My Naughty Bratinella (Comple...

twinklingberyl tarafından

151K 2.5K 151

KONTRABIDA? Okay Fine at least may bida pa rin. GORGEOUS? Oh well, hindi naman maikakaila, right? MAYAMAN? i... Daha Fazla

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
For Special Chapter
Special Chapter
Author's Note

Epilogue

2.8K 43 2
twinklingberyl tarafından


Epilogue

Third Person's POV

"C-Cloud, kanina ka pa ba diyan?" nauutal na tanong ni Aileen.

"Hindi naman. Kararating ko lang actually," Cloud answered and averted his attention to Jace. "What are you doing here Jace?"

"I have something to tell--"

"He has something to tell me. A-about the teleserye we made," pagputol ni Aileen sa dapat na sasabihin ni Jace.

"Ah y-yeah. Pinag-usapan kasi ng management kung itutuloy pa ba ang airing ng show after all the controversies. And I came here to tell her about it," Jace lied.

"Gano'n ba? Pasensiya ka na Jace kung nadamay ka pa sa issue namin ah," ani Cloud na walang kaalam-alam.

"No, it's okay. Wala kang kasalanan do'n."

"Bakit ka nga pala lumabas Cloud?" pag-iiba ni Aileen sa usapan.

"Oo nga pala, I forgot. Hinahanap ka na ng doctor. May mga kailangan ka daw kasing gawin during your pregnancy at mas better daw kung kayong dalawa ang mag-uusap about it."

"Okay, balik na tayo sa loob?"

"Pero si Jace--"

"It's okay Cloud. Kailangan ko na ring umalis. Napadaan lang talaga ako para sabihin ang bagay na 'yun kay Aileen. Mauna na 'ko," paalam ni Jace.

"Sige mag-iingat ka," Cloud replied smiling.

Tila nabunutan ng tinik sa dibdib si Aileen at nakahinga siya ng maluwag pagkaalis ni Jace. Hinawakan siya ni Cloud sa bewang para alalayan kaya napangiti siya sa isiping wala ng makakasira pa ng mga plano niya.

****************

Dumiretso sa library si Amethyst right after class to finish her homework dahil may mga trabaho pa siyang iniwan sa company ng dad niya. She really made herself busy for the past weeks at effective naman dahil kahit papa'no ay nawawala sa isip niya si Cloud.

School, library, work at bahay ang lifestyle ni Amethyst sa kasalukuyan. Marami na ang nangbago at iyon ay ang pagiging matured niya sa maraming bagay. Being brokenhearted doesn't mean it's the end of the world for her. She used that painful experience to be strong and to have a positive outlook in life.

She went straightly to their company right after she finished her homework. She's the current Marketing head of the company and she's busy working about the proposal for the new product that will launch to the market as soon as possible. She's not really into business...dati. Pero na-realized niyang may thrill din pala talaga sa business industry.

"Excuse me, ma'am. May naghahanap po sa inyo," magalang na sabi sa kanya ng kanyang sekretarya.

"I am not expecting any visitor right now," she answered without looking at her secretary because her attention was focused on her computer.

"Kahit ako ang bisita mo?"

Agad siyang nag-angat ng tingin ng marinig ang boses na iyon ng nagsalita. Her visitor was already inside her office with crossed arms while seriously staring at her.

"Trish? What brought you here?" tanong niya na nasa computer na ulit ang atensiyon.

"Someone asked me to invite you to a party."

"Party? I'm sorry but I'm busy--"

"Farewell party," Trish cut her off.

"F-farewell party? Who's leaving?" kunot ang noong tanong niya ng balingan ang kaibigan.

"Sa sobrang workaholic mo, outdated ka na sa mga kaganapan," ani Trish 'tsaka inabot sa kanya ang isang invitation. "They're going to Australia next week and I think they will stay there... for good," Trish added.

Saglit na natahimik si Amethyst atsaka marahang inilapag ang invitation sa table. "I'm not going," she said.

"Pero Amethyst... this will be your last chance."

"Wala rin naman akong sasabihin sa kanya atsaka marami akong trabahong kailangan tapusin."

"You sure you're not going?"

"Pupunta ako, para ano? Para makita kung gaano sila kasaya sa isa't isa? Pakisabi na lang good luck sa kanila."

"I hope you won't regret this in the end."

"Punung-puno na 'ko ng regrets sa buhay Trish. I'm already used to it."

"Okay. You can continue your work na since hindi rin naman ako magtatagal. I need to go home early since magpapa-good shot pa 'ko kay dad para payagan niya 'kong maka-attend sa party later. Idinaan ko lang talaga sa'yo 'yang inivitation hoping that you would come with us," nangongonsensiya pang sabi ni Trish.

"I'm sorry. Babawi na lang ako sa inyo nila Carl at Cullen. I'll make time for you guys next time."

"Promise 'yan ah? Aasahan namin 'yan!" natatawang usal ni Trish na naglalakad ng paatras patungong pinto.

"Oo na, tss." nasagot na lang ni Amethyst.

"Just give us a call when will it happen, okay? Ciao!" Trish excitedly waved her two hands before she left.

Napabuntong-hininga si Amethyst ng maiwan na siyang mag-isa habang tinititigan ang invitation card na nasa harap. Isinandal niya likod at ang ulo sa swivel chair na inuupuan atsaka niya ipinikit ang mga mata. Akala niya nabawasan na ang sakit na nararamdaman niya pero hindi pa pala.

"Mayroon pa bang mas sasakit pa dito?" she whispered to herself as her tears started to fall down her cheeks.

Until her phone suddenly vibrated.

Message from: Trish

Amethyst, I'm sorry pero mayroon akong hindi sinabi sa'yo. I don't want to see you cry again that's why as much as possible, we want to keep it from you. Pero you know that I can't hide anything from you and it's your right to know about it. Pakakasalan na ni Cloud si Aileen sa Australia at doon na nila palalakihin ang magiging anak nila. I'm so sorry.

Pilit lang na ngumiti si Amethyst habnag wala pa ring patid sa pagtulo ang kanyang mga luha. Pinilit niyang huwag isipin ang balitang nalaman pero hindi niya magawa. Parang nawalan siya ng gana bigla na magtrabaho. Hindi niya na rin na-kontrol ang kanyang sarili kaya naman naibato niyang bigla ang mga gamit na nasa mesa niya including the invitation card for Aileen and Cloud's farewell party.

*************

A week after.

"Cloud? Are you done preparing? Baka ma-late tayo sa flight natin," mahinhing usal ni Aileen habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ni Cloud.

Cloud didn't response that's why Aileen decided to open the door slowly since it's not locked. Nakita niya si Cloud na nakaupo sa kama nito at hawak hawak ang cellphone.

"Amethyst... please answer my call," Cloud muttered but Aileen heard it.

Paulit-ulit na nagda-dial si Cloud sa cellphone niya kaya hindi nito napansin ang presensiya ni Aileen. Matinding inis ang naramdaman ni Aileen kaya padabog siyang lumapit kay Cloud at marahas na inagaw ang cellphone nito.

"A-Aileen," gulat na sambit ni Cloud.

"Ano, Cloud? Aalis na lang tayo, si Amethyst pa rin 'yang iniisip mo?" Aileen grumbled.

"May gusto lang akong sabihin sa kanya."

"Cloud, puwede ba? Wala na siyang pakealam sa'yo o sa kung anuman ang sasabihin mo!"

"Wala akong pakealam, okay? I'll just tell her I love her!" galit na bulyaw ni Cloud pero agad ring nagbago ang kanyang ekspresiyon ng makitang umiiyak na si Aileen.

"Napaka-insensitive mo naman. Hindi mo man lang inisip 'yung mararamdaman ko o 'yung kalagayan namin ng anak mo. Sana maisip mo man lang na nasasaktan na rin ako sa mga ginagawa mo. Puwede ba Cloud? Puwede bang kalimutan mo na ng tuluyan si Amethyst at ako na lang ulit ang mahalin mo?" she groaned.

"I-I'm sorry," halos pabulong na usal ni Cloud at maingat na hinatak palapit sa kanya si Aileen para yakapin. "Please stop crying... D-don't worry, I'll try my best," dagdag pa nito.

And from there... a devilish smile flashed on Aileen's face.

************

"Where's Jace?" nagtatakang tanong ni Cloud ng dumating sina Carl, Cullen at Trish sa airport kung nasaan sila.

"May press conference daw siya ngayon kaya hindi siya makakapunta," it's Carl who answered.

"Gano'n ba kaimportante ang trabaho niya kesa sa amin? Tss. Hindi na nga siya umattend noong farewell party e," parang nagtatampo pang tugon ni Cloud sa mga kaibigan.

"Intindihin mo na lang. Alam mo namang pangarap na talaga niya ang pag-aartista kahit noong mga bata pa tayo hindi ba? And besides... hindi pa ba kami sapat sa'yo?"

"Drama mo, tss."

"Cloud, let's go? Baka ma-late na tayo sa flight natin," sabat ni Aileen sa usapan ng magkakaibigan kaya napatango na lang si Cloud.

"Pa'no ba 'yan? We're going. Take care of yourselves, okay? Kayo na rin ang bahala sa parents ko," ani Cloud.

"Mag-iingat kayo do'n sa Australia." Cullen uttered.

Bumaling si Cloud kay Trish at may gusto sana sisyang sabihin dito tungko kay Amethsyt pero nagdesisyon siyang huwag na lang ituloy sa takot na masaktan muli si Aileen.

"Don't worry, Cloud. I'll tell her na pinapasabi mo sa kanyang mag-iingat siya palagi," biglang sabi ni Trish kaya napangiti na lang si Cloud. Kahit wala siyang sinasabing kahit ano ay alam pa rin ni Trish ang gusto niyang ipaabot kay Amethyst.

Napairap naman sa ere si Aileen ng marinig iyon at minadaling umalis si Cloud. Nag-fist bump muna ang magkakaibigan bago niya hinatak si Cloud palayo sa mga ito ngunit hindi pa man sila nakakalayo ay nag-ring bigla ang cellphone ni Cloud kaya natigil sila.

It's Jace who's calling.

"Jace! Akala ko nakalimutan mo na 'ko. Hindi ka na nga nagpakita nung farewell party ko, hindi ka pa nagpakita ngayong paalis na kami. Hindi mo ba kami mami-miss--"

[Cloud, I have a press conference today and it will start after 5 minutes. Mahihintay mo ba 'yun para mapanood?] Jace answered on the other line.

Agad na kumunot ang noo ni Cloud sa pagtataka. "Why? Do you have a surprise for me before I leave?" biro niya.

[Hmm.]

"Matutuwa ba 'ko or... is it something bad? Based kasi sa boses mo parang napaka-seryoso naman ng surprise mo."

[Just promise me that you'll watch it before you go.]

"O-kay."

[And I hope you'll forgive me after that.] he said before he hung up.

Kinutuban at kinabahan si Cloud ng marinig ang huling sinabi ni Jace. Napaisip tuloy siya kung anong kasalanan ni Jace para sabihing sana mapatawad siya nito pagkatapos ng conference.

"Si Jace ba 'yon? What did he say?" Aileen asked.

"Nothing. Anyway, can we stay for a while? Hindi pa naman tinatawag ang flight natin," Cloud retorted. He decided not to tell Aileen what Jace have said on the phone dahil masyado na siyang naghihinala. Pakiramdam niya may hindi magandang mangayayari ngayong araw.

"Si Jace 'yun oh!" biglang usal ni Cullen at itinuro ang malaking screen na nasa gitna ng airport kaya napatingin ang lahat ng taong naroon including Cloud and Aileen.

'Jace Clarkson, may aaminin live on his press conference!' iyon ang nakalagay na headline at naka-flash sa screen na napapanood din nationwide.

"C-Cloud... can we go now?" kinakabahang tanong ni Aileen kay Cloud na nakakunot na ang noo at nasa screen ang buong atensiyon.

"We'll go after his conference," Cloud answered without looking at Aileen.

"Pero Cloud--"

"Good morning everyone," panimula ni Jace na nasa TV kaya hindi na natuloy ni Aileen ang kanyang sasabihin. "I'm sorry for this urgent press conference... I just thought that this is the right time to tell you guys a secret," biro pa nito at bahagya pa siyang natawa.

"Secret? Anong secret ang tinutukoy ni Jace? Secret pero sasabihin niya sa public?" natatakang tanong ni Carl sa mga kaibigan na nakatutuok pa rin ang atensiyon sa TV.

"Makinig ka para malaman mo, tss." ani Trish.

"First, I want to say sorry to one of my best friend, best buddy and a brother to me, Cloud Montero. Also sorry to his real girlfriend, Amethyst Tuazon," sabi pa ni Jace kaya nag-umpisa ang bulung-bulungan. "Sobrang dami kong kasalanan sa inyong dalawa at ayoko na sanang dagdagan pa iyon ng isa pang kasalanan. This maybe the end for me that's why I'm doing this for the last time. I want everyone to know that I am..." Jace took a deep breathe first at wala ni anumang emosyon ang bumabakas sa kanyang hitsura. Nakatutok lang ang kanyang mga mata sa iisang direksiyon na para bang nasa harapan niya talaga sina Amethyst at Cloud. "...I am the real father of Aileen Samonte's child," he continued that made the world stopped to go round.

Tumayo si Jace sa harap ng camera at mga reporters 'tsaka ito nag-bow. Hinabol siya ng mga ito when he turned his back to asked him so many questions pero hindi na siya nagsalita pa at tuluyan ng umalis.

Hindi agad nakagalaw si Cloud sa kinatatayuan matapos ang mga narinig. He clenched his fist and gritted his teeth bago binalingan si Aileen na halata sa hitsura ang kaba.

"C-Cloud... don't listen to him. Maybe he's doing this for p-publicity..." Aileen muttered stuttering.

"Kilala ko si Jace. He won't sacrifice his dream just for a fucking publicity stunt! So it's better for you to tell me the truth while I'm being nice," Cloud answered. Mahina lang ang pagkakasabi niya pero ramdam ng kahit na sino ang galit sa tono ng kanyang pananalita.

"Cloud... no, please don't believe him--"

"So sinasabi mo ba na ako talaga ang ama ng batang dinadala mo?"

"O-of course."

"Okay let's go."

"Are we going to Australia now?"

"Hindi. Ipapa-cancel ko muna ang flight natin."

"S-saan tayo pupunta?

"Ipapa-pre natal DNA natin ang bata," Cloud retorted.

Napalunok si Aileen sa sinabi ni Cloud kaya mabilis niyang binawi ang kamay dito. "N-no," she uttered.

"Why? Are you afraid? Kung ako talaga ang ama ng batang 'yan, wala kang dapat na ikatakot. Now, I'll ask you one more time. Ako ba talaga ang ama niyan... o si Jace?"

"C-Cloud..."

"Tell me the truth Aileen."

"C-Cloud please..."

"I said tell me the truth!"

"Si Jace!" pag-amin ni Aileen ng umiiyak. "Si Jace ang totoong ama ng batang 'to--"

"Umalis ka na sa harapan ko."

"Cloud, no please... nagawa ko lang naman 'yun dahil mahal kita," pagmamakaawa ni Aileen habang wala pa ring patid ang pagtulo ng kanyang luha.

"Ayaw mong umalis? Sige... ako na lang ang aalis," Cloud said before he turned his back but he forgot something to say kaya muli niyang hinarap si Aileen. "Hindi mo alam kung anong ginawa mo. Ayaw na ayaw na kitang makita. Huwag ka na sanag magpapakita pa sa akin... kahit kailan," he clenched his jaw before he turned his back again and left.

Walang nagawa si Aileen kung hindi ang umiyak at sundan ng tingin ang papalayong likod ni Cloud.

"We didn't expect na aabot ka sa puntong 'to Aileen," seryosong usal ni Carl.

"Hindi lang pala relasyon ang kaya mong sirain, pati pala buhay. Talagang 'yung mag-best friend pa ang ginago mo ah? Sinong matinong babae ang magpapaako ng anak sa lalakeng hindi naman pala talaga ang tunay na ama? Nakakatakot ka na," sabat naman ni Trish. "Gustung-gusto kitang sabunutan at sampalin para kay Amethyst kung hindi ka lang talaga buntis," she added.

"Napaka-selfish mo Aileen. Hindi ka na naawa kay Cloud. Sinira mo na nga sila ni Amethyst pati ba naman buhay niya gusto mo pang sirain. Kahit sobrang mahal niya si Amethyst, nag-give up siya para panindigan 'yang batang dinadala mo na hindi naman pala sa kanya. Grabe, sumobra ka naman ata? Huwag na huwag ka ng magpapakita kay Cloud dahil kapag nagpumilit ka, kami ang unang makakalaban mo," galit na galit naman na pahayag ni Cullen.

"Umalis na tayo dito. Kanina pa 'ko nanggigigil e! Baka makalimutan kong buntis 'to at kung ano pang magawa ko," inis pa ring sabi ni Trish atsaka hinila sina Carl at Cullen matapos tapunan ng masamang tingin ang parang wala na sa sariling si Aileen.

**************

After Jace's big revelation, nag-quit na siya ng showbiz. He's nowhere to be found, even Aileen. Kahit ang mga kaibigan nitong sina Carl, Cullen at Cloud ay wala ng balita tungkol sa kanila after what happened.

While Cloud on the other hand, continued his life despite of confusion. He even asked himself what he has done to deserve unending pain and emotional torture. Pero kung nasasaktan siya matapos ang mga nangyari, aware siyang mas nasaktan ng sobra si Amethyst.

[Cloud! Puwede ba tayong magkita ngayon? May importante sana akong sasabihin sa'yo tungkol kay Amethyst.] Carl uttered as Cloud answered his call.

"What is it? Hindi ba puwedeng sabihin mo na lang dito?"

[Hindi puwede. Kailangang sa personal dahil sobrang importante nito. Pumunta ka bago pa man mahuli ang lahat.]

"W-what do you mean?"

[Basta, pumunta ka. I'll text you the place.]

Carl--" hindi na natuloy ni Cloud ang sasabihin dahil pinatay na ni Carl ang tawag. Mabilis siyang naghanda at umalis the moment na na-receive nito ang text ni Carl kung saan sila mag-uusap.

Nagtataka man sa lugar na sinabi ni Carl ay pinuntahan niya pa rin iyon. Late na niyang na-realized na na nasa park pala siya ng village nila Amethyst dahil na-park na niya ang sasakyan at kasalukuyan na niyang hinahanap ang playground na sinabi ni Carl kung saan sila magkikita. And when he found the place, hindi si Carl ang naabutan niya doon kung hindi si--

"Amethyst?" kunot ang noong tawag niya kay Amethyst na mag-isang nasa swing at nasa kawalan ang atensiyon.

"C-Cloud," halos pabulong na sambit ni Amethyst ng mag-angat ito ng tingin. "What are you doing here?" she asked.

"Imi-meet ko si Carl. Dito kasi 'yung sisnabi niyang place that's why I'm here."

"Imi-meet ko rin siya dito e."

"What?" nagtatakang tanong ni Cloud until he realized everything. "Wait, did he tell you na may importante siyang sasabihin sa'yo tungkol sa akin?"

"Hmm. Pa'no mo nalaman?"

"Dahil 'yun din ang sinabi niya sa akin."

"Eh? So ibig sabihin--"

"Sinet up nila tayo para magkita," pagtutuloy ni Cloud sa dapat na sasabihin ni Amethyst.

As if on cue, pareho silang may na-receive na text message galing kay Carl.

From: Carl

Sorry guys. Ayaw sana namin makialam sa mga plano niyo pero ayaw na naming makita kayong nahihirapan. Sana makapag-usap kayo at makapag-ayos. ClouMethyst pa rin, FTW! Have a good time together, ciao!

Parehong natawa si Cloud at Amethyst pagkabasa nila ng message na iyon ni Carl.

"Nagpapaka-kupido na naman ang mga loko," natatawang komento ni Cloud ng maibalik ang cellphone sa bulsa. Hindi naman sumagot si Amethyst at ngumiti lang ito kaya nagdesisyon si Cloud na maupo sa katabi nitong bakanteng swing. "Kamusta ka na? It's been a while," he started.

"Okay naman ako. Medyo busy sa company ni daddy atsaka sa school. Ikaw? Nabalitaan ko 'yung nagyari. S-sorry ah," ani Amethyst at yumuko para pigilan ang mga luhang nagbabadyang tumulo.

"You don't have to feel guilty Amethyst. Kung ako 'yung nasa posisyon mo, malamang gano'n din ang gagawin ko. Ako ang dapat na humingi ng tawad sa'yo dahil sobra sobra na 'yung sakit na idinulot ko sa'yo."

"Pareho lang naman tayong nasaktan sa nangyari. Sobrang mahal ka lang talaga siguro ni Aileen kaya niya nagawa 'yun."

"Ewan. Naguguluhan pa rin ako sa mga nangyayari. Kahit sarili ko hindi ko maintindihan. Inisip ko... kung hindi ba 'ko naaksidente at kung hindi kita nakalimutan, mangyayari kaya 'to sa atin?" tanong ni Cloud sa sarili dahilan para mapatingin sa kanya si Amethyst.

"I am questioning myself too. Kung hindi ba 'ko nakipag-break sa'yo noon at kung pinakinggan kita, aabot kaya tayo sa puntong 'to?"

"Kaso nangyari na e. We're already here."

"So... what's your plan now?"

"I've decided to go back to Australia alone."

"Y-you're leaving?" naluluhang tanong ni Amethyst.

"Hmm. I need to find myself first. Pakiramdam ko hindi ako buo dahil... wala akong maalala na kahit isa tungkol sa'yo. To be honest, ayokong iwan ka. Gusto kong magmakaawa sa'yong bumalik ka sa akin pero alam kong hindi gano'n kadali 'yun pagkatapos ng mga nangyari. Natatakot na akong saktan ka, Amethyst. Sobrang mahal kita to the point na ayaw na kitang makitang umiiyak ng dahil sa akin. Mahal na mahal kita pero puro sakit lang ang kaya kong ibigay sa'yo."

Mabilis na pinunasan ni Amethyst ang mga luhang sunud-sunod na nagbagsakanmatapos marinig ang mga sinabi ni Cloud. "Hanggang kailan ka sa Australia?"

"Maybe I'll stay there... for good? I don't know. Or maybe I'll be back here kapag ready na 'kong harapin ka ulit at kapag sigurado na 'kong hindi ka iiyak at masasaktan ulit ng dahil sa akin. 'Yun ay kung wala ka pang nakikilalang iba kapag dumating ang araw na 'yun."

"Maghihintay ako Cloud," Amethyst said without second thoughts kaya gulat na napatingin sa kanya si Cloud. "Maghihintay ako kahit gaano pa katagal 'yan basta ipangako mo sa aking babalik ka," she added.

Hindi agad nakasagot si Cloud at napatitig lang ito kay Amethyst. "Of course. Kung maipapangako mo ring may babalikan pa ako," aniya.

"Maghihintay nga 'ko 'di ba? Malamang may babalikan ka!"

"Sana pagbalik ko naaalala na kita," sabi pa ni Cloud habang malayang tinititigan ang mukha ni Amethyst. "I'll miss you," dagdag pa nito.

Nag-iwas ng tingin si Amethyst para magpunas ng luha bago muling hinarap si Cloud, "Mami-miss din kita. Mag-iingat ka do'n sa Australia ah?"

Cloud just smiled and nodded his head, "Can I hug you... love?" he asked.

"I was about to ask you that. Of course... love," she retorted. Tumayo siya at gano'n din si Cloud 'tsaka sila nagyakap ng sobrang higpit.

"I'm sorry if I have to leave you but promise that I'll be back together with the memories we've shared in the past. I love you, Amethyst... take care of yourself always, okay?" he asked as he cupped Amethyst's face. "Bye," he whispered before he kissed her forehead and turned his back.

Hindi na nakasagot si Amethyst at napaluha na lang siya habang pinagmamasdan ang likod ni Cloud na papalayo na sa kanyang paningin.

"I love you, Cloud. I love you so much," Amethyst whispered to herself while crying.

**************

Airport.

"Anak... hindi na ba talaga magbabago 'yang isip mo?" malungkot na tanong ni Mrs. Montero sa anak.

"You already asked me that more than ten times mom," ani Cloud at bahagya pa itong natawa.

"E kasi naman anak--"

"Mom?"

"Oo na, hindi na 'ko mangungulit. Basta mag-iingat ka doon ah?"

"Kayo ho ang mag-iingat dito kasi wala ako. Alagaan niyo dad ang isa't isa, okay? I'll call you when I get there," Cloud said to his mom then he turned his attention to his friends. "I need to go guys. Kayo ng bahala kay mommy ah."

"Taon na naman ang bibilangin namin bago ka bumalik dito," ani Carl.

"Tigilan mo 'ko sa kadramahan mo Carl. As if naman hindi niyo 'ko kayang puntahan sa Australia para bumisita."

"Ay, wow. Ikaw 'tong mang-iiwan tapos kami pa ang mag-a-adjust para bisitahin ka? Ikaw ang bumalik dito uy! Sayang plane ticket. Atsaka baka nakakalimutan mong ma pinangakuan kang babalikan dito?" sabi pa ni Carl ng nakangisi.

"Sana may mangyari ulit na unexpected para hindi ka ulit makaalis," biro naman ni Cullen sa pinsan.

"Siraulo. Kapag may nangyari ulit na gano'n, baka sign na 'yun para mag-stay talaga ako dito. Kaso feeling ko wala ng mangyayari kaya tuloy na tuloy na 'to."

"Cloud..." Trish muttered that's why Cloud faced her. "Si Amethyst..."

"Why? What's with her?"

"Ayaw niya sanang ipasabi sa'yo kaso... ayoko namang umalis ka ng hindi man lang siya nasusulyapan."

"What do you mean?"

"She's here and she's watching us from a far. I told her to come with us but she refused. Baka daw kasi kapag nakita ka niyang paalis sa malapitan, baka magmakaawa siya sa'yong mag-stay ka na lang sa kanya."

Hindi sumagot si Cloud at mabilis nitong inilibot ang tingin sa paligid. And from a far, he saw Amethyst crying while looking at them. Amethyst just smiled at him before she decided to turn her back. Mas maigi ng siya ang unang tumalikod dahil mas masakit sa kanya na makitang si Cloud ang tumalikod para iwan siya.

"I have to go. Take care everyone," Cloud mumbled and he bid his final goodbye. Muli niyang sinulyapan ang puwestong inalisan ni Amethyst bago tumalikod para umalis na.

He doesn't want to leave the girl he loves but he needs to find his self. It wasn't easy for him pero matapos ang lahat ng nangyari, pakiramdam niya hindi niya deserve si Amethyst. He brought her too much pain since the day he forgot everything about her. Kaya wala na siyang maisip na iba pang paraan kung hindi ang umalis. He admit to himself that he's a coward for leaving the girl he truly love but after everything that happened, he had no choice.

Malungkot na naglakad si Cloud palayo sa pamilya at mga kaibigan bitbit ang passport at hatak ang maleta ng makaramdam siya bigla ng matinding sakit ng ulo. Nabitawan nito ang passport at napaluhod pa habang iniinda ang sakit kaya nag-aalalang tumakbo palapit sa kanya ang kanyang ina pati ang mga kaibigan.

"Anak! O my gosh, what's happening?" naiiyak ng tanong ni Mrs. Montero sa anak.

Cloud didn't response at patuloy lang siyang namimilipit sa sakit ng ulo until something suddenly flashed in his mind.

"Bakit mo ba pinag-aaksayahan ng oras 'tong damit na 'to?" I asked annoyed. "O sige, sa'yo na lang!" sa sobrang inis ko ay hinagis ko pabalik sa kanya ang damit pero hinagis lang niya iyon pabalik sa akin.

"No need! Bibili na lang ako ng mas mahal diyan!" she said.

"Iyon naman pala e. E 'di umalis ka na sa dadaanan ko," sabi ko pa sa kanya 'tsaka ko siya tinulak bago ako tumungo sa counter.

*****

"Fine... I quit. I think it's enough for me to see your face like that. You look like an evil who wants to kill someone. HA-HA-HA! So pathetic!" she said then she ran towards the exit. Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko sa sobrang inis ng bigla niya 'kong tinawag ulit. "Psst hoy! INGAT KA MY STALKER!" she shouted.

*****

"Masyado kang matapang my naughty bratinella," I said with a seductive smile.

"What the--anong your naughty bratinella?" she asked annoyed but I just smiled widely.

*****

"It is true that I fell inlove with you but I remained silent and I've decided to keep it to my self because I know that...this is not right. Kasi may nagmamay-ari na sayo bago ka pa dumating sa buhay ko. Akala ko pag iniwasan kita mawawala na 'tong nararamdaman ko para sa'yo. Hindi pala ganun kadali yun. Ikaw kasi e! Imbes na makalimutan kita lapit ka pa ng lapit! Assumera ba 'ko o sadyang paasa ka lang talaga? Di joke lang. Alam ko namang siya ang mahal mo e pero...ano ba talaga 'ko sayo? Siyempre ang isasagot mo, I'm just your friend. Oh diba, rejected na ang beauty ko? Kaya heto iiyak na lang ako. Siyempre masakit, alangan namang tumawa ako diba? Don't worry, I'm not blaming you for this pain because it's me who let myself fall for you though I know that you won't catch me. Pero kagaya nga ng mga gasgas na linya ng mga one sided love...as long as you're happy, I'm happy. Don't worry, yung last rule mo gagawin ko yun pero hindi pa sa ngayon. Saka na kapag nakalimutan na kita. Hehe. Teka, okay na yun. Masyado ng mahaba psh." she confessed.

*****

"Bakit 'di mo na lang kasi ako diretsahin? Ano? Sabihin mo 'yung totoo! Siguro iniisip mong uto-uto ako? Ano, Cloud? Sumagot ka!" inis na inis pa ring tanong niya sa akin. Hindi ako nakasagot at napayuko lang ako sa harapan niya. "See? Wala kang masabi dahil tama ako? What the heck Cloud! Kung iniisip mong—"

"I LOVE YOU! I'VE FALLEN INLOVE WITH YOU AMETHYST! SATISFIED?!" I blurted out. "Damn."

*****

"I wouldn't do that fuckin' kissing scene in front of everyone if I don't love you. You know me very well, right? Does my fuckin' heartbeats not enough? Listen to it Amethyst, those heartbeats will tell you everything because those heartbeats can't lie," I stated and I hugged her from the back.

"I love you too, Cloud." she suddenly whispered dahilan para mayakap ko siya ng mas mahigpit dahil sa sobrang tuwang aking nararamdaman.

****

[Love? Love nasaan ka?] I asked her on the other line.

"Nasa unit ko lang ako love. L-love, I'm sorry. I've already watched the video...I know that my sorry isn't enough but—"

[Hush, Amethyst. I'm on my way to you. We'll fix this now, hmm? Wait for me there, okay?]

"I'll wait for you. I love you, Cloud," she uttered.

****

"Nagsisisi na 'ko Cloud. Naging selfish ako at 'yung nararamdaman ko lang ang palaging iniisip ko. Ni hindi man lang kita binigyan ng chance na mag-explain at 'di ko man lang inisip na nasasaktan na kita--na nasasaktan ka rin dahil sa nangyayari sa relasyon natin. Sorry, huh? Promise 'di na 'ko uulit. Siyempre 'di na rin kita pakakawalan, magkamatayan na pero akin ka lang. Doon lang sa part na 'yon ako magpapaka-selfish tutal ako naman ang future wife mo e. Mahal na mahal kita Cloud kaya please...gumising ka na ah?"

****

"I love you, Cloud. You're still my future husband and the man I want to be with for the rest of my life. So wake up now, Love. I will wait for you."

****

"Anak? Cloud? Please tell me what's happening," ani Mrs. Montero na nag-aalala pa rin habang yakap yakap ang anak.

Pawis na pawis at namumutla si Cloud ng kumalas siya sa yakap ng kanyang ina na nag-aalala pa rin. Hinihingal rin siya na para bang sumalang siya sa isang martahon pero unti-unti namang nawawala ang kanyang sakit ng ulo.

"Dude, please tell us what's happening to you. Tatawag na kami ng ambulansiya," nag-aalala ring usal ni Carl.

"S-si Amethyst..."

"Cloud please. Dadalhin ka muna namin sa hospital--"

"Si Amethyst... n-naalala ko na siya," sagot ni Cloud ng naluluha atsaka binalingan ang ina at ang mga kaibigan. "I remember everything now. I remember everything about her," he added catching up his breahe. Kahit nanghihina ay pinilit niyang tumayo at humakbang.

"Anak saan ka pupunta?"

"Mom, I need to find her... I need to find the girl I really love."

"But... what about your condition--"

"Don't worry about me, mom. I'm okay," Cloud answered and gave his mom and his friends a smile to assure them that he's really okay.

"Cloud, hindi pa 'yun nakakalayo." Trish said smiling. Ngumiti sa kanya si Cloud at tumango bago tumakbo para hanapin si Amethyst.

*********

Napahawak sa kanyang dibdib at pinilit ni Amethyst na huwag maiyak ng marinig ang announcement na nag-take off na ang eroplanong sinasakyan ni Cloud patungong Australia. Wala na siya, sa isip isip niya. She composed herself and heaved a deep sighed before she continued walking out the airport.

Nakarating na siya sa parking lot at akmang sasakay na sa kotse niya when her phone suddenly rang.

"Cloud? Paano ka nakakatawag? Hindi ba't nag-take off na ang eroplanong sinasakyan mo? Bakit hindi ka nag-airplane mode?" sunud-sunod na tanong niya at sobrang nagtataka siya sa biglang pagtawag ni Cloud.

[Bakit ako mag-I-airplane mode ng cellphone ko e hindi naman ako nakasakay ng eroplano.] Cloud just answered and he chuckled.

"Eh? A-anong hindi ka nakasakay ng eroplano? Hindi ba't papunta ka ng Australia ngayong araw--"

[You have so many questions... my naughty bratinella.]

Natigilan si Amethyst sa huling tatlong salitang binanggit ni Cloud at tila parang tinambol ang puso niya sa sobrang lakas ng tibok. "A-anong tinawag mo sa akin?" she asked stuttering and teary eyed.

[My naughty bratinella? Hindi ba't tawag ko na sa'yo 'yun noon pa?] sagot pa ni Cloud na ngiting ngiti dahil nakatayo na siya sa likod ni Amethyst at kitang kita niya ang bawat reaksiyon nito. "Nagulat ba kita?" he asked smiling when he ended the call.

Laking gulat naman ni Amethyst ng makita sa likuran niya ang lalaking pinakamamahal kaya hindi agad siya naka-recover.

"C-Cloud... W-what are you doing here? Hindi ba dapat nasa--"

"Naiwan 'yung puso ko dito e."

"Eh?"

"Hmm. Naiwan kasi 'yung pinakabaliw na bratinellang nakilala ko pero... mahal na mahal ko. Hindi ba't sabi ko babalik ako kapag naaalala ko na ang lahat ng tungkol sa'yo? Medyo napadali nga lang," biro pa ni Cloud.

"N-naalala mo na 'ko?" hindi makapaniwala at naiiyak ng tanong ni Amethyst.

"Sorry kung natagalan bago kita naalala--" hindi na niya natuloy ang sasabihin dahil lumuluhang niyakap siyang bigla ni Amethyst.

"It's okay love... it's okay. Kahit abutin pa ng ilang taon. Hindi ba't sabi ko naman sa'yo na maghihintay ako?"

"You don't have to wait love. I'm already here. Hinding hindi ka na maaalis sa isip ko at hinding hindi na 'ko aalis sa tabi mo," ani Cloud ng nakangiti at mahigpit na niyakap si Amethyst. "You will always be my naughty bratinella... 'MY'...it means, akin ka." dagdag pa niya bago kumalas sa pagkakayakap at buong pusong hinalikan ang babaeng pinakamamahal niya.


The End.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

1.1M 20.8K 30
Apple, a school journalist who is tasked to get an interview with with the tennis player who recently won a competition- August. She thought that it...
280K 19.4K 90
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
38.4K 1.7K 23
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
86.2K 3.9K 2
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...