Chapter 37
Kinabukasan ay napuyat kami. Oo, kami nina Andrei. Nag chika pa kasi kaya ang tagal naming natulog pagkadating ko. Katulad ko ay hindi rin sila makapaniwala na sa ilang taon naming paghahanap kung sino ang ina ni Ace ay ang pinsan ko lang pala. Kadugo ko si Ace at pamangkin ko pa sya.
Ang liit talaga ng mundo. Akalain mo 'yun? Konektado pa si Nyx kina Iverson at Ivronsen tapos kay Spade pa. Naku!Malilintikan sa akin ang babaeng iyon kapag hindi pa siya nagpakita sa akin. Ipapalapa ko talaga iyon kay Hiro.
Pero may isa pa akong problema. Oo nga't natrace na namin kung sino ang ina ni Ace pero ang tanong, nasaan siya?Nasaan si Nyx? Ang sabi ni Ivronsen ay mula raw noong mawala si Nyx ay hindi na nila nakita pa ito.
Hindi ko nga rin nakita si Nyx eh. Basta nalang tinawagan si Spade sa isang pribadong ospital at ipinapaclaim ng doktor ang bagong luwal na bata. Ibinilin daw ito ng ina na biglang nawala matapos manganak.
Ang natitira nalang na tatanungan ko ay si Hades, Louige at Iverson. Pero mukhang mahihirapan ako. Hindi naman sa nagmamadali akong isauli si Ace pero kasi mas mabuting bata pa si Ace at hindi pa siya marunong magtanim ng galit kung makilala niya ang tunay niyang ina. Maaring magtatampo ang bata pero mas malaki ang posibilidad na masasanay na siya na nandiyan sa tabi niya ang tunay niyang ina kaysa naman na ako ang makasanayan niya.
Tama na nga kay Nyx! Naiistress ang na naman ako.
"Louie."
"Oh?"
"Louie!!!"
Napatakip ako sa tainga ko sa malakas na sigaw ni Shane. Sinamaan ko siya ng tingin at pinatid ang kaharap na upuan kung saan siya nakaupo.
"Ba't ka sumisigaw?"
"Eh sa kanina pa kita tinatawag hindi ka naman nakikinig!" bulyaw nito sa akin. Napakamot naman ako sa noo ko. Eh sa hindi ko nga narinig!
"Sumagot ako hindi mo narinig! Ano ba kasing tinatanong mo?" naiinis kong tanong. Umikot ang mata niya at ibinaba ang kutsara na hinahawakan.
"Ang sabi ko, paano nga kapag totoo na ginagamit ka ni Iverson sa paghahanap sa nawawala mong baklitang pinsan," ngumiwi nitong saad. Napataas naman ang kilay ko.
"Oh, eh ano naman ngayon?"
"Wow. Pa as if ka pa na hindi ka nabobother. Amin amin din kasi kapag may time."
"Hoy, sabihin mo 'yan sa sarili mo. Amin amin din kay Andrei 'pag may time, ha?" pang aasar ko pa. Napatawa nalang ako nang ibinato niya sa akin ang tinidor niya.
Wala sa sarili akong naghahanda papasok. Pag labas ko ay wala nang tao kaya marahil ay nasa arena na. Duel ngayon pero wala akong ganang makipagtagisan ng galing. Hindi rin naman nila ako mapapantayan. Eme lang.
Kagabi pa walang text. Ni walang tawag akong natanggap. Hindi rin ako sinundo ngayong umaga.
Tangina. Ba't ko 'yun naiisip? Akala niya naman importante siya para makapasok siya sa isipan ko? Hindi!
Tapos ako? Nabobother kung ginamit niya lang ako? So what? Crush ko lang siya. Mas mahal ko pa rin si Jungkook!Akala niya naman sobrang gwapo niya?Hindi!
Ba't ko ba kinakausap ang sarili ko?Tsk. Nababaliw na yata ako. Sa inis ko ay napasabunot na lamang ako sa buhok ko. Sa sobrang wala ko sa sarili ay hindi ko namalayan na may nabangga na pala ako.
"I-im sorry. Sorry, Louie," nauutal pa nitong hinging paumanhin sa akin. Nahulog pa ang salamin nito na agad naman niyang kinuha. Mukhang nagmamadali ito at mukhang may tinatakasan.
"Hanapin niyo, dali!" isang sigaw ang narinig ko. Muli akong napatingin sa babae at nakitang nanginginig at magulo ang buhok. Mahigpit ang kapit nito sa mga aklat at libro niya na para bang iyon ang kailangan sa kaniya ng mga humahabol sa kaniya na mga babae.
Natataranta ang babae at hindi alam ang gagawin. Napabuntong hininga ako at hinila siya at ipinasok sa stock room na nasa harap namin. Napataas ang kilay ko nang makilala na ang mga kampon pala iyon ni Marga. Anak ng- hindi talaga natuto? Nasa unahan 'yung tagapagsalita ni Marga pero wala ang lider nila.
Mga college 'to, ah. Paanong umabot ang mga iyan dito?
Tumaas ang kilay nito nang makita ako."Nasaan iyong babaeng nerd na dumaan dito? " kunwari ay maayos na tanong nito. Sarkastiko naman akong napangisi sa kanila.
"Itanong mo sa sahig. Baka sakaling alam niya," sagot ko pa. Nangangalaiti naman siya at handa na akong sugurin nang pinigilan siya ng kasama niya.
"Stop it, Shy. Alam mo na ang koneksyon niyan kay Iverson. Five minutes nalang ay ipapass na ang assignment kay Sir Sergio. Tara na!"
"Lagot ka sa akin mamaya," pahabol pa nito at tumakbo na sila.
Ayan! Tamad pa more. Maganda nga, bobo naman.
Nang makalayo na sila ay binuksan ko ang pinto ng stock room at hinila palabas ang babae. Namumutla ito at pinagpapawisan. Parang ilang sandali nalang ay mahihimatay na ito.
Nakikilala kong siya 'yung kaklase kong nerd. Siya 'yung source ng answer sa buong klase pero hindi ako nangongopya ah. Minsan lang. Napakatalino kaya target bullyhin ng grupo ni Marga at hindi pa lumalaban.
"M-maraming salamat, Louie," nauutal pa rin nitong sagot sa akin. Tumango ako at pasimpleng tumawid ang mata ko sa ID niya. Naningkit ang mata ko. Montenegro... Ito ba iyong nurse?
"Alieth Marie Montenegro? Kapatid mo si Zyrel?" nakakunot ang noo kong tanong. Muli akong napatitig sa mukha niya nang tumango siya. May hawig sila ni Zyrel. Walang dudang magkapatid sila.
Parang... ilang beses ko na siyang nakita noon, ah? She doesn't seem shy, though? May split personality ba siya?
"Pero bakit ka binubully?" nagtataka kong tanong. Napahinga naman siya nang malalim at inayos ang sarili niya bago sumagot.
"Alam nilang nag away kami ni Kuya," mahina ang boses nitong sagot sa akin.
"Saang patron ka nabibilang?" muli kong tanong.
"Kay Iverson."
"Pero nasa kay Ivronsen si Zyrel. Ba't nasa kay Iverson ka?"
"D-dahil..." nagdadalawang isip ito kung sasabihin ba ang dahilan kaya nakuryuso ako. Tinitigan ako nito na para bang pinag aaralan ako kung mapagkakatiwalaan ba ako o hindi.
"Huwag mo nalang sagutin kung hindi ka komportable. Sige, aalis na ako. Ingat ka sa susunod," bilin ko pa rito at akmang aalis na nang pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko.
"Huwag mo sanang ipagkalat. May relasyon kasi kami ni Dwayne kaya nagalit si Kuya nang malamang kami na."
Ah, kaya pala nagalit...
"Kung boyfriend mo siya, ba't wala siya para protektahan ka?"
"H-hindi ko sinasabi sa kaniya. 'Wag mong isumbong kay Dwayne, please. Ayaw ko lang siyang mag alala."
Napakamot ako sa ulo ko. Ayaw mong iparating sa kaniya dahil ayaw mo siyang mag-alala eh halos mabugbog kana. Nako!
"O-okay. Aalis na-"
"Sandali lang."
"May sasabihin ka pa?" tanong ko pa at tumango naman siya.
"Hindi ko alam kung makakatulong ba itong sasabihin ko. Huwag ka sanang magtaka kung medyo mabait si Iverson kay Marga. Magbestfriend kasi sila, childhood friends. Alam ko na may gusto kayo sa isa't-isa at mas gusto pa kita kaysa kay Marga para kay Iverson.
May gusto si Marga kay Iverson kaya palagi siyang nakabuntot dito. Huwag sanang masira ang relasyon niyo dahil fan na fan ako ng loveteam nyo. Puntahan mo na roon sa office!"
Nanlaki ang mata ko habang nakikinig sa mga sinasabi niya. A-anong sinasabi nito? Wala akong pakealam kay Iverson at Marga kahit pa mag sama sila!
"Ay oo nga pala. Narinig ko kasi na nag usap si Isajace at Kuya kaya alam ko. Don't worry. You can trust me. Salamat nga pala uli!" pahabol pa nito at nginitian ako.
Napamasahe nalang ako sa ilong ko sa sobrang stress. Ang daldal talaga ni Amelynx! Makauwi nga ng Japan!