Celestine's POV
Masayang-masaya ako dahil kami na ni PJ.
At syempre, araw-araw akong hatid sundo niya.
Alam na rin nina mommy at daddy na kami na ni PJ.
Nagkausap na rin sila ng masinsinan ni daddy.
Flashback...
Nagpunta sa bahay si PJ para sunduin ako kasi papasok na kami.
Kumakain pa ko ng breakfast nang dumating siya. Kaya, hinintay niya ko.
Napansin ko na habang naghihintay siya sakin, kinakausap siya ni dad.
"Hijo, alam kong ikaw ang first boyfriend ng anak ko. Kaya, sana ikaw na yung una at huling boyfriend niya. Ayokong masaktan siya. Kaya, wag na wag mo siyang paiiyakin dahil pag nalaman kong pinaiyak at sinaktan mo siya ako mismo ang maglalayo sa kanya sayo. Naiintindihan mo ba yun?" sabi ni daddy.
"Opo, tito. Hinding-hindi ko po siya sasaktan." sagot ni PJ.
End of flashback...
Ngayon ang weeksary namin.
Gumawa ako ng letter para sa kanya at may gift rin.
Sana, magustuhan niya.
Ang tagal naman niya. Akala ko ba sabay kami? Bakit wala pa siya?
Piolo's POV
Oh! Hala!
Tinanghali na ko ng gising. Hindi ko na maihahatid si Babe.
Pagtingin ko sa cellphone ko ang dami kong nareceive na text mula sa kanya.
From: Babe <3
Good morning, babe <3
From: Babe <3
San ka na?
From: Babe <3
Matagal ka pa ba?
From: Babe <3
From: Babe <3
Magpapahatid na lang ako kay Kuya Erik. Have a safe ride. Muahh! <3
Nakakainis!
Na-ignore ko siya.
Nagmadali na kong maligo at magbihis dahil late na rin ako sa subject ko.
Celestine's POV
Nakarating na ko ng university at pagpasok ko ng room, wala pa rin siya.
Baka, tinanghali siguro siya ng gising.
Natapos na ang first subject namin at wala pa siya.
Hay, sayang naman. Weeksary pa naman namin ngayon.
"Babe." Hingal na hingal na tawag sakin ni PJ. "Sorry di kita nasundo sa bahay mo. Tinanghali kasi ako ng gising. Sorry talaga."
"Ok lang yun."
Piolo's POV
Buti na lang at di galit si Babe sakin.
"Babe, para sayo." may inabot sakin na box na maliit.
"Ano to?" binuksan ko. May nakita akong sulat at cake sa loob ng box.
Happy Weeksary, BABE!
Oo nga noh? One week na pala kami ngayon. Nakalimutan ko.
"Did you like it?" tanong niya.
"Yes. Thank you, babe." then I hugged her.
"Where's mine?" tanong niya.
"Don't worry, babe. I have a surprise to you." palusot ko. Baka kasi magtampo siya dahil nakalimutan kong icecelebrate pala namin ang weeksary.
Celestine's POV
EXCITED NA KO! Na makita ang surprise sakin ng babe ko.
Akala ko nakalimutan niya.
Natapos na ang klase namin. Sa ngayon kasama ko si PJ. Dahil may surprise daw siya sakin.
Nandito kami ngayon sa isang malaking park.
Ano kayang gagawin namin dito?
Dinala niya ako sa pinakatagong lugar dito sa park.
"Anong gagawin natin dito?" tanong ko.
"Just trust me, Babe." sagot niya.
Ano kaya yun?
Bahala na nga. I will trust you na lang.
Napatingin ako sa isang carpet na parang may tinatakpan.
Lumapit kami dun.
Tinanggal na niya yung carpet.
At bumungad sakin ang dalawang tao.
"Ay palakang kokak!" nakakagulat naman itong mga to.
Si Vhong at Luis, sila yung natatakpan ng carpet. May hawak silang teddy bear at banner. Nakalagay sa banner na HAPPY WEEKSARY , BABE!
Natouch ako dun.
"Grabe naman yang girlfriend mo, PJ. Sabihan ba naman kaming palakang kokak." reklamo ni Vhong.
"Eh pano ba naman kasi, nakakagulat kayo eh." sabi ko.
"O siya, enjoy your weeksary. Alis na kami." sabi ni Luis.
"Ingat kayo. Salamat." sabi ni PJ.
Umalis na yung dalawa. At kami na lang ang natira.
"Babe, I want to spend my whole day with you. If ok sayo, to ditch our class." sabi ng babe ko.
"Ok lang sakin, babe. Basta kasama kita." sabi ko.