Red Moon (Published Book unde...

By Azulan10

153K 2.4K 456

RED MOON is already available in All PPC store and National Book Store nationwide. RED MOON (Book 1 of 2)... More

Darkness no.01: The Bloody Case
Darkness no.02: No Cuts, No Glory
Darkness no.03: Hospital Panic
Darkness no.04: Princess and I
Darkness no.05: Second Fear
Darkness no.06: Bite and Blood
Darkness no.07: My own New World
Darkness no.08: The New Beginning
Darkness no.09: The Night Job
Darkness no.10: Beyond the Red Light
Darkness no.12: Blood Crisis
Darkness no.13: Verity and Envy
Darkness no.14: The True Liar
Darkness no.15: Man in the Shadow
Darkness no.16: Night on the Bus Stop
Darkness no.17: The Perfect Two
Darkness no.18: A Man with many Secrets
Darkness no.19: Midnight Secret
Darkness no.20: Little House
Darkness no.21: The Lonely Heart
Darkness no.22: The Ex - Vampire
Darkness no.23: The Black Parade
Darkness no.24: The Missing Link
Darkness no.25: Emilio Guilatorre
Darkness no.26: The Code
Darkness no.27: The Flute Master
Darkness no.28: Musicians Final Wish
Darkness no.29: Tears of the Vampire
Darkness no.30: My Decision
Darkness no.31: Dr. Vargas
Darkness no.32: Mice and Kitten
Darkness no.33: The Plan

Darkness no.11: Longing for Blood

4K 62 7
By Azulan10

Halos isang linggo rin akong nakaratay sa kama. Maigi naring mag kunya kunyarian akong masakit ang katawan para naman hindi sila mag hinala. Unang una kasi eh ayaw kong magpadala sa ospital. Ang alibi ko eh. "Okey lang po ako. kaya koto." kahit na todo pilit nila sa akin. Sunod nawala agad ang mga galus ko. Pano ko kaya sasabihin sa kanila na kusang naghihilum ang mga sugat ko sa aking katawan. 

Maraming nagsasabi sa akin na kung nasa pwesto lang daw nila ko eh siguro eh lasug lasug narin ang mga katawan nila sa aksidenteng kinasangkutan ko. O kaya eh nagka amnesia na ako. Kung pwede ko nga lang sabihin na. "Hey guys bampira ako! I would. Kaya lang eh. Yun ang buhay. Baka patayin pa nila ako dito or ikulong sa kwarto.

Pero ito pa ang malala. Na dyaryo pa ang inyong lingkod. Nakalagay sa isang tabloid ang bold letter at kulay pulang marka na. Isang lalaki himalang nabuhay pagkabangga ng isang patrol car.

-------√v^√v^√v^ Darkness no. 11: Longing for Blood √v^√v^√v^-------

  

Nakanganga at hindi kaagad ako makapag salita, Bilog na bilog ang mga mata at todo ang hawak ko sa newspaper ng umagang yon. Nakatingin lang sa akin si Katrina pagkabigay sa akin ng dyaryo.

"O nagulat kano? Sabagay ganyan din ang reaksiyon ko pagkatapos ng gabing yon." Wika ni katrina sa akin. 

Napabuntong hininga ako. Pano nato kaya nga ako nagtatago eh para hindi matunton ng mga bampirang humahabol sa akin ngunit ito pa yata ang mag le lead sa kanila.

 "Ahhh wala. Artista na pala ako!" Sa pagbibiro ko sabay tingin kay Katrina na nakangiti.

"Ha ha! Alam mo eh kulang payan dahil wala pa ang pangalan mo. Siguro magiging sikat ka pag ganun?'' Patong naman niya.

"He he sa palagay ko nga." Bawi ko namang sagot.

"O siya. Diyan ka muna at papasok nako." Wika sa akin ni Katrina pagtayo. 

"Ahhh Katrina?" Sa pagpuputol ko.

 Mula sa pagtalikod niya sa akin ay muling lumingon pabalik sakin si Katrina.

 "Ano yon?" Tanong nito.

"Sa palagay ko eh okey na ako. Kaya mamayang gabi pakisabi kay Boss na babalik na ako sa trabaho." Pagsasalaysay ko.

"Anoo? Sigurado ka?" Bigla nitong tanong.

"Oo naman!" 

X~X~X

Binati ako ng lahat pagkatapos kong bumalik sa trabaho. Feeling ko eh isang taon akong nawala. Halos pinagyayakap ako nila Boss at nila Eman pag baba ko. 

 "Grabe ka Saver para kang hindi nabundol. Ang kinis!!!" Wika nito habang nakatingin sa balat ko.

"Medyo masakit pa nga eh. Pero konti nalang." Kunyari kong sabi.

I'm back in the game sabi ko sa isip ko habang tinitignan ang mag tables at chairs na nasa harapan ko. Mag dadalawang buwan narin ako rito. Kaya parang ito narin ang naging pangalawang pamilya ko.

Pagdating ng alas dose ay bigla ng dumating ang mga call center agent. Na miss koto yung oras kung saan eh hindi ako magkanda ugagang magbigay ng order. Pero kahit na isang beses eh hindi ako nagkamali ahhh. Yun! yun ang maipag mamalaki ko.

Hindi pa ako ng iinit sa pagbigay ng mga order ng bigla akong tawagin ng chef cook namin. Na si Mang Bernard. Agad akong nagpunta ng kusina. Halos nakikita ko pang maraming nakasalang na kawali pag pasok ko. Malalakas ang apoy nito na halos lampas sa mga kawaling nakalagay rito. Nakakamangha.

"Ano po yun?" Tanong ko kay Mang Bernard.

"Ahmmm nakikita mo yung nasa plastic na nasa lamesa? Pinapahatid pala ni Ma'am Grace sa opisina." Wika nito habang tagaktak ang pawis sa pagluluto. 

Mula naman sa metal na lamesa ay kinuha ako ang naka ready na na chami na nasa styro foam.

"Ahhh sino po palang Ma'am Grace?" Tanong ko.

"Yung seksi na palaging bumibili rito. Request kasi niya na ikaw daw ang maghatid niyan. Baka kakamustahin ka narin nun." Pagsasagi ni Mang Bernard.

 Ahhh naalala kona! Yung babaeng mahilig mag pa cute sa akin rito. Bakit hindi ko kaagad naisip yun?

Kaagad akong nagpunta ng Kabilang kalsada. Nadun kasi ang building ng pinag oopisinahan ni Ma'am Grace. Nasa 9th floor daw siya sabi ni Mang Bernard. 

Malaki ang building na pupuntahan ko. Yari ang lahat sa kakaibang salamin na kulay asul. Mula sa kinatatayuan ko sa labas ay mababasa ang POWER VOICE. Pangalan ng call center nila.

Pagpasok ko sa loob ay isang babae kaagad ang pumuna sa akin. Naka uniporme ito ng kulay asul at naka imbroid sa kanang bahagi ng uniporme nito ang pangalang power voice. 

"Sir sino pong hanap nila. Any appointment or something?" Sabi ng babae.

"Ahhhm pinapa deliver lang ni Ma'am Grace." Sabi ko.

"Ah ok po can you write your name here." Wika ng babae pagkatapos sa aking ibigay ang isang log book. 

Pagkatapos ng autograph singing este pagsulat ng pangalan ko eh nag punta na agad ako sa elevator. 

Isang lalaking inaantok ang nadatnan ko sa loob ng elevator pag pasok ko. Todo ang pag yapos nito sa kanyang sarili. Siya ay naka itim na jacket at nakapikit. Nakatulog na ata.

Pinindot kona ang button kasabay ng pag sara ng pintuan ng elevator. Nang biglang naalala ko na wala pala akong repleksyon!!! Nako patay!

Gawa kasi sa metal ang buong elevator kaya parang salamin ang effect nito sa bawat ding ding.

Bigla akong ninerbiyos. Hinihilang sa bawat segundo na naroon ako na hindi ito mamulat. Pano pag namulat ang lalaking ito at hindi nito makita ang repleksiyon ko. Nakoo sigurado patay ako nito.

Nakatuon lang ako sa may itaas ng elevator. Kasalukuyan na kong nasa 3rd floor. Kung ma fa fast forward ko lang ang oras eh ginawa kona. Paminsan minsan ay sumusulyap ako sa lalaking naka jacket. Buti naman ay todo parin ang pag kaantok niya.

Tuluyan na akong nakarating sa ika pitong palapag. Excited na ako sa pag labas ng pintuan ng bigla namang dumilat ang lalaking yun. Nagulat ako. Inaayos pa niya ang buhok niya ng bigla na siyang mananalamin umano sa naturang elevator. Hala lagottt!!!!

Titingin na sana siya sa harapan ng elevator para manalamin ng bigla kong kinuha ang kanyang atensiyon.

"Ahhh dito po ba kayo ng tatrabaho?" Tanong ko bigla.

Napatingin siya sa akin. "Ahhh hindi!" Suplado nitong sabi.  Nakakatakot ang tinign nito sa akin. Parang may tinatanong siya sa kanyang isipan ng pagsususpetsa?

Halos ilang sigundo rin niya akong tinignan hanggang sa tumunog ang elevator. Hudyat na iyon ng aking paglabas. Sunod kong kilos ay ibinaling ko na ang tingin sa may gitna ng pituan. Umilaw ang numerong otcho sa itaas ng tila kahon na lugar na iyon at agad nakong lumabas pagkabukas. 

Halos kinabahan talaga ako sa mga tingin ng lalaking yon kanina. Pero hindi ang pagtingin ng mga tao ang nasa priority ko ngayon kundi ang mabigay ang pinapadeliver sa akin. Mula sa isang pintuan sa 8th floor ay pumasok ako.

Isa nanamang secretary ang bumungad sa akin.

 "Miss Grace please." Sa naka smile kong sabi.

Tumawag ang naturang secretarya sa telepono at binanggit ang pangalan ko. Pagbaba nito ay sinabihan ako ng secretaryang ako na pumasok.

Malaki ang opisina ng 8th floor. Maraming pasikot sikot na dadaanan bago ako naka punta sa opisina ni Miss Grace. Sa kalagitnaan ng opisina makikita ang room ni Miss Grace. Katamtaman lang sa tingin kong laki ng kanyang kwarto na gawa sa smocky glass ang ding ding.

Inayos ko muna ang kaing sarili. Pagpasok ko ay nakita ko si Miss Grace na naka tuon sa kanyang computer. Maraming files sa kanyang lamesa. Mukang busing busy ito kaya siguro nagpapadliver.

"Ahhh Miss Grace?" Bati ko.

 "Ohh! Saver nandiyan kana pala. So kamusta kana?" Bungad nito sa akin.

"Okey naman ho ako." Bigla kong sagot.

Mula sa kanyang lamesa ay binaba ko ang inorder niyang dalawang order ng chami. Teka teka sa kanya lang kaya ito o mag she share siya?

"Buti naman eh okey kana. Kaya pala hindi kita nakikita sa carinderia lately." Wika nito.

Umikot si Miss Grace. Mula sa kanyang likuran kasi ay nilagay ko ang inorder niyang chami. Binuksan nito ang supot at biglang lumabas mula sa loob nito ang nakakagutom na aroma. Kitang kita mula sa reaksiyon ng muka nito na nagustuhan niya ito. Halos parang ayaw na niyang tanggaling ang kanyang mukha na nakatapat sa plastic niyon.

Habang nasa ganung posisyon parin si Miss. Grace ay biglang tumulo ang dugo nito sa ilong. Rinig na rinig ko ang pag tulo nito sa supot ng chami. PWWWAAAK!

Malapot ito. Pulang pula. "AYYYY!" Bulalas naman nito pag kakita niya. "Nako siguro dahil sa init at lamig." Wika niya. 

Pinunasan  ni Miss Grace ang kanyang ilong. Nagpunta agad siya sa kanyang gilid upang kunin na ang bayad sa chami ng bigla nanamang tumulo ang dugo sa kanyang mukha. Pero sa pagkakataong ito ay mas marami. Halos mapuno na ng dugo ang kanyang kanang kamay na may hawak ng pambayad sa akin.

"Saver kunin mo nato." Wika ni Miss. Grace. Habang inaabot ng kamay niya ang bayad na may dugo.

Biglang nag iba ang aking pakiramdam. Ang amoy ng dugo na yon ay parang isang pagkakamali na hinding hindi ko kaylanman magawang hindian.

Kinuha ko ang kamay ni Miss Grace. Hindi ko na alam ang ginagawa ko pero bigla kong nilapit ang kanyang kamay sa aking ilong. Naging malamlam ang aking mga mata. Para ba akong nasa isang  mahika na hindi ko kayang takasan.

Sa pakiwaro ko ay nasa isa akong kwarto na puro kulay pula. Umaagos mula sa sahig na tinatapakan  ko ang malapot at purong pulang dugo. Lubos ang aking kasiyahan habang pinagmamasdan ko ito. Handa ko ng ilabas ang aking dila upang tikman ang dugo sa sahig ng biglang. 

"Saver???" Gulat ni Miss Grace.

Bigla akong nagising mula sa aking panaginip sa aking isipan. Agad kong binitawan ang kamay ng binibini at saka agad na kinuha ang bayad.

"Are you okey Saver?" Wika ni Miss Grace sa akin. Habang pinupunasan ang kamay niya na puno ng dugo.

"Yes Ma'am I'm Okey!" Biglaan kong sabi. Sige po aalis na ako." Pagpapaalam ko.

Dali dali akong lumabas ng office nito at Dinere direcho lang ang lakad ko hanggang makapunta ako sa loob ng elevator. 

"Bakit mo ginawa yun Patrick? Bakit?" Paulit ulit kong tanong sa sarili ko. Hindi ko pa talaga ma control ang aking sarili pag dugo na ang pinag uusapan. Mula kasi ng naging bampira ako ay puro dugo ng hayop ang iniinom ko. Kung hindi manok, baka, isama narin natin ang dugo ng baboy.

Bigla kong tinigil panandalian nag elevator. Hindi ko man nakikita ang repleksiyon ko rito. Ngunit naiimagine ko ang sarili ko sa labis na kalungkutan. Bigla akong napakamot sa aking ulo. Pag tingin ko sa aking kamay ay may mga sariwang dugo pa na naiwan mula sa kamay ni Miss Grace. Bigla akong napalunok.

Pero ang amoy nito ay talagang hinahanap ng aking sistema. Kaya naman pinikit ko ang aking mga mata at unting unitng nilapit mula sa aking bibig ang aking kamay. Nilabas ang aking dila at unti unti kong dililaan ito. Halos hindi ako magkanda ugagang himudin ang aking kamay ng paulit ulit. Tila bawat patak ng dugo na naroon ay importante. Hanggang malinis na ng laway ko ang buo kong kamay at masimot ang lahat ng dugo ni Miss Grace rito.

Hingal na hingal ako pag katapos kong gawin yun. Para akong isang aso na halos isang kilometro ang tinakbo.

Pinindot ko na ang button ng elevator pagkatapos. Agad naman itong umandar muli. Pagdating nito sa ground floor ay unti unit na itong bumukas.

Sinimulan ko munang ayusin ang aking sarili at marahan akong lumabas mula rito na parang walang kahit na anong nangyari.

Continue Reading

You'll Also Like

310K 21.5K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...
7.1M 88K 57
[Available nationwide. Published by LIB. Please buy the book for the edited and better version] UNEDITED;;; The original story of this book is not su...
626K 14K 45
"Naglalakad ako patungo sa aming classroom nang matanaw ko sa kabilang dulo ng hallway ang isang grupo ng mga kalalakihan. Parang lindol ang tindi ng...
1.4M 56.6K 74
UNEDITED Only Girl Series #2 Isang Babae ang papasok sa isang magulo, basag ulo, maingay ngunit mga guwapong nilalang. Sa kaniyangg pamamalagi sa Se...