Watty Writer's Guild Writing...

By WWG_FAMILY

2K 271 127

WATTY WRITER'S GUILD presents WRITING BATTLE What is Writing Battle?  This will be a battle between members... More

GENERAL MECHANICS
Criteria for Judging
Round 1 Mechanics
The Elimination Round
Battler #1: A Writer's Desire
Battler #2: Maligno
Battler #3: The demon Inside me
Battler #4: The Cursed Vampire
Battler #5: The Stellar Professor
Battler #6: Killed by Blood
Battler #7: Hindi ko pala kaya
Battler #8: 17 years
Battler #9: The Wedding
Battler #10: Baliw
Battler #11: Bangungot
Round 1 Winners
Round 2 Mechanics
The Real Battle
Action Battler #1: Toryo with his Racing Thoughts
Horror Battler #1:The Bullied
Mystery Battler #1: Rosaryo
Fantasy Battler #1: Sins World
Fantasy Battler #2: Her Feelings
Science Fiction Battler #1: Possible
Science Fiction Battler #2: A Little Lost
SPECIAL ROUND Mechanics
Battler #1: Meet T,H,E,M
Battler #2: Plutonium
Battler #3: Deceived
Battler #4: Huwag mong kalimutan na palaging nasa tabi mo ang panginoon
Round 2 & Special Round Winners
Round 3 Mechanics
The Final Battle
Final Battler #1: The Cycle of Love
Final Battler #3: Fate Diary
Final Battler #4: Replication
Final Battler #5: Muli
Final Battler #6: Hot n' Cold

Final Battler #2: Pied Piper

25 2 7
By WWG_FAMILY

Description: Ang musika  ang nagpaparamdam sa atin ng iba't-ibang emosyon. May masaya,malungkot,puno ng pighati,pagamahal,at inspirasyon.

Why: Music makes me happy,can make me cry and sad. But music is my inspiration,hindi ko ma-imagine ang sarili ko nang walang music.  Pero nitong huli, marami akong napapakinggan na parang hindi na maganda sa pandinig ang mga bagong musika. Hindi ko nilalahat, pero karamihan.  Isang song na, nakakatuwa ang beat at parang swabe sa pandinig pero kung itatranslate at pakikinggan mo, bastos pala ang laman. Kahit tagalog songs meron. Whats happening on the earth? Haha.

How: tentenenen.  The last minute entry.  Sobrang sabaw talaga ako,wala akong maisip.  Isa pa, tinatamad ang mga daliri ko para magtype ng story na alam kong hindi naman ako desidido,busy rin masyado sa work dahil sa holiday na dumating bukod pa sa preparation before holiday.  Pero pinush ko na ito.  Sorry ngayon pa lang,hindi yata akma ito sa theme.  April 2 na ako nagsimula eh.  Hehe.  'wag tularan:)

Ps: yung title, hindi siya  connected sa fairytail story na pied piper.  Naisip ko lang ititle, wala akong maisip eh.  Hahaha.

....

Bumaba ang isang lalaki mula sa isang pampasaherong jeep na may suot na puting t-shirt,jacket at kupasing  pantalon.

Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong at yumakap sa kanya. Malapit nang magtakipsilim at kahit dinadaga man ang kanyang dibdib,tinatapangan niya ang kanyang loob.

Napatingin siya sa sign na nasa itaas ng gate ng village.

"Villa Musica,"basa niya sa nakasulat. Para bang bigla na lang nanlamig at nanghina ang kanyang katawan nang bigkasin iyon.

Medyo may kalumaan na ang gate nito pati ang sign. Wala rin halos dumadaan na mga tao palabas man o papasok.

Napaatras siya ng tatlong hakbang sa narinig. Nag-aalangan siyang pumasok sa lugar na iyon.

Ang sabi ng mga tao sa kanila,ang lugar na iyon ang pinakaiilagan na village sa kanila. Kapag pumasok ka raw roon,wala nang kasiguraduhan na makakalabas ka pa. Maraming nawawalang kabataan sa kanila at ang suspetsa nila ay pumupunta ang mga ito roon.

Huminga siya ng malalim bago binuksan ang gate. Itinapak niya ang kanyang paa sa loob nito.

Nagulat na lamang siya nang magbago ang scenario pagpasok niya. Mula sa luma,madilim at halos walang tao na lugar ay napalitan ito ng maliwanag,maganda,puno ng musika at mga nagsasayawang mga tao.

Nakakaakit ang tugtog nila.Naglakad-lakad siya at napapasayaw habang nanunuri sa mga tao. Para siyang nasa langit. Sobrang liwanag.

Ang ipinagtataka niya lamang ay kung bakit parang walang mga emosyon ang tao sa paligid niya. Sumasayaw sila pero blangko ang ekpresyon ng kanilang mukha.

Napatigil siya sa nakita.  Ang weird naman, iyon ang nasabi niya sa sarili.

Napalitan ang lahat ng madilim na aura. Tumigil ang mga tao sa pagsasayaw at nagsipasok sa kani-kanilang bahay.

Hindi niya alam ang gagawin kaya gumilid na lamang siya nang makita na may paparating na mga tao at isang nakakabayo. Dala nila ang dilim na unti-unting bumalot sa masayang aura kanina. Parang isang kamatayan ang sasalubong sa kanya kaya naman tumakbo siya palayo rito.

Tumakbo siya nang tumakbo hanggang sa makapunta siya sa isang bulwagan.  Nakita niya sa labas ang tarpaulin na may imahe ng limang lalaki.  Sa tingin niya ay banda ito.  Parang may gaganaping concert kaya  pumasok siya.

Sobrang ingay sa loob. Tumatalun-talon ang mga tao at magagara ang kanilang suot.  Kung tutuusin mga normal silang tao pwera na lamang sa kanilang mga mata na blanko at bilog na bilog. Napansin niya rin na lahat sila ay mga nakaitim.

Gayon na lamang ang gulat niya nang huminto ang tugtog at napatingin ang lahat ng nasa loob sa kanya.

"Isang bannen,"wika ng lalaki.

Parang mga zombie na naglapitan sa kanya ang mga ito.  Hindi niya alam kung ano ang nangyayari, paulit ulit nilang sinasabi ang salitang bannen.

Hanggang sa may humila sa kanya palabas. Isang babae na nakasuot ng puting baluti.

"S-sino ka? " tanong niya sa babaeng humila sa kanya palayo sa mga taong nakakulay itim. Nagtago sila sa masikip na eskinita.

"Ssh, "saway nito habang ang hintuturo ay nakalagay sa bibig nito. Lumingon sa paligid ang babae saka siya tinitigan sa mata. 

Iba ang mata nito kumpara sa mga matang nakita niya sa karaniwang tao na narito. Napakunot-noo siya sa naiisip. 

"Hoy,naririnig mo ba ako? "tanong nito.

"Oo naman,"

Bumuntong-hininga ito na parang nabunutan ng tinik sa lalamunan.  "Mabuti naman, ako nga pala si Rhyme."

"K-kai. " Alangan man ay inabot na lang niya ang kamay nito.

Parang hindi siya nito narinig dahil kumunot-noo ito.  Nakita niyang may tinanggal ito sa tenga. "Ano 'yon? "

"Ako si Kai, "ulit niya.

"Sorry ah, hindi kita masyadong marinig. May panakip kasi ako sa tenga. Hay,mabuti na lang talaga nakita kita. "napangiti ito. Nasisiyahan nga siguro ito na may karamay siya.

"Teka, parang iba ka sa mga nakilala ko rito. "

"Alam mo kung bakit?  Halika sumama ka. "aya nito sa kanya matapos ay patagu-tago silang naglakad sa kung saan.  Sumusunod lang siya sa babae.

Nagtatanong siya rito pero hindi nito sinasagot.  "Saan ba tayo pupunta? "tanong niya.  Huminto silang dalawa sa harap ng isang magandang istruktura.

Nakatingin si Rhyme rito kaya napatingin na rin siya. Gayon na lamang ang kilabot na naramdaman niya nang makita ang maraming tao na dahan-dahang naglalakad papasok sa mala-palasyong lugar na iyon.

Mayroon namang mga tao na nakakulong sa loob ng malaking kulungan na gawa sa kahoy. Sumisigaw sila,nagmamakaawa at umiiyak. 

Sa bawat iyak nila,ang mga taong blanko ang mukha ay nilalatigo sila.  Karamihan sa nakita niya ay mga kabataan. 

Totoo nga, lahat ng kabataan na nawawala ay nandito.

Naaawa siya rito pero wala siyang magawa.  Hanggang ngayon, misteryo pa rin ang lugar na ito para sa kanya.

Ngunit kailangan niyang makalapit sa kulungan na iyon.  Baka nandoon ang hinahanap niya.  Kailangan niya lang iyon na madala palabas ng village na ito.

Lalapit sana siya nang pigilan siya ni Rhyme.  Grabe ang kapit nito sa braso niya kaya lumingon siya.  Umiiling ito sa kanya.

"Hindi ka pwedeng lumapit, "ani Rhyme.

"May titingnan lang ako. "

"Biktima sila ng itim na musika, "

"A-ano? "tanong niya.  Nagugulumihan na siya. 

Ang sabi lang sa kanya noon ay may kung ano sa lugar na ito kaya hindi na nakakalabas ang mga nagpupunta.  Akala niya kaya hindi lumalabas ang mga ito ay dahil mala-palasyo at masaya rito.  Ngunit taliwas ito sa nakikita niya.

"Nakikita mo 'yang nasa loob ng kulungan?  Mga biktima nila iyan.  Nambibiktima sila sa pamamagitan ng musika. 

Akala ng mga kabataan na iyan, hindi sila ipapahamak ng musikang minahal nila, naloko sila. "

"Ano?hindi kita maintindihan. "

Sasagot pa sana si Rhyme nang may lumapit sa kanilang lima na nakasuot ng itim na damit. 

"Aha, tingnan mo nga naman.  Nandito siya. " wika ng lalaki na may mahabang buhok na kulay ginto.  Purong itim ang mata nito at may demonyong ngiti.

"Kai, takbo na! "sigaw ni Rhyme kaya tumakbo sila palayo sa mga ito. 

Sinundan sila ng apat na lalaking kasama nito.  Napaakyat sila sa mga bakod, dumaan sa bubong, dumaan sa mga eskinita, hanggang sa mapadpad sila sa melody street.  Hindi na nila nakita pa ang mga humahabol sa kanila.  Sobrang lamig ng paligid.

"Sino yon? "tanong ni Kai rito.

"Si Caleb, ang pinuno ng bandang Cross Crisis,"mahigpit ang hawak nito sa braso niya. "Hindi pa rin tayo ligtas.  Hahanapin pa rin nila tayong dalawa. "

"Ipaliwanag mo nga sa akin, nasaan ba tayo? "

"Nasa Villa Musica ka, ang  sinumpang lugar dahil sa itim na musika.  Ang mga taong nakatira rito na may blankong mukha ay tinatawag na mousike at mousikos.  Sila ang mga alagad ng pinuno nitong villa. Ang kanilang pinuno ang siyang kumukontrol sa lahat ng tao rito. "

"Ang kapatid ko,hinahanap ko siya,alam ko nandito lang siya sa lugar na ito. Meron siya noong kinalokohan na isang banda,ang cross crisis. Sobra niyang inidolo.  Kung saan magpunta ang bandang iyon ay sinusundan niya.  Idolo niya ang mga miyembro noon. Sa uri ng musika, pananamit, pagkilos, pati mga ginagamit ng idolo niya ginagaya.  Hanggang sa unti-unting nagbago ang ugali niya, hindi siya makausap ng maayos.  Palaging nakasigaw at puro rock music ang pinakikinggan.  Isang araw, naging tulala siya at parang wala sa sarili.  Minsan nagwawala at walang ibang sinasabi kundi mahal niya ang pesteng cross crisis na iyon.

"Tapos no'n,umalis siya. At ang tanging naiwan na palantandaan kung saan siya nagpunta ay ang flyer na may nakasulat kung saan ang sunod na concert ng idolo niya." umubo ito ng malakas.  Siguro ay giniginaw ito. Tinanggal niya ang jacket at ipinatong sa balikat nito.  "Salamat.  Ikaw, bakit ka nandito? "

"Tulad mo,may hinahanap rin ako."tipid siyang ngumiti.  Hindi na niya gustong magtagal rito.

"Suotin mo ito, " inabot nito ang pantakip sa tenga na gawa sa kahoy.  "Panakip tainga iyan. Tuwing ika-sampu ng gabi, may tumutugtog na musika galing sa isang plauta.  Hindi mo dapat marinig iyon, "

"Bakit? "taka niyang tanong.

"Dahil matutulad ka sa mga mousik.  Mapapasailalim ka sa kapangyarihan nila.  Magiging isa ka sa mga iyan. Ginagawa nila iyon para sa kanilang mga bagong biktima.  Minsan ko nang narinig iyon pero nakontrol ko sa pamamagitan ng paghiwa sa binti ko. Mas nanaig ang sakit dahil sa sugat kaysa sa tunog. Mawawala ka sa sarili at susundan mo na lang kung nasaan nagmumula ang tunog."

Nagpasalamat siya at saka inilagay ang mga iyon sa tainga. Naglagay na rin si Rhyme.

Nahagip ng mata niya ang isang babae na naglalakad palayo sa kanila.  Kahit malayo ito ay kilalang-kilala niya ito.

"Lyre?  Lyre! "susundan niya sana ang babae nang mapansin ito ni Rhyme kaya pinigilan niya ito.

"Oy, ano ba wag kang lalayo. "

Pagkatayo ni Rhyme ay siya namang umpisa ng tunog.

"Aaah!  Ayan na! "nagtakip si Rhyme ng tainga pati si Kai. Nananakit ang ulo nila at kahit may panakip sila ay naririnig pa rin nila ito dahil sobrang lakas at sobrang nakakaakit ito. Pilit nilang kinokontrol ang sarili.  Napapasigaw sila dahil parang pumuputok ang ulo nila,naglalabasan ang mga ugat at kaunti na lamang ay sasabog na. 

Napaluhod si Kai.  Naiiyak naman na si Rhyme.  Inilabas ni Rhyme ang maliit niyang kutsilyo at sinugatan ang braso.  Labag man sa loob na saktan ang kasama, sinugatan niya rin ito.

Nang matigil ang tunog,nanghihina silang napaupo.  Habol hininga sila habang hinahanap ang sarili. 

Bigla na lamang may humawak kay Rhyme.  Si Caleb at isa nitong kasama.

"Kai! "hiyaw niya.  Hinila ito palayo sa kanya.

"Rhyme!" wala siyang nagawa nang tutukan siya ng patalim sa leeg. Pinatayo siya ng mga ito.

"Sa wakas, nahuli ka rin namin Rhyme, kamusta ang pagmamasid sa villa? "tanong ng Caleb sa babae.

"Wala kayong kasing sama! Bitiwan niyo ako! "palag nito.

"Dalhin ang mga iyan, ihaharap natin sa pinuno. "

Wala silang nagawa kundi ang sumunod sa mga ito.  Dinala sila sa palasyo kung saan sila galing kanina.  Ang mga sugat nila ay hindi naman ganoon kalalim pero dumudugo parin.  Kada lakad nila, parang mga aso na sinisinghot iyon ng mga musike.

Magara ang Palasyo ng pinuno nila.  Napakaelegante.

"Mahal na pinuno.  Narito na ang mga bannen na nakapasok sa atin,"bungad ni Caleb rito.

Nagulat siya nang unti-unting lumingon ang pinuno.  Para siyang napako sa kinatatayuan niya.

"L-lyre? "

"Kilala mo siya? "tanong ni Rhyme.

"Kai. Kumusta mahal ko. "bati nito.

Walang kupas ang ganda ni Lyre.  Halos limang buwan rin silang hindi nagkita matapos itong magpaalam na may dadaluhang okasyon. 

Ngunit ngayon hindi siya makapaniwala sa naiisip.  Hindi pala ito basta dadalo lang.  Ito pala ang may pasimuno ng lahat!

"Iwan niyo kami. "utos ni Lyre sa kanyang tauhan.

"Ngunit mahal na pinuno. "protesta ni Caleb.

Sinamaan lang ito ng tingin ni Lyre kaya nagpaalam na ang mga ito.  Iniwan sila sa harap nito.

Hinawakan ni Lyre ang gintong plauta bago lumapit sa kanila.  Hindi niya matingnan ang babae dahil nakakalimutan niya ang kasalanan nito.

"Nagustuhan mo ba ang palasyo ko, Kai? "haplos nito sa kanyang mukha.  "Sa pamamagitan ng plauta na ito, napasunod ko sila sa lahat nang gusto ko. "

"Paano mo nakilala ang hudas na iyan? H'wag mong sabihin na siya ang hinahanap mo? " gigl na tanong ni Rhyme sa kanya.

"Hindi."pilit isinasaisip ni Kai na hindi totoo ito.  "Hindi.  Biktima ka lang din diba? "Pakiramdam niya tumulo na ang luha niya.  Gusto niyang sabihin nito na hindi totoo ang nakikita niya.  "Halika na Lyre,umalis na tayo rito.  Umuwi na tayo. "

"HAHAHAHA! "humalakhak ito ng nakakaloko.  "Nakakatawa ka naman.  Sadyang tanga ka ba talaga.  Hindi mo ba nakikita? Ako ang pinuno rito! "

Ang mahinhin, mabait, maganda at palangiting si Lyre,naglaho lahat.

"Pero... "

"Hoy, ikaw bruha.  Nasaan ang kapatid ko ha? " matapang na tanong ni Rhyme kaya nabaling dito ang atensyon ni Lyre.

"Ang kapatid mo ba?  Si Hym, matagal na siyang patay. "pinandilatan nito ng mata ang babae at tumawa ng malademonyo.

Hindi makapaniwalang natulala na lang si Rhyme.

"Pinatay ko na siya.  Tinusok ko ang dibdib niya at winakwak iyon.  Umiiyak siya, nagmamakaawa habang hinuhugot ko palabas ang puso niya. Ipinakita ko sa kanya kung paano ko kainin iyon bago ipamahagi ang katawan niya sa mga alagad ko.  Pinagpira-piraso at pinakain ko sa kanila. "

"Hayup ka, demonyo ka! "hindi na napigilan ni Rhyme ang sarili at dinambasi Lyre.

Biglang naglabasan ang mga alagad ng pinuno at lumapit sa kanya.  Nakailag siya sa espada na tatapos sana sa kanyang buhay.  Tinadyakan niya ito at siniko sa batok. 

Nasuntok siya ng sumunod na kawal.  Sinikmuran, tinadyakan,at hinagis siya.  Nanakit ang likod niya sa pagtama sa pader. Dahan-dahan siyang tumayo at sumugod na parang isang toro.  Hinugot niya  ang espada sa tagiliran nito at itinusok rito.

Pagkahila niya ay tsaka nagsidatingan ang iba pa.  Wala siyang nagawa kundi ang lumaban na lang alang-alang sa kanyang buhay. 

Matapos ang ilang tauhan ay sumugod na si Caleb sa kanya.  Hinampas siya nito ng gitara bago humugot ng baril sa gilid nito.  Tumakbo siya at nagtago sa likod ng malaking poste. 

"Labas, Bannen, hahahaha! "hinintay niyang lumapit ang lalaki saka niya tinutukan ng espada.  Saglit itong natigilan pero tinutok na naman ang baril kaya hiniwa niya ang kamay nito.  Nalaglag ang baril kasama ng kamay nito saka niya ito ginilitan.

Natigil ang lahat nang magpatugtog ng plauta si Lyre.  Isang marahas na tunog.  Para kang pinupunit sa sobrang sakit.

"Rhyme!"sigaw niya sa kasama.  Hindi siya makalapit sa mga ito.  Nakita niya ang mga kawal na nakarinig sa tunog ay unti-unting nalusaw.

Isa-isang hakbang siya patungo sa dalawa.  Nakita nyang inagaw ni Rhyme ang plauta kay Lyre at nagpambuno na naman sila.

Napaluhod siya dala ng panghihina,sila na lang tatlo ang nasa loob ng palasyo.  Narinig na lang niya ang kasama na napasigaw sa sakit.

Nakita niya na dinukot ni Lyre ang puso ni Rhyme. Nakangising itinapon niya iyon sa malayo bago nagpatugtog muli ng marahas at masakit sa tengang tunog.

"Rhyme!" naiyak siya sa unti-unting pagbagsak ng babae.  Napatingin pa ito sa kanya bago pumikit.

Galit na galit siyang nagpupumilit lumapit kay Lyre.  Inagaw niya ang plauta nito at hinagis.

"Bakit, bakit Lyre? "habol hininga niyang tanong.

Tumutulo ang kanyang luha habang nakatingin sa babaeng dahilan kung bakit nasa impyernong lugar siya ngayon.

Ang babaeng dahilan kung bakit napilitan siyang iwan ang lahat para lang rito. 

Pinipilit ng kanyang isipan na hindi totoo ang nangyayari, na ito pa rin ang Lyre na nakilala niya noon.  Ang babaeng nagpakilala sa kanya ng musika. 

Ang babae na siya rin palang gumagawa ng kasamaan.  Ito rin pala ang sumisira sa imahe ng musika na kanyang pinagmamalaki.

"Hindi mo ako kayang patayin," wika nito na may ngising sumilay sa mapanlinlang nitong  labi.

"Hindi ko akalaing gagawin mo ito, "hindi niya napigilan ang luhang tumulo sa kanyang mata.  Sa isip niya, nakakabakla ang pag-iyak pero nang dahil lang kay Lyre,nagawa niya iyon.

Nawala sa mukha ni Lyre ang mabagsik nitong tingin kanina.

" Bakit mo ba ito ginagawa,Lyre?"

"Masaya ako sa ginagawa ko, "sagot nito.

"Ang magmanipula at pumatay ng kapwa mo tao? "

Natigilan si Lyre sa sinabi ni Kai.

Tinanggal nito ang mapanlilang nitong mukha at pinakita ang tunay na itsura. Babaeng puno ng sugat sa mukha, makapal na kilay, kulubot ang kutis at tabingi ang ilong.

"Ito ang totoong ako.  Hindi ako ang Lyre na magandang nakilala mo.  Hindi ako kayang tanggapin ng sinasabi mong tao.  Nilalait nila ako, inaapi kahit wala naman akong ginawa sa kanila.  Masyado silang mapanghusga, wala silang iniisip kundi ang sarili nila.  Gusto nila sarili lang nila ang sumasaya.  Ginagawa nilang katatawanan ang mga katulad ko.  Alam mo ba kung gaano kahirap mamuhay ng walang may gusto at nagmamahal sa'yo?  Ginagawa nila kaming basahan.  Dinuduraan, minamaliit, hinuhusgahan.

Gusto kong idolohin nila ako, gusto kong iparinig ang boses ko nang hindi nila ako minamaliit  Gusto kong mapansin, gusto kong maging angat.  Kaya gumawa ako ng sarili kong mundo.  'Yong ako ang magiging sentro ng lahat.  Yung ako ang titingalain at sasambahin nila ako na parang diyos .  Salamat sa plautang pamana ng lola ko."

"Naisip mo lang ba na kung ano ang mararamdaman pamilya ng nabiktima niyo?  Alam mo ba kung gaano kasakit mawalan ng pamilya?"

"Mahal mo pa rin ba ako kahit ganito ako, Kai? "tonong nagpapaawang tanong nito.

"O tingnan mo, ni hindi mo ako kayang titigan!"nagalit ito bigla tapos ay naging mahinahon rin.  "Pwede naman tayong magsamang muli.  Mahal kita, Kai.  Kaya naman kung pakikinggan mo ang tunog sa plauta ko, magiging masaya tayo.  Magiging hari ka, at ako ang iyong reyna. "

"Hindi.  Hindi ako sasama sa demonyong kagaya mo. Masama ka! " iniamba niya ang espada rito. "Bakit kita minahal?  Wala ka pa lang kwenta, "

Katulad ng ibang tao, gusto rin ni Lyre na mamuhay ng normal, yung masaya lang at walang inaalalang problema. Sa mundong kanyang ginawa.  At hindi sa mundong ginawa ng kung sino man na puno ng kasinungalingan.  Gusto niyang mamuhay sila ni Kai rito kaya gumawa siya ng pain para pumunta ito rito.

"Maiintindihan mo ako kung ikaw ang nasa kalagayan ko."

"Hindi!  Kahit kailan hindi kita maiintindihan! "

"Kung gan'on,magpaalam ka na, "sabi nito.  Inihagis nito ang manipis na tela dahilan para tumabing ito sa mukha niya.  Sinamantala naman nito iyon saka hinanap ang plauta niya.

Mabilis na sinundan niya ito at sinipa ang plauta.  Sisirain niya ang pag-asa nito at ang kasamaan nito.  Para sa kanyang kaibigan na nakilala niya sa maikling panahon,para sa kapatid nito na winalang halaga, at para sa nabiktima ng maling musikang kanilang pinakalat.

Hinila niya ito saka sinakal."K-kai, "

Walang awa niya itong sinaksak ng ilang beses. 

Sa araw na iyon, wala na ang mahal niyang Lyre. Isang makasarili at sakim ang nasa harap niya ngayon.

Binitawan niya itong duguan.  Umuubo pa ito na bumulwak ang dugo sa bibig.

"Naaawa ako sa'yo.  Sa totoo lang biktima rin ako ng mga taong sinasabi mo.  Pero alam mo ba,hindi mo kailangan magalit sa kanila. Hindi mo pwedeng imanipula silang lahat.  May nagmamahal sa'yo Lyre.  Hindi mo lang makita dahil puno ka ng galit at paghihiganti. Patawad, Lyre. "

Dinampot niya ang plauta di kalayuan  at sinira ito. 

Binuhat niya si Rhyme palabas ng Villa Musica. Ang sakripisyo nya ay hindi masasayang.

Bumalik sa normal ang villa pati ang mga tao.  Nawala ang palasyo na nakatayo roon at napalitan ng madamong lote.

****

Naglalakad siya sa mall nang makakita ng mga nagkukumpulang kabataan.  Meron pa lang singer na nandoon at lahat ng iyon ay umiidolo sa kanila.

Pakanta-kanta ang mga ito habang naggigitara.  Inayos niya ang panakip niya sa tenga at ngumiti.

"Mag-ingat ka sa musikang pinapakinggan mo,baka hindi mo mamalayan, namamanipula ka na pala, "

*wakas*


Story written by: mystshade

Continue Reading

You'll Also Like

4.3M 169K 77
He ordered two men he could trust to fetch the woman he had chosen to marry. But due to a mistake, a different woman than he expected came.... "S-sor...
103K 4.6K 52
Braelyn vargas ang pilyang babaeng trouble maker na naglayas mula sa kanyang tahanan..adik na adik siya sa nobelang trending na usapin sa social medi...
371K 11.4K 34
Date Started: April 30 2023 THE TWO RED FLAGS MET!🚩🚩 Isa lang akong ordinaryong babae na di alam kung anong patutunguhan sa buhay. Tahimik lang nam...
73.4K 1.9K 38
Date Started: September 21 , 2023 I didn't lose you,you lost me and you will search for me in everyone you're with and i won't be found Kadi. And no...