Ang Mutya Ng Section E (Book...

By eatmore2behappy

120M 4.2M 3.7M

**Jay-jay. She's the only girl. They adore her so much. Protect her no matter what. But what if, the girl... More

eatmore2behappy
Chapter 126
Chapter 127
Chapter 128
Chapter 129
Chapter 130
Chapter 131
Chapter 132
Chapter 133
Chapter 134
Chapter 135
Chapter 136
Chapter 137
Chapter 138
Chapter 139
Chapter 140
Chapter 141
Chapter 142
Chapter 143
Chapter 144
Chapter 145
Chapter 146
Chapter 147
Chapter 148
Chapter 149
Chapter 150
Chapter 151
Chapter 152
Chapter 153
Chapter 154
Chapter 155
Chapter 156
Chapter 157
Chapter 158
Chapter 159
Chapter 160
Chapter 161
Chapter 162
Chapter 163
Chapter 164
Chapter 165
Chapter 166
Chapter 167
Chapter 168
Chapter 169
Chapter 170
Chapter 171
Chapter 172
Chapter 173
Chapter 174
Chapter 175
Chapter 176
Chapter 177
Chapter 178
Chapter 179
Chapter 180
Chapter 181
Chapter 182
Chapter 183
Chapter 184
Chapter 185
Chapter 186
Chapter 187
Chapter 188
Chapter 189
Chapter 190
Chapter 191
Chapter 192
Chapter 193
Chapter 194
Chapter 195
Chapter 196
Chapter 197
Chapter 198
Chapter 199
Chapter 200
Chapter 201
Chapter 202
Chapter 203
Chapter 204
Chapter 205
Chapter 206
Chapter 207
Chapter 208
Chapter 209
Chapter 210
Chapter 211
Chapter 212
Chapter 213
Chapter 214
Trivia
Cover
Cover II
Chapter 215
Chapter 216
Chapter 217
Cover III
Chapter 218
Chapter 219
Chapter 220
Chapter 221
Chapter 222
Chapter 223
Chapter 224
Chapter 225
Chapter 226
Chapter 227
Chapter 228
Chapter 229
Chapter 230
Chapter 231
Chapter 232
Chapter 233
Chapter 234
Chapter 235
Chapter 236
Chapter 237
Chapter 238
Chapter 239
Chapter 240
Chapter 241
Chapter 242
Chapter 243
Chapter 244
Chapter 245
Chapter 246
Chapter 247
Chapter 248
Chapter 249
Chapter 250
Chapter 251
Chapter 253
Chapter 254
Cover IV
Chapter 255
Chapter 256
Chapter 257
Chapter 258
Cover V
Cover VI
Chapter 259
Chapter 260
Cover VII
Part Two End
Cover VIII
Cover IX
Cover X

Chapter 252

686K 24.7K 19.6K
By eatmore2behappy

A/N: Congratulations sa mga Graduate at Moving up keneme na hindi ko magets! Hahahaha Charot! Bayad na ang paghihirap nyo at maghihirap pa kayo lalo! Bwuahahahahahahaha! 😂😂😂😂 Ang harsh ko ba!

Joke lang. Lagi nyo tatandaan na pasasaan ba at matatapos din ang paghihirap! Good luck sa inyong bagong school level or classmate. Aral mabuti!

Thank you so much sa cover na ito.@scarlet_cacai26


Thank din po sa cover na ito. @ColdGirl197






Hide and seek

Jay-jay's POV

"Aray ko!" Reklamo ko habang pilit binabawi ang kamay ko. "...nasasaktan naman ako sa kuko mo!"

"You walk like a tortoise. So slow!" Inis na sabi nitong Honey.

Patuloy sya sa pagkaladkad sakin. Partida naka-high heels pa yan. Kung nasa mood lang talaga ako ngayon sasapakin ko na sya eh. Kakatapos lang ng drama namin ng mga Ulupong kaya mabigat pa pakiramdam ko.

Nakarating kami sa labas ng school kung saan naka-park ang kotse nya. Malilintikan ako nito kay Kuya Angelo, iisipin nyang nag-cut ako ng class.

Pano ko kaya papaliwanag sa kanya na tinangay ako ng bubuyog?

"Get in!" Utos nya paghinto namin sa tapat ng kotse nya.

Wawawiwow. Ferrari.

Agad kong hinawakan ang pulso ko ng bitawan nya yon. Ang sakit talaga ng pagkakahawak nya. Feeling ko sagad sa buto. May galit ata sakin ang babaeng to!

"Bakit ba kailangan kasama pa ko? Si Felix dapat ang sinama mo." Sabi ko.

Basta nalang nya kasi ako hinablot. Hindi pa ko nakakasagot at si Felix sa kanya non. Malay ko naman kasi kung nasan yong magaling na lalaking yon.

"Are you damn or what? Obviously because you're his stepsister." Sagot nya sabay pitik sa daliri.

Aba teka! Tinarayan ako.

Nagpamaywang ang isang kamay ko. Ang isa naman at ginaya ang maarteng porma ng kamay nya animong handang mangalmot dahil sa haba ng kuko.

"Obviously, you're damn." Sagot ko sabay pitik sa hangin. "...si Felix ang kasama nya sa bahay kaya sya dapat ang hinatak mo."

"Eew. Don't copy me." Sabi nya sabay taas ng isang kilay. "Hindi ko pwedeng dalhin si Felix."

Binaba ko ang kamay ko mula sa baywang at isa naman napa-sampal sa noo ko. Matigas din ang ulo ng isang to eh. Bagay silang mag-Bessy ni Freya.

"Bakit naman ba?"

"Because we have a past."

Napataas ang isang kilay ko. "Naging kayo?"

"No!" Mabilis nyang sagot. "Niligawan nya ko pero hindi ko sya sinagot. Things like that."

Nag-nod naman ako kuwari pero hindi talaga ako kumbinsido sa sagot nya. Hindi kasi sya makatingin sakin ng diretso at parang nate-tense sya. Nawala yung katarayan nya kanina.

I smell something.....amoy jebs.

"Eeww... Umutot ka ba?" Tanong ko sa kanya sabay takip ng ilong.

Tinignan nya ko ng masama. "Hell no!"

Tinignan ko yung paligid. Wala namang aso or kahit na anong dumi ng hayop sa paligid namin. Binalikan ko ng tingin si Honey at napansin ko ang pamumuo ng pawis sa noo nya.

Napangiti ako ng malapad. "Ikaw nga yung umutot ano?"

"N-no! Stop it!"

Lalo akong napangiti. "Sige nga. Kung hindi ka umutot pahawak ng tenga." Sabi ko at inamba ang kamay sa tenga nya. "...sabi nila kapag malamig ang tenga umutot."

Agad nyang nilayo ang tenga nya sakin. Hinampas din nya ang kamay ko dahilan para mapangiwi ako sa sakit.

"What the fvck?! Sumakay ka na nga! Nag-iinit ang ulo ko sayo."

Napairap naman ako sa kanya at sumakay na nga sa magarbo nyang kotse. Sheeeet! Upuan pa lang, lakas na maka-yaman. Parang gusto ko tuloy ng ganitong kotse.

Sumakay na rin sya at mabilis na pina-andar ang kotse. Buti nalang at medyo mabagal ang ang mga sasakyan sa harap namin dahil parang handa na syang humarurot sa higpit ng hawak nya sa manibela.

"What's with the traffic? Buti pa sa London hindi ganito." Inis na sabi nya.

Napatingin naman ako agad sa kanya. London ang sinabi nya? Sa London. Ang alam ko....

Hindi kaya magkasama sila?

"Galing kang London?" Tanong ko.

Tinignan nya ko sandali bago ituon ulit ang paningin sa daan.

"Yes. I am." Bored nyang sagot.

"M-mag-kasama ba kayo ni K-keifer?" Alanganing tanong ko.

Gusto kong bawiin ang sinabi ko. Ayoko talagang alamin. Kakaiba ang kutob ko sa magiging sagot nya. Pero malaki'ng bahagi ko ang gustong marinig ang sasabihin nya.

"Y-yes." Sagot nya at agad na bumigat ang dibdib ko.

Putena kang talipandas ka!

Sinasabi ko na! May kawalang-hiyaan nga ang hayop na yon. Kaya pala natitiis ako ng Gago'ng yon. Kaya pala! Hudas ka! Kapatid ka ni Herodes! Pisti ka! Pisti!

"...but please don't tell him that I admitted it to you! He will kill me!" Dugtong nya na nagpatigil sakin.

Taka ko syang tinignan kahit sa totoo lang bet ko ng hatakin ang mahabang buhok nya at iuntog ang muka nya sa manibela.

"A-ano bang..."

"Yes, I'm with him in London but the reason is because of my job." Paliwanag nya habang paminsan-minsang tumitingin sakin. "...He's my boss."

Napakurap-kurap ako sa mga pinag-sasasabi nya. Boss nya si Keifer? Empleyado lang sya? At ang buong akala ko may nagaganap na milagro sa pagitan nila.

"Teka nga! Ihinto mo nga to! Ipaliwanag mo nga ng maayos!" Inis na utos ko.

"Ugh! I can't believe I have to do this!" Reklamo nya pero niliko parin nya ang kotse para iparada sa gilid ng daan.

"Ipaliwanag mo ng maayos! From the top!" Utos ko ulit.

Inirapan muna nya ko bago magsalita. "Look, Keifer is my Boss. I know you already know that my uncle is his lawyer. Kailangan nya ng mapag-kakatiwalaan na tao, at isa ako don."

"Ano trabaho mo sa kanya? Sexytary? Ganon?!" Pagtataray ko.

"You can say....but maybe not. As far as I remember si Keigan ang assistant nya."

Si Keigan? Kinalaman ni Keigan? Ang bata pa kaya non. Kasing edad ni Ci-N, pero sabagay matalino naman sya. Parang matanda mag-isip.

"Ok. Kuwari nalang assistant ka." Sabi ko para isantabi ang usapan. "...pero ano'ng ginagawa nyo sa London?"

Nag-feeling Hari at Reyna? Ganern?

Muli na naman syang umirap na para bang napaka-tanga ko kausap.

"Duh! Hindi mo ba nabalitaan ang paglipat ng lahat ng pera ng Watson's sa  kanya?"

Napakamot ako sa batok. "N-nabalitaan naman."

"And you're asking a damn question." Sarcastic na sabi nya. "...where talking about billions or trillions of money here. Ano sa tingin mo ang gagawin namin sa London? Of course to work with it! To help him transfer and work with the papers." Inis na paliwanag nya. "... seriously?"

Sorry naman! Malay ko naman dyan.

Para akong nanliit sa kinauupuan ko dahil sa paraan nya ng pagsasalita. Feeling ko ang tanga-tanga ko at hindi ko naiintindihan yung mga ginagawa nila.

"Eh k-kung may trabaho pala kayo, bakit andito ka?"

Tinignan na maman nya ko na para bang ako na ang may pinaka-maliit na utak sa mundo.

"Wala ka ba talagang alam sa nangyayari kay Keifer?"

Umiling ako habang bakas ang pagtataka. Tinitigan nya ko ng ilang sandali bago pag-desisyunang paandarin ulit ang kotse.

"Later." Ang tanging isinagot nya sakin.

Pinili ko nalang na tumahimik at baka mapikon na sya ng tuluyan hindi ko pa malaman ang dapat na malaman sa ugok na yon.

Pero bakit si Keifer ang tinutukoy nya eh tungkol sa kanya ang tanong ko? Labo din nito. At anu bang ginawa ng kapatid kong baliw sa kanya?

May ginawa sigurong kalokohan yon.

"Saan natin pupuntahan si Percy?" Mahinahong tanong nya.

"Try natin sa bahay nila ni Felix."

Itinuro ko sa kanya ang daan. Hindi nagtagal at kumanan sya sa subdivision kung saan ang bahay nila. Kita ko agad ang bahay nila Felix na may ilang beses ko na ring napuntahan.

Ituturo ko pa lang sana yon sa kanya pero mukang hindi na kailangan. Malayo palang kasi nakatitig na sya ng masama don. Kusa din syang huminto sa tapat ng hindi man lang tinatanong sakin ang eksaktong bahay na pupuntahan namin.

Parang may something talaga eh.

Bumaba na ko ng kotse at ganun din sya. Hindi muna ko gumalaw nung una para tignan kung sya na ba ang kakatok at haharap sa mga tao sa loob. Nung hindi sya kumilos, ako na ang gumawa at dalawang beses kong pinindot ang doorbell.

Ilang sigundo lang ang hinintay namin ng bumukas ang gate at seryosong naka-tingin samin ang Mama ni Felix. May hawak pa syang potholder at nakasuot pa ng apron.

"J-jay-jay? K-kamusta? May kailangan ka ba?" Nauutal na tanong nya.

Napansin ko na parang hindi sya mapakali at may ilang beses din syang lumingon sa loob. Hindi ko sigurado kung bakit sya nagkakaganyan pero may kakaiba na kong kutob. Ngumiti ako sa kanya.

"Magandang araw po. May kasama po ako na naghahanap kay Percy." Sabi ko sabay turo kay Pulot. "...sya po si Hali—este Honey Bee."

Muntik ko ng sabihing Halimaw.

Ngumiti naman si Tita sa kanya. "K-kamusta? Nice to meet you. Ako pala ang mother ni Percy."

Lumapit naman si Honey sa kanya. Nakangiti pa sya sabay beso sa magkabilang pisngi bago tuloy-tuloy na pumasok sa gate.

Ay wow!

Huminto sya sabay tingin sa paligid bago kami harapin. "Nice to meet you rin po. Shall I call you Mom or Mama or Mommy?"

Ene? Iba rin ang kakapalan ng muka nito. Solid!

Napangiwi ako sa inasta nya. Puno naman ng pagtataka ang Mama nila Felix.

"H-ha?" Ang tanging nasagot nya.

Ngumiti ulit si Honey sabay hawi ng mahaba nyang buhok. "Ako po ang future daughter-in-law nyo."

Yung namangha ka nalang sa kakapalan ng muka nya. Napakurap-kurap nalang ako. Kakaiba ang babaeng to. Sobrang kakaiba, dinaig pa yata ako.

Ang tanong sino ang makakatuluyan nya. Si Percy ba o si Felix na parang may something sa pagitan nila.

Pinilit ngumiti ni Tita sa kanya. "G-ganun ba?"

"Opo. Asan po pala si Percy?"

Napansin ko ang mahigpit na pagkakahawak nya sa potholder. Hindi rin sya makatingin sa mga mata ni Honey. Halatang merong mali o mas tamang sabihin na merong tinatago.

"W-wala sya eh."

Mabilis na tumaas ang isang kilay ni Honey. Mukang nahalata din nya na meron kakaiba kay Tita.

"Nasan—?"

"Mama! Sunog luto mo!" Sigaw ng isang bata mula sa pinto ng bahay.

Natarantang pumasok si Tita para puntahan ang niluluto. Pumasok naman ako para tignan kung sino yung batang nagsalita. Napangiti ako ng makita sya at ang kulay asul nyang mga mata.

Si Dalia.

"Hello, naalala mo pa ko?" Tanong ko habang bahagyang naupo para pantayan sya.

Hinawi nya ang mahabang buhok na nakaharang sa muka nya. Ngumiti sya sakin at tumango.

"Ate Jay-jay." Sagot nya at niyakap ako.

Niyakap ko din sya at hinalikan sa pisngi. Ilang buwan pa lang nung huli naming pagkikita pero parang ang laki na nya agad. Mabilis talagang lumaki ang mga bata ngayon.

Narinig ko ang bahagyang pag-ubo ni Honey mula sa likod ko. Bumitaw ako mula sa pagkakayakap ni Dalia at tinignan sya.

Muntik ko na syang makalimutan. Namiss ko kasi ang Baby girl nila Felix. Kahit medyo creepy yan, labs-labs ko yan.

"Si Dalia, bunso'ng kapatid nila Felix at Percy." Pakilala ko sa kanya.

Bahagya syang yumuko at nginitian si Dalia. "Hello Dalia, you have a beautiful eyes."

Nanlaki ang mata ni Dalia at tinuro sa muka si Honey sabay sigaw ng "Impakta!"

Nagulat ako sa sinigaw nya kaya mabilis kong tinakpan ang bibig nya. Mang tignan ko si Honey halos matunaw kami sa sama ng tingin nya samin.

"Excuse me?!" Iritang sabi nya.

"W-wag mong pansinin yon. H-hindi nya alam ibig sabihin non." Pagsisinungaling ko sabay ngiti.

Maniwala ka nalang, pakshit!

"Whatever. Asan ang Kuya Percy mo?" Tanong kay Dalia.

Tinanggal ko ang pagkakatakip ko sa bibig nya. Tinignan nya si Honey pero wala syang kahit na anong sinabi. Hindi ko mapigilan na hindi kabahan. Baka kasi nasaktan ko sya ng hindi ko alam.

Hinarap ko si Dalia sakin at nginitian sya. "May problema ba?"

Lumapit sya sa tenga ko at bumulong. "Sabi ni Kuya, magnanakaw daw yan ng Puri. Wag ko daw kakausapin."

Anong?! Sira-ulo talaga ang Blue eyes na yon! Pati ba naman yon tinuro sa bata. Kung hindi ba naman abnormal ang lintik.

Bago pa man ako makapagsalita, tumakbo na sya papasok sa bahay kung saan nagpunta ang Mama nya. Tumayo ako at kamot ulo na hinarap si Honey.

"M-mukang wala si Percy." Sabi ko.

Halatang hindi sya kumbinsido sa sinabi ko. Bigla nalang syang pumasok sa bahay habang sinisigaw ang pangalan ng kapatid kong tukmol.

Pasaway kasi! Kainis!

"Where the hell are you Percy?!" Sabi pa ni Honey.

Lumabas na mula sa kusina sila Dalia at ang Mama nya. Nakakapit ang bata sa dulo ng damit ng ina habang takang nakatingin sa babaeng sigaw ng sigaw.

Inakyat na rin nya ang second floor ng bahay. Nagulat si Tita kaya agad syang sinundan. Naiwan si Dalia at maya-maya lang ay lumapit sya sakin at hinawakan ako sa kamay. Akala ko dahil natatakot sya pero unti-unti nya kong hinatak papunta sa likod ng bahay nila.

Dito kami nagkita ni Percy non nung panahong pinagtataguan nya pa ang mga kaibigan at pamilya nya. Tumigil kami sa harap ng CR kung saan nya ko hinatak non.

Parang alam ko na.

Binuksan ko yung pinto ng CR at tiningala ang kisame. Hindi nakalapat ang sarahan sa butas non.

"Percy." Mahina'ng tawag ko sa kanya pero sapat para marinig nya.

Hindi nagtagal at bumukas yon at sumilip ang kulay asul na mata ng baliw kong kapatid.

"Hi Jay. Andyan pa sya?" Mahinang tanong nya.

Nag-nod ako sa kanya. "Anong ginawa mo? Bakit hina-hanting ka non?"

"Hindi ako sumipot sa Date namin kagabi."

Sandali akong tumingin sa loob ng bahay bago sya muling harapin para kausapin.

"Anong date? Kayo na ba?"

Mabilis sya umiling. "Impakta yan. Ang kulit-kulit."

Napailing nalang ako habang natatawa. Sa kanya pa talaga nang-galing ang salitang yon. Sa kanya pa talaga. SA KANYA PA TALAGA, AH?

"Ayaw mo bang maulit ang nangyari sa inyo non?" Pang-aasar ko.

Bigla nalang syang umarte na parang nandidiri. "Niyurakan nya puri ko tapos uulitin ko pa. Aba naman!"

Napalakas ang huling sinabi nya dahilan para mag-echo yon sa banyo. Agad akong tumingin sa loob ng bahay pero mukang hindi rin nila napansin o narinig pa yon.

Niyurakan......lalim!

"Ikaw nga. Wag mo turuan si Dalia ng mga ganyang salita." Sermon ko sa kanya.

"Hindi naman nya alam ang ibig sabihin non." Sagot nya sakin.

Napairap nalang ako. Tukmol talaga sya. Sarap gawing pula ang asul na mata nya.

"Sige na. Hahatakin ko na paalis dito para makalabas ka na dyan." Dinuro ko sya. "...may utang ka sakin."

"Thanks sista." Maarteng sagot nya at kumindat.

Sinara ko ang pinto ng banyo at hinawakan si Dalia sa kamay para ayaing pumasok sa loob. Naririnig ko sila Tita at Honey na mukang nag-uusap.

"Ate Jay-jay." Tawag sakin ni Dalia. "Ano yung puri?"

Anaknang... Eto na sinasabi ko.

Napakamot ako sa ulo. "Isang bagay na meron ang Kuya Percy mo pero hindi halata."

Nag-nod naman sya bilang pagtanggap sa sagot ko. Hindi ko mapigilan na hindi matawa. Alam ko naman kasi na hindi nya talaga naiintindihan yon. Masyado pa syang bata para ipaliwanag ang bagay na yon sa kanya.

Pagpasok namin sa loob. Stress na stress ang itsura ng bubuyog. Maka-ilang ulit nasuklay ang buhok habang merong tinatawagan sa cellphone.

Napatingin samin si Tita na parang merong gustong itanong. Mukang alam nya kung saan nagtago ang luko nyang anak. Ngumiti lang ako at pasimpleng sumenyas ng thumb's up sa kanya.

Huminga naman sya ng malalim at parang nawala ang pag-aalala. Hinarap nya ulit si Honey na mukang inis na inis na sa cellphone nya.

Malakas na buntong hininga na may kasamang sigaw ang binitiwan nya. Bahagyang natakot si Dalia sa ginawa nya at nagtago sa likod ko.

Humarap sya samin na nakangiti. Muka syang baliw na malapit ng mawala sa sarili.

O baka talagang nawawala na.

"Pagbalik ni Percy, pakisabi sa kanya na sagutin ang tawag ko. Mauuna na po ako." Sabi nya at tuloy-tuloy na naglakad palabas ng bahay.

"Teka!" Tawag ko sa kanya.

Balak pa yata akong iwan, eh sya tong nagsama sakin dito. May sira talaga sa tuktok yon.

Nagpaalam na ko kay Dalia at sa Mama nya. Sinabi kong babalik nalang ako kapag may oras ako. Nanghingi din ako ng sorry dahil sa pang-gugulo nitong Impakta'ng to.

Patakbo akong lumabas para habulin si Honey. Buti nalang at pasakay pa lang sya ng kotse kaya abutan ko sya.

"Hoy! Hoy! Aba! Baka gusto mo muna akong hitayin." Sabi ko sabay turo sa kanya.

"Whatever! Get in!" Sigaw naman nya sakin.

Tulok tong babae na to. Hindi lang nakita si Percy tinopak na. Kasalanan din naman kasi nya, kung hindi nya kinulit ng kinulit yung isa hindi naman sya tataguan.

Sumakay ako sa kotse nya at padabog  na sinara ang pinto ng kotse. Wala naman syang sinabi sa ginawa ko kaya hinayaan ko nalang sya.

Mayaman naman sya, marami sya pambili kotse.

Halatang naiinis na pa rin sya sa taguang nangyari sa kanila ni Percy. Atat pa naman akong itanong sa kanya yung sinasabi nya tungkol kay Keifer.

Panu ko kaya sisimulang itanong sa kanya?













++Don't forget to Vote, Comment and Share. 😉 ++

Fb Page: Ang Mutya ng Section E
Fb Group: Tropa ni eatmore2behappy
Twitter: @lareypot
Instagram: @lareypot
Author's FB Page: Lara Flores - eatmore2behappy

Continue Reading

You'll Also Like

42.3K 409 38
Book 2 of The Good Step Father She knew it was her fault.Her step dad was locked in prison for the crime of rape against her.Young and vulnerable,she...
31.8M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...
531K 19.5K 43
Si Crizel ay mahigit isang dekada ng bwisit na bwisit kay Kester Belleza. Mahigit isang dekada na nya itong sinusumpa. Kulang na lang ay ipakulam nya...
7.7M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...