The Stepbrother (Published Un...

By G_Manunulat

68.2K 777 31

Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited) More

I
II
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Author's Note

XIII

2K 27 1
By G_Manunulat

KABANATA 13

"Gabriela, gising ka na. Kain na tayo!" rinig kong sabi niya habang tinatapik niya yung balikat ko. Napabalikwas ako at napatingin sa kanya habang nagtatanggal ng mga namuong muta sa mata ko.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya habang napapahikab.

"It's already 7:00 am di ba may pasok ka pa?"

"Oo magha-half day na lang muna ako. Mamaya eh magbigti ka dito konsensya ko pa!" turan ko sa kanya.

Pagtayo ko mabilis kong inayos ang kama ni Axxxel para iligpit ang mga ginamit ko. Sabi niya pa bago bumalik sa kusina. Wag ko na daw ayusin, siya na raw bahala kaso nagpumilit ako at niligpit ko muna bago bumaba.

"Grabe inaantok pa ako." wika ko habang napapahikab pa. Anong oras na rin kase kaming nakatulog kagabi kaya ramdam ko parin ang antok ngayon.

Mga ilang minuto ang nakalipas. Bumaba na ako sa kusina para kumain. Pagdating ko nakita ko siyang kumakain na naka-kamay.

"Tara na kain ka na!" pagyayaya niya tapos hinatid niya ako sa may upuan.

"Ikaw ba ang nagluto nitong lahat?" tanong ko sa kanya pagka-upo. Halos mapuno kase yung lamesa ng mga pagkain. Atsaka grabe parang may handaang nagaganap ngayong umaga.

"Oo pasasalamat ko dahil sinamahan mo ako sa katangahan ko." wika niya pa habang nakangiti.

"Nag-abala ka pa. Alam mo mas maganda pang kalimutan mo na yun. Be happy always. Huwag mong hanapin ang nawala. Hanapin mo ang sarili mo bago ka masiraan ng ulo." pagmomotivate ko sa kanya na may halong pagbibiro sa dulo.

"Opo kakalimutan ko na yung babaeng yun!" tugon niya sa sinabi ko. "Kumain ka na kaya baka lumamig pa yung pagkain." pag-uutos niya sakin.

Mukhang masarap naman itong niluto niya. Pero teka lang di ba Culinary Arts ang tinapos nito. Bakit ko iisiping hindi masarap ang niluto niya para sakin. Nilagyan ko ng mukhang chicken curry yung plato kong may kanin tapos nilagyan ko rin ng adobong baboy yung plato ko. For sure, tataba ako nito.

"Axxxel, bakit ang dami mong nilutong pagkain. May fiesta ba?" tanong ko sa kanya habang kumakain. Napangiti siya sakin at natigilan dahil sa tanong ko. 

"Para sayo lahat yan."sagot niya tapos nabigla ako sa huli niyang sinabi. " Alam mo namiss ko yung moment na'to. Feeling ko tuloy girlfriend parin kita." Napangiti lang din ako sabay subo ng kutsara na may kanin. "Masarap ba?"tanong niya sakin.

"Oo naman. Mabuti na lang hiwalay na tayo kundi tataba ako sayo!" pagbibiro ko. Natawa lang siya sa sinabi ko tapos natahimik na kami habang kumakain.

Matapos naming kumain, nag-isip kami ng ibang pwede pa naming gawin para ma-enjoy namin ang natitirang oras. Habang nakaupo kami sa may sofa na magkatabi iniisip ni Axxxel ang gagawin namin. Hindi ko alam kung ano ngayon ang tumtakbo sa isip niya. Nakahawak siya sa chin niya na parang nag-iisip.

"I think maganda 'tong naisip ko." wika niya na may malaking ngiti. I'm not sure kung maganda nga yung naisip niya.

"Okay. Ano yun?" tanong ko.

"Mag-bake tayo ng cupcakes para may pang-baon ka mamayang tanghali." sagot niya. Maganda nga yung naisip niya kaso anong alam ko sa pagba-bake. Ang alam ko lang lumamon.

"Basta tuturuan mo ako eh!"

"No problem." sagot niya.

Pagdating naming kusina. Mabilis na niready ni Axxxel ang mga utensils, ingredients and equipments. Almost complete materials yung kusina niya. Kulang na lang magtayo na siya ng bakery.

"Let start."masayang pagkakasabi. Sinuot  niya yung apron sa bewang niya at naghugas ng kamay. Ganun din ang ginawa ko.

Sa pagsisimula namin itinuro niya sakin ang mga ingredients na kakailanganin. Then the procedures and how to bake the cupcake.

"Ang hirap pala gumawa nito." pagrereklamo ko.

"Sa una lang yan!" turan niya. "Change topic nga tayo." pag-iiba nito. "Paano mo nakilala yung stepbrother mo?" he asked.

"Nakilala ko siya sa Batanes sa isang shop tapos nagkausap kami ng one on one kahit di namin kilala ang isat-isa. Honestly, hindi ako nag-alangan na kaibiganin ko siya kung meron man konti lang siguro." sagot ko habang hinahalo ko yung icing na ilalagay namin sa cupcakes.

"So you mean. Yung mga tao sa Batanes friendly sa mga dayuhan?"

"Parang ganun na nga" sagot ko.

*****

Makalipas ang isang oras naming pagbe-bake. Nagdisenyo na kami nito gamit yung icing na ginawa ko kanina habang ginagawa niya yung mga cupcakes. Sa una, hindi ko alam kung paano gamitin yunicing. Tinuruan nya ako kung paano mag design ng cupcakes, hinawakan niya yung kamay ko habang yung pastry tip akmang nakatapat sa may ibabaw ng cupcake.

"Ganyan ang tamang paghawak" pagtuturo niya. "Hawakan mo yung taas ng pastry bag then pigain mo hanggang sa lumabas sa may pastry tip yung icing. I-twirl mo sa ibabaw ng cupcake then yun na!" pagtuturo niya sakin. Nakakalibang 'tong ginagawa ko feeling ko isa na akong baker ngayon. Charot lang.

Matapos kong lagyan yung isang cupcake para akong bata na naigno. Napapapalakpak ako sa saya habang may ngiti sa labi ko dahil sa nagawa kong cupcake decorating. "Meron na akong isa!" wika ko habang hawak-hawak ko yung isang cupcake sa may kanang kamay ko.

"Kung willing ka pang dagdagan yung design niya. Pwede mo siya lagyan ng candy sprinkles, nips, melted chocolates o kahit ano basta babagay sa cupcake mo." pagbibigay niya ng ideya.

"Ako na maglalagay ng mga icing dito sa mga cupcakes ha!" pagpiprisinta ko. Pumayag naman siya ng bukal sa kalooban  at hinayaan niya na lang akong kumilos at magdesign sa mga cupcakes. Ngayon ko lang kase 'to na-experience kaya nakaka-enjoy.

"Enjoy mo lang yan. Ililigpit ko lang 'tong mga ginamit nating mga materials." pagpapaalam nya.

Tango lang ang naging sagot ko tapos nagsimula na siyang magligpit at maglinis nitong areang ginamit namin.

Few Minutes Later

Pagkatapos naming mag-decorate at maglinis. Dumiretso kaming Sala para ienjoy ang ginawa naming cupcakes na ako mismo ang nag-decorate at siya naman ang nagbake. Habang kami ay kumakain, tinanong ko si Axxxel tungkol sa ginawa kong pag-decorate sa cupcakes. I ask him kung pasado ba ang mga design ko. Nag-thumbs up siya na nagpapahiwatig na pasado saka sabi niya pa pwede na daw kaming magtayo ng bakery basta raw ako ang magdedesign ng mga cupcake.

"Nga pala. What time yung pasok mo?"he asked with a blank expression.

"11:30 pa naman."sagot ko habang nakatingin sa may wall clock.

"So uuwi ka pa niyan?"

"Oo. Wala naman akong susuutin dito saka kailangan ko pang magpakita sa mga nasa bahay. Mamaya eh mag-alala sila sakin dahil wala ako sa bahay ngayon."

"If you want ihahatid na lang kita. Kukunin ko lang sa may talyer yung motor ko." pagpiprisinta niya.

"Ikaw bahala!" sagot ko.

Mula talyer hanggang dito sa bahay, ginamit ni Axxxel yung motor niya para ihatid ako. Pagdating namin sa bahay. May umagaw ng pansin sakin bago pumasok ako ng tarangkahan. Isang motor na mukhang pamilyar ang hitsura. Pagsilip ko sa may tarangkahan nakita ko si John na nakasandig sa may haligi ng pintuan nakikipag-usap kay Yaya Vicky.

"Papasok ka pa ba?" tanong ko kay Axxxel na nakatingin din sa may pintuan. Nag-aalangan pa kase ako sa kanya baka magkaroon ng conflict situation ngayon.

"Kung gusto mo. Why not?" sagot niya sakin.

Pagpasok namin ni Axxxel sa loob agad na nakita kami ni Kuya John at Yaya Vicky. Nakatingin lang sila sa amin habang nandodoon parin sa may pintuan. Siguro nagtataka sila ngayon dahil sa nakikita nila sa harapan.

"Anong meron?" takang tanong ni Yaya Vicky.

"Magandang umaga po!" magalang na pagbati ni Axxxel sa dalawa.

Nakatingin ng masama si Kuya sa aming dalawa. Iniisip niya siguro ang kasalanan na ginawa ni Axxxel sakin. Nakakunot din ang noo nito habang nakatitig sa amin ni Axxxel.

"Kuya bakit nandito ka na?" tanong ko sa kanya.

"Bakit ayaw mo na nandidito ako?" sagot niya sakin.

"Hindi naman" sagot ko sa kanya saka ko sya niyakap.

"Nga pala. Kayo na ulit?" pag-iiba niya ng usapan.

"Hindi Kuya. Hinatid niya lang ako." pagpapaliwanag ko sa maikling dahilan.

Lumapit ng bahagya si Kuya John kay Axxxel. "Bakit kasama mo kapatid ko?" pag-uusisa ni Kuya.

"Ano kase...sinamahan nya kase akong matulog sa bahay" sagot ni Axxxel kay Kuya. 

Napakagat ako ng labi dahil malalagot ako kay Mame kapag nalaman nya 'to.

"So natulog ka sa bahay ng lalaking yan?" tanong niya pa habang nakatuon ang tingin kay Axxxel.

"Oo pero wala naman kaming ginawang masama." sagot ko.

"Akala ko ba naman maganda ang maaabutan ko dito. Naba-badtrip ako dahil sa nangyayari ngayon." wika niya na may galit na tono.

"Kuya huwag kang magalit. Stepbrother lang kita kaya wala kang karapatan na pagbawalan ako sa gusto kong gawin." sabi ko sa kanya na medyo pasigaw.

Sa sinabi kong yun, lahat sila ay napatingin sakin lalo na si Yaya Vicky. "Ela, Kuya mo yan!" ani ni Yaya.

"Okay fine tama ka!" wika ni Kuya na may galit na tono. "Sana hindi na lang pala ako tumuloy dito. Akala ko magiging mabuting Kapatid ako. Pasensya ka na kung naging pakielamero ako sa buhay mo." he walking out at pumasok na sa loob ng bahay.

"Kuya wait. Hindi mo kase ako naintindihan!" pagpipigil ko kaso tuloy-tuloy lang ito sa pagpunta ng kwarto ko.

Nang maiwan kaming tatlo. Lumapit si Yaya  Vicky sakin para kausapin ako sa nasabi kong nakasakit kay Kuya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi yun. Pakiramdam ko napakasama kong stepsister sa kanya.

"Bakit mo naman ginanon kuya mo. Pagod na nga yun sa biyahe tapos ginanon mo pa." pinagalitan ako ni Yaya Vicky dahil sa inasal ko.

"Yaya, hindi ko naman sinasadya na sabihin  yun. Nadala lang ako ng emosyon ko." pagpapaliwanag ko.

"Gabriela I think ako na dapat ang kumausap sa stepbrother mo." rinig kong pagprisinta ni Axxxel na ikinakuha ng atensyon namin ni Yaya.

"Huwag muna. Ako muna ang kakausap sa kanya." pagpiprisinta ko naman.

"Axxxel please wag ka na munang pumunta dito hanggat hindi pa okay ang magkapatid." pakiusap ni Yaya.

"Axxxel salamat nga pala sa paghatid. Pwede ka ng umalis. Ingat ka ha!" saad ko tapos tumalikod na siya at naglakad patungo sa labas ng gate. Lagot ako nito kapag nakarating ito kina Mame at Daddy.

Continue Reading

You'll Also Like

199K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
75.1K 886 38
AIDEA DELA CRUZ. Yan ang pangalan ko. Lahat ng gusto ko nakukuha ko. Lahat ginagawa ko makuha ko lang ang nais ko. Ngunit hindi pala sa lahat ng oras...
77K 1.5K 14
COMPLETED | FILIPINO | EDITED | SETTING: 2012-2013 TRUE STORY | OUR STORY Once upon a time, I met a Chinese-Pinoy named Ash and our story begins wit...
280K 17.4K 10
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...