IV OF SPADES Imagines

By astridleys

17.6K 434 575

a collection of imagines made by yours truly para pakiligin kayo hehez // I DO TAKE REQUESTS, message niyo la... More

intro
+ tahanan
+ para sa'yo
+ takipsilim
+ can't take my eyes off you
+ fangirl
+ para sa'tin (SEQUEL)
+ zild's birthday tragedy
+ apoy ng kandila

+ boy friend

1.5K 25 108
By astridleys






▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬


0 5

b o y  f r i e n d 

u n i q u e  s a l o n g a  +   b l a s t e r s i l o n g a


▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬





"Thank you for coming to our set today, guys! Hope you had a wonderful experience. Again, this had been IV OF SPADES and good night!" sabi ni Zild sabay kumaway silang apat. Sinabayan ito ng magarbong palakpakan at sigawan sa madla. Kasama ka na roon, pero sa mga susunod na minuto, ikaw naman ang babatiin nila.

Humiyaw ka nang pagkalakas-lakas at tumayo pa. "Woooo! Ang galing ng IV OF SPADES!" Pati ikaw mismo rinig na rinig ang boses mo kahit maingay na sa Route 196.

Bumaba sila mula sa entablado kasama ang mga instrumento nilang ginamit. Tumayo ka na mula sa kinauupuan mo saka naglakad papunta sa kanila. Pero hindi ka nandoon para manghingi ng autograph nila o maki-selfie o groufie kasama ang IV OF SPADES. Lagi mo naman sila nakakasama, e.

"Galingan mo!" maligayang sabi sa iyo ni Blaster at nginitian ka pa.

"Oo naman, ako pa?" you smirked.

"Baka kabahan ka roon, kailangan pa kitang tulungan kumanta," pang-iinis ni Unique.

Inirapan mo siya. "Psh, hindi ko kailangan ang tulong mo, Salonga, baka nga ako pa kailanganin mo, e."

"Kailangan nga kita, joke." Tumawa si Unique.

"Kung kailangan niya man ng tulong, sa akin 'yun kasi baka mamali siya ng plucking o strumming."

Nakita mo sa gilid ng mata mo na tinignan ni Blaster si Unique at nawala ang ngiti sa kanyang mga labi kaso hindi mo nga lang pinansin kasi busy ka naman sa pagpuplucking para malaman kung nasa tono pa ba ang acoustic guitar mo. Buti nalang at hindi nawala sa tono kaya nakahinga ka na ng maluwag at binalik ang tingin mo sa dalawang binatang nasa harapan mo.

"Problema niyong dalawa? Parang wala naman kayong tiwala sa bespren niyo!" bulyaw mo saka inakbayan silang dalawa.

Natahimik naman sina Unique at Blaster sa ginawa mo.

"Hoy, Nikkoi at Ter, tigil-tigilan niyo na 'yang rakista natin, baka hindi pa maka-perform 'yan dahil sa inyong dalawa," biglang sulpot ni Zild na inaayos ang turban sa kanyang ulo.

"Oo nga, nag-aantay na 'yung mga tao roon! Magsimula ka na." tinapik ni Badjao ang balikat mo.

Nginitian mo ulit sila bago ka mistulang naging ibang tao pagtapak mo sa entablado. Nawala ang bahid ng pagiging mapaglaro mo, at ang kaba mo. Well, hindi ka naman talaga kinakabahan in the first place. Sanay ka na kasing kumanta habang naggigitara sa harap ng maraming tao at ibuhos ang sarili mo habang nagpeperform. Hindi mo nga alam kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin sigurado ang mga ka-tropa mo – ang IV OF SPADES – kung magagawa mo ba ang set mo nang maayos. Malay mo sa kanila, hindi ka naman bata.

Huminga ka nang malalim at iniangat ang ulo mo. Tinanggal mo ang lahat ng mga nasa isipan mo at nag-focus sa mga lyrics ng kakantahin mo. Makakalimutin ka kasi sa mga lyrics ng kanta.

You look like you belonged up there – you look like you were born to make and share your music.

"Good evening! I'm hoping you'll enjoy my performance. Here we go!"

Narinig mo ang pamilyar na hiyawan ng mga tao. Narinig mo rin ang iba na tumatawag sa pangalan mo. Tumapat sa iyo ang nakakasilaw at makukulay na mga ilaw. Nginitian mo lang sila habang nag-ppluck at gumagawa ng kung ano-anong chords. Ito 'yung gusto mo, e kaya gustong-gusto mo ang pagpeperform. The exhilarating feeling of standing in front of many people while you share your music – your passion – to them.

Ipinikit mo ang mga mata mo at hinaayan ang sarili mong makisunod sa agos ng iyong damdamin at ng kanta.

"Uy! Solid ng set mo kanina! Galing!" nginitian mo lang ang bumati sa iyo. Namumukhaan mo ito dahil maraming beses mo na itong nakikitang nanonood sa'yo tuwing may gig ka. Masasabi mo na sa dalawang taon mo na sa industriya ng musika, ay marami ka na ring nakikilala na iba't ibang tao. Mas marami na rin ang nakaka-discover ng musika mo beyond doon sa mga pinopost mo sa youtube na mga covers.

Tumingin-tingin ka sa paligid mo. Nagdadalawang-isip ka pa kasi kung tatambay ka pa ba muna dito ng sandali o didiretso ka nang umuwi.

Sakto naman, nilapitan ka ni Badj.

"Uy! Tara, doon tayo, nag-iinuman sila."

Sinamahan mo si Badj at naglakad kayo papaloob ng Route 196 papunta sa bandang likuran hanggang sa makalabas kayo sa nagsisiksikang mga tao. Nakahinga ka na ng maluwag at nilasap ang mahangin na gabi kahit puro alak ang naaamoy mo. Kinawayan ka kaagad nila Zild nang makita ka nila kasama si Badj. Naka-upo sila nang nakapalibot sa isang bilog na table. Halos kuminang ang mga mata mo nang makita mo ang mga bote ng Red Horse.

Paano, ang tagal na rin kasi nung huli kang uminom. Busy ka kasi sa eskwelahan.

"Paupuin ang prinsesa," sabi ni Unique na kumuha pa ng upuan at inantay na makaupo ka. Binigyan ka naman ni Blaster ng isang pulang cup. Bale, ang katabi mo sa kaliwa ay si Blaster habang ang katabi mo naamn sa kanan si Unique tapos katabi ni Blaster si Badj at sa kabila naman ay si Zild.

"Baka nga prinsipe pa 'yan, e." pagbibiro ni Ter at sabay-sabay kayong tumawa.

Inirapan mo sila at tinuro gamit ang kamay mo na may hawak ng cup. "Kayo 'wag niyo akong ginaganyan ah. Inaaway niyo tropa niyo. Basketball na lang, oh!"

"Tama na 'yan, inuman na!" sigaw ni Zild at tinaas niyo ang mga pula niyong cup sa ere, pinagdikit, humiyaw ng katulad sa mga manonood kanina sa bar at sabay-sabay na tinungga ito. Naramdaman mo agad ang nag-iinit na likido sa iyong lalamunan at iyong nalasahan ang matamis-tamis na lasa nito na binabalanse ng kapaitan. Ramdam na ramdam mo ang pagdaloy nito papunta sa tiyan mo kung saan naranasan mo agad ng sipa at lakas ng alkohol na ito.

Napangiwi ka. Ang tapang talaga ng Red Horse. Pero mas matapang ka pa rin.

Napadilat ka nalang nang wala ka nang maramdamang likido at napagtanto mo na ubos na pala ang Red Horse sa cup mo. Lalagyan mo pa sana 'yung cup mo nang lumapat ng malamig na kamay ni Ter sa mainit-init na kamay mo, akmang patitigilin ka.

"Parang may balak ka atang maglasing, ah."

Tinignan mo lang siya. Hinahanapan mo ng kahit anong bahid ng kalokohan ang kanyang mga mata pero wala kang nakita. Pagiging seryoso lang ang nakita mo. Tinignan mo naman ang kanyang kamay na mahigpit na nakahawak sa iyo at tinuro ito gamit ang ulo mo. Nakuha naman ni Ter ang mensahe at inialis agad ito.

"Wala namang pasok bukas. At isa pa, pagod na pagod na ako sa school. Daming ginagawa, bwisit," pagrereklamo mo at tinuloy ang pagkuha ng isa pang bote. Hindi mo na nga nilagay sa cup mo ang laman, uminom ka nalang diretso mula sa bote.

"Tangina, sayang naman pinunta rito kung hindi ka rin naman magpapakalasing," sabi ni Unique at kinuha ang bote mula sa'yo para uminom.

"Demonyo ka talaga."

Ngumiti lang siya.

"Uy, guys!" napatingin ka sa likod mo nang may narinig kang papalapit sa inyo. Uminom ka mula sa bote ng Red Horse bago sila tuluyang nakalapit sa table niyo. Kilala mo sila – ang isa pang kilalang banda sa OPM scene.

"Upo kayo," tumayo si Zild para magkaroon pa ng lugar para sa mga bagong dating. Kumuha sila nang upuan at nakisama sa inuman. Wala namang kaso ito sa iyo, mas okay pa nga para sa iyo kasi mas marami. Saka isa pa, lagi mo rin namang kainuman mga lalaki.

"Salamat pre," bati nung frontman nila na vocalist slash rhythm guitarist din. "Galing niyo kanina, grabe. Pang-international talaga!"

Tumawa lang sila. Kahit kalian, hindi mo nakitang nagmayabang ang IV OF SPADES. Kahit sobrang dami na nilang nakamit at kinikilala na bilang isa sa mga banda na nagdedefine ng OPM, wala kang maririnig na kahit anong pagmamalaki mula sa kanila. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mo sila iniidolo.

Tumingin naman sa iyo 'yung frontman nila. Tumango siya at tinaasan mo lang ng bote ng Red Horse at nginitian. Oo, aaminin mo na guwapo 'yung tao pero hindi mo siya type. Actually, hindi mo naman sila type. Mas gusto mo pa silang maging tropa kaysa magkaroon ng jowa.

"May boyfriend ka na ba?" tanong niya.

Tinawanan mo lang siya at kumuha pa ng isang bote ng Red Horse. "Boy friends, mayroon."

He tilted his head to the side. Pinanood mo lang siya sa ilalim ng mga pilik-mata mo.

"Alam mo, sa gandang mong iyan, dapat hindi mga lalaki kasama mo. Dapat mga babae, tapos mag-aayos ayos kayo, kasi sa tingin ko mas maganda ka kung medyo maayos ka."

That was it.

Humigpit ang hawak mo sa leeg ng Red Horse. Natahimik bigla sina Badj na alam na alam na kung anong mangyayari. Nakangiti naman si Blaster doon sa frontman at sa iyo. Umuusog na ng kaunti si Unique papalabas sa bilog at lumayo na sa iyo ng kaunti. Maangas kang tumingin sa kaliwa at sa kanan at natapos nang magkatinginan na kayo ng frontman.

Kumukulo na 'yung dugo mo pero pinigilan mo ang sarili mo. Sanay ka nanaman kasi sa mga ganito, e. Maraming nagsasabi sa iyo – nangunguna na rito ang pamilya at mga kamag-anak mo – na dapat nag-aartista ka o nagmomodel sa ganda at tangkad mong iyan at halos pandirian ka nila noong narinig nilang pinili mong kunin ang landas ng musika. Siyempre andiyan din 'yung mga walang-hiyang tao sa internet na nagsasabi sa iyong mas bagay ka sa mga car shows o kung ano-ano man na ang kagandahan lang ang pinagbabasihan at sa hindi paghawak ng gitara at pagkanta sa mga bar. At mayroon ring mga bitter na talagng pinagpipilitang sumikat ka lang raw kasi maganda ka.

Narinig mo na 'yang lahat. Kulang na nga lang ipaskil na sa noo mo na maganda ka. Imbes na maging leverage mo ang pagkakaroon ng magandang mukha, tila ba ito pa ang naging dahilan kung bakit ka babagsak. Para namang kasalanan mong pinagpala ka.

Kaya nga noong nagsimula kang gumawa ng musika, lagi kang nakasombrero na natatakpan ang mukha mo. Kung magsuot ka rin ng damit, 'yung mga panglalaki.

Pero ngayon, sa tulong ng mga katropa mong IV OF SPADES, natanggap mo na rin ang sarili mo at ipinaglandakan mo pa na maganda ka talaga. Pero panglalaki ka pa rin manumit.

Kaya siguro mas pinili mong magkaroon ng mga lalaking kaibigan kasi kung mga babae ang kasama mo ngayon, nako, siguro ginawan ka na ng issue.

At kapag naoopen-up ang topic tungkol sa kagandahan mo, naiinis ka talaga.

"Pag mga lalaki kasi kasama mo, malay mo mahalay ka o ano. Concerned lang naman. Saka iba talaga kapag maganda, e 'no?" ngumiti siya.

Pumikit ka. Hindi mo alam kung dahil ba ito sa Red Horse na ininom mo pero parang wala kanang kontrol sa buong katawan mo. Gusto mong pigilan ang sarili mo na basagin ang mukha ng kaharap mo pero may parte rin naman ng sarili mo na gusto itong masampolan. Ipamukha sa kanya na kung nasaan ka man ngayon, hindi dahil maganda ka. Hindi dahil sa mukha mo o sa katawan mo, kundi dahil sa musika mo.

At nanaig nga ang galit mo.

"Concerned din ako, e..." panimula mo at saka hinay-hinay na tumayo. Narinig mong lumunok si Blaster. Naramdaman mong hinawakan na ni Unique ang balikat mo at parang may binubulong sa iyo pero wala kang marinig. Ang nakikita mo lang ang mokong na papapangitin mo. "Concerned din ako sa magiging itsura ng mukha mo kapag nasampolan na kita kasi..."

"PUTANGINA M O, GAGO KA, HARAPIN MO 'KO, PUNYETA!"

Kinagat mo ang pulang cup na kanina lang ay iniinuman mo ng Red Horse habang ang kanang kamay mo ay kasalukuyang hawak-hawak ng isang tawang-tawa na Blaster na may hawak na manipis na telang puti. Hindi mo alam kung saan niya 'yan nakuha pero nagpapasalamat ka.

"'Bat ka ba tawa ng tawa diyan?" tanong mo pero napasigaw ka naman ng makaramdam ka ng hapdi sa kamay mo. Binuhusan niya pala ng alcohol.

"Sorry!" sabi ni Blaster at hinipan ang sugat. Inirapan mo lang siya pero nginitian ka naman niya. "Paano kasi, panget na nga siya, mas lalo mo pang pinapanget."

Natawa ka. "Gago." Napatingin ka sa table niyo na medyo maliit na mula sa pwesto niyo. "Asan na nga pala 'yun?"

Nagkibit-balikat si Blaster. "Umuwi na ata o pumunta sa ospital. Mukhang nabasag mo ata 'yung mukha niya, e. Daming dugo."

Tinignan mo 'yung knuckles mo. Kung kanina puti ito dahil sa lamig, ngayon naman ay magkasing-kulay na sila ng cup mo. Hindi mo na masyadong matandaan kung anong ginawa mo dahil galit ang pinairal mo, pero alam mong nasampolan mo talaga 'yun. Kapag ikaw ba naman ay nahahamon, daig mo pa 'yung mga lalaki 'dun sa kanto niya sa pakikipagsuntukan.

"Psh. Buti nga sa kanya. Gagong sexist siya, e."

Hindi na sumagot si Blaster. Dahan-dahan niyang kinuha ang kamay mo at inilapag ito roon sa tela. Hinawakan niya naman ang tela sa dalawang dulo.

"Alam mo, 'yung mga taong ganon, kung hindi 'yun masasaktan, itutuloy at itutuloy na 'yung pinaggagawa niyang kaga – ARAY KO NAMAN BLASTER! Dahan-dahan lang."

"Sorry, kailangan kasi mahigpit 'yung pagkakatali."

Kukunin mo na sana 'yung kamay mo pero hinawakan niya ito gamit ang kanyang dalawang kamay at inilapit sa labi niya at hinalikan ito.

Sa gulat mo, kinuha mo agad ito at inilagay sa likod mo. "Para saan 'yun?!"

Ngumiti lang siya. "A prince charming's kiss. Para mas mabilis gumaling."

Naramdaman mong biglang nag-init ang buong katawan mo. Hindi mo alam kung bakit pero hindi ka makatingin ng diretso sa mga mata niya. Kahit malamig ang simoy ng hangin, hindi mo alam kung bakit ka pinagpapawisan. Siguro dahil lang sa dami ng nainom mong Red Horse kaya ka naiinitan.

Oo. Siguro nga. Hindi mo na rin kasi nabilang kung ilan 'yung nainom mo, e.

Iba talaga kapag nakainom, ang dami mong nararamdaman na kakaiba.

Napatingin ka sa table nila Zild nang hindi mo sinasadya. At sana nga hindi mo na ginawa dahil nakita mong nakatitig si Unique sa inyo – hindi ka nga lang sigurado. Mula sa nakikita mo, mukhang nakabusangot siya at ang kanyang baba ay nakapatong sa kanyang palad. Sa kabilang kamay naman niya, may isang bote ng Red Horse. Malay mo may tinitignan lang siya. Ayaw mo namang maging assumera, no.

Napaisip ka tuloy. Nakakailang bote na ba itong mokong na ito? Baka naman hindi na ito makapagperform bukas sa sobrang sakit ng ulo.

"Bakit ka ba concerned sa kanya?" tinanong mo sarili mo. "Ay oo nga naman. Mag-tropa naman kayo."

"Dami mong alam!" inakbayan mo siya at tinuktukan siya. "Hindi ka lang pala barbero, musikero, dentista at pastor, nurse ka pa pala?!" pabiro mong sabi.

"Natuto lang," sabi naman niya at nagkatinginan kayo ng mata sa mata. Iniwas mo ang tingin mo dahil ayaw mo nang mangyari ang nangyari kanina. Nakakahiya kaya.

"Kay Crys?"

Tumango siya. Tumango ka rin. Kaya pala may dala-dala rin siyang tela. Kung tatanungin ka, masasabi mong hindi mo gaanong ka-close si Crys. Oo, nag-uusap kayo tungkol sa mga bagay-bagay, pero iba pa rin kapag sina Blaster ang kasama mo.

"Ang hirap 'no?"

Napatingin ka sa kanya. Nakatuon ang paningin ni Blaster sa mga tala na nasa itaas habang kanyang dalawang kamay ay nasa ilalim ng baba niya. Nasa isa pang table kayo ngayon – isang table na malayo-layo mula sa Route 196 pero natatanaw mo pa rin sila. Sabi kasi ni Zild, mas maganda kung magpakalayo ka muna para hindi ka na mapaaway ulit tapos nag-volunteer naman si Blaster na gamutin 'yung sugat mo sa knuckles.

"Ng alin?"

"'Yung sinasabi nilang kaya ka lang naman sumikat dahil sa mukha mo, hindi dahil sa galing mo."

You stuck out your bottom lip at pinitik-pitik 'yung cup. Naging ka-tropa mo ang IV OF SPADES simula nung pinili mo maging performer. Tandang-tanda mo pa ang araw na 'yun, 'yung unang gig mo sa bandang Sucat tapos nagkataon na andoon din sila. Actually, sila nga 'yung main act. Tapos, (siyempre, anong bago?) may nambastos sa'yo after ng set mo at nakita ka nila tapos ayun.

Pinagkatiwalaan mo na sila simula nun at naging magka-tropa.

Halos parehas lang din kayo ng nararanaasan ng IV OF SPADES ngayon. Marami rin kasing nagsasabi na kaya lang naman sila sumikat dahil sa aesthetic visuals ng mga music videos nila at lalong-lalo na sa mga may hitsura nilang miyembro. Guwapong-guwapo lang sila kay Blaster o kay Unique. It saddens you, really. How they fail to realize that there's much more than their 90s outfits and pretty faces -- and that is their music.

"'Yun at 'yun lang naman ang makikita nila, e. Unless they really get to know you better," sabi mo naman. "Sadly, a lot of people focus entirely on physical appearance."

Tumango siya. "Kaya paminsan nakakapagod, e. Lagi na lang na-mimisunderstood."

"Masarap sila sampalin. Ng cactus. Na may mga mahahabang tinik. At pakainin ng rat poision."

Natawa siya at gumalaw para magkaharap na ulit kayo. Kung magiging totoo ka rin naman, masasabi mong guwapo talaga si Blaster. Siguro dahil sa buhok? O sa mata niya? Hindi mo rin alam.

"You're such a dream girl. Maganda na, magaling pa kumanta at maggitara. Marunong pa makipagsuntukan!" sabi niya at pumalakpak. "Such a dream girl... my dream girl..."

Tinitigan mo lang siya. May sasabihin pa sana siya kaso umalingawngaw 'yung boses ni Unique na pumunit sa tahimik na gabi.

"Blaster! Lika muna rito!" nakita mo pa siyang tumayo at nakatitig sa inyo. Sandali, kanina pa naman ata siya nakatitig sa inyo, e.

Tumayo si Blaster at halatang-halata sa mukha niya na napilitan lang siya. Humarap siya sa iyo.

"Tara, sama ka na."

Umiling ka. "Dito muna ako."

Hindi ka na sumama kasi gusto mo muna pag-isipan 'yung mga salitang sinabi niya kanina na para bang may iba pa siyang gustong ipahiwatig sa iyo na hindi mo naman makuha-kuha.

"Sige." Nagsimulang maglakad papalayo si Blaster mula sa iyo at pinanood mo lang siya hanggang sa makaupo na siya sa tabi ni Unique. Hindi mo naman alam kung bakit siya tinatawag, pero siguro mas maganda kung hindi mo nalang ito alamin.

Napakunot naman ang noo mo nang makita mong napatayo si Blaster at tila may ineexplain kay Unique base sa mga kumpas ng kanyang kamay. Para silang may pinag-uusapan na mukhang napunta sa mainit na bangayan. Alam mong dapat mamagitan ka na sa kanilang dalawa dahil baka may mangyari pa pero alam mo ring kapag nag-aaway ang dalawang lalaki – dapat hinahayaan mo lang sila.

Mas lalo ka nga lang nabahala nung makita mo nang manahimik si Unique habang ang kanyang mukha ay nakatingin sa iyo tapos si Blaster naman ay sinisigaw sa tenga niya.

Kahit madalas mo silang kasama, ngayon mo lang nakita si Unique at Blaster na nag-aaway.

Napahinga ka ng malalim nang makita mong namagitan na sina Zild at Badjao sa kanilang dalawa at napaupo na silang dalawa.

"Ano kayang pinag-awayan nun?" tanong mo sa sarili mo.

Hindi mo na nakayanan ang curiosity mo kaya pinili mong maglakad papunta sa kanila kahit pagewang-gewang ka na maglakad at nagdadalawa na rin ang paningin mo. Mukhang tumatama na ang dami ng Red Horse na ininom mo.

Naramadaman mo na nga na may humawak na sa iyo na hindi mo kakilala para lang alalayan ka papunta sa table nila pero dahil siguro sa kalasingan, tinaboy mo lang siya.

"Hoy kayong dalawang bata... andito na 'yung prinsesa," sabi ni Badjao. Pagkatapos naman non ay nagtinginan silang dalawa sa iyo. Halatang concerned na concerned ang anghel na si Blaster pero 'yung mukha ng demonyong si Unique ay hindi mo malaman kung natatawa o ewan.

Kumuha ka ng isa pang Red Horse kahit hindi mo alam kung kakayanin mo pa ba. Ewan mo ba nung araw na 'yun kung bakit biglang naging tubig and alak sa iyo.

"Isa pa!" sigaw mo at sabay ngumiti ng pagkalaki-laki. Iniikot mo ang Red Horse sa ere at sabay sumayaw ng konti na halatang pang-lasing. Narinig mong natawa sila except kay Blaster na nakatitig pa rin sa'yo.

"Ibaba mo 'yan. 'Wag ka nang uminom," bulong ni Blaster saka pwersahang kinuha ang bote sa kamay mo dahil nagpumiglas ka. Paulit-ulit mong sinabi na iinom ka pa pero kinuha niya na.

"Gusto ko uminom!"

"Hindi puwede. Papagalitan kami ni tita dahil sa'yo, e."

"Ter!"

"Umuwi na tayo," sabi ni Badjao at kinuha ang kanyang gamit sa upuan. "Iuwi niyo na rin siya."

"So, sinong maghahatid sa inyo?" palabirong tanong ni Zild at ngumiti sa dalawang batang kasalukuyang nagpapatayan gamit ang kanilang mga tingin.

Malayo-layo kasi ang bahay niyo mula kina Zild, pero tuwing may gig ka naman, sa kanila ka na umuuwi. Hindi mo lang alam ngayon kung bakit ka niya tinataboy.

"Bitawan niyo nga ako!" nagpumiglas ka sa kapit ng dalawang binata sa tabi mo. Sa kaliwa si Unique, sa kanan si Blaster at parehas silang nakahawak ng mahigpit sa dalawa mong kamay.

"Ako na mag-uuwi sa kanya," anyaya ni Blaster.

Tinaasan siya ng kilay ni Unique. Sumama 'yung bangs niya. "Talaga, Ter? Hindi ka ata sanay mag-drive ng gabi ah. Maaksidente pa kayo."

"Hindi ba't mas mataas ang risk ng aksidente kung sa kanya ka sasama dahil nakainom ka?" sumbat naman ni Blaster. You hissed kasi pakiramdam mong wala nang dugong dumadaloy sa kanan mong kamay.

"At least I know how to drive properly," humigpit rin ang hawak ni Unique sa braso mo. "Isa pa, hindi ba magagalit si Crystal kung malaman niyang hinatid mo siya – at kayong dalawa lang? Hindi ba 'yan... dare I say the word, cheating?" Unique drawled out the last part and smiled sarcastically kay Blaster as if to say na: "panalo na ako, bitawan mo na siya"

Napalunok si Blaster at umiling. Pinipigilan na ni Zild na tumawa at sabik na sabik na si Badjao na malaman kung saan hahantong ang labanan. Ilang beses na sila nakaririnig ng bangayan mula sa kanilang dalawa pero kakaiba ito dahil andito sa tabi nila ang madalas na ugat ng awayan. Wala ka namang reaksiyon dahil tuwang-tuwa ka pang makita ang reflection ng mukha mong ewan sa bote ng Red Horse.

Tumingin ulit si Blaster sa mapanuyong mata ni Unique. Tinaas niya ang kanyang baba.

"She's a friend," sabi niya. Unique huffed out ang umiling. "Tropa natin siya. Alam ni Crys 'yan."

"Is she just a friend?"

"He dropped the bomb," mahinang bulong ni Zild tapos mas lumapit si Badj sa dalawa. Maybe because he's into it and partly because para andiyan siya lalo na kung balak nilang magsuntukan.

Napalunok nanaman si Blaster.

"Hay, Ter. Paano na lang kung malaman 'yan ng girlfriend mo? She would be so heartbroken," mapangasar na sabi ni Unique at ngumiti. Mukhang panalo na talaga siya dahil napansin niyang medyo lumuwag na ang kanyang hawak sa braso mo at alam niyang pinag-iisipan na nito ang kanyang gagawin. Napansin niya rin na sinarado na niya ang kanyang mga kamay.

"At ano rin ang mangyayari sa inyo kung malaman niyang gusto mo rin siya? Hay, Nikkoi, she would leave you in a heartbeat," banat ni Ter at ngumiti siya nang mapansin niyang nagulat si Unique sa mga sinabi niya.

"Uwi na tayo!" sabi mo.

Nagtinginan silang dalawa. Mata ni Blaster sa mata ni Unique. Mata ni Unique sa mata ni Blaster. Nababasa nila ang iniisip ng dalawa.

"Unique, bitawan mo siya."

"Bakit ako? Ikaw ang bumitaw sa kanya."

"Ako ang mag-uuwi sa kanya."

"Gago ka ba? Ako ang mag-uuwi."

"Ako."

"Ako!"

"Ako na nga lang!" naiinis na sabi ni Zild.

"HINDI!" sabay na sigaw nilang dalawa.

Nagulat nalang silang lahat nang bigla ka nalang nagkalat sa harapan nila. At nakatulog ka.

Papatayin ka na ata ng ulo mo.

Nung naramdaman mo na ang sikat ng araw na pumapaso sa balat mo, nagising agad ang diwa mo at napatayo ka bigla. Which was a bad move dahil 'yung ulo mo ay parang sasabog na dahil sa sakit. Napahawak ka nalang sa ulo mo at 'yung mga kuko mo bumabaon na para lang mabawasan 'yung sakit pero walang nangyari. Sinisi mo nanaman ang sarili mo kung bakit ka ba maraming ininom kagabi. You felt nauseous kaya hindi mo na napigilan ang sarili mo at sumuka ka nalang sa tabi.

Sandali, asan ka nga ba?

Pati ikaw hindi mo rin alam. Wala ka kasing masyadong matandaan kahapon. Wala ka nang matandaan pagkatapos niyong magusap ni Blaster.

Pagkatapos mong isuka ang lahat ng laman ng tiyan mo, pinilit mo ang sarili mong dumilat para naman malaman mo kung nasaan ka. Sa tingin mo naman, nakina Zild ka lang. As usual. You also tried to stand up pero you failed to kaya naman napasandal ka nalang sa pader.

Unti-unti mong idinilat ang mga mata mo at nakita mo ang pamilyar na itsura ng isa sa mga guest room ng bahay ni Zild. Napahinga ka ng maluwag. At least nakina Zild ka nga.

Tumayo ka sa tulong ng pader na nasa tabi mo at pinilit mong hindi tumingin sa suka na ginawa mo. Siguro mamaya, sasabihin mo nalang kay Zild na ikaw nalang ang maglilinis niyan dahil ikaw rin naman ang may gawa niyan. Sa ngayon, naghahanap ka lang talaga ng mouthwash at ng tubig dahil sa tingin mo ay kung hindi ka man mamatay sa sakit ng ulo, paniguradong mamamatay ka naman sa dehydration.

Nagulat ka nung nakita mo si Unique na nakahilata sa kama. Gulong-gulo 'yung mahaba niyang buhok niya at may mga bahid pa siya ng eyeshadow sa pisngi niya. Medyo nakabuka pa 'yung bibig niya at nakayakap siya sa isang putting unan. Mukha siyang anghel kung matulog

Nilapitan mo siya. "Huy, Koi! Gising!"

Hindi siya gumalaw.

"Anobayan!" sabi mo at kinamot ang ulo mo. Pinunasan mo 'yung natirang suka sa gilid ng bibig mo gamit ang damit mo. Umupo ka sa tabi ni Unique sa kama. Hinawakan mo ang kanyang dalawang balikat at marahas na niyugyog siya. "Gumising ka nga!"

At sa wakas, gumalaw din siya.

"Aga, aga, nanggigising..." mahina niyang sabi. "Wala namang gig, mamaya na."

Sinampal mo siya ng mahina. "Ako, 'to. Tropa niyo."

Bigla siyang napatayo at nagkatingininan kayo ng isang segundo bago siya pumikit at sumigaw habang nakahawak siya sa kanyang ulo. Halatang parehas kayo ng dinaranas. Babagsak na sana ulit siya sa kama pero hindi mo alam kung bakit bigla mo siyang sinalo kaya tuloy parehas kayong napahiga dahil sa bigat niya.

In short, napaka-awkward ng posisyon niyo ngayon.

"ARAY! Unique – ARAY KO 'WAG KANG GUMALAW! MASAKIT!"

"S-sandali! Hindi nga ako makagalaw, e, kasi may naipit!"

"Bilisan mo! Pucha, ang sakit kaya! Pinatungan mo kasi!"

"E-eto na...Ako pa may kasalanan."

Napasigaw ka sa sakit nang gumulong si Unique – at imbes na papunta sa kabilang banda ng higaan para hindi na niya mapatungan 'yung kamay mo ay mas napalapit pa siya sa mukha mo. Tumigil nalang siya sa paggulong nang matamaan na niya 'yung panga mo. Nagulat ka sa ginawa niya at nahiya ka tuloy bigla na sumuka ka pa kanina.

Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata at halos malula ka sa sobrang lapit ng mukha niyong dalawa na puwedeng-puwede na kayong magkapalit ng mukha. Kitang-kita mo ang kanyang mga imperfections sa mukha at napadpad din 'yung mga mata mo sa kanyang mga labi. You swear that you could see his entertainment through his eyes na para bang he's enjoying what's happening.

Nag-init ka nanaman. Ngayon hindi ka na sigurado kung dahil bas a Red Horse o...

You sucked in a breath nung kinuha ni Unique anng isa sa mga kamay mo na hinihigaan niya at pinayakap niya ito sa kanya. At itong mokong, pinakita pa sa iyong tuwang-tuwa siya.

"You know," bulong niya at hinawakan ang buhok mo at inilagay sa likod ng tenga mo. You felt yourself shivering under his touch pero nakatitig ka lang sa kanyang mga matang pang-demonyo talaga. "Ako na ang pinaka-masayang tao sa buong mundo kung araw-araw ito ang makikita ko tuwing gigising ako."

You swore you saw him smirk.

"...'Yung view ng Quezon City sa bintana?"

Umiling siya. "Wrong answer," sabi niya at unti-unting inilapit ang kanyang mukha sa iyo. You inched farther pero he grabbed your head so you stayed still. Dumikit 'yung bibig niya sa namumulang tenga mo. "You. Just you. Walang panama ang mga nagtataasang building ng Quezon City at ang view nito sa'yo, my sunshine."

"HOY UNIQUE!" nagulat kayong dalawa at nahulog ka pa sa lapag nung narinig niyong bumukas 'yung pintuan ng guest room at tumambad sa mga mata niyo ang nagpipigil ng tawa na si Badjao, ang pokerfaced na si Zild at ang galit na galit na si Blaster na humihinga ng malalim na para bang tumakbo siya ng marathon pero may hawak pang walis tambo. "HINDI PORQUE LEGAL KA NA PUWEDE KA NANG GUMAWA NG BATA!"

Nanlaki ang mga mata mo. "Hindi! Hindi 'yun... Walang –"

"So what if we actually..."

"UNIQUE TORRALBA SALONGA!"

Ang huli mo nang nakita ay lumilipad na walis tambo bago ka sumuka ulit. For the second/third time.





  ▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬ 

a/n: HELLO GUYS I AM BACK AND WITH DOUBLE UPDATE HAHAHAHA (explain ko next chapter kung bakit ako nawala hahaha)

TYSM FOR 1.6K!!! (parang kailan lang 500 lang 'to hahaha) please continue to support this story! hehez

anywho, i hope i did u justice, requester hehez

don't forget to vote / comment kung nagustuhan niyo / share sa friends or anyone / add to your library para maupdate kayo / follow and all that chenes

THANK YOU ULIT!

btw, I TAKE REQUESTS, please message me here in wattpad! :--)

xx


Continue Reading