Chapter 9
Jeline's POV
11 pa ang next class ko kaya tumambay muna ako sa isang parang picnic table ng campus and too bad wala kong kasabay nang vacant sa kanila ngayon.
And looks who's here?
Ang tropang fishball nandito. Sino pa ba kung di ang barkada nung Juax na yun. Naglalakad sila ngayon sa hallway na kala mo sila lang ang tao sa mundo. Ang aangas! Nakakainis. Kala mo mga gwapo. Ung mga nakakasalubong nila tumatabi. Diba kaaduwa. Ayoko sa lahat yung ganyan yung kala mo sila ang hari nang mundo. Letch talaga!
"Ju--ax. Para sa-yo."
May humarang sa isang babae sa kanila at may hawak na cake. Grabe to ha ano teleselye lang tapos ano tatanggapin nung guy then ingungudngod sa mukha ni girl. Ba yan! Same old story.
Ang reaction nilang lima wala lang ung tipong nakatingin lang sila. Mga pacool ganun. Asar!
Nakatungo lang ung girl. Pero grabe sayang sya mukha pa namang inosente at matino. Iba rin talaga yang Villaraza na yan eh no.
"Pw-ede ba kitang maging boyfriend?"
Hala ano daw? Tsk I knew it! Same old story.
Si Juax medyo ngumiti and ang kasunod na ginawa nya?
Hindi ko talaga ine-expect.
"Oo naman. C'mon honey."
Kinuha nya ung cake nang left hand nya then he put his right hand sa waist nung girl then started kissing her.
What the!
But the next thing happen is beyond my imagination.
He stopped kissing her and "Break na tayo." Sabay tapon nung cake and alis.
The poor girl ayun halos matunaw sa kahihiyan. She was left alone in the middle of the hallway. Grabe he's such a d*mon!
At habang tinitignan ko silang maglakad our eyes met then he winked at me and shifted their way going to my direction. Shete anong gagawin ko nakakatakot pa naman sila they almost like ang gangster.
Help me! Pleas he--
"Hi Jeline!" Teka si...
"Don't tell me hindi mo na kami kilala?"
Now I remember. Sila ung kaibigan ni Nathan. Umupo sila sa tabi ko .
Haay salamat dumating sila pero.. tama nga lang ba na dumating sila?
"Look who's here." sabi nang kaibigan ni Nathan. If I'm not mistaken Migs?
"Kayo pala. Ano naman ginagawa nang mga alagad ni Enriquez dito?" Sabi nang isa sa mga tropang fishball.
"Well as you can see we are protecting our queen form the danger the world can bring." Adrian? I'm sure! The way he talked, I'm certain.
"G*go. Syota yan ni Juax kaya lubayan nyo!" Sabi nung isang tiriktirik ang buhok.
"Bro ang manners? May babae eh. Masydo mo naman pinapahalata ang kanto style nyo. " Sabi ulit ni Adrian.
"Sira ulo talaga to --" Akmang susugod na si kuyang tiriktirik hair nang...
"Tama na!" awat ni Juax. "Jeline pwede ba tayong magusap."
"Sorry dude mahal ang words nya di mo afford." I don't remember seeing him pero I guess friend din sya ni Nathan.
HIndi sya pinansin ni Juax instead..
"Jeline" Ayan na naman sya he's staring at me. "Go out with me."
"Anak nang tukneneng naman pare! San mo pa ba gusto? Nasa labas na tayo ah." Kevin I guess.
Hindi pa rin sya pinansin ni Juax and just continue staring at me. "Please..."
"No!" Nathan?
Woah ang ganda ko talaga. Tae ako na talaga!
Sumulpot si Nathan out of nowhere and...
Talaga tong si Nathan may lahi ata tong kabute.
"Let's go." Syempre ano pa ba ang lagi nyang ginagawa. Grabbed my hand and higitin ako.
"Anak nang. Sino ka ba sa akala mo?!" Galit na tanong ni Juax.
"Natanong mo na yan, nasagot na rin kita." Cool nyang sagot.
"Sinong niloloko mo? Boyfriend?" He grin and " G*go!"
Tumingin sakin si Nathan.
"Tell him."
"Huh?"
"Tell him kung ano mo ko."
Tell him daw? Eh ano ko nga ba sya?
"Ah-- eh."
"Just tell him." Hala ung tone nya. Nakakatakot na.
Bahala na nga.
"He's-- right. "
"Pano ba yan dude? Tapos na ang usapan uwi na ang talunan." Adrian talaga.
Ung mukha ni Juax hindi mo maipinta. He looks really hurt. Pero hindi ko talaga alam kanina lang he's kissing another girl and now kung umasta sya kala mo gustong gusto nya ko.
Nagtayuan na ung mga friends ni Nathan. At hinigit na rin nya ko when suddenly a ball hit our hands kaya nagkabitaw kami. Then sabay sabay kaming lumingon ulit sa direction nila Juax.
"Yang bolang yan, ako yan. Kaya sulitin mo na mga oras mo dahil I swear isang araw magugulat ka na lang ako na may hawak nang kamay nya."
"What do you really want?" Midtone but a strong one. Nathan asked.
"A day with her." He answered without any doubt.
"Tol kinareer mo talaga ung dream high no? Hindi ka ba nakakaintindi? Girlfriend na nga sya ni Nathan diba?" Sabi ni Adrian.
"Mamaya sa Gymnasium, alas tres. Pag nanalo kayo hindi hindi ko na sya lalapitan, kakausapin o titignan man lang. Pero pag kami ang nanalo ibibigay nyo sakin ang isang araw nya."
Ano daw?
"Sira ulo ka talaga no? Palibhasa alam mong jan mo lang kayang talunin si Nathan eh. Pano yan lang naman ang alam mong gawin diba. Duwag ka talaga Villaraza! " Migs interrupt.
"Pag hindi kayo dumating ibig sabihin panalo kami. At pag nangyari yun, gagawin ko lahat para makuha ang premyo ko. Kilala nyo ko. Ginagawa ko kung anong sinabi ko."
After his statement umalis na sya.
Ano kayang game ang gagawin nila? Gymnasium? Basketball court lang naman ang mer---.
So basketball ang paglalabanan nila. I guess duwag nga talaga sya knowing that almost 99% ang chance nyang manalo since he's the university star player.
Tama si Migs, sira ulo nga tong Villarazang to. At ako pa ginawang premyo ha. Akala nya naman kahit manalo sya hinding hindi ako sasama sa kanya. At isa pa hindi naman siguro sila pupunta? I guess, I mean what for? Ano ba ko sa kanila? Nothing! I'm just someone they know that's all.
Then lumakad na si Nathan opposite to the direction na pinuntahan nina Juax.
Then someone tap my shoulder and
"So pano Jeline. Nuod ka ha." Si Kevin.
Pero wait ano daw? Ibig sabihin?
Impossible!
________________////////////___________________
Ang malas ko naman may klase ako nang 2-3! Ang layo pa naman nang gymnasium dito sa room na to. Ano ba yan! Hindi ako mapakali parang gusto kong palipadin na ang oras. Ewan ko kinakabahan ako!
Sa wakas dismiss na 10 minutes before 3. Tumakbo na ko as soon as dinismiss na kami ni prof.
Malayo pa lang ako nakita ko na agad sina Jm, Ian, Aila, Bryan and Arjay. I told Jm since I consider her now as my best friend
.
"Jeline dali andito na sila!" Sigaw ni Jm.
Ibig sabihin pumunta nga sila?
Hindi pa man ako nakakarecover sa pagod ko sa pagtakbo higit na agad ako ni Ian papasok nang gymnasium.
Grabe! Ang daming tao! Ano to UAAP? Punong puno ang gymnasium to the point na nakatayo na ung iba. May mga banner pa!
"Gosh! Bakit ang daming tao?" I asked in a very surprised tone.
"Wag ka ngang artista jan! Malamang diba Juax Villaraza at Nathan Enriquez ang maghaharap eh! Grabe talaga to girl first time to sa history!" Ian said. Excited na excited sya. Buti pa sya ako halos mamatay na sa kaba.
"Jeline here!" Si Migs. Pointing his finger sa bench nang mga players. Nakajersey na rin sya color Grey.
Nathan is still nowhere. Kung sabagay si Migs at Adrian pa lang naman ang nandun. Pero ang tropang fishbal kompleto na.
"Oh my gosh! Jeline panalo talaga ang beauty mo! Tinatawag ka ni fafa Migs. Wag ka nang magpakipot tara na girl." Sabay tulak sakin.
So ayun na nga pumunta na kami dun.
"Kinkabahan ka ba?" Migs asked.
"No! Why should I? Sila naman may gusto nyan."
"I now get it kung bakit ka nila gusto."
"Hah?" What is he saying?
"Marami kang hindi alam Jeline lalo na kay Nathan. This is not the first time na hinamon sya ni Juax but this is the vey first time na pinatulan nya to and that is definitely for your sake. Do you have any idea why he did that?"
"I don't care."
I thought it would be cool to say that but gosh I'm dying from curiosity. Really why?
Then napatingin ako sa opposite direction namin and I see Juax staring pero I also don't know why pero natatakot na talaga ako sa kanya kaya umiwas ako nang tingin.
The way he looks at me, I don't know. Para sya ngayong gangster sa paningin ko.
"Jeline bruha ka! Hindi mo sinasabi ikaw pala ang dahilan nito! Ang ang ganda mo eh no? Wala sisirain mo na talaga ang mundo!" Si Ian. Narining nya siguro si Migs.
Pero bago pa ko makareact
"Wo0o00o0o000000000000000000ooooooooooo0o0o0oooooooo!"
"Kyaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhh"
Umingay na ang crowd. Tinatanong pa ba kung bakit? Nathan's here with his two friends Kevin and Jake daw ung isa sabi ni Jm.
Then umupo din sila sa player's bench.
(Seating arrangement: Kevin-Jake-Nathan-Adrian-Migs-Me-Jm-Aila sina Ian, Bryan and Arjay sa sahig na nakaupo)
Grabe the reaction of the crowd is really impressive yung tipong kala mo may artista.
"Jm marunong ba sila?"
"Sila Nathan?" She laugh a bit. "I guess you still really don't know him well. He's not human!"
"What do you mean?"
"I don't consider him as human cause he's just too good at everything. Imagine may tao bang ganun?"
So she mean?
"So you're saying magaling syang magbasketball?"
"Nathan and Juax are from the same high school. And in that school Nathan is the star player and Juax is just next to him. Back then sa kahit anong field he's just always next to my cousin that's why he hate him so badly. Not until--" She paused.
"Not until what?" I asked curiously
"Due to an incident Nathan stopped playing basketball. Kahit anong pilit sa kanya, kahit anong ganda nang offers nang mga universities he just turned them all down. Kaya nga when you told me about it a while ago I really doubt kung pupunta talaga sya. But here he comes and now there's no doubt...
you're special to him."
Hindi na ko nagsalita.
Special? It does not make any sense. I mean why?
Nagtayuan na sina Nathan ganun din sina Juax.
Sigawan na! Nakakabingi dito sa loob. Grabe!
Nasa gitna ung referee napalilibutan sya nang both teams then hinagis na nya ung bola for jump ball sabay pito signal na simula na ang first half.
Then...
The game finally begin!