The Stepbrother (Published Un...

By G_Manunulat

68.2K 777 31

Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited) More

I
II
III
IV
V
VI
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Author's Note

VII

2.5K 33 1
By G_Manunulat

KABANATA 7

"Saan ka galing?" bumungad na tanong ni Mitch pagpasok ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kase for sure pag-iisipan na naman nila ako ng masama.

"I think nag-jogging ka?" tanong naman ni Maui na nakaupo sa may sofa habang nagkukurkor siya ng kuko .

"Ah..o-" natigil ako sa pagsasalita dahil sumingit na naman ang pinsan kong mala-detective kung mang-usisa.

"Ate Maui kung nag-jogging yan eh di dapat naka-sapatos iyan. See naka-sandals siya. It means may kababalaghan yang ginawa kagabi." usisa ni Dennis. Okay ikaw na! Ikaw na magaling mang-usisa.

"Oo nga 'no? Bakit hindi ko naisip yun?" turan ni Ate Maui habang nakahawak siya sa chin niya na tila nag-iisip.

Napabalikwas ng tingin ang lahat nung pumasok sa pintuan si John. Halos kiligin itong mga kasama ko at napatitig nung makita ito.

"Sino siya?" mahinang sabi ni Ate Maui habang nakatingin sa lalaking ito.

"Omg! Don't tell me ikaw si John?" rinig kong sabi ni Mitch na tila kinikilig pa.

Tumango si John habang nginingitian ang lahat.

"Shock's truelala nga!" rinig ko namang sabi ni Ate Maui.

"Good Morning!" bati ni John sa lahat nang nakangiti tapos may sinabi siya sa lahat na agad kong ikinagulat. "Ibabalik ko lang si Ela." napatingin silang lahat sakin tapos ako naman ngumiti na lang ng mapait sa kanila habang pinapapak ako ng tingin.

"Saan kayo galing kagabi?" wika ni Moira habang tinitignan kami ng masama.

Gusto kong magpalamon sa lupa ngayon.

"Galing kase kaming..."

"Hotel?" panghuhula ni Mitch na medyo may gulat factor.

"Gaga! Crush ko lang yan si John pero kahit kailan hindi ako magpapadala sa kanya sa hotel. Mahal ko pa bataan ko!" sagot ko tapos napatingin si John sakin na medyo nakangiti pa. "Oh bakit ka ngumingiti-ngiti dyan?" tanong ko sa kanya. Porket narinig mo lang na crush kita eh akala mo pogi ka na nyan.

"Nothing!" sagot niya habang nakangiti siya ng nakaka-insulto.

"Okay!" mataray kong pagsagot kahit deep inside masaya ako kase alam niya na may crush ako sa kanya.

Natahimik ang kapaligiran after kong magsalita. Hindi siguro nila inaasahan na gagawin ko yun sa harapan ni John. Mostly kase sa mga nagiging boyfriend ko hindi ako totally nag-oopen up tulad nito. Crush ko sila pero hindi ako yung nag-oopen up na may feelings ako.

"Oh bakit hindi pa kayo nagbibihis ni John? Ha! Ela?" sabi ni Mame sa akin na ikinabasag ng katahimikan ng lahat. "Anong oras na lang oh!" tumingin siya sa may orasan na nakakabit sa may pader. "It's already 9:30 am na tapos nakatunganga parin kayo!" medyo galit na tono ng boses.

"Tita I'm sorry hindi ko pala nasabi kay Ela." he apologized.

Anong pinagsasabi niya? Bakit siya humihingi ng tawad kay Mame? Anong hindi ko alam na dapat kong malaman?

Tiningnan ko siya ng nagtatakang tingin. "Anong dapat mong sasabihin ha John?" tanong ko ng may pagtataka.

"Maid of honor ka raw sa kasal tapos I'm your bestman!" he said.

Napangiti ako sa isip ko. Para yun lang grabe makapag-apology kay Mame.

"No problem!" I said tapos nagpunta na ako sa kwarto ko na nakangiti habang naglalakad sa hagdanan.

*****

12:00 noon nung matapos na ako sa pag-aayos ganun din ang mga abay na may ganap sa kasal ni Mame. Sa pagbaba ko ng sala mayroong isang tao ang umagaw ng aking atensyon at iyon ay si Mame. She look's gorgeous at nangingibabaw sa kanya yung tuwang ngayon ko lang ulit nakita.

"Ang ganda mo, anak!" she said tapos binalikan ko lang ito ng isang matamis kong ngiti.

Nang makarating na akong sala, uupo na sana ako kaso pinigilan ako ni Auntie Betty na nakaupo din sa Sofa. Pinigilan niya ako baka kase raw na magusot yung suot kong gown sayang naman daw. Nangangalay na kase ako kanina pa. Naka-heels pa ako tapos pakiramdam ko pa matatapilok pa ako. Umalis si Auntie Betty para pumuntang kwarto ni Mame kaya ang naiwan na lang dito ay ang friend ko at mga pinsan.

"Ya, pwede po bang pakikuha yung tsinelas ko sa room." pag-uutos ko.

"Okay Bebe!"

Habang hinihintay ko ang pagbalik ni Yaya. Napalingon ako sa may pintuan na kung saan bumukas ito matapos may kumatok. Isang lalaki ang nakita ko na nakakuha ng aking atensyon. Maporma at mayroong bitbit-bitbit na isang bouquet ng flowers. Hindi ko matanaw yung mukha niya kase nakatago iyon sa may likod ng bouquet.

"Sino yan?" takang tanong ni Marie isa ko ring pinsan.

Dahan-dahan itong pumasok habang ang lahat ay bakas ang pagtataka sa bawat  mukha nila.

My world shaking. The silence was breaking. Pakiramdam ko bumagal yung oras ngayon. Nag-slow motion ang lahat nung makita ko ang mukha ng isang lalaki na nagpa-iyak sakin na halos sobrang  tagal.

"Gabriela, kumusta!" sabi niya habang nakangiti ng malaki.

"A-anong gi-ginagawa mo dito?" pautal-utal kong tanong. Sino ang nag-imbita sa kanya tsaka paano niya nalaman na nandito kami nakatira?

Inabot niya sakin yung isang bouquet ng bulaklak tapos pinaupo ko sya sa may sofa na may espasyo.

"Namiss kita!" mabilis niyang sagot habang nakangiti.

Napangiti ako ng bahagya tapos napansin iyon ni Mitch. "Asus, after kang lokohin niyan nakukuha mo pang kiligin!" nakita niya kase akong nakangiti tapos nagba-blush kahit na may blush on ako.

"Axxxel, paano mo nalaman 'tong tinitirhan namin dito sa Batanes?" I asked tapos kinuha ni Dennis yung hawak kong bouquet. "Salamat!"sabi ko rito.

"Ikinuntsaba ko kase'tong pinsan mong si Dennis." he said habang nakatingin dito.

Napatango lang ako habang si Dennis naka-peace sign at nakangiti. "Kaya pala?" ani ko habang napapatango.

Maya-maya pa biglang pumasok si John na naka-toxido tapos may hawak na helmet. Gwapings siya ngayon. Ngumiti ako sa kanya at agad niya rin ako sinuklian ng isang malaking ngiti.

"Gwapo natin ngayon ah!" pagbibiro ko pero gwapo naman talaga promise.

"Hindi naman." nahihiyang sagot niya.

Pagpasok niya, nakita niya si Axxxel ang ex kong hindi ko alam kung bakit siya nandidito. Nagngitian silang pareho kahit hindi nila kilala ang isa't-isa.

"May bisita ka pala?"

"Oo John." I said. "Si Axxxel nga pala. Ex ko!" pagpapakilala ko dito.

Napatango-tango siya na may  halong pagtatakang expression. Siguro iniisip nya ngayon na sino ba namang tanga ang iimbitahan ang ex-boyfriend niya sa kasal ng kanyang magulang?

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Umupo ito sa tabi ni Axxxel tapos nagpakilala. Nagkamayan silang pareho na mayroong pagdidiin ang mga kamao nila.

"World war 3 'to!" mahinang sabi ni Marie. Akala ko, ako lang ang nakaramdam nun yun pala napansin din nila ang napansin ko sa dalawa.

Sinimulang kalbitin ako ni Mitch na parang nagpapahiwatig siya ng panggitnaan ko sila. Sinenyasan niya ako tapos umupo ako sa gitna nila kahit na hindi pwede dahil magugusot yung gown kong suot.

"Axxxel, kamusta ka na pala?"pangangamusta ko pero ang intensyon ko talaga ay panggitnaan sila.

"Okay lang!"

Hinawakan ako ni John sa may braso ko tapos may binulong siya sakin na parang nagpapahiwatig na layuan ko daw 'tong ex ko. Kung hindi daw? hindi niya ako ituturing na kapatid. How sweet naman. Pero hindi ko yun sinunod kase mahal ko pa 'to. Wala kaming official na break up kaya kung sakaling ligawan niya ako ulit. Umasa siyang sasagutin ko 'to.

Nagalit si John sakin at hinila niya ako ng marahan palayo kay Axxxel.

"Mahal mo pa ba yang lalaking yan?" tanong nya sakin gamit ang mahina na tono ng boses tapos tumango lang ako. "So makikipag-ayos siya sayo kaya ba siya nandidito?" tanong niya pa. Umiling lang ako kase hindi ko talaga alam yung dahilan niya kung bakit siya nandidito.

Muling bumalik kaming pareho ni John ng sabay sa may sofa para muling kausapin ang ex ko.

"Anong dahilan mo para bumalik dito?" maangas na pagtatanong ni John.

"John, wag ngayon" pagpipigil ko.

Napabuntong hininga si Axxxel tapos mayroong babae kaming napansin na pumasok sa may pintuan. Maganda siya, maputi, matangkad at mukhang nagpa-pageant dahil sa ayos niya ngayon.

"Kilala nyo?" mahinang sabi ni Ate Maui kay Mitch.

Halos nagtaka ang lahat maging ako rin dahil sa babaeng 'to. Hindi ko alam kung isa ito sa mga pinsan ko o kaibigan ni Mame.

Nung tumayo si Axxxel mula sa Sofa. Nilapitan niya ito at ipinakilala sa amin.

"Si Sneha nga pala. Girlfriend ko."

Paulit-ulit na nagretain sa utak ko ang sinabi niya. Hindi kase ako makapaniwala na kasama niya ang ipinalit sa akin tapos may pa-bouquet bouquet pang nalalaman at saka ang lakas pa ng loob nito na dalhin ang girlfriend niya. What the heck.

Parang huminto ang mundo ko sa oras na 'to. Gusto kong maluha kaso dapat kong pigilan para di masira make up ko.

Napailing si John dahil sa kanyang nakita. Naiisip niya rin siguro yung asar na iniisip ko ngayon.

"So tell me ano ba talaga yung purpose mo sa pagpunta dito?" tanong ni John dito.

"Ang kapal talaga ng mukha nitong lalaking 'to. Nakuha niya pang dalhin yung girlfriend niya." rinig kong sabi ni Mitch.

"Gusto ko lang naman dumalo sa kasal ng Mame ni Ela yun lang!" sagot ni Axxxel.

"Sana wag ka na lang pumunta!" inis na sabi ni John rito tapos napansin ni John yung pagiging tahimik ko. "Ano? Asang-asa ka na naman!" mahinang sabi ni John sakin habang nakatuon ang tingin sakin.

Hindi ko alam kung maiiyak ba ako o matutuwa dahil sa nakikita ko ngayon. Bakit ba kase sakin nangyayari ang mga ganitong bagay. Ang hirap lang tanggapin na ipinagpalit niya ako kahit wala kaming official na break up.

"She look's gorgeous!" I said kahit deep inside nasasaktan ako sa nakikita ko.

Ang hirap pala tanggapin yung ganitong set up feeling ko tuloy para akong nilulubog sa lupa dahil sa nakikita ko.

"Dennis, ano bang pumasok sa kokote mo para papuntahin yang ex ni Gabriela ha?"

"Ate Maui, namilit kase siya eh!"

"Eh di sana..." natigilan si Mitch.

"STOP IT!"

Hindi ko pinatapos si Mitch na magsalita pa at dugtungan pa ang pagsisisihan nila. Nangyari na eh, nasaktan na ako at mas lalong kailangan ko na lang tanggapin ang nakikita ko sa harapan ko.

My heart breaking in to pieces. Mahirap tanggapin pero kailangan.

"Huwag kang iiyak. Masisira make up mo!" bulong ni John sakin.

Kahit masakit pinilit ko paring magpakatatag at ngumiti ng pilit sa harapan nila. I can pretend na okay ako kahit na halata naman nila na nasasaktan na ako.

"Hi!" bati ko sa babaeng 'to.

Sinuklian niya ako ng isang ngiti tapos umupo silang dalawa ni Axxxel na magkatabi sa may kabilang sofa na katabi lang namin.

"Nice to meet you!" she said tapos nakipagbeso-beso sakin.

"Ang kapal ng mukha!" rinig kong pabulong na sabi ni Mitch na kitang-kita sa facial expression niya na parang gusto niyang sugurin si Sneha.

"Sneha.." sabi ni Ate Maui. "..may nag-invite ba sa inyo para pumunta dito?" tanong nito na medyo marahas.

"Ate Maui unli ka hane?" pagsisingit ni Moira.

"Yung totoo.." nahinto siya tapos hinawakan niya ng mahigpit ang kamay ni Axxxel. "Si Axxxel talaga ang may gusto na pumunta dito. Nalaman niya kase na ikakasal yung Mame mo kaya yun kinumbinse niya ako tutal naman daw naging parte na kayo ng life niya."

"Axxxel nantitrip ka ba?" asar na tanong ni Mitch. "Ang TANGA mo!" mariing sabi pa.

"Mitch...don't blamed him!" suway ko tapos nag-walk out siya.

"Ewan ko sayo!" rinig kong sabi niya bago umakyat ng hagdanan. Padabog siyang umakyat habang nakatingin siya sakin ng matalim.

This time gusto ko ng matapos ang conversations namin kase ang sakit na. Gusto ko ng kumawala sa rehas na ito. Si Mitch nag-aalala na tapos si John ganun din. I want to stop this kaso yung puso ko ayaw tumigil para mahalin siya kahit na nasa harap ko na ang ebidensya ng katangahan ko.

Continue Reading

You'll Also Like

315K 4.4K 29
BABALA: Ang Storyang ito ay kinakailangan ng patnubay at gabay. Ito'y may maseselang lenggwahe, Karahasan, Sekswal, Horror at droga sa mga INOSENTENG...
56.2K 1K 43
Prologue: Pak!Pak!! "You betrayed me!!!Buong buhay ko ibinuhos ko sayo tapos eto lang ang igaganti mo skin?!Saan ako nagkulang?!Ha?????Saan!!!!!!!!"...
391K 17.7K 22
Maia Celine Zorales vowed to never cross paths with Finley Angelo Suarez again... which was hard considering that they are attending the same school...
66.8K 1.5K 36
This is the story of Ailla Franzine De vegas.. Let us see how did she fined her unexpected Love..