The Good Girl's Revenge (Publ...

By blue_maiden

176M 3.9M 1.6M

[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang mot... More

Prologue
Chapter 1: Welcome back
Chapter 2: Broken
Chapter 3: Breaking up
Chapter 4: Hidden feelings
Chapter 5: Big Brother
Chapter 6: Goodbye to you
Chapter 7: Half brother
Chapter 8: Queen bee's plan
Chapter 9: I'm coming home
Chapter 10: Dead and gone
Chapter 11: We meet again
Chapter 12: Selos much
Chapter 13: Threat
Chapter 14: Ex boyfriend
Chapter 15: Manliligaw
Chapter 16: Love and Anger
Chapter 17: Mystery girl
Chapter 18: 5th member
Chapter 19: Ginno
Chapter 20: Candice day
Chapter 21: Surprise gift
Chapter 22: Stranded
Chapter 23: Stuck with each other
Chapter 24: School project
Chapter 25: May The Best Woman Win
Chapter 26: Hello Korea
Chapter 27: Jeydon's reason
Chapter 28: My Sacrifice
Chapter 29: Her other side
Chapter 30: Second chance
Chapter 31: Miracle
Chapter 32: Wide Awake
Chapter 33: Confrontation (Part 1)
Chapter 33: Confrontation (Part 2)
Chapter 34: Letting go
Chapter 35: Reunion
Chapter 36: APAT
Chapter 37: Father and Son
Chapter 38: Truth
Chapter 39: Queen Bee's day
Chapter 40: Who and where?
Chapter 41: Independent
Chapter 42: Magical
Chapter 43: Late night convo
Chapter 44: Goodbye, Sweet Angel
Chapter 45: Reunited (Part 1)
Chapter 45: Reunited (Part 2)
Chapter 46: Abducted
Chapter 47: Mickey Mouse
Chapter 48: Stella & Bunny
Chapter 49: Tragedy
Chapter 50: He's Gone
Chapter 51: Grandmother
Chapter 52: Battle for love
Chapter 53: Win or Lose
Chapter 54: Love or Hate
Chapter 55: Make a Wish
Chapter 56: Road to Forever
Chapter 57: The Heir
Chapter 59: Graduation Ball
Chapter 60: Goodbyes
Epilogue (1st part)
Epilogue (2nd part)
Author's Note
Playlist
The Good Girl's Revenge book!

Chapter 58: The Choice

2.3M 55K 45.2K
By blue_maiden

CANDICE

Tumayo ako sa pinto ng kwarto niya habang siya, abot-langit pa rin 'yong ngiti. Talagang ang saya-saya niya. Hindi ko rin tuloy mapigilan na mapangiti.

Napansin na ako ni Kuya kaya lumapit siya sa 'kin.

"O, Manang, bakit?"

"Gusto lang kita i-congratulate. Masaya ako para sa inyo ni Ate Serina." Ginulo niya bigla 'yong buhok ko na para akong bata.

"Thanks, baby sister." Mukhang maganda talaga 'yong mood niya ha. Tinawag ba naman akong baby sister.

"Ano ba? 'Wag mo na akong i-baby pa. Mag-aasawa ka na!" Natawa siya bigla.

"Kahit anong mangyari, baby sister pa rin kita. Baby damulag nga lang." Tumawa na naman siya nang malakas. Mag-aasawa na nga lang siya, ang lakas pa rin niyang mang-alaska sa 'kin. Hmpf! He's going to miss me. "Manang, kapag umalis na ako sa bahay, ikaw na muna 'yong bahala kay Mama ha?" Napayuko ako sa sinabi ni Kuya. "O, anong problema ha?"

"Wala 'to. Inaantok pa kasi ako. Sige na, maghahanda ako ng mga gamit ko kasi maya-maya aalis na tayo." Tumalikod agad ako para hindi niya makita kung sakaling maiyak man ako.

Pumasok agad ako sa loob ng kwarto ko tapos sinara ko 'yong pinto. Humiga ako sa kama ko pagkatapos ay pinikit ko 'yong mga mata ko.

Selfish ba ako?

Ayokong umalis si Kuya sa bahay. Masaya ako para sa kanila ni Ate Serina pero kapag naiisip ko na aalis na ng bahay si Kuya, hindi ko maiwasan na malungkot nang sobra. Sigurado ako na mahihirapan ako sa pag-alis ni Kuya. Sa loob ng dalawampung taon, kasama ko na siyang lumaki at no'n umalis si Papa, siya na 'yong naging kuya slash papa ko.

Ayoko talaga kapag may taong umaalis.

Sana maging puno na lang 'yong mga taong mahal ko para kahit anong mangyari, mananatili lang sila kung nasaan sila.

Meron nang mga luha na tumutulo galing sa mga mata ko. Naalala ko si Papa. I miss him so much.

"Candice?" Pinahid ko 'yong mga luha sa mga mata ko pagkatapos ay pumunta agad ako sa pintuan para pagbuksan si Mama. "Ready ka na ba? Nandiyan na si Shawn sa baba."

"Give me ten minutes." Pinilit kong ngumiti kay Mama dahil ayokong mahalata niyang umiiyak ako.

Nagmadali akong maghanda para sa Tagaytay trip namin. Hinanda ko na rin 'yong sarili ko para mamaya.

Kailangan ko nang sabihin kay Lucas ang totoo. Ayoko nang patagalin pa 'yong sitwasyon namin. Isa akong malaking tanga para paasahin pa siya sa wala. He doesn't deserve to be hurt.

Pagkababa ko, ready na silang lahat. Nando'n na rin si Ate Serina. Sumakay kami sa van. Si Kuya Charles 'yong nagmamaneho tapos si Lucas naman 'yong katabi niya.

"Serina, hija, kailan ang kasal niyo ni Charles?" tanong ni Halmoni.

Natigilan kami panandalian sa tanong na 'yon. Tiningnan ko si Ate Serina at parang hindi niya alam ang sasabihin. "Ah... ang plano po kasi ni Charles, Halmoni, after graduation." Graduation? E next week na 'yon ah?

"Ah, mabuti naman. Gusto ko pang maabutan 'yong apo ko sa tuhod." Lahat kami, nagulat sa sinabi na 'yon ni Halmoni. Si Ate Serin, hindi alam kung anong ire-react. Buti na lang hindi kami masyado naririnig nina Kuya sa harap. "Candice, gusto ko rin maabutan 'yong apo ko sa tuhod sa inyo ni Shawn." Naubo ako bigla sa sinabi ni Halmoni.

"Mama, masyado pa pong bata si Candice para roon," sabi ni Mama.

"Candice is already twenty, but don't worry, I can wait," seryoso niyang sabi. "Nakausap ko na naman si Shawn about it." Nagkatinginan na lang kami nina Mama. Hindi na ako nag-comment.

Sinandal ko na lang 'yong ulo ko sa upuan tapos napatingin na lang ako sa bintana ng sasakyan.

Yes, I love Lucas. Pero sa tingin ko sa pagmamahal na 'to, mas nangingibabaw 'yong pagmamahal ko sa kanya bilang kaibigan. Hindi ko naman matatanggi na dumating din talaga sa punto na minahal ko siya as a lover. Kaso no'ng bumalik ulit si Jeydon sa buhay ko, roon ko na-realize na iba pala talaga ang pagmamahal ko kay Lucas at kay Jeydon. Na-realize ko na 'yong pagmamahal ko pala kay Jeydon, hindi lang siya simpleng pagmamahal katulad kay Lucas.

Sinaktan man niya ako, iniwan, at pinagtabuyan, sa huli ay mahal ko pa rin siya. Gano'n nga 'ata talaga kapag true love mo.

"Nandito na tayo!" sigaw ni Lucas sa harap. Nilingon niya kami mula sa likod kaya napatingin din ako sa kanya. "Hi, prinsesa." Ngumiti siya sa 'kin at gano'n din ako.

Bumaba na kami pagkatapos ay pumunta kami roon sa lobby ng hotel.

Ang lakas maka-throwback ng lugar na 'to. Naalala ko 'yong date namin nina Jeydon, Marky, at Stacey rito. Hindi ko tuloy napigilan na mapangiti kapag naaalala ko lahat 'yon.

"Why are you smiling?" Napatingin ako kay Lucas. Nakatingin pala siya sa 'kin. Aish! Nakakahiya. "Excited ka na ba? Anong gusto mong gawin? Horseback riding o skating?" Pinilit kong ngumiti sa kanya. Nasasaktan kasi ako para kay Lucas. Minamahal niya ako pero ako, may minamahal na iba.

"Kahit saan. Ikaw ba, saan mo gusto?"

"Kahit saan basta kasama kita." Bigla niyang hinawakan 'yong kamay ko. "Alam mo namang ikaw 'yong kaligayahan ko, 'di ba? Kaya kung nasaan ka, nando'n din ako."

"Siguro mas maganda kung maglakad-lakad na lang tayo." Biglang sumingit si Kuya Charles sa gitna namin.

"Sinong sasama sa 'min? Sasakay kami ni sweety pie sa cable car."

"Candice, gusto mo ba?" tanong sa 'kin ni Lucas.

"Uhm..."

"Ay, pasensya na, Shawn. Hindi nga pala sumasakay 'yan si Manang sa cable car. Takot kasi 'yan sa matataas e." Tumawa nang nakakaasar si Kuya. Hmpf! Lakas talaga niya mang-alaska. "May fear of heights kasi 'tong si Manang."

"Nakasakay na kaya ako riyan! Kasama ko si Jeydon!" Biglang natigilan si Kuya Charles tapos napatingin siya kay Lucas. Aish! Bakit ko ba nabanggit si Jeydon sa harap ni Lucas? Ang stupid ko naman. "Mabuti pa, Kuya, umalis na kayo ni Ate Serina. Hindi na kami sasama ay baka maistorbo pa namin kayo roon."

"Sige, mamaya na lang."

Tiningnan ko si Lucas. Nakangiti siya sa 'kin pero alam ko naman na may lungkot sa mga mata niya.

"Candice, saan kayo pupunta ni Shawn?"

"Hindi ko pa po alam, Mama." Sumingit naman bigla si Halmoni.

"Candy, hayaan mo na muna sina Lucas at Candice. Mabuti pa, pumunta tayo roon sa jacuzzi nila rito." 'Yong ngiti ni Halmoni, kakaiba. I know she's setting me up with Lucas.

Umalis na sina Mama, Halmoni, at Yaya Linda kaya ayon, naiwan kaming dalawa ni Lucas dito. Bigla akong nailang. Hindi ako mapakali at parang ang bigat ng loob ko.

Napag-isipan namin na maglakad-lakad na lang muna. Hindi ko alam pero pareho lang kaming tahimik na dalawa. Minsan napapatingin ako sa kanya pero roon siya sa harap nakatingin.

"Gusto mo bang mapag-isa?" Nagulat ako sa tanong ni Lucas. "Looks like you don't want to be with me." Nakangiti pa rin siya sa 'kin pero alam ko namang nasasaktan siya. Hindi ko na kaya. Ayoko nang makita siya na ganito. "Tama na. 'Wag mo nang palabasin na ayos ka lang dahil alam ko naman na hindi ka okay. Alam kong nasasaktan ka." Umiwas siya ng tingin sa 'kin.

"Ayoko lang na makita mo akong nasasaktan at mahina. I'm sorry. Alam kong marami kang iniisip at ayokong mag-alala ka pa sa 'kin." Tumalikod ako agad sa kanya dahil hindi ko na napigilan na maiyak.

I'm so stupid for hurting a guy like him.

Ayoko na talagang patagalin pa 'to. Pinahid ko 'yong mga luha ko pagkatapos ay hinarap ko siya. Huminga muna ako nang malalim. "Lucas, can you just stop loving me?"

"Are you serious?" Naging seryoso bigla 'yong mukha niya.

"Lucas, oo, mahal kita pero hanggang kaibigan lang talaga 'yong pagmamahal ko sa 'yo. Si Jeydon talaga 'yong mahal ko e..." Hindi ko na naman napigilan na maiyak. "I'm sorry... I'm really sorry..." Nilagay ko 'yong dalawang kamay ko sa mukha ko dahil ayokong makita niya akong ganito.

Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay niyakap niya ako. "'Wag kang humingi ng sorry. Hindi mo kasalanan na mahalin siya."

"Napakasama ko para saktan ka. Ikaw na wala namang ibang ginawa kung hindi mahalin ako. Alam kong nasasaktan na kita ngayon pero ayoko nang masaktan ka pa lalo..." Hinarap ko siya pagkatapos ay tiningnan ko 'yong mga mata niya. "You deserve to be loved."

"Alam ko naman, una pa lang, na talo talaga ako. Alam kong siya 'yong pipiliin mo pero umasa pa rin ako kasi gusto kitang ipaglaban. Ayokong isuko ka nang ganon na lang." Bigla na lang naiyak si Lucas at parang dinudurog 'yong puso ko na makita siya nang ganito. Ito 'yong unang pagkakataon na nakita ko siyang umiyak. "Nakakapagod, nakakasawa, nakakaiyak pero wala akong magawa kasi mahal kita."

"Kung nasasaktan ka na, itigil mo na. 'Wag ka nang magpakabayani at magtira ka para sa sarili mo. Unahin mo ang sarili mo bago 'yong ibang tao." Hinawakan ko 'yong mukha niya pagkatapos ay pinahid ko ang mga luha sa mga mata niya. "May mga bagay na gusto natin pero hindi naman natin kailangan."

Hinawakan ni Lucas 'yong mga kamay kong nasa mukha niya. "Pero ikaw 'yong kailangan ko, Candice... Kailangan kita..."

"Hindi mo ako kailangan, Lucas. Hindi ako ang nararapat para sa 'yo." Nakikita kong pinipilit niyang pigilin 'yong pag-iyak niya pero hindi niya magawa. Sobra siyang nasasaktan ngayon.

"Hindi naman ako 'yong pumili sa 'yo e, 'yong puso ko..." Hawak-hawak pa rin niya 'yong mga kamay ko habang umiiyak siya. "I love you so much, Candice..."

"Hanggang kailan mo balak magtiis sa mga bagay na dapat iniiwan mo na?" Pinahid ko ulit 'yong mga luha sa mata niya. "Tama na. Isuko mo na ako."

"Hindi ko kayang isuko ka. Mahal kita e."

"Minsan, kailangan mo rin na sumuko para maisip mong pagod ka na at tama na." Hinawakan ko 'yong kamay niya. "Hindi ko na mapapatawad 'yong sarili ko kapag nakita pa kitang nasasaktan dahil sa 'kin. You don't deserve all of this. Please... just give up on me."

Tumalikod siya sa 'kin pagkatapos ay napaupo siya at doon siya umiyak ulit. Kapag nakita mo siya sa ganitong sitwasyon, parang dinudurog 'yong puso mo.

Napakabait niya para masaktan ng ganito. Wala naman siyang ginawang masama e. Minahal lang naman niya ako.

"Kahit alam kong walang magagawa 'yong sorry ko, sorry pa rin. Sorry kasi nasaktan kita; sorry kung hindi kita kayang mahalin katulad ng pagmamahal mo sa 'kin; sorry kasi pinaasa kita sa wala... Alam ko, ang sama-sama ko... Kung pwede ko lang sana kunin lahat ng sakit na nararamdaman mo, ginawa ko na."

Lalapit pa lang sana ako sa kanya pero bigla siyang humarap sa 'kin. Hinawakan niya 'yong kamay ko pagkatapos ay tumingin siya sa mga mata ko.

"I love you so much that I just can't let you go..." Sa mga mata pa lang niya, mararamdaman mo na agad 'yong sakit na nararamdaman niya. "Tanggap ko nang siya 'yong pinili mo pero hindi pa rin kita kayang isuko. Gusto ko pa rin lumaban kahit na alam kong sa huli, talo pa rin ako."

"Lucas, please... 'Wag mo nang pahirapan ang sarili mo."

"Mangako ka sa 'kin."

"Ano 'yon?"

"Ipangako mo na hinding-hindi ka na iiyak, na magiging masaya ka sa piling niya."

Tumango ako at ngumiti sa kanya. "Pangako."

Lumapit siya sa 'kin pagkatapos ay hinalikan niya 'yong noo ko. Tiningnan niya ulit ako sa mga mata ko. Kitang-kita ko 'yong maamo niyang mukha. Ngumiti ulit siya sa 'kin.

"Kahit kailan, hindi ka naging akin. Alam kong si Jeydon talaga 'yong nagmamay-ari sa 'yo pero sinubukan ko pa rin kasi mahal kita." Tumalikod siya sa 'kin. "Mahal na mahal kita kaya hindi gano'n kadali na bitiwan at isuko ka. Just give me time, Candice..."

Nakatayo lang ako habang pinagmamasdan si Lucas na naglalakad papalayo sa 'kin.

"Mianhae, Lucas..."

Unti-unting tumutulo ang mga luha ko. Ang hirap at ang sakit na masaktan mo 'yong taong walang ibang alam kung hindi ang mahalin ka.

Naglakad ako papalayo sa hotel.

Masakit at mahirap man 'yong ginawa kong pag-amin sa kanya, para akong nabunutan ng tinik dahil alam kong hindi na aasa pa si Lucas sa wala. Gumaan 'yong pakiramdam ko. Finally, he's starting to let me go.

I hope he can forget all the feelings he had for me. I want to see him happy. He deserves to be.

Sandali, saan ba ako papunta?

Hindi ko alam kung saan ako dinala ng paa ko pero nagulat na lang ako no'ng nasa isang puno na pala ako. Isang pamilyar na puno.

Hinanap ko 'yong sinulat niya rito noon.

Jeydon and Candice, always and forever.

Napangiti ako bigla. Parang kailan lang no'ng sinulat 'yan ni Jeydon. Sabi niya kapag sinulat daw namin 'yong pangalan namin sa puno na 'to, magkakatuluyan daw kaming dalawa. Totoo kaya 'yon?

"Candice?"

"Ay palaka!" Bumilis 'yong tibok ng puso ko dahil sa gulat. Pambihira! "Jeydon?!"

"Uy nandito ka pala? Akalain mo nga naman 'yon o." Tumawa siya. Psh, as if hindi niya alam na nandito kami e alam kong sinabi sa kanya 'yon ni Kuya Charles. "Tadhana nga talaga, palagi tayong pinagtatagpo."

"Anong ginagawa mo rito ha?"

"Bawal ba ko rito? Hindi naman sa 'yo 'yong lugar na 'to ah!" Tumawa na naman siya. Weirdo na pusang robot talaga siya. "Halika nga rito. Mag-usap tayo." Umupo siya roon sa ilalim ng puno. Ano kayang balak niyang gawin? "Samahan mo na ako rito, please?" Hindi ako umupo. Tiningnan ko lang siya. "Please? Please? Pleeease?"

"Fine, matahimik ka lang." Umupo ako sa tabi niya pagkatapos ay ang laki na ng ngiti niya. Bigla na lang niyang hinawakan 'yong kamay ko. "O, para saan 'yang hawak mo na 'yan?"

"Miss na miss na kasi kita e." Pakiramdam ko, nag-iinit 'yong mga pisngi ko. "I miss you, baby girl."

"Miss? Palagi naman tayong magkasama ah."

"Oo nga, pero hindi naman kita mayakap o kaya mahalikan. I miss kissing and hugging you." Kinindatan niya ako bigla tapos lumapit siya sa 'kin. "Can I kiss you?"

Tinulak ko nga siya palayo. Ano siya sinuswerte? "Jeydon Lopez!" Tumawa na naman siya. Ano bang problema niya?

"You're blushing, so maybe you really want me to kiss you huh?" Sinamaan ko siya ng tingin. "I'm just kidding, baby girl."

"Stop calling me baby girl!" Hindi pa naman kami ulit ha?

"Kung ayaw mo ng baby girl, e anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Asawa ko?" Nanlaki 'yong mga mata ko sa sinabi niya sa huli. Asawa raw? Sira talaga siya. "I've heard ikakasal na raw si Tanda."

"Oo, baka after graduation."

"Ahh. Tayo kaya, kailan?" Naubo ako bigla.

"Sira ka talaga!" Hinampas-hamapas ko siya sa braso niya. "Seriously, hindi ko pa naiisip magpakasal. Bata pa tayo. Ayon si Kuya, matanda na 'yon. Twenty three na 'yon e."

"Sabi nila pangarap daw ng mga babae 'yong mala-fairy tale na wedding. Ikaw ba, anong gusto mo?"

"Gusto ko pag kinasal ako, white sand beach wedding tapos maraming fireworks. Ikaw, pag kinasal ka, saan mo gusto?"

"Sa tabi mo."

Automatic akong napangiti sa simpleng salitang 'yon. Iba talaga epekto sa 'kin ni Jeydon.

"I love you, Candice..." Napatingin ako kay Jeydon. "Mahal kita, saranghae, te amo, I love you, sobra-sobra."

Bakit ganito? Bumibilis pa rin 'yong tibok ng puso ko kapag sinasabihan niya ako ng 'I love you'. Nandito pa rin pala 'yong magic na meron kami noon.

I love you too, Jeydon.

"Umuulan!" sigaw ni Jeydon at unti-unti nang pumapatak 'yong ulan. "Tara, baby girl!" Nagulat ako no'ng binuhat niya ako tapos tumakbo kami sa isang lugar na hindi ko makakalimutan.

Sa secret house.

"Basang-basa na tayo." Inapuyan niya 'yong chimney tapos bigla siyang naghubad ng shirt niya. Nanlaki 'yong mga mata ko kasi shet nakita ko na naman 'yong abs niya. Etchusera ka na lang kung sasabihin mong hindi ka naaakit sa katawan ni Jeydon. Sabi nga, katawan pa lang ulam na. "Candice?"

"Pahinging kanin."

"Ha? Kanin? Gutom ka?" Ay potek! Ano ba 'yon? Napalakas 'yong pagkakasabi ko sa isip ko. Nakakahiya naman. Napatingin siya sa 'kin tapos sa abs niya. Ngumisi siya tapos lumapit siya sa 'kin. "Pinagpapantasyahan mo na naman 'yong katawan ko, 'no?"

"Ha? Hindi 'no! Magbihis ka nga! Akala mo naman ang ganda ng katawan mo." Syempre minsan dapat i-deny mo sa harap niya. Nakakahiya e.

"Ayokong magkasipon at ubo." Lumapit siya sa bintana. "Mukhang matagal pa bago tumila 'yong ulan. Mabuti pa, dumito na lang muna tayo. Malapit na rin maggabi." Kinuha niya 'yong cellphone niya sa bulsa niya at parang may tini-text siya.

"Paano sina Mama? Baka hanapin nila ako."

"I already texted them." Naglakad ulit siya tapos umupo siya sa harap ng chimney. "Come here. You'll need to dry up." Lumapit ako sa kanya pagkatapos ay umupo ako sa tabi niya. "Do you still remember our first kiss here?"

Napalunok ako bigla. "Uhm... oo."

"For me, that was the most romantic and unforgettable kiss I had." Hinawakan na naman niya 'yong kamay ko pagkatapos ay sumandal siya sa balikat ko. "Alam mo ba 'yong pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko? Ayon 'yong araw na nakilala kita at hindi ko akalaing sa isang iglap, mamahalin pala kita nang sobra."

"Ako rin. Hindi ko akalain na mamahalin pala kita nang sobra-sobra." Nagkatinginan kaming dalawa. "So it's true. Good girls really fall for bad boys."

"How can you resist a bad boy like me?"

Napatingin ako bigla sa labi niya. Biglang bumilis nang sobra 'yong tibok ng puso ko at parang nag-slow motion na naman ang mundo ko. Damn, I also miss his kiss.

"Kiss me, Jeydon."

"Huh?"

"Shut up and just kiss me."

Ngumiti siya pagkatapos ay lumapit siya sa 'kin tsaka niya ako hinalikan. Sa puntong 'yon, inalis ko lahat ng nasa isip ko at tanging si Jeydon lang inisip ko. Hinayaan ko lang 'yong sarili ko na gawin kung anong sinasabi ng puso ko, at ayon ang halikan siya.

Hinawakan niya ako sa bewang ko habang nakaupo kami. Ako naman, hawak-hawak ko 'yong mukha niya. We're kissing each other so intimately. I guess that's because we miss each other so much.

Naramdaman ko na lang na unti-unti nang bumababa 'yong labi ni Jeydon sa leeg ko. "Hey. Easy, bad boy."

"Damn it. I'm sorry, baby girl."

Ngumiti lang ako sa kanya. "It's alright."

"I just can't resist you. I'm sorry." Hinawakan ko 'yong mukha niya. "I'm really sorry. I didn't mean to go beyond that kiss."

"I know how much you love and respect me so I trust you." Lumapit ulit ako sa kanya pagkatapos ay hinalikan ko ulit siya. "I love you, Jeydon Lopez."

"I love you more and more, my OTL."

"OTL?"

"My One True Love."

Tinitigan ko 'yong mga mata niya. Para akong nahuhulog at pakiramdam ko ay para akong lumulutang sa saya. He can make me fall for him over and over again.

Damn, I'm so in love with this bad boy.


Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 52.7K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
37.7K 2.7K 11
A killer author. Gwapo sya pero sobra syang mapanakit. Ilang baldeng luha na ang aking naipon dahil sa mga Fictional Character na pinatay nya. Pano...
8.3K 316 7
Ellyze Alvarez is a one of a kind girl. She's all beauty and brains. Raised by her mom alone, natuto na siyang maging independent at a young age. Giv...
196K 7.6K 5
One summer camp before someone goes to New York...