ODESSA'S REDEMPTION: Rise Of...

By angelodc035

43.7K 2.2K 550

FILIPINO READERS CHOICE AWARD 2022 OFFICIAL FINALIST(Consistent #1 in Heroes) (#8 in Mythology) (#18 in Magic... More

ANG NAKARAAN....
PROLOGUE
Chapter 1: FAILURE
Chapter 2: THE AWAKENING
Chapter 3: A WEREWOLVES NIGHT
Chapter 4: THE DUEL
Chapter 5: BLAKE
Chapter 6: A NEW DAWN
Chaptet 7: THE MAN ON A BLACK CLOAK
Chapter 8: THE ISLAND OF SEVEN KINGDOMS
Chapter 9: FIRE, ICE AND PROPHECY
Chapter 10: PILUNLUALAN (MYSTIC TUNNEL)
Chapter 11: CAREN'S FATE
Chapter 12: THE NEW ALPHA
Chapter 13: SAKAYA
Chapter 14: DIYOSANG TALA
Chapter 15: SAKAYA'S TEST
Chapter 16: ANILAOKAN
Chapter 17: STRIGOI
Chapter 18: QUEBALUAN TREE
Chapter 19: CHASING MEMORIES
Chapter 20: AWAKENING
Chapter 21: AWARENESS
Chapter 22: THE FATE
Chapter 23: BLOOD BY BLOOD
Chapter 24: A DECISION MADE
Chapter 25: ANILAOKAN'S LOVE
Chapter 26: BEHEMOT
Chapter 27: REDEMPTION, REVENGE AND REUNION
Chapter 28: DRAGON PHOENIX
Chapter 29: DESPERATION
Chapter 30: INTERROGATION
Chapter 31: BATHALA
Chapter 32: THE RETURN
Chapter 33: THE ELEMENTAL WORLD
Chapter 34: BLAKE, LAUREA, DIYOSANG TALA AND CLAUDIUS
Chapter 35: THE FALLEN GODDESS
Chapter 36: MANGGAGAWAY (SPELL CASTERS)
Chapter 37: CITY OF THE DEAD
Chapter 38: BLOODY GHOULS DAY
Chapter 39: BLOODY BATTLE
Chapter 40: BLOODY DEATHS
Chapter 41: DEATH BY BLOOD
Chapter 43: LOSS
Chapter 44: BATHALA'S DEATH
Chapter 45: QUINTA FOREST
Chapter 46: BALINTATAW
Chapter 47: CHAOS
Chapter 48: HUKLUBAN
Chapter 49: DARK POWER
Chapter 50: CAPTURE
Chapter 51: ERISE
Chapter 52: HOTEL MORTE
Chapter 53: DIYOSANG BULAN
Chapter 54: BABAGUA
Chapter 55: REVELATION
Chapter 56: INFESTATIONS
Chapter 57: THE ESCAPE
Chapter 58: LOVE AND BETRAYAL
Chapter 59: A SISTER'S DEMISE
Chapter 60: A NEW HOPE
Chapter 61: LAMUIAN FOREST
Chapter 62: PALACIO LUNAR TOWER
Chapter 63: MOTIVES
Chapter 64: FORCES OF NATURE
Chapter 65: APOCALYPSE
Chapter 66: DEATH IS THE BEGINNING
EPILOGUE
PASASALAMAT

Chapter 42: DEAD EVERYWHERE

402 22 6
By angelodc035

Damang-dama ni Odessa ang sobrang init sa kanyang katawan habang dumadaloy ang apoy na nagmumula sa kapangyarihang itim ni Behemot. Hindi kayang pagsidlan ng tuwa ang nararamdaman ni Behemot dahil sa wakas ay mababawi na niya ang kanyang anak na si Odessa. Nakikita na niya ang kanyang magiging tagumpay para pagharian ang Sanlibutan.

"Ganyan nga mahal kong anak, damhin mo ang kapangyarihang ipinagkakaloob ko sa'yo. Sabay nating pagharian ang mundo." Ang malakas na wika ni Behemot kasabay ng kanyang malakas na paghalakhak.

Kahit na anong pilit na kontrolin ni Odessa ang pagpasok ng kapangyarihang itim sa kanyang katawan ay hindi nito magawa. Lalo pang sumakit ang kanyang nararamdaman na tila wala ng hihigit pa sa pisikal na sakit na naranasan niya kahit na sa mga pakikidigmang pinagdaanan niya. Hindi rin niya maialis ang kanyang mga mata sa mata ni Behemot na patuloy pa rin ang pagpasok sa mga hibla ng apoy sa katawan niya. Pakiramdam ni Odessa ay unti-unti ng nawawala ang kanyang kamalayan, ang kanyang pagkatao at ang pagiging tao niya. Unti-unti ay nilalamon siya ng kadiliman, unti-unti ay nilulunod siya nito.

"Sige lang Odessa, pinakamamahal kong anak. Hayaan mong dalhin ka ng kadiliman sa kawalan. Hayaan mong lukubin ka nito at balutin ng kanyang walang hanggang kapangyarihan..."

May gustong kumawala sa katauhan ni Odessa na pilit na nilalabanan ng kanyang sarili. Para siyang napapaso at ang tanging gagawin niya ay bitawan ito para maiwasan ang pagkapaso. Pero may kung anong dahilan kung bakit kahit napapaso ay ayaw niyang pakawalan ito. Dahil sa oras na pinakawalan niya ay baka hindi na ito babalik sa kanya at tuluyan ng siyang tatangayin ng agos tungo sa kadiliman.

Kailangan niya itong labanan hangga't makakaya niya. Hinding-hindi siya kailanman magpapasailalim sa dilim, hindi kailan man. Hindi niya susukuan ang mga taong naging parte na ng kanyang buhay simula sa kanyang nakagisnang mga magulang.

Si nanay Elissa...

Si tatay Mario... ang kanyang nakagisnang mga magulang...

Ang ate Laurea niya...

Ang pinakamamahal niyang si Randy...

Si Lolo Victor...

Si Lola Naty....

Ang best friend niyang si Calisha...

Mga tunay niyang kaibigan... Sino pa ba? Bakit unti-unti na niyang nakakalimutan ang mga pangalan ng mga taong tumatak sa kanyang isipan at humubog sa kanyang pagkatao? Hindi...hindi maari. Hinding-hindi niya dapat sila kakalimutan.

Lalabanan niya ito...

Lalaban pa rin siya. Ngunit paano?

Nagsimula ng gumuhit ang mga itim na ugat sa katawan ni Odessa habang patuloy pa rin ang pagpasok ng itim na kapangyarihan sa kanyang katawan.

"Ahhhhhh!!!" ang sigaw ni Odessa na halos hindi na makayanan pa ang sobrang sakit. Gusto na niyang sumuko. Gusto na niyang magpahinga.

Gustong gusto na niyang magpahinga dahil pagod na siya...pagod na siya sa pakikipaglaban...

"Pakawalan mo na ang iyong sarili mahal kong anak at pagharian natin ang sanlibutan. Panandalian lang ang nararamdaman mong 'yan dahil muli kang maipapanganak sa pamamagitan ng apoy at kadiliman."

Biglang binalutan na ng kadiliman si Odessa. Nakita niya ang sarili niya na tuluyan ng bumulusok sa napakalalim na bangin. Tuluy-tuloy siya sa pagbagsak na tila walang katapusan ang lalim nito. Wala siyang nakikita kundi puro kadiliman ng paligid. Nakakabingi rin ang katahimikan na lalong nagbigay ng bigat sa kanyang pakiramdam.

Biglang lumukob sa kanyang katauhan ang Baguisan, ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na kulay ng apoy ang hitsura nito kundi kulay itim na makapangyarihang ibon. Mabagsik ang hitsura at matatalim ang puting-puting mata nito.

Sa pagkakataong ito ay gustong magdiwang ni Behemot dahil sa ilang sandali na lang at tuluyan ng magiging kaanib na niya si Odessa. Ipagdiriwang nila ang paghahari nila sa sanlibutan at walang makakapigil sa kanila kahit na ang Diyos na may lalang ng lahat.

Yuyuko sa kanila hindi lamang ang mga mortal na tao maging ang tusong si Bulan ay wala ng magagawa sa lakas ng kapangyarihan nilang mag-ama.

Ilang saglit na lang...

Kaunting paghihintay na lang...

Wala ng maramdamang sakit si Odessa. Wala na rin siyang maalala at ang tanging sinasabi ng kanyang isip ay ang sundin ang sinasabi ng kanyang ama sa kanyang harapan. Kakaibang kapangyarihan ang kanyang nararamdaman, kakaibang lakas na walang makakatalo sa kanya.

Binalutan ng tila maiitim na usok ang katawan ni Odessa. Nagbago rin ang kulay ng kanyang mga mata. Pakiramdam niya ay unti-unti ng sumusuko ang kanyang diwa sa kadiliman. Nawawalan na siya ng pag-asa at tuluyan na siyang tatangayin ng kadiliman.

Odessa...

Isang pamilyar na tinig ang tila narinig niya. Sinubukan niyang hinanap ang pinanggalingan ng tinig pero hindi niya ito mahanap o baka dala lang ng pagsuko niya sa kadiliman.

Odessa... Pinakamamahal kong kaibigan...

Muli ay nilingon niya ang pinanggagalingan ng tinig na pamilyar na pamilyar sa kanya. Nakaramdam siya ng mga pagpatak ng tubig mula kung saan. Paulit-ulit, paisa-isa.

Huwag mong bitawan kung sino ka... Huwag mong hayaang dalhin ka at lunurin ng agos ng kadiliman...

Naging balisa si Odessa habang unti-unti siyang nahuhulog pa rin sa walang hanggang pagbagsak niya sa kadiliman.

Sino ka? Ang tanong ni Odessa sa pamamagitan ng kanyang isip.

Ako ay ako Odessa... Huwag mong hayaan malunod ka sa Agos dahil mas higit pa ang kapangyarihang mayroon ka kaysa sa inaakala mo... Pakinggan mo ang mga mumuntig pintig sa iyong dibdib at sila ang magbibigay sa'yo ng tamang gabay para maka-ahon sa iyong pagkalunod sa kadiliman...mga mumuntig pintig Odessa...

...pintig...

Biglang nagliwanag ang mukha ni Odessa pagkarinig niya sa mga katagang sinambit ng pamilyar na boses.

Danum?... Kaibigang diyos na Danum...

Halos maiyak si Odessa dahil hindi pa rin siya iniwan ni Lakan Danum, ang diyos ng tubig. Kaagad ay ipinikit niya ang kanyang mga mata at muli ay pinakinggan niya ang mga mumunting pintig sa kanyang dibdib.

Wala siyang marinig...

Susubukan niyang muli...

Wala...

Wala pa rin...

Hindi siya susuko. Tama si Danum mas higit pa rito ang inakala niyang kapangyarihan...

Maghihintay siya.

lub...... dub...

May naririnig siya, napakahina.

...lub...dub...

...lub..dub...

Nakaramdam ng pag-asa si Odessa dahil unti-unting naririnig na niya ang mga pintig ng kanyang puso.

Lub dub...
Lub dub..
Lubdub...

Tumigil siya sa pagbagsak sa kadiliman. Unti-unti ay naramdaman niya na umaangat siya.

Dahan-dahan...

Pabilis ng pabilis...

Siya na ngayon ang kumokontrol dito hanggang sa makakita siya ng mumunting liwanag.

Palaki ng palaki...

Lub dub...Lub dub... LUB DUB LUB DUB LUB DUB... Palakas ng palakas...

Tuluyan na siyang umangat at pumailanlang sa itaas hanggang sa masilaw na siya sa liwanag.

Ang kanina'y naging itim na Baguisan, ngayon ay unti-unting bumabalik ang mapulang kulay nito. Naging maamo ang kanina'y mabagsik na mukha at nalusaw ang mga maiitim na usok na bumalot dito.

Nakaramdam ng panganib si Behemot na sa unang pagkakataon ay takot ang namayani sa kanya.

"A... Anong nangyayari?" ang nagtatakang wika ni Behemot at sinubukang itigil na ang pagbibigay niya ng kapangyarihan kay Odessa. Pilit niyang inaalis ang kanyang mga mata sa mata ng kanyang anak ngunit hindi niya ito magawa. Pakiramdam niya ay kusang hinihigop ni Odessa ang kanyang kapangyarihan.

Binalutan ng sobrang takot at pagkaligalig si Behemot dahil kahit anong gawin niyang pigilan si Odessa ay hindi nito magawa. Mawawalan siya ng kapangyarihan, manghihina siya at magiging dahilan ng kaniyang kamatayan.

"Hinde, hindi ito pwedeng mangyari!!!" ang malakas na sigaw ni Behemot.

Kahit na anong gawin niya ay hindi siya makawala sa bitag na kanyang ginawa. Hindi niya hahayaang ang anak niya ang papatay sa kanya. Isa siyang diyos, isang makapangyarihang diyos at anak lamang niya si Odessa. Higit ang kapangyarihan at lakas nito sa kanya.

Pilit pa rin sa pagpupumiglas si Behemot pero hindi pa rin natitinag si Odessa sa paghigop sa kapangyarihan niya. Hanggang sa unti-unti na niyang maramdaman ang epekto nito sa kanya. Nanghihina na siya, ang dating namumutok niyang mga kalamnan ay unti-unti ng napipitpit.

"Huwag, aking anak. Maawa ka, huwag mo akong patayin. Odessa, anak ko!" ang ngayo'y nagmamakaawang si Behemot.

Huli na para kay Behemot ang kanyang pagkakamali. Siya ang tinutukoy sa propesiya na papatayin ng babae ang sarili nitong ama. Si Odessa ang babae sa propesiya at siya ang ama ng babae sa propesiya, si Behemot.

Biglang namuti ang mga mata ni Behemot kasabay ng tila pagnipis ng katawan nito. Ang kanina'y pulang-pula na Baguisan, ngayon ay naging kulay asul. Iminulat ni Odessa ang kanyang mga mata kasabay ng pagbuga ng yelo ng Baguisan kay Behemot na unti-unti ng nawawalan ng buhay.

Binalutan ng napakakapal na yelo ang diyos ng kasamaan na si Behemot. Lumalagutok at umuusok sa sobrang lamig. Isang malakas na hangin ang humihip sa yelong tumupok kay Behemot at sa isang iglap para itong salaming nabasag at nagkapira-piraso habang nalalaglag ito sa damuhan malapit sa mabahong ilog.

Minasdan iyon ni Odessa, ngunit unti-unti itong nawalan ng malay at humandusay din sa damuhan.

Mula sa mga labi ni Behemot ay pumailanlang ang isang maliit na ilaw sa himpapawid at lumipad ng napakabilis paakyat sa kalangitan.
--------------------
Pinagtulungan nina Demetria at ng mga taong-lobo ang natitirang Mamulang at tatlo sa mga taong-lobo ang nasawi bago nila napatay ang halimaw na aso. . Pilit pa ring hinahanap ng mga mata ni Demetria ang kaibigan niyang si Caren na tinangay ng mga wakwak sa kaniyang pakikipaglaban. Pero bigo siyang makita ang kaibigan sa mga taong-lobo na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga aswang at bampirang strigoi.

Nahagip ng kanyang paningin ang ngayo'y Alpha ng mga taong-lobo na si Ceasar.

"Ceasar, salamat at dumating kayo! Nagagalak ako na makita kang muli." ang wika ni Demetria pagkakita sa taong-lobo na kakapalit pa lang ng anyo.

Tinakpan kaagad ni Ceasar ang kanyang hubad ng katawan sa iniabot na balabal ng isa sa mga taong-lobong naroroon. Sinalubong din niya ng ngiti si Demetria.

"Hindi pa kami nalalayo ng mapansin ng isa sa mga kasama ang mga grupo ng mga aswang na nagkakatipon-tipon sa mga abandonadong gusali. Balak nilang lusubin ang mga natitirang tao dito sa lugar ninyo lalo na sa simbahan. Naisip namin na tila kayo ang target ng mga ito kaya nagkaroon ng pagpupulong kung tutulong pa ba kami sa inyo o hahayaan na lamang namin kayo at tuluyan ng lalayo. Naging hati ang desisyon ng buong Laksa kaya pinanindigan ko ang aking desisyon na tutulong sa inyo. Kaso may humamon para agawin ang aking pagiging Alpha kaya nagkaroon muna ng duwelo para ipagtanggol ang aking posisyon. Kaya, ipagpaumanhin ninyo na nahuli na kami ng dating." ang kuwento ni Ceasar kay Demetria. Pero may hinahanap ang kanyang mga mata. "Si Caren?" ang tanong niya.

"Hindi ko rin alam, akala ko ay kasama na ninyo siya at siya ang tumawag ng tulong sa inyo. Dinagit siya ng mga wakwak kanina at inilipad doon sa direksiyon na 'yon." ang tugon ni Demetria at sabay turo sa lugar kung saan inilipad ng mga wakwak si Caren.

Nalungkot si Ceasar sa tinurang iyon ni Demetria. Nag-aalala siya ngayon kay Caren at umaasa siya na walang masamang nangyari sa kanyang kaibigan.

"Hahanapin ko si Caren at kayo na ang bahala rito. Mas kailangan kayo ng mga tao rito Demetria." ang wika ni Ceasar.

Tumango si Demetria. "Mag-iingat ka kaibigan."

"Ikaw din Demetria." pagkawika nito ay nagpalit ng anyo si Ceasar. Mabilis na nilisan ang lugar na iyon kasama ang dalawa pang taong-lobo.

Wala ring inaksayang oras si Demetria at nakipagbuno na kaagad sa mga aswang na umaatake sa pintuan ng simbahan para makapasok. Doon ay nakita niya na abala rin sa pakikipaglaban ang mga taong-lobo sa mga aswang at mga bampirang Strigoi.

Sa loob ng simbahan ay nakapasok na ang mga aswang. Dahil sa pagkakasukol nila kay Sagaway ay tuluyan na silang nakadaan sa isang pintuan sa likuran ng simbahan. Naubusan na rin ng bala si Alex kaya isang matalim na itak na lamang ang gamit nito pamatay sa mga aswang.

May mga taong-lobo na rin ang nakapasok sa loob ng simbahan at tumulong kina Alex at father Mexo para sugpuin ang mga umaatakeng mga anak ng buwan.

Marami na sa mga taong naroroon ang wala ng buhay. Nagkalat ang dugo sa paligid at bahagi ng tao.

Yakap-yakap naman ni Aling Luming ang mga batang sina Margaux at Adrian. Parang mga anak na rin ang turing nito sa kanila. Ipagtatanggol niya ang mga ito at itataya niya ang buhay para sa kanila. Halos isang buwan pa lamang ang nakakaraan nang mapatay ng wakwak ang kanyang asawa at tatlong anak ng tumatakas sila sa mga ito. Naghahanap sila ng makakain sa isang pagawaan ng de latang corned beef sa may Valenzuela ng matyempuhan sila ng grupo ng mga wakwak sa paligid ng gusali. Iniligtas siya ng kanyang asawa ng ipinahin nito mismo ang kanyang sarili sa mga wakwak. Ang dalawa niyang anak ay natagpuan ang kalunos-lunos na katawan ng mga ito sa isang bakanteng lote sa karatig na barangay. Hindi na rin niya natagpuan ang isa pa niyang anak. Hindi niya alam kung buhay pa ito o patay na.

Marami sa mga taong nasa loob ang sinubukang tumakbo palabas ng simbahan dahil hindi na rin sila ligtas sa loob. Marami sa kanila ang hindi na nakuha pang makalabas ng simbahan dahil nadadagit na sila ng mga wakwak at manananggal.

Isang taong-lobo ang pumasok sa simbahan. Maliban sa pakikipaglaban sa mga aswang ay tila may hinahanap ang mga mata nito sa mga taong naroroon. Ngumisi ito at nagngitngit ang matutulis nitong mga ngipin ng makita ang hinahanap. Lumapit ito sa kinaroroonan ng dalawang bata at kaagad na inatake si Aling Luming. Hindi na nakuhang sumigaw pa ni Adrian ng bigla siyang sakmalin ng taong-lobo sa kanyang damit at mabilis na tinangay papalabas ng simbahan.

Nagsisigaw naman si Margaux para sa kanyang kuya Adrian.

"Tulong! Tulong! Si kuya Adrian ko!" ang sigaw ng umiiyak na si Margaux.

Narinig siya ni Alex at patakbong lumapit sa nagsisigaw na si Margaux. Nakita niya si Aling Luming na nakahandusay sa sahig ng simbahan. Wala itong malay pero sa tingin niya na buhay ang ginang.

"Anong nangyari? Si kuya Adrian mo?" ang tanong ni Alex kay Margaux.

"Tinangay siya, tinangay siya ng taong aso. Iligtas mo kuya Adrian ko tito Alex. Iligtas mo siya." ang umiiyak na tugon ni Margaux na nakaturo sa dinaanan ng taong-lobo.

Bitiwan mo ako, bitiwan mo ako! Tito Alex! Margaux! Ang sigaw ng isang batang lalake sa labas ng simbahan.

"Adrian!" ang sigaw ni Alex pagkarinig niya sa nagsisisigaw na bata at mabilis na tumakbo papalabas ng Simbahan.

"Alex!" ang tawag sa kanya ni Father Mexo na patuloy sa kanyang pakikipaglaban sa mga aswang na nagpupumilit na pumasok sa pintuan. Sinundan niya ng tingin si Alex pero hindi na siya narinig nito. Hindi niya pwedeng sundan si Alex dahil kailangan siya ng mga taong nasa loob ng simbahan.

"Adrian!" ang muling sigaw ni Alex na humahangos paglabas niya sa simbahan. Nagkalat ang mga katawan ng mga anak ng buwan at tao sa kalsada habang abala pa rin sa pakikipaglaban ang mga taong-lobo sa mga aswang. Nakita rin niya si Sagaway na pilit na bumabangon habang pinagtutulungan siya ng mga aswang. Si Demetria naman ay kasalukuyang nilalabanan ang mga aswang na pilit na pumapasok sa pintuan ng simbahan na binabantayan naman ni father Mexo.

"Kuya Alex! Tulungan mo ako! Tulong! " ang muling sigaw ni Adrian na may kahinaan na dahil malayo na ito sa simbahan.

Sinundan ng tingin ni Alex ang kinaroroonan ng boses ni Adrian. Pagkakita niya sa bata na hinihila ng taong-lobo sa dulo ng kalsada, ay kaagad na tumakbo si Alex para habulin at iligtas si Adrian. Bitbit ang itak na magiging sandata niya laban sa mga anak ng buwan ay nananatili sa kanyang isip ang kinatatakutang kahihinatnan ni Adrian sa kamay ng taong-lobo kung hindi niya ito maililigtas kaagad.

Kahit humihingal na ay hindi pa rin bumitiw sa mabilis na pagtakbo si Alex. Di nito alintana ang panganib na puwedeng mangyari sa kanya sa mga nakakasalubong na mga aswang at mga nilalang na lumilipad sa himpawid. Pero kailangan niyang iligtas si Adrian. Para na rin niyang anak ang binatilyo.

Napansin ni Demetria si Alex na tila may hinahabol ito sa dulo ng kalsada. Napatingin siya sa direksiyong tutunguhin ni Alex at halos matigilan siya sa kanyang pakikipaglaban ng makitang bitbit ng taong lobo si Adrian.

Hindi namalayan ni Demetria ang paglundag sa kanya ng isang aswang kaya nawalan siya ng balanse dahilan para bumagsak siya sa kalsada at makipagbuno sa aswang. Pumatong sa kanya ang aswang at pilit na sinasakmal nito ang kanyang leeg. Nakakuha naman ng pagkakataon si Demetria para ibaon ang matutulis na kuko sa dibdib ng aswang. Dinukot nito ang piso ng kalaban.

Kaagad na namatay si Hiduan sa tama ng patalim sa kanyang gulugod sa likuran nito. Lalong sumidhi ang galit ni Anmanuan kay Randy. Nanggigigil na ginamitan ng mas malakas na kapangyarihan ni Anmanuan si Randy na ngayon ay pinaghandaan na ang mga piraso ng Pabanlag na gamit niya.

Hindi magpapatalo si Anmanuan sa kanya dahil tatlong ulit na niya itong pinatay sa iba't-ibang katauhan at panahon. Lalo na hindi buo ang kapangyarihan nito dahil kalahati lang ng Eskrihala ang hawak nito sa pakikidigma.

Si Randy naman ay nagmamasid at nakikiramdam sa mga bawat kilos ng kalaban. Alam niyang mapanganib si Anmanuan lalo na ang gamit nitong patalim. Napatay na niya si Hiduan, kaya rin niyang talunin ang manggagaway at mandirigmang si Anmanuan.

Nakita ni Randy na biglang sumigaw si Anmanuan at tumakbo ng mabilis papunta sa kanya. Gayon din ang ginawa ni Randy papunta sa kanyang kalaban. Muli ay pinakawalan ni Anmanuan ang isa sa dalawang Pabanlag sa kanyang kanang kamay kasunod ng isa pa sa kanyang kaliwa. Magkasunod sa paglipad ang dalawang pabanlag at sabay na nahati sa dalawa ang mga ito at naging tulad ng mga palaso.

Lalong kinapalan ni Randy ang makakapal na hibla ng kuryente na pumoprotekta sa kanya sa mga palasong Pabanlag. Sunod-sunod na tumama ang mga palaso sa mga hibla ng kuryenteng bumabalot kay Randy. Pero lumusot ang ika-apat sa mga ito at tumagos sa kanang balikat ni Randy.

Bumagsak sa konkretong kalsada si Randy at namilipit sa sakit. Mabilis na tumulo ang mapulang dugo sa balikat ng binata. Muling bumalik ang mga palaso kay Anmanuan at pinagdikit ang dalawang pabanlag para gawing isang napakatlim at matalas na espada.

Walang inaksayang oras si Anmanuan kaya sinamantala ang pagkakataong bumagsak si Randy. Ipaghihiganti niya ang sinapit ng kasama niyang si Hiduan.

Nakaramdam ng pagkahilo si Randy dahil sa pagkakasugat niya mula sa Pabanlag ni Anmanuan. Pinilit niyang tumayo pero hirap siyang gawin ito ngayon. Umiikot ang lahat ng nasa paligid niya at ang tanging naririnig niya ang tila huni ng kuliglig sa kanyang tenga. Hindi niya alintana ang paparating na si Anmanuan at nakaumang na ang espada nito para patayin siya sa ika-apat na pagkakataon.
----------------------
Habang bitbit ng dalawang wakwak sa himpapawid, nagpalit ng anyo si Caren bilang isang taong-lobo. Kaagad ay sinakmal nito ang kamay ng wakwak na nakadagit ang mga kuko sa kanya. Hinila niya ang kamay ng wakwak na namilipit sa sakit dahilan para bumaba ang kanilang paglipad. Sampung metro mula sa himpapawid ay ibinagsak nila si Caren sa kalsada. Nakabalanse sa kanyang paglapag sa konkretong kalsada si Caren at kasabay ng pagsakmal niya sa malapaniking pakpak ng isa pang wakwak na akma sanang dadagitin siya. Ipinagpag niya ang kanyang ulo at napunit ang pakpak ng wakwak.

Limang metro mula kay Caren ay bumagsak ang wakwak na sira ang pakpak. Nakita ni Caren na mabilis na gumagapang ang wakwak sa konkretong kalsada para ikubli nito ang sarili sa kanya. Mabilis na tinungo ni Caren ang wakwak at saka pinuntirya nito ang leeg nito. Binali ni Caren ang leeg ng babaeng wakwak at sinigurado nitong wala na itong buhay ng kanya itong binitawan.

Mula sa himpapawid ay kitang-kita ni Caren ang mga wala ng buhay na naglalaglagang mga wakwak at manananggal. Nakita niya si Alimog na kasalukuyang nakikipaglaban sa mga kumpol ng wakwak at manananggal na pilit na umaatake sa kanya. Natutuwa siya na buhay pa rin ang kaibigan nilang si Alimog at kasalukuyan pa rin nasa kanyang kalakasan. Pero nabahala siya ng makita ang sumusunod na napakalaking buwitre sa kaibigan niyang Malakat.

Nasa panganib ang kanilang kaibigan. Kailangan niyang tulungan si Alimog. Nakatingalang sinundan niya ang paglipad ni Alimog. Binilisan niya ang kanyang pagtakbo para maabutan niya ang Malakat. Pero nanlaki ang mga mata ni Caren ng makitang biglang umatake ang buwitre kay Alimog at nabulabog ang mga wakwak at manananggal na nakikipagbuno sa Malakat. Pinagtutulungan nila si Alimog. Kailangan niyang maabutan ang kaibigan pero paano niya magagawa iyon gayong hindi naman siya nakakalipad.

Nakita niya ang pagtama ng matatalim na kuko ng buwitre sa leeg ni Alimog. Makailang ulit na ginawa iyon ng kalaban dahilan para bumagsak sa bubungan ng isang gusali ang Malakat.

"Alimog!!!" ang sigaw ng halos maiiyak na si Caren. Hinahabol nito ang kanyang hininga dahil sa haba na rin ng tinakbo niya. Natakot siyang lalo para sa buhay ng kaibigan ng makita niyang sinundan si Alimog ng buwitre sa kinabagsakan nito.

The Final Book of the Saga...

Coming Soon...

Continue Reading

You'll Also Like

405K 11K 66
In a world full of Aimas and Thas, Karis thought she's a simple girl. With no family and no memory of her childhood, she works as a maid for a rich f...
249K 6.8K 44
Sky High: School of Magic. Written by: akosimsvilla All Rights Reserved 2017
115K 3.4K 29
Enter Enchanted Academia with full of courage for maybe you will be the next successor of the most powerful stone, the Sorcerer's Stone. Will you acc...
26.3K 1.4K 55
Maligayang pagdating sa mundo ng mga espirito, ang lugar na kung saan ay pumapagitna sa dalawang magkaibang mundo, ang lupaing kaloob ng Maykapal par...