Watty Writer's Guild Writing...

By WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... More

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #2: Pied Piper
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #6: Hot n' Cold

Final Battler #5: Muli

21 2 0
By WWG_FAMILY

Description: Magpapatuloy kaya ang naudlot na pagmamahalan? Mauulit ba ang nakaraan?

WHY: Wala po kasi akong maisip. Love ko ang Philippine Hisotry pero di ko knows ang Philippine Mythology, hmm meron pero kaunti lang pala. Nagustuhan ko rin ang super romantic story ng napili kong Alamat kaya ayon.

HOW: pinilit kong siniksik ang story-ng to. Actually yung original na compo ko eh umabot ng 4,000 words, kaya marami akong scenes na dinelete. Kaya pasensya na po kung medyo bitin, di dapat ganun ang ending ehh pero waley akong magawa huhuhuhu sorry po, di kinaya ng powers ko ang elements T-T. Mas maganda ang story-ng to kung by chapters at mapapasok pa yung intense na mga eksena. Sana magustuhan nyo pa rin.

Ang pagsayaw ng ulap sa bughaw na kalangitan. Ang tila musikang pintig sa aking tenga ng mga huni ng ibon. Nararamdaman ko ang pagdampi ng mga damo, tuyong dahon at ng malambot na lupa sa aking balat, sa buo kong katawan. Pinilit kong tumayo, gumalaw ngunit hndi ko kaya, para bang naparalisa ang buo kong katawan at pinili nalang nitong mahiga sa lupa, ni aking mga daliri ay di ko magawang itaas. Ano ba itong nangyari sa akin? Paano ba ako umabot sa ganito? Ano ba talaga ang plano ni Bathala sa aking buhay?

->>I<<-

10 araw pabalik mula sa kasalukuyang panahon.

"AHHHHH!" binalot ng matinis na sigaw ang buong kwarto nang dumampi ang bulak na punong-puno ng alcohol sa sugat ng batang nakaupo sa upuang kahoy.

"Sandali nalang ito Billie, niliinis ko nalang itong sugat mo. Ikaw naman kasi eh, ang kulit-kulit mo"  masiglang sabi ni Nurse Joy kay Billie habang nilalagyn na nito ng plaster ang sugat sa binti.

"Sasusunod huwag ka ng maglilikot ha?" aniya habang ginugulo ang buhok ng bata.

"Opo Ate Joy" pangiting sabi ni Billie, di iniinda ang sugat sa kanyang binti. At saka ito paika-ikang lumabas sa Clinic.

"Alam mo Joy, sobrang napamahal na talaga sayo yang mga batang yan" nagmula ang boses na iyon sa upuan di kalayuan sa mesa ni Joy. Nilingon nya ito at napangiti ng makita ang kapwa nyang Nurse na si Annie na nakaupo sa harap ng sariling mesa, kasama niya ito na Nurse sa Clinic ng Saint Andrews Academy.

"Oo nga eh. Mamimiss ko talaga yang mga yan sa pag-alis ko papuntang Albay" nililigpit nya ang mga ginamit kanina sa panggagamot sa sugat ni Bllie.

"Isang buwan ka lang naman doon diba? At saka mas mabuti na rin yun para makapagbakasyon ka, at makatakas dun sa WALANG HIYA mong jowa" pagdidiin pa nya sa salitang walang hiya na tila galit na galit sya rito.

"UY! EX jowa" angal niya habang tinutok ang hawak na bote ng alcohol kay Annie.

Biglang napatigil si Joy, iniisip ang nangyari kagabi.

Biglang pumasok ang lalaki sa Clinic at padabog na isinara ang pinto. Nagulat si Joy sa ginawa ng lalaki, natakot sya ng bigla naglakad ito patungo sa kinatatayuan nya. Di nya makita ang mukha ng lalaki dahil natatakpan ito ng hood ng suot nitong itim na jacket. Di sya makakilos, kahit anong pilit nya ay parang napako ang kanyang mga paa sa sahig. Wala syang nagawa ng idinikit sya nito sa pader at hawak-hawak ang magkabila nyang braso na parehong idinikit sa pader. Unti-unti na nyang naaninag ang mukha ng lalaking iyon, at parang binuhusan sya ng malamig na tubig ng malaman na ito ay si...

"Cris?" pabulong nyang sabi ngunit sapat na upang marinig sya nito, dahilan upang mapaangat ito sa kanyang ulo at blankong tumingin sa kanyang mga mata. Di niya inaasahan ang sunod na nangyari, marahas sya nitong hinalikan sa leeg, sa pisngi at sa labi, at kahit anong pagpupumiglas na kanyang gawin ay walang epekto.

Akala nya di na ito mangyayari pero biglang tumigil si Cris at pahangos na huminga, sobra itong napagod at nanghina sa kanyang ginawa kay Joy, dahilan upang makawala si Joy sa mahigpit nitong magkakagapos sa kanyang kamay. Walang ano-ano'y ginawaran nya ito ng isang malutong na sampal sa kanan nitong pisngi.

"Gago ka talaga Cris, walang hiya ka!" aniya at saka sya naglakad palayo, pero natigilan sya sa paglalakad ng biglang...

"Joy you know that I cannot afford to lose you. I love you so much Joy" pangiyak-ngiyak nitong sabi

'I love you mo mukha mo' yan ang gustong sabihin ni Joy sa mukha ni Cris pero di nya ito kayang gawin, kahit papaano'y may awa pa rin naman sya sa taong yun kaya imbes na paulanan na naman ito ng maanghang na salita ay mas pinili nalang nyang lumabas na sa silid na iyon.

"Joy? Joy? Joy, ok ka lang?" Pagtawag ni Annie sa dalaga na parang naging estatwa sa lalim ng iniisip "May ginawa na naman ba sayo ang bastos na lokong yun?" natauhan bigla si Joy at pangiting lumingon sa kaibigan.

"Hindi ah. Wala. Wala na kaming komyunikasyon sa isa't isa mula nung nakaraang linggo"

->>I<<-

Joy's POV

Nasa isang batis ako, naliligo, nang biglang nadulas ako sa inuupuan kong bato at nahulog tubig. Binalot ang buo kong katawan ng takot na dahilan upang magpanic, shett! Di ako marunong lumangoy, paano na'to.

Pinapalo-palo ko ang tubig at sinayaw-sayaw ang paa ko sa tubig pero di ako lumulutang, medyo marami na rin ang naiinom kong tubig. Unti-unti ng nauubos ang lakas ko at dumidilim ang aking paningin ng sa di inaasahan ay nakaramdam ako ng mga bisig na yumakap sa akin. Parang pinipilit ng kung sino na i-ahon ako sa tubig.

Naramdaman ko nalang na dumampi ang aking mga paa sa lupa habang akay-akay pa rin ako ng nagligtas sa akin. Pinilit kong ibuka ang aking mga mata ngunit natatakpan ng nakakasilaw na sinag ng araw ang kaniyang mukha, tanging ang mataas na buhok lamang ang aking nakita.

"Maayos na ba ang iyong lagay, mahal na prinsesa?" parang kaboses nya ang DJ sa radyo, napaka-manly at swabe ng kanyang boses na super nakakainlove~

Pero nagulat ko ng pagkabuka ulit ng kanyang bibig ay nagtunog pusa sya. Pusa? Bakit sya nagmemeow?

Napabaligwas ako ng bangon ng maramdman ko ang nakakakiliting balahibo na dumaan sa aking mukha.

"Mousy!" naiinis kong sabi sa pusang nakapatong ngayon sa mukha ko, Well nakahiga sa mukha ko, kaya pala kanina pa ako di makahinga. At tanging tugon nya lang ay isang malambing na meow.

"Bakit mo ko ginising?" ialis ko sya sa aking mukha at kinarga. "Malapit na yun eh, nandun na tayo eh, malalaman ko na sana ang pangalan at mukha ng Knight-in-shining-armor ko" reklamo ko sa kanya, as if naman maiintindihan ako nitong makulit kong pusa.

Halos linggo-linggo ganun ang panaginip ko, nililigtas ako ng isang lalaking parang nagdudub sa boses ng mga anime- sa super ganda ng boses nya, pero di ko naman nalalaman pangalan nya, number at pati mukha. Ang pinagtataka ko lang ay yung istilo ng pananamit nya, minsan ko na kasing na-ispatan sa isang panaginip ko yung suot nyang damit, kulay pulang vest pero walang suot pang-ilalim at saka yung mga makikinang na palamuning ginto sa kanyang kamay, leeg at ulo, na parang gaya ng suot ni Lakas sa Bagani hehehehe, Ay este, gaya nung nakadrawing sa mga libro na suot ni Lapu-lapu. Kung baga sobrang luma ng fashion sense nya.

->>I<<-

Sa kakaisip ko dun sa panaginip ko ay nawalan na ako ng ganang matulog, kya naisipan ko nalang maghanda sa mga dadalhin kong gamit. At hanggang ngayong nandito na ako sa Albay ay di pa rin maalis sa isip ko yung lalaking yun.

"Ligaya!" masiglang bati sa akin ni Lola Laura. Nagmadali akong umakyat sa bahay at sinalubong sya ng mainit na yakap. Bakit Ligaya? Yan kasi daw dapat ang pangalan ko, mas bagay daw yun sa akin, at oo trinanslate nya lang naman ang pangalan ko.

"Kamusta na po kayo Lola? Sha nga po pala may pasalubong ako sa inyo" kumalas ako sa pagkakaakap sa kanya at tinuro ang maleta kong binababa pa ni Manong Ben- driver ng Tricycle na sinakyan ko papasok sa baryo nina Lola.

"Mabuti naman apo, Salamat dyan nag-alala ka pa. Oh sha, hayaan mo ng i-akyat ni Ben yung bagahe mo, at magpahinga ka na muna, siguradong pagod ka sa byahe"

->>I<<-

At dahil pilya akong apo ay di ko sinunod si Lola, imbes na matulog at magpahinga ay lumabas muna ako nagliwaliw. Gusto ko kasing makita ulit yung batis na malapit lang dito, kung saan ko naliligo kasama yung mga kaibigan ko nung mga bata pa kami.

Naglakad ako ng halos tatlong kilometro, dumaan sa kagubatan bago ko makarating sa batis, pero na pahinto ako ng madaan ko ang isang bangin, ilang metro lamang ang layo mula sa maliit na daang aking tinatahak.

Madali akong lumapit dito na tila ba isang batang nakakita ng isang baldeng kendi at sabik na sabik na makain iyon lahat. Di naman ako natatakot, sanay na kasi akong naglalaro dito noon, natatandaan ko pa na medyo may kalaliman ang bangin, at palagi kaming sinisita ni Lola pag nalalaman nyang dito kami naglalaro.

Nang sa maling pag-apak ay natipak ang malambot na bahagi ng lupa sa dulong bahagi ng bangin, sobrang bilis ng mga pangyayari, nararamdaman ko ang malakas na hangin at mga kamay na humawak sa aking bisig. WHUT? Mga ka-ka-kamay?

Agad akong napadilat at nakita kong hawak-hawak ng lalaki ang aking mga kamay, at sa likod ko naman ang dulo ng bangin. Di ko maninag ang kanyang mukha dahil sa nakakasilaw na sinag ng araw. Bigla nya akong hinila ng pagkalakas-lakas, dahil na rin sa aking bigat at malakas na pwera ay napahiga sya sa lupa habang nakapatong ako sa kanya.

Doon ko lang namalayan na gahibla nalang ang agwat ng mukha ko sa mukha nya. Dahan-dahan kong inusisa ang kanyang mukha, ang matangos na ilong, ang mapupungay na mga mata, ang mahaba nyang pilik mata, makapal na kilay, ang tila nadurugong mga labi sa sobrang pula at ang maliit na balat sa kanyang leeg. BAKLAAA~ Bet na bet ang feslak ni papa.

"OK ka lang, Miss?" AYYY! Bet pakbeeee-- Natigilan ako at napabalikwas ng bangon.

"Maayos na ba ng iyong lagay, Miss?" pangiti nyang tanong sa akin habang nagpapagpag sa kanyang pantalon.

"Thank you nga pala" nahihiya kong sabi habang kinakamot ang likod ng aking ulo.

Pero nagulat ako ng bigla nyang iabot ang kanyang kamay at nagpakilala.

"I'm Cloud, and you are?" agad kong inabot ang kanyang kamay, napakalambot nito at walang kabahid-bahid ng kalyo, siguro anak mayaman to.

"I'm Joy. Megan Joy Makalyon"  napangiti sya ng sobrang tamis, at isa lang ang masasabi ko, super duper fhogie nya talaga. Pero teka bakit parang pamilyar yung boses nya? Yung parang narinig ko na yun kung saan, hays! Bahala na, baka nagkakamali lang ako, as if naman nagkita na kami before sa Manila.

->>I<<-

Nakaupo ako sa damuhan, habang hawak-hawak sa kanang kama yang isang kinagatang manga, na parang ako ang kumakain nito. Sinubukan kong tumayo pero ayaw sumunod ng katawan ko, o kaya ay ilapag ang manga pero ayaw pa rin. Nang biglang lumapit sa akin ang isang lalaki, nakabahag at nakapulang vest lamang ito. Hays! Ano na naman ito!

Naglakad sya papalapit at umupo sa aking harapan. Pero bakit napakashowbiz naman ng scene na ito, pati ngayon di ko parin knows ang feslak ni KISA (knight in shining armor) ko. Nagulat ako ng kusang  gumalaw ang katawan ko at sinubuan sya nung mangga. Ay shookt!  Mr.roboto ang peg, bes!?

Biglang hinaplos ng lalaki ang pisngi ko, habang napapatili naman itong katawan ko.

"Mahal kita" pabulong nya pa na di ko marinig pero naiintindihan ko naman sa buka ng kanyang bibig.

"Ano?"

"Bumangon ka na! May bisita ka" biglang nagboses lalaki si KISA ko.

"Ha? Pakiulit?"

Napabangon ako agad ng marinig ko na inulit iyon ng KISA ko at totoo nga tunog babae- kaboses ni Lola Laura. Napaupo ako sa kama at kinusot-kusot ang aking mata, pati nagharvest na din ako ng mga bunga sa mata.

"May bisita ka apo~~ " pakanta iyong sinabi ni Lola saka sya naunang lumabas.

At sa dami ng muta ko ay naghaharvest pa din ako nung lumabas ako sa kwarto, at pati kulangot ko eh sinabay ko na pa isang harvest lahat ng biglang...

"Good Morning!" Halos padulas ako ng mapatalon ako sasobrang gulat. Nay ko po! Si Cloud! Agad kong pinahid ang kamay ko sa likod ng damit ko at pekeng ngumiti sa kanya.

"Hi Cloud, hehehe" nanginginig ang tuhod kong lumapit sa sofa kung saan sya nakaupo. "Bakit ang aga mo? Saka paano mo nalaman kung saan ako nakatira?"

"Hinatid kita dito kagabi, diba?" kamot ulo akong sumang-ayon.

"I brought you some mangga, kasi sabi mo favorite mo'to" iniabot nya sa akin ang basket ng kumikinang-kinang pang madidilaw na mga mangga.

"Salamat" parang kuminang-kinang din ang mata ko at tinitignan lang ang mga mangga. HOMAYGA-AS! Favorite ko nga to. Pero teka, nabanggit ko ba na paborito ko ito? Ganun na ba ako kadaldal?

->>I<<-

Naririnig ko ang mga hiyawan, mga matitinis na tunog ng metal at iyakan. Nakaupo ako ngayon sa lupa, at unti-unting nakikita ko si KISA na nakahandusay at walang malay sa lupa. Nilibot ko ang aking paningin at marami pang ibng nakahandusay sa lupa. Nang biglang mahagip ng mata ko ang isang lalaki, may tama ito sa tagiliran at ang mas nakakaloka ay kamukha ito ni Cris pwera lang sa makaluma nitong damit, medyo kayumanggi nitong balat at mahabang buhok na hanggang bewang.

Tatayo sana ako at lalapitan ang lalaking yun pero gaya ng dati ayaw gumalaw ng katawan ko. Bigla nitong nilihis ang kanyang paningin at nakatoon kay KISA ko. Naramdaman ko ang mainit na pag-agos ng likido sa pisngi, galing ito sa aking mata. Narinig ko ang mahingang paghikbi ng katawan ko ngayon, umiyak ito ng umiyak at kahit anong gawin ko, parang kinulong ako sa katawang ito.

Muli nitong iniba ang anggulo ng paningin at nadiing tinignan ang isang bagay na nakalapag sa lupa- isang espada. Kinuha nito ang espada at mahigpit na hinawakan. Muli syang tumingin sa lalaking nakahandusay sa kanyang harapan- si KISA ko, at nagulat ako ng biglang luminaw ang aking paningin, nakita ko ang bawat detalye ng kanyang mukha, mula sa kilay, pababa sa kanyang mga labi. Baka kamukha lang? Pero hindi ehh, pareho talaga lahat pati ang maliit na balat sa kanyang leeg. Alam ko sya talaga si-

"PANGANORON!" malakas na sigaw ng kung sino mang nagmamay-ari ng katawan ko, at saka neto sinaksak ang kanyang sarili gamit ang espadang hawak-hawak.

Agad akong napabalikwas ng bangon, tagaktak ang pawis ko sa buong katawan. Nguguluhan pa rin ako sa lahat ng nakita. Nagulat ako ng makita ko si Cloud na pahangos na pumasok sa kwarto ko. Dali-dali akong bumangon at paatras na lumayo sa kanya, nakita nya siguro ang takot sa mukha ko kaya parang naguguluhan sya.

"Sino ka ba talaga? Anong kailangan mo sa akin? Bakit ka bigla-biglang pumasok sa buhay ko?" humahakbang ako paatras sa bawat hakbang nya paabante sa akin.

"Di mo ba talaga ako natatandaan, Joy?" Nanginig ang aking katawan ng maramdaman ko ang pagdama ng aking likod sa sementong pader.

"Bakit nakikita-kita sa panaginip ko? Alam kong ikaw yun. Sino ka ba talaga? Bakit ko napapanaginipan ang lahat ng yun? Ano ba talaga ang ibig sabihin ng lahat ng ito?!" halos sumigaw nako sa sobrang takot. Kumalma ako bigla ng hawakan nya ang aking kamay, at inilapat ito sa kanyang puso.

"Pakinggan mo ang bawat pintig nito, aking sinta" Aniya at ng walang ano-ano'y idinampi nya ang kanyang maiinit na labi sa aking labi. Malumanay at puno ng pagmamahal ang mga halik na kanyang ginawad sa akin at sa di malamang dahilan ay ginantihan ko ang halik na iyon.

->>I<<-

3rd Person POV

Kumalas si Joy sa halik na iyon, tila isa syang batang nagkaroon ng karunungan, dahilan upang malaman nya ang lahat ng ibig sabihin ng mga sinabi ni Cloud.

"Panganoron" mahina nitong sabi at niyakap si Panganoron ng napakahigpit. "Nagbalik ka, nagbalik sa mundong ibabaw. Alam mong matagal ko ng hinihiling kay Bathala na ibalik ka sa akin"

"Ako rin, aking mahal na Magayon. Matagal ko ng dinadalangin kay Bathala na ibalik ka sa aking piling at Sya namang dininig ang aking panalangin" aniya habang hinahaplos ang pisngi ng dalaga.

Natigilan sila ng margining nilang dalawa ang mala-Eddie Garcia-ng paghalakhak sabay palakpak ng mga kamay ng taong iniluwa ng pinto.

"Cris? Anong ginagawa mo dito?" Pautal utal na sabi ng dalaga ngunit isang malakas na halakhak lamang ang ginanti ng binata. Agad na pumasok mula sa pinto at bintana ang mga lalaking nakaitim. Buong lakas itong nilabanan ni Panganoron pero di sapat ang kanyang lakas upang mapatumba ang halos pitong lalaking nasa loob ng silid.

"Wala ka talagang hiya Pagtuga, kahit ngayon di pa rin natatapos yang kasamaan mo" sigaw ni Panganoron sa mayabang na si Pagtuga.

"Grabe ka naman kapatid, hanggang ngayon ba sa grand reunion nating ito eh ganyan pa rin ang tingin mo sa akin" nanlilisik ang kanyang mata at halos gahibla nalang ang layo ng kanyang mukha sa mukha ni Panganoron- na sya namang nagpupumiglas mula sa mahigpit na pagkakahawak ng dalawang lalaki sa kanya.

"Kapatid? Ni kalianman ay di kita tinuring na kapatid, kahit noon pa!" dinuraan nya ang mukha ni Pagtuga. Napatawa lamang si Pagtuga habang pinapahiran ng sariling kama yang laway na nasa kanyang pisngi.

Natameme naman si Magayon, di nya alam kong ano ang sasabihin sa nalamang iyon. Magkapatid si Panganoron at Pagtuga? Bulong nya pa sa sarili.

"Isa lang naman ang hiling ko Panganoron, yun ay ang mawala ka, dahil ikaw lang ang balakid sa pagmamahalan naming ni Magayon!"  aniya habang hinuhugot ang punyal mula sa lalagyan nito.

Di na alam ni Magayon ang kanyang gagawin, at dala ng bugso ng damdamin ay sinipa niya sa pagitan ng hita ang lalaking gumagapos sa kanyang bisig. At dali-dali syang tumakbo tungo sa kinaroroonan ni Panganoron.

Halos magimbal silang lahat, ihinarang ni Magayon ang kanyang sarili upang mailigtas lamang ang kanyang mahal. Nagtamo ito ng saksak sa tiyan. Walang nagawa si Magayon kundi ay tignan ang dugong umaagos mula sa kanyang sugat habang sya ay unti-unting bumabagsak sa sahig.

Dahil sa sobrang galit ay biglang nakawala si Panganoron at hinugot ang espadang nasa bewang ng isa sa lalaking naka itim na nakatayo sa kanyang tabi. At mabilis na sinaksak si Pagtuga sa puso. Nawala na parang mga abong tinangay ng hangin ang mga lalaking naka itim ng mawalan ng malay si Pagtuga.

Agad na inakay ni Panganoron ang dalaga, nahihirapan na itong huminga at sobrang dami na ng dugong nawala sa kanya.

"Masaya ako ng makita kita" pabulong na sabi ng dalaga habang hinahaplos ang pisngi ni Panganoron. Nabalot ng luya ni Panganoron ang walang malay na si Magayon.


Story written by: cutterpillow19

Continue Reading

You'll Also Like

686K 999 150
I don't own this story credits to the rightful owner 🔞
84.8K 2.5K 40
As a assassin , Charlotte Vinci is best at kill . Shes a college student , currently studying in Medical field. And in her free time , shes studying...
138K 5.3K 54
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
129K 414 16
This story is not mine credits to the rightful owner 🔞