IV OF SPADES - One Shots

By spadeseu

30.8K 734 660

Mga imahinasyon na kaya kang pakiligin, pangitiin, pakantahin at maaari ka ring paiyakin. Salamat! [highest r... More

Hi Spades!
Zild 1.0
Badjao 1.0
Blaster 1.0
Unique's Poetry "Untitled"
Unique 1.0
Zild 2.0
Badjao 2.0
Badjao 2.1
Blaster 2.0
Unique 2.0
Zild 3.0
NOT AN UPDATE
Badjao 3.0
Blaster 3.0
[ drop your suggestions ]
Unique 3.0
Zild 4.0

Badjao 2.2

654 19 15
By spadeseu

⚠: bad words!

---

Wala na akong nagawa kundi bilisan ang kilos para maabutan ko si Badj sa bahay nila. Pag-ibig nga naman. Sana maabutan ko pa talaga 'yon kasi paniguradong hindi ako kakausapin non pag sa bahay nila ako pumunta.

"Oh? Bat ka nagmamadali? Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Mama at humarang sa dinaraanan ko. Alam kong may plano si Mama sa akin at ayokong sundin iyon.

"Pupuntahan si Badj." sabi ko sa kaniya at tinabig ko ang kamay niya na nakaharang sa pinto. Kahit ba naman pagpunta ko sa kanila ipagkakait pa niya sa akin?

"Hindi pwede!" sigaw niya at hinablot ang kamay ko. "Sasaktan ka lang nun! Wala kang makukuha doon kundi sakit kaya magtigil ka na habang maaga pa." sabi niya sa akin at tinulak paupo sa upuan.

"Diba ganoon naman talaga, ma? Kambal ng pag-ibig ang sakit. Hindi natin mapaghihiwalay 'yon." tama naman diba? hindi naman 'yan pag-ibig kung walang sakit na nararamdaman diba? Hindi naman pwede na puro saya lang at happy ending ang istorya ng dalawang magkasintahan.

Lumayo siya sa akin at kinuha ko ang pagkakataon na 'yon para sipain ang pinto. Ramdam ko na balak niya akong ikulong dito at sundan si Papa sa ibang bansa. Nakita ko kasi yung passport at ang iba kong gamit na nasa maleta. Balak nila kaming paglayuin ni Badj kaya habang maaga pa sisirain ko na agad ang plano.

"Y/N!!" narinig kong sigaw niya mula sa bahay. Wala na akong pake. Uunahin ko muna ang puso ko kaya si Badj ang una kong pupuntahan.

Gusto kong malaman sa bibig niya yung katotohanan dahil alam kong hindi siya magsisinungaling sa akin. Hindi dapat humadlang si Mama sa mga plano naming dalawa. Dapat nga suportado siya sa amin ni Badj dahil iyon ang kagustuhan at makapagpapasaya sa akin diba? Yung kasama siya?

Sinendan ko ng text message si Badj pero parang hindi niya ito binubuksan at hindi man lang pinansin. Sinubukan ko rin siyang tawagan dahil malapit na ako kanila Zild.

Nang hindi sumagot si Badj si Zild na lang ang tinext ko at sinabing huwag paalisin doon si Badj dahil importante yung sasabihin ko.

Minadali ko ang pagpunta kanila Zild at buti na lang ay naabutan ko siyang naghihintay sa labas kasama ang girlfriend niyang si Shanne.

"Sobrang thank you Zild and Shanne! Babawi ako sa inyo soon!" sabi ko sa kanilang dalawa.

"Wala 'yon! Dalian mo baka gumawa ng paraan 'yan at makatakas pa. Go for it!" pampasigla sa akin ni Shanne at tinulak pa ako paloob.

Dinahan-dahan ko ang pagpasok sa loob ng bahay ni Zild at nakita ko siyang nakaupo sa living room at nanonood.

"Badj..." pag-agaw ko ng pansin sa ginagawa niya. Napatayo ito at parang hindi makapaniwala na nandito ako sa tapat niya ngayon.

"A-anong ginagawa mo dito? P-paano mo nalaman kung nasaan ako?" tanong niya sa akin. Tumingin ako sa paligid. Hindi pa ba halata kung sino nagsabi at hindi niya ba natatandaan na nandito ako kahapon? "Si Zild talaga!"

"Wala ka bang naaalala? Hindi mo ba ako natatandaan kahapon?" tanong ko sa kaniya. Hinawakan ko ang lips ko at kunwaring may nangyari sa amin kahapon.

Nakita ko ang pagbabago ng expression niya at parang 'di makapaniwala sa ginagawa ko ngayon.

"Huwag m-mong sabihin na..." sabi niya at tinuro ang lips ko at tinuro naman niya ang lips niya.

Napangiti ako. Sobrang bilis talaga maloko nitong lalaking 'to. Tingnan mo wala naman akong sinasabi pero iba na agad ang nasa isip.

"Hindi hahahaha! I'm just teasing you, Badj. You smiled yesterday kaya napawi lahat ng galit ko sa'yo. Diba sabi ko sa'yo 'wag kang ngingiti dahil weakness ko 'yon? Hmp.. hindi ka talaga nakikinig sa akin." sabi ko sa kaniya pero wala akong natanggap na reaksyon mula sa kaniya.

Tumingin siya sa akin at ibinalik ang tingin sa t.v. Ganoon na lang 'yon? Napakabilis magbago ng mood. Akala mo babaeng may dalaw.

"Bakit ka pa ba nandito? Ikaw ba yung nagsabi kay Zild na 'wag ako paalisin? Tsk. Gusto ko lang sabihin na nakakaistorbo ka." masungit niyang sabi sa akin. Tumingin siyang muli sa pinapanood niya at hindi ako pinansin.

Anong klaseng nilalang ba ito at paulit-ulit akong sinasaktan? Hindi naman ako matapang at manhid para tanggapin na lang yung mga sinasabi niya sa akin.

"Ano bang problema mo? Kagabi naglasing ka tapos kung ano-ano pinagsasabi mo sa mga kaibigan mo tapos ngayon para kang inosenteng lalaki na walang ginawa. May hindi ba ako alam sa nangyari noong isang araw?"

Naglakad ako papunta sa harapan niya ng hindi ako pansinin at pinatay ang t.v. Ito problema sa kaniya eh pag may problema kami mas gusto niya na tahimik lang siya at hindi binibigyan solusyon.

Tumayo siya at binangga ako.

"ASSHOLE!" sigaw ko sa kaniya at binato siya ng unan. "Alam kong may sinabi sa'yo si mama dahil 'yon lang naman bukang-bibig mo kagabi. Nahuli ka na nga ayaw mo pang magsalita. Ano gaguhan ba tayo dito?"

Humarap siya sa akin. "Paano nga kung mayroon? Ano magagawa mo? Susuwayin mo mama mo? T**gina. Edi sana kung kaya mong suwayin Mama mo edi sana ikaw na lang gumawa ng mga bagay na hindi ko kayang gawin." sabi niya. Itinaas niya ang phone niya. "Nandito lahat ng sinabi niya. Ikaw na bahala humusga sa kung anong gusto ng mama mo." sabi niya at kinuha ang kamay ko at nilapag iyon sa palad ko.

Binuksan ko ang mga messages niya at nakita ko ang message niya para kay Mama, Aimee at huli ang sa akin. Binuksan ko muna ang text nila ni Aimee.

Ngayon alam ko na kung bakit naisingit si Aimee sa istorya naming dalawa. Kaya pala ang awkward ni Aimee nung nakaharap ko siya pero kahit papaano ay napaniwala nila akong dalawa at pinagmukhang gago.

Nilisan ko ang text nila sa isa't isa at sinunod ang text nila ni Mama. Kinakabahan pa ako sa lagay na ito dahil alam kong dito nagsimula ang gulo. Binuksan ko na ito at binasa.

Nakita kong nagpaalam siya kung p'wede ba siyang manligaw sa akin pero ang sinagot lang ni Mama ay hindi niya gusto si Badj at may dalawa lang siyang pagpipilian.

Ang saktan ako o ilalayo niya ako sa kanilang lahat at kahit na ang pakikipagkaibigan ay mapuputol.

[ Sige po, tita. Sasaktan ko siya. Sasaktan ko yung anak niyo na gustong-gusto ko pero nagmamakaawa ako tita 'wag mo siyang ilayo sa amin. Baka hindi ko kayanin tita, please. ]

Ito ang huling mensahe ni Badj kay Mama at kahit na wala ako sa tabi niya nung sinabi niya ito alam kong lumuluha siya. Hindi ko kinaya ang lahat ng nabasa ko.

"Kailan pa?" tanong ko sa kaniya habang nakatalikod sa akin.

Naramdaman ko ang pag-agos ng luha ko dahil sa nalaman ko. Paano nagawa sa akin ni Mama 'to? Yung kasiyahan na gusto kong makasama si Badj pilit niyang inilalayo sa akin. Bakit pati kasiyahan ko gusto niyang alisin sa buhay ko?

"Anong kailan pa? Kailan pa kita nagustuhan?" tanong niya at humarap sa akin. "Hindi ko rin alam. Tinatanong ko rin yung sarili ko ng bakit. Bakit ikaw? Bakit ikaw na hindi ko kayang saktan o sabihan ng kahit anong masasakit na salita ang napili ko? baka masaktan kita kung ipagpipilitan ko 'tong nararamdaman ko."

"Pero sinasaktan mo na ako, Badj. Parang pinipiga mo yung puso ko with the thought na hindi mo ako kayang ipaglaban sa harapan ng nanay ko. Hindi mo kayang panindigan 'yang nararamdaman mo kasi pinangungunahan mo agad ng takot! Takot na baka pag pinagpatuloy mo 'yang nararamdaman mo masasaktan mo lang ako. W-why didn't you take the risk? huh? Tangina. I am willing to take the risk kahit na paglayuin tayo pero ikaw?"

Pinunasan ko ang luha ko na walang tigil sa pagtulo. Wala namang magagawa 'tong luha ko eh. Hindi niya naman mababalik yung dati. Sana walang aminan. Sana walang nararamdaman. Sana hanggang ngayon tunay na ngiti lang ang nakikita.

"Huwag mo akong mahalin kung hindi mo kayang panindigan 'yang nararamdaman mo. Huwag mo akong mahalin kung alam mo na hindi mo ako kayang ipaglaban hanggang sa huli. Sasayangin mo lang ang oras ko." tumigil ako at tinanggal muli ang mga luha sa mata ko. "Hindi. Sinayang mo lang pala ang oras ko."

Tumayo ako mula sa pagkakaluhod ko at parang nararamdaman ko na kahit anong oras babagsak ako dahil sa nangyari.

Naramdaman ko ang panginginig ng tuhod ko at muntikan na akong bumagsak kundi lang ako nasalo ni Badj.

"N-no.." sabi ko at tinaboy ko ang kamay niyang sumalo sa akin. "Don't catch me." sabi ko at tinabi na ang phone niya sa gilid.

Umalis ako ng bahay nila Zild at nakita ko ang dalawang taong tumulong sa akin kanina.

"Salamat pero p'wede ko ba kayo ulit maabala? Pakiuwi naman ako sa bahay." pakiusap ko sa kanilang dalawa.

Nakita kong nataranta si Zild sa nakita niya at inalalayan naman ako ni Shanne na pasakayin sa kotse ng boyfriend niya.

"I will not ask what happened inside. You can rest." sabi ni Shanne at hinayaan niya akong umiyak sa dibdib niya. Nawawalan na ako ng gana.

Hinayaan ako ni Shanne na nakaganon lang hanggang sa makauwi ako sa bahay namin. Pinasalamatan ko sila at pumasok na sa bahay namin.

"Saan ka galing?" pambungad na sabi sa akin ni Mama. Ito na naman. Nabuhay na naman ang galit sa puso ko.

"M-ma, how dare you?" sabi ko at napatakip sa bibig ko. Ayokong humagulgol ng malakas. Ayoko maging kaawa-awa.

Pinakalma ko ang sarili ko bago ulit ako magsalita, "How dare you to take away my happiness? Ipinagkait mo sa akin yung mga taong nagbibigay sa akin ng kasiyahan tapos ang ipinalit mo ito? Ang pagiging miserable ko? Ito ba yung gusto mo?! Yung masira yung buhay ko dahil sa ginawa mo?!"

Hindi ko na napigilang sigawan ang nanay ko dahil sa nararamdaman ko. Hindi ko alam pero ang sakit. Ang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Parang pinagtripan ako ng tadhana dahil sa nangyayari.

"Balak mong umalis ng bansa kasama ako diba?" tanong ko sa kaniya at napatingin sa maleta at passport na nasa likuran niya. "Aalis ako pero iiwan kita dito. Hahayaan mong maiwan ka ng eroplano dahil sa ginawa mo. Hayaan mo akong mag-isa sa ibang bansa." sabi ko at kinuha ang passport na nasa likuran niya.

"Ito ang gusto mo diba? Kahit na sinaktan na ako ni Badj paglalayuin mo pa rin kami kahit anong mangyari diba?" sabi ko sa kaniya. "Ngayon, hayaan mo akong alisin ang kasiyahan na meron ka. Ako yung happiness mo diba? I will leave and I will cut our connection. Tingnan natin kung kaya mong mabuhay ng hindi nakakasama yung taong importante sa'yo."

"Sorry mama pero mabilis ang karma." huli kong sabi sa kaniya at nilisan ang lugar dala ang mga gamit na inempake niya.

Umalis ako ng bahay na iyon na mabigat ang pakiramdam pero kailangan kong iparamdam sa kaniya ang mga bagay na ipinagkait niyang maranasan ko.

Paalam.

> The End <
------


⚠: Last update for Badj's 2.0!! Maraming salamat sa pagsuporta kahit na alam kong sinaktan ko pa rin kayo sa bandang huli. Okay lang na murahin niyo ako joke. Sa muli nating pagkikita sa mga masasakit na imahinasyon!

⚠: Diba may isang choice na pagpipilian? Gumawa ako ng ibang storya at nasa twitter siya ngayon. Search niyo lang yung username ko na 'spadeseu' at ang title nito ay "The Law of Love". Parehas lang sila ng storya pero nagkaiba ang pagpipilian at sa tingin ko mas hahaba siya kaysa dito.

⚠: SHAMELESS PLUG. I have an on-going story of IV OF SPADES and the title is "The Blood of Spades". Nasa wattpad lang din siya. Drop your reaction!

Kung nakaabot ka man dito, maraming salamat. Mahal kita.

Continue Reading

You'll Also Like

564K 20.5K 95
The story is about the little girl who has 7 older brothers, honestly, 7 overprotective brothers!! It's a series by the way!!! 😂💜 my first fanfic...
1.1M 60K 37
It's the 2nd season of " My Heaven's Flower " The most thrilling love triangle story in which Mohammad Abdullah ( Jeon Junghoon's ) daughter Mishel...
851K 52.3K 116
Kira Kokoa was a completely normal girl... At least that's what she wants you to believe. A brilliant mind-reader that's been masquerading as quirkle...
362K 21.6K 77
Y/N L/N is an enigma. Winner of the Ascension Project, a secret project designed by the JFU to forge the best forwards in the world. Someone who is...