-tuwang wika nito habang lumalapit kay Laurea.

"Ha? Anong ibig mong sabihin?" Ang nagtatakang tanong ni Laurea.

Iniabot ni Anilaokan ang kanyang kamay kay Laurea. "Tara! Sumama ka sa akin para malaman mo kung ano ang sinasabi ko." ang paanyaya nito kay Laurea.

Agad namang tinanggap ni Laurea ang kamay ni Anilaokan para paunlakan ang paanyaya nito. Tila hinigop sila ng hangin at sa isang kisap-mata ay nasa tore na sila ng palasyo. Halos mapaluhod si Laurea pagkakita sa walang buhay na katawan ni Bathala sa sahig ng tore. Nawala na ang puwersang bumabalot sa kanya at isang metro mula sa kanyang kinaroroonan ay ang walang buhay ding langgam na tinatawag nilang Antique o Antik.

"Mahabaging Diyos, aanong...anong ibig sabihin nito mahal ko?" Ang di makapaniwalang tanong ni Laurea na napatakip ng bibig dahil sa di inaasahang kinahinatnan ni Bathala.

"Tagumpay ang mga anak ng buwan mahal ko. Wala na si Bathala, patay na si Bathala." Ang tuwang-tuwang tugon ni Anilaokan at saka humalakhak ng napakalakas.

Hindi...hindi puwedeng mangyari ito. Hindi puwedeng mamatay si Amang Bathala. Hindi ito puwedeng mangyari...
Ang naglalaro sa isip ni Laurea. Hindi puwedeng mamatay ng gayon na lamang ang kanilang tagapangalaga ng mg sanilikha. Pero kailangang hindi siya dapat mahalata ni Anilaokan para mapaniwala siya nito na nahulog na rin ang loob niya sa kanya at tuluyan ng alisin ang mga orasyon sa kanya. "Sa pagkamatay ni amang Bathala, ano na ang mga susunod na mga hakbang para masiguro ang inyong...ang ating tagumpay?"

"Wala ng makakapigil..." natigilan si Anilaokan ng biglang may sumabad na boses ng isang matandang babae sa kanya. Napalingon sina Laurea at Anilaokan sa kinaroroonan ng boses sa kanilang likuran.

"Wala ng makakapigil pa sa aming tagumpay Mariang Sinukuan!" ang tugon ng matandang babae kay Laurea.

"Mahal na panginoong diyosang Bulan." ang halos matarantang pagbibigay pugay ni Anilaokan sa matandang diyosa.

Nanatiling nakatingin lamang si Laurea kay diyosang Bulan. Kaagad na hinila ni Anilaokan si Laurea para magbigay pugay sa diyosa at iyon nga ang ginawa kaagad ni Laurea.

Parang langaw na pinagmasdan ng matandang diyosa ang kanyang namayapang ama. Walang kaamor-amor na nakangiti pang si diyosang Bulan. Nasa katandaan na ang estado ng buwan sa kalangitan kaya matandang diyosa ang diyosang Bulan sa kanilang harapan. Ilang araw lang ay isang batang diyosa ang kanilang makikita tulad ng pagsisimula muli ng bagong buwan sa kalangitan. Alam ni Laurea na nasa kahinaan ngayon ng kapangyarihan ni diyosang Bulan at tatagal iyon ng ilang araw. Kaya sasamantalahin niya ang pagkakataong nasa kahinaan ito bago ang nalalapit na pagbilog ng pulang buwan na siyang kalakasan ng diyosa. At ito rin ang araw ng pag-iisang dibdib nila ni Anilaokan na ayaw nitong mangyari.

Paika-ika sa paglalakad si diyosang Bulan. Ang dati'y napakagandang mukha nito ay puro kulubot ang balat na pumalit dito. Ang napakaitim na buhok na hanggang tuhod ang haba ay inililipad ng hangin na puro puti ang bawat mga hibla. Madalang lamang lumabas si diyosang Bulan mula sa kalangitan lalo na kapag nasa katandaan ang estado ng buwan. Pero espesyal ang araw na ito para sa kanya. Pinaghandaan niya ang araw ng kamatayan ng kanyang ama. Dahil simula sa araw na 'to ang araw na pinakahihintay niya dahil siya na ang pinakamakapangyarihang diyos sa sanlibutan. Walang sino mang nilalang ang makakatalo sa kanya kung...

"Kailangang mapasaakin ang tungkod ng aking ama, Anilaokan. Bakit yata hanggang ngayon ay hindi mo pa nasusukol ang aking kapatid na si Tala?"

"Mahal na diyo..." natigilan si Anilaokan ng makaramdam ito ng pananakit ng kanyang dibdib.

"Panginoon ang itawag mo sa akin dahil patay na ang aking ama." ang sabi ni diyosang Bulan na ginagamitan niya ng kapangyarihan si Anilaokan.

"Ma...masusunod po panginoon." ang pilit na tugon ng lalaking diwata na napaluhod na sa sobrang sakit na nararamdaman.

Ikinumpas ni diyosang Bulan ang kanyang kanang at nawala ang paninikip ng dibdib ni Anilaokan. Bumagsak pa rin sa sahig ang lalaking diwata at isang malalim na pagsingahap ang ginawa nito para mahabol ang kanyang paghinga.

"Ako na ang pinakamakapangyarihan sa lahat ng diyos sa sanlibutan dahil wala na rin ang dating anghel na si Behemot."

Napatingin sina Anilaokan at Laurea sa matandang diyosa at hinihintay ang mga susunod na salitang sasabihin nito tungkol sa pagkamatay ni Behemot.

"Masyadong napakahina ni Behemot, masyadong malambot ang kanyang puso sa kanyang anak. Nang dahil sa pag-ibig nagdulot ito ng kamatayan para sa kanya." ang muling wika ni diyosang Bulan at ipinako ang kanyang mga tingin kina Anilaokan at Laurea.

"A...ano pong ibig ninyong sabihin pa...panginoong Bulan?" ang lakas-loob na tanong ni Laurea.

"Pag-ibig!" humalakhak ito ng malakas. "Oo. Pag-ibig ang naging dahilan ng kanyang kamatayan! Pag-ibig ng isang ama para sa kanyang pinakamamahal na anak. Yan ang nagpahina kay Behemot! Dahil ang pag-ibig ay nagpapakita ng kahinaan. Pag-ibig ang siyang sisira sa kahit na sinong nilalang dito sa sanlibutan!" Sabay turo kay Anilaokan. "Yan din ang iyong kahihinatnan Anilaokan! Ang pag-ibig mong yan para kay Sinukuan ang kikitil sa buhay mo!"

Gusto sanang magsalita ni Anilaokan para depensahan ang pag-ibig nito kay Laurea ng hinawakan siya ng diwata para pigilan. Muli ay naglakas ng loob si Laurea na nagtanong muli kay diyosang Bulan.

"Kung inyo pong mararapatin panginoong Bulan sino po ang tinutukoy ninyong anak ni Behemot? Sa haba ng panahon na naririnig ko ang pangalan ni Behemot ay wala akong narinig na may anak pala si Behemot."

"Ang babaeng tinutukoy sa propesiya. Ang makapangyarihang nilalang na nagmula sa isang napakamakapangyarihang diwata ng ikatlong mundo. Pinalakas siya ng panahon. Pinagsama-sama ng iba't-ibang dugo ng mga nilalang ng mabuti at masama ang kanyang kapangyarihan. Siya ay tinatawag na Odessa sa mundo ng mga mortal!" Ang tugon ni diyosang Bulan.

Napanganga si Laurea at halos maiyak sa kanyang narinig mula sa bibig ng matandang diyosa. Si Odessa na kanyang itinuturing na kapatid. Si Odessa na kanyang inalagaan at ginabayan para hindi ito lukubin ng kasamaan. Si Odessa na siya pala ang tinutukoy na tagapagsalba sa buong sanlibutan.

Biglang umangat sa ere si Anilaokan gamit ang kapangyarihan ni diyosang Bulan.

"Kaya inuutusan kita na sukulin mo ang aking kapatid ng buhay para kuhanin ang tungkod ng aking ama. Ang tungkod na 'yon ang magbibigay sa akin ng labis na kapangyarihan para madali kong mapapatay ang sino man gustong pumigil sa akin para pamunuan ang sanlibutan. Hindi ang tulad lang ni Odessa ang pipigil sa akin sa aking inaasam na tagumpay! Kaya..." muli ay ikinumpas ni diyosang Bulan ang isa pa nitong kamay at biglang tumilapon si Laurea patungo sa mayayabong na mga puno.

"Maria!" ang tanging naisigaw ni Anilaokan ng makita ang pagtilapon ni Laurea papunta sa mga kakahuyan. Pero nanatili sa himpapawid ang pinakamamahal niyang si Mariang Sinukuan.

"...kaya mawawala sa'yo ang pinakamamahal mong si Sinukuan kapag hindi mo nagawa sa loob ng tatlong araw ang paghuli ng buhay sa aking kapatid at para makuha ang tungkod ng aking amang si Bathala. Binalaan na kita dati Anilaokan. Patunayan mo na hindi ako nagkamaling binuhay pa kita mula sa kamatayan!" Ang pagbabanta ni diyosang Bulan sa lalaking diwata. Pinakawalan niya mula sa kanyang kapangyarihan si Anilaokan. "Ngayon kung mahal mo nga si Sinukuan. Iligtas mo siya mula sa kanyang napipintong kamatayan." Pagkasabi ay pinakawalan niya ang kanyang kapangyarihan kay Laurea at bumulusok ang diwata sa pagkahulog sa mga nagkakapalang mga puno sa kagubatan.

"Hindeee!!!" ang sigaw ni Anilaokan at walang inaksayang oras na tumakbo sa gilid ng tore ng palasyo para sagipin ang pinakamamahal niyang si Laurea. Nakangiti namang pumasok na sa loob ng palasyo si diyosang Bulan na tuwang-tuwa sa kanyang ginawa sa diwatang si Laurea at Anilaokan.

Biglang nawala sa kinatatayuan si Anilaokan at mabilis na sinundan sa pagkahulog ng kanyang pinakamamahal na si Mariang Sinukuan. Pero wala na roon si Mariang Sinukuan na tila naglaho rin na parang bula.

Mula sa tore ng palasyo ay doon bumagsak si Laurea sa tabi ng walang buhay na katawan ni Bathala. Hindi nito inalintana ang sakit ng kanyang pagbagsak lalo ng mahawakan nito ang malamig na katawan ni Bathala. Pero biglang tumigas na tila isang malaking bato si Bathala at unti-unting naging abo habang isinasama ng hangin ang bawat butil ng katawan nito. Tuluyan na nga bang namatay na si Bathala? Ano na ang kahihinatnan ng sanlibutan kung wala na nga ang diyos na tagapangalaga sa sanlibutan?
---------------

"Nababahala ako mahal na diyosa." Ang wika ni Arathanias habang inaayos niya ang mga nasirang bahagi ng kanyang bahay gamit ang kapangyarihan.

"Nababahala saan?" ang tanong ni diyosang Tala habang itinatabi ang mga nagkalat na kagamitan na naitumba ng malakas na pagyanig.

"Nababahala ako sa kahihinatnan ng Sanlibutan ngayong wala ng ang inyong amang si Bathala. Mawawala ang balanse sa mundo at mawawalan ng kaayusan. Maliligalig ang lahat ng nilalang at kusang masisira ang mundong nilikha ng Diyos na May-Kapal. Maghahari ang kasamaan, maghahari si Bulan."

Napapikit si diyosang Tala at saka bumuntong hinihinga. Kasalanan niya kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Kasalanan niya dahil naging mahina siya at nalinlang ng kanyang kapatid na naging dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama. Napaupo siya at pumatak ang mga luha sa kanyang mga mata. Napakabigat ng kanyang dinadala dahil sinisisi niya ang kanyang sarili. Kasalanan niya. Hindi niya ito kakayanin.

"May magagawa pa ba para pigilan ang lahat ng ito Arathanias?" ang nanginginig na boses na tanong niya sa matanda.

Nanatiling nakatingin lamang ang matanda kay diyosang Tala. "Sana hindi pa huli ang lahat mahal kong diyosa." Ang malungkot na tugon ng matanda. Iniabot nito ang kanyang kamay sa kanya. "Halika..." ang paunlak niya.

Tinanggap niya ang kamay ng matanda at sumama ito sa kanya. Pumasok sila sa loob ng isang silid. Nagkalat ang mga nahulog na gamit sa sahig pagpasok pa lang nila dito. Madilim ang lugar at tanging ang ilaw na nanggagaling mula sa sikat ng araw ang tumatagos sa kisame nitong gawa sa salamin.

Inilibot ni diyosang Tala ang kanyang mga mata sa paligid. Nagkalat ang mga libro at mga boteng naglalaman ng mga iba't-ibang likido na ginagamit ng matanda sa pananaliksik at pagpapakadalubhasa. Karamihan sa mga gamit sa loob ay natatakpan ng mga tela. Pero isang bagay ang pumukaw ng pansin kay diyosang Tala. Madalas siyang bumibisita sa tahanan ni Arathanias pero kailan man ay hindi niya napansin ang itim na salaming nakatayo sa pinakagitna ng silid. May taas itong sampung talampakan at lapad na pitong talampakan. Pamilyar kay diyosang Tala ang salamin sa kanyang harapan, hindi lang niya matandaan kung saan niya ito nakita.

Ang salamin ay gawa sa itim na kristal na nagmula pa sa kabundukan ng Elmhyr sa Eloria. Ang salamin mismo ay ginawa ni Dumauen ang diwatang kayang makita ang hinaharap. Noong panahon ng mga digmaan ay nagpalipat-lipat ang salamin sa iba't-ibang kamay ng mga makapangyarihang diyos at diyosa maging sa mga diwata. Ginamit ito sa kasamaan at kabutihan depende kung sino ang humahawak nito. Pero sa pinakahuling digmaan ng mga diyos ay biglang naglaho ang salamin at ang balita noon ay nabasag ito habang sakay ito ng barko papuntang Quinta. Kasamang lumubog ang mga piraso ng salamin sa barkong sinasakyan nito nang hampasin ng naglalakiang mga alon ang sasakyang pandagat. Paano ito napasakamay ni Arathanias?

"Ang Salamin ni Horacia o kilala rin sa pangalang Delphi mahal na diyosa ang magbibigay ng kasagutan sa inyong mga katanungan. Ito ang salamin na pinangalanan ni Horacia na Balintataw na magpapakita sa atin ang kahihinatnan ng Sanlibutan sa pagpanaw ng inyong amang si Bathala." ang paliwanag ni Arathanias kay diyosang Tala.

Hinawakan ni Arathanias ang salamin at umusal ng mga dasal. Nagkaroon ng tila mga alon ang salamin habang dinadasalan iyon ng matanda. Mula sa mga gilid ng salamin ay unti-unting gumuhit ang nakakasilaw na liwanag. Tumingin si Arathanias sa tila kinakabaang si diyosang Tala.

"Mahal na diyosa, halina't tayo ng tuklasin ang hinaharap ng sanlibutan." ang paanyaya sa kanya ng matandang pantas.

Tila may kung anong puwersa ang nagtutulak kay diyosang Tala para lumapit sa salamin. Nawala ang lahat ng takot sa kanyang isipan maging ang kanyang mga alalaanin. Unti-unti ay pumasok sina diyosang Tala at Arathanias sa loob ng Balintataw.

Continue Reading

You'll Also Like

20.6M 758K 74
◤ SEMIDEUS SAGA #01 ◢ Semideus - demigod, a half-immortal child of a God or Goddess. Abigail Young is a student recently expelled from her previo...
103K 2.4K 34
[EDITING] Do you believe in magic? Do you believe in charms? Do you believe that these magical things can create a family you won't forget? If yes...
179K 5.3K 45
Si Airy, ang huling Fairy Warrior ay lalaban para sa kalayaan ng kanyang lupain mula sa masamang si Queen Fright. Ngunit hindi madali ang tatahakin n...
369K 24.8K 144
Katropa Series Book 13 - Matapos ang matinding trahedyang nangyari sa pamilya sa kamay ng mga tao sa simbahan, tuluyan nang tumalikod ang Nephilim na...