Happy Never After. #KathNielR...

By erindizon

114K 3K 487

Dalawang pusong pinamanhid ng kahapon. Dalawang pusong pinatigas ng mahabang panahon. Dalawang pusong pin... More

Happy Never After.
The Band of Friendship. (2 of 5)
The Band of Friendship. (3 of 5)
The Band of Friendship. (4 of 5)
The Band of Friendship. (5 of 5)
Once Upon A Time.
Page 01 - Dale's First Project.
Page 02 - Ang pusa at daga sa mga love birds.
Page 03 - No monkey business, for now.
Page 04 - Ang Selosong Chaperon.

The Band of Friendship. (1 of 5)

11.3K 287 22
By erindizon

The Band of Friendship. (1 of 5)

The friend, the listener, the selfless, the brother and the hurt.


KENNETH. The Friend.

Pagkaalis namin ni Caloy kina Kari at Sean, dumeretso kami sa Infinity Restobar. Ewan ko bakit kami napadpad dito. Pero di naman kami tutugtog. Magpapalamig lang siguro ng ulo.



”Brad, mangchix na lang tayo.” Binatukan ko si Caloy na nagpapacute sa mga girls sa kabilang mesa.



”Wala na nga si baby Kari, ganyan ka pa.”Uminom ako ng iced tea. Oo, iced tea lang. Shempre mabait ako, hindi ako umiinom ng hindi dapat dahil nakakapangit ng katawan yon. Ang sexy ko pa man din.



“Yun na nga pre, wala na yung prinsesa natin. Tara na’t humanap ng bago.”



“Siraulo ka talaga. Hindi napapalitan si Kari basta-basta. Dyan ka nga muna.”Iniwan ko dun si Caloy at kinausap ko si Tita Erin na busy sa may counter at may kausap. Sumenyas ako na tutugtog ako sa may stage since wala pa namang nakasalang na banda.



“Go! Walang bayad yan ah. Ikaw may gusto eh.”



“Kuripot mo talaga tita, kahit libreng food, wala?” Pacute ko bago umalis. Binato lang ako ng tissue paper ni tita. If I know pag balik ko sa table namin may pagkain na non. Si Tita pa, di naman kami natitiis non.

Naglakad na ko papunta sa harap. Sakto namang nadaanan ko si Caloy na nagpapacute sa mga girls at nakikipagkwentuhan. Nakihighfive lang ako tapos umakyat na ko sa makeshift stage dito sa bar.



Bucket full of tears

Baby, know I'm here

I'm here waiting

Napatigil yung iba sa ginagawa nila tapos nakinig.



Close your precious eyes

And just realize

I'm still fighting

Biglang may dumating sa bar at tinitignan ko siya na parang wala siya sa sarili. Sinenyasan ko si Caloy na tignan din siya.



For you to be with me

And sit under this tree

We can watch the sunrise

We can watch the sunrise

Nilapitan siya ni Caloy at inayang umupo sa table namin kanina. Iniwan tuloy ni Caloy yung mga chix niya.



Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you

Tulala lang si Dale sa tabi ni Caloy. Ayoko na siyang tignan at nasasaktan din ako para sa kaibigan ko. Hindi lang din naman si Dale ang iniwan.

Kami rin.



Wake up feel the air that I'm breathing

I can't explain this feeling that I'm feeling

I won't go another day without you

Hold on I promise it's gets brighter

And when it rains I'll hold you even tighter

I won't go another day without you

Without you

Tinapos ko yung kanta at tumayo na rin ako. Papunta na sana ako sa table namin nila Caloy ng may madaanan akong babaeng nagiisa sa table niya. Pareho sila actually ng mukha ni Dale. Malungkot at tulala.



“Miss, panyo oh.” Inabutan ko siya ng panyo kaya bigla naman siyang natauhan.



“Okay ka lang? Basa na ng luha ang mukha mo oh.” Ako na mismo ang nagpunas. ”Alam mo ba, ang babae gumaganda kapag ngumingiti lalo na kung pati ang mga mata?” Unti-unti naman siyang ngumiti ng tipid.



”Salamat. Pasensya ka na, naiyak lang ako sa kanta mo. Ang lungkot kasi.” Siguro heartbroken ’to, o kaya iniwan ng taong mahal niya.



“Dianne (LovesickFoolxx) nga pala. Ikaw rin, ngumiti ka.” Ngumiti ako at that instant at hinawakan ko yung kamay niyang nakaabang para sa handshake.



“Kenneth.” Nagulat naman ako ng biglang may bumato ng mani sa akin. Ano ba yan, kanina pa ko binabato ah.



“Halika na dito, wag ka na mangchix dyan.” Nagpaalam na rin ako kay Dianne.



”Sige ha, may kaibigan pa kong pangingitiin eh. Sana sa susunod na makita kita, nakangiti ka na ng masaya.”

Pinanuod ko siyang lumabas ng bar at hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.



”Nakuha mo number, brad?” Tanong ni Caloy.



”Hindi number ang unang kinukuha sa babae, brad.”Napatingin naman yung dalawa sa akin.



”Syempre, pangalan muna diba. Magkikita pa kami nun. Sorry pala kanina, bro.” Inabot ko yung kamay ko kay Dale at inabot rin naman niya yung sa kanya at nagkamay kami.



”Dito pa naman kami, bro. Kung may paraan lang, tutulungan ka naman namin eh. Kaso, decided na talaga si Kari, kahit si Sean eh.” Ngumiti lang naman ng malungkot si Dale tapos tinungga niya yung iced tea ko.

Ay ano ba yan.

Iced tea ko yun eh.

Continue Reading

You'll Also Like

35.1M 1.2M 37
Agatha suffers from a rare disorder that makes her sleep in a long period of time. But what happens when the modern-day sleeping beauty meets an idio...
6.2K 72 17
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
176M 3.9M 68
[BAD BOY 2] You can't turn a bad girl good, but once a good girl's gone bad, she's gone forever. Yang ang motto ni Candice. Sa pagmamahalan na meron...
1M 81.3K 58
☆ 2023 Watty Award Winner ☆ ☆ Wattpad Webtoon Studios Entertainment Prize Winner ☆ Cutthroat campus drama and politics with make-believe relationship...