My Stalker, My Slave [COMPLET...

By NoToWinter

32.8K 732 28

Stalker na nga, Slave pa! Oh diba? Palagi niya pang makakasama ang ini-istalk niya for the long time. Swerte... More

My Stalker, My Slave
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
EPILOGUE

Chapter 10

820 16 0
By NoToWinter


Chapter 10

Kinabukasan ay alas nuwebe na ng umaga ako nagising. Napagod talaga ako kahapon sa paglilinis sa condo ni Andrew.

Naligo at nagbihis lang ako bago ako bumaba ng kwarto para mag-almusal. Gutom rin ako ngayon dahil hindi ako nakakain ng hapunan kagabi dahil nga sa pagsisinungaling ko na pinakain ng ako sa bahay nila Eya kagabi kahit ang totoo ay wala naman talaga akong kaklaseng nagngangalang Eya.

Napatigil ako sa paghakbang pababang hagdan ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko mapigilang mangiti ng mag-popped up ang pangalan ni Andrew.

From: Andrew
Morning, are you going here in my condo?

Mabilos akong nagtipa ng mensahe.

To: Andrew
Sorry, I can't go there. My brothers will surely won't allow me to go outside.

Pwede pa rin naman akong magpalusot na may gagawin ulit ako para payagan nila pero dinadagdagan ko lang ang kasalanan ko kaya bukas na lang ako babawi kay Andrew.

Wala na akong natanggap na mensahe muli sa kanya kaya tuluyan na akong nakababa. I saw Kuya Kien sitting in our sofa with laptop in front of him, si Kuya Aijan naman ay may ginagawang project yata nila.

Bumati lang ako sa kanila saka dumiretso na sa kusina para kumain.

Kuya Kien was a fresh graduate. He's still confused now, whether he'll stay here in the Philippines or help our relatives in the US to manage our family company there. Some of our relatives moved out in the US. Dad were also planning to migrate us, but I don't know what stopping him. Kuya Aijan is graduating in college this year, ako naman ay ga-graduate na rin ng senior high ngayong taon.

"Liyah, Bella's here!" napukaw ang diwa ko sa pag-iisip nang marinig ang sigaw ni Kuya Aijan mula sa salas. Kasunod niyon ay ang nakangiting si Bella na pumasok ng kusina. She smiled when she saw me. Nakalimutan kong sabihing, kapitbahay lang kami ni Bella kaya mabilis siyang nakakapunta rito at kilala siya ng pamilya ko.

"Anong ginagawa mo dito?" salubong ko rito habang kumakain.

"Pumunta ako dito kahapon pero sabi ni Tita wala ka daw dahil may ginawa kang report para sa lunes. Seriously? Baka nakakalimutan mong classmate tayo? And If I remember it right, walang reporting ang pinagawa sa'tin," tinaasan ako nito ng kilay habang nakapamewang sa harap ko. Mabilis akong tumingin sa bukana ng kusina baka may makarinig sa sinabi niya.

Hinila ko siya paupo sa gilid ko. Pwede ko kayang sabihin kay Bella ang totoo? I think I should ask Andrew.

"Don't say it out loud. May pinuntahan lang ako kahapon, iyon ang ginawa kong palusot." I heard her chuckled.

"Seriously, Aaliyah? Magsisinungaling ka na nga lang hindi pa gaanong katibay. Paano kung tinanong ako ng parents mo tungkol  sa reporting na sinasabi mo? Edi na buking ka!" bulong nito sa'kin.

Pinatahimik ko muna siya habang nagtitipa ng mensahe kay Andrew

To: Andrew
Andrew can I tell to my bestfriend what's happening between us?

Naghintay ako ng ilang minuto sa reply pero tawag ang natanggap ko sa mula rito. Sabay pa kaming napatingin ni Bella sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa nang tumunog ito.
Napasigaw si Bella sa gulat ng makita ang rumehistrong pangalan sa cellphone ko kaya mabilis ko siyang pinatahimik bago sinagot.

"Hello?"

"Hmm...".

"Ahm... Andrew pwede ko bang sabihin sa kaibigan ko? I can't lie to her. I can't keep a secret from her."

"It's in our first rule, Aaliyah." napabuga ako ng hangin ng marinig ang seryoso nitong boses.

"Please... I know she wouldn't spread that news. She's my very trusted friend," Ilang minutong natahimik sa kabilang linya.

"Okay... If you say so." napahinga ako ng maluwag ng patayin nito ang tawag. Galit ba siya?

"Anong ibig sabihin nito, Aaliyah?" nakataas ang isang kilay sa akin ni Bella habang seryoso itong nakatingin sa akin.

Huminga muna ako ng malalim, "I'm Andrew's slave," bulong ko sa kanya na tanging kami lang ang nakarinig.

Nanlaki ang mata nito sa gulat, "Ano?!"

Kinuwento ko sa kanya ang nagyari sa akin mula sa simula hanggang sa nangyari noong sabado. Pero meron ring mga nangyari na hindi ko sinabi sa kanya. Sa susunod na lang kung magtatanong siya.

Hindi makapaniwala si Bella sa mga narinig mula sa akin. Sino nga bang hindi magugulat? Bella knew how much I like Andrew. For years of following him, ngayon lang niya ako pinansin.

Tanghali na ng matapos kami sa kwentuhan. Pinapauwi na siya ng Mommy niya, kaya kahit ayaw pa nitong umuwi ay napilitan na lang siya.

Pabagsak akong naupo sa kama. Nagtipa ako ng mensahe kay Andrew. Nag-aalala pa rin kasi ako baka galit iyon sa akin dahil sinuway ko ang pinakaunang patakaran.

To: Andrew
Sorry...

Isang question mark lang ang natanggap kong reply mula sa kanya.

To: Andrew
If I broke the rule number one. You mad?

Ilang minuto pa ang hinintay ko bago ako nakatanggap muli ng mensahe.

From: Andrew
It's alright. I understand.

To: Andrew
You're not mad?

From: Andrew
No :)

Napahiga ako sa kama. Mabuti naman at hindi siya galit.

MAAGA akong nagising kinaumagahan.

"Oh! Himala at walang maleta sa ibaba ng mata mo?" salubong agad sa akin ni Bella pagpasok ko sa room. Wala man lang good morning?

"Good morning din." Nakangiti kong bati rito.

Hindi ko na lang pinansin 'yung sinabi niya dahil good mood ako ngayon. Nagtataka naman sa aking napatingin si Bella.

"Anong nangyari? Ang ganda yata ng gising mo? Kumain ka na naman ba ng ice cream ng ganito kaaga?" Nagtataka nyang tanong.

Umupo muna ako bago siya sagutin. Alam kasi ni Bella na tanging Ice cream kasi talaga ang nagpapa good mood sa akin tuwing madami akong inaalala.

"Grabe ka ha! Maganda lang ang gising, kumain agad ng ice cream? Hindi ba pwedeng dahil lang sa crush ko?" Kinikilig ko pang turan at hinampas ang braso niya ng mahina. Exagged namang napa aray si Bella.

"Ano na naman bang nagyari sa inyo ni Andrew?" pabulong nitong tanong dahil nasa loob na kami ng classroom. Hinihintay tumunog ang bell. I just smiled at her happily.

"Huwag mo ipagkakalat 'yung kinuwento ko sa'yo kahapon. It's our secret." bulong ko rin sa kanya.

Bigla kong naalala yung video niya na natutulog habang nakanganga at mahinang humihilik. Pati yung labi niya na de-form pa ng kaunti. Ang lambot siguro ng labi niya ano?

"Anong mukha yan? Bakit ka namumula? Siguro may ginawa kayo ano?" Bintang ni Bella kaya agad akong umiling habang hiawakan ang magkabilang pisngi ko. Ramdam ko nga ang pag-init niyon.

"Wala! Ano ba 'yang pinag-iisip mo Bella? Wala akong ibang iniisip 'no! 'Yun mga kinuwento ko sa'yo iyon lang ang nangyari, naglinis ako sa buong condo ni Andrew at ipinagluto ko siya ng pagkain. Nothing else!" Nagdududa naman siyang nakatingin si Bella sakin.

"Bakit ang defensive mo?" Tinaasan niya ako ng dalawang kilay.

Inirapan ko lang siya, sakto naman dahil dumating na si Sir Almire kaya natigil si Bella sa mga sasabihin pa nito.

Hindi naman nagtagal ay natapos na rin ang klase ni Sir Almire. Mabuti na lng t wala siyang sama ng loob sa'kin nang hindi ko sinasadyang masuntok siya.

"Class dismiss."

Niligpit ko ang libro ko saka binitbit ito gamkt ang isang kamay. Mabilis ang nagawa kong paglingon kay Bella kaya aksidente kong nasagi ang nasa likod ko dahilan para mahulog ang bitbit kong libro sa sahig.

Nagulat ako ng makitang si Axel ang nakabunggo ko. Ang binansagang nerd dito sa room namin, well siya ang ikalawa sa'kin. Pero ang kaibahan lang madalas siyang sumasali sa mga quiz bee kumpara sa akin.

Yumuko lang siya saka mahina na umusal ng paumanhin bago umupo para pulutin ang libro ko. Umupo rin ako para tulungan siya.

"Sorry, sorry Axel. Hindi kita napansin, sorry talaga." Tumango lang siya ng tipid saka mabilis na pumunta sa upuan niya sa pinakagilid pagkatapos niya akong tulungan. Napakamot naman ako sa batok dahil sa hiya.

Mabilis akong hinila ni Bella sa cafeteria at nang makakita kami ng magandang puwesto ay masaya akong umupo.

"Ang suwerte mo ha. Sa dinami-raming admirers ni Andrew, isa ka sa mga masuwerteng napansin niya! Matagal mo nang pangarap na mapansin niya 'diba?" masaya akong tumango.

"This is your chance to show what you really feel for him, Aaliyah! Kung pwede paibigin mo na rin para walang kawala. Gosh! I'm so proud and happy for you!" Napasimangot naman ako sa narinig ko sa kanya. Hindi ko kayang paibigin si Andrew. Masydong mataas 'yun, e. Hindi ko maaabot.

"Kaya mo 'yan Aaliyah, ikaw pa ba? Ang ganda kaya ng bestfriend ko—kapag inayusan haha." Natatawang hinampas ko naman ang braso niya. Panira talaga ng moment, e.

Natigil kami sa pag-uusap ni Bella nang makarinig kami ng impit na sigaw mula sa mga babeng narito sa cafeteria. Hindi na ako nag-abalang lumingon pa alam ko namang si Andrew 'yan together with his friends. Pero siyempre hindi ko makakayang hindi tumingin kay Andrew 'no! Lumingon ako sa puwesto nila. Ang kaninang nakangiti kong mukha ay napalitan ng lungkot.

He's with Anika.

Napansin siguro ni Bella iyon kaya marahan niyang hinagod ang likod ko. Tumalikod muli ako sa kanila ng hindi ko na makayanan. Nag iinit ang paligid ng mata ko dahil sa nagbabadyang luha na mabilis nawala dahil pinahid ko rin agad.

Matagal ko ng tinatak sa kokote ko na kailangan kong maging masaya para kay Andrew kung may girlfriend na siya. Maging masaya ako sa kasiyahan niya. Pero bakit ngayon nasasaktan ako? Naiiyak ako? Aish. Ang OA ko talaga! Crush ko lang naman si Andrew bakit na fe-feel ko 'yung ganito?

Nawalan ako ng ganang kumain na napansin rin ni Bella.

"Let's go? Malapit na ang oras. Baka malate tayo," Aya niya sa akin. Nauna na akong tumayo at naglakad paalis.

Hindi ko napansin ang taong nasa harap ko kaya nabunggo ang ulo ko sa dibdib niya. Napaatras ako pero buti hindi ako natumba sa sahig. Siguradong nakakahiya iyon.

Napaigtad ako ng marinig ang boses ng kung sino mang nakabunggo ko.
"You're not yet done with your works. After your class. In the parking lot," nag-angat ako ng tingin at nakita ko si Andrew na mukhang seryoso. Yumuko ako para iwasan ang tingin niya.

"Okay," tugon ko saka nilagpasan na siya. Hinila ko naman si Bella na namamangha pang nakatingin kay Andrew. Maraming nakatutok na mata sa amin ng makalabas kami sa cafeteria. Nagtataka siguro sila kung bakit nilapitan ako ni Andrew. Hindi ko na lang pinansin.

Tahimik si Bella buong lakad namin papuntang room na siyang pinagpasalamat ko. Ayoko munang pag-usapan iyon.

"You're not okay, Blaire," seryosong turan ni Bella. Tumingin naman ako sakanya sa kanya saka marahang ngumiti.

"I'll be okay."

"I cam accompany you in Andrew's condo," suhestiyon ni Bella na ikina-iling ko lang. Hindi puwede.

"Hindi puwede, Bella. 'di ba nga may dinner pa kayo ng Lola mo? Una ka na lang umuwi." Tugon ko.

"Is it okay with you?"

"Yes. Sige na. Take care, Bella. Love you."

"Love you too. Take care rin." Ngiti niya sa 'kin bago kumaway. I smiled before sighing.

Continue Reading

You'll Also Like

325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
8K 357 52
Isang lalaking halimaw ang pinag experimentuhan ng isang baliw na scientist.What if this monster turned into a goodlooking person what will you do?
92.1K 1.9K 59
Isang pinakamagaling na doktor at isang kilalang Ceo ng isang makaling kompanya ay magsasama dahil sa isang kasunduan, magiging madali kaya ang laha...
28.6M 1M 68
(Academy Series #1) The Gonzalez heir, Kairon, was sent to Garnet Academy to ensure his safety against the suspected hierarchy war. Appointed as the...