Hindi ako makasingit kay Sehun, hindi ko alam kung dapat ko na ba siyang tawagin para marinig niya ako at mapansin niya. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang kalabitin.
Hawak niya yung phone niya at may kausap dito. Hindi ko alam kung sino yun pero magiisang oras na siyang may kausap don. At ang nakakainis pa, hindi ko alam kung sino yun dahil ngiting ngiti siya at tumatawa pa.
Gusto kong magpasama sa kanya sa doctor because it's my check up today. Pero hindi ko naman siya maaya aya dahil busy siya. Hindi ko naman pwedeng ayain si Baekhyun, kakaalis lang nila papuntang New York kagabi, tapos si Kyungsoo sinamahan ni Jongin para sa test nito para sa license niya. Si Minseok naman lalo at may baby na yun mas busy siya. May awa naman ako kay Jongdae, siya na nga tiga gawa ng gawaing bahay baka sa kanya pa ipaalaga si Baby Jongmin.
"Babe" bulong ko at nilapitan siya, hinila ko yung dulo ng damit niya.
Tiningnan niya ako pero diretso parin siya sa pakikipag-usap sa phone niya.
"Wait" sabi niya dun sa kausap niya sa phone at ibinaba yung phone niya.
"Im busy, Lu" napakunot ako nang hindi niya ako tinawag na Bambi. "Nagtatrabaho ako."
"Wow naman" sarcastic na sabi ko. "Work on the phone eh? Kailan ka pa nag-opera ng cellphone?"
"Im talking to one of my patient." He coldly said. "Ano ba gusto mo?"
Tiningnan ko siya ng masama at lumayo sa kanya. Naiinis ako sa kanya. Sobra. Sino ba kausap niya sa phone na yun?
I don't want to drop in conclusions that he is cheating on me but he's acting this cold. Ano bang meron?
"You forgot it don't you? It's my check up today." Malamyang sabi ko sa kanya. "You're too busy about something. Sino ba yang kausap mo?"
"Sabi kong pasyente ko diba? Saka I can't accompany you for today. You can call Kai or Kyungsoo or kung sino man na gusto mo"
"You can't accompany me? Gaano ba kaimportante yang pasyente mo?" Tinaasan ko siya ng kilay. "Bakit si Jongin? Inuna niyang samahan si Kyungsoo kahit dapat may work din siya ngayon? Tapos dahil lang may kausap ka hindi mo ako sasamahan? Aba boom panes."
"You know what Luhan? Just...just stop. Maghanap ka muna ng sasama sayo. Im pretty busy" bumalik siya sa pag-kausap niya don sa kung sino man yung nasa phone.
"Gusto ko ikaw kasama ko!" Sigaw ko. "You promised me na hindi ka mag-aabsent sa mga check ups ko. And you turn me down because you're busy talking to someone in your fcking phone?"
"I SAID STOP!" sigaw niya. "Nakita mong busy ako. Marami akong iniintindi kaya huwag ka nang dumagdag pa. Kung gusto mong magpacheck up, magpacheck up ka." he glared at me kaya napaatras ako. "Hindi ko naman ginustong mabuntis ka agad. I have many plans, we're both not ready"
Ilang segundo akong napatigil sa kinatatayuan ko dahil sa huling sinabi niya. Napa-blink pa ako bago maramdaman ang pamumuo ng mga luha sa mata ko. Pinagsisihan niya? Pinagsisihan niya na magkakababy na kami? Kaya ba siya natahimik nung sinabi ko sa kanya nun. Siya pa mismong nagsabi na Im already giving signs pero anong kagaguhan to?
Napailing ako sa kanya at napapikit ng mariin. "You regret this?" Tiningnan ko siya sa mata bago kunin yung phone at bag ko na nasa sofa lang. "Nakakaloka ka naman, Hun. Hahahaha. Tangina. Ano to? Noong una gusto mo tapos ngayon hindi na? Wow naman diba."
Nagsimula na akong maglakad palabas ng condo niya pero hinabol niya ako at hinawakan yung braso ko.
"Bambi, s-sorry. Wait. I didn't mean it" sabi niya but I shrug him off.
"Pag-isipan mo muna lahat. You know what Sehun? I never thought of hearing those words from you" marahas kong pinunasan ang luha ko at hinila ang braso ko sa kanya. "Busy ka masyado ngayon eh, baka alam mo yun, nakakaistorbo ako sa'yo. Aalis muna kami ni Baby, I'll give you time to think. Saka kausapin mo na yang kausap mo sa phone mo" tiningnan ko yung phone niya na hawak niya. "Bye."
Lumabas na ako ng kwarto niya at hinawakan ang tyan ko at tahimik na umiyak. Hinihiling ko na habulin niya ako, napakababaw lang na away namin nito, i only want his company and attention.
Nagdahan-dahan lang ako sa paglalakad pero hindi ko man lang narinig yung pagtawag niya sa pangalan ko o ang paghabol niya sa akin.
Pero ayun, walang naghabol.
Naglakad ako palabas ng hospital, pumunta ako mag-isa at nagpacheck up mag-isa. Sabi ng doctor the baby is healthy. Im 3 months pregnant and 6 months to go bago ko makita ang baby ko.
Napahinga ako ng malalim nang sumagi sa isip ko yung away namin ni Sehun kaninang umaga. Hindi niya pa ako tinetext or tinatawagan. Napangiti ako ng mapait, siya pa ba galit ngayon. O baka naman busy siya don sa kausap niya sa phone parin
Naramdaman ko yung pagtunog ng tyan ko, hindi pa nga pala ako nag-aalmusal.
"Baby, gutom ka na ba?" Bulong ko at hinimas ang tyan ko. Ngumiti ako ng maliit "kakain na tayo ni Mama. For sure gutom ka na baby ko"
Bago tumawid, tiningnan ko muna yung kanan at kaliwa ng kalsada saka naglakad papunta sa restaurant sa tapat ng hospital.
Papasok na dapat ako ng restaurant nang makita ko si Sehun na pumasok din doon, siguro gusto niya din kumain dahil wala ako para ipagluto siya.
Pumasok na din ako sa loob para sana lapitan siya pero napaatras ako bigla. At napatakip sa bibig ko at napaiyak na naman.
I saw Sehun, he is kissing the girl in front of me. And every ideas pops out on my mind will end to him cheating on me.
Bakit ambilis naman? Tapos ang gulo? Agad akong tumalikod at naglakad paalis ng pesteng restaurant na yun. Ano pa bang ilalala ng araw na ito? Sobrang sakit. Sobrang hirap.
Napahawak nalang ako sa bibig ko para tigilan ang mga hikbi ko. Pinunasan ko din ang mga luha ko.
"Hoy Luhan!" May tumawag sa akin pero di ko siya pinansin. Patuloy lang ako sa paglalakad ko habang tahimik na umiiyak.
"Hoy! Luhan huwag kang bastos at kausapin mo ako"
Hindi ko siya pinansin at naglakad lang ng tuloy tuloy, wala na akong lakas para magsalita pa. Wala na akong lakas para lumaban pa.
Nagulat ako nang biglang may humila sa braso ko kaya agad kong hinawakan ang tyan ko para protektahan ito.
"You slut!" Sigaw niya sa akin "tinatawag kita diba? Kanina pa kita hinihintay. Bakit ikaw pinili niya ha? Tapos ngayon nabuntis ka pa" tiningnan niya yung tyan ko bago ibaon nang mahigpit yung kuko niya sa braso ko.
Pero hindi ko magawang itulak si Irene palayo sa akin. Hinila niya ako papuntang Parking Lot nung restaurant pero wala man lang pumigil.
Umiyak lang ako habang hawak ang tyan ko, kailangan ko nalang protektahan siya.
"You bitch!" Sigaw niya at itinulak ako. Napaupo ako sa sahig at naramdaman ko yung sakit. "Dapat sayo mamatay! Wala kang kuwenta!"
"I-irene, please. Huwag ngayon"
"Eh gusto ko ngayon." Hinila niya yung buhok ko kaya napatayo ako sinusubukan ko siyang itulak palayo pero ang higpit ng hawak niya sa akin
"Kinuha mo siya sa akin. Kinuha mo yung taong mahal ko!"
"I-irene" tinulak ko siya pero tinulak niya rin ako. Nanghihina ako sa mga nangyayari ngayong araw. "T-tama na please"
"Ayoko!" Tinulak niya ako ng malakas hanggang tumama ako sa isang kotse don. Tumama yung tyan ko kaya napasigaw ako sa sakit.
Napaupo ako dahil sa pamimilipit sa sakit na nararamdaman ko. Napaupo ako sa sahig pero sinampal pa ako ni Irene.
Napahawak ako sa tyan ko at tiningnan ito. Nanlaki ang mata ko nang makita yung dugo na patuloy na umaagos pababa sa akin. Hinawakan ko yung dugo at nanginginig na tinitigan ito.
"Y-yung baby ko" bulong ko at napahagulgol na. "Y-YUNG BABY KO! T-TULUNGAN NIYO AKO!"
"L-luhan, sorry. H-hindi ko sinasadya"
"T-tulungan niyo ako! Yung baby ko. Y-yung baby ko" yinakap ko yung tyan ko saka umiyak. "Y-yung baby ko. T-tulungan niyo yung b-baby ko"
Nagsimula nang magdilim ang paningin ko hanggang si Taemin kaibigan ni Kai ang huling nakita ko. And everything went black.
*****
(A/N: Lame ng UD ko ngayon. Hahaha. Pero Malapit na mag-10k reads ang Crush. Malapit ko na ibigay gift ko😂)