Elysium Academy (Completed)

Por iamjewelrie

80K 2.5K 159

She's Argon Neomy Mendez, an ordinary girl with an ordinary life, until one day she meet Krypton Lee an arrog... Más

WELCOME TO ELYSIUM ACADEMY
PROLOGUE
CHAPTER 1: SLAVE
CHAPTER 2: CURIOSITY
CHAPTER 3: XENON LEE
CHAPTER 4: NIGHTMARE?
CHAPTER 5: NEW FRIEND
CHAPTER 6: VOCAL CLUB CONCERT
CHAPTER 7: BLACK DRAGON ORGANIZATION
CHAPTER 8: TO THE RESCUE
CHAPTER 9: SUPREME STUDENT GOVERNMENT
CHAPTER 10: NEW LEADER OF VOCAL CLUB
CHAPTER 11: THE SECRET OF EA
CHAPTER 12 : BASKETBALL TOURNAMENT PART 1(COPPER's MEMORIES)
CHAPTER 13 : BASKETBALL TOURNAMENT PART 2 (KRYPTON VS XENON)
CHAPTER 14 : FORBIDDEN LOVE
CHAPTER 15: A DATE!?
CHAPTER 16: MASQUERADE BALL (PART 1)
CHAPTER 17: MASQUERADE BALL (PART 2)
CHAPTER 18: PAST
CHAPTER: 19 NEW MEMBER
CHAPTER 20: ACTS ON PURPOSE
CHAPTER 21: THE PIANIST
CHAPTER 22: THE GLASS
CHAPTER 23: HER PLAN
CHAPTER 24: THE FAVOR
CHAPTER 25: DEVIL BESIDE ME
CHAPTER 26: THE CONFESSION
CHAPTER 27: KISS UNDER THE RAIN
CHAPTER 28: TWO PIECE
CHAPTER 29: REVENGE
CHAPTER 30: THE NECKLACE
CHAPTER 31: BEHIND THE MASK
CHAPTER 32: TRAP?
CHAPTER 33: HER PAST
CHAPTER 35: FINAL BATTLE (PART 2)
CHAPTER 36: UNREPLACEABLE
CHAPTER 37: I'M NOT DEAD?
CHAPTER 38: GRADUATION DAY
CHAPTER 39: FAREWELL, ELYSIUM ACADEMY
CHAPTER 40: REAL WORLD?
ELYSIUM ACADEMY: EPILOGUE
AUTHOR'S NOTE!!!
Top Question's about "Elysium Academy"
Announcement!

CHAPTER 34: FINAL BATTLE (PART 1)

1.1K 32 0
Por iamjewelrie


Argon's POV

"Ate, gumising ka na, hindi ba marami pa tayong planong gawin. Magiging isa ka pang magaling na doctor diba kaya please gumising ka na, nandito lang ako sa tabi mo"

Umiiyak na sabi ng batang babae sa babaeng nakahiga sa kama, kulay puti lahat ng nakikita ko.

Nakatulala lang ako sa babaeng nakahiga sa kama, habang umiiyak ang batang babae sa tabi nya, panay ang tawag nito ng ate. Biglang tumulo ang luha ko. Totoo ba to, ang babae sa panainip ko ay ako? Habang si Hydria naman ang batang babae na umiiyak sa gilid ng kama ko.

Lumapit ako kay Hydria. Napansin ko ang pamilyar na kwintas na hawak niya. Napatingin ako sa kwintas na suot ko ngayon. Parehas na parehas ito.

Bakit ba hindi ko agad na isip na si Hydria na kapatid ko sa nakaraang buhay ko ay ang Hydria na nakilala ko sa Montevilla resort.Kung nandon siya sa Elysium ay malamang ay sumakabilanag buhay nadin siya. Hindi ko lubos maisip na patay na siya.Wala man lang ako sa tabi nya, sa mga oras na kailangan niya ko. Sana magawa na niya ang misyon niya sa Elysium para ma reincarnate na siya at mamuhay ng maligaya at walang sakit.

"Krypton! what happened?" sabi ni Mrs Lee.

Nabaling ang atensiyon ko sa labas ng kwarto kung nasaan ako. Kita ko kung pano sila mabahala dahil sa nangyari kay Krypton. Hindi katulad ko ay kumpleto ang pamilya niya.

Nakakalungkot lang na dead on the spot si Chlorie hindi na naagapan ang pagtagas ng dugo mula sa kanya kaya binawian agad siya ng buhay. Habang si Krypton naman ay nag aagaw buhay. Ilang oras nalang ay ibibigay ko na din ang puso ko kay krypton. Yun ang binilin ko kay Collin kaya gagawin niya yon.

****

"I don't want, hindi ko matatanggap ang puso niya" hirap na sabi ni Krypton. Ito ang unang beses na nagsalita siya mula noong insidente na yon. Buong panahon na nandito lang ako sa tabi niya habang ang katawan ko naman ay unti unti ng humihina.

"But Krypton, Pumayag na si Argon na idonate sayo ang puso niya" paliwanag ni Collin. Kasalukuyan lasing sinasabi nila kay Krypton ang gagawing transplant para maduktungang ang buhay niya dahil may sakit ito sa puso at nangangailangan na ng donor ang pamilya nito.

"I said, I don't want. Mas gugustuhin ko pang mamatay kesa kunin ang puso ng taong mahal ko"

Lahat sila ay nagulat sa ginawang pa gamin ni Krypton, pati ako ay nagulat din, sayang lang at wala ako dito para sabihing mahal ko din siya. Hindi nya ako makikita dahil pawing alaala lang ang nakikita ko ngayon.

"If you said so,wala na kaming magagawa" sabi ng doctor.

Paglipas ng mga araw ay nacomatose ako, tuluyan ng nawalan ng pagaasa si Collin at Hydria. Ayokong makita silang malungkot at nasasaktan. Sila nalang ang natitira sakin dahil wala na ang mga magulang namin ni Hyrdria.

****

"Argon, please wake up"

Unti unti akong nagmulat ng mata dahil sa pamilyar na narinig kong boses. Mula sa pagkakahiga ay naaaninag ko ang ihame ng isang pamilyar na mukha.

"Argon? I'm so glad that you're finally awake"

"K—Krypton?" I said. Bumangon ako ng unti unti at niyakap siya ng mahigpit. Pakirmdam ko ay parang ang tagal kong natulog.

"It's me, ang akala ko ay hindi kana magigising" malungkot nasabi nito.

"Mabuti naman at nagising ka na din Krypton"

"Of course I am. It's been a month noong na baril ako ng mga tauhan ni Neon" sabi nito.

"What? Kung ganon ay magiisang buwan na din akong natutulog dito?" hindi makapaniwalang sabi ko.

"Yes, and all this time hindi ako nawala sa tabi mo. I'm always here for you my love" nakangiting sabi niya. Bahagya naman akong pinamulahan dahil tinawag niya akong love.

"Kamusta ang Elysium Academy, nakita niyo na ba si Neon?" tanong ko.

"hindi pa but don't worry hinding hindi ko siya hahayaang lumapit sayo" sagot nito.

"Sorry, Ako ang may kasalanan ng lahat"

"No don't blame yourself hindi mo kasalanan, wala kang kasalanan. Ako nga itong nagsinungaling tungkol sa mga nalalaman ko sa pagkatao mo" sabi niya.

"No, hinde. Alam ko na ang lahat. Ipinakita lahat ito ng panaginip ko sa tulong ni Mr. Principal, bakit ba hindi mo tinaggap ang puso ko at nagmatigas ka pa rin, edi sana buhay ka pa hanggang ngayon" malungkot na sabi ko.

"Hindi pa ako baliw para kunin ang buhay ng mahal ko"

"Eh diba patay naman din ak—"

Natigil ako sa pagsasalita dahil sa sunod sunod na putok ng baril galing sa labas. "Ano yon Krypton!" sigaw ko.

"Shit, stay here Argon. I'm gonna fix this" sabi niya at saka hinalikan ako sa noo saka tuluyan ng umalis.

What's happening? Nanggugulo nanaman ba sila Neon? Kailan ba matatapos ang digmaan na to.

Takot ma ngunit lumabas ako sa kwarto, hindi ko hahayaang wala akong magagawa dito at tutunganga lang hanggang unti unting mamamatay ang mga kaibigan ko.

"Argon!" napalingon naman ako dahil sa boses na tumawag sakin. Arsenica?

"Arsenica? Kamusta, nasan ang iba?" tanong ko dito. Kapansin pansin din ang paghingal nito at may dalang plastic sa kanang kamay niya.

"Kasalukuyang nasa Student Councils sila Nickel, Titinia, Francy, at Boron, habang nasa laban naman sila Krypton at Xenon" sabi ni Arsenica.

"Mabuti naman at ligtas ang iba, Anong mga nangyari noong hindi pa ako nagigising?"

"Madami ang naglaho Argon dahil nagawa na nila ang mga misyon nila, pero ang iba naman ay bigla nalang nawala, ang hinala ng mga student Councils ay may kinalaman ang mga Black Dragon Organization sa pagkawala ng mga studyante" paliwanag niya.

"Hindi parin tumitigil si Neon sa pag aalsa niya sa Elysium Academy" sabi ko.

"hindi nga ako makapaniwalang siya pala ang leader ng Black Dragons" sabi naman ni Arsenica.

Nagmadali kaming pumasok sa Student Councils, dito ay ligtas dahil hindi madaling matunton ang lugar na to.

"Argon! Mabuti naman at gising kana" bungad agad sakin ni Francy.

"Salamat Francy" sabi ko at saka nilibot ang paningin sa silid. Nakita ko ang nakahiga na sugatan na si Boron at Nickel katabi nila si Titania at Arsenica na kasalukuyang ginagamot ang mga sugat ng mga ito.

"Anong nangyari kila Boron at Nickel? Bakit sila sugatan" tanong ko.

"Natamaan sila ng bala ng mga Black Dragons, madami ang namatay at sugatan dahil sa paglusob ng mga ito, at kapansin pansin din ang pagdami nila ngayon, Kasama na din sa kanila si Beryl at Chlorie" paliwanag ni Francy.

"Hindi ko hahayaan na ganito nalang, kailangan nating lumaban at ipagtanggol ang mga sarili natin. Hindi lang dapat tayo magtago sa kanila" hindi ko maiwasang mapasigaw dahil sa mga nagyayari.

"Pero Argon, Hindi natin sila kaya, may mga baril sila" sabi naman ni Arsenica.

"May magagawa tayo, alam kong may magagawa tayo para pigilan sila" sabi ko at saka nag madaling umalis.

"Argon! Delikado yang gagawin mo" sigaw pa ni Francy pero hindi ako nagpapigil, buo na ang desisyon ko na haharapin ko sila.

Habang tumatakbo sa hallway ay kita ko ang ibang mga studyanteng sugatan, ang iba ay nagtatago sa mga kani kanilang classroom.

Nakarinig ako ng sunod sunod na putok ng baril, may kutob akong nanggagaling iyon sa kagubatan. Alam kong mapanganib pero pumunta ako sa kagubatan, alam kong andon si Krypton, alam kong sinusubukan niya ang lahat upang ipagtanggol kami.

Seguir leyendo

También te gustarán

87.7K 2.8K 32
.. She's back to fullfill her promise', will she ever be happy? or promises are meant to be broken.. . . . . Again??.,
229K 7.3K 63
Si Zaira Athena Lundberg ay isang ordinaryong babae na namumuhay sa mortal world. Nang sugurin ng mga Zombie at Vampire ang lugar nila ay nalaman n...
10.1M 500K 80
◤ SEMIDEUS SAGA #04 ◢ Promise of the Twelve - End of the rebellion as prophecied by the titan goddess, Mnemosyne. It seems like fighting a titan...
168K 3.1K 83
Snow could have simply chosen to die when everything was taken away from her. No, she was already dead. But her heart was taken and she lived. She li...