My #Zero Enemy

By ProEpilogue

733 41 4

Ako si Seniah Melanie Dy , isang estudyante kagaya niyo pero siyempre hindi tayo magkaparehas ng school kasi... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5

Chapter 2

90 7 0
By ProEpilogue

                                                       (Seniah Melanie Dy's P.O.V)
                                                            " First Day of Trouble
 "

"Anak! Gising na, may pasok ka pa!" , ani ng nanay ko na kung maka-sigaw ay wagas. Siya lang naman ang alarm clock ko eh, ever since.

Hindi ko pa gustong buksan yung mga mata ko because im very very plus very tired pa talaga. Eh naman kasi , noong nakaraang linggo , ang dami-dami naming trip na ginawa. Namin nina Rachel at Lester. Ewan ko nga ba kung anong uri ng trip iyon. Different types of unknown trips.

"Alas Otso Na!!!!" , sigaw ni nanay na nagpabuhay sa kaluluwa ko.

"Ha?!" , pagmulat na pagmulat palang ng mga mata ko ay agad akong tumalon patungo sa comfort room para makaligo na sagad-sagad.

Hindi ko na nga rin namalayan na nandun pala si nanay sa kwarto ko eh. Para nga akong si FLASHHHHH....ang bilis ko!

Hinubad ko na lahat lahat ng nakatakip sa makikinis na mga balat ko para makaligo na. Pero tumingin muna ako sa orasan para makasigurado na 8:00 am na nga pero anak ng cow, 5:50 am pa lang! What the, sinungaling! Waah! Bahala na nga. Atleast magiging early bird ako nito. Another achievement sa first day ng school ko this year. Last first day of school ko kasi ay nagkaroon ako ng achievement at iyon ay ang pagiging, tentenenen, late comer of the first day of class last year. Boom!

Habang naliligo ako ay napaisip ako kung anong mangyayari mamaya. Bagong school kasi ang papasukan ko. Rage High ang pangalan ng school na iyon.

Sana mababait ang mga tao roon!

Forty minutes have passed and nakarating na agad ako sa new school ko. And I hope talaga, magiging COOL ang first day of first new school ko. Yeah, first, first time ko pa lang kasi naranasan maging transferee.

Kailangan ko 'tong ilagay sa journal notebook ko!

Kaya kinuha ko ang journal notebook ko at nagsulat na habang naglalakad patungo sa loob ng new school ko.

July 7, 2014
Written at Rage High

Dear Jou-jou,

Jou-jou ang pangalan ng journal notebook ko, oh ha? Hanep!

           Nawa'y maging COOL 'tong first day of class ko sa new school ko, where I can meet new friends---new faces! Hahaha. Yun lang.

           Goodluck to me (*-*)9

                    Dyosa like you,
                                    MELdyosa! :*

Oh ayan, tapos na! Tinignan ko one last time ang isinulat ko kay Jou-jou nang tumigil ako sa paglalakad. Ang ganda talaga ng handwriting ko, nakakainlove to the max. Kaya napatawa ako kasi ang totoo niyan, kabaliktaran ang way ng pagsusulat ko, simply parang binagyo ni Yolanda. Kindergarten handwriting.

"Hahahaha!! Dami kong tawa" , ani ko sabay sara ko kay Jou-jou at pasok nito sa purple plain sling bag ko.

Inangat ko ang aking ulo para makita ko sana ang dadaanan ko kung saan maglalakad si ako para hindi ma-disgrasya pero...

"Uhm, hai?" , bati ko sa kanilang lahat sabay kaway. (*0*)//

At automatikong lumingon ang lahat sakin. Bakit ba? Anmeron sa'kin? Nagseselos ba sila sa beauty kong 'to? Infairness, hanggang dito ba naman. Tsk tsk. Iba na talaga ang powers ng beauty ko. Naks.

"Sino ka?" , tanong ng lalaki na nasa harapan ko ngayon.

"Ako si Seniah. Bakit ba, huh?" , ani ko sa kanya with matching fighting spirit , baka masamang tao 'to eh kaya kailangan prepared ako all the time. Girl scout kaya ako.

"Ahh. Kaya pala eh, isang new student" , utas niya sa kanyang dalawang kaibigan sabay tingin sa lalaking nasa kanang gilid niya sa likod with matching smirk pa. Aba'y matinde rin ang isang 'to ah. May mali ba sa pagiging new student dito?

Tinignan ko ang mga taong nakapaligid sa amin at bumaling kaagad ako pabalik sa tatlong lalaking nasa harapan ko ngayon.

"Naku! May bago na naman tayong mapagtitripan 'tol, salamat naman! At, babae pa! Hoo!" , sabi ng lalaking na nakaglasses na nasa likod sa kanang gilid niya.

Tiningnan ko yung lalaking nasa kaliwang gilid ng lalaking kakasalita pa lamang. Ang tahimik niya, siya lang ang hindi umiimik sa kanilang tatlo. He's actually reading a book right now, parang bookworm type ata ang isang 'to ah. Parang sa kanilang tatlo, siya lang ata ang mabait.

Grupo ata sila eh. As you can see the pattern; pero teka, ba't kaming apat lang ang nasa gitna ng hallway na'to?

Wow ha, nakarating agad ako sa hallway? Kakaiba talaga ang walking skills ko.

Pero bakit nga kami lang apat ang nandito? Iyong iba nasa may gilid lang at nagbubulungan pa? Eh?

Huwag mong sabihin na...

...sila iyong sikat dito?

Silbe, sa isang movie, may mga chuchu talaga kasi para mas intense.

Oh no, I'm in a big trouble!

Hindi ako gumalaw nang napagtanto kong nasa hugot ng kamatayan ako ngayon.

Nagkatinginan lang kami. An eye for an eye and a tooth --ay shemay! Nakuha ko pang magjoke.

Pero teka namumukhaan ko 'tong nasa kaliwang gilid ng harap ko ngayon ah? Aish, no time for that! I badly need to stay away from here. But how?!

Aha!

TING !

"A-aray! A-ang sakit ng tiyan ko! May LBM ata si ako, aguroy!" , sabay takbo palayo roon habang hawak hawak ang aking masakit-kuno na tiyan.

*huff* *huff*

"Huy!"

"Ay! Anak ng kabayo na may bangs na kulay pink pa! " , sabi ko sa lalaking nasa harapan ko.

"Mel! Si lester lang 'to oyy!" , ani niya sabay hampas ng mahina sa braso ko.

Hay! Siya lang pala, salamat naman.

Ay hindi ko pa pala nasabi sa inyo, oo, nag-aaral din siya dito kasama ko. Parehas din kaming new students.

"Nakita kita kanina sa hallway" ,sabi niya sakin.

"Oh tapos? *huff huff*" , hinihingal na sabi ko sa kanya.

TENG TONG TENG TING TENG TONG TENG TING

Hala! Nag-ring na ang bell , hudyat na class hours na.

"Bye LBC, kita nalang tayo mamaya" , ani ko sa kanya kasi oras na para pumasok ako sa classroom ko, baka kasi ma-late ako. Inaasahan ko pa naman na maging early bird si ako.

"Ok." , matipid niyang sagot sakin.

Tapos naalala ko bigla ang nangyari kanina. Hay! Muntikan na! Baka anong gawin nila sakin!

Eh dahil doon sa nagsmirk, ah basta! Kinilabutan ako doon ah. Sana po hindi magkikita ang mga landas namin.

Pagkatapos ng mahabang pag-iisip chuchu ko ay pumunta na ako sa classroom ko at siyempre umupo. Umupo ako sa bandang likuran sa kanan.

Sa peripheral view ko sa ay nakita kong tinititigan ako ng seatmate ko na para bang may gusto siyang sabihin sakin? Or , feeler lang talaga ako? Pero hindi pala ako feeler kasi nagsalita siya.

"Oy! Ako nga pala si Jane" , sabay lahad niya sa'kin ng kanyang kamay para makipag-shake hands.

"Seniah" , ani ko sabay tanggap ng kanyang kamay. At, yehey, nagshake hands kami. Lel.

"Ikaw ba yung babae kanina? Yung babaeng kaharap ang Tres Zoned?" , tanong ni seatmate este Jane sa'kin.

Tres Zoned?

Eh?

"Yung tatlong lalake? Bakit well-known ba sila dito sa school natin? Sino o ano ba sila? sino ba-" , diretsahang pagtatakang tanong ko na pinutol niya naman.

"Oo yung tatlo. Oo, sikat sila dito! Isang group ng mga bullies, ang tres zoned" , sabay galaw ng kanyang kamay sa hangin nang banggitin niya ang --- tres zoned.

T-tres Zoned.

*gulp*

Tinignan ko siya for like 30 seconds.

"Ooh. Uhm, Jane ano ba ang pangalan ng tatlong yun?" , tanong ko sa kanya.

"Si Uno,Dos at si-"

"At si Tres?" , pagputol na sabi ko sa kanya sabay tawa ng malakas.

Pero panandalian lamang iyon kasi mali pala ako. Kasi...

"Hindi. Siya ay si Zero."

Eh? Parang nagbago ata ang boses ni Jane? Nagbago talaga eh, lalaking-lalaki ang boses nito. Parang hindi si Jane---

--tinignan ko si Jane ng napatigil ako sa pagtawa. Namutla bigla ang mukha ni Jane nang tinignan ko siya.

WAIT!

Napalingon ako sa katabi ko sa kanan , maliban kay Jane na nasa kaliwa ko ay may seatmate rin ako sa kanan.

At paglingon ko ay si silent guy.

"Kyaaah! Kaklase natin si ZERO!!!"

I got a bad feeling about this.

Patay..

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

10.3K 351 28
"I love to hear lies when i already know the truth" - Sierra Lexine Carter Ragucci
35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
16.1K 492 42
Ekaanta Amora Flores, Ang babaeng tahimik at parang hindi nage-exist sa school. Walang mga kaibigan. A girl who loves being alone, she doesn't care i...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...