6 Days [ Blackpink & BTS ]

By ZeWickedPrincess

28.3K 1K 761

Two talented groups that everyone ships. What if they got picked to have a vacation together in a variety sho... More

6 Days (1)
6 Days (2)
6 Days (3)
6 Days (4) Plans
6 Days (5) Philippines
6 Days (6) EK
6 Days (7) Baba ni Jhope
6 Days (8) Awkward
6 Days (9) Cotton Candy
6 Days (10) Reason
6 Days (11) Detectives
6 Days (12) Palawan
6 Days (13) Chef RoseMin
6 Days (14) Shenegeng with lafu lafu
6 Days (15) Ayreng
6 Days (17) Confusion and Promises
6 Days (18) - Inlove yan?

6 Days (16) Heartless Duo

868 31 60
By ZeWickedPrincess

HAPPY 12K READS!!! YEYYY! DI KO EXPECT NA MAY MAGBABASA NETO!

THANK YOU SO MUCH!


👀❤ 👀 ❤ 👀

Jhope's P.O.V

"Nababaliw ka na ba? Bakit ngiti ka ng ngiti dyan?" Tanong ni RM hyung sakin.

Tinignan ko lang siya ng sandali bago ibalik ang tingin sa cellphone ko.

"Ano ba yang pinapanuod mo?" Dagdag pa nya bago akmang sisilipin ang cellphone ko pero agad ko namang nilock ang screen. "Bakit ayaw mong ipakita? Porn ba yan?" Tanong nya ulit kaya nakatanggap siya ng batok mula kay Yoongi hyung na katabi nya.

"May mga babae" pangaral ni Yoongi hyung bago samaan ng tingin si Namjoon hyung.

"Tulog naman sila eh" nakasibangot na sabi ni Namjoon hyung bago umayos ng upo.

Nasa van na kami ngayong lahat at bumabyahe kahit madaling araw palang. Papunta kami ngayon sa port para sa next destination namin. Tulog lang yung mga babae sa pangalawang seat kung nasaan ako at kami lang ni Taehyung ang napasama sakanila dito habang si Jin hyung ang nasa tabi ng driver.

Sinigurado ko muna na wala nang makakakita sa pinapanuod ko bago ko isuot ang earphones ko at iunlock ang phone ko. Tulog rin si Taehyung kaya sure ako na wala nang mang-aabala sakin.

BB cream papapa
lipstigeul mammamma
kamerae damabolkka yeppeuge

Nakangiti akong nag-s-scroll sa recommended videos na puro fancam ni Momo habang pinapanuod ang isa nyang performance nang makita ko ang fancam ng sayaw nya at ni Dino sa 2016 Gayo Daejun na agad nagpawala sa ngiti ko.

Naaalala nyo ba yung sinabi ko sainyo na may natatype-an ako nung nasa Ferris Wheel kami?

Kilala nyo na?

Oo, si Momo yun.

Kung tutuusin, pwede naman kaming maging close dahil close naman si Namjoon hyung sa Twice kaya lang hindi ko alam kung pano ko sasabihin sa kanya nang hindi nya ako aasarin ng aasarin kay Momo kagaya ng ginawa nya noon kay Jin hyung nung umamin siya na gusto nya si Jisoo.

Sinandal ko ang braso at ulo ko sa bintana ng van kaya medyo nakaharap na ako sa side nila Jisoo at kitang kita ko ang biglang pagbagsak ng ulo ni Taehyung sa balikat ni Jennie na nakasandal naman ang ulo kay Lisa. Sandali ko muna silang pinagmasdan nang biglang may nagflash mula sa harap.

"Cute" sabi ni Namjoon hyung habang pinapakita sakin ang phone nya na may picture nila Taehyung. "Selos ka?" Pang-aasar nya kaya kumunot agad ang noo ko.

Ano bang meron dito kay Namjoon hyung? Bakit lagi siyang nagtatanong kung nagseselos ako tuwing nakikita ko sila Taehyung at Jennie?

Kagaya nalang nung nasa palengke kami. Oo, nakikita ko sila Jennie at Taehyung non pero hindi naman sila ang pinapanuod ko. Yung performance ng Who's Your Mama sa 2016 Gayo Daejun na pinapalabas sa bentahan ng DVD sa likod nila Taehyung ang pinapanuod ko. Nakita ko na mag-partner sila Momo at Dino kaya seryoso ang mukha ko dahil nagseselos ako tapos si Namjoon hyung bigla biglang mang-aakbay at magtatanong kung nagseselos ba ako. Malamang kinabahan ako dahil akala ko nalaman na nya na gusto ko si Momo pero ngayon ko lang narealize na iba pala ang nasa isip ng mokong na to. Akala nya ata si Jennie ang gusto ko. Kay Taehyung na yon eh! Wala akong balak makipag-agawan kagaya nang nangyayari kela Suga at Jin hyung noh. Masyadong nakaka-stress.

Pero at least diba? Hindi nya pa alam! Minsan talaga shunga shunga rin tong leader namin eh.

"Gising na! Nandito na tayo" nagising ako sa pagbukas ng pinto ng van kasabay ng sigaw ng manager namin.

Hindi ko namalayang nakatulog pala ako sa byahe. Nag-aadjust pa yung mata ko sa liwanag dahil tirik na yung araw pagkdating namin.

"Wag nyong kalimutan isuot yung vests nyo dahil mag-babangka tayo patawid ng isla papunta sa pag-s-stayan natin sa El Nido" paalala ng isang staff habang inaabutan kami ng vests isa-isa.

Nang makasakay kaming lahat, nagsimula na ang pagtawid namin sa isla. Grabe ang pagkamangha ko sa kalikasan habang sumusulyap sa labas ng bangka. Bughaw na bughaw ang tubig at napakaganda ng pagkakahulma sa mga isla. Isa na ito sa pinakamagandang tanawin na nakita ko.

Shems! Ang lalim non! Nastress yung baba ko kakaisip dyan!

Medyo matagal rin yung byahe kaya pagkarating namin sa isla, pagod kaming lahat.

"Magpahinga muna kayo sa mga kwarto nyo at mamaya mag-i-island hopping tayo" sabi saamin ng direktor kaya sumunod naman kami agad dahil gusto na rin naming matulog lahat.

Pagkapasok ko sa kwarto, agad akong humiga sa kama.

Sa wakas! Makakatulog na rin!

Jennie's P.O.V

Weird.

Yan lang ang masasabi ko sa ginagawa nila Jisoo unnie at Taehyung sa ilalim ng tubig. Nagkakatukan silang dalawa ng goggles tapos mag-hihilahan. Sagutin nyo nga, bakit ko ba kabigan si Jisoo unnie? Bakit kagaya nya yung kapartner ko sa palabas na to? Bakit? Ano bang ginawa kong masama para parusahan ako ng ganito?

Nasa El Nido na kami ngayon at nagda-diving. Wala kaming mission dito kasi baka mamatay kami ng di oras. Alangan namang pagawin pa nila kami ng mission sa ilalim ng tubig diba? Sa bangka nila kami pinapahirapan kapag maglilipat na ng isla. Pero laro laro lang kagaya ng Mafia, Charades habang nakaupo at killer eye ang mga nilalaro namin dahil hindi naman ito ang main na gagawin namin dito sa El Nido. Enjoy enjoy bakasyon muna kami ngayon at mamayang hapon pa ang tunay na kalbaryo namin.

Andami ko nang nakitang pawikan at ang nasa harap ko ngayon ang pinakamalaki na nakita ko. Akala ko mabilis ang pawikan sa ilalim ng tubig pero bakit itong isang to napakabagal?

Hinila ko ang paa ni Yoongi sa harap ko na pagkabagal-bagal. Nataranta agad siya at sinipa ako pero thinumbs up-an ko lang siya. Binitawan ko rin agad ang paa nya dahil ayoko namang maging dahilan ng pagkamatay ng isang pawikan. Endangered specie pa naman sila.

Lumagoy ako sa tabi ni Yoongi bago ituro sila Jisoo unnie na nagkakatukan parin ng goggles at agad naman nyang naintindihan. Lumangoy kami sa likod nila na hindi naman nila napansin dahil busy na sila ngayon sa pagbibilang ng corals sa baba. Bumilang ako ng tatlo gamit ang daliri ko bago namin sila sabay na kilitiin at agad na lumangoy palayo. Nagmadali kaming umahon at umakyat ng bangka kaya hindi na nila kami nahabol. Umahon sila at kumapit sa bangka.

"Makakaganti din kami sainyo!" Inis na sigaw ni Jisoo unnie pagkatapos tanggalin ang nasa bibig nyang pang-hinga sa ilalim ng tubig. Dinilaan ko lang siya bago makipag-apir kay Yoongi. Winisikan muna nya kami ng tubig bago sila bumalik ni Taehyung sa ilalim ng tubig.

"Babalik na din tayo sa isla maya-maya" sabi ng staff habang inaabutan kami ng twalya at tinatanggal ang mga nakakabit samin. Tumango lang kami bago umupo.

Kitang-kita ko ang away ng tatlong magkaka-team sa kabilang side ng bangka habang umaahon at nakasunod naman sakanila sina Rose at Jimin na tinatawanan lang sila. Asan na kaya sila Lisa? Yung mga malalanding yon talaga kung san san napapadpad.

Kinalabit ako ni Yoongi bago ituro si Jhope na nakatalikod samin at kausap sila Jimin. Thinumbs-upan ko siya at ganon rin siya. Siya naman ngayon ang nagbilang hanggang tatlo gamit ang mga daliri nya.

"OH MY GOSH! ANO YUN?" Sigaw ko pagkatapos magbilang ni Yoongi. Nakuha ko naman agad ang atensyon nila at nakaharap na ngayon saamin si Jhope.

"Ang alin?" natatarantang tanong ni Jhope habang stiff na nakatayo.

"JHOPE MAY PATING!" tumuro si Yoongi sa tabi ni Jhope.

"AY PUTANG INA!" sigaw ni Jhope na yumakap agad kay Jimin na nasa likod nya. "PUTANG INA KA YOONGI! GAGO KA!" galit na sigaw ni Jhope at agad na bumitaw kay Jimin nang marealize nyang pinagt-tripan lang namin siya. Gumalaw ang bangka dahil sa sobrang gulo ni Jhope kaya mas nataranta pa siya lalo.

HAHAHAHA! The best talaga mga facial expressions nya!

"Hoy mas matanda ako sayo, sinong minumura mo dyan?! Kung may pating man sipain mo nalang, kabayo ka naman eh" pang-aasar pa ni Yoongi na ikinatawa ng mga staffs.

"Pagong ka lang!" sigaw pabalik ni Jhope bago umupo sa kabilang side.

Nag-apir kami ni Yoongi at kitang-kita ang pag-iling nila Jimin at Rose habang tumatawa sa harap namin.

"Ang sama nyo, grabe kayo! Wala kayong puso" sabi ni Rose na hindi parin mapigilan ang pagtawa.

Nagkatinginan kaming dalawa ni Yoongi at nagusap gamit ang mga mata.

"Heartless duo kasi kami" sabay naming sabi with our legendary resting bitch faces.











Continue Reading

You'll Also Like

184K 12.3K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...
170K 5.3K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
221K 13.3K 10
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...
1.9K 66 24
One school. Two groups. Eight students. With different personalities. Attitudes. And hidden feelings. But got to live in ONE HOUSE. This is BINI fanf...