The Stepbrother (Published Un...

By G_Manunulat

67.8K 773 31

Nasubukan mo na bang magmahal ng hindi mo kadugo ngunit naging Kapatid mo? (Unedited) More

I
III
IV
V
VI
VII
VIII
IX
X
XI
XII
XIII
XIV
XV
XVI
XVII
XVIII
XIX
XX
Author's Note

II

5.9K 62 0
By G_Manunulat

KABANATA 2

Kinaumagahan tinanghali na ako nang magising marahil sa ginawa kong paggagala kasama si John. Bumangon ako sa pagkakahiga ko at naupo habang naka-indian sit sa kama ko. Nag-isip-isip sa mga bagay na nangyari kahapon.

Pareho pala kami ng pinagdaanan nung lalaking yun. Hindi lang pala ako ang nakakaranas ng matinding pagsubok na katulad sakin. Kung tutuusin sariwa pa yung sugat na dinanas niya di tulad sakin almost fifteen years na nakalipas pero dama ko parin ang sakit at pangungulila.

Napatingin ako kay haring araw sa may bintana at napansin ko na maganda yung panahon kaya bumaba na ako mula second floor na pinanggalingan ko. Si Mame nakita ko may kausap na lalaki I think nasa  thirty five years old na yung lalaki hindi ko alam yung pinag-uusapan. Nung makita ako ni Mame, she called my nickname tapos napatingin yung lalaking pogi kahit nasa thirty plus na yung age. Nginitian ko ito sabay lapit sa kanila.

Hindi ko alam kung ano yung pinag-uusapan nila. Kuryosidad ang nasa isip ko kaya kung ano-ano na lang ang iniisip ko. Nandito yung, ipapa-ampon ba ako? Ibubugaw ba ako ni Mame? Iiwan niya na ba ako? Ayaw niya na ba saken? Ibebenta niya ba ako?

I shookt my head.

Natulala ako sa oras na yun kaya hindi ko na napapansin ang sinasabi ni Mame.

"Ela, what's wrong?" nagising ako sa realidad nung tinawag ako ni Mame. Nakita ko yung mukha nito nang may pagtataka.

"Ha?" maikli kong sagot na may ekspresyong tila nagulat. "Wala. I'm fine. Very fine!" dagdag ko pa habang nakangiti  ng pilit sa kanila.

Ipinakilala ako ni Mame sa lalaking kausap niya at may sinabi siya na agad kong ikinagulat.

"Ela, wag kang magagalit sa sasabihin ko" paalala ni Mame. Wala ako naging reaksyon sa mga oras na 'to.

"Ano po ba yun?" tanong ko sa kanya na may halong kuryosidad. Napatingin ako sa lalaking kaharap ko.

"Si John Paul nga pala. Your future step dad." sagot ni Mame.

Nanlaki ang dalawa kong mata sa sinabi ni Mame.

"Seriously?" tanong ko. "Oh my gad!" dagdag ko pa. Hindi ako makapaniwala sa mga oras na 'to. I can't imagine, after many years magkakaroon na ulit ako ng Dad.

"Ayaw mo?" tanong ni Mame.

Napayakap ako kay Mame habang umuukit ang ngiti ko sa labi ko. I think this is the right time para makalimutan ko na ang mapait naming kahapon. I love my Dade and I won't forget him. He's my inspiration to become a strong girl.

"Mame, I'm so happy for you. You know naman di ba? Gusto na natin kalimutan yung mapait na kahapon natin. I think this is the right time to give your heart a second chance to love again." sabi ko. "Hindi ako tutol. Masayang-masaya ako dahil mararanasan ko na ulit ang magkaron ng Dade ulit." dagdag ko pa habang nakangiti.

Halos mapunit ang labi ni Mame nung binigay ko yung basbas ko para sa lalaking ipinakilala niya sakin. Basta kay Mame hindi ako tututol sa happiness niya dahil gusto ko maibigay ko sa kanya ang pangangailangan niya naman.

Niyakap ako ni Mame ng mahigpit na mahigpit tapos humingi naman ng pasasalamat si Tito John Paul for the blessing I gave to them basta wag niya lang lolokohin si Mame kundi babalatan kita ng buhay pati anak mo. Anak mo? May anak ba siya? Napatingin ako sa may kisame dahil sa thought na pumasok sa isip ko kaya napatanong ako sa kanya.

"May anak ka po ba?" tanong ko sa kanya.

Tumango ito tapos ngumiti. "Panigurado magkakasundo kayo nun." sagot nito.

"Lalaki o Babae?" tanong ko naman

"Lalaki. Soon to be your stepbrother" sagot nito.

Isang malaking SANA....sana makasundo ko siya.


*****

Sa paglipas ng oras ng pakikipagkwentuhan ni Tito John Paul sa amin, nagpaalam na ito na aalis dahil  mayroon pa daw siyang trabaho sa isang tourism office dito sa Batanes. Kailangan niya na daw bumalik dahil marami daw syang papeles na kailangang ayusin para sa mga turistang bibisita dito sa Batanes. Mostly kase sa mga turista na pumupunta dito ay mga dayuhan kaya kailangan nilang ayusin yung mga papeles nito.

"So pwede ko ba kayong makasama ng dinner mamaya with my son?" sabi ni Tito bago umalis sa tapat ng pintuan namin. Sumenyas si Mame na parang nagpapahiwatig na papayag ba ako?.

Isang mabilis na sagot ang ginawa ko, "Oo naman po para makilala ko narin yung magiging stepbrother ko."  nakangiting sagot ko.

"So, pano? alis na ako!" paalam nito samin habang nakangiti.

Lumakad papalayo si Tito Paul saka napansin naming mayroong sumundo sa kanyang naka-motorsiklo na may suot na helmet I think anak nya yun kase nagmano siya  bago umalis. Nang makalayo-layo na si Tito, pumasok na kami nila Mame sa bahay at dito ko inasar si Mame. "Mame, millenials lang ang peg?" pang-aasar ko sa kanya habang nakangiti.

"Oy Ela tumigil ka! baka kurutin ko yang singit mo!" suway ni Mame sakin habang namumula yung pisngi. Nagpunta ito sa kwarto niya tapos sinundan ko ito ng hindi nito nalalaman.

Ano kaya gagawin nitong Mame kong nagpi-feeling millenials. Tawa ako ng tawa sa isip ko parang gusto na nitong sumabog para malaman niya na nandidito ako.

Kumuha ng maaayos na damit si Mame tapos sinukat ito habang nakaharap sa may malaking salamin na nasa kwarto.

"Bagay ba?" rinig kong sabi niya.

Piit na piit yung tawa ko kase salamin kinakausap niya? HAHAHA para siyang sasagutin nito. Tawa parin ng tawa yung isip ko yan tuloy napapangiti na ako ng bongga.

Nakatingin parin ako sa kanya habang nagsusukat ng mga dress at blouse.

Dahan-dahan akong pumasok sa kwarto ni Mame para gulatin siya kaso nakita niya ako sa salamin.

"Jusmeyo, Ela tsismosa ka talaga 'no!" usal ni Mame sakin tapos kinuha ko yung isang dress na nakalapag sa may kama niya.

"Mame, bagay sayo itong above the knee na dress. Maganda kulay at maaliwalas siya tingnan." prisinta ko habang hawak-hawak ko ito.

Sinukat ni Mame yung dress tapos umikot-ikot sa harapan ng salamin na para bang sumasayaw tinitignan kung maganda at bagay ba ito sa kanya.

"Okay naman kaso hindi ba malaswa tingnan?" tanong ni Mame na may pag-aalinlangan.

"Hindi ah bongga nga eh!" sagot ko.

"Sabi mo eh!"

*****

Matapos mapili ni Mame ang susuutin niya mamayang dinner nagpasya muna akong magpahangin sa labas dahil naboboring na talaga ako sa bahay. Nakakasawa na lang laging ganito ang buhay ko gusto ko naman ng bago.

Sa paglalakad-lakad ko, dinala ako ng mga paa ko sa pinagtatrabahuhan ni John. Nakita ko siyang busy sa mga customers niya na mga turistang galing ibang lugar.

"Yan po mga souvenirs namin gawa ng mga mamamayan dito sa Batanes." rinig kong sabi nito.

Naupo ako sa may malapit sa pinto habang nakapangalumbaba hinihintay na pansinin niya ako.

Tumingin ka naman sakin pakiusap. Pansinin mo naman ako para may kausap din ako. Hindi tumigil yung isip ko kakasabi ng mga salitang ito hanggang sa napansin niya ako at sumenyas ng wait lang gamit ang kamay niya. Binigyan ko siya ng isang matamis na ngiti habang napapatango.

"Mabuti naman napansin niya ako" bulong ko sabay buntong hininga.

1 AND A HALF HOUR LATER

Patingin-tingin ako sa wrist watch ko kase halos one hour na akong istambay dito at hindi parin siya pumupunta sa kinauupuan ko. Iritang-irita na yung isip ko kakahintay gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko.

I sighed.

Paalis na sana ako nung mapansin niya ako at dali-daling hinawakan nya yung left wrist ko kaya ako napahinto.

"Where are you going? Aalis ka na?" tanong niya sakin nang may pagtataka.

"Sana eh. Hindi mo naman ako pinapansin kanina pa." sagot ko sa kanya. Hindi ba nya alam na napapagod din akong maghintay. Hays, Ela sino ba naman ang nagsabing puntahan mo siya tapos aangal-angal ka? Sino ka ba Ela? May trabaho siya kaya wag kang panira. Yung isip ko talaga hindi nakikisama. Kainis!

"Pasensya na talaga may kinakausap kase ako." paghihingi niya ng tawad. "Oo nga pala gusto mong kumain? Libre kita" dagdag pa niya. Nakakahiya naman siya pa talaga yung manlilibre sakin.

"Sige kakain ako. Huwag mo na akong ilibre kaya ko naman bayaran." sagot ko.

"Don't worry okay lang sakin na ako yung magbabayad!" anya sakin ng nakangiti.

"Ano ka ba nagpunta talaga ako dito para kumain. Gutom na kase ako hindi pa ako nag-uumagahan." saad ko habang nakangisi.

Nag-ok sign siya sakin tapos nagpunta na ng kusina si John para kunin yung inorder ko.


*****

Pagdating niya, agad na nilapag yung pagkain. Niyaya ko siya kaso tumanggi dahil busog pa daw siya kaya solo kong kinain yung inorder kong pagkain na sandamakmak.

Habang kumakain ako hindi inaalis ni John yung tingin niya sakin,.

"Kaya mong ubusin lahat ng iyan?" tanong nito sakin na parang hindi makapaniwala dahil sa mga pagkain na nakalagay sa mesa ko.

Tumango-tango ako habang ngumunguya hanggang sa tinignan niya na lang ako habang kumakain. "Oo naman ako pa. Ganito talaga ako lalo na't kapag gutom." dagdag ko pa habang ngumunguya.

Nakatitig siya sakin habang ako naman nakangiti lang sa kanya.

"Oo nga pala Ela, turista din ba kayo dito?" tanong nito sakin.

Tango lang  ang tanging naging sagot ko sa kanya tapos nagpokus na ulit ako sa kinakain ko.

"Ang takaw pala nito. Napakagandang babae eh!" rinig kong bulong ni John habang napapakamot sa ulo ng dahan-dahan.

"Anong makate?" tanong kong pabiro sa kanya.

Lumaki yung mata niya na parang nagulat habang napapailing at kasabay pa nito yung pagkaway nang dalawang kamay nya ng mabilis na nagpapahiwatig na WALA o pagtanggi.

Cellphone's Ringing

Nang marinig kong nag-ring yung phone ko. Huminto muna ako saglit sa mga kinakain ko at agad kong kinuha ito para sagutin.

Nabasa ko sa screen yung pangalan ni Mame sabay tap ko ng answer.

Habang nagpapalitan kami ng salita ni Mame sa phone. Nag-excuse si John sakin para asikasuhin muna yung mga bagong turista sa souvenir shop. Nag-ok sign ako saka ito umalis papalago sakin.

Kailangan din nila kase ng mga souvenirs para ipamigay sa mga kakilala nila at magkaroon sila ng remembrance dito.

Matapos naming mag-usap ni Mame, nagmadali na akong kumain kahit mukha na akong magbabasura dahil sa itsura ko na puno ng sauce at butil-butil na kanin sa pisngi.

"John!" pagtawag ko sa kanya. Napalingon ito habang nakakunot yung noo na parang nabigla.

"What happened to you?" he asked.

"Magkano lahat?" I asked.

"Php 350!" he answered.

"Ok!" nilapag ko na yung bayad sa may mesa tapos akmang aalis na sana ako ng biglang lumapit si John sakin para punasan yung mukha ko.

"Para ka namang bata?" ani sakin ng mahina habang pinupunasan niya yung mukha ko gamit ang panyo niya na kinuha pa sa bulsa ng pantalon niya.
Pakiramdam ko tuloy yung mundo ko bumagal sa pag-ikot dahil sa nangyayari ngayon. "Ganyan ka ba talaga kumain?" dagdag na tanong pa nya sakin ng nakangiti.

"Ha-e-i-o-u?"I stammered. Tangi kong nasabi na parang siraulo na ewan.

Bago pa tuluyang may mangyaring hindi maganda. Umiwas na ako sa kanya tapos nagpasalamat na ako bago umalis na ng shop niya.

Sa paglabas ko nahinto ako saglit at pinakiramdaman ko yung tibok ng puso ko na parang may sinasabing gustuhin ko siya. May naramdaman kase akong hindi pangkaraniwan na parang sa pag-ibig ko lang nararamdaman. I felt this before when my last boyfriend I fell to him. Love is like a rain or storm, you don't know when it comes basta-basta na lang magpaparamdam sa maling oras. Parang ito.

Continue Reading

You'll Also Like

776K 4.6K 112
spg series isang lalaking Muslim ang makakapag asawa ng 4 na babae sa apat na sulok ng pilipinas sino ang maiïwan at sino ang pipiliin ng puso nyang...
476K 7.7K 63
Meet samarah Santos. laking probinsya. payak lang ang pamumuhay nila ngunit masasabi niyang masaya. pero magbabago ang lahat sa pagpunta niya sa mayn...
137M 5.3M 131
Masarap mapunta sa Section na may pagkaka-isa. Meron mang hnd pagkaka-unawaan, napag-uusapan naman. Panu kung mapunta ka sa Section na ikaw lang ang...
22.3K 1K 30
[Book Two of Personally Maid for you (I Fell Inlove With My Personal Maid)] And they lived happily ever after... Or maybe it was just the beginning...