The Stepbrother (Published Un...

By G_Manunulat

67.8K 777 31

Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited) More

I
II
III
IV
V
VI
VII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Author's Note

VIII

2.4K 36 2
By G_Manunulat

KABANATA 8

Malapit ng matapos ang misa ng kasal ni Mame ngunit ang diwa ko nandun parin sa nangyari kanina. Hindi mawala sa isip ko yung mga masasayang araw na kasama ko pa si Axxxel. Habang tinitignan ko sila Mame at Tito Paul na nagpapalitan ng mga vows nila sumagi sa isip ko yung mga alaalang magkasama pa kami ng ex ko.

Munch, alam mo sana habang buhay na tayo magksama. Huwag mo akong iiwan kundi ikakamatay ko yun. -Axxxel

Yan ang alaalang pumasok sa isip ko nung nasa mahangin at romantic na lugar kami. Nangilid ang luha ko nung bumaligtad ang sinabi niya sakin.

Alam mo kapag ikakasal na tayo...gusto ko sa Palawan tayo mag-honey moon para romantic tapos yung reception natin sa isang napaka-garbong restaurant then yung kasal natin dun gaganapin sa may napakagandang simbahan. -Axxxel

Humalik sa mukha ko ang luha na hindi ko namamalayan na tumutulo na pala. Luhang lumabas dahil hindi na kinaya ng isip ko na ipunin ito.

Munch, mahal na mahal kita. No matter what happen you are my only princess at ikaw lang ang babae ang ihaharap ko sa altar. -Axxxel

Pinunasan ni John na katabi ko lang ang luha kong umaagos sa mata ko habang may sinasabi siya. "Masaya ka ba?" tanong niya sakin. Tumango lang ako tapos patay malisya ko siyang kunwari nakatingin ako kina Mame at Daddy. "parang hindi naman." sabi niya pa habang pinupunasan parin ang basa kong pisngi.

"I'm so happy kase magiging kapatid na kita!" wika ko habang nakangiti ng pilit.

"Me too." wika niya naman.

*****

Pagkatapos ng kasal isinantabi ko muna ang galit ko kay Axxxel dahil nagkuhaan muna kami ng litrato dito sq loob ng simbahan. Ngumiti ako ng pilit para maipakita ko na okay lang ako.

Picture doon. Picture dito. Pagkatapos niyaya ako ni John na magselfie kaming dalawa. Bago niya iclick ang camera. Sinabihan niya ako ng ngumiti at isantabi muna ang sakit. Ginawa ko naman iyon pagkatapos niyakap niya ako ng sobrang higpit na halos hindi na ako makahinga.

"Move on na bunso!" he said. Tumulo muli yung luha ko dahil sa sinabi niya. "Oh bakit ka umiiyak?" tanong niya sakin habang pinupunasan ang luha ko gamit ang kanyang palad.

"Masaya lang ako." sagot ko habang humihikbi.

"Asus, si bunso.." wika niya habang tinatapik niya ng mahina ang buhok ko sa ulo. "masaya ba o malungkot?" dagdag pa niya habang nakangiti. Pilit nya talaga akong pinapasaya kahit na nasa ganito akong sitwasyon.

"Both!" sagot ko habang tumatawa na.

"Oh sya ngiti ka na..1,2,3!"

Click!

Pagkatapos ng mga ganap sa simbahan. Nagpunta na kami sa reception. Mayroong mga babae at lalaki ang nag-aasists sa mga bisita at kamag-anak namin. Bawat abay, ninong at ninang, at mga bisita ay ginawa nilang hiwalay. Yung mga abay malapit sa ikinasal tapos yung mga ninong at ninang malapit naman sa amin. Sa tabi naman ng mga ninong at ninang katabi naman nila ang mga bisita at kamag-anak.

After the MC speaking sumigaw ng KISS si Mitch kaya yung iba naming kasama ay napagaya na lang.

Nung una nagkakahiyaan pa sila pero tinuloy din nila ang kanilang paghahalikan sa harapan naming lahat dahil mga nangungulit na yung mga tao dito.

After nilang mag-kiss. Ginawa na nila ang drinking of wine, paghiwa ng cake at pagsayaw ng sabay habang sinasabitan ng mga pera. Pagkatapos ng kainan. Tinawag ng nag-e MC ang lahat ng abay na babae para sa pagsalo ng bouquet.

Bago magsimula nagbilang ang MC ng one, two, three sabay hagis ng bouquet. Sabi nila kung sino man daw ang makasalo nung bouquet siya na daw ang susunod na ikakasal. Sa paghagis, ako ang nakakuha nung bouquet. Napangiti ako ng malaki habang hawak-hawak ko ang bouquet.

"Okay may nakakuha na." wika nung MC sakin tapos pinalapit ako sa kanya. "Anong pangalan?" she asked.

"I'm Gabriela Custodio." sabi ko.

"Oh anak pala ito ng ikinasal!" gulat na sabi ng MC. "Hold the bouquet at hintayin mo ang makakasalo ng ribbon."

Naupo ang lahat ng abay na babae at pinatayo naman ang mga lalaki para sa pagsalo ng ribbon.

Hinagis ni Daddy Paul ang ribbon ng walang bilang-bilang. Sa paghagis, hinanap ko pa kung sino ang nakakuha.

Halos ang lahat nagtaka nung nagtanong ang MC kung sino ang nakakuha. Hinanap nila yung ribbon tapos biglang lumapit si John sakin na akala ko may sasabihin.

Maya-maya kumuha siya ng upuan tapos pinaupo ako rito. Ngumiti siya sakin habang may kinukuha sa may bulsa ng slacks niya.

"OMG!" sabi nung MC. "Siya kaya ang nakakuha ng ribbon?" paghuhula ng MC wala kaseng umimik at wala rin kaming nakitang nakasalo kaya napaghinalaan namin si John.

Nang makita kong hawak niya yung ribbon. Napahampas ako sa braso niya saka siya umupo ng naka lapag ang isang tuhod at nakatupi naman ang isang paa na para bang magpo-propose.

Yumanig ang loob ng restaurant dahil sa ginawa nitong stepbrother ko. Sigawan at tilian ang tangi kong naririnig sa ngayon.

Hinawakan niya yung isa kong paa tapos inangat konti para ipasok ang ribbon sa may paa ko paakyat sa may hita.

"John, kainis karin minsan." wika ko habang nakaganung position parin siya.

"Anong akala mo? Iba nakakuha?" turan niya habang nakangiti.

Pagkatapos nun, tumayo na kami ng sabay habang lumalapit sa nag-e MC.

" Bago kayo magsayaw..."itinuon ng MC ang tingin kay John. "Ano muna pangalan mo?"

"I'm John Mark Salvador..the only son ng groom." he smiled.

"Ang galing naman." sabi ng MC. "Parehong anak ang nakakuha ng bouquet and ribbon." dagdag pa.

"SASAYAW NA YAN! SASAYAW NA YAN!"

Muling humiyaw ang lahat para pagsayawin kami ni John ng waltz. Nung una, iwas ako kase ni minsan hindi ko hilig ang sumayaw pero nung kinumbinse niya ako doon ko lang naibigay ang sige ko.

Hinawakan ni John yung baywang ko tapos siya naman ang nagturo sakin kung saan ko ilalagay ang dalawa kong kamay.

"Put your right hand in my shoulder then the other one sa baywang ko." pagtuturo niya.

Tumango ako habang nakangiti.

"Paano yung waltz?" bulong ko.

"Ako na lang magdadala sayo, basta sumunod ka lang sakin." Utos niya.

Nagsimula na kaming sumayaw habang naghihiyawan ang mga tao.

"ISANG PA-KISS SA LABI NAMAN D'YAN!!!" rinig kong may sumigaw.

Napakunot ako ng noo ko.

"Magpokus ka lang!" mahinang sabi sakin ni John.

"ISANG KISS NAMAN DYAN!!!" rinig ko na namang sabi. I think si Mitch yun kaboses eh.

"Siraulo talaga 'tong si Mitch!" tangi kong sinabi tapos ngumiti lang si John habang sinasayaw ako.

Bago matapos ang sweet dance namin. My stepbrother hugging me. Ganito pala pakiramdam ng may kapatid. Napaka-sweet niyang lalaki. Humarap siya sakin habang nakahawak siya sa may dalawa kong pisngi. Humingi siya ng permiso na ikikiss niya raw ako sa pisngi kase gusto niyang pagbigyan yung mga bisita. So, pumayag naman ako at hinalikan niya nga ako sa may pisngi ko kaya naghiyawan na naman sa kilig ang mga bisita.

"Thanks!" he said after niya akong halikan saka hinatid niya na ako sa upuan ko.

He's so very gentleman maswerte yung magiging girlfriend nito.

*****


Nandito na kami ngayon sa bahay na tinutuluyan namin. Nakapabilog kami ngayon ng mga pinsan ko at ni John. Inuman. Nagkakasiyahan para sa kasal nila Mame at Daddy. Masaya ako for her kase muli niyang naranasan ang pagkakaroon ng asawa. This time bumiyahe sila ni Daddy sa may Palawan kasama ang hinire na helicopter. Gusto ko nga sanang sumama kaso itong mga pinsan ko pinilit ako na huwag na lang daw sumama dahil honeymooned daw nila iyon atsaka dapat walang istorbo para makabuo agad tado talaga 'tong pinsan kong si Ali maysa manyak lagi namang bigo sa pag-ibig.

"Ela, ikaw na!" wika ni Mitch habang naglalaro ng candy crash sa cellphone.

Kakainom ko lang kanina tapos ako na naman. Aba!may balak yata akong lasingin ng mga 'to.

"Di ba kakatapos ko lang?" pag-aangal ko.

"Mabilis kase ikot ng baso" turan ni Tin.

"May balak siguro kayong lasingin stepsister ko ah?" wika ni John habang seryoso yung expression ng mukha.

Napatingin ako sa kanya tapos nagpalit kami ni Dennis ng pwesto para makatabi ko sya.

"Kuya, thanks dahil nandyan ka for me!" pagda-drama ko. Shet lasing na yata ako. "Kaso sayang..." dagdag ko.

Napansin ko ang pagtatakang expression ni John kaya napa-iwas ako at kinuha ko yung isang bote ng alak para tunggain.

"Anong pinagsasasabi mo?" he said. "..dahan-dahan lang sa pag-inom." wika niya pa.

"John crush kase kita. Nung una palang kitang makita na love at first sight na ako sayo. Hindi ko nga alam, kase bakit sa dinami rami ng lalaki sa mundo ikaw pa yung naging Kapatid ko." pag-amin ko. "Bakit kase napakamalas kong tao.." tumulo yung luha ko. "..lahat sakin nawawala, nung una si Dade, sumunod yung boyfriend ko. Huhuhu!! siguro malas lang talaga ako?" dagdag ko habang napapahikbi sa sakit.

He trying to comfort me. Niyakap niya ako tapos pinunasan nila ako ng luha sa mata at pisngi. Pinipilit nila akong patahanin na parang sanggol na umiiyak. Ang sakit kase sa pakiramdam. Kailan ba ako magiging masaya?

"Nandito lang ako!" wika ni Kuya John habang yakap-yakap niya ako.

Hindi parin tumitigil ang pagluha ng mata ko. Yung puso ko kumikirot at sumasakit na dahil sa alaalang ibinabalik ng utak ko at ng panahon.

"Ela, stop to cry. Nag-aalala na kami sayo!" wika ni Ate Maui.

"Hindi ko kaya.." sagot ko habang naiiyak pa rin.

"Pilitin mong kalimutan ang lahat. Akala ko ba na strong woman ka eh bakit ka umiiyak? The strong woman kahit mahirap lumalaban." pagmomotivate ng kapatid ko sakin.

"I can't!" tangi kong nasabi.

Hindi parin ako binibitawan ni Kuya John sa pagyakap kahit na naglulupasay na ako sa galit. Kaya nung hindi na nila ako makontrol nagdesisyon na sila na patulugin ako. Dinala nila ako sa may kwarto ko ngunit maraming mga natutulog doon at baka magising pa. Sa kwarto naman ni Mame nandodoon naman sila lolo at lola at mga other relatives namin.

"Saan natin patutulugin ito?" rinig kong sabi ni Dennis kay John.

"Doon na lang kaya siya matulog sa bahay. Tutal maluwag doon." pagpiprisinta niya.

"Oh sige. Matulog ka narin mukhang hindi mo na kaya tsaka mag-ingat kayo baka mahulog yang pinsan namin."sabi ni Ali

Pagkahatid samin sa may labas. Napatingin ako sa mga pinsan ko. Kumaway sila sakin bago umalis.

Mabilis na pinaandar ni John ang motor niya habang yung kamay ko nilagay niya sa harapan niya habang hawak-hawak niya ito para hindi ako malaglag sa motor.

"Huwag mong alisin kamay ko." pagpapaalala niya.

Tumango lang ako habang nakadikit ang mukha ko sa likod niya.

"Grabe pala itong malasing." rinig kong sabi niya habang napapailing pa. Lasing ako pero alam ko ang ginagawa ko at naririnig ko.

Pagdating namin sa bahay ni John. Binuhat niya ako mula sa motor papasok ng bahay.

"Ang bigat mo!" pag-aangal niya.

Ilang segundo, narating na namin ang kama niya at dahan-dahan niya ako inilapag.

"Iiwan mo rin ba ako?" tanong ko sa kanya matapos niya akong ilapag.

"No!" maikli niyang sagot pero seryoso.

"Kung ganun..." hinigit ko siya mula sa kinatatayuan niya at napadapa siya sa may harapan ko.

"Ela, lasing ka!" rinig kong sabi niya.

Pinipilit niyang kumawala mula sa pagkakayakap ko pero hindi niya magawa.

Tinitigan ko lang siya habang unti-unti kong nilalapit ang labi ko sa labi niya.

"Psssh, huwag!" suway niya sakin. "Lasing ka. Kapatid kita!" dugtong niya.

Pinitik niya yung ilong ko na halos maramdaman ko ang sakit. Nakawala siya mula sa pagkakayakap ko at dito na ako nakaramdam ng antok at tuluyan na akong nawalan ng diwa hanggang sa makatulog.

"Ang rahas mo!" rinig kong sabi niya bago ako makatulog ng mahimbing.

Continue Reading

You'll Also Like

453K 24.3K 80
It's been five years ever since Avery lost contact with his one and only best friend. Five long years of not knowing the real reason why he just sudd...
50.6K 3.7K 2
This guy is bad news. Pretending to be cute and nice while hiding an evil inside. Although Zandra Asuncion dislikes Michael Jonas Pangilinan, she gra...
69.7K 1K 44
"Hindi naman ako 'yong klaseng angel na inaakala mo." - Ayara - Date Started: June 06, 2023 Date Finished: June 23, 2023
22.3K 1K 30
[Book Two of Personally Maid for you (I Fell Inlove With My Personal Maid)] And they lived happily ever after... Or maybe it was just the beginning...