Bakit kasi may mga taong dadating sa buhay natin...
Yung taong nagbibigay ng oras saatin.
Yung taong nagpapasaya saatin.
Yung taong nagmamahal saatin.
Pero dumadating din naman yung araw na mawawala sila, at sobrang hirap tanggapin diba?
Yung mapapatanong ka nalang kung bakit nga ba?
Kung bakit nga ba kailangan nila tayong iwan?
Oo mahirap, pero kailangan nating tanggapin at mabuhay.
Masakit pero kailangan nating masanay ng wala sila.
Pero patuloy parin nating sinasaktan sarili natin sa paniniwalang babalik sila.
Nagpapakatanga tayo kasi sobra sobra natin silang mahal.
Na binaliwala lang nila.
Bakit?!
Bakit kailangang may masaktan at may makakasakit?!
Bakit kailangang may maiwan at mang-iiwan?!
Bakit kailangang may magpakatanga?!
Bakit kailangang may dumating at aalis din naman?!
BAKIT KAILANGANG MAGMAHAL KUNG MAWAWALA DIN NAMAN PALA?!
Bakit~
BAKIT SOBRANG SAKIT TANGGAPIN NA DUMATING NA YUNG ARAW NA MAWAWALA SYA AT IIWAN NYA NA KO?!
"Kailangan nating tanggapin na may mga bagay na mawawala saatin kahit na ayaw natin itong mawala saatin..."