SNLTIP by Filipina | Wattpad -- Ch. 6 - Pt. 4
"Ahm, excuse me po.. san po dito yung opis nung founder?" - Ako :<
Bianca's POV.
Ang sama ni Cha, iniwan ako :'<
Iniwan kaya namin yung phone dun sa reception :'((
"Ah, di ko alam eh." - taga linis ata, may mop na dala ee.
"Ah sigi po, tenkyu!" - sabi ko sabay huhu sa isip ko T__T
- - -
Charice POV.
*flashback*
"Pupunta ka sa B2ST di ba?" mahinang sabi ni Gosu sa'kin na may halong lungkot sa boses n'ya nung nagpasya akong humakbang papalabas ng bahay. Liningon ko s'ya.
"Nakita ko yung invitation. Pero di kita pipigilan. Alam kong halos lahat ng kkangpaes, yan yung pangarap... Pero kung magbabago ka ng isip, nasa lugar ako kung san tayo laging nag cecelebrate.. tuwing monthsary natin. Hihintayin kita, hanggang 9"
Tiningnan ko lang s'ya sa mukha.
*end of flashback*
Napatigil ako sa paglalakad. Napatingin din ako sa oras. 8:52 pm na, di na rin naman ako abot dahil mahigit tatlong oras yung byahe papunta dito.
"Ate!! Ikaw yung isa sa mga new members di ba?"
Napatingin ako dun sa nagsalita.
"Yung legendary long lost gangster na babae sa Batangas?"
Tumango na lang ako. Tinatanong ako eh.
"Ako si Delicious Death! Bakit wala ka pa sa office ni 2012?"
"Ah.." - Ako na nag iisip kung anong dahilan kung bakit wala pa nga ako dun...
"AH, alam ko na! Di mo alam kung san? Tara, samahan kita!"
Di na ako nakatanggi kasi hinigit na niya ako. Feeling close nga siya masyado eh.
"Ate, anong age mo na?"
"15." - Ako.
"EHHHHH!!! Akala ko ako mas bata. Ahehe ^__^V"
"17 nga pala ako!" - dagdag niya.
Patuloy kami sa pag akyat nung hagdan. Ano pa nga ba yung ibang inaakyat maliban sa puno? :p
"Ano nga palang pwede kong itawag sa'yo? Pwedeng Ice?"
"Ok.." - Ako.
"Deli na lang ako :D" - si Deli daw.
Matapos naming akyatin yung maraming hagdan, lumiko kami. Grabehan ang tiles dito, parang isang buong semento yung nilagay eh, walang lines.
"Nga pala Ice! Alam mo ba kung bakit naging member ka kahit walang se7en stages?"
"Ah.. di e." - Ako, ice mode = . =
Tumigil na kami sa paglalakad hanggang sa makarating kami sa isang malaking pinto.
"Kasi.."
Pinipihit na niya yung doorknob. Bumukas naman ito. Nakita ko si Bianca, na nakaupo sa isang malaking sofa. Nakatingin yung tatlo sa'kin. Si Shiizuku, si Bianca at yung founder.
"Crush ka ni Founder *___*" - bulong ni Deli sabay ngiti.
"Cha!! Dito ka!!" - Bianca na naghahand gesture na pumunta ako malapit sa kanya.
- - -
"So... Ahm.. Kumpleto na tayo.."
Kasalukuyan akong nakaupo sa isang malaking sofa. Nasa kanan ko si Bianca. Nasa kanan naman ni Bianca si Shiizuku. Nasa unahan naman namin at nakaupo sa parang silyang pang hari yung si Founder.
"8:56 na so mabilis lang ang sasabihin ko. Konting rules."
"Pwedeng magtagalog dito. Bawal ibigay yung necklace sa iba. Bawal iwala. Bawal isuot ang necklace kung hindi kayo nandito sa hotel na to. Pwera na lang kung nag aattract kayo ng hahamon sa inyo sa labas para makapuntos. Bibigyan ko din kayo ng 300 points bilang panimula."
"So.. 2 minutes na lang.. Any questions?"
Walang nagsasalita, wala ring umiiling. Tinaas ko yung kamay ko. May tanong ako eh.
Tumingin naman siya sa'kin.
"Uh, ye?"
Humalumbaba ako.
"Anong oras ng tapos nito?" - Ako.
"6 am." - sagot niya.
"Ah...." - Ako.
*flashback*
"Tutuloy ka ba talaga?" tanong n'ya sa'kin nung akmang hahakbang na ako papalabas ng bahay.
"Bakit?" tanong ko ng seyoso sa kanya.
"Mahal kasi kita." - Gosu.
"Ha?" - Ako.
Tumingin s'ya sa akin.
"Alam mo ba kung bakit.. kokonti ang members ng B2ST? Dahil.. karamihan sa kanila, namamatay. At alam mong importante ka sa'kin... ayoko kitang mawala"
Tahimik lang ako, wala akong masabi.
"Kaya.. pwede bang.. wag ka na lang sumali?" - Gosu.
"Gosu.."
"Sige, magbigay ka ng dahilan kung bakit gusto mong maging b2st." - Gosu na nakatitig sa'kin at inaabangan ang pagbuka ng bibig ko.
Medyo na-hesitate akong magsalita pero pinili kong magsalita.
"Di ba nung kinwento ko sa'yo dati na gusto kong maging member ng B2ST.. sabi mo, gusto mo rin?" - Ako.
"O, so?" - Gosu.
"Di mo kasi maiintindihan." - Ako.
"Ang alin?!" - Gosu.
Di na lang ako nagsalita.
I always have this fear that one day you are going to discover that I'm not as great as you thought I was. That I am.. just.. a normal kkangpae.
Of course, I know... maraming namamatay pag nasa malaki at sikat na gang ka na.... pero... Didn't you liked me, because I am a gangster? Di ba nagustuhan mo ako dahil magaling ako? Di ba?