The Second Woman

By ceresvenus

1.7M 23.7K 2.2K

How does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second... More

The Second Woman
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Guideon
Chapter 33
Special: Greg & Camille
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 12

26.8K 358 29
By ceresvenus




Veronica

"Oh ayan. Ayos na yung sugat mo ha! Wala nang shards. Ano ba talaga kasing nangyari, V?" Inirapan ko lang si Tiffany dahil kanina niya pa ako kinukulit kung ano talagang nangyari.

Imbis na matuloy kami sa mall ay sa kalapit na ospital ako nakipagkita sa kanya. Nang makaalis ako sa restaurant ay doon ko lang naramdaman ang kirot na dulot ng nakabaong piraso ng baso sa kamay ko. Ni hindi ko nga alam kung paano pa ako nakapag drive patungong ospital.

"I'm fine, tiff." Maiksing sagot ko.

Kakatapos lang tahiin ng doctor ang sugat ko. Malalim nga 'yon. Totoo namang ayos na ako dahil na turukan na ako ng anestisya kaya wala na akong maramdaman sa kamay ko.

"Anong fine? Tingnan mo, ang lalim ng hiwa mo! Paano ka nyan sa anniversary party ng Triumph?"Tinabihan niya ako sa inuupuan kong hospital bed.

I almost forgot about the anniversary party of Triump! Kilala ko ang may-ari at tagapag mana ng kumpanyang 'yon kaya naman invited ako. Hindi na ako nagtaka kung bakit alam ni Tiffany 'yon dahil maging sya ay sigurado akong invited din.

"Huwag ka ngang masyadong maingay. Nakakahiya sa ibang pasyente oh?" Muli ko siyang inirapan.

"Eh ano? Kayang kaya nating bilhin ang ospital na 'to 'no." Humalukipkip pa ang gaga.

Umalis na din kaagad kami ni Tiffany sa ospital pag tapos ma settle ng mga bayarin. Hinatid na niya ako pauwi at hindi na ako pinag drive dahil nga may tahi ang kamay ko. Sa byahe ay wala pa ding tigil ang bibig ni Tiffany.

"V, kamusta pala ying kini kwento mo sakin dati? Yung dine date mo?" Kumunot ang noo ko sa tanong niya. May nakwento ba ako sa kanya?

"What are you talking about?" Nilingon ko siya at kinunutan ng noo.

Tinapunan niya ako ng tingin pero binalik niya rin agad sa pag mamaneho ang atensyon niya.

"Diba sabi mo, you're dating a guy pero committed siya?"

"Ah, oo. We don't have any communication right now. Nagkaroon kami ng misunderstanding nung nakaraan." Bumuntong hininga ako at sumandal sa upuan.

Totoo namang hindi pa rin ako kino comtact ni Guideon eh. Gusto ko na nga siyang i-text kanina para sabihing nasa ospital ako. Pero knowing him, hindi ako pag aaksayahan ng oras 'nun.

"Hindi ko na talaga alam kung bakit pareho tayong tanga. Tingnan mo ko, yung jowa ko para namang buffet. Open sa kahit kanino. Bwisit na 'yun!" Padabog niyang hinampas ang manibela kaya napaigtad ako sa gulat.

"Tiff! Kumalma ka nga! Are we talking about Clinton?" I asked.

"May iba pa ba? Edi siyempre siya." Pinaikutan niya ang ng mata.

Clinton Joseph Rioveros is Tiffany's long time fiancé. College pa lamang daw sila ay nakatakda na ang kanilang kasal. Pero mukhang hindi pa ready na ikasal si Clint dahil saksakan siya ng pagiging babaero. Araw-araw ata iba't ibang babae ang kasama niya. Don't ask me why I know all this stuff. Kilala ko ang parents ni Clint at isa pa, siya ang may ari ng mga sikat na high end bars sa manila ang Zenith, Green Cave and may isa pa na hindi ko na matandaan ang pangalan.

"Sige na. Hindi na ako bababa. Kita nalang tayo sa Saturday ha?" Hininto ni Tiffany ang sasakyan sa tapat ng building kung san ako nakatira.

"Yeah. Thanks for dropping me off. Ingat sa daan." Tipid kong sagot at saka ko siya bineso bago bumaba.

Pinindot ko ang button sa elvator at hinintay na bumukas ang pinto. Ngayon lang ako nagkaron ng pagkakataon na i-digest lahat ng pangyayari.

So I just saw my dad's wife and alexander's wife inside the same restaurant sitting on the same table. So what does that mean? Ano bang meron sa mga house wives at parang napapaligiran nila ako? Bumukas na ang elevator at sumakay ako.

Saturday night...

Pag-baba ko palang ng sasakyan ay sinalubong na ako kaagad ng walang tigil na flash ng camera. It was a big party, indeed. Naglakad ako sa red carpet at tumigil sandali para mag pose sa mga pictures.

I wore a silver satin long dress that I paired with diamond earrings. Hindi na ako nag necklace para ma emphasize ang nagsusumigaw na dibdib ko. Kitang kita 'yon sa mababang neck line ng suot ko. Backless at hapit na hapit din 'yon sa katawan ko. My hair was in a messy bun, may mga hibla ng buhok na naiwan and oh! I decided to have a haircut yesterday. Hindi naman pansin 'yon dahil nga nakaipit ang buhok ko. Gusto ko kasing makita ang leeg ko. Ang makaka tawag pansin talaga ay ang bangs ko. I look gorgeous with bangs.

I completed the look with a smokey eye and a red lipstick. Nag side view ako at ipinakita ang likod ko para maging maganda ang hulma ng katawan ko sa shots. Naglakad na rin ako matapos ang ilan pang pose.

"Hey! V! Sorry I wasn't able to pick you up. Nag text ako sa'yo. Have you seen it?" Sinalubong ako ni Joshua. He's a good friend of mine. Agad niya akong hinalikan sa pisngi at binigyan ng saglit na yakap.

Wala akong escort kaya sinubukan ko siyang kausapin kung pupunta ba siya. And yeah, may escort na ako.

"Yeah. Hindi lang ako nakapag reply because I'm busy preparing. How are you? You look good!" Nginitian ko siya ng matamis.

"We have a lot of catching up to do. So, shall we?" Inamba niya sa akin ang kanyang braso at kinawit ko naman ang kamay ko 'ron.

We entered the mansion and we were greeted by familiar people. Halos lahat ng mga nandito ay business man o di kaya'y business woman. May kumakanta ng makalumang kanta sa background at mayroon ding mga waiter na nag aalok ng champagne. Kumuha ako ng isa.

Bawat makaka salubong ko ay nginingitian ko. Kahit na hindi ko gusto, dapat ay ngitian ko pa rin. Ganoon sa industriyang ito. Dapat magaling kang makipag plastikan.

Sa di kalayuan ay napansin ko na si Tiffany. May kasama siyang babae at lalaki na parehong nakatalikod sa akin. Nagpaalam ako saglit kay Joshua at dumiretso ako kay Tiff. Kinalabit ko siya at pinanlakihan niya naman ako ng mata.

"Veronica! You look stunning! Nandito si Scarlette at Xander." Tinuro niya ang dalawang taong kasama niya na nakatalikod sa akin.

Nilapitan ko naman sila at bineso. Nakakatuwang tignan na maayos na sila ni Xander. Ang huling balita ko pa sa kanya ay noong nabugbog siya at nag agaw buhay sila ng baby niya.

"Hey! Oh my God Veronica! Bakit ngayon ka lang nagpakita?" Niyakap ako ni Scar at saka hinawakan ang kamay ko na parang excited na excited na makita ako.

Malaki na ang tiyan ni Scarlette. Bumagay sa kanya ang itim na dress niya na kumikinang dahil sa mga batong nakatahi 'ron. Tube style ang dress at talaga namang blooming na buntis si Scarlette.

Tipid lang naman akong nginitian ni Xander at patuloy lang kaming nag uusap ni Scarlette para mag catch up. Naki sali na nga din si Tiffany. Minsan lang kami magsamang tatlo dahil lahat kami busy sa kanya kanyang trabaho. Lumaki akong walang kaibigam kaya thankful ako na nakilala ko silang dalawa.


Nag-usap lang kami saglit ni Scar para mag catch up. Ang dami ko na palang na miss sa life niya.

"Ikaw, V? Kamusta? May progress na kayo ng boyfriend mo?" She asked.

"W-we broke up." Hindi ko alam ang isasagot ko kaya 'yun nalang.

Tipid ko lang siyang nginitian at hindi na sumagot pa. Hindi naman kasi ako pala kwento at wala din naman akong make kwento.

"Dude!" Napatingin ako kay Xander nang may tinawag siya sa di kalayuan.

Natanaw ko ang grupo ng mga lalaki na papunta sa direksyon namin. Nag panic ako kaagad nang makitang kasama sa mga 'yon si Guideon! Hindi ko tuloy alam kung tatakbo ba ako o magtatago. Sa huli ay tumalikod nalang ako at kinausap si Scarlette at Tiffany.

"Oh, nandito pala ang mga lalaking hukluban." Panunuya ni Tiffany.

"You sound so bitter, Tiff. Look at Clint! Ang gwapo niya ngayon ha!" Sabat naman ni Scarlette.

Panay ang lunok ko dahil naririnig ko nang palapit na ang mga lalaki. Ilang sandali pa ay narinig kong nag babatian sila at nag kakamustahan.

Maya maya pa'y tinawag ni Xander si Scarlette.

"Teka, diba single ka V? Halika, pakilala kita sa mga kaibigan ni Xander." Hindi na ako naka tanggi nang hilahin na niya ako palapit sa mga lalaki.

Buong lakas kong iniwasan ang mapanuring tingin ni Guideon. Tumatayo ang buhok ko sa batok dahil alam kong pinapasadahan niya ako ng tingin ngayon! Bakit ko siya titingnan? Eh siya naman yung biglang hindi na nagparamdam. Siya ang umalis. Siya dapat ang marunong bumalik.

Sumimsim ako ng champagne at nag iwas ng tingin. Napatingin ako kay Scarlette nang tawagin niya ako.

"Veronica. Pili ka na sa mga 'to! Single ka na diba? Kahit sino diyan except Xander of course." Niyakap niya yung braso ni Xander. Nginitian ko lang siya ng pilit.

This is really making me feel uncomfortable! Bakit kailangan niya oang banggitin na single ako.

"Ay, bawal na pala si Dom. My long time gf yan, tapos si Guideon naman ay married na." Turo ni Scarlette sa lalaking tinawag niyang Dom at kay Guideon.

Para akong sinaksak sa dibdib nung sinabi niyang kasal na si Guideon. Alam ko naman eh. Alam na alam ko 'yon. Nanlalabo paningin ko. Naluluha ako. Nilagok ko nalang ang natirang champagne para maitago ang reaksyon ko.

"Hoy! Teka! Hindi rin available si Clint 'no! Halika ka nga dito Clinton!" Talak nanaman ni Tiffany. Hinila niya si Clint sa tenga at napa aray naman ang huli.

Nag buyuhan na ang mga lalaki kaya medyo naging maingay sa lugar namin.

"Walangya! Hindi pa nga kayo kasal ina-under ka na agad!" Pang aasar ng isang matangkad na lalaking may gulo gulong buhok at may mapaglarong ngiti sa labi.

"Kelan mo ba kasi papakasalan itong tropa namin? Laspag na laspag na 'to oh!" Sagot naman ng isa pang lalaki na may kalakihan ang katawan at may hikaw sa isang tenga. Nakakatakot ang aura niya. Mukhang manyakis. Gwapong manyakis.

"Ah ganyanan? Ako talaga ang binubunot niyo ha! Teka nga. Hi! Veronica right?" Baling sakin ni Clinton.

Tipid ko lang naman siyang nginitian at nagsalita siyang mula.

"Irereto kita dito sa tropa ko. Veronica, meet Gunther. Gun for short. Maputi, matangkad siya pero ba't ganon? Bakit sobrang grabeng maitim ang itlog?" He sang the last sentence. Puro kalokohan nanaman lumalabas sa bibig nito.

"Huy! Gago ka ba? Mas makinis pa itlog ko kesa sa mukha mo 'oy!" Mahina pero madiing saad ng lalaking may seryosong aura. Mukha itong masungit.

"Sorry about that, miss. I'm Gunther." Inabot niya sakin ang kanyang kamay.

Napalunok ako. Aabutin ko ba? Ramdam ko ang tingin nila sa amin. Ramdam ko ang tingin ni Guideon. Ah! Bahala na! Ano bang pakialam niya? Siya nga may asawa. Wala naman sigurong masama kung makipag kilala ako.

Tinanggap ko ang kamay niya. Ang lambot!

"I'm Ve-" Bago ko pa natapos ang sasabihin ko ay may kung anong nabasag na.

Si Guideon pala, nalaglag ang hawak niyang baso ng whiskey. Lahat tuloy kami nakatingin sa kanya. Pero siya titig na titig siya sakin. Sa buong pagkatao ko. Nahuli ko ring nag-tiim ang bagang niya. Anong ibig sabihin 'non? Ah baka nagagalit kasi nagpakita ako sa kanya. Eh anong magagawa ko kung invited ako?

"Hon, are you okay?" Sumulpot ang isang babaeng maiksi ang buhok mula sa likod niya at hinagod ang braso niya.

"Y-yeah." Para namang nabalik siya sa realidad.

Yung asawa niya ang dumating. Naka black and white na dress ito at naka mermaid cut. Naka lugay lang din ang buhok niya at light make up lamang ang nasa mukha. Masyadong pa inosente.

Hindi ko kinayanan ang eksena kaya nag paalam ako na mag pupunta sa comfort room. Nag kulomg ako sa isang cubicle at kinalma ang sarili. Gusto kong magwala. Gusto kong maiyak. Pero hindi pwede.

Matapos ang ilang sandali ay narinig kong bumukas ang pinto ng cr. Saktong palabas din ako ng cubicle at tumambad sakin ang asawa ni Guideon na mukhang alalang alala.

Gusto kong ibaon sa mukha ng babaeng 'to ang mga kuko ko. Pero kailangan kong pigilan ang sarili ko. Remember, ako ang kabit dito.

"Hi!" Nag huhugas ako ng kamay nang batiin niya ako.

Tinaasan ko lamang siya ng kilay at tipid na nginitian ng hilaw.

"Kaibigan ka pala ng girlfriend ni Xander. I'm Camille. Asawa ko yung lalaki kanina dun. Yung masungit? Si Guideon." Nginitian niya ako.

"I'm Veronica." Tipid kong sagot.

"Nakikita kita sa mga magazines. Hindi ba fashion designer ka?" Oh. Mukhang may alam na din siya about me. Pero mukhang ang hindi niya alam ay ang relasyon namin nga asawa niya.

Tinapos ko ang paghuhugas ng kamay.

"I have to go." Grabe ang pagpipilit ko na huwag siyang tarayan.

"Sige. Nice meeting you!"

Too bad for you, I am not as nice as you think. Madali lang palang mapa bagsak ang babaeng 'to. Sisiguraduhin kong pagsisi sihan mong nakilala mo ako. Ang kabit ng asawa mo.

Continue Reading

You'll Also Like

5.8M 142K 39
He is a playboy billionaire. She's an assistant's daughter. He loves her. She loves another man. She wanted the love of her life to be hers, but th...
22.1M 714K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
4.1M 104K 38
(COMPLETED) Montenegro Series #2 A drop of tear fell into the invitation I am reading. Umiiyak na pala ako. Ilang buwan at gabi na ba akong umiiyak...
3.6M 76K 53
Shalian Formentera was forced to marry her best friend's boyfriend, Alejandro Adrian Villafuente. Hindi siya nakipaghiwalay kahit na ginagawa ni Ian...