Arianne's POV
Ganun ganun nalang ba yun? Kahit simpleng thank you lang sa pagtulong, wala? May gana pa silang magalit? Nakaka g*g* yun ah!? I made an effort to help them, and they wouldn't even appreciate it? Sana di nalang pala kami nagbigay ng kondisyon kung ganun lang din naman pala ang mangyayari. Those conditions' purpose is for them to learn. Parang kami pa ang naging masama?
Nakita ko si Yelle na humabol saakin, sobra sobra na din ang pag-iyak nito. Remember, she's the most sensitive among us? Aish! Damn those freakin' boys! Tatatak na naman toh kay Rayelle! Damn it!
"Yelle? Come here!" utos ko sakanya na agad naman niyang sinunod, "Cry, let your emotions out." muli kong utos sakanya kaya't napahagulgol siya sa balikat ko. Pag talagang nakita ko yung mga lalaking yun, nakuu! And fyi lang, I stopped crying when I saw my friend, makita lang siyang umiiyak ay di ko na kaya. She's our precious, ya' know? Kahit maingay at makulit yan, napaka maalagain yan. She's my happy pill.
"Unnie? M-mali ba y-yung k-kondisyon ko? Masyado b-bang mabigat y-yun?" utal niyang tanong saakin while still crying. Damn! Napakasakit makita tong umiyak!
"No Yelle, they deserved it!" sabi ng isang babae sa tabi namin. Pagkatingin namin sakanya, it's Airy unnie! "They were really jerks to do that. Huwag kang mag-alala, iiwasan nalang natin sila para walang gulo." sabi ni unnie saamin at niyakap kami. How lucky I am to have this friend!
Kring! Kring! Kring! Someone's callin'!
Narinig namin ang isang ringtone mula sa pocket ko.
"Hihi guys! Mianhe! Sakin yun haha!" Sabi ko kasi tiningnan din nila yung mga cellphone nila. Kaya nagkatawanan kami.
"I'll answer it lang ha. Una na kayo sa room. Mag ta-time na sunod nalang ako." Sabi ko sa kanila.
"Bye bye!" Sabi nila at umalis na. Tiningnan ko naman kung sino ang tumatawag.
Khai Oppa💕...
Sinagot ko ang tawag ni oppa. Siguro nag aalala ito.
"Where are you?" Sabi nito sa kabilang linya.
"Im here in the garden. Wae?" Sabi ko.
"Pupuntahan kita diyan. Hintayin mo ko." Sabi ni Oppa at pinatay na ang tawag. Wala naman akong choice kundi ang hintayin siya.
"Hey little sis!" Sabi nung taong nasa likuran ko kaya napatingin ako doon. Nakita ko siya na nakatayo doon habang nakaspread yung arms niya para bang hinihintay na yumakap ako sa kanya. Kaya lumapit ako sa kanya at yumakap. Niyakap naman niya ako pabalik.
"Cry..." Sabi ni Oppa kaya nagsimula na akong umiyak. Lahat ng sama ng loob ko ng dahil sa mga kaibigan niya ay inilabas ko sa kanya.Iyak lang ako ng iyak.
"It's okay...Everything will be fine soon... Hindi ko hahayaang ganunin ka nila." Sabi niya. Kino-comfort niya ako hanggang sa tumigil ako sa pag iyak. I'm so lucky that I have a Kuya like him. Even though na hindi siya gaano ka showy sa mga nararamdamn niya kahit papaano na ipaparamdam niya sakin yun lahat. Ako lang ang nakakita ng mga emosyon na hindi niya kayang ipakita sa iba, dahil takot siya. Takot siya na malaman ng iba ang kahinaan niya. Kahinaan na pwedeng sumira ng imahe niya. Nung una i felt sad dahil ayaw niyang ipaalam na may kapatid siya. But on the later part I understand it. Ayaw na ayaw niya akong nakikitang malungkot kaya gagawa at gagawa siya ng paraan para mapasaya ako.
"Thank you oppa! Your the best!" Sabi ko. Napangiti naman siya.
"Your always welcome little Sis!" Sabi niya at ginulo ang aking buhok.
"Aish! Ano ba naman oppa! Ang tagal tagal kong inayos yan ey! Tapos guguluhin mo lang!" Sabi ko at sinapak siya tapos inayos ulit ang buhok ko na ginulo ni Oppa.
"Aray! Amazona ka talagang babae ka! Babae ka ba talaga!?" Sabi niya habang nakahawak sa braso niya.
"Saranghae oppa! Hihihi!" Sabi ko at binigyan siya ng flying kiss. At itong isang to inirapan lang ako. Gustong gusto ko na lagi siyang inaasar haha. Madali lang kasi siyang mapikon.
"Pumasok kana. 5 minutes nalang mag be-bell na." Sabi niya sakin kaya tumango ako. Aalis na sana ako ng bigla akong may naalala.
"Ehh how about you oppa?" Tanong ko.
"Pupunta pa kasi kami ng principal's office dahil pinapatawag kami doon. Siguro para kausapin at bigyan kami ng parusa dahil sa nangyari kanina. Kaya sige na mauna ka na. Pupunta pa akong HQ para sunduin ang nga tukmol. Una na ko little sis ingat ka!" Sabi niya at kiniss ako sa ulo bago umalis.
Napatingin naman ako sa cellphone ko. Actually hindi naman ako nanonood ng MV ei. Vinideohan ko talaga sila. Kasi I find them cute! Ang kyut nila sa mga dresses na yun. Pero nagulag nalang ako na may sumapak kay Pendelton. Nakuhanan ko lahat ng mga pangyayaring naganap kanina.
Nag dadalawang isip ako kung ipapakita ko ba ang video sa principal o hindi. Dapat bang hayaan ko nalang sila para may matutunan silang lessons sa mga pinag-gagawa nila?Pero may part sakin na gusto ko silang tulungan. Kahit naman papaano may puso ako. Like what I've said earlier. I have a will to help them hindi lang sa dahil nandoon si Oppa. I want to help them because gusto ko. Hays bahala na nga! Hindi ko alam kung saan ako pupunta dahil hinahayaan ko nalang ang mga paa ko kung saan ito mapupunta. Nagulat nalang ako nang tumigil ako sa harap ng Principal's Office. Huminga muna ako ng malalim bago kumatok sa pinto. Binuksan ko ito at nakita ko ang aming principal.
Nag angat naman ito ng tingin at nakita niya ako. Binaba niya muna ang mga papel na binabasa at pinipirmahan niya.
"Oh hi there Ms. Xavier what brings you here?" Sabi nito. Lumapit naman ako sa kanya at sinabi kung ano talaga ang pakay ko doon. Sandali lang naman ito eh, kaya may time pa akong makatakbo papunta sa room.
~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~•~
Alexander's POV
Hindi ko parin talaga makalimutan ang nangyari kanina. Did we went really far? Hindi naman namin sinasadya na masaktan namin sila eh. Hindi talaga namin sinasadya!
"Pre! Hoy!" Sabi ni calix hyung.
"Ako ba ang tinatawag mo?" Tanong ko dito. Kaya napasapo nalang siya sa noo niya.
"Naman pre! Salita pala ako ng salita dito, wala palang nakikinig sakin!" Maktol pa nito.
"Wala naman kasing kwenta yung pinagsasabi mo." Sabi ni Khaizer hyung na kakapasok palang sa HQ.
"Aba't!.---" Hindi pa natatapos mag salita si Calix hyung nang magsalita si Khaizer Hyung hahaha..
"Nga pala pinapatawag tayo sa principal's office kaya tara na." Sabi ni Hyung at lumabas na.
"Discrimination talaga to eh. D-I-S-C-R-I-M-I-N-A-T-I-O-N!" Hindi na namin pinansin si Calix hyung at lumabas na.
"Hoy! Hintayin niyo ko!" Dagdag pa nito. Napailing-iling nalang ako. Nababaliw na naman siya.
Pero may naalala ako...
Bakit tinawag ni Rayelle na Ari si Arianne? Siya kaya yun? Siya na ba yung matagal ko ng hinahanap? Siya ba yong kababata ko at first love ko?
Imposible yon! Pero paano pag posible? Paano kung siya talaga yon?Hays! I'm really screwed up in the moment. Siguro sobra ko na siyang namimiss kaya naiisip ko na si Arianne at Ari ay iisa. Hayss! Pero may isa akong natandaan sa lahat ng sinabi niya.
"Promise mo sakin ah! Na kahit kailan hindi ka mananakit ng babae ah! Dahil ang mga babae ay hindi sinasaktan kundi minamahal. They may look tough outside but they are really sensitive inside!"
Mukhang nasira ko ang promise ko sayo Ari... I'm very sorry...
Lagot talaga ako sa kuya niya, for sure! Her BROTHER was really scary, yun ang pagkakatanda ko. And if may nabali akong promise kay Ari, to the rescue siya.
I really miss you Ari...