Kiss Of A Promise

By kittyBlack20

177 70 4

Half the promise people say were never kept,were never made. Dont ever promise more than you can deliver, but... More

KISS OF A PROMISE
A/N
Prologue
Chapter 1: Meeting
Chapter 3: The Deal
Chapter 4: The Kiss
Chapter 5: The Engagement
Chapter 6: Wedding
Chapter 7

Chapter 2: Him

9 12 0
By kittyBlack20

A/N:
Sorry sa matagal na update. Busy lang haha.



Third Person's POV

HACIENDA SEBASTIAN

Sukat sa sinabi ni Raven ay tumigas ang muka ni Neightan na lalo namang ikina dagdag sa kaba ni Raven. Kung hindi sya naka upo ngayon siguro ay baka bumigay na ang mga tuhod nya.

"Inutusan ka ng matandang kausapin ako?".

Itinanong ito sa nakaka takot na tono. At kung nagka taong kilala ni Raven si Neightan ay talagang matatakot siya sa tono nito.

"Kung... Kung ang gusto mong tukuyin ay si Don Alvaro...."

"Kung taga roon ka ay alam mong wala akong ibang tinutukoy". Pag pigil nito sa sinabi nya.

"Hindi ako interesado sa mga sasabihin mo tungkol sa kanya. Pagka tapos ng abogado ay babae naman ngayon ang ipapadala ng matandang yun ah. Unbelievable!"

Hinagod nya ng mas malisyang tingin si Raven mula ulo hanggang paa.

"Sabihin mo sa matandang demonyo na iyon na he's wasting his time. I don't ravish little girls."

Pagka tapos nyang sabihin yun ay dinampot na nya ang susi ng sasakyan sa ibabaw ng mesa at akmang lalabas.

Ipininadala ng matanda? Little girl? Umosbong ang matinding galit sa dibdib ni Raven sa implication na sinabi ni Nicholas sa kanya. Napatayo syang bigla.

"Hindi ako initusan ni Don Alvaro at wag mo akong insultuhin!". Tumaas ang tinig nya bago pa mapigilan ang galit. Hindi sya dapat magalit yan ang paulit ulit na pinapa alala sa sarili ngunit hindi nya maiwasan dahil sa ipinapakitang ugali nito.

Sa simula pa lang ay alam na nya ang nadarama ni Neightan para sa Hacienda Sebastian at kay Don Alvaro dahil bago sya umalis ng Probinsya ay nasabi na ito sa kanya ni Attorney. At napag handaan nya na ito.

"Please, hindi tungkol kay Don Alvaro ang dahilan kung bakit ako napa rito." Biglang nagbago ang tono nya."Matagal na syang patay..."

Huminto sa paglalakad si Nicholas at nilingon sya. Nasa harap nya ito at ilang dangkal lang ang pagitan nilang dalawa.

"So, the old devil has finally dead". Puno ng Sarcasm ang tinig nito na sinabayan ng ngiti na hindi naman umabot sa mata.

"Kung ang balitang iyon lang ang inihatid mo....."

"P-please..." Agap nya." If you're really busy now dahil sa mga kasama mong naghihintay. Handa akong maghintay hanggang sa maka balik ka." Nagmama kaawang tinig ni Raven." Just promise me na babalik ka."

"Bakit ko gagawin yun?" Malamig nitong tanong. Ang mga mata'y inihagod sa mukha niya.

Wearily, inilahad ni Raven ang kamay. "Oh. I don't know," ibinagsak niya uli ang sarili sa lounge.

"I was hoping na kakausapin mo ako. I travelled this far para lang maka usap ka tungkol..... Tungkol sa.... Sa akin.." Napa yuko sya ng ulo dahil sa hiya.

Lalong nagsalubong ang kilay ni Nicholas dahil dun. Bumalik sya sa mesa at dinampot ang Intercom. " Dolly, tawagan mo ang dalawa sa kimchi at sabihin mong made delay ako". Ibinalik sa receiver ang inter phone at naupo sa executive chair nito.

Nagkaroon ng pagkakataon si Raven na ikutin ng tingin ang silid. Lahat ay nagpapakita ng Modernong karangyaan. Mula sa carpet na color chocolate na halos magpa lubog ng rubber shoes nya. Hanggang sa mga kagamitan sa loob ng silid.

Ang lalaki sa harap nya ay parang hari kung umupo sa kanyang trono. Rich and powerful. At sa pagka matay ni Don Alvaro, he is ten times richer.

"Dalawang telegrama ang ipinadala namin sayo ni itay". May bahid na dipensa sa kanyang tinig. Naramdaman ni Nicholas iyon na iwinasiwas ang kamay.

"Don't blame your self. Ibinasura kong lahat ang communication na nang gagaling sa Hacienda Sebastian ng hindi binubuksan." casual nitong sabi.

"Nung una ay hindi ko alam kung paano ako nahanap ng matandang demonyo na iyon."

"May.... Binayaran siyang mga tao para hanapin ka. H-hindi mahirap hanapin ang isang tulad mo. You are a well known business Man." Aniya niya na mahinang boses.

Nagkibit balakat nalamang si Nicholas." I won't even ask you why he brothered. Now, why are you here?".

"Anong tungkol sayo ang sadya mo. Who are you? Maliban sa pangalan mo na Raven Nicole Montesa". Dagdag na tanong nito.

"Months ago ay pinuntahan ka ni Attorney Marques dito para kausapin sa mga naiwan ni Don Alvaro. Pero hindi mo sya pinakinggan." Hirap man na magsalita si Raven dahil sa lakas ng kabog ng kanyang dibdib ay pinilit nya para hindi mag mukang katawa tawa.

"Im not interested". Bagot na sagot ng lalake. Bahagyang naisip ni Nicholas ang matandang abogado ni Don Alvaro para kausapin sya. Pero kahit isang beses ay hindi ito nagkaroon ng pagkakataon sa apat ng beses na pagbalik balik. Ang unang dalawang beses ay nasa singapore sya. Nang maka balik naman ng pilipinas ay hindi nya ito pinakiharapan o kausapin manlang kahit sa telepono. Ang ika apat naman na pagpupumilit nito ay tinutukan nya ito ng baril. Dahik sa takot ay umatras ito palabas dahik sa takot.

"Anak ako ng katiwala ng Lolo mo sa Hacienda". Patuloy ni raven." Hindi naman dapat talaga ako pupunta dito. Kung hindi lang... hindi lang namatay ang... itay.."

Bahagyang nabasag ang kanyang boses nya sa bahaging iyon pero agad nya din itong nabawi." Kaya wag kang mag feeling dyan".

Anim na buwan pa lamang ng mamatay ang kanyang ama. Nakita ni Franco ang nagbabadyang luha sa mata ng dalaga. Mga luhang pinipilit pigilan."kaya ako narito dahil.. dahil hindi ko alam ang gagawin ko."

Lalong nangunot ang kilay ni Neightan dahil sa sinabi ni Raven. Huminga ng malalim si Raven bago ipinagpatuloy ang sinasabi..

"Hindi ko alam ang ano ang gagawin sa Hacienda. Wala akong sariling pera bukod sa nagiisa nalang ako sa villa. Matagal ng naoabayaan ang Hacienda dahil wala ng nag aalaga mula ng mamatay si papa. Naubos ang baka sa dami ng mga Cattle Rustlers na nakaka alam na walang nagbabantay sa Hacienda".

"Ano ang paki alam ko kung ano ang kinahinatnan ng hacienda! Why are you telling me all of this ngayong natitiyak mo na I am not interested. That damned Hacienda can rot to hell for all I care".

"Tama ka pero ako nalang ang tao roon maliban sa ilang pamilyang nanatili sa loob ng hacienda dahil matatanda na sila. At obligasyon mong tingnan ang mga nasasakupan ng hacienda.. at ako responsibilidad mo rin ako.."

"Responsibilidad kita?!"biglang napa tuwid ng upo si Neightan . Pinaglagpas ang unang sinabing obligasyon sa nasasakupan

"are you out of your mind? Paano kita naging responsibilidad?!".

Tumaas ang tingin ni raven. Pinilit na ipaglaban ang kahihiyang nadarama at diretsong tumingin sa kanya.

"Of coures isa ako sa naka tira dun". Oo nga naman Neightan bakit kasi kung ano ano ang iniisip mo. Alam nyang napahiya sya pero hindi nya ito ipinakita.

"Sa maraming taong paninilbihan ng mga magulang ko sa lolo mo ay libreng bahay ay pagkain lamang ang kapalit at kapirasong pera na syang ginagamit ng mga magulang ko sa pag papa aral sa akin.."

"Hindi ko problema iyon.."

"Don Alvaro become a miser". Patuloy nya sa pag sasalita hindi pinansin ang sinabi ni Neightan . "Sa kabila ng halos wala naman talagang suweldo ang mga magulang ko ay patuloy silang naglilingkod ang itay dahil wala naman ibang alam si papa kundi ang pagiging haciendero. At hindi gustong umalis ni papa sa lupain ng matandang alvaro dahil halos doon na rin sya nagkaisip. Walag taong tumagal sa hacienda dahil sa napaka liit na sweldo ng matanda. Kahit katulong ay hindi tumatagal. Kami lang ng magulang ko. At ng mamatay ang inay ay kami nalang ng itay."

"This is ridiculous! Paanong naging responsibilidad kita?" Pagulit nito." I do not even know you". Nauubos na ang pasensya nito sa sandilang ito.

"Iniwan nya lahat ng kayamanan ng buong hacienda".

"Wala akong paki alam sa pera nya. Dapat ay isinama nya na iyon sa hukay!". Tumayo ito at naka pamulsang palakad lakad sa loob ng silid.

"Iyon ang paraan nya ng pag hingi ng tawad. He was too proud para aminin sayo iyon. Siguro alam ng lolo mo kung gaano mo sya kinasusuklaman. You never aswered his letter".

"Miss Montesa. You are digressing. Tungkol sa iyo ang sinasabi mo pag katapos ay ang pangyayari sa hacienda ikinikwento mo sa akin pagka tapoy ay ang matanda. Kung ang ipinarito mo ay para sabihin sa akin na gusto mong manatili sa villa, then you can go home at manirahan ka duon for life! Gawin mo kung ano ang gusto mong gawin. You can even burn the whole hacienda and i won't even give a damn!". Muli nitong dinampot ang susi ng sasakyan.

"Please I cannot go back home. I mean.... magagaw ko lamang iyon kung isasaayos mo ang lahat sa hacienda. At hindi madaling gawin iyon agad agad. Kailangan ang personal mong pangangasiwa. Ekta ektaryang lupain at bahakan na halos wala na halos wala na dahil hindi naman nagpapakawala ng pera ang matanda."

"Damn it! Ano ba talagang gusto mong sabihin?" Totoong nagagalit na ito. Nauubos na ang oras nito sa walang kanuluhang pag uusap. Mahalaga ang paguusapan nila ng mga kasama sa restaurant.

"Magisa nalang ako sa villa na... walang kasama and you're supposed to take care of me".

Dito na kinabahan ng tuluyan si Raven dahil sa nakikita nyang itsura ni Nicholas. Hindi na nya malaman kung tama pa ba na naparito siya. Bakit nga ba nya ipinagpipilitan ang sarili rito? Bakit na niniwala sya sa ama nya na kahig anong mangyari ay hindi sya itataboy ni Neightan.

Hindi madisisyonan ni Neightan kung patuloy magagalit o maaliw sa dalaga. Ipinagkibit balikat nya ang sarili dito. Gayong kung tutuusin ay kinasusuklaman nito ang lahat ng may kinalaman sa matandang Alvaro. Ni hindi sya interesado sa iniwang Panama ng matanda. At hindi nito makuha ang gustong sabihin ni Raven. Ano nga ba ang paki alam nya kay Raven.

Matiim na muli nyang tinignan ni Neightan si Raven. Saktong taas at maganda. Makinis ang morenang kutis. Expressive eyes. Small and upturned nosem full and--soft lips that promise untold delights.

Mabilis nitong inalis ang mga mata sa labi ng babae. Bunuksan ang drawer at isang Chek-book ang kinuha. Sandaling sinulatan ito. Pagka tapos ay ibinigay sa dalaga.

"Alright ito ang pera. Ipa cash mo sa banko. Sa tapat ng opisina. Bilhin mo kung ano man ang kailangan mo". Pormal na sabi nito. Nanlaki ang mga mata ni Raven at napa tayong muli.

"Hindi iyan ang ipinarito ko Mr. Navaro". Sinikap nyang kontrolin ang sariling galit.

"Bilang tagapag mana ng matandang Alvaro ay katungkulan mo na ayusin ang lupain iyon para sa mga tauhang buong buhay nila ay nagtrabaho sila sa lolo mo. I really am sory for coming here. But i was really so scared and there's no one to turn to... And I thought--" hindi na nya itinuloy ang sasabihin. Tumalikod na sya at lumakad patungo sa pintuan.

Nasa door knob na ang kamay nya ng mabilis na kumilos si Neightan patayo para pigilan sya. At bago pa nya mabuksan ang pinto ay naroon na ito sa likod nya at inalis ang kamay nya sa pag kakahawak sa door knob.

"Kailangan mo ng tulong ko. Obvious naman kaya ka nagpunta dito. Ngayong binibigyan kita ng pera nagagalit ka. And you thought what?" Tanong nito na halos nakayakap na sa kanya mula sa likod.

Naramdaman ni Raven ang paghinga nito sa batok nya at dahil dun ay nagtayuan ang balahibo nya. Pilit syang kumakawala pero nakahawak ito sa mga baro nya sa likod.

He was so close. Pakiramdam ni Raven ay hindi sya makahinga. At likod nya ay nakadikit sa dibdib ni Neigtan na sa pakiramdam nya ay may apoy na dumaan sa katawan nya. Magkaibigan at magka babata sila ni Luis Montaño, ang panganay na anak ng may ari ng kabilang lupain. At sa maraming pagkakataon na magkadikit ang katawan nila ay hindi sya nakakaramdam ng ganitong pakiramdam na tila napapaso.

Hinila sya ni Neightan patungo sa visitors chair sa harap ng desk at pina upo sya ng sapilitan.

"Now you thought what?. "Paguulit nitk sa tanong nya. Bigla syang nalito. Kanina lamang ay pinapa alis nya si Raven. Pero hanggang ngayon ay nandito padin at kinukulit nya.

"I really belived my father ng sabihin nya na hindi mo ako itataboy pag lumapit ako sayo". Aniya sa bahagyang naginginig na boses.

Nalilito sya sa damdaming idinudulot ng closeness ng binata sa kanya. Naamoy na ni Raven ang lime scent ng cologne nito. His breath skimming her face. Nakabaon na sa swivel chair. At nang subukan nyang pagulungin paatras ay hindi nya maigalaw dahil pinigilan ito ni Nicholas.

"Why?". Nang magsalubong ang kilay nya sa monosyllabic na tanong na dinagdagan ni Neightan.

"Bakit ka naman naniwala sa papa mo na hindi kita itataboy pag lumapit ka sa akin?"

Itinaas ng dalaga ang muka.

"He.....said....you were supposed to mary me onced I turned eighteen. And Neightan Blu Navarro. I turned eighteen two months ago."

Hindi sya makapaniwala na nasabi nta ang katagang iyun. Oh welk that was her intension pero hindi agad agad sa unang pag kikita pa lamang nila. But this man is not giving her any choice.

Natigilan si Neightan at napatuwid ng upo. Bigla nalang nag flashback sa kanya ang isang malabong alala. Alala ng isang pangako na hindi na nya maalala manlang sa nakalipas na panahon ng kanyang buhay.

"Hanggang sa ika labing walong tag araw, Neigtan Navarro ".

"Anak ka ni.... alfonso". Hindi tanong iyon kundi isang kompirmasyon ka sabay ng pag tagis ng kanyang mga bagang.

Hindi sumagot si Raven kundi nakatitig lamang sa kanya.











End of Chapter 2
____________________

Click the 🌟 to vote

Continue Reading

You'll Also Like

256K 15K 16
"α€˜α€±α€Έα€α€Όα€Άα€€α€œα€¬α€•α€Όα€±α€¬α€α€šα€Ί α€„α€œα€»α€Ύα€„α€Ία€œα€Ύα€―α€•α€Ία€žα€½α€¬α€Έα€œα€­α€―α€·α€α€²α€·.... α€™α€Ÿα€―α€α€Ία€›α€•α€«α€˜α€°α€Έα€—α€»α€¬...... ကျွန်တော် α€”α€Ύα€œα€―α€Άα€Έα€žα€¬α€Έα€€ α€žα€°α€·α€”α€¬α€™α€Šα€Ία€œα€±α€Έα€€α€Όα€½α€±α€€α€»α€α€¬α€•α€«.... α€€α€»α€½α€”α€Ία€α€±α€¬α€Ία€›α€„α€Ία€α€―α€”α€Ία€žα€Άα€α€½α€±α€€...
409K 12.4K 37
The Sokolov brothers are everything most girls want. Intimidating, tall, broody, they are everything to lust after. Not that they... particularly car...
854K 71.3K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
138K 7.6K 40
𝐁𝐎𝐎𝐊 πŽππ„ πŽπ… π“π‡π„πˆπ‘ π…π€πˆπ“π‡ π’π„π‘πˆπ„π’ Aarohi and Siddharth's tale began unexpectedly at her brother's wedding. Their connection spa...