Vampire University

By Xmplcty

19.7K 754 107

Welcome to Vampire University! Ang bagong school para sa mga aspiring students who want to have their dreams... More

Chapter 1: Welcome to Vampire University
Chapter 2: The Host
Chapter 3: In the Gangster's Hands
Chapter 4: Blood and Guns
Chapter 5: The Night Stalker
Chapter 6: A Thirst for Blood
Chapter 8: The Night Students
Chapter 9: Escape From Hell
Chapter 10: The Vampire Hierarchy
Chapter 11: The Vampire Hunter
Chapter 12: Ancient Rivalries
Chapter 13: A Deadly Obssession
Chapter 14: The Abandoned Church
Chapter 15: Bloody Encounter
Chapter 16: Midnight Chase
Chapter 17: The King's Vendetta
Chapter 18: Welcome to Camp Nightmare
Chapter 19: A Wolf's Instinct

Chapter 7: Immortal Love

1.2K 53 5
By Xmplcty

Adrian's POV

Napabuntong hininga ako. Hindi ko alam kung tama ba tong gagawin ko. Pero alam kong ang pinakatamang gagawin muna ay ang magpaalam sa nakatataas.

"Tol sigurado ka ba sa gagawin natin?", tanong ko kay Brian.

"Oo naman! Pero ayun sa narinig ko wala pang nakakakita sa mukha ng Supremo!"

Napalunok ako. Ang makipagkita sa pinakanakatataas na bampira ay nakakatakot. Kinakabahan na ako ngayon. Ay mali, hindi pala tumitibok ang aming puso.

Nakasulat sa pinto ang mga letrang Oficina del Supremo. Kulay pula ang kulay ng pinto. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at pumasok.

Nadatnan ko ang isang lalakeng nakaupo sa kaniyang office chair at nakatalikod at nakatingin sa window. Kaya naman pala, paano makikita ng mga tao ang mukha niya kung tatalikod siya!

May mahaba siyang buhok. Pakiramdam ko tuloy nakikipag usap ako ngayon kay Loki ng Avengers. May isang champagne glass sa kaniyang kanang kamay. Kitang kita ang kulay pula na likido na nasa baso. Hindi ako magkakamali. Obvious naman diba? Dugo yun.

"Magandang umaga, Supremo", sabi ko ng may malalim na boses. Para formal pakinggan.

"Que dijiste?"

Nanlaki ang mga mata ko. Hindi ko ito maiintindihan!

"Ano po?"

"No pierdas mi tiempo!"

Kahit hindi ko naintindihan ang sinabi niya, alam kong galit na siya. Wala na akong ibang ginawa kundi ang tumalikod palabas ng Supreme Office.

"Just kidding, go talk, what do you want?"

-_-

Takte, marunong naman pala mag english!

"I need a permission from you, Supremo"

Uminom siya sa kaniyang champagne bago nagsalita. "What permission"

"I need a mortal to fall in love with me"

Naibuga niya ang kaniyang nainom na "red wine".

"Ahahahahahahahahah"

Tumawa siya ng parang demonyo. Anung nakakatawa dun?

"If you really NEED to do so, then go on", dagdag niya at diniinan ang salitang 'need'.

"Thank you, sir", sabi ko at nag bow with hands on my chest. A sign of respect to the high-position vampires.

Tumalikod na ako sa kaniya palabas ng room.

"Wait"

Napahinto ako sa paglalakad dahil sa sinabi niya.

"I want to remind you that making a mortal fall in love with you is just ok for me, but if YOU fall in love with her, you already know the consequences"

"Yes, sir", sabi ko at lumabas na ng room. Nadatnan ko si Brian na nasa labas at nakasandal sa pader.

"Huyy, kumusta?", tanong niya na parang naeexcite.

"Ok na daw", sagot ko.

"Ayus yan pare! Kailan mo balak na magsimula?"

Lumapit akpo sa kaniya at bumulong sa kaniyang tenga.

"Ngayon"

------------------

Allysa's POV

Lumalakad ako papuntang sa park upang mag study. Para sa akin, ang tahimik at mahangin na park ang pinakaperpektong lugar.

Hindi na sumama si Cheska. Naisipan niyang manuod nalang ng TV sa kaniyang dorm. Sinimulan ko ng basahin ang aking Biology book habang naglalakad ng-

"What the-"

Dahil sa pagbabasa ko habang naglalakad, hindi ko na namalayang may paparating na lalake. Nabangga ako sa kaniya. Matutumba na sana ako pero sinalo niya ako.

Nagkatinginan kami ng lalake. Ang wavy hair niya at ang bangs na halos matakpan na ang kaniyang mga mata.. Nakita ko na to dati ah..

"Sorry miss, ok ka lang?", tanong niya at nag smile.

Hindi ko siya sinagot. Agad akong tumayo at kinuha ang mga nahulog kong libro. Yumuko din siya at tinulungan ako.

"Sorry nga pala, BTW, I'm Adrian", sabi niya at inabot ang kaniyang kanang kamay sa akin. Tiningnan ko lang ang kamay niya saka umalis patungo sa park. Nagsasayang lang ako ng oras dito eh.

"Grabe snob", sabi niya at nag pout.

Inignore ko lang siya at patuloy sa paglalakad.

"Pwede bang sabay na tayo mag lunch?"

Patuloy parin ako sa pagplalakad. Ngayon ay mas binilisan ko na. He's a stranger and here he is, asking me to take lunch with him?

"Ikaw si Ally, tama?"

Napatigil ako sa paglalakad. This guy. Paano niya ako nakilala? Baka kamag-anak ko siya? O baka kababata ko siya? O baka isa siyang stalker?

"Sino ka?", tanong ko sa kaniya.

"Ako si Adri-"

"Nasabi mo na yan. I mean, sino ka? Bakit mo ako kilala?", tanong ko sa kaniya.

"I'm your........"

"What?"

"I'm your knight in the shining armor"

O_O

"Ahahahahahah"

Napatingin ako sa lalaking nagtatago sa isang puno. Naka army cut ito at matikas ang pangangatawan. Teka, magkasabwat ba sila nitong Adrian nato?

Tiningnan siya ni Adrian ng masama. "Brian! Walanghiya ka"

"Sorry hahaha, ang awkward kasi hahahaha", sabi ni Brian.

"Ally pasens-"

Hindi na napatuloy ng Adrian na yon ang kaniyang sinabi. Tumakbo ako kaagad sa mini forest ng Vampire University. Ito ang pinakamalapit na taguan sa stalker na yon. At wow, ang ganda ng mini forest, para bang nasa Amazon River Forest ako. Minsan magtataka ka nalang kung sa Pilipinas ba talaga ang Vampire University na to.

"Wew buti nalang hindi niya ako nakita", sabi ko sa sarili ko habang pinupunasan ko ang aking pawis. Damn, I really hate stalkers.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Tumingin ako sa likod ko kung sinundan niya ba ako. Medyo kinakabahan ako ngayon dahil sa stranger na iyon.

O_O

Pagharap ko, nagulat ako ng nakita kong nakatayo ang stalker ko sa harap ko. Teka, imposible. Paano niya ako naunahan sa paglalakad eh tumakbo ako kanina? At paano niya nalamang nandito ako?

"Saan ka pupunta?", tanong niya. He let out an evil grin which made him looked more dangerous to me.

"A-anong kailangan m...mo sa a-akin?", pautal utal kong tanong. Damn. Kinakabahan na ako.

"Ehem ehem, gusto ko lang ipakita kung gaano kita kamahal"

"H-huh?"

May kinuha siyang isang pirasong papel sa kaniyang bulsa at binigay niya sa akin. Agad agad siyang tumakbo papalayo. Binasa ko ito. Isang.....tula?

Ally aking minamahal,

Ikaw ang tanging hiling ko sa maykapal,

Sana ako'y iyong pansinin,

Dahil natutunan kong ika'y mahalin.

Hindi mo man ako nakikita tuing umaga,

Pagmamahal ko sa iyo'y tunay na hiwaga,

Tandaan mo kahit nasaan ka man,

Ikaw lang ang laman ng aking utak magpakailanman.

------------------

Adrian's POV

Umalis na ako palayo. Hindi ko na nagawang tumagal pa. May kakaiba akong nararamdaman habang kausap kon siya. Sinalubog ako ni Brian na may malaking ngiti.

"Kumusta Adrian? Gumana ba ang tip#27 sa libro?"

"Hindi ko alam kung effective nga ang letter na ibinigay ko", sabi ko habang napahawak ako sa dibdib.

Tiningnan ako ni Brian na tila nalilito. "Pare, ok ka lang?"

"Wala pare, mukhang may kakaiba lang talaga ang dibdib ko", sabi ko.

Tumawa si Brian ng malakas. "Pre huwag mong sabihing tumitibok ang puso mo, baka nakalimutan mong wala tayong puso!"

"Tarantado! Ulol! Ako magmamahal ng tao? Tsk"

"Siguraduhin mo lang pare, kundi ako ang unang magsusumbong sa iyo", pabirong sinabi ni Brian.

Inilabas ko ang aking mga kuko at itinutok sa leeg niya.

"Eto tandaan mo, hindi ako magmamahal sa isang tao, Never ever ever!"

Tumawa lang si Brian. "Aasahan ko iyan pre, pero payong kaibigan lang, kahit pinipilit mo lang siya na mahilin ka, huwag na huwag kang mahuhulog sa kaniya"

"Tss......kailangan natin ang tao para mabuhay. Sila ay mga pagkain para sa atin. Kung magmamahal ang isang bampira sa isang tao ay parang nagmahal na din ang tao sa isang manok", paliwanag ko sa kaniya.

"Ahh...mabuti kung ganon"

Tumawa ako. "Kung magkakagusto man ako sa kaniya, iyon ay ang dugo niya"

++++++++++++++++++

Tnx for waiting!

Next Chapter: Chapter 8: The Night Students

















Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 290K 101
In this life, a human without the money to pay for their own life is worth nothing. Take those humans in as property, breed them, and you'll end up l...
1.7M 99.2K 37
*COMPLETED* (08.05.20) Noah Sorin is a 17-year-old genius who is sent on a mission to the Elite high school, Bran Prep High. His investigation? Vampi...
1.5M 48.2K 89
"You are a long way from home, little wolf." "Stay back, I am not afraid of you." "Oh but you should be wolf, I can be your worst nightmare." He took...
5.7K 428 7
ICT BL STORY!!!! "yeh to wo hai! aree WOO!!" screams rohit "Bhenchod! Shut up!" Shouts virat holding the others jaw firmly. A short love story of 3 v...