The Second Woman

By ceresvenus

1.7M 23.3K 2.2K

How does it feel to be the second option? How does it feel to be a mistress? Is it fun being just The Second... More

The Second Woman
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Guideon
Chapter 33
Special: Greg & Camille
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 9

27.4K 345 29
By ceresvenus

VERONICA

"So, how's your business going?" I asked him before chewing the last slice of steak on my plate.

Katulad ng napag usapan ay sa condo ko na lamang kami nag dinner. Kahit pa ayoko ay wala naman akong magagawa. Siya palagi ang masusunod.

Bakit nga naman hindi, eh kabit lang naman ako? Oh well.

"Good. Actually, may plano na kaming mag tayo ng branches sa Europe. May nakausap na kong potential investor." Hmm, impressive. What can I expect? Guideon is Guideon. He treasures their family business more than anything.


Natapos ang dinner namin nang mapayapa. We spent most of the time just talking about how our own works are so stressful. Alam niyo ba yung pakiramdam na sobrang drained mo at makita mo lang yung taong mahal mo eh okay ka na ulit? Yun bang parang nakapag recharge ka? That's what I feel everytime I see Guideon.

"Hey. Why are you drinking?" I asked him.

Naabutan ko siyang nasa veranda ng aking kwarto at may hawak na isang baso na may lamang alak. Kakatapos ko lamang maghugas ng pinagkainan namin.

Tiningnan niya lamang ang alak at inikot-ikot ang baso, pagtapos ay sa akin naman siya tumingin ng diretso.

"It's my wife." Kinabahan kaagad ako.

He rarely talks about his wife. Ang tanging alam ko lang ay arranged ang marriage nila and he has no feelings for her at all. I've always known that Guideon isn't capable of loving. He's so frigid. But once upon a time, nangarap akong ako ang babaeng makakapag pabago sa pananaw niyang 'yon. But I came too late. He was already married nang makilala ko siya.

"W-what about her?" Nagtagal nang ilang sandali bago ako nakasagot.

"I don't know. I don't know why I despise her. Palagi nalang nag babait baitan. She knew exactly that I'm not the marrying type. And yet, pinilit niya pa rin." Lumagok siya mula sa baso. Naupo lamang ako sa upuan sa veranda at nagsindi ng sigarilyo. Times like this really calls for a stick of cigarette.

"Bakit hindi mo hiwalayan?" Maingat kong sagot. The last thing I wanna do right now is to piss him off.

"I don't want to disappoint my dad." Tipid niyang sagot.

"A-are you happy with her?" Lakas loob kong tanong. Humithit ako habang naghihintay ng sagot.

"Heck no. Ni ayokong nalalapit ako sa babaeng 'yon. I don't need anyone to be happy." Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga salitang 'yon.

Ngumuso ako. Pinipigil na makapag salita ng pagsisisihan ko rin sa huli.

"You don't need anyone? Not even me?" Rinig ko mismo ang sakit sa sarili kong boses.

"Well, I'm glad to have you cause you distract me from all the bullshits." Kinuha niya ang sigarilyo sa kamay ko at pinatay 'yon sa ashtray.

He didn't even answer my question! Parang gusto kong mag maktol.

He made me stand up. I'm still not looking at him. He held my hands and placed it on his shoulders. Yumuko siya upang magpantay ang mga mukha namin. Sobrang lapit niya na. I thought he was gonna kiss me. But he stopped when our nose touched. He smiled.

"Will you distract me now?" Napangiti na rin ako at pinaikot ang akong mga mata.

Kahit kailan talaga. Palagi mong nahuhuli ang kiliti ko, Guideon. How I wis you are fully mine.

CAMILLE

Napakunot ako nang maramdaman ang sinag ng araw sa mukha ko. Umaga na pala? Kahit antok na antok pa ay pinilit kong buksan ang aking mga mata. Liningon ko ang tabi ko ngunit wala don ang asawa ko. He didn't came home last night. Bumuntong hininga ako at tumayo na sa kama. Marami akong kailangang gawin ngayon. Hindi ko nalang muna masyadong iisipin si Guideon.

Sandali akong natigil ng maalala ko nanaman ang pangalang binigkas niya pagkatapos namin. V? Parang ang layo naman ata sa pangalan ko? Wag naman sanang pangalan ng ibang babae 'yon. Hindi ko alam kung kakayanin ko.

Nag ayos na ako at nagpasyang mag punta sa supermarket. Hindi maganda kung palagi nalang akong nag se self pity. Dapat ako mismo ang tumulong sa sarili ko. Kung hindi ay hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin.

Namili ako ng mga supplies para sa bahay, matagal na simula nang huli akong namalengke. Madalas pinapautos ko nalang, syempre lugmok ako dahil hindi nga ko magawang mahalin ng asawa ko. Pero naisip ko kasi, mas maganda 'yung ganito paminsan minsan. At least nalilibang ako at nakakalimutan ko ang sitwasyon namin.

Pinipilit kong bitbitin ang walong pagka bigat-bigat na plastic bags patungo sa kotse ko. Wala man lang kasing available na tao para i assist ako, kaya napilitan akong bitbitin nalang. Hassle pa kung mag papabalik balik kaya ayun, kahit na ang liit ko lang na tao eh pinilit ko pa din.

Busy ako sa pag ko concentrate na huwag bibitiwan ang mga bitbit ko. Sa sobrang busy ko ay hindi ko napansing may tao sa harap ko. Nakaramdam nalang ako ng matigas na dibdib na tumama sa mukha ko. Na out balance ako kaya nabitawan ko ang mga hawak ko. Mabuti nalang at nahawakan ako ng tao...

Tao? Lalaki?

Nanlaki ang mga mata ko nang ma realize ko na lalaki nga ang naka bunggo ko! Nakakahiya naman! I instantly felt myself blush! Nakakahiya! Nakabunggo na nga ako, lalaki pa. Kung minsan may pagka tanga din ako eh!

"I'm sorry, miss. Are you okay?" Hindi ko alam kung bakit nakakapang hina ang baritong boses na 'yon. Pamilyar na boses.

Hindi ako nangahas na tingalain ang lalaki. Nang nakabalik ako sa tamang huwisyo ay sinimulan kong pulutin ang mga delatang nagkalat sa sahig. Ang dami 'nun! Mukha akong tanga sa pagpupulot pero wala nang mas nakakahiya pa sa pinag gagagawa ko!

"Miss? Okay ka lang?" Tanong uli ng lalaki nang hindi ko siya sinagot.

Laking gulat ko nang tinulungan niya akon magpulot ng mga delata! Hindi ko pa din magawang magsalita! Ano ba naman, Camille! Magsalita ka na huy! Kahit 'sorry' o 'salamat' man lang!

"Here. That was the last piece." Inabot niya sakin ang lata ng corned beef at nagmamadali ko namang pinasok sa plastic 'yon.

Ngayon hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko! Tumikhim ako bago pikit matang sumagot.

"T-thank you.."

"You're welcome. Nasan ba ang sasakyan mo? Tutulungan na kitang magbuhat." So the mystery guy's a gentleman huh? Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa din siya makita. Napaka tangkad kasi nito at hanggang balikat lang ako!

"No thanks. Kaya ko na." Pag tanggi ko.

"I insist. Baka makalas ka pa." He chuckled softly. Wow, nakakakilit sa tenga.

Ano ka ba Camille! May asawang tao ka! Pinalo ko ang sarili ko sa utak ko! Hay nako! Masama bang magka crush?

Dahil hindi na talaga makayanan ng curiosity ko, tiningala ko na ang lalaki. At nanlaki ang mga mata ko sa nakita!

"Ikaw?!" Gulat kong utas.

Tumawa lamang siya ng mahina.

"Oh, it's you. Camille, right?" May munting ngiti ito sa labi.

Hala! Ang gwapo! May dimples! Sinuyod ko ang kabuuan niya, maayos na maayos ang buhok niya, naka itim na t-shirt at pantalon lamang siya pero angat na angat ang kagwapuhan niya! Mestiso! Siguro may foreign blood ito. Brown kasi ang mata niya.

"Uhm, o-oo. Small world." Sinundan ko 'yon nang hilaw na tawa.

"So? Where's your car? Para mailagay na natin to?" Kinuha niya na pala sa mga kamay ko ang mga plastic bag.

Walang kahiral hirap niyang binuhat 'yon!! Hala! Ang lakas niya naman! Malamang! Eh kitang kita naman sa mga muslces niya na nag gi gym siya. Hindi ko nanaman tuloy naiwasang mamula. Nakakahiya talaga.

"I can't believe na makikita pa kita ulit. Destiny maybe?" Hayan nanaman ang halakhak niyang kiliti sa tenga ko!

Nginitian ko nalang siya at iginaya kung saan naka park ang sasakyan ko. Nang malapit na ako ay pinatunog ko 'yon para bumukas na. Agad niya namang nilagay sa compartment ang mga plastic bag at siya an rin ang nagsara 'nun.

"S-salamat ha." Medyo hindi na ako nahihiya. Si, ano nga ulit ang pangalan niya? Ah. Si Greg. Siya lang naman pala ito. Mabait naman siya.

"Are you alone?" Nakapamulsa siya.

"Yes."

"Would you mind if I invite you for lunch? May malapit na restaurant dito. I just can't believe na magtatagpo pa ang landas natin." He seemed friendly pero naisip ko kaagad na tumanggi.

Napansin niya sigurong aayaw ako kaya't hindi niya na akk hinayaan pang makapag salita.

"Pretty please? Pambawi mo nalang sakin because I helped you?" Dang! He's so charming!

Wala naman sigurong masama? Lunch lang naman?

Nilakad namin ang isang Filipino Restaurant sa hindi kalayuan. Nang maamoy ko palang ang mga lutong pagkain ay ginutom kaagad ako.

Inurong niya ang upuan at nilahad ang kamay niya. Pinapaupo niya ako? Ano? Uupo ba ako?

"Sit, silly." Hindi mapakaling umupo naman ako.

Umupo siya sa katapat kong upuan at inabot sa akin ang menu.

"So, what would you like to eat? Pili ka lang. My treat." Nginitian nanaman ako nito.

Ang ganda ng ngipin! Pwedeng pang toothpaste commercial!Pinalis ko nalang ang mga malisyosang naiisip ko at saka namili ng pagkain. Hmm. Parang gusto ko ng binagoongan ngayon? 'Yun nalang.

"May napili ka na?" Tanong niya ulit.

"O-oo. Binagoongan sa akin. Thank you."

"How about drinks?" Tinapunan niya ako ng tingin pero bumalik din kaagad sa menu ang tingin niya.

"Mango Juice nalang ako."

"Alright." Tinawag niya ang waiter at idinikta ang order namin. Umorder siya ng Kare-kare at Sisig. Mukhang matakaw ang isang ito. Pero bakit ang fit niya?

Habang kumakain ay nag uusap kami ng paunti-unti. Nalaman kong Gregory Matthew Dela Vega ang buo niyang pangalan. Anak siya ng mag asawang Dela Vega na may ari lang naman ng isa sa mga pinaka malaking private hospital sa Pilipinas! Bigatin siya pero parang napaka down to earth niya! Nalaman ko rin na ang both parents niya ay mga doktor. Pero mas into business daw siya kaya iba't ibang klase ng business ang fina franchise niya.

Sobrang gaan lang kausap ni Greg. He is 28 years old and mind you, walang girlfriend o asawa. Kung mayroon lang akong kaibigang single malamang nireto ko na rito.

"So, let's talk about you naman." Sabi niya pagtapos niyang lunukin ang huling subo ng sisig niya.

"Me? My name's Camilla Reene Galico. Only daughter of Barbara and Henry Galico."

"Galico Group of Companies?" Tila amazed na amazed na sagot nito.

"Yeah." Nahiya ako dahil kilala niya pala ako.

"That means you're married to the Heir of  Vallente GOC?" Gulat na tanong nito.

"Yup. Si Guideon ang husband ko." I smiled slightly.

Tinukod niya ang siko sa lamesa at nilaro ang ibabang labi niya gamit ang hintuturo.

"It was an arranged marriage?" He asked.

Nahihiya man ay tumango ako.

Marami pa kaming napag usapan. Talagang magaan kausap si Greg kaya't hindi ko na rin namalayan ang oras. Nagpaalam na rin ako sa kanya but he insisted to take me to my car just to make sure that I'm safe.

"So pano? Let's get in touch. Here's my number. Text me." He smiled.

Inabot niya sakin ang isang maliit na calling card na may pangalan niya. Hindi ko alam kung bakit ko tinanggap 'yun.

Sumakay ako sa kotse. Kumaway pa siya bago tumalikod. Mukhang pupuntahan niya na rin ang sasakhan niya.

Ilang sandali pa akong nag stay sa loob ng sasakyan ko nang may maalala ako.

V.. V... V... saan ko ba nakita 'yon?

Naalala ko na.

Ilang linggo na ang nakakaraan ay may nabasa akong text sa cellphone ni Guideon. It was a message from someone named V. Tama. Doon ko nakita 'yon.

Now, what am I suppose to do?

May kabit nga ang asawa ko. Pero paano ko naman mapapatunayan 'yon? Nahampas ko nalang ang manibela sa sobrang frustration! Hindi ako mapisikal na tao pero hindi ko na talaga alam ang gagawin ko. Mahal ko siya. Walang duda don. Pero hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayong nakumpirma kong nakikipag kita siya sa ibang babae.

A/n: Hi guys! Share your thoughts with me, please hit the star and leave a comment. Thank you all so much!

Continue Reading

You'll Also Like

1.6K 112 33
Victims of Love Series 1 Married at 21, 20 years later, Stacia experienced the loss she never expected to have in this marriage. At the age of 41, St...
1.5M 32.9K 56
A union formed because of ambitions. They live together but living separate lives. It all started with a deal for a sole purpose of expanding their b...
407K 12.1K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
6.9K 400 33
Being a oldest is hard.