Alexander's POV
Nasa bahay ko ngayon ang mga loko loko kong kaibigan. Gagawa kasi kami ng kanta for our project. Pero kabaligtaran ang nangyari...
"Stob it! Isa Zennon Hyung! Masakit!" sigaw ni James Hyung.
"Aray! Naman Hyung!" sigaw ni Sceven, with stomp pa yun. Isip bata!
"Hey! Hyung tama na please! Huhu Aray!" mala babaeng tili ni Calix Hyung.
"Hey! Masakit! Nakakarami ka na ah!? Ikaw kaya pingutin ko!? Araaayyy!!" sigaw ni Khaizer Hyung with matching threat pa. Ayan tuloy, napingot ulit.
"Hyung! Masakit! Huhue! Mas masakit pa to nung iniwan ako ni babes! Araaaaay!!!" sigaw ni Rexter, the golden maknae. Nakuha pang magpaka playboy. Tsk!
"Tama lang yan sa inyo! Diba sabi ko mag sorry kayo!? Hindi yung mas lalo niyo pa silang sinaktan! A girl should be treated properly! All of you should not disrespect a girl!At ikaw!" Sabi ni hyung habang nakaturo sakin.
"Hehe bakit hyung?" Kinakabahang tanong ko. Baka pingutin din ako eh, masakit kayang mamingot si hyung!
"Halika dito!" Sabi niya kaya naman wala akong nagawa kundi ang lumapit sa kaniya. Huhue! Natatakot nako! T___T
"Kamusta ka?" Nagtaka naman ako sa tinanong ni hyung.
"Ahmm... okay lang ako?" Hindi ko talaga sure kung bakit tinatanong niya ako kung kamusta na ako. Parang ang tagal namang naming hindi nagkasama. Lumapit siya sakin at inakbayan ako. Kaya lalo akong nagtaka.
"Nabalitaan ko... Nabusted ka daw." Sabi ni hyung habang nakataas ang kilay.
"Nabusted ka!??"
"Bat hindi namin to alam!??"
"Hoy!!.Andya mo huh!!?"
"Kailan nangyari toh!?"
"Hyung nabusted ka!?Bat hindi ko to alam!? Gusto mo, resbakan ko!? Papatol ako sa babae, ano!"
Samo't sari ang kanilang mga naging reaksyon ng malaman nila na nabusted ako. Psh -,-. Kailangan pa ba nila malaman? Nabasted na nga ako't lahat -,-.
"Hey!! Guys! Sasabihin naman dapat sa inyo ni Clion. Kaso baka nahihiya siya kasi nabasted siya. Let it pass guys! Tapos na iyon." Sabi ni Sceven at inakbayan ako. May gana pa siyang akbayan ako huh -_-. Siya na nga ang dahilan kung bakit ako binusted ni Kaelin!
Tss! Marahas kong tinanggal yung pagkakaakbay niya sakin. Nagulat siya, I mean sila. Hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sakin. Sa tuwing nakikita ko si Sceven naaalala ko lahat. Lahat ng mga naging paghihirap ko para mapa-oo si Kaelin, nawala nalang ng basta basta ng dahil sa kanya.
"Ano bang problema mo huh?!" Sigaw niya sakin. Siya pa ang may ganang mag tanong niyan huh!? Hindi ko nalang siya pinansin, lalabas na sana ako ng bigla niya akong hinila pabalik.
"Ano bang problema mo huh!?" Ulit niya ulit. Sinubukan nila kaming pigilan pero hindi nagpaawat si Sceven.
"Wala!" Sabi ko. Tiningnan naman niya ko na para bang hindi siya naniniwala sa sinabi ko.
"You think I'm a Doofus huh!? Ramdam kong may problema ka sakin! Ba't hindi mo nalang sabihin ng diretsyo!?" Sabi niya sakin.
"Alam mo naman pala eh. Bat mo pa kailangan itanong?" Sabi ko habang nakangisi sa kanya.
"Aba't g*g* ka pala eh!" Sabi niya at sinapak ako. Shit! Ang sakit non ah! Gaganti na sana ako nang bigla akong hinawakan ni khaizer hyung at hinila niya ako pabalik.
"Sceven stop it! The both of you stop it! For pete's sake!! Ano bang nangyayari sainyo huh!?" Sigaw ni Zennon hyung pero hindi namin siya pinakinggan.
Huminga muna ng malalim si sceven bago nag salita."Tatanunging ulit kita. Anong problema mo?.
"Anong problema ko!? Ikaw! Ikaw ang problema ko!" Nagulat naman siya sa sinabi ko ngayon.
"A-ako?" Nag tatakang tanong niya.
"Oo ikaw! Nang dahil sayo binasted niya ako! Nang dahil sayo nasayang lahat ng effort ko! Napunta lang sa wala lahat ng pinaghirapan ko!!" Sigaw ko sa kanya. Dahil kahit anong pilit kong kalimutan, bumabalik at bumalik pa rin ang lahat ng sakit pag tuwing nakikita ko siya.
"W-what? H-hindi k-ko a-alam." Nauutal niyang sabi kaya napangisi ako.
"Lagi ka naman talagang walang alam eh! Hahaha! Alam mo ba!? Nasasaktan ako tuwing nakikita ko kayong magkasama, Sceven! Sinabi ko sayo na mahal ko siya kasi bestfriend kita! At dahil na rin mapagkakatiwalaan kita! Sabi ko kaibiganin mo lang siya! Hindi yung ahasin mo siya!" Sabi ko sa kanya.
"Alam mo!? Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung anong meron ka, na wala ako! Alam mo, nagmumukha na nga akong desperado sa kakahabol ko sa kanya eh! At alam mo ba kung gaano kasakit na lahat ng pinaghirapan ko para mapasagot ko lang siya huh!? Nang dahil sayo! Nang dahil sa pesteng pag mamahal niya sayo bigla nalang itong nawala na parang bula!" Dagdag ko pa. Lahat sila nagulat sa mga sinabi ko.
"I-Im Sorry..." Sabi niya at yumuko. Alam ko na umiiyak siya at nasasaktan siya ngayon. Pero mas masakit pa rin yung nararamdaman ko.
"Ano tapos na kayo? Pwede na ba akong sumingit?" Sabi ni Zennon hyung. Kaya lahat kami napatingin sa kaniya.
"Panira ka talaga kahit kailan hyung eh!" Sabi ko dahilan para magtawanan silang lahat. Maliban lang syempre samin ni Sceven. Nagulat nalang ako ng hinila niya ako at si sceven pag katapos ay inakbayan niya kami.
"Alam niyo? Huwag niyong hayaan na masira yung pagkakaibigan niyo nang dahil lang sa isang babae. Dahil lang ba sa babae, magpapatayan kayo? Oo, sinabi ko na respetuhin niyo ang mga babae. Pero wag niyo namang hayaan na masira ang relasyon niyo dahil lang sa babae. Matuto kayong balansehin ang pag-ibig at pagkakaibigan." Sabi ni Zennon hyung. Haba nun ah!
"Alam niyo, namimiss na namin yung dating kayo." Sabi ni James hyung at umakbay kay Sceven.
"Namimiss na namin yung dating sceven at clion! Yung natatanging dalawa na kapag pinagsama ay may kabaliwan na magaganap." Sabi naman ni Khaizer hyung at umakbay sakin.
"Namimiss ko na yung dalawa kong hyung na supportive sa lahat ng kalokohan na ginagawa ko. Lalong lalo na sa pagkuha ko ng chixx!" Sabi ni Rexter, na may wink pa, at umakbay kay khaizer.
"Oy! Oy! Sama ako!! Nang-iiwan kayong mga peste kayo!" Sabi ni Calix Hyung at mabilis na tumakbo papalapit kay James Hyung. Kabayo talaga ang isang toh. Haha.
"I'm really sorry clion. Hindi ko talaga alam na may gusto talaga siya sakin. Sorry nang dahil sakin nasira yung friendship natin. Sorry talaga. Pero kung ayaw mong tanggapin okay lang." Sabi ni Sceven at niyakap ako pagkatapos ay lalabas na sana ng bigla ko siyang pinigilan.
"Sorry din hyung! Alam ko naman na wala ka talagang kasalanan eh. Wala kang kasalan kung ikaw yung minahal niya. At isa pa ako naman talaga yung mali. Hindi sana tayo mag tatalo kung nung una palang sinabi ko na sa iyo kung ano talaga ang problema nating dalawa. Pero kasi don't get me wrong ah. Sa tuwing nakikita kasi kita naaalala ko lahat ng sakit nung binasted niya ako. Sorry din hyung! Sorry talaga. Tama si hyung, I shouldn't let some girl be in between our friendhip." Sabi ko, bigla naman niya akong niyakap. Maya maya rin ay pinakawalan na narin niya ako. Parehas kaming natawa sa itsura naming dalawa. Mukha kasi kaming gusgusin na bata, hahaha.
"Friends?"Kinakabahang tanong niya. Hmmm it's time to take my revenge, muahahahaha.
"No!" Bigla naman siyang nanlumo, napailing nalang ako at inakbayan ko siya.
"Bakit? May sinabi ba akong di na tayo magkaibigan? Duh! Bestfriends na tayo dati pa! Tsk! Tsk! Tsk! Ulyanin!" Sabi ko at tinanggal ang pagkaka-akbay sa kanya at niyakap siya. Niyakap din niya ako pabalik.
"Sali naman kami diyan!"
"Yes! Bati na sila!"
"How sweet -___-!"
Sabi nila Hyung at sumali na din silang lima sa bro hug namin. Maya maya lahat kami ay sumigaw ng.....
"Group Hug!"
Afrer that precious moment, lahat na kami bumitaw! Psh! Nakakasuffocate kaya! I'm really glad na okay na kami ni Sceven hyung!
"Walang makakasira satin! OT7! Hindi tayo matatawag na bad burn kung hindi tayo kumpleto at nagkakaisa. I'm really glad na bati na kayo :)."
Nakangiting sabi ni Zennon hyung.
"Me too!" sigaw ko
"Me three!" sigaw naman ni Sceven hyung
"Me Four!" pagtutuloy na sigaw ni James Hyung
"Me Five!" Lastly, sigaw ni Khaizer Hyung
~~Meanwhile~~
"Pero akin parin si Clion hyung!"
"Walang sayo rexter!.Akin lang ang asawa ko!" Sabi ni Calix hyung pero hindi papaawat si Maknae.
"Hindi! Akin siya! Mangaagaw ka!*PAK!*" sabi niya at sinampal si Calix hyung. Pfttt! Hahaha ang epic ng mukha ni Hyung. Hindi niya siguro ineexpect na sasampalin siya ni maknae.
"Masakit yun ah!" sabi niya, "Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw ni hyung at hinabol si maknae na kasalukuyang tumatakbo ngayon. Napailing nalang kami habang pinagmamasadan sila. Maya maya may biglang umakbay sakin kayo napatingin ako kung sino iyon. Yun pala si Sceven hyung! Nginitian niya ako kaya nginitian ko rin siya pabalik at nag fist bump kami.
Tama nga si Zennon Hyung! Walang makakasira sa pagkakaibigan namin. Yes we always fought but hindi namin pinapalipas ang isang araw na hindi kami nag kakaayos maliban nga lang yung samin ni Sceven Hyung. It's okay na mag away kayo dahil pag katapos non ay may lesson kayo na matutunan, also, it can give your friendship some strength. Like hyung said, hindi matatawag na Bad Burn ang grupo namin kung may isang kulang dahil bawat isa samin ay may kanya-kanyang papel dito. Isa pa, wag din niyong hahayaan na sirain ng isang babae ang pagkakaibigan niyo, like what hyung said. Balansehin niyo ang pag-ibig at pagkakaibigan.
❤ •❤ • ❤ • ❤ •❤ •❤ •❤ •❤ • ❤ • ❤ •❤
Happy 1K read guysuuuu🎉🎉🎉.
Nakakaproud! Hihi
Salamat po sa patuloy na pag suporta sa story namin 😘.
Dedicated to all readers! 😘
Tenchu very much!